38
Assistant
Noong hapon, ang ka-meeting ko ay mga representatives na ng A&V at Zero Inx Investment Corporation. Isang oras lang iyon at pagkatapos ay hinatid na ako sa suite ko upang makapagpahinga. May dinner pa ako kasama ang President ng A&V mamayang gabi. Natural, kailangan ko ng lakas... at kapal ng mukha.
Nagulat sina Feon at Diether na dumalo ang mga Alviejo at Variejo sa conference kanina, knowing how busy they are sa errands nila. Mas nagulat ako na na roon sila. Walang alam ang mga kasama ko sa koneksyon namin noon. Hindi rin ako nagkukwento sa kanila.
I was choosing the best dress to wear for our dinner tonight when the intercom system resounded. Nanakbo ako agad upang silipin ang tao sa likod noon. Nanliit ang mata ko.
“Zion... I mean... Zero?” I opened the door for him only to be stunned by his presence right now.
I folded my arms. Based on the way he looked at me, he is expecting me to say or ask something. About his cousin? Huh.
“I am worried someone might have caught us talking privately. Ikaw din...” aniya.
Nagtaas ako ng kilay. Gusto niya pumasok sa suite ko? Takot din pala ito ma-issue.
“Come in,” walang gana kong sinabi.
Namulsa si Zion at inilibot ang mata sa suite ko. Hindi pa nakuntento, nilapitan pa ang mga mamahaling gamit at sinalat kung may gabok ba o ano.
“Anong kailangan mo?” I asked directly.
He barely turned his face to me. The side of his lips rose, drowning me in a deep thought.
Nilapitan ko siya. Tumahip ang dibdib ko nang bigla niya akong hinarap!
I clenched my fist.
“I am concern... about you.” malamig niyang sinabi. Para siyang may hinahanap sa mata ko kung makatingin.
“Why is that?” I smirked.
He smirked. Nilampasan niya ako at muling naglakad lakad sa suite ko. Pinakikiramdaman ko ang kilos niya. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang takot ko sa mga susunod niyang sasabihin. Para ayoko na siyang magsalita pa.
“I know what kind of relationship you had with him, Solaire. Alam kong hanggang ngayon ay may nararamdaman ka pa rin sa kaniya. Kaya sasabihin ko sa’yo ito ngayon...”
Nanlamig ako. I feel like embracing my naked body. That there are so many eyes staring at me.
I remained silent.
“Dungeon is in a secret relationship. He is happy with her. Kung ayaw mong magkagulo... stay where you are. Don’t do anything.” seryosong aniya.
Napatungo ako. Mababaw akong tumango bilang pagsang-ayon sa sinabi niya.
He already confirmed the rumour. Sinabi ko naman sa sarili ko na masaya talaga ako para kay Geon.
“I am just here to do some business. W-Wala akong balak na... puntahan o kausapin siya.” halos hininga ko na lamang iyon.
Bumalik sa harap ko si Zion. Sinubukan niyang hulihin ang mata ko pero ako na itong umiiwas. Nangingilid ang luha ko, hindi niya dapat iyon makita!
“I doubt you can avoid him. He might visit the advertisement department... where you will work." His voice was metallic.
I looked up at him. “Kapag sinabi kong kaya ko... kaya ko. Matagal na kaming tapos. Ano bang ikinatatakot mo? May gusto ka ba sa akin?”
Hindi ko siya kinakitaan ng gulat sa sinabi ko. Nakuha pa niyang magpigil ng ngiti kaya lalong nakakainis! Lakas niya mang-asar. Samantalang galit na galit sila sa akin noon!
He scoffed. “What...”
I smirked. “Pasensya na kung... dumagdag pa ako sa mga pangarap mo!”
“My...” Zion chuckled and then lowered his face to me.
I squinted my eyes at him. “Bakit ba wala ka pang girlfriend hanggang ngayon, ha? At nang hindi ka nag-iingay dahil kulang ka sa pagmamahal!”
“Bakit? Deadline na ba?” sagot niya at inilayo ang mukha sa akin!
Sinamaan ko siya ng tingin. Pumunta lang sa suite ko para ipaalam na in a relationship na si Geon at asarin ako?
He sighed. “Naunahan lang ako ni Dungeon sa’yo pormahan noon.”
Sinasabi mo?
“Sisihin mo sarili mo kung bakit hindi pa ako nagkaka girlfriend, Solaire. Ang ganda mo masyado.” pag-amin niya bago lumabas ng suite ko.
I rolled my eyes in nowhere! Nagbibiro ba siya? Napaka random talaga ng mga Variejo! Maliban kay Eurus... sa kaniya ako may gusto noon.
Nagpahinga ako ng ilang oras. Nagising ako ng bandang alas sais ng gabi. Gumayak na ako para sa dinner with Ms. President.
I wore a tea break french blue floral puff sleeve dress and a white flat sandals. Hinayaan kong nakalugay ang buhok ko as per advice ng aking stylist. Nilagyan niya ng blue hairband ribbon ang buhok ko to compliment my dress.
On my way out of the hotel, may ilang fans na nagpapa picture. Kinakawayan ko naman ang iba pa. Ilang minuto lamang ay nakarating kami sa restaurant na sinabi ni Ms. President. May mangilan-ngilan na nagpapa picture. Ang bodyguard ko ay iginiya na ako sa VIP room.
Sa aking pagpasok sa room, nadatnan ko sina Ms. President, si Sir Throne, si Mr. Zacharion, si Zion, at may iba pang hindi ko na kilala pa.
Ngumiti sila paglapit ko. Nakipag beso ako sa kanila bago naupo sa bakanteng upuan.
Akala ko ay para sa amin lamang ito ni Ms. President. Kasama rin pala ang malalaking pangalan sa kanilang negosyo.
I was speechless until Ms. President spoke.
“You look good tonight,” aniya.
I bowed a little. Pailalim kong tiningnan si Zion na kulang na lang idikit ang mata niya sa akin! Kanina ka pa.
“You look good too, Ms. President.”
Narinig ko ang pagtawa niya gayundin si Sir Throne. May pinagbubulungan naman ang dalawang Zero sa gilid.
“You must be curious why we set this dinner up...” Ms. President said. She looked at me. “This is my personal welcome to you, Solaire. You know me... and I deeply hurt you before—”
“Wala na po iyon, Ms. President. Please...” agap ko.
Nag-aalala ako na baka malaman pa ni Zion o ng iba pa ang naging usapan namin noon. Wala naman siyang kasalanan kung bakit ako umalis. Ginusto ko iyon! Pina-realize niya lang sa akin ang maraming bagay.
“I... understand your anger before. Wala na po ‘yon ngayon.”
“This is for us to have a good rapport. Ayokong maging burden sa’yo... sa trabaho mo.” ani Ms. President. “I hope we can get along... this time... more conventional.”
I smiled, nodding. “I see no reason not to comprehend that, Ms. President...”
Nararamdaman ko namang sincere siya sa pakikipag ayos kahit alam kong para sa kapakanan iyon ng trabaho namin. Personally, I really am sincere in my forgiveness. Even before, naiintindihan ko na siya. Kung ako ang nasa sitwasyon niya, magagalit din ako. Baka isumpa ko pa ang dahilan ng paghihirap ng anak ko.
The dinner went well. We talked casually na para bang walang nangyari noon. Ramdam ko sa daloy ng usapan ang pag-iingat ng bawat isa. Hindi sila nakakalimot sa nakaraan, oo. Pero wala silang balak manatili roon, at ganoon din ako.
Maya maya, in-excuse ko ang sarili na gagamit ng lady’s room. I was applying my lipstick in front of the mirror when I heard a click on the doorknob.
Tiningnan ko ang taong iyon mula sa salamin. Kulang na lang ay kainin niya ako sa paraan ng pagtitig niya.
“It’s been a while...” bati ko kay Lyrea.
Mabilis niya akong nilapitan. Marahas niyang hinila ang braso ko. Ramdam ko ang panggigil niya sa akin, bumabaon ang kuko niya.
I stayed calm.
“What do you think you’re doing?! Plinano mo ba ang lahat ng ito?” she growled.
Natawa ako. “I had no amnesia, Lyrea. I can clearly remember that... I did nothing foul.”
Hinigpitan niya lalo ang hawak sa braso ko. “Huwag mo akong lokohin! Plinano mo ang lahat ng ito! Iyang endorsement na iyan ay unang in-offer sa akin! Hindi ko alam kung paano napunta sa’yo!”
“Para kang tanga.” Binawi ko ang braso ko mula rito. “Nananahimik ako sa Paris. Anong malay ko na sa’yo unang in-offer ‘yan? Baka nag-back out dahil napagtanto nila na malulugi sila kung mukha mo ang kukunin!”
Hindi ko na napigilan. Tang ina ako pa talaga dadaragin niya ngayon? Ha! Anong panlaban niya ngayon hindi ko naman pala siya kadugo?!
Lyrea looked squarely in my eyes. She glowered sullenly, but refused to move.
“What did you just say?! Are you insulting me, Solaire?!”
