40

Amor Propio


Malakas na tawanan mula sa mga guards nila Geon ang tuluyang nagpagising sa aking diwa ng sumunod na araw.

Ang laki ng mansyon pero kapag magkakasama ang mga guards nila, parang ang sikip. Pero ayos lang sa akin. Ang saya nila kasama, e. Hindi rin naman nagkakalayo mga edad namin kaya mabilis ko silang nakasundo. 

Nasa porch ako at ini-enjoy ang aking whipped hot chocolate and french toast. Hinihintay ko lumabas si Geon sa library kasama ang pinsan niya. 

Wala kaming lakad ngayon kaya maraming tao sa mansyon. Isa pa, may event dito mamayang gabi. Welcoming event daw para sa akin at graduation ni Verdana Alexandria (daughter of Zia and Eurus at pamangkin ni Geon) sa elementary at the age of 10. 

Kung ako ang papipiliin, ayoko na bumaba ng bundok kung ganito kaganda ang masisilayan tuwing umaga. Asul na kalangitan. Berdeng kapaligiran. Malamig na hangin. Malawak na lupain. Tahimik na buhay. Masayang samahan...

“Movie marathon idea, guys?” Abra asked his friends habang nagtitipa sa cellphone niya.

Halos matawa ako sa sarili nang minsang mabasa ko ang text ng strawberry niya halatang kinikilig dahil namumula ang mukha at tainga niya! Gosh, I am so hilarious. 

Andrew clapped his hands once, getting his attention. “Panoorin mong ma-inlove sa iba ang strawberry mo! A very outstanding movie!”

Abra grabbed a throw pillow at ibinato kay Andrew. “Alam mo kung bakit ka single, dude? Deserve mo, gago!”

Nagtatawanan sila pero ang pinaka nangibabaw ay ang tawa ni Alex. May paghampas pa sa katabi niya na abala sa pagtitipa sa laptop niya.

“Putangina mo naman, Alex. Tawa lang, walang hampasan!” reklamo ng katabi niya.

“‘Sensya na, Tiano. Pft—tangina! Na saan kaya ang avocado ko? Ikaw, na saan ang santol mo, Dave? Pft.” pagpaparinig ni Alex kay Abra.

“Tarantado,” sabi ng tinawag na Dave. 

Abra squinted his eyes. “Palibhasa mga pangit kayo kaya walang nagkakagusto sa inyo!” He then showed his wallpaper. It was him with Imara on a beach. “Oh, ano? Meron kayo niyan? Wala! Meron kayo magandang girlfriend? Wala rin! May utak kayo? O, mga bobo! Lalong wala!” 

Nangibabaw ang tawa ni Abra. Ang katabi niyang si France ay sinamaan siya ng tingin.

“Sige, ipagyabang mo pa! Tatawanan ka namin kapag naghiwalay kayo, bobo!” 

Kanina pa ako nagpipigil ng tawa sa kanilang asaran. Naiihi na ako! 

“Pero ito seryosong tanong...” Abra looked serious at them one by one.

Huminto sa pagkalikot ang mga kaibigan niya sa mga laptop at cellphone nila. Hinihintay nila ang susunod na sasabihin ni Abra.

“Kapag iyan kalokohan, Abra, sasaksakin kita ng stylus.” si Alex.

“Gago, ganito kasi!” Abra heaved a deep sigh. “Huwag kayong mabibigla?”

Abra’s face is steady and motionless, but he appeared to my eyes hiding his cynical smile! Samantalang ang seryoso ng mukha ng lima. Natawa ako ng bahagya.

“Ano ba ‘yon?” inip na si Andrew.

“Ako ang nawawalang kapatid ni Sir Eurus Variejo!” Abra held his chest dramatically, with his eyes closed, animo’y seryoso sa tinuran!

Dahil sa joke niya, pinagbabato siya ng unan ng mga kaibigan. Napatayo siya at nagtago sa likod ng porch.

“Alam mo sayang ka... tangina. Walang anak si Sir Throne na mukhang galunggong!” si France.

“Hoy! Ang guwapo kong galunggong!” depensa ni Abra sabay tawa ng malakas.

Gosh. Sumasakit na ang tiyan ko kakapigil tumawa!

