3

Tail


Alas sais na nang nagising ako ngunit hindi ako makabangon sa aking higaan. Magkatagilidan kami ni Geon ng higa. At...oo. Pinagmamasdan ko siya. Hindi ko alam. His existence is a nondescript...for me. And he is someone I cannot trust easily. But I cannot detach my eyes at him right now cause he really...is...

I stared at the man who was still in his dreamland. His brows are arrogant, even when he's sleeping. His face may be placid when at rest, but it is nonplus. Like you will be able to think...who you really are.

"Morning..."

Handsome.

Hindi agad ako nakakilos sa aking puwesto sa biglaan niyang pagsasalita! Parang kinamote ang katawan ko sa aking higaan. Ang mata ko pa ay tamang tama sa direksyon ng mata niya, halos lumuwa na! Namumungay ang mga mata ni Geon nang tumitig sa akin. Kitang-kita ko kung paano pa simpleng umangat ang sulok ng labi niya...habang bumaba ang titig niya sa aking...nakaawang na labi.

Bakit ganoon siya makatingin ngayon? Para bang hindi na siya nagulat na naabutan ako ng nakatitig sa kaniya. Bakit? Don't tell me...

Agad ko naramdaman ang kaluluwa ng kahihiyan sa mga sandaling ito. Tila isang mainit na hangin na dumapo sa pisngi ko. Sa palagay ko ay puwede na paglutuan ng itlog ang aking mga pisngi ngayon.

Bumangon agad ako nang nagawa kong ikondisyon ang aking sarili. Sa pagkagulat kanina, nawala panandalian ang aking iniisip tungkol sa kaniya. Tumayo ako sa aking higaan at inayos ang medyo nagulong buhok. Tuwid naman ang buhok ko kaya kahit daliri ko lang ang ginamit pang suklay ay umayon agad.

"A-Ako na ang magluluto..." sabay karipas ko palabas ng silid. Kinagat ko ang aking labi nang marinig ko ang mahina niyang pagtawa! Solaire, ikinahihiya kita. Nagkukurutan ang aking mga daliri habang nag-iisip ng pwedeng idahilan mamaya kapag nagtanong si Geon tungkol doon...sa... Damn!

Ilang minuto na ang nakalipas ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin akong nasisimulang lutuin! Pakiramdam ko ay nasa ere pa rin ang ulo ko dulot kahihiyan. Ano kayang iniisip ni Geon?

"Ako na rito, Laire." Nanigas ang mga buto ko sa katawan nang marinig ang malamig at baritono ng boses ni Geon mula sa aking likuran.

Para akong mekanikal na manika nang humarap ako sa kaniya. Maluwang ang bagang ko at ramdam ko ang paglutang ng mata ko habang nakatingala sa kaniya. Tumaas ang kilay niya, maya-maya ay napangisi na lang. Wala sa sariling tumango ako at hindi na nagsalita pa. Aalis na ako sa kusina nang tawagin niya ako.

"Hmm?" pero hindi ko siya tiningnan.

"You're dreaming last night...you aware of that?"

Sa sinabi niya, kusang umikot ang katawan ko upang muli siyang harapin. Kung nananalamin ako, alam kong nababalot na ng pagtataka ang mukha ko. Direkta sa mga mata ni Geon, sumilip ang walang kapantay na sakit.

"W-What did I say? What did you hear---"

"You want me gone." Malamig na aniya. "You keep on pushing me away..." Bumuntong hininga siya bago nag-iwas na sa akin ng tingin. Binalikan niya ng atensyon ang ginagawang pagluluto...kaysa tingnan muli ako.

I said that. I...said that.

Natapos ang pagkain namin sa umagang iyon na hindi kami nag uusap. Hindi ko siya tinitingnan. Ngunit siya, wala yatang minuto na hindi ko naramdaman ang paninitig niya. Bawat galaw ko parang gusto niya sauluhin. Dahilan kaya lalo akong hindi naging komportable...

"Laire..."

Nasa kalagitnaan ako ng pagsasalansan ng mga damit na ipinagbibili ko nang pumasok si Geon sa silid namin nang tinawag ako. Nasa damit ang mga mata ko. Atentibo naman ang tainga ko. "H-Hmm?" Ang sarap batukan ng sarili ko dahil ungol na nga lang sagot ko, nautal pa!

"I have no work today," aniya sa mababang tinig. "Let's go somewhere?"

Huminto ako sa ginagawa upang balingan siya. Akala ko...magbebenta kami ulit ngayong araw? Kung gagala kami imbes na magtinda, magagastosan kami kaysa kikita?

"Don't think about the budget. Ayaw kitang tipirin."

Nagkatitigan kami matapos niyang sambitin iyon. Ngayon ay huminto na sa pagdaloy ang dugo sa buo kong katawan. Something in his eyes that...speaks significance. I cannot just figure it out.

Mula sa hamba ng pinto, naglakad si Geon patungo sa gilid ng katre. Mataman niyang pinagmasdan ang aking ginagawa. Napansin kong mas pinagtuunan niya ng pansin ang aking palasingsingan. Medyo tumagal roon ang mga mata niya. Dala ng sobrang pagkailang, itinago ko ang aking kaliwang kamay sa likod. Kinagat ko ang labi ko.

"Mga anong oras ba tayo aalis?" tanong ko na lang.

"Five in the afternoon."

Tumango na lang ako at hindi na nakipagtalo pa. Gusto ko na rin kasi siyang lumabas sa silid upang makahinga na ako! His presence is intimidating. The darkness in his eyes will surely take away my last breath!

Saan kaya kami pupunta ni Geon? Ang tanong na umiikot sa bunbunan ko sa maghapon. Nakabihis na ako ng lavender off-shoulder na bestida. Si Geon ang pumili nito at tunay na nagustuhan ko. Si Geon ay may pinuntahan saglit sa ilaya. Baka pabalik na rin kanina pa kasi siya umalis. Habang hinihintay siya sa aming terasa, pinapakain ko ang napulot na pusa ng kapitbahay.

"Oh, bihis na bihis ka, Laire? Saan punta niyo?" Ang napadaang si Darlene ay nagtanong. Tumingala siya sa akin mula sa terasa at ngumisi. "Date kayo?"

Tumawa ako at umiling. Umasim agad ang kaniyang mukha kaya sigurado na ako na hindi siya naniniwala sa akin. Date man ito o hindi, hindi naman importante sa akin. Inasar pa niya ako ng ilang minuto. Hindi nagtagal ay nagpaalam na rin siya dahil naghihintay na raw ang anak niyang kailangan timplahan ng gatas.

Mula sa malayong tapat, nakita ko ang pamilyar na sasakyan na pumarada roon. Kasunod nito, isang pamilyar na lalaki ang bumaba mula roon. He is wearing white polo sleeves, black pants, and a pair of cognac shoes. Kung hindi nito tinanggal ang black wayfarers niya, hindi ko siya mamumukhaan.

Israel Landon Variejo...banggit ko sa pangalan niya sa isipan. Bakit siya narito?

"Laire..."

Mabagal ang naging paglingon ng aking ulo sa aking likuran. His low, idle, and cold baritone voice already registered in my head. Hindi ko na kailangan kilalanin kung sino siya. Nang magtama ang aming mga mata, lumapit siya sa akin. Kumunot ang noo sabay baling doon sa tinitingnan ko. Bumalik muli sa akin ang mga mata niya.

"Don't be afraid. I asked him to drive for us." Paliwanag niya na tinanguan ko na lang. "Let's go?"

Tumango lang ako ulit. Pinat ko ang ulo ng pusa bago ko siya iwanan doon sa terasa. Bumuntong hininga ako nang hawakan ni Geon ang likod ng bewang ko. This should be fine.

"Eurus is busy in Variejo Regal Bloodline Company. Creon is in the Fourth Revenue Luxxe Restaurants and Hotels. Ako lang available sa mga oras na ito." Seryosong sinabi ni Israel kay Geon paglapit namin sa kaniya.

Geon just smirked at him. Dinala ako ni Geon sa backseat at pinagbuksan ng pinto. Umikot siya sa kabila at naupo sa tabi ko. Si Israel naman ay umupo na lang sa driver's seat. Kita ko pa ang masama niyang pagtingin sa kay Geon.

"Driver, ah? Cool." Parang may maliit na kidlat sa boses ni Israel nang sabihin iyon.

Sa aming biyahe ay ramdam ko ang paninitig ni Geon sa akin. Nilingon ko siya. Medyo nakadantay ang braso niya sa likod ng inuupuan ko, parang payakap na. Tipid na ngiti lang ang aking isinukli bago bumaling sa labas ng bintana. Napansin ko ang itim na sasakyang tila gustong ungusan ang aming sinsakyan. Subalit may mga sasakyan sa tabi kaya hindi makapag overtake.

"Drive carefully, Rael." Ani Geon sa malamig na tinig.

Hindi na nasundan ang pagsasalita ni Israel nang makatanggap siya ng tawag sa cellphone. Napatingin ulit ako sa kay Israel. Ni-bluetooth niya iyon upang makasagot siya sa tawag. Hindi ko alam kung dapat ko bang i-assume na ako ang tinutukoy niya sa "Yes, he is with her." Sabay tingin sa akin ni Israel bago sa side convex mirror ng sasakyan.

Bakit ba sa tuwing titingnan niya ako ay para akong isang criminal? Ramdam ko ang tension sa mga mata ng pinsan ni Geon. Bagay na hindi ko maintindihan! Now...I want to remember even a bit of my memory. But at the back of my mind, bakit natatakot ako?

Walang ibang laman ang isipan kundi ang maaaring nangyari noon sa buong biyahe namin. Hindi naman ako makakatanggap ng ganitong trato kung...mabuti ang nagawa ko noon. O baka...dahil sa isang pagkakamali...burado na ang lahat ng mabuting na nagawa ko.

Naitungo ko ng wala sa oras ang aking ulo. At alam kong napansin ni Geon iyon.

"Is everything alright?" tanong niya at sinilip ang mukha ko.

Tumingin ako sa kaniya. Walang salita ang namutawi sa aking bibig. Ngunit ang isipan ko ay punong-puno. Paano mo natatagalan ang ganitong sitwasyon kasama ako? Bakit pakiramdam ko ay...hindi ako naging mabuting tao noon? Sa inyo...

Tumango ako at ngumiti ng tipid. Nag-iwas ako ng tingin. Hinihiling ko na sana ay umatras ang mga luhang nagbabadya sa sulok ng aking mga mata.

Kumunot ang aking noo sa napansing itim na sasakyan na nakabuntot sa amin simula pa kanina. Nang sulyapan ko si Israel, focus siya sa side mirror habang patuloy sa pagpapatakbo ng sasakyan. I am puzzled with his firm agitation to take over the wheels, but Geon suddenly probed.

"Iligaw mo."

Nagsalitan ako sa pagtingin sa mag pinsan dahil sa makahulugan nilang tinginan at maging ang palitan ng mga salita. Napangisi ng bahagya si Israel bago umiba ng daan.

Tumunog ang cellphone ni Geon kaya roon nabaling ang aking atensyon. Tinitigan ako ni Geon habang sumasagot sa tawag ng kung sino.

"Cut the tail on the railroad...We're almost there."

Matapos noon ay pinatay niya ang tawag. Ibinulsa muli ang cellphone. He did all of those without leaving his eyes. Tumango siya sa akin ng mababaw bago silipin ang aming likuran. Kita ko kung paano niya sa inipon ang gigil niya sa kaniyang panga habang nakatingin doon.

"Sino 'yon?" wala sa sariling tanong ko.

"Not important," sabay sulyap kay Israel na nakamasid na pala sa aming dalawa. Tumango siya sa pinsan. Parang isa iyong indikasyon na maayos na ulit ang lahat. "Thanks."

Sinilip mula sa kaliwang bintana ng sasakyan ang itim, malaki, at antigong tarangkahan. Sa bandang itaas ay nakaukit ang tