33

Fell

I woke up in my room on the same day. It’s already dark outside when my eyes glanced at the veranda. I was already on my bed, too. I have no idea how many hours I was unconscious. But what confuses me is that Sat is in my room.

Napatayo siya sa pagkakaupo sa couch nang makita ako. Naglakad siya palapit sa aking kama bago kunot ang noong tumingin sa akin.

I tried to get up but Sat told me not to move an inch. I looked at him, perplexed.

Naupo siya sa gilid ng kama ko. He hushed me while glancing at the door. I don’t understand what’s going on with him. This is just a perfect time to ask for help.

“Sat...” halos manginig na ang boses ko hindi ko pa man nababanggit ang pangalan ni Geon.

“Miss Solaire, this is the only way I can help you.” seryosong aniya.

Umiling ako. Ilalayo niya sana ang sarili nang hawakan ko siya sa damit. Desperada na ako, wala na akong pakialam sa itsura ko ngayon.

“P-Please... I need to see Geon... I-I want to make sure he’s fine—”

“Wala siya sa maayos na kalagayan,” pagkumpirma niya.
“He was beaten by Mon and Sun’s men... to make sure he would not cause any problem in your wedding. Utos ni Gideon.”

Tila napigtal na tali ang kamay ko nang bumagsak iyon. Nagpaunahan sa pagtulo ang aking luha. Umawang ang aking labi upang makahinga nang maayos.

Ang taong tumulong sa akin ngayon ang nangangailangan ng tulong ko... pero anong ginagawa ko? Bakit wala ako sa tabi niya gayung isang beses lang siya naghangad mula sa akin?

Nag-angat ako ng tingin kay Sat, mapait na ngumiti. “K-Kailangan ko siya makita...”

Umiling siya. “Kung ayaw mong mapahamak pati ang bata sa sinapupunan mo...mananatili ka rito.”

My eyes widened. I never told Geon about my pregnancy or to anybody aside from my Ob-Gyne. How did he know?!

My breath shortened. I lowered my gaze.

“Buntis ka, ‘di ba? To a Variejo?” he probed. “Huwag kang mag-alala...”

I clenced my jaw.

“Hindi nila alam ang sikreto mo.” he breathed. “You already know the answer to how I did get to know your situation, yeah?”

Bumalik ang tingin ko kay Sat. Ngayon ay nakikipagtitigan din siya sa akin. Hindi ko alam kung sino ba talaga siya. O kung kaninong utos ba ang sinusunod niya.

Tila nabasa niya ang nasa isip ko. Huminga siya nang malalim, tumango tango.

“I have only one boss, Miss Laire,” he revealed which made my head ache!

“What are you t-talking about?” I hastened to say.

“I have been Mr. Gomez’ right hand since I was in college. He brought me here. After his death, I decided to work for Mr. Fernandez to keep an eye on his only daughter. I... consider this as his first and final request.” kwento niya.

Bumugso ang damdamin ko sa kwento niya. Nanumbalik ang lahat ng alaala ko kasama ang aking ama at ina. Kung maibabalik lang ang lahat sa dati nitong kinalagyan...

Only if I could redo everything. I would love my parents more. I would treasure every second of my life with them.

“And I want you to listen to me, Miss Solaire. This is for your own security.” he advised. “For your child...”

My child...

I was silent for some time. I was thinking of a way, but however I wanted to come up with a solution, only I ended up considering that Sat can help me during this time.

I let out a deep sigh before agreeing with him. He seemed to relax now.

Kahit gustong gusto ko puntahan si Geon at manatili sa tabi niya, hindi iyon magiging madali ngayon. Kaya kailangan ko magtiwala kay Sat. My instinct is telling me to trust him just once. That he’s not wrong or bad.

It is obvious why he is on my side now.

“I brought your dinner. You eat now and get back to rest. You need the energy for tomorrow’s big event.” aniya bago naglakad paalis ng aking silid.

Kanina pa nakaalis ng silid ko si Sat. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin mag-sink in sa akin ang mga sinabi niya. Ni hindi ako makakain ng ayos. Kaya pala ganoon na lang ang galit niya kay Gideon nang bastusin ako. At sa ibang pagkakataon, hindi ko lang pinapansin pero nakikita ko siyang nakamasid sa akin mula sa malayo.

All because he is my father’s loyal servant. See that, dad? He deserves something more.

Tumutulo ang luha ko habang mabagal na ngumunguya. Mom, is this what you mean? I am more than miserable now.