“Oo, bakit?” I crossed my arms. “At kapag hindi mo ako tinantanan... sasabog ang baho mo right here... right now!”
“Mang-aagaw ka talaga. Bata pa lang mang-aagaw ka na hanggang ngayon, punyeta ka!”
I smirked. “Coming from the woman who hides herself underneath the skin... of my name ... to make herself on top? To please everyone that you are a big catch?”
She froze. And I should applaud myself for commiting one of the bravest acts of my life.
“Do you want me to continue?” I provoked her.
“A-Anong gusto mong palabasin? Are you doubting my success?! Huh! Walang wala ka pa sa mga milestone na meron ako, Solaire! Huwag mo akong insultuhin—”
I shrugged, chuckling. “Takot sa sariling multo...”
“What?!”
I glared at her. “Huwag mo akong subukan, Lyrea. Pikon na pikon ako sa’yo. Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa niyo sa akin. Kung may pakialam ka sa buhay mo... lulubayan mo ako.”
“Argh! Bitch—”
Lumipad sa ere ang palad niya. Subalit bago pa man iyon lumapat sa pisngi ko, hinuli ko iyon at mariing hinawakan. I equalled my glare at her. That’s right, bitch. Look into the avengeful cruel olive eyes.
“You’re a fraud, right?” I probed.
Her eyes almost pop out from their sockets. Her hands trembled. I smirked. Bull’s eye.
“How does it feel to live sharing in my name, hmm? Show your fans your true color!” my voice thundered.
“S-Shut up! Hindi ‘yan totoo! Shut up!” histerya niya, umiiyak na. “Don’t you dare ruin me—”
I grasped her hand firmly. Tang ina, gusto ko baliin lahat ng buto niya!
“You ruined me first! You killed the most important thing in my life! I will make sure... you will pay. Bigtime.” mariin kong sinabi at nilapit ang mukha ko sa tainga niya nang makaintindi siya! “Watch me... slowly destroying your stolen life.”
Binitawan ko siya. Nawala ito sa balanse dahilan upang sumalampak siya sa sahig. Nanlulumo siyang tumitig sa sahig.
Bumaba ako upang tampal tampalin ang pisngi niya.
“I will be your monstrous... horrible nightmare.” I remarked smilingly before stepping out of the bathroom.
The fact that I know the story, and how it pained me makes me do cruel things. I may act cool but deep rooted... I am afraid of my own anger! Sometimes, fear does not subside. You have to do it afraid.
“Are you okay? May nangyari ba?” salubong sa akin ni Zion pagbalik ko sa table namin. Muntik na ako tumama sa dibdib niya sa sobrang lapit niya!
Hindi agad ako nakaupo dahil sa kaniya. Nagkatitigan kami. Nakita ko ang kakaibang pag-aalala niya sa akin. Hindi ko alam kung ideya siya sa nangyari pero mukhang ganoon na nga.
Hahawakan niya sana ang mukha ko nang may pumigil doon. Nagulat kami sa biglaan pagsulpot ni Geon! Tinabig niya ang kamay ni Zion na ilang pulgada na lang ang layo sa pisngi ko. Pinalitan niya rin ang pwesto ni Zion na sobrang lapit sa akin.
“You really know how to pissed me off.” banta ni Geon at hinapit ang bewang ko palapit sa kaniya.
Napatayo ang mga magulang niya pati si sir Zero. Hindi sila makapaniwalang tumingin sa amin. Shit, nakakahiya!
Zion chuckled. “Paano ka nakarating dito?”
“Dumistansya ka kung ayaw mo magbagsakan tayong dalawa rito.” hindi humupa ang galit sa boses ni Geon.
Tiningnan ako ni Geon. Kumunot ang noo niya. Binitawan niya ako bago nag-iwas ng tingin.
What?
Hindi nagpa-process sa akin ang mga nangyayari! Tang ina, ano na namang ganap ito.
Umayos ako ng tayo.
“Son, why are you here?” si Ms. President habang nag palipat lipat ang tingin sa aming tatlo.
Geon scoffed. “We’ll talk some other time. Allow me to talk to our model for now.”
Diniinan niya talaga ang word na model!
“May lakad kami ni Miss Solaire, Geon—”
Napaatras ako sa sobrang gulat. Napahiyaw din si Ms. Presidente nang bumulagta sa sahig si Zion matapos suntukin ni Geon! Pumutok ang gilid ng labi ni Zion sa lakas ng pwersa ng kamao ni Geon!
“Dungeon!”
“Son!”
Zion chuckled. “Suntok ba ng pangungulila ‘yan, man? Lakas...”