“Mahiya nga kayo kay Miss Solaire! Napaka premature niyo!” si Alex.

Lumipad ang isang unan sa mukha ni Alex. Nagtataka siyang tumingin sa mga kaibigan.

“Anong premature? Gago, immature iyon!” Andrew corrected then laughed hard.

Ang gulo nila. Araw-araw ba silang ganito? 

“Ang yabang mo naman! Sige, ano ang highest grade mo no’ng nag-aaral?” natatawang tanong ni Alex.

Bumalik si Abra sa dati niyang upuan. Kumain siya ng croissant na nasa table nila. Sina Tiano at Dave ay abala na naman sa laptop nila. Mukhang sila lang ang pinaka matino sa kanilang anim. Mukha ring genius sa suot nilang glasses.

“94 average ko noon, aba!” si France.

“Oh, bobo! Lowest grade ko lang ‘yan!“ hagalpak niya.

Ouch, ah? Hindi ako nakailag! Kasi naman, 93 lang average ko noon, e. Pero may latin honor pa rin ako, ‘no!

“Ayawan na, nagka kalokohan na.”

“Hindi mahalaga ang grades! Ang importante buhay!” si Andrew. 

Nabalot na naman kami ng malakas na tawanan. Nangunot ang noo ko nang bigla silang nanahimik lahat. Umayos sila sa pagkakaupo. Si Abra na muwal ay napaayos din ng upo.

Tiklop, e. 

All because Geon and Israel are approaching us. Israel smirked at their guards before turning to me. He bowed a little before taking his depart, hands on his pockets. Meanwhile, Geon stood before me. 

“Nainip ka ba?” he asked.

Umiling ako at ngumuso. Nanlaki ang mata ko nang bigla niya akong hinalikan! Na sa’min ang mata ng mga guards niya!

“Oh, my virgin eyes!” reaksyon ni Alex sabay takip sa bibig agad.

Geon smirked at me. “I thought you wanted a kiss, my love?”

I glared at him! “Sila ang tinuturo ko. Sila.” turo ko sa mga guards niyang hindi pa rin nagalaw hanggang ngayon. Nag-aalala ako baka hindi na rin sila nahinga! 

Tumawa si Geon. Natulala ako sa kaniya ng ilang segundo. Of all musics, I think his voice is my favorite. Pati pagtawa ay guwapo.

“Wala ka bang work sa Manila? If you need to go back, you can leave me here, Geon.” sabi ko.

“Relax,” aniya. “Do you want to come with me? There’s so many things to do outside.” 

My forehead wrinkled. 

Bahagya niyang nilingon ang mga guard nila. Gumuhit ang mapanganib na ngisi sa labi ni Geon. At alam kong may kakaiba siyang balak.

“Hiyah!” sigaw ko. Mahigpit kong hinawakan ang arnis bago sinugod si Abra. 

“Woah, woah, woah—shit! Taympers—fuck!” 

Napangisi ako. Hindi magkandaugaga si Abra sa paghawak sa arnis niya. Marunong siya pero alam kong nagpipigil siya na tamaan ako dahil nanonood sa amin si Geon.

Ito pala ang ibig sabihin ni Geon kanina. Right after namin mag-breakfast with his family, he invited me to an arnis training. Una niyang isinabak bilang kalaban ko si Andrew. Pangalawang opponent ko na itong si Abra.

I extended the weapon hand. Bago pa ako maatake ni Abra, I strike several parts of his trunk located between his shoulder and hips. Napaatras si Abra. I think I delivered the maximum amount of damage in his body.

“Ang sakit nito, boss!” reklamo ni Abra. “Pero, mas masakit pa rin ang nalaman ko...” 

Eh?

“Gulo ng relationship status mo, Abra. Minsan okay, madalas broken! Wala nang malugaran sa’yo!” kantyaw ni France sabay tawa.

Inilingan ko sila.

I remember the first time when I took Arnis lesson and Systema, a Russian martial arts in France. Nakatulong iyon upang mas makilala ako sa modelling. Pero siyempre, hindi ko inaral iyon para lang doon. It’s for self defense. Natuto na ako sa nakaraan. Ayoko na ulit maramdaman na mahina ako. 

When you are strong, they will fear you. When you are weak, they will manipulate you. 

Bagay na natutunan ko sa aking karanasan. Isang pambihirang karanasan. Kahit ako, hindi makapaniwala na nabuhay pa ako.

“Again!” sigaw ko bago naunang sinugod si Abra. I tried to deliver a powerful strike to his lower leg, targeting the knee. 

Abra read my attack so he managed to get away. I run to him for another strike. I tried again my previous attack to throw Abra off balance and immobilize him.

I smirked. 

Using the right weapon, I might be able to break a bone or even cut a limb in his body. But I will not do that. 

I lower my body while extending the weapon arm. I hold my palm upward and hit any part of Abra’s lower leg. But I did make sure that there will be no damage.

I breathed.

“Good job, my baby girl!” Geon clapped his hands. “Enough for today...”

Binigay ko ang arnis kay Abra. Ngumiti ako at binati siya. Nagpaalam na siyang mauuna sa mansyon. Sumunod ang mga kaibigan niya. 

Naiwan kami ni Geon sa mahabang parang. Naupo kami sa ilalim ng malaking puno upang magpahinga. Inabutan niya ako tubig at pinunasan ang pawis ko.

Ipinahinga ko sandali ang sarili. Hinapo ako sa ginawa naming training ni Abra. At nang makabawi, tiningnan ko si Geon.

“What happened to Arman Fernandez firm?” diretso kong tanong.

I admire the breathtaking mountains and crystal clear skies before my eyes. Living here forgets many burdens and provides peace. This is the life I have always been dreaming of.

“Did he go to jail?” Kumikirot ang puso ko kapag binabanggit ang pangalan ng hayop na iyon.

He looked above. His dark hooded eyes stared blankly in the horizon. “I want to condemn every breath he takes. Convicting him is an easy exercise. I want hell for him...”

Tinitigan ko siya kahit hindi niya ako nililingon. Lumapit ako at isinandal ang ulo sa balikat niya.

I breathed deeply as I closed my eyes. Hangga’t alam kong humihinga ang taong dahilan ng una at araw-araw kong pagkamatay sa pagkawala ng aming anak, the pain will never subside. 

“He is losing every damn thing... piece by piece.” he said menacingly.

I nodded.

Sandaling katahimikan ang namayani. Ang huni ng mga ibon, pagaspas ng mga dahon sa puno, at bulong ng hangin ang tanging maririnig.

“I-I needed to... leave.” I began. He did not budge. “I thought that was the best thing to do...”

He breathed hard. Through his arms, I can see the result of strain from keeping his fist closed. 

“Walang araw na hindi ka sumagi sa isip ko, Geon. Sa mga billboard, sa news, sa magazine, at kahit sa mga tabloids... kapag nakikita ko ang mukha mo sa mga iyon, lalo kitang minamahal. I have always been... proud of you... thinking you are still my man.“ pag-amin ko.

Umupo ako ng ayos upang tingnan siya. Nagtama ang aming mata mata. Through his grey eyes, I see my own reflection.

“A-Ang hirap magpanggap na hindi na kita m-mahal. Kaya g-gusto ko... bumalik.” nahihiya na ako sa boses kong parang desperada.

Samantalang wala akong makuhang reaksyon mula kay Geon. Anuman ang maging resulta nito, tatanggapin ko. I need to let everything in my head and heart out, all at once.

“There are so many sexy and beautiful ladies swarming around you, yes! And I will not push myself to you if someone has got your a-attention...”

Pero parang wala pa rin siyang naririnig! I am so ashamed of myself, damn it!

Tumungo ako. Pinaglaruan ko ang tela ng aking damit. Hindi ko alam ang tumatakbo sa isip niya. Nakakabahala.

“F-For the contentment of my heart...” I paused to breathe then whispered. “I love you...”

“You what?” Iyon lang ang sagot niya.

“Mahal kita...” ulit ko sa mababang boses.

“You love me?” he probed. 

Sa dami ng sinabi ko, iyon lang ang narinig niya. Hindi ako sumagot. Naramdaman ko na lang ang daliri niyang inaangat ang baba ko upang magtagpo muli ang mata naming nangungulila sa isa’t-isa.