Wala pala talagang magandang patutunguhan kung sinusuway ang mga magulang. I smiled bitterly.

Bumalik ako sa kama matapos kumain. Ang isip ko ay umiikot sa mangyayari bukas dahilan upang mahirapan akong makabalik sa pagtulog.

Pagbaling ko sa orasan, alas-quatro na ng madaling araw. Mula sa labas ng aking silid ay may naririnig na akong mga yabag at ilang usapan.

Are they really that excited for the wedding? That Arman Fernandez really thinks I will fall easily under his palm by a mere worthless wedding. Now that he hurt Geon?!

I clenched my jaw in dire anger! I felt my stomach whirled suddenly. I immediately ran through the bathroom to vomit! Fuck, not now! I feel so nauseous afterwards. I cannot be like this today.

My feet stepped out from the bathroom. My eyes widened in alarm when Gideon entered my room. He spotted me near the bathroom door. I stared horribly at him when he made steps towards me.

I steady myself. He must not know anything.

He gawked at me, as if looking for something.

“What are you doing here?” I crossed my arms, smirking. “Did you not know the Filipino tradition about marriage? Hindi matutuloy ang kasal kapag...nakita mo ang bride.”

He chuckled sarcastically. He lowered his face against mine. Agad ko iginilid ang mukha. Pinadaan niya ang daliri sa pisngi ko, marahang humaplos.

I gritted my teeth.

“Fuck tradition. You will be mine now matter what.” mariing bulong niya sa tainga ko.

Kumuyom ang kamao ko sa yabang niya. Binalik ko ang mata sa kaniya. His anger arose when I smiled.

“I will never...forgive those who sinned against my family...and my man.” I whispered back, caressed his chest sexily. I wanted to puke already. But when he’s stunned, I feel victorious. “Even hell will praise me with the way I would destroy them...one by one.”

Gideon averted his gaze. His jaw tensed. “You are disabled, Solaire. You can’t do anything without me. I will make sure of that after the wedding.”

“Fuck wedding.” mariin kong sinabi.

His hand clasped like a steel trap on my wrist. His other hand passed around my throat. At that moment, I already had a foretaste of my death. I forced a chuckle to annoy him more!

“Don’t fucking test my temper, Solaire. Kung hindi ka ikakasal sa akin, mabuting mamatay ka na!” sabog niya.

Hindi ako nagpasindak sa kaniya. Kahit ramdam ko na ang panunubig ng mata ko. Nanlalambot na rin ang tuhod ko.

“You better decide now, Gideon. Dahil kapag binuhay niyo pa ako... hindi lang negosyo niyo ang wawasakin ko! Sinusumpa ko...” asik ko.

He released me from his grip. I coughed hardly, looking at him dangerously. Pulang pula ang mukha niya sa galit. Kaunti na lang ay puputok na ang litid niya.

“And you think I will give you a happy marriage after this? I will make you pay, Solaire! I will only slave you! I will put that Variejo in his grave to make you suffer more!” he rambled. “You are at the lowest!”

I did not have a chance to talk back. He brought his feet towards the doorway and left the room like an unrelaxed tiger. Fuck him.

Nanaghihina akong napaupo sa sahig. I clutched my chest. Para akong hihikain sa sagutan namin na iyon. Wala talaga siyang pinipiling lugar.

“Iwan niyo muna kami,” sabi ni Sat sa mga katulong na labas-masok sa aking silid nitong umaga.

Pinagmasdan ko ang kalangitan. It is gloomy and the air feels like rashes in my skin. May dumaan na eroplano. Sa baba ng lipad nito parang kayang kayang hawakan.

“You can’t be like this.”

Is Geon awake? I miss him so much.

“Miss Solaire... listen up.”

Please, wake up, my love.

“Miss Solaire!”

Walang gana kong binalingan si Sat. Hindi ko mawari ang emosyong nangingibabaw sa kaniya habang nakatingin sa akin. Mapait akong ngumiti.

He sighed. “Get back to your senses...”

“Way back in highschool, my schoolmates used to throw insults at me. Kesyo wala na raw akong tatay kasi kabit si mommy. Kesyo pera lang ang habol ng mommy ko sa daddy ko. Like that.” I forced a laugh. “Then one time, pinatulan ko. Nanghuli ako ng pulang langgam at nilagay sa plastic. Nilagay ko sa bag ng lider ang langgam kaya noong nakita ko siya ulit no’ng hapon, pula na ang mata at namamantal ang balat.”

Nangilid ang luha ko habang inaalala ang tagpong iyon.