“Stop it, both of you!” galit na si Ms. President.
Subalit walang pinakinggan si Geon. Susugod pa dapat ito sa pinsan. Kundi ko lang niyakap ito sa bewang upang awatin na! Tang ina, bahala na kung anong isipin niyo!
“Stop it, Geon! Please!” I said at doon pa lang yata siya natauhan. I looked at his wrathful eyes. “Calm down, please!”
Nagkaroon ako muli ng pagkakataon na matitigan ang abo niyang mata... makalipas ng ilang taon. Napakarami nitong sinasabi sa akin.
“Laire...” namamaos niyang pagtawag.
Lumayo ako sa kaniya. Nag-iwas ako ng tingin. Tinulungan ko si Zion tumayo. Sinuri ko rin kung malalim ba ang sugat nito sa labi. Napangiwi ako.
“Gamutin mo ‘yan, Zion—”
“Can you help me?” agap ni Zion.
Landi talaga nito. Kung wala tatay nito, binatukan ko na siya.
Umirap ako.
“Fuck!” Geon shouted frustratedly.
Bumalik sa kaniya ang atensyon ko. Nakita ko ang reaksyon ng mga magulang niya ngayon. Ako ay nahihiya. Napapailing na sila.
Hindi ko na alam sino uunahin ko sa magpinsan na ito. Kung alam ko lang na mangyayari ito, nagdahilan na lang sana ako para hindi na dumalo rito. Nakapagpahinga pa sana ako!
“Asshole, get your fucking wound treated your own!” gigil na si Geon.
Napugto ang hininga ko nang hilahin niya naman ako palayo kay Zion.
Zion stifled his tongue while tracing the wound in his lips.
“She is no nurse. Akin ‘to.”
Napapikit ako sa hiya.
“She is our commercial model, Dungeon. Huwag mong angkinin—”
Geon smirked. “Then, should I just destroyed Zero Inx Investment Corporation and A&V Power Corporation to make her mine? Pabor sa akin iyon basta mawala ka sa paningin ko...”
Zion laughed sarcastically. “Damn, man! Seriously? Tss.”
“Geon, Zion... stop right now. She is our endorser! Show some respect!” Sir Throne glided in.
Geon glared at Zion. Tumingin si Zion kay Geon ng pailalim.
“Touch her again, I will burn your corporation.” Geon warned Zion.
“The fuck, man?” Zion chuckled unbelievably.
Hinila ako ni Geon paalis sa silid na iyon. Para akong lobo na nagpadala sa hila niya. Tsaka niya lang ako binitawan nang makarating kami sa tapat ng elevator. Walang imikang pumasok kami roon.
Niyakap ko ang sarili gumagapang ang lamig sa katawan ko. Nakita ko si Geon na tumingin sa akin sa gilid ng mata niya. Salubong ang kilay niyang hinubad ang itim na blazer at itinapon sa dibdib ko. Hindi na niya ako kinausap pagkatapos.
I heaved a sigh. Umatras ako sa likod niya. Naiilang ako sa presensya ni Geon. Mukhang kagagaling niya lang sa business meeting nang madatnan kami sa ganoong tagpo ng pinsan niya. Kaya yata uminit ang ulo dahil pagod.
Ilang minuto na pero hindi talaga siya umiimik. Mapanis na laway ko, hindi rin ako magsasalita. Wala naman akong obligasyon sa kaniya, e.
“Anong relasyon mo sa pinsan ko?” ‘Yon, nagsalita rin. “Sa pinsan ko pa talaga? Tss. Kung magbo boyfriend ka, ilayo mo.”
Gago ba siya? Hindi ako sumagot. Mukha bang papatulan ko si Zion? Gwapo siya, oo! Pero, tangina, may delicadeza pa rin naman ako! He is my ex for Pete’s sake!
“Damn...” natatawang aniya. “Why am I even acting like a jealous boyfriend...”
I glared at him. Siya nga itong may karelasyon. Kung makaasta, akala mo available!
“Shut up.”
Saktong bumukas ang elevator door sa basement. Nauna akong lumabas. Naso-suffocate ako sa loob kasama siya! Humabol naman siya agad. Hinablot niya ang braso ko dahilan upang mapaharap sa kaniya.
“Come with me, Laire. We need to talk!” nangangalaiting aniya.
Binawi ko ang braso ko, sinamaan siya ng tingin. “We have nothing to talk about, Mr. Variejo!”
His lips turned hard line. But it was a line of decision and firmness. When I stared into his eyes, I saw ominous and worried thoughts in them. At the same time, authority and wrath.