His eyes were seductive and cunning. They were territorial whenever they had a chance to ogle at me. Ever since. 

Namungay ang mata niya. Namamasa ang labi niya at nasasarapan ako kahit tinitingnan ko lang iyon. Nakakahiya man aminin, but... I feel so supreme above all girls he’s with knowing that I gave myself up to him long before. Pakiramdam ko ay nasa labi ko pa rin ang halik niya noon. Masarap at nakakapanabik. O sadya bang magaling siyang humalik at magpasabik? 

Pumikit ako nang dahan dahan niyang ilapit ang mukha niya sa akin. My heart felt excited! Hinihintay ko na magdampi ang labi namin pero wala akong naramdaman. I heard his teasing chuckle!

I glared at him.

“‘Yan ang gusto ko. Nauuhaw sa halik ko...” ngisi niya. He then pulled the small of my back and crashed his lips against my lips!

My eyes left open in awe! Hindi agad ako naka kilos. 

He smiled while kissing me. Ipinikit ko ang mata at ikinawit ang braso sa leeg nito. He penetrated my mouth and savoured every inch of it. Humigpit ang kapit ko. Para akong malulunod sa paraan niya ng paghalik. Humahaplos ang kamay nito sa aking likod. Pagdating sa bewang, animo’y nanggigigil na ako ay iupo sa kandungan niya.

I moaned when his lips left my lips. He showered kisses on my jaw down to my collarbone. I looked above sleepily. Gosh...

“G-Geon... sa kwarto...tayo...” nagdedeliryo kong sambit.

He stopped kissing to look at me. He then sneered. I pouted.

“Ayokong mapagod ka. We have an event tonight, remember?” he teased, biting his lower lip. 

Nahihiya akong nag-iwas ng tingin. Ramdam ko ang pag-akyat ng dugo sa mukha ko! Damn it.

“Treat that as your rest. Pagkatapos ng pahinga, hindi ka na makakapag pahinga.” matunog itong ngumisi bago ako nakawan ng halik.

I bit my lip. Kahit kailan talaga siya. 

Maganda ang araw, hindi masyadong masakit sa balat. Nagkuwentuhan pa kami ng kaunting oras. Ayaw pa namin bumalik sa mansyon. Mamaya na rin ako magpapalit ng damit. 

“Balak mo pa ba magpagawa ng bahay?” tanong ko.

“Gusto mo ba?” balik tanong nito sa akin.

“Why me? Kung saan ka, doon din ako.” 

Umunat siya at inilagay ang mga kamay sa likod niya. Tiningnan ko lang siya.

“Malaki ang mansyon niyo, e. Malungkot iyon kung wala kayong magkakapatid doon...” sabi ko.

Kung ako ang tatanungin, mas gusto kong sa mansyon na lang din nila tumira. Kahit may asawa na. Mas gusto ng mga magulang na nakikita ang anak nila lalo at hindi habambuhay ay magkakasama sila. Ayoko isipin ng mga magulang ng mapapangasawa ko na tuluyan kong inagaw ang anak nila. 

Sa kabilang banda, maaaring magkaroon ng misunderstanding kung extended family na. But as long as walang nakikisawsaw sa buhay ng bawat isa, walang magiging problema.

“We will build our own house near the mansion. My brother did that, too. We honour our parents, so marriage will not be a hindrance for us to see each other every now and then. I, too, shall have reverence to my wife.”

I liked it. I smirked.

“I want a small house surrounded by blooming flowers and near the mansion’s lake!” 

Iniisip ko pa lang, nae-excite na ako! Lalo na at siya ang kasama ko sa buhay.

“Yeah... my home...” he whispered against my ear then kissed the side of my head.

I smiled. Our home will become our shelter from all storms. I will make sure not to destroy it. For I am afraid to live nowhere again...

Tanghali na nang makabalik kami sa mansyon. May mga staff galing sa mamahaling events organization kaming nadatnan na nagse set up ng kung anu-ano. Abala ang lahat maging ang mga magulang ni Geon. Umakyat lang kami saglit ni Geon upang maligo. Bumaba rin agad upang tumulong.

“Oh, geez! Solaire Anja Gomez?!” a lady’s voice boomed from nowhere.