“M-My mom did not what’s happening in school kasi nawalan siya ng pakialam sa akin... kasi wala siyang comfort na nakukuha sa akin. All because she thinks I am just a materialistic girl.” I cried in agony.

Huminga ako nang malalim.

“B-Baka kaya siya umalis kasi... wala talaga siyang pakialam sa akin? Baka kaya niya ako p-pinabayaan kasi... sarili ko lang palagi ang iniisip ko, ‘no?” I laughed the pain that slowly piercing my heart.

“She must be watching over you, Miss Solaire,”

Umiling ako. “Walang ina na gugustuhin mapahamak ang anak. P-Pero bakit niya ako n-nilagay sa ganitong sitwasyon, huh?”

Gusto ko siya sumbatan pero wala akong karapatan. After all, she’s still my mother. Neither I know where she is nor what her reason for sudden leaving. She did not tell me anything. She may have forgotten she still has a daughter.

Without my mother’s guidance, I feel so lost. I always feel like I'm losing.

“She must have been hurt,” dagdag pa ni Sat.

Ngunit walang salita ngayon ang makakapagpalinaw ng pananaw ko. Gusto ko magalit. Gusto ko siya sisihin! Sana isinama niya na lang ako, hindi ba? Paano ko siya hahanapin ngayon? Paano ko malalaman ang rason niya para iparamdam sa akin na pinabayaan niya ako? Paano ko siya mapapatawad?

“Don’t resent your mother. She will not leave you for lame a reason?” Sat guessed, but he seemed to know something.

I looked at him interrogatively.

“I don’t know if Arman really knows where she is. Based on my observation, he hasn't.” paglilinaw nito. Bigla siyang tumingin sa malayo, naningkit ang mata. “If that’s the case, then Ms. Czarina should make sure she hides where Arman cannot have an eye for...”

Hindi ko na maintindihan ang nangyayari. Litong lito na ako. Pero isa lang ang sigurado. Oras na hindi masunod ang nais ng mga Fernandez, masama ang kahihitnan ko.

Isang patunay ang ginawa nila kay Geon. At alam kong hindi ako makakaligtas sa galit ng mga Variejo. Lalo na sina Tita Isabel at Sir Throne.

Somehow, nabawasan ang sama ng nararamdaman ko. Paano nga kung nasa peligro ang buhay ng ina ko ngayon? Paano kung ito lang ang paraan upang iligtas ako? She must be very lonely right now. My heart ached for her.

I stared blankly at my wedding gown. The Swarovski crystals are shining before my eyes. Though elegant and eye-blinding, I lost the capability to appreciate it. Kung sa ibabang pagkakataon, kung sa isang Variejo ako ikakasal, baka sinamba ko na ito. O baka mas maganda pa ang gown na susuotin ko. But this time is different.

I only have five hours before the wedding ceremony begins. Tila mababasag ang tainga ko sa tunog na nililikha ng orasan. Nananakit ang dibdib ko. Bawat patak ng minuto, para akong mauubusan ng hangin sa baga. Pakiramdam ko, ito na ang huling araw na magiging malaya ako.

“They’re here,” imporma sa akin ni Sat pagpasok ng room ko. “His men will monitor the event. Be careful.”

Umirap ako sa hangin.

Maraming pumapasok sa isip ko kahit tulala lang. I am tell myself that everything will be fine. Pero sa huli, ang gusto ko pa rin tumakas. Paano? Ang driver ko ay tauhan ni Arman!

Naputol ako sa pag-iisip nang bumalik na naman si Gideon. Tiningnan ko siya mula sa salamin. Napatingin si Gideon kay Sat na noo’y nasa gilid ko. Umatras si Sat at mababang tumungo kay Gideon.

“Why are you here?” Gideon asked speculatively.

Lihim akong napamura.

May ilang segundong nakatitig sa akin si Sat bago sinagot si Gideon.

“I was tasked to monitor Miss Solaire. Until the wedding is done...” casual na sagot ni Sat.

Gideon smirked. His brow arched, tila may naalala. I can see his burning anger through his eyes. At kung hindi ako nagkakamali, iyon ay ang pagsuntok ni Sat sa kaniya matapos akong iligtas mula sa kaniyang panghahalay! I shrieked when he abruptly grabbed Sat’s collar, pinning him on the wall!

Sat gasped in pain.

Napatayo ako sa galit at gulat! Miski ang mga stylist at napaatras sa nakita! Gideon is really aggressive! Tell me, would I like to marry that monster?!

“Anyone there?!” sigaw ni Gideon.

Nagmamadaling pumasok ang tatlong bantay sa labas nitong room. Isa sa kanila si Mon. Bahagya silang nagulat nang makita ang kalagayan nina Sat at Gideon.

Napabuntong hininga ako dala ng frustration!

Napatingin sa akin si Mon sabay ngumisi. “Anong problema, boss?”

Kumuyom ang kamao ko. Bago pa makapag utos si Gideon, lumapit ako sa kanila. Marahas kong hinila si Gideon palayo kay Sat. Sinalubong ko ang nagbabagang mata ni Gideon.

“Don’t meddle with my business, Solaire!” his voice thundered.

Out of piled up anger, my hand gathered all of my burden against him I can’t easily speak about. Raising fierce and firm in the air, it landed flatly on his face. The sound it created made me smirk! What a satisfying sound.

I glanced at his companions. Nagtangis ang bagang ni Mon. Habang ang iba ay napaatras.

Binalik ko ang mata kay Gideon. Gideon’s face tilted due to the impact. Napahawak siya sa pisnging ngayon ay namumula. Nanlalaki ang kaniyang mata at kulang na lang ay magbuga siya ng dragon.

I shook my hand. “Ang kapal talaga ng pagmumukha mo. No doubt, Fernandez ka nga.”

“Kilalanin mo kung sino binabangga mo—”

Lumapit si Gideon sa akin at halos ipagduldulan ang mukha niya sa akin pero sinampal ko lang ulit siya, sa kabila naman! Nakaka high blood pala talaga siya.

“The fuck—”

“Yeah, what the fuck?! Sa tingin mo ba talaga ay bagay ka sa isang katulad ko? Do you really think you can own me that easy just because we are to be married, huh? Well let me tell you one thing...” I equalled my eyes at him. “Bullshit.”

Lumutang ang kamay ni Gideon sa ere. Ni hindi man lang ako kumurap. Lumapit agad si Mon sa kaniya at inilayo sa akin. Pumiglas siya ngunit ngayon ay nanatili na lang malayo sa akin.

“Boss, tama na. Babae ‘yan...” si Mon.

Gideon hissed. “Ilayo niyo si Sat kay Solaire ngayon din. Ayoko makita ang mukha niyan sa kahit anong sulok! And you!” duro niya sa akin. “You’ll pay big for this. I won’t let you get out of hand unscathed, Solaire.”

“Yes, boss.”

“Move him now!” nangangalaiti na si Gideon.

I scoffed!

“You know why I can’t like a man like you? Kasi bobo ka na, tanga ka pa.” pang iinis ko rito. “Alipin ng salapi!”

“Stop it, will you?!”

“Only a genius can love me.” I shut him up. “You are not wise enough to be my husband...”

Gideon chuckled out of irk. “Well then? Let’s see if Variejo can still open his eyes. Fuck him.”

Mabigat ang paa ni Gideon nang lumabas ng silid. Lumapit naman kaagad ang dalawang kasamahan ni Mon at agresibong dinampot si Sat. Napapalatak si Sat.

“Congrats in your wedding, Miss Solaire,” makahulugang sambit ni Sat.

And just like that... he made it felt like a farewell. I dissolved everything on my throat.

Hindi ako nakaimik. Alam kong may gusto pa siyang sabihin pero tila nag-aalangan din at iniisip ang kapakanan ko. Hanggang sa magsarado ang pinto ng silid, para akong tangang naghihintay ng kasunod niyang sasabihin

I clutched my chest. My eyes feel like crying by that simple congratulatory message.

Dinaluhan agad ako ng stylist at ibinalik sa harapan ng salamin. Kita ko ang pamumutla ng aking mukha sa nangyari.

I closed my eyes to calm myself. But Sat’s unrelax voice is like a hammer on my head! What is Gideon trying to imply about Geon’s condition, huh? Is he planning to—nothing will happen to him, Solaire. Don’t think too much! Fucking too much!

Isang Mercedes Maybach ang naghihintay sa tapat ng mansion paglabas ko. It’s already 1:00 in the afternoon. The venue is a two hour drive or less. The last update said that everyone is at the venue. It’s actually an expensive resort near Acapulco beach. 

They plan to wed us during the sun setting. Bitch please. It’s not romantic, it’s hella disgusting.

“Tara na po, Miss Solaire,” si Mon sabay lahad ng kamay.