How can I make you behave, huh?
“Please, Miss Gomez!”
I closed my eyes firmly. “Damn, what?!”
“Let’s rest for a while... and then we talk.” Now, there’s a peculiar softness in his voice.
I gave up!
“W-Where’s your car?” pagpayag ko.
Nakita ko siyang nagpipigil ng ngiti habang lumilinga. Animo’y sinagot ng nililigawan. Maya maya, itinuro niya ang sasakyan niya hindi kalayuan sa gawi namin.
Nauna akong maglakad papunta roon. Sumunod naman siya.
Halos malula ako sa ganda ng sasakyan niya. Mas makintab pa itong Ferrari 812 GTS sa kili-kili ko, ah!
Pinagbuksan niya ako ng pinto. Nagdalawang-isip ako na isampa ang sandals ko. Baka kasi marumihan sasakyan niya.
“T-Thanks...” sabi ko, umayos ng upo sa passenger seat.
He chuckled. Umikot siya sa driver’s seat. Kasalukuyan kong kinakabit ang seatbelt nang tabigin niya kamay ko. Siya na ang gumawa.
Weird. Kanina lang galit na galit.
“Saan tayo pupunta?” malamig kong tanong habang nasa daan ang paningin.
“Somewhere far from that fucking Zero.” Bumalik na naman ang galit niya.
“Wala kaming relasyon ng pinsan mo, okay? Hindi kami close!” I clarified.
“Tss. He won’t act that way if you did not give him motive. Kilala ko ang gagong ‘yon—”
I faced him! “I told you! We are just working on their project! Pure business, Mr. Variejo!”
Tumahip ang dibdib ko nang samaan niya ako ng tingin. Binalik niya agad sa dinadaanan!
“Drop the formalities, Solaire! Damn it.” demand niya.
I scoffed at isinalampak ang likod sa upuan. “Ibalik mo na nga ako sa suite ko. Gusto ko na magpahinga...”
“Mag-uusap pa tayo.”
Umirap ako. “Set an appointment, then.”
Pagod na pagod ako maghapon tapos ganito pa niya ako kakausapin. Lalong nakaka-drain. Kung anu-anong ibinibintang sa akin.
“Look, I’m sorry... I... just want to have a talk with... ” he sighed then glanced at me. “You.”
Paano pa ako makakatanggi, nadala na niya ako sa kung saan. Nakaupo kami sa damuhan. Nasa akin pa rin ang blazer niya, sinuot ko na ng tuluyan. Sabay naming pinagmasdan ang city lights mula rito.
Ilang minuto kaming walang imikan. Nagpapakiramdan kung sino ang mauuna. Hindi rin naman siya nakatiis.
“You left... without saying goodbye.” mabigat sa loob niyang sinabi. “Why? Am I not worth the fight?”
Nilingon ko siya. Sa malayo siya nakatingin. Hindi ako nakasagot.
“I keep on thinking... ano pa kaya ang magagawa ko para lang manatili ka?” he chuckled bitterly.
Because I want you to forget about me. I want to see you enjoying life without me. Pakiramdam ko, ipinagkait ko iyon sa’yo noon, e.
He heaved a sigh na para bang dala-dala niya ang problema ng lahat.
Staring at his gloomy sullen eyes tightened my chest. Gumagapang ang guilt sa kabuuan ko.
“Nagkulang pa rin ba ako kahit ginawa ko naman lahat para sa’yo?”
Kaya may iba ka na? Gusto ko itanong subalit pinangunahan ako ng takot.
He looked up above the dark skies. I saw the corner of his eyes watered.
“Aalis ka ba ulit pagkatapos nito?” Pinipigilan niya mabasag ang boses.
Tumango ako. “I-I have a life in Paris. And I am happy there...”
He nodded slowly before turning his gaze at me. Sheltering under a heavy brow and arched over by thick black eyebrows is a longing eyes.
I gritted my teeth to control my tears.
“Do I still have a place there?” he asked painfully.
You have always been in my heart, Geon. Wala kang kaagaw.
I refused to answer.
He chuckled bitterly. “Ah... yeah. Don’t answer that.”
Deafening silence covered us. Until I asked him about his sudden appearance in the restaurant.
“I knew you came. My mom invited you to dinner. I was in the middle of a meeting...” he explained. “Sa kagustuhan kong makita ka, dumiretso ako roon. But I saw my cousin... so close to you. I lost my temper.”
I bit my lip.
“Bakit? Nagseselos ka?” I smirked.
“It’s not appropriate, Laire!” ‘Yan na naman siya sa pagtaas ng boses.