Napatingin ang iba sa amin. Pero ang atensyon ko ay sa babaeng patakbong lumapit sa akin.

She took off her shades and smiled excitedly at me. I have a minute to recognize her. My eyes widened a bit when I saw her last!

The Prada girl. Imara Hanovi Pentuiz.

“Imara... hi.” bati ko at bumeso sa kaniya.

“I can’t believe I can see you here! Oh, no... my heart!” kinikilig na aniya at niyakap na ako.

I chuckled.

“N-Naalala mo ba ako?” tanong niya nang kumalas sa yakap.

I nodded. Namula siya at parang fan na gusto himatayin sa harap ko.

“Gosh, ang tangkad at ang ganda mo talaga. I am a fan of yours! Kahit hindi ka pa model!” aniya.

Nahiya ako sa tinuran niya.

“Thank you, Imara.” 

She giggled.

Naputol kami sa pag-uusapan nang sumulpot si Abra sa harap namin kasunod ang mga kaibigan niya na galing kung saan. 

“My strawberry— I mean, Imara. When did you come? Why didn’t you call me?”

France and Alex side commented nang hindi tinuloy ang pagtawag sa endearment nila ng girlfriend niya.

“Pagbigyan. Kunwari maangas ngayon... mamaya nagpapa baby na iyan kay Imara.” si Alex.

Imara smiled widely at inangat ang paperbag na hindi ko napansing dala niya kanina. “I baked your favorite pastries, babe! I remembered you always wanted these, e.”

Abra smirked. “Talaga bang para sa akin iyan? Baka para sa six years ex mo iyan, ha?”

Masayahing tao si Abra. Pero nang sabihin niya iyon nang pabiro, kita ang bitterness sa mata niya.

“Babe, what are you saying—”

“Biro lang! Tara, tara.” bawi ni Abra bago kinuha ang paperbag kay Imara at inakbayan ang girlfriend. “Diyan muna kayo... it’s lambing time.”

Natawa kami ng bahagya. Pinanood namin ang magkasintahan na maglakad paalis hanggang sa mawala sa aming paningin.

I shrugged.

Sinipat ko ang suot ko sa harap ng salamin. Hindi ko na naiintindihan ang iba pang sinasabi ni Diether. Si Feon naman ay maya’t maya ang kuha ng litrato sa akin. Kaya pagbukas ng social media accounts ko, ang mga entertainment pages ay mukha ko ang laman! 

I am wearing a light green embroidered tulle dress. It has long puff mesh fabric sleeves that emphasized my skin. My hair is curled while my makeup is natural. 

“Help... I can’t breathe! This woman is murdering me with her grandiose beauty!” Diether cried.

Feon laughed. “Indeed. Mr. Variejo will surely bend his knees to...” she bent like a slave. “...serve her majesty!”

Nagtawanan sila. Maling desisyon ba na sinama sila ko sila rito? 

Inilingan ko sila.

Sumilip ako sa veranda ng kwarto namin ni Geon. Luxurious cars keep on arriving and rotating at the grand entrance of the mansion until they find a spot for parking. I won’t be shocked if there are intimate guests in the foyer already.

Kinakabahan ako pero nae-excite din. Bumalik ako sa harap ng salamin. Bumukas ang pinto at iniluwa si Geon. Lumapit siya sa akin upang humalik!

“Diether, come with me to the wine cellar now!” Feon excitedly invited him.

Diether shrieked in joy. Mga ‘to.

Naiwan kami ni Geon. Tumayo ako sa harap niya. Umikot ako upang ibida ang suot ko. He chuckled and theng grabbed my waist for a kiss!

“I see... my baby princess with a disorder is like a mountain goddess tonight, huh?” namamaos niyang sinabi nang maghiwalay ang labi namin. “Do you make wishes come true?”

I smirked. Inilapit ko ang ang labi sa tainga niya at bumulong. “I do...”

“Hmm... can you make yourself available to me?” he asked in a deep, low, and thrilling voice.

Pinadaan ko ang daliri sa mukha niya. I traced everything in it, as if I was touching the great art of all time. 

“Who wouldn’t make themselves available at this... art of God, right Mr. Variejo?” 

He chuckled. “Fuck. Ang sarap mong pagurin.”

We watched from the grand staircase everyone in the foyer talked with a glass of wine in their hands. Some are sitting on the grand patio. Some are standing near the entrances. Some are outside. All seemed to be having fun even though the event had not yet started.

This exclusive yet majestic event is such an experience. Sa lahat ng magagarang event na napuntahan ko noon, pinaka gusto ko ito. Kasi rito, ang nakakasama ko ay pamilya ng taong mahal ko. 

Nagbulungan kami ni Geon nang makita sila Abra, Imara, France, Alex, Andrew, at iba pang circle of friends nila na abala sa pakikipag usap sa dalawang babae.

I commended Imara’s purple fairy dress with sequins. Off-shoulder iyon at talaga namang walang minuto na hindi siya tinitingnan ni Abra. Kung may pagkakataon, kinukuhanan niya ng picture ang nobya. 

Sa kabilang malayong high table ay sina Tali at Ysa na nakikipag kuwentuhan sa dalawang lalaki. Short sparkly blue dress with floral appliques ang suot ni Tali. Bagay na bagay sa porselanang kutis. Samantalang light blue one shoulder fairy dress with butterfly appliques ang suot ni Ysa. Napansin ko ang titig ng isa kay Ysa (bunsong kapatid nina Geon na may malayong agwat sa kanila) habang nakangiti.

Bumulong ulit ako kay Geon. “May boyfriend ba si Ysa?” 

Agad sumilip si Geon sa table nila Ysa at Tali. Kumunot ang noo niya. “She’s just fourteen, babe.”

Tumango tango ako. “Baka friends?”

“Tss. Whoever tries to court our girls will have to pass through us.”

Natawa ako sa boses niya. Napaka primitive, akala mo naman dumaan sa panliligaw sa akin dati! 

Ilang saglit pa, dumating na ang iba pa. Nang makumpleto na ang bisita, noon pa lang namin nasilayan ang mag-asawang sina Eurus at Zia. Kasama dalawa nilang anak na babae at lalaki.

I onced met and talked Verdana. She looked adorable in her pink strap dress. May small wings pa siya. Ang kapatid naman niya ay small tuxedo ang suot. 

Minsan ko na rin kinarga ang bunso nilang anak. Naalala ko ang anak ko dahil sa kanila.

Bitterness filled my heart. I smiled.

Nang makalapit sa gawi namin si Zia, nag beso kami. Binati ko rin ang asawa at mga anak niya. We complimented each other sa mga suot na hindi nagkakalayo ng kulay. Pero literal na diwata si Zia sa suot niyang luna moth fairy dress. Kulang na lang ay pakpak. How adorable!

Kasunod nila ay ang mag-asawang sina President Daraga Isabel Variejo at Chairman VRB Company Throne Gabriel Variejo. Halos matulala ako sa ganda ni Tita Isabel suot ang dark goth dress couture. It has low and long mesh sleeves, has a slit exposing her long and flawless legs. Her hair is short and slicked back, making her face look fiercer. 

I clapped my hands mentally. 

Nagbatian at nagbeso kami. Pinuri niya ang mga suot namin. Halos mahiya na ako. 

Welcome event pa lang ito at recognition pero ganito na kagarbo. What more if it is a wedding or anniversary or birthdays? 

Hands down, Variejos.

“Your family is interesting...” bulong ko kay Geon.

“Our family.” pagtatama niya na tinawanan ko lang.

Nakuha ni Tita Isabel ang atensyon namin nang magsalita siya. Itinaas niya ang champagne glass at bumati sa mga bisita, pamilya, business partners, stakeholders, investors, at ilang malalapit na kaibigan. 

“This event is not just about the success of our businesses. This, too, is a recognition of my dearest Verdana Alexandria. Also, for our special boy...” She looked pleasantly at the son of Eurus and Zia who is happy playing the wings of his sister. “Our adorable Eros Nigel Variejo.”

Binuhat ni Eurus si Eros. Kinuha naman ni Zia ang kamay nito at pinalakpak. Lumabas ang dimple ni Eros nang tumawa. How handsome, Eros! 

“Also... let’s congratulate my son, Dungeon, and Solaire for their.. upcoming marriage!” she announced!

