39
Ring
Hindi mapakali ang mata ko. Kanina pa nito hinahanap ang pagmumukha ni Geon. Anong oras na, hindi pa rin siya bumabalik dito. Hindi ako makapag-focus.
“Solaire, what’s with the long face?” tanong ni Diether nang mag-short break kami. Wala kasi talaga akong gana.
Maaga niya ako sinundo sa hotel. Pagkahatid sa akin dito, nakatanggap siya ng tawag. Nagpaalam sa akin na aalis at babalik din agad. Tanghali na, hindi pa rin siya bumabalik.
Kating kati na ako hagilapin ang number niya at i-message. Kaya lang ang kapal naman ng mukha niya kung gagawin ko iyon.
“Feon left the building with the chairman of the board and other entrepreneurs...“ imporma ni Diether, tumango na lang ako.
Hindi nagtagal ay bumalik na ako sa trabaho. I did my best to finish my job earlier than expected. Kaya lang may mga script kasi ako for promotion ng businesses. Doon ako nagkaroon ng problema.
“Miss Solaire, try to sound energetic!” sabi ng director.
Ngumiti ako. Inulit ko ang linya ko na hindi naman gaano mahaba. Pero wala talaga sa kondisyon ang katawan ko ngayong araw. Ewan ko ba.
Nag-cut ulit. Gusto ko na sabunutan ang sarili ko. Simpleng trabaho, hindi magawa!
Nilapitan ako ng director. Tipid itong ngumiti. “Are you bothered?”
Nilinga ko ang mata sa paligid. Only to be disappointed again when my eyes did not catch what I was looking for.
“Pasensya na po... ulitin po natin.” paumanhin ko.
The director nodded. Sumenyas siya sa mga stylist na lapitan ako. Pina-rehearse muli sa akin ang mga sasabihin ko. Sinubukan kong ituon ang buo kong atensyon sa trabaho. Hindi lang naman ako ang napapagod dito.
“Okay! Another shot, Miss Solaire! Ready!” signal ng director.
Natural kong ginawa ang commercial na ni-rehearse namin na parang tunay na artista na hindi nauutal sa script. Perfect na sana ang shoot kung hindi lang malakas ang fan na nakatutok sa akin. Humapdi ang mata ko dahilan upang maantala ang produksyon.
“S-Sorry, director!” paumanhin ko habang nagkukusot ng mata.
“Anong tinatayo niyo? Kumilos kayo!” utos nito sa ibang staff bago ako nilapitan. Sinuri niya ang aking mata. “Are you okay?”
“Move.”
Kapwa kaming natigilan nang sumulpot sa harap ko si Geon. Tumabi ang director. Nagkatitigan kami ni Geon. Kumunot ang kaniyang noo habang sinusuri ang mata ko. Ibinaba niya ang mukha sa akin. Hinawakan nito ang pisngi ko bago marahang hinipan ang mata kong napuwing.
“Ay, talaga naman!” may tumili sa team namin.
“Ting, ting, ting, ting! May nanalo na!”
“Ang hirap naman mapuwing! First step, dapat maganda at may Sir Dungeon Variejo!”
Hindi ko sila magawang pagtuunan ng pansin dahil sa sobrang lapit ng mukha namin ni Geon. Halos dumikit na ang amoy niya sa akin... para akong niyayakap noon.
“Does it still hurt?”
Kumakabog ang puso ko sa tanong niya.
“H-Huh?”
He chuckled. “Mahapdi pa ba?”
Mabagal akong umiling.
Marahan niyang pinisil ang pisngi ko. Hindi na ako makapag isip nang ayos. Kanina, wala akong gana. Ngayon, parang bigla akong nabuhay. Ganito na ba kalakas ang epekto niya sa akin?
“Saan ka galing?” nahimigan ko ang pagtatampo sa aking maliit na boses.
“Someone needed my help. Hindi ko mahindian—“
“Sino ba siya? Babae?” mababa lang ang boses ko baka marinig kami.
He stifled his tongue. “Hmm... an old friend.”
Lihim akong umirap. Alam mo ‘yong pakiramdam na gusto magpa-baby kasi inatake ng pagtatampo? Wala naman akong dahilan para maramdaman ito pero... ang pangit sa pakiramdam!
“Doon ka na. Tatapusin na namin ito.” malamig kong sinabi.
He cocked his head a bit, smirking. Para bang tuwang tuwa pa siya sa reaksyon ko. Lalo akong naiinis.
“I hate you.” mariin kong bulong dito.
“If hating me helps my baby princess with a disorder feel better, then I’m glad I could be of service in some way...” bulong nito pabalik bago ako kinindatan.
Argh! Anong nakakangiti, Solaire?! Kadiri ka. I scolded myself in my head.
Walang paglagyan ang tuwa ko at ng aming team nang magawa ang shooting na hindi na ako nagkakamali. Inaasar nila ako dahil kung hindi raw dumating si Geon, baka kalahating araw na hindi pa kami tapos sa isang produksyon!
Nagpa-picture lang saglit ang iba sa akin bago tuluyang mag-wrap up. Sa susunod na araw na daw ang natitira pang shooting. Sa ibang places iyon dahil kailangan namin ng nature na theme for renewable energy. Ang mga nauna kasi ay for banks, logistics, at health care services lang. Kaya sa commercial ishininoot.
“I’m excited!” I exclaimed nang malaman ang ibang details sa trabaho ko.
“It’s nice to know that...”
Kinuha ni Geon ang iba kong gamit. Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko. Nagpadala ako sa kaniya hanggang makasakay ng elevator. At paglapag sa basement, nilagay niya sa compartment ng sasakyan ang mga gamit ko.
We would have gotten in the car if a car did not horn and stop near us. When the window was down, I saw the inconceivable bad human before my eyes!
She took her shades then waved her dirty fingers at Geon. “Hi!”
I forehead knitted when Lyrea turned to me wearing a wide smile. Hindi maganda ang kutob ko sa ngiting iyon.
“Hello there, my cousin! I just want to thank Geon for helping me today. Naglipat kasi ako ng gamit sa opisina nila kaya pinadala ko sa boyfriend mo. Medyo mainit din kanina sa labas kaya pinayungan na rin ako ng boyfriend mo. Inuhaw ako sa biyahe kaya binilhan niya ako ng drinks. I hope you don’t mind! ‘Yon lang, bye!”
Humarurot na ang sasakyan ni Lyrea paalis. Narinig ko si Geon na tinatawag ako pero hindi ko siya nililingon. Ha! Ano naman kung ginawa niya iyon? Hindi ko naman siya boyfriend!
“Laire...”
I smirked. “An old friend na hindi mahindian, huh?”
“It is not what you think, Laire—”
“Nagbago na ang isip ko. Mas gusto ko na pala magbiyahe pabalik sa hotel.” Isinuot ko ang shades ko bago nagsimulang humakbang paalis.
“Here we go again. Get in the car now, Laire. Ihahatid kita—”
“Ihatid mo sarili mo!” I hissed then run away from him!
Tinatawag niya ako pero hindi ako nalingon. Gago pala siya. Hindi ko matanggap na nararamdaman ko ang selos na ito. Kadiri!
Para akong adik kanina sa shoot kanina kakahanap sa’yong bwiset ka. Nagpapaka gentleman ka naman pala sa ibang babae.
“Laire, Laire, Laire... please...” Hinawakan ni Geon ang braso ko upang hindi agad makapasok sa suite ko.
Nauna siya makarating sa suite ko. Inaabangan na talaga ako dahil hindi niya nahabol kanina.
“I’m tired, okay?”
He breathed. “God knows I only helped her because that was my father’s order. Believe me... walang malisya ‘yon.”
“Gano’n? Ayos lang sa akin na gentleman ka sa pinsan ko. Ayos lang ba sa’yo na gentleman din sa akin ang pinsan mo?” hamon ko.
That rough and tough body of him softened. Para bang bumagsak bigla ang resistensya sa sinabi ko. His virility suddenly vanished. I smirked when I saw his jaw moved.
“Ibang klase ka talaga, Mr. Variejo. Aside from my heart, pati ugat sa ulo ko, napapatibok mo.” ngisi ko. “Make way. Dadaan ako!”
He whistled.
Inirapan ko ito. Bahagya ko siyang sinagi bago pumasok sa suite ko. Kinuha ko ang mga gamit ko sa kaniya. Sinamaan ko siya ng tingin.
“Lahat pinagseselosan ko. At wala kang magagawa!”
“Na saan?” tanong niya.
“Na saan ang alin? Sabog ka ba?!”asik ko.
“Ang karapatan.”
Huh! Nag-init ang mukha ko sa sinabi niya. Talagang ipinamukha pa, ha? He may has a point, but it is still insulting! Sa inis ko, pinagsaraduhan ko siya ng pinto.
“Baby—damn!” frustrated niyang singhal pero naririnig ko ang tawa niya!
Bwiset na ‘to. May araw ka rin sa akin!
Pumapabor yata sa akin ang pagkakataon. Pagsapit ng hapon, dumaan sa suite ko si Zion. Magkasunod sila ni Geon.
“If you don’t mind, can we go out for a coffee?” malumanay na sinabi ni Zion.
Nasa malayong gilid si Geon. Nakasandal ang balikat sa wall habang magka krus ang bruskong braso. Parang binabagyo ang itsura niya habang nakatingin sa amin.
Umirap ako.
“For what?” I asked.
“About what happened last time... I want to apologize.” aniya.
Umiling ako. “Wala na ‘yon. Kung may dapat mang mag-apologize, si Geon iyon.”
“Tss.” singhal ni Geon.
Naglakad palapit sa akin si Geon. Bago pa siya magsalita, ngumiti ako kay Zion at tinanggap ang alok niya. Nagliwanag ang mukha niya.
“Magbibihis lang ako.” sabay pasok ko sa suite.
Nagsuot lang ako ng denim high waist shorts at white crop top. I wore my all time favorite flat sandals and white cap. Naglagay ako ng light make up bago lumabas ng suite. Nadatnan ko sina Zion at Geon sa labas na tila may seryosong pinag-uusapan. Naantala lamang nang lumabas ako.
“Laire... sa akin ka sasama.” utos ni Geon.
Hindi ko siya pinansin. Binalingan ko si Zion at nginitian ito. Alam kong nangangalaiti na si Geon ngayon. Wala akong makitang dahilan para sundin ko siya.
“Let’s go, Zion,”
“Solaire!”
“What?!” I hissed.
Geon gritted his teeth. “Binabawian mo ba ako?”
I scoffed. “What? Ikaw na nagsabi na wala akong karapatan magselos, hindi ba? Bakit nagkakaganiyan ka ngayon—”
“It was a fucking joke!” he defended. “I fucking love it when you are jealous!”
“Nice joke! But I want to hear no more! Tabi!”
Pinigilan niya ako sa tangka kong pag-alis. Nagkatitigan kami ng masama, halos magkalmutan sa isipan!
“Not Zion, please!”
I withdrew his hand from its grip to my elbow. I heard him cussed crisply.
Nauna akong maglakad. Humabol si Zion. I looked back and my heart tightened when I saw the lost Geon. Pakiramdam ko... ito ang una at huling beses ko siyang pagseselosin.
Pinaglaruan ko ang piece of chocolate cake sa plate ko. Kakarating lang namin sa coffee shop, gusto ko na agad bumalik sa suite. Parang nagsisisi ako na sumama ako rito sa pinsan ni Geon. Sometimes, I am impulsive. Sometimes, I am indecisive. I am afraid of my own anger kasi kung saan saan ako dinadala. Kung anu-anong nagagawa ko.
“Bakit ka nagsinungaling sa akin, Zion?” I began.
“I know you will ask that once we are alone...” hindi niya sinagot.
I looked at him bearing my coldness. Alam kong wala iyong talab sa kaniya pero sinubukan ko pa rin.
“Why?” ulit ko.
Pinatong niya ang braso sa table at pinagsalikop ang mga kamay. Tinatapatan niya ang tingin ko. “Ayokong bumalik ka sa kaniya.”
Nahigit ko ang aking hininga. Naghahalo ang inis at galit sa dibdib ko.
“Why is that?” pigil ang inis na tanong ko.
He then slumped his back on the chair. Gumuhit ang ngisi sa labi niya. Bumalik ang unang Zion Rejo Variejo na nakita ko sa Thunderbird resort noon.
What a great mask he’s wearing.
“It’s true that I liked you... only because you are fierce. You are incredible. And my cousin likes you.” bahagya siyang natawa. Maya maya, nagbago ang timpla ng mukha nito. His eyes darkened. “I remembered someone from you...”
Ramdam ko ang pagpipigil nito ng galit. Hindi ko alam kung para sa akin o may iba pa.
“And you hate me now?” I guessed.
“Yes.” walang kaabog abog niyang sagot. “Sa tuwing nakikita kita, naaalala ko ang taong iyon... at ang ginawa niya.”
I held my breath. He really does not like me for who I am. It is someone else who is as fierce as me. Marahil ay malalim ang sugat ni Zion to the point that he wants to scathe me as the ghost of his past to avenge himself...
“Zion, magkaiba kami ng taong iyon!”
“Yeah, right. Reason why I asked you to meet me... to apologize. Even before... doble ang galit ko sa‘yo.” sinsero niyang sinabi.
Gumaan ang pakiramdam ko. Nawala ang pagkailang ko sa kaniya. At ngayong nalaman ko ang tunay na dahilan ng pag-amin niya sa akin, pinapatawag ko na siya.
Maybe, he was not really mad at that someone. He must be asking for an explanation and apology he deserves.
“It was not really me you are talking to noong sinabi mo kung bakit hindi ka pa magka girlfriend?” I recounted.
He nodded. “Yeah...”
Napangisi ako. She must be very pretty for him not to remember. Whatever her reason is, she must have the courage to solve it with Zion.
“Time doesn’t wait for anyone.” sabi ko. “Make your move...”
Trying times are not the times to stop trying. Whenever we commit mistakes, we should take time to do everything that makes it right at least. We may not put everything back in its original state... at least we tried... at least we exerted effort. That’s the most important thing.
In this life, we cannot protect two things at the same time. If we don't make a decision, we will lose both. Time is ours.
Naputol kami sa pag-uusap ng may lumapit na barkada sa table namin upang magpa-picture sa amin. Tumayo kami ni Zion upang pagbigyan sila.
“Pwedeng isa pa po?” request ng babaeng high schooler.
I smiled.
“Move.”
We were all shook when Geon appeared between Zion and me. Halos matumba ang pinsan niya sa biglaan niyang pagsingit!
Inakbayan ako ni Geon. Ngumisi siya sa akin. Sinamaan ko ito ng tingin. Narinig ko naman ang komento ni Zion sa tabi niya.
“Ang hirap agawin ng girlfriend mo... sa’yo na. Seloso mo.”
Argh! Hindi na sila nahiya!
“Hindi mo lang kaya. Wala kang dating.” Geon whispered back.
Natampal ko ang noo. Wala talaga silang pinipiling lugar.
“Ulul.”
“Thank you!” sabi ko sa mga bata matapos magpakuha ng litrato sa amin.
Binalingan ko ang magpinsan at sinamaan ng tingin. Nauna na ako maglakad palabas ng coffee shop. Hinabol ako ni Geon!
“Stop right there, Solaire!” maawtoridad na utos ni Geon nang mapagod kakahabol sa akin. Inabot na kami sa park malapit sa coffee shop kasi ayoko sumabay sa kaniya! Galit pa rin ako, ewan ko ba!
“Hindi matatapos ang problema kung palagi mo akong tinatakbuhan!”
Mabuti na lamang at hindi gaano matao sa gawi namin. Hindi nila makikita ang pagtatalo ng dalawang mabangis na hayop!
“Wala tayong problema, Geon! Imagination mo lang ‘yan!” sagot ko pabalik.
Lumapit siya sa akin. Halos iduldol niya ang mukha sa akin. “We have a problem, Solaire. We will fix—”
“Hindi groupings ang problema natin, okay?! Kung may problema ako o ikaw, tayo lang makaka resolba roon!”
Pinadaan niya ang kamay sa kaniyang buhok. Bahagya siyang natawa, napapailing. Kitang kita ko ang labis na pagpipigil niya ng galit at inis sa sitwasyon namin. Gayundin ako. Ramdam ko ang init ng dugo ko.
Nagkatitigan kami.
Sandaling katahimikan ang nanaig sa pagitan namin. Nagtatalo na ang kahel at dilaw sa langit. Pero wala roon ang atensyon ko.
“Let’s stop the chase and yell, my love. Let’s raise our words, not voices.” banayad niyang sinabi.
Do I miss him so bad kaya ganito na lamang ako mag-react?
Parang alipin ang sarili kong katawan nang ito ay nagpasakop sa mainit na bisig ni Geon. He buried his face in my shoulder. Nakiliti ako sa mainit niyang hininga subalit wala akong ginawa para lumayo siya.
I... like this. I miss him, too.
“Huwag na tayong mag-away. Hindi ko kaya ang galit mo.” bulong niya sa pagitan ng mabigat niyang paghinga.
Wala sa sariling tumango ako.
“I-I’m sorry...” Nagtampo lang. Nagselos.
Kumalas siya sa yakap. He cupped my face while staring deeply in my eyes. “Let’s rest.”
Sinundo kami ng helicopter noong gabi pabalik sa La Union. Hindi na ako tumanggi dahil gusto ko rin siya makasama ngayon at sa mga susunod na araw. Nagpaalam ako sa manager ko at stylist na sandaling mawawala para hindi sila mag-alala.
Tama naman si Geon na kailangan naming mag-usap nang mahinahon. Kung palagi kaming magpa pataasan ng boses, hindi kami magkakasundo. Nakakapagod din makipagtalo.
I know I am at fault, and he’s got a point. I was just annoying him to get even.
Kakatwang isipin na matapos ang sagutan namin kanina, magkasama kami ngayon at nagtatawanan! Hindi pa man kami tuluyang nakakalapag sa La Union, pakiramdam ko ay sapat na ang sandali na ito para sa amin ngayon.
“Wow...” manghang sambit ko habang itinuturo ang city lights sa baba.
“You like it?” he chuckled.
I nodded.
“I like you more...” Ang random talaga niya!
I hid my smile.
Malalim na ang gabi nang makarating sa mansyon ng mga Variejo. Ngunit parang may munting kasiyahan dahil sa tawanan at mga alak na nadatnan namin sa living room.
Nakaupo sa single couch si Israel Landon Variejo. Sa magkabilang couch naman nakabagna ng upo sina France, Abra, Andrew, Alex, at may dalawa pang hindi ko kilala. Naroon rin si... Martina?!
Huh! Akala ko nakaligtas na ako kay Lyrea dahil naiwan ito sa Manila. May isa pang problema pagkarating ko rito sa La Union.
Napunta sa amin ang atensyon nila. Gulat na gulat sina France at Abra sa aking pagbabalik.
“Ang lakas ko talaga sa Diyos! Kita mo na? Kanina ko lang hiniling na bumalik si Miss Solaire, aba’y dumating nga!” si Abra.
“Mahiya ka naman.” si France at umayos ng upo. Binati niya kami.
Si Israel ay tahimik lang na nakamasid sa amin.
“Hi, Geon!” Tumayo si Martina at patakbo ng lumapit kay Geon. Ngunit natigilan nang mapansin ako. “S-Solaire?! Is that—”
“Oo,“ agap ko.
“Geon, I heard na uuwi ka kaya pumunta ako. Let’s go unwind—”
“No, Martina. You should go home.” Geon cut her off.
Nakainom si Martina at ang lakas ng amoy ng alak sa katawan niya. Mukhang hindi siya makakausap nang matino ngayon.
Sumenyas sa ibang guard si Geon. Agad lumapit sina Andrew at si Abra. Tila nawala ang tama ng alak sa mga ito pagkaharap sa kay Geon.
“Bring her home.” utos ni Geon.
“Geon, w-what are you saying? You promised! You promised na sasamahan mo ako—”
“Martina... sober up. I will talk to you once you’re sober.” pigil ang inis ni Geon.
Martina scoffed then striked my eyes. “Ikaw na naman... I waited Geon to talked about us! Nandiyan ka na naman! Nakakasawa ka na...”
“Iuwi niyo na.” utos ni Geon.
Walang nagawa si Martina nang akayin na siya paalis nina Abra at Andrew. Sumunod sa kanila sina France at Alex. Lumapit na sa amin si Israel. May tama na rin siya ng alak pero alam niya pa naman ang nangyayari sa paligid niya.
I heaved a deep sigh.
“What happened?” Geon asked his cousin. Hindi ko alam kung tungkol saan iyon.
Israel smirked then looked me. Pumorma ang kamay niya na parang may sasabog. “Boom.”
Geon smirked. “I’ll see you around.”
Nagkaintindihan na sila roon? Mga alien ba sila?! Ang weird.
Nagpaalam si Israel na aalis na. Sumunod sa kaniya ang dalawa pang hindi ko kilalang lalaki na kainuman nila. Hindi naman sila mukhang kriminal. Baka tauhan din ng mga Variejo.
“You hungry? I will prepare something for you...”
Nasa kwarto niya kami. Nakapag half bath na rin kami pareho nang tanungin niya ako. Tumango ako dahil nagugutom na rin ako.
Bumaba kami sa kusina para sana magluto. Literal na tumigil sa pag-ikot ang mundo nang madatnan si Ms. President na nakasuot ng apron at naghahanda ng pagkain!
Natutop ko ang aking bibig!
“Mom...” Geon approached her to kiss her. “Why are you still awake?”
Ngumiti si Ms. President sa kaniya bago ako balingan. “I am worried you are not yet eating, so I prepared these... for you and your... girlfriend.”
I could hardly look at her. Halo halo ang nararamdaman ko. I can’t believe this is really happening.
“You can call me mom or tita, Solaire... anak. Can you do that?” she asked hopefully.
Nagkatinginan kami ni Geon. Tumango siya sa akin. Nag-aalangan man ay nilapitan ko ang mommy niya na nakahanda akong yakapin.
She chuckled. “Welcome to the family, Solaire...”
Nangingilid ang luha ko. Walang namutawing salita sa aking labi. Words cannot express how I feel right now. Pakiramdam ko ay unti unti akong nabuhay muli.
“Bago pa lumamig ang pagkain, kumain na kayo. I cooked that!” ani Tita Isabel.
We both laughed. Halos mawala na ang mata ko sa sobrang pagtawa. Nang makabawi, napansin ko si Geon na nagpipigil ng ngiti habang titig na titig sa akin.
Anong iniisip mo riyan?
Pagkatapos namin kumain, naglatag kami ng blanket damuhan sa tapat ng mansyon since we are do not feel like sleeping early. Maganda ang gabi kaya naisipan namin mag-star gazing.
“Thank you... for coming back.” he began.
I traced the scattered stars above me and tried to connect them.
Bumalik sa alaala ko, sinabi kong hindi ako babalik dito. Pero dito pa rin pala ako dadalhin.
“My days and nights are dry while you are away. I don’t know what will happen to me if you do not find your way back...” There’s sadness in his voice.
Hinuli niya ang kamay. Nagkatitigan kami. Naramdaman ko ang malamig na bagay na isinuot niya sa palasingsingan ko.
Only to find it was my first engagement ring with an amber stone.
“We could have been married long before if the odds did not go our way. Wear this ring as we embark our deep affection to each other a long time ago...” He put another ring in my ring finger. “And this ring... as the rebirth of our rare love... no matter how deep and dark our life could be.”
Another ring with a rare red diamond stone.
I smiled affectionately. I moved closer to him to kiss him passionately. After a long time, this foreign feeling is in my lips again. It felt like a first kiss. A very sweet kiss to my highschool crush. I want more... more of him.
“No more hiding... no more chasing... no more leaving. My love... you are stuck with me forever. You are mine now. All mine, my baby princess.” he said breathily.
I chuckled. “Sempre tuo!”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top