“And your countermeasure is appropriate, huh? Baka nakakalimutan mong in a relationship ka na!” hindi ko napigilan.
Tumayo ako. Pakiramdam ko hindi ako kakalma, e. Pakiramdam ko buong katawan ko ay kailangan mag-react!
Tumayo rin si Geon at tinapatan ang tingin ko. Kumunot ang noo niya, tila hindi alam ang sinasabi ko o talagang ayaw niya lang pag-usapan!
Sarap ilaklak ng alak ang sama ng loob at init ng ulo ko!
“Who told you that?” maang-maangan tanong niya!
Dinedeny na ngayon ang girlfriend?! Ang malas mo naman. Mukhang aatras ka dahil sa ganda ng ex niya, girl. Tang ina.
“Pardon me, Mr. Variejo? There’s this rumour about you! Having! A! Secret! Girlfriend!”
Tumaas baba ang dibdib ko. Bwiset. Gusto ko na lang mawala sa paningin niya!
“Damn,”
“Don’t you dare cheat on her!” I shrieked.
“Laire, hindi ko alam ang tungkol doon! Pakinggan mo ako—”
“Hindi mo kailangan magpaliwanag!”
His jaw tightened. “Let me explain para mawala ang duda mo.”
“Wala tayong pag-uusapan—”
“For once, listen to me, Solaire Anja Gomez!”
This is war.
Itinulak ko ang dibdib niya pero hindi man lang siya gumalaw! “I have nothing! To hear! From you! Mr. Dungeon Elixor V-Variejo!”
Hindi pa ako nakuntento. Hinubad ko ang blazer at itinapon sa mukha niya. Sapul sana kung hindi niya naagapang saluhin! Argh!
“Ganiyan na ba talaga katigas ang puso mo? You just need to open your ears!” he argued.
I gritted my teeth. Hindi ko siya binweltahan. Iniwan ko siya roon. Wala akong pakialam kung maglakad ako pabalik ng hotel! Badtrip siya!
“Solaire!”
Binilisan ko ang paglalakad. Narinig ko ang makina ng sasakyan niya. Iyon ang ginamit niya upang mahabol ako.
“Get in.” amo niya.
“Ayoko... umuwi ka mag-isa.” pagmamatigas ko, mas binilisan ko ang paglalakad.
“Damn it, Solaire. Please...”
Hindi ko namalayan na ang habulan namin ay inabot na rito sa bridge. Mangilan ngilan na lamang nadaang sasakyan. Safe pa maglakad.
“My baby princess with a disorder, please get in the car.” panunuyo niya at sa halip na gumaan ang pakiramdam ko, nainsulto lang lalo ako!
“Go away, Mr. Variejo! Uuwi akong mag-isa!”
He sighed heavily. “I am sorry, okay?”
“Hindi ka talaga titigil sa pagsunod sa akin?” hamon ko. Huminto ako sa paglalakad. Hinubad ko ang sandals ko bago lumiban sa kabilang side ng bridge! “Tatalon ako kapag hindi mo ako nilubayan!”
“Shit!” Hininto ni Geon ang sasakyan niya. Dali-dali siyang nanakbo palapit sa akin. Huminto siya ilang metro sa akin sa takot na baka tumalon nga ako. “Solaire... bumaba ka diyan. Get in the fucking car, now.”
Mabagal siyang lumapit.
“One more step... I will jump. Hindi ako nagbibiro!” halos mapaos na ako kakasigaw sa kaniya kanina pa!
Ihinilamos ni Geon ang palad sa mukha niya. Kita ko ang frustration at pag-aalala sa mukha niya. “Don’t, please... Ito na... lumalayo na...”
“Layo pa!”
“Y-Yes... okay!” umatras siya habang nakataas pailalim akong tinitingnan.
Sinilip ko ang ilog. Napalunok ako. Kumabog ang puso ko nang maalala ang huling nangyari sa akin. I triggered my own trauma because of this.
Umihip ang panggabing hangin. My lips tremble along with my weak knees. Kung hindi ko naagapan na kumapit nang mahigpit ay nahulog na ako!
I breathed hard.
Binalik ko ang tingin kay Geon na marahan na naglalakad pabalik sa akin.
“Let’s go home, Laire.”
I know he is not referring to the hotel. He’s talking about us... home... with each other’s warmth.
I felt my firmness liquified in an instant. Nangingilid ang luha ko.
Tuluyan siyang nakalaput sa akin. Nagkatitigan kami. Marahan niya kinuha ang aking mga kamay at inilagay sa balikat niya. Pagkatapos ay marahan niya akong binuhat.