Nagkatinginan kami ni Geon! Daig ko pa ang nanalo sa Miss Universe pageant sa reaksyon ko! Paano nila nalaman iyon? Kami lang ang nakakaalam noon, ah?

Nag palakpakan ang mga bisita. Nagbanggaan ang mga wine glasses na para bang tunay na kasalan na ito kung makapag patunog. Narinig ko pa ang hiyawan ng mga guards nila Geon!

“Dati team Sir Eurus ako! Kay Sir Geon na ngayon!” si Alex. “Ilaban mo, Sir Geon!”

Nagtawanan ang lahat. 

Ang kulit nila!

I looked at Tita Isabel with teary eyes. She smiled and nodded. Gosh, I can’t process everything all at once. This is so surreal.

Lumapit siya sa akin at yumakap. She whispered good things against my ear na nagpatawa sa akin ng bahagya.

I love this family so much! Being accepted by the family of your loved ones is a big win! Exaltation in my heart overpoured.

Nagkasiyahan ang lahat pagkatapos ng maikling anunsyo. Isinerve ng waiters ang drinks sa table ng mga bisita. Ang iba naman ay dumiretso na sa buffet. 

Nang tumugtog ang slow music, nagmistula na ngang ball ang gabing ito. Kaniya kaniyang hila sa kapareha upang maisayaw. Hindi nagpahuli si Geon at inaya rin ako sumayaw! 

Nagtawanan kami. 

We had been enjoying the perfect night. Until Lyrea and Martina entered the foyer...

Tumigil kami ni Geon sa pagsasayaw. Bago pa sila manira ng gabi, binaba ko si Lyrea at kinaladkad palabas at dinala sa garden kung saan walang tao! Si Martina ay malamang kakausapin din si Geon. 

Fear and frustration surmounted my chest. Wala pa siyang ginagawa o sinasabi ngunit gusto ko na siya sampalin! Epal, e!

“Paano ka nakapunta rito?” mariin kong tanong bago padarag na binitawan ang kamay niya. “Show some armor proprio, Lyrea!”

“Huh! Bakit, ikaw lang ba ang may papel sa buhay ni Geon? Alam mo ba ang mga nangyari rito... habang nasa France ka?” ngumisi siya.

Kumuyom ang kamao ko.

“Paano ka nakakasiguro na... ikaw lang ang ikinama niya?” malaman niyang sinabi. “Huwag mo akong hamunin, Solaire. I killed you before... kayang kaya kitang patayin ulit... sa ibang paraan.”

Bumaon ang kuko ko sa palad ko. Naninikip ang dibdib ko sa sinabi niya. Pero ayoko maging one sided. May tiwala ako kay Geon.

“Is that what you aim for for gatecrashing?” I retorted, looked at her from head to toe. “Girl, hanggang saan aabot ang ilusyon mo?”

Lyrea scoffed awkwardly. She was about to open her mouth when I cut her off.

“Aalis ka ng kusa rito kung ayaw mo malaman ng media na ... anak ka sa iba ng ina mo. Na hindi ka tunay na Gomez!” I warned her.

Her eyes bulged. The veins in her temple showed strain of her anger.

“W-What?” 

Nilapitan ko siya. Marahas ko siyang hinawakan sa braso bago inilapit sa mukha ko. Gigil na gigil ako sa kaniya. Gusto ko siyang ingudngod sa lupa!

“You killed me once, yes! Do you think I will let you kill me again? I swear...” I grasped her arm even harder. “Your life will go down in vain. I will break every connection you have... everything! Until you crawl back to dirt! Until you bend your knees before me! Until you cry blood! Until then... I will not show any mercy for I am not God!”

Marahas ko siyang binitawan. Sumalampak siya sa damuhan. Pailalim niya akong tiningnan. A single tear escaped her eyes.

“Condemn me all you want. Sa paglabas mo ng lugar na ito, lahat ng kamalasan na hindi pa nararanasan at naranasan na ng ibang tao ay mararanasan mo... tandaan mo ‘yan.” I said fearlessly.

“Sana... namatay ka na lang.” Napatungo siya. “Kung wala ka na, may pagkakataon ako na mabuhay na hindi ka kinaiinggitan. B-Bata pa lang tayo... naiinggit na ako sa lahat ng mayroon ka! From dresses, shoes, talents... popularity... friends... complete family... and even the money and your own name. L-Lahat ng gusto ko, you have got them all! Even the man I love!”