Inirapan ko ito bago nauna sumakay sa sasakyan. Kita ko ang pagbigkas ng labi ng mura. Maya maya ay sumakay na siya sa driver’s seat. Ang nakasakay sa passenger seat niya ay si Wed.

Sa biyahe, kating kati na ako magtanong anong ginawa nila kay Sat at bakit hindi ito ang maghahatod sa akin sa venue. Ngunit kapag ginawa ko iyon, baka kung anong isipin nila. Baka ikapahamak pa lalo namin iyon pareho.

Nanahimik na lang ako.

“Yes, boss,” tugon ni Wed sa kausap gamit ang bluetooth earpiece.

Sa biyahe, naging abala ang isip ko sa pag-iisip ng paraan paano makakatakas. I am so against in this wedding! It’s either I will be a runaway bride or a slave bride forever.

But how about my child? Suppose, I chose among the right choice and various alternatives, but what is the best? Kung sa huli, magsisisi rin ako. Na may maapektuhan. The thought of my baby’s security weakened me. The plans in my head suddenly vanished. The life of an unborn child is more important than me now.

I exhaled in frustration.

Nahagilap ng mata ko ang oras mula sa cellphone ni Mon. Kalahating oras na lang ay makakarating na kami sa venue. Dumadagundong sa takot ang puso ko. Namamasa ang palad ko kahit hindi naman ako pasmado. At sa tuwing magsasalita si Wed ay nagtatayuan ang balahibo ko.

Suminghap ako nang bigla akong sipatin ni Wed. Sinamaan ko siya ng tingin bago ibinalik sa labas ng bintana ang mata.

Nagkagulo ang coordinator at stylists ko pagkababa ko sa sasakyan. Agad nila akong ni-retouch ngunit hindi na maipinta ang mukha ko. Sinasabihan nila akong ngumiti ngunit hindi sila nakakuha ng tugon mula sa akin. Ang isa ay inimporma ang mga nasa loob na dumating na ako.

Sina Mon at Wed ay nanatiling nakamasid sa bawat galaw ko sa isang sulok. Limitado ang mga nagbabanay rito sa entrance. Ngunit malalaki ang katawan nila.

“Smile, Miss Gomez...” sabi ng photographer ngunit nadismaya lang siya noong inirapan ko lang siya. “W-Wow... perfect!”

Hindi rin nagtagal ay nagsimula na umawit ang mga wedding singer. At kahit ayaw ko humakbang, ang mga baril nina Mon at Wed na nakalantad sa mata ko ay sapat na para pagalawin ang mga paa ko.

Huminga ako nang malalim.

Kasal ito pero para akong namatayan sa itsura ko.

Bago ko pa man tuluyang makita si Gideon na naghihintay sa akin sa dulo at mga bisitang sila lang ang nakakakilala (maging si Lyrea ay hindi ko na rin kilala), huminto ako sa paghakbang. Tinanggal ko ang wedding veil at bulaklak. Marahas ko ibinato ang mga ito sa sahig.

Sa isang iglap, nakalapit agad sa akin si Mon. Mahigpit niyang hinawakan ang siko ko, halos mapaingit ako sa sakit!

Sinamaan ko ito ng tingin.

“What are you doing? Do you want to die—ahh, shit!”

Natumba si Mon nang tuhurin ko siya sa pagkalalaki niya. Nilapitan din ako ni Wed. Bago pa nito mahuli ang braso ko, tinusok ko ang mata niya sanhi upang ma-out of balance siya at humandusay sa sahig.

Nagsitakbuhan palapit sa akin ang dalawa pang tauhan ni Arman galing sa sasakyan. Bago pa sila makalapit sa akin ay nanakbo na ako pabalik sa sasakyan. Mabuti at naiwan ang susi ni Mon kaya mabilis ko itong napatakbo paalis sa resort.

My heart is racing abruptly while driving the car away. My hands are shaking. Pabalik balik ang tingin ko sa convex mirror at hindi na ako nagulat nang makita ang dalawang sasakyang magkasunod na nakabuntot sa akin!

My breath shortened. My mind is muddled due to exhaustion. Hindi ko alam kung matatakasan ko ba ang mga ito. Ang daan na tinatahak ko ay malubak at paahon, dahilan upang bumagal ang takbo ko.  Nang silipin ko ang nakabuntot sa akin, nakita ko si Arman sa isang sasakyan!

My eyes widened when he put out a silver calibre. Aggravatingly, he pointed the gun towards my convex mirror. Without inhibition, he pulled the trigger which made me shriek in terror! My convex mirror was shot and I only have a vision of him from the rear view mirror.

Muling nagpaputok si Arman, dahilan upang maibaling ko sa kaliwa ang manibela. The side of the the car scratched when it hit the rock formation passing through the mountain road!

Shit!

Pinaulanan ni Arman ng bala ang sinasakyan ko. Nadaplisan ako sa braso subalit pinili kong hindi indahin. Ang tanging nasa isip ko ay makaalis sa kalsada upang makapagtago. Hindi niya ako titigilan!

I heard a loud explosion followed by screeches caused by a single bullet. The car hit a queued tree logs. Nabitawan ko ang manibela at kung wala akong seatbelt, lumusot na ako sa windshield palabas ng sasakyan.

I felt dizzy while unbuckling my seatbelt. My vision is blurry as I stepped out from the crashed car. Dala ng hilo sa tindi ng impact, gumulong ako sa damuhan.

I breathed hard. I can’t be caught again... no.

Though weak, I tried to crawl out of the car. It was only then that I regained my strength after entering the forest. But the darkness of the sky reached me, giving only limited light to my trails.

I may not know the way to the safe place through this dark woods, I still find my own feet taking it. Whatever happens, I must stay alive. For the baby. That’s what is on my mind.

“Solaire!” si Arman!

Muling gumapang ang takot sa katawan ko nang marinig ang galit na tinig ni Arman. Hinihingal ang boses at papalapit na. And it gives me strength to run for my life again.

Shit.

“Solaire! Damn it!”

Nilingon ko siya. Ngunit huli na para makaiwas. My world stopped for sometime and a small voice echoed on my head, telling me to save him.

My baby...

My eyes welled up when I felt a fast and hot bullet was deep-rooted  near my abdomen...

My lips agaped to breathe. I gathered all my strength to escape but I am to give up at this state.

I glanced at the dark skies.

“Run...Little cat...Run!” A percussive voice of a middle-aged man echoed in the forest. Arman is still chasing me now that he’s sure he shot me with bull's eyes.

I cussed under my breath when I almost fell on the cliff! It's a dead end... I stepped back and anxiously looked at the Arman who chased after me without mercy!

"Wala ka nang matatakbuhan..." His voice is like a cold, sharp knife that pierced my veins.

It spooked me. My eyes widened when he smirked at me. He then lifted his arm that holds a metal calibre and pointed it in my direction.

My heart stopped beating. My tears fell profusely while shaking my head leisurely. "N-No... Please..."

I stepped back. Tiningnan ko ang taas ng pagbabasakan ko. Hindi ako mabubuhay kung sakaling mahulog ako.

“Ang tigas tigas ng ulo mo! You are such a pain in the neck! You should rest now... peacefully! Tutal hindi na kita kailangan pa. Wala ka ng pakinabang…”

“N-Nakuha mo na ang gusto mo, ano pa bang kailangan mo sa akin?!” I argued.

He chuckled evilly. “Gusto ko? Mamatay ka at isusunod ko ang kinababaliwan mo! Hindi ko maintindihan kung bakit patay na patay ka sa lalaking iyon. Not only that…”

“Let me just live!” I cried for my life.

“I already gave you several chances! Pero hindi ka tumitino, Solaire! Mabuti pang samahan mo ang mga magulang mo sa kabilang buhay!”

Napugto ang hininga ko sa siniwalat niya. Bumigat ang loob ko. I have this urgency na agawin ang baril niya at siya ang patayin!

“What are you saying? A-Anong kinalaman mo sa pagkawala ni mommy?!” I shrieked.

He shrugged his shoulders na para bang simpleng bagay lang ang pinag uusapan. “I got bored… So I killed her. At ikaw ang isusunod ko…”

He walked towards me, smirking.

My tears escaped my eyes, my hands caressing my abdomen. “N-Not my baby, please—” But my whisper wasn't heard at all.

No!

Without inhibition, he pulled the trigger. It was loud enough to pierce my heart and abdomen. Blood immediately oozed from my mouth. My knees slowly trembled and fell on the hard ground.

I breathed hard, vomiting blood.

Arman walked towards my direction, playing the gun in his finger. He smirked. “Good bye, beautiful... see you... in hell.” he said.

I felt my body weight fall on the ground, rolling down to nowhere. Upon reaching the bottom, I heard a cracking sound after hitting onto something. I heard indistinct sounds from nearby. As much as I want to ask for help, my body and consciousness are not working anymore. Everything went black after I spit blood.

Save my baby, please… Not my baby…

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top