He sighed. “Ang tigas pa rin ng ulo mo...”
Itinungo ko ang mukha. I let him carry me back to his car. He drove me back to my hotel without talking about what happened earlier.
“Where have you been, Solaire?! Why did you leave Ms. President in your dinner—”
Geon intervened during Feon’s preach. “She’s with me. Let her rest.”
Feon closed her mouth then nodded at him.
“Babalikan kita bukas ng umaga. I will be your assistant in your work.” Geon declared impulsively.
“A-Anong—”
“End of discussion. Goodnight.”
I closed my eyes sa sobrang pagpipigil ng inis. Tang ina na naman. Hindi nadadala inhale exhale!
Feon and Diether gossipped about what happened to me. I told them something but not everything. Tinatamad ako.
Umuunat pa ako nang bumukas ang pinto ng kwarto ko kinabukasan. Literal na malaki ang mata ko nang totohanin nga ni Geon na magiging assistant ko siya! Anong alam niya sa pagiging assistant ng model?
“Anong aga mo?” I questioned, my hand covering my mouth. Siyempre, wala pa akong toothbrush at mouthwash! Samantalang kumakalat sa buong suite ang pabango ni Geon.
Tamad niya akong tiningnan. Noon ko lang napansin ang towel na dala niya. Hinagis niya iyon sa mukha ko!
“Kilos na.”
Pinaningkitan ko siya ng mata. “Hoy, inuutusan mo ba ako? Baka nakakalimutan mong ako ang endorser at hindi ikaw—”
“Ikaw ang endorser. Ako ang controller ng corporation.” Yabang!
Umirap ako. Bakit siya nag presintang assistant ko? Mga Variejo talaga, sarap sakalin minsan. Argh!
Tapos na ako maligo. Sinilip ko si Geon sa receiving area. Nakapatong ang paa sa table at palipat lipat ng channel. Parang bored na bored siya sa paghihintay sa akin.
Umismid ako.
“Are you comfortable with that?” kunot-noong tanong ni Geon sa black fitted backless dress na suot ko nang lumabas ako. “Sana naghubad ka na lang.”
“I am comfortable with this!”
He nodded with pleasantness kahit magkasundo ang kilay niya.
Hindi na ako nakipagtalo noong sabay kaming dumating sa commercial building ng A&V Power Corporation. Kumpleto na lahat ng staff. Hindi ko inaasahan na pati si Zion ay naroon.
Pumagitna na agad ako kina Zion at Geon dahil mukhang balak sundan ang unang suntukan nila.
Alangan akong ngumiti. “Huwag ngayon, utang na loob.”
Nakahinga ako nang maluwag when their features laid back. I think I disarmed them by my mere words.
“You should stay in the office,” ani Zion.
“I am her assistant.” Geon coldly replied.
Zion chuckled. “She has a lot here...”
Zion Rejo Variejo! Napaka mapang asar mo talaga! Sa isip ko ay sinabunutan ko na siya!
Geon smirked then grabbed my waist.
Napatingin si Zion sa kamay ni Geon sa bewang ko. He played his tongue in his mouth while ogling at his cousin grimly.
“Bakod na bakod?” Zion commented.
“You better do your job, Zion. Bago ko makalimutang pinsan kita.”
Zion shrugged his shoulders, chuckling. Pinanood ko itong maglakad paalis.
Inilayo ko agad ang sarili kay Geon. Sinamaan ko siya ng tingin bago talikuran! Possessive asshole!
I heard him chuckle.
Damn you!
Konting minuto pa ay nagsimula na ang photoshoot. Pero halos wala kaming makuhang magandang shot kasi maya’t-maya ay umeepal si Geon!
“Her hair is messy. Let me check...” aniya at nilapitan ako.
He traced the angle of my face using his hand. Nagkatitigan kami. Nagtaas ako ng kilay. Pigil naman siyang ngumiti.
“Gosh, can you please?” sukong-suko na ako. Pang-ilang interruption na niya ito!
“Why? Let me just do my job.” he whispered back. Pagtitinginan na kami!
I heaved a deep sigh. Bago pa bumuka ang bibig ko ay inilayo na niya ang sarili sa akin. Naupo siya sa isang tabi at nagbukas ng tubigan (tubigan ko iyon). Habang umiinom ay nakatingin sa akin.
Umirap ako sa kaniya.
“Perfect!” sigaw ng photographer nang naging sunod-sunod ang pagpose ko dahil hindi nang-aabala si Geon.
Akala ko lang pala.
“Change her dress, please. Too much skin...” puna ni mayor.
“Sir?” nanlalaki ang mata ng wardrobe organizer.
“Why do you have to be that sexy?” Geon whispered to me.
I scoffed. Napapansin na kami ng mga staff. Pero hindi sila naiinis dito. Pambihira.
“Just change her dress.” ulit niya.
“O-Opo!”
Para wala ng ligalig ay nagpalit na lang ako. Nilapitan niya ulit ako upang inspection-nin ang suot ko. Disente naman ang mga sinusuot ko. Si Geon lang talaga ang maarte.
Geon smirked after looking at my dress. “Better,”
Matapos ang tatlong oras, nakaraos din kami. Dumiretso na ako sa dressing room. Sumunod si Geon sa akin. Kung hindi pakialamero si Geon, kanina pa kami natapos.
“Let’s eat outside.” he invited.
Nilingon ko siya. Naroon siya sa gilid ng pinto. Nakasandal habang magka-krus ang naglalakihang mga braso. Bakat ang malabato niyang katawan sa suot niyang puting t-shirt. Katawang nandudurog.
“I have something to do...” I reasoned out.
Naglakad siya palapit sa upuan ko. I froze when he put both of his arms on my side, cornering me. We looked at each other through the mirror.
“Are you... afraid?” namamaos niyang tanong.
I pointed myself dramatically. “Ako? Saan?”
“Afraid of falling in love with me... again.”
Ilang segundo akong hindi nakatugon. Itinawa na lang nang rumehistro sa isip ang sinabi niya!
“Nice joke...” muntik na mautal.
I was stunned when he fitted his face on my shoulder. My heart ached in its fast beating. He breathed.
“I missed my Solaire...” he closed his eyes. “Can I have my baby now?”
My defenses slowly lowered. My shoulders fell. I could not open my mouth to say something. Perhaps, I was too shocked... too overwhelmed. I don’t know.
“Last night... when you are about to jump off the bridge. I could hardly breathe. Thinking I will lose you again.” he said. “Huwag mo nang uulitin iyon, pakiusap.”
Guilt covered my heart. Inaamin kong naging mahina ako sa bandang iyon. Nagpadala ako sa emosyon. Nakalimutan kong pareho kaming masasaktan sa ginawa kong iyon.
Iyon marahil ang dahilan kaya siya walang imik kagabi buong biyahe.
“I’m sorry...” usal ko. Hiyang-hiya ako sa pinaggagawa ko.
“It’s fine...”
Muling nagtama ang mga mata namin sa salamin. Kinagat ko ang pang ibaba kong labi upang pigilan ang nagbabadyang luha.
Bakit ba pinipigilan ko ang sarili kong mahalin siya ulit? Wala akong nakikitang problema. Kung ayaw man ng mundo sa amin, ano naman?
Sometimes, people have problems because of themselves. They inflicted it in themselves despite the presence of available alternatives. Why do we always choose the hard way?
“You are in a relationship... do not make her feel unwanted.” sabi ko.
“I do not have any. That rumour is not applicable to me.”
I chuckled. Kanino pala iyon? Niloloko lang ba ako ni Zion?!
“Zion told me you... have a secret relationship... with an ordinary girl.” I said painfully. Kahit peke iyon ay nakakapanghina sa parte ko.
“Remember when you tailed me in the bar? You met him there. The first time he bumped into you, he liked you. He admitted to us that he has a crush on you.” he said grimly, almost bitterly.
I was dumbfounded.
Geon sighed. “But I owned you... sa akin ka lang. Sa akin ka ikakasal. Sa akin ka habambuhay.”
I bit my lip, suppressing my smile. Damn! Hindi ako marupok!
“Wala kang... girlfriend?” paglilinaw ko.
Umiling siya, niyakap na ako nang tuluyan.
“Kung ganoon...”
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil inikot niya ang upuan ko paharap sa kaniya. Nakaupo siya sa tapat ko ng bahagya at malalim na tinitigan.
“Sabihin mong mahal mo pa rin ako, magiging maayos ang lahat.” sinserong aniya. “Kakalimutan ko na umalis ka. Kakalimutan ko ang sakit, Laire. Mangako ka lang na hindi ka na aalis ulit...”
“Geon, gusto kong magpahinga...”
“Magpahinga ka sa akin.” agap niya at hinaplos ang pisngi ko. “It is not late for us.”
“Geon...”
He smiled bitterly. “I see... you’re not ready. It’s fine... I’ll wait.”
Paano ako aalis kung nakuha mo na naman ako? Paano ako lalayo kung ikaw ang gusto kong sundan? How can I move on when I am so fucking in love with you, asshole!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top