8

Usap

How disgusting!

Hanggang ngayon, hindi pa rin maipinta ang mukha ko. Dapat nga nakangiti na ako gaya ng ibang tao rito sa Calle Crisologo, nag-enjoy! But knowing Lyrea is back here in Ilocos makes me want to squeal! Surely, she will stay longer to flirt with my new tutor! Kairita, 'di ba?

Nilingon ko si Sir Geon sa likod ko. Nakasunod lang siya kung saan ako pumunta. Wala ako balak kausapin siya. Naiinis din ako sa kaniya. E, halata naman na napilitan siyang samahan ako dito. Sana binawi niya na lang, hindi ba?

"Laire, ice cream," alok niya nang lapitan na ako.

Huminto ako sa paglalakad. Iritado akong humalukipkip. Nagtaas ako ng kilay sabay nandidiring tiningnan ang ice cream na inalok niya. Binalik ko ulit sa kaniya ang tingin.

"Mukha ba akong batang kalye para bigyan mo ng ... dirty ice cream?"

Pumalatak siya sa gilid niya. He smacks his lips, and his firm jaw gets tense by the minute. Aiming for his dark cold eyes, I get only chills in my spine. He sighs gently and then throws the ice cream near the public bin.

"Mainit ulo mo. Akala ko gusto mo kaya bumili ako." mahinahon niyang sinabi.

Iniwas ko ang mata ko. Kinurot ko ang braso ko. Nasa pagitan ako ngayon ng guilt at ego. Hindi pa rin nabawasan ang inis ko mula kanina. Nakangiti na ako kanina dahil pinili niya samahan ako pero hindi ko maiwasan magduda! Ayaw ko maramdaman na napilitan ang isang tao na makasama ako sa gimik ko. At iyon ang dahilan ng inis ko sa kaniya.

I am overthinking. Paano kung gusto na niya umuwi kami para makapag usap sila ni Lyrea nang matagal, gano'n! Aba, sinong tanga ang magseselos? Hindi ako! Bakit ako magseselos? E, mas matanda siya sa akin. Hindi ko siya type! It'll never be! Ang point ko rito—ayoko ng pakiramdam na napilitan siya!

"This is boring. I am bored now. Could you please, send me back home?" wala sa hulog kong sinabi.

"We just came, Solaire," he scoffed. "We came here for nothing? Akala ko ba nais mo bumili ng mga gusto mo?"

It took me minutes to recalled how he sounded like when seriously asking. Pakiramdam ko, lagim na mismo ang lumapit sa paligid upang ipakilala si Sir Geon.

Just like his firm and huge body frame, his voice declares power, authority, and so much more of masculinity. I find him tough and hard when in a serious mode. I could have died of suffocation.

He folds his sinewy arms. His thick black brows narrowed in irk while looking directly at me. When he clicks his tongue, I know he's pissed off.

"Hindi kasama sa trabaho ko ang makipaglaro sa'yo, Solaire. Bakit hindi mo ako diretsahin anong problema mo? Dumayo tayo rito para paburan ka sa gusto mo. Ngayon, nagkaganyan ka. Hindi ko maintindihan." he said humorlessly.

Tuluyan na nawala ang gana ko. Seryoso na siya masyado. Natural lang siguro ang nararamdaman ko ngayon. Bumigat ang dibdib ko na halos hindi na ako makapagsalita.

Sino ba nagsabi sa kaniya na nakikipaglaro lang ako? Dapat hindi na lang kami tumuloy dito. O hindi kaya, sina Mon or Wed na lang isinama ko. Kung alam ko lang na sama ng loob makukuha ko sa kaniya.

"Fine. Take me back home, Sir." Tugon ko bago siya tinalikuran.

I could have been walking only if he did not grab my arm. Tamad ng humarap ako sa kaniya.

"Hindi tayo uuwi hangga't hindi mo nabibili ang gusto mo. You cannot stay mad at me, Solaire."

I gritted my teeth. Ilang beses ko na siya narinig na tinawag ako sa buo kong pangalan. He used to call me Laire, not Solaire! Huh! Ano, indication ba iyon na iritado siya?

"Nagbago na ang isip ko. Ang totoo, wala naman akong pera, e. Terminated pa rin accounts ko, Sir. Grounded pa. Gusto ko lang umalis sa mansyon dahil nasu-suffocate na ako!" pag-amin ko.

Mariin siyang napapikit. Pagmulat, sing dilim ng pangalan niya ang mata nang tumitig sa akin. Halos maiatras ang isa kong paa. May ibang tao napatingin sa gawi namin, nagtataka sa nangyayari ngunit wala lang sa kaniya iyon.

"I am still your teacher. Tell me. Raising your voice is an appropriate way to communicate with people older than you, isn't it?" he talked like a mad professor now.

Hindi ako sumagot. Tinuon ko ang atensyon sa mga tao. Masayang naglalakad, namamasyal, at nakikipag kwentuhan sa mga kasama. Samantalang ako ... wala na sa bahay ... sinesermunan pa.

For once, puwede ba maramdaman na masaya talaga ako? Para kasing ... pagdating sa akin ... sermon ang bagay. Hindi tuwa. Hindi kalayaan.

"I-I'm not sorry," napapagod kong sinabi bago muling tumalikod sa kaniya.

Mabagal ang lakad ko. Naunahan pa ako ng pagbukas ng mga ilaw sa Calle Crisologo. I look around and secretly praise the calm and historic warm light. The Spanish-structured and lined with antique houses. So traditional that makes the place wonderful, especially at night.

"Laire."

Minsan, inayawan ko na rin ugali ko. Hindi ko maintindihan. Madali ako mainis. Hindi madali makisama sa tao kaya nami misunderstood nila ako. Sa huli, nagagalit na lang sa akin.

"Do you want to eat first thing tonight before we go home, Laire?"

Sumobra yata ang pagkatulala ko kaya hindi ko napansin na nasa harap ko na si Sir Geon. Mataman kung tumitig, malamig. I feel a little bit unrelaxed. Yet, I manage to hide it.

"Sa bahay na lang," nagpatuloy ako sa paglalakad.

Ngayon, pinagsisihan ko na na nagsuot ako ng heels gayung cobblestone ang nilalakaran ko. Masakit na ang paa ko. Hindi ako nagreklamo kay Sir Geon. Kasalanan ko din naman.

"Your feet must be hurt." Puna niya.

"Maayos pa naman. Kaya ko pa maglakad." I insisted.

Literal akong pinatigil sa paglakad man o pag-iisip. Nasa harap ko si Sir Geon. Nakayuko na at tinatap ang kaniyang likod.

"Sakay,"

Siya pala 'tong moody, e. Iritado kanina tapos nag-offer ng back ride sa akin ngayon? Hindi ako kumibo. Nangangapa pa rin ako ngayon. Nagdadalawang isip kung sasakay o hindi. Galit ako, pangangatawanan ko iyon. Pride above all things, excuse me.

"Come on, Laire," he said patiently.

"Ayoko,"

He sighs. "Huwag na matigas ang ulo. Sakay."

Batas talaga 'to. Ngayon lang ako papayag sa sinabi niya! Hindi na mauulit ito. Tutal, masakit na talaga ang paa ko.

Bumuntonghininga ako. Hinubad ko ang suot na heels bago sumampa sa malapad niyang likod. Maingat ko niyakap ang leeg niya. Halos mapamura ako nang lumapat ang mainit at malaki niyang palad sa aking mga binti.

I am not familiar with the feeling. But I do not want to ignore it, somehow. I want to familiarize myself with it. This is so intense ... and so surreal. Can other fourteen-year-olds really feel this way? Just the way I feel it? Or is it just me? How disgusting.

"We can go shopping if you want. Maaga pa. May pera ako, puwede iyon muna ang gamitin mo." Alok niya habang naglalakad.

Ngumuso ako.

Hindi ko yata gawain ang mangutang para bilhin ang luho ko. May hiya pa naman natitira sa katawang-lupa ng isang Solaire Anja Gomez.

"I would not use other people's money to buy my luxury. Thank you." sagot ko.

He chuckles softly. I roll my eyes. Please, do tell me which part of that is funny. For all I know, wala naman.

"But you use your mother's, do you not?" basag niya sa akin.

"That's different. She is my mother. It is normal to get some money from her." I conceptualized.

"Some daughters are willing to work to have their own money. To buy their own luxuries. You are not willing to do the same, are you?"

Gusto ko siya barahin, sa totoo lang. Takot ko lang na bigla niya ako bitawan para lamugin ang puwet ko sa lupa.

"I am an heiress. I need no work from somebody to earn. They work for me in order to earn." I bragged.

He smirks. "Kung gayon, kailangan ang mapangasawa mo ay masipag maghanapbuhay. Mahirap kang gutumin."

Umirap ako sa sinabi niya. Wala pa sa isip ko ang mag-asawa o mag-anak man lang. Ayoko muna magpakasal. Lalo mag-alaga ng bata. Hindi na ako makapag-party kapag nangyari iyon.

Nakabalik kami sa sasakyan. Napansin ko ang sasakyan na nakaparada sa tabi nito. Mula sa driver's seat, niluwa ang matangkad at maskulado na lalaki. Mukhang inabangan talaga kami. Nakasalamin ito kaya hindi ko alam kung kanino siya direkta nakatingin. Sa akin ba o kay Sir Geon.

Nasagot ang tanong ko nang makalapit siya sa amin. Nagtanggal niya ng salamin. Si Sir Geon ang pakay nito. Bumaba ako at bahagya itinago ang sarili ko sa likod niya.

"France," banggit ni Sir Geon sa kausap.

"Good evening, Miss Solaire Anja Gomez?" he chuckled. "Pleasure to meet you in this ... wonderful place."

Tumango lang ako. Bakit niya ako kilala? Binanggit ba ako sa kaniya ni Sir Geon? Ewan. Hindi naman siya nakakatakot. Pero mukha siyang dump playboy. Sorry, just my instinct talking here. But in all fairness, he's handsome. He has that Russian masculine figure that could take a woman in bed without even trying.

"Tss. What are you up to?" direktang tanong ni Sir Geon at namulsa.

"Napadaan ako rito. Pamilyar ang plaka ng sasakyan kaya inabangan ko. Ikaw pala 'yan."

Baka kaibigan niya ito. Wala sa plano ko ang makinig sa usapan nila. Hindi ko na hinintay na pagbuksan ako ng pinto ng sasakyan, nagkusa na ako. Napatingin sila sa akin, binalewala ko lang. Nakita ko si Sir Geon na bumuntonghininga at umiling.

Mula bintana ng driver's seat, nakita ko ang pasulyap sulyap sa akin ni Sir Geon habang nakikipag usap sa kaibigan. Hindi ko siya nakita ngumiti. Marahas ang ekspresyon ng kaniyang mukha ngunit hindi naman mukhang naghahamon ng away.

Now I wonder, what they are discussing about. Dapat hindi muna ako sumakay para hindi ako mukhang tanga kakaisip sa sagot, 'no?

"That's France Agoncillo. One of our family's trusted personnel." Sa gitna ng biyahe namin pauwi ay nagbukas niya ng usapin.

Tinuon ko ang atensyon sa labas ng bintana. Medyo napagod ako kahit wala naman halos ginawa. "Okay."

Limang minuto na ang lumipas pero hindi pa siya nagsasalita ulit. Pasimple akong lumingon sa kaniya. Napansin ko agad ang higpit ng pagkakahawak niya sa manibela. Pumunta sa mukha niya ang mata ko. Mariin ang tingin sa harap. Ang labi niya ay bahagyang nakaawang.

"What were you madding about, Laire?" hindi siya lumingon sa akin. "You still are mad at me. I can see it."

None of anyone's business. Neither you nor my mother will know what. I'd rather not tell. You will never know what makes me truly mad. You may not understand. You may ... never.

I sighed.

"May I ask you some questions, yaya?" tanong ko sa katulong kinabukasan.

Hinuhugasan niya ang ginamit noong nagluto nang lingunin ako. Ngumiti siya at tumango. "Tungkol ba kay Sir Geon, Ma'am?"

I nodded, nagpatuloy sa pagsasalin ng gatas sa aking baso.

Hindi ako pinatulog ng ilang tanong sa isip ko tungkol kay Sir Geon. Hindi sa interesado ako o ano. Natural lang na may alam apat ako sa pagkatao ng tutor ko. Mamaya terorista pala siya at ako ang gagamitin niya para maisagawa ang masamang plano—hindi ko pa alam?

"Do you think Sir Geon has really had a girlfriend?" tanong ko sa mababang boses sabay silip sa stairs.

Mabuti nang sigurado. Kung ano pa isipin niya kung marinig ang mga tanong ko tungkol sa kaniya.

"Gwapo kasi si Sir Geon, Ma'am, e. Imposible na wala pa? Nasa tamang edad na rin naman ang tutor mo."

Bakit kasi tinanong ko pa iyon? Noong una kaming magkita, narinig ko siya may kausap sa phone. Kung mommy niya iyon o girlfriend, wala akong ideya. Pero tama si yaya. Sa edad at mukha ni Sir Geon, mukhang hindi na niya kailangan lumapit sa babae. Women will do the honor for they could be touched by him.

Tumango tango ako. Naupo ako at pinadaan ang daliri sa nguso ng baso. His girlfriend (whoever she is) must be very fortunate. He looks serious when it comes to mature relationship. He could be the evidence of proper security and infinite fidelity. Parang kapag siya ang boyfriend, spoiled ka. Nasa tamang tao ka. Nasa healthy relationship ka.

"Tsaka noong isang araw, nakita ko siya sa pamilihan, Ma'am. May kasama siyang maputi, matangkad, at magandang babae. Siya pa nga ang nagdala ng mga gamit nito. Masaya pa sila nagtatawanan habang namimili." kuwento pa niya.

"T-Talaga?"

"Aba, opo, Ma'am! Sigurado ako," tawa niya.

I press my lips, nodding shallowly. Kumuha ako ng baked cookies at marahan kinagatan iyon. May girlfriend na si Sir. Kung gano'n, wala pag-asa si Lyrea sa kaniya? Buti nga.

"Yaya? Do you think his girlfriend is an Ilocana?"

Tumingin si yaya sa taas, nag-iisip. Maya-maya ay tumango. "Ganda kasi, Ma'am, e. Mukhang Ilocana na may lahi."

That must be his ideal girl, obviously.

Ilocana ako at may lahing Italian. My mother is pure Ilocana while my father is an Italian Portuguese. I was born in Milan, Italy. But my mother raised me in Ilocos Sur. That is why I can speak both Ilocano and Tagalog purely. My father was left to work in Italy. After three years, he decided to come home and built an amazing empire here in the Philippines together with my mother.

"Good morning!"

Narinig ko ang kinalampag na kaldero sa tinis ng boses ni Lyrea. Nilingon ko siya. Naglalakad na siya palapit dito habang bitbit ang isang paper bag. Base sa logo noon, ang biniling pagkain ay mula pa sa mamahalin restaurant.

Hindi ako aasa na binili niya iyon para ibigay sa akin. Sagad ang inis niya sa akin. Umaabot hanggang dulo ng ugat niya. Isang malaking himala kung bibigyan niya ako ng ganiyan uri ng pagkain.

"Si Geon? Hindi pa ba siya gising, Laire? Nagdala ako ng breakfast—niya." tanong niya paglapag ng paper bag sa mesa.

Naamoy ko ang mabango noong amoy. Nakakatakam at ginugutom ako lalo. Hindi pa ako kumakain ng breakfast dahil inisip ko na sumabay sa kay Sir Geon. Mukhang tulog pa kaya nauna ako bumaba rito at nilantakan muna ang gatas at cookies. Pero hindi pa ako busog.

"Kung ginagamit mo nang tama ang mata mo, makikita mo na wala pa siya." pambabara ko.

Sa halip na maghimutok at patulan ako, peke siyang natawa. "Oh please, my dear cousin. Masyado pa maaga para patulan ka. Ayoko masira ang mood ko."

Uminom ako sa gatas. Pailalim siyang tiningnan. Sa utak ko, pinag piraso ko na siya. Hindi ko talaga siya makakasundo sa kahit anong paraan. Para kaming Pacific Ocean at Atlantic Ocean. Hindi puwede magsama. Ikagigimbal ng tao kapag nangyari ang imposible.

"Ayaw mo pala masira ang mood mo, bakit nagpunta ka pa rito?" binagsak ko ang baso sabay humalukipkip. "Nagbago na ang ikot ng mundo? Ikaw na ngayon ang manliligaw sa lalaki, gano'n ba, Ly?"

Nawala ang munting ngiti sa labi niya dahil sa tinuran ko. Magaspang ang mata niya sa akin. Tila nagpipigil o ano. So, what? Anong bago roon? Matagal ko na kinabisa ang ugali niya pagdating sa akin.

"Bastos ka pa rin talaga, 'no?" she shook head in disappointment.

I smile. "Very well informed, Lyrea."

"Hindi ka ba nahihiya sa ugaling mayroon ka? Ang bata mo pa pero halos lahat ng negatibong ugali, na sa'yo. Sana hindi ganiyan ang pinapakita mo kapag si Geon ang kaharap mo."

"Oh, huwag mo sabihin pati masama kong ugali kinaiinggitan mo pa? Galing!" I stood up and clapped my hands at her.

Nilapitan niya ako. Tinapatan nito ang alab sa aking mata. Magkasing taas kami kaya hindi mahirap sa akin na patulan siya.

"Hindi ako naiinggit sa'yo. I'm all have what I must to have. E, ikaw? Umaasa ka lang sa pera ni Tita para makuha ang gusto mo. Brat ka, Solaire." she smirked.

I chuckle sabay tingin kay yaya na nag-aalala sa nangyayari ngayon.

"Yaya, oh, may tanga dito. Saan ka naman nakakita ng fourteen years old na nagtatrabaho?" ganti ko.

A bit offended by what she just said hence, I demand a rebuttal. She attacks me personally every time she gets annoyed. Little did she know, I am immune to personal pain. She could never put me nether.

"Huwag na po kayo mag-away, Ma'am." singit ng kadarating na katulong.

Wala ni isa sa amin ni Lyrea ang nagpatinag. Kitang kita ang pinaghalong suklam at galit sa mata ni Lyrea sa akin. Namumula ang mukha niya. Nangingit ang ngipin. Kung wala siguro si Sir Geon dito sa bahay, sinaktan na ako nito.

"Accept it, Laire. Hindi mo kaya tumayo sa sarili mong paa. Kaya ka ganiyan. Kulang ka sa aruga ni Tita. Kulang ka sa karanasan. Kulang ka kung walang ibang tao na magpo provide para sa'yo. In short ... mahina ka." pagpapa mukha niya sa akin.

Nasaktan man sa sinabi, ikinibit ko na lang. I will not give her the satisfaction she can trample me in any way possible.

"Pagandahan na lang." sagot ko bago siya inirapan.

Tumalikod na ako para umalis. Hindi pa man nakaka tatlong hakbang huminto na ako. Dahil sa nakakasinsulto niyang halakhak. Salubong ang kilay noong tiningnan siya.

"Oh, my God. Nakakadiri ka, Laire. Walang alam sa buhay kundi magpakasarap sa buhay. Umasa sa magulang at mag rebelde kapag hindi pinagbigyan sa luho! What a trashy lifestyle you have?" she covered her mouth dramatically.

Ang galing niya umarte sa telebisyon bilang isang inosente na laging inaapi ng kontrabida. A promising actress, indeed. But look at her now. She is even more pathetic than me, truly.

"Admit it, Lyrea. You want the life I am living in, don't you? Too bad ... you can never be Solaire Anja Gomez. You can never get a chance to live my life no matter how hard you try, even in the second damn of your wasteful life, you desperada!" I hissed.

Naglakad ako pabalik sa kaniya. Bago siya iritadong itinulak pasalampak sa sahig!

"Solaire!" sulpot ni Sir Geon.

Tumindig ang balahibo ko sa paraan niya ng pagsigaw. Takot at pangamba ang umahon sa aking dibdib nang lapitan niya si Lyrea. I recognized the aversion in his dark hooded eyes when he eyed me. I stepped back.

Tinulungan niya makatayo si Lyrea. Marahan pa sila nag-usap bago ako muling harapin. A ghost grin plastered in Lyrea's lip when she hid herself just behind Sir Geon.

"What's wrong, Laire?" sa paraan ng pagtatanong niya parang ako ang mali.

Gusto ko lang naman siya hintayin magising para sabay kami kumain. Dumating si Lyrea at kung ano ano na sinabi sa akin. Lumaban lang ako. Ito lang ang nakita niya, hinusgahan na agad ako?

Ang mala tigre kong tapang ay napalitan ng bagong silang na kuting. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. Umiling ako bago pumihit paalis. Umakyat na lang ako sa kwarto ko, nagkulong. Tiniis ang gutom. If I would know he will wake up late and that will happen, I should have eaten all by myself!

Kinuha ko ang cellphone. Noon ko lang natanto na may missed calls at unread messages si mommy. Binasa ko ang recent message.

Mommy:

Laire, anak, kamusta ikaw diyan? Matagal pa ako makabalik diyan. Be good, okay?

I sighed and closed the message without reply. Binasa ko na rin ang ibang message ng mga kaibigan ko. Wala naman ako napala. Hindi pa rin sila makakauwi dahil sa family trip after business nila.

Pinag diskitahan ko ang painting sa wall. Painting ng nakangiting babae noong Renaissance period.

"Huwag kang tumingin sa akin. Wala ako sa mood, baka sunugin kita." kausap ko.

Grabe ang pinsan ko na iyon. Wala daw ako kayang gawin kundi magpakasarap sa buhay. Talaga lang, huh? Inis kong nilapitan ang drawer sa study table ko. Dumukot ako ng papel at ballpen. Bumalik ulit sa kama.

Nakadapa ako habang nag-iisip at sinusulat ang kailangan ko. Mahilig ako sa mga magandang disenyo ng damit. May social media ako at may followers din. Kung gagawa ako ng sariling damit at disenyo, maaari akong kumita mula roon...

Binasa ko muli ang nakatala sa papel. Sewing machine. Colorful fabrics and other soft cloths. Standard threads. Magkano kailangan kong pera para makabili ng mga ito?

Ngumuso ako.

"Laire," pumasok sa silid ko si Sir Geon kalagitnaan ko ng pag-iisip.

Nagkunwari ako na abala pa rin sa sinusulat. Pero ang totoo, ayoko makita ang mata niya. Kanina, parang buhawi at nakakamatay na bagyo ang nakapaligid sa akin. Ayoko na maramdaman ulit iyon. Natatakot ako sa kaniya. Ayoko sa kaniya. Tingin ko mas dapat siya katakutan kaysa kina Mon at Wed.

"I'm quite busy. I require no interference." sabi ko.

Sa sulok ng mata ko, nakita ko siyang sinarado ang pinto. Naglakad siya ng kaunti. Huminto sa malayong gilid ng kama ko. Humalukipkip ito.

"She is your cousin. You should have not done that." pangaral niya.

"Ano bang alam mo, Sir? Noong itinulak ko lang siya ang nakita mo, hindi ba? Technically, hindi mo alam ang puno't dulo." iritado kong sagot.

"I do know, Laire. I heard all of it ..."

I am quite surprised he knew all along. Then, why bother asking me about what I have done? Oh, okay. He could not bear to understand me, yes? He must really do something for I could claim I was in fault here—not Lyrea.

Tumingin na ako sa kaniya dahil umupo siya sa gilid ng kama ko. Burado ang emosyon sa mukha niya. Ngunit ang mata niya ay nagpapahiwatig ng ... pag-aalala ... pagsamo.

"If you think I do not understand you, you are wrong—"

"Kasi ano? Bata ako? Mas alam mo ang nararamdaman nila, gano'n?" I forced a chuckle. "Leave a dot there. Hindi ako ordinaryong katorse anyos tulad ng tingin mo!"

Umalis ako sa kama dala ang papel at ballpen ko upang itago iyon sa drawer. Pinuntahan ko ang closet ko. Sinimulan ko ang paghahalungkat ng mga damit na hindi ginagamit kahit pinapanood ako ni Sir Geon. Ipagbibili ko ang mga iyon upang magkaroon ng pera pambili ng sewing machine at iba pa.

"What are you doing, Laire?"

He thought I am leaving dahil sa mga damit na sinasalansan ko sa kama. Hindi ko siya sinagot. Ipinagpatuloy ko ang pag-aayos.

"Laire—"

Iritado kong binagsak ang huling damit sa kamay bago tiningnan si Sir Geon. Litong-lito siya sa ginagawa ko. Ewan ko, pero parang nagpipigil siya ng iritasyon na huwag ako sermunan.

"Aalis ka?"

"Hindi," agap ko, nagtaas ng kilay. "Wala akong pera. I will online sell my preloved clothes and belongings to have some." lumakad ako patungo sa pinto upang buksan iyon. "My pleasure if you will allow me to be alone ... for now ... sir."

Disagreement crosses his eyes. He looks at my clothes and then back to me. He licked the inner skin of his cheek, as if telling me he's damn out of patience.

"Do you not need my help, then?"

I smile sarcastically while shaking my head. Si Lyrea ang tanungin mo tutal gustong gusto niya ang atensyon mo. Kagatin lang ng guyam 'yon baka abutin ng bukas pg-inarte niya mapansin mo lang.

Gumawa ako ng account sa isang e-commerce business app upang mas madali mabenta ang mga branded na gamit ko sa iba. At sa loob ng tatlong araw, kumita na ako kahit papa'no. Marami ang nagulat sa bigla kong pagbebenta. May namangha kasi natututo na raw, may iba naman na nag-conclude agad na naghihirap na kami. Hindi ko na lang pinansin. Mapanis laway nila diyan, wala akong pakialam sa opinyon nila.

A hundred quantities of my preloved items were sold in less than a week. I earned money using my own sweat. It feels good to hold my own hard work—the money. Now, I am ready to buy my own sewing machine and other materials for a new batch to be sold soon. I cannot sell all my clothes from the closet. I need to sew some clothes for my buyers.

Mabuti nga hindi ako binwisit ni Lyrea nitong mga nakaraan. Pero alam ko na pumupunta pa rin siya dito para masilayan si Sir Geon.

I smiled. "Done,"

Pinakita ko kay Sir Geon ang sinagutan ko. Wala akong iniwan patlang na blanko. Pagkatapos niya iyon tanggapin at suriin, binalingan niya ako muli. Tumaas ang makapal niyang kilay.

"Wh-What?" taka ko sabay kagat sa puwet ng ballpen.

Maaga nagsimula ang session ngayon. Naalala ko ngayon pala ako bibili ng mga kailangan ko sa pananahi. Balak ko mag-umpisa ngayong gabi. Tutal, maaga pa naman at patapos na kami sa pag-aaral, pupunta na rin ako sa pamilihan.

"Would you mind if I leave for the market, Sir? I ... Well, I need to buy everything I need for sewing. I planned to start it tonight, as well." segway ko.

He ogles at me. There are no signals on it. So, I do not know what to think of him right now. Payag ba siya o hindi?

"Hindi mo naman ako kailangan samahan. Mon and Wed could." kumbinsi ko pa.

Tumayo siya at nagsimulang ligpitin ang mga gamit. Inayos niya ang kaniyang salamin saglit. Wala akong ibang makita ngayon kundi ang kaniyang katawan habang marahan gumagawa ng kilos.

I eyed him speculatively.

I have received my first impression of him. Once again, I feel like this is the first time. Looking at his body frame, I knew neither courtesy nor gentleness could be found in it. The roughness seemed to never vanish. The conviction of strength that lay behind must be sleeping in the depths of his wild being.

His perfect jaw, his proud nose, his eyes ... eyes that could brood with the hopeless somberness of leaden skies and could dominate women till they surrender of relief and sacrifice. And the thick black brow that is rising to a goodly height and swelling heavily above the eyes. Lips that could make one's life crack like fireworks when touched. All of him are intense and masculine. That even a God would surrender for his admirable potent.

"I'll go with you."

"I-I do not want, Sir. Kay Mon at Wed na lang ako magpapasama." agap ko sabay tayo sa upuan.

"You, what?" Now, he's staring at me like angry gleams of sun.

"Forget it." I refused to retort and then turned my back to him for an immediate depart.

He would never be my ideal guy. Masyado marahas ang dating niya at ayoko magkagusto sa gano'n. I cannot like him, for Pete's sake! Ayoko! Ayoko talaga. Pakiramdam ko madudurog ako kapag magkadikit kami.

Naabutan ko sa labas ng sasakyan sina Mon at Wed na naghihintay sa akin pagbaba ko. Sa garden, tanaw ko si Geon na pasulyap sulyap sa akin, walang reaksyon. Hindi ko siya tiningnan ng matagal. Dumiretso agad ako papasok sa backseat.

Pagdating sa pamilihan, hindi na ako nag aksaya pa ng minuto para bilhin ang mga kailangan. Napagod sa kaka uli sa kung saan saan pero nabili naman lahat. Huli namin binili ang sewing machine.

My forehead was awash with sweat when we gathered in the car. I command the guards to drive back in home for I could start my new business tonight. Binilang ko ang natirang pera sa wallet ko. Malaki pa naman ang tira at kung magpapatuloy ako sa pagbebenta, mas dadami ito. May masasabi rin akong 'akin' pagdating ng panahon.

"Ihinto mo sa diyan sa coffee shop, Mon. I will buy Sir Geon a coffee." bigla ko naalala.

Tumingin siya sa akin sa rear-view mirror. Nagtaas ako ng kilay. Nakuha iya ang ibig kong sabihin kaya wala rin siya nagawa kundi ihinto ang sasakyan sa tabi. Bumaba na ako bago mag-isa nanakbo papasok sa coffee shop.

"Yes, Sir Arman. We will find that document as soon as possible." Pagpasok sa sasakyan narinig ko si Mon na may kausap sa phone.

Tumingin siya saglit sa akin tapos kay Wed. Bago pinutol ang tawag. "Kami, Ma'am, walang free coffee?" biro niya.

"Maraming coffee sa mansyon. Magtimpla na lang kayo." ngiti ko sa kanila.

Sinabi ko sa mga guards na ipasok na lang sa kwarto ko ang mga pinamili. Nauna ako pumasok sa loob ng mansyon bitbit ang mainit pang coffee. Pagdating ko sa dining area, natagpuan ko sina Sir Geon at Lyrea. Malapit ang mukha sa isa't-isa...

"Oh! Hello, Laire!" bati ni Lyrea pagkita sa akin.

Tumayo sa upuan si Sir Geon at inayos ang salamin. Iniwasan ko siyang tingnan sa mata noong naglalakad ako palapit sa mesa. Nilapag ko roon ang binili kong kape for him.

"Laire, we're just talking—"

"Hindi ko kabisado ang flavor na gusto mo, Sir. Pero binilhan kita. Using my own money." Agap ko at lumayo na sa kanila. "Enjoy you coffee."

"Sweet talaga ng mga bata, 'no, Sir Geon? Look, she bought you a coffee! How about me naman, Laire?" arte ni Lyrea.

Peke ang ngiti ko nang lumapit muli upang ibigay na lang sa kaniya ang kape ko. "Here's mine. Sa'yo na. Mukhang 'inuhaw' ka sa 'talk' niyo ng tutor ko. Good night!"

Kahit sinong matinong tao na makita sila sa sobrang lapit na posisyon ay hindi maniniwala na nag-uusap lang sila. Halos dalawang dangkal ang layo ng mukha nila, e! Tukaan na iyon hindi usapan. Ako pa gagawin tanga.

Inabala ko ang sarili sa pagsasalansan ng mga binili ko sa isang sulok ng silid. Hindi ko alam kung na saan utak ko. May ginagawa nga ako pero ang isip ko hindi pa nakaalis sa nakita doon sa dining area. Bakit gano'n sila mag-usap? Kailangan ba ganoon kalapit? Harot niyo.

Bumukas ang pinto at pumasok si Sir. Napapadalas na iyon. Kailangan ko na siya sitahin sa susunod na gagawin niya ulit.

"Laire, we were just talking down there. Do not think—"

I laugh a gibberish, cutting him off. "Why are you even explaining to me, Sir? Sana tinanong niyo ako kung may pakialam ako, hindi ba? Wala naman, Sir, e. Tsaka busy ako, oh."

Tumahimik saglit. Nagkatitigan kami. Walang emosyon. Pero kay Lyrea parang masaya pa siya.

"Right. Why would I explain ..." aniya. "The coffee is sweet. Thanks."

Pinanood ko siya lumabas sa aking silid. Huli na nang matanto na nasira ko na ang supot ng mga pinamili ko. I breathed as I pulled myself together. Yabang mo!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top