My diaphragm went down.

Tumingala siya sa akin na luhaan. “P-Pakiramdam ko walang matitira sa akin! Na walang mangyayari sa buhay ko! Hangga’t nandiyan ka!”

Umiling iling ako. “You are responsible for your own living. Your insecurity puts you down, Lyrea! You are...cheap!”

“Maybe I am! Because I was always trying to live your life! Doon ako masaya, Solaire! Wala kang karapatan—”

“You are cheap for imitating me! For trying to steal the life I have! And I despise you for killing my half, Lyrea!” I cried.

Nanginginig ako. Anumang oras ay babagsak ako. Umaapaw ang galit sa puso ko. Gusto ko manakit! 

Lyrea chuckled, tears are still escaping her eyes. “I have always dreamed the life you have. I entered showbusiness para mapansin... akala ko kapag napapansin na ako, magagawa ko lahat. Makukuha ko lahat! K-Kahit mali... kahit saglit... gusto ko lahat ng sa’yo ay sa akin, Solaire.”

This is inhumane. How can people live immorally for an ephemeral life? I cannot imagine how these people put their antics in their belly to satisfy their greed.

Lyrea is pretty and all. She is a beautiful flower. I know she can get everything if she desires it. She can effloresce majestically. But she wants them in the stupidest and evilest way. The insecurities she felt were deep-rooted. There... she bloomed immaturely.

“We all hid once in our lives under different shades. But we will never understand everything around us if we keep ourselves shaded...” hindi ko na mabosesan ang sarili ko. “Tama lang ang Diyos na hindi kita kadugo...”

Darkness will consume us. We should not restrict ourselves to grow. Once we are used to darkness... we will choose to stay there forever.

Lyrea cried aloud. 

“Hindi ko kayo mapapatawad...” mariin kong sinabi. “Umalis ka na ngayon din.”

Lyrea put her palms in her eyes. She sobbed hard.

“Hindi ko makikita ang mukha mo kahit kailan. H-Hindi ko na maririnig ang boses mo! Kahit amoy mo... hindi ko dapat maamoy! I don’t want to breathe the same air with you, Lyrea. Naiintindihan mo?! This is the last time we will see each other!” halos pumutok ang litid ko.

Nanghihina siyang tumayo. Pulang pula ang mukha niya. Basang basa ang pisngi at nagulo na ang buhok.

Naglaban kami ng tingin.

“Y-You’re right... I have no face to show you. Because this!” she pointed to her face. “Is not! What I wanted! Yes, Solaire! I am a flower that hides herself in the shade of another! Because I have nothing to lose! My home? My family?! Friends?! Career?! Bullshit! I have nothing in life unlike you! That makes me hate you even more!” she hastened to say. 

“Leave!” my voice thundered. “Wala kang utang...na loob!” mariin kong sinabi.

Lyrea chuckled shamelessly. “Fuck everything you have.” 

Pinanood ko si Lyrea na mabagal na naglakad paalis. Tumataas baba ang balikat niya. Sa lakad niya para na siyang babagsak.

Nag-iwas ako ng tingin. Hindi humuhupa ang galit sa puso ko. Hinawakan ko ang mga kamay kong nanginginig.

Napaupo ako sa damuhan nang sumakit ang dibdib ko. Ang aking anak...

I cried in so much pain. My chest is hurting so much that it kills. Every damn thing seemed to be sharp that pierced my heart a hundred times!

This is not what I wanted. Kahit ganoon siya, may pakialam pa rin ako dahil minsan ko na siyang itinuring na kadugo! I have been good to her, at least, in a way I can. How can she be so damned. She was a family to me… 

After what she had done to me… I lost my heart to her as my family. She deserved nothing. I will not forgive her for what she’s done! 

“Laire? Solaire! Shit!” 

I turned my eyes to the one who called. My vision is distorted. Everything around me seemed to be moving upside down. I tried to move, but I feel numb. I clutched my chest. My lips agaped. Before I could even speak, I was consumed by darkness.

“Solaire!” was the last thing I heard before losing my consciousness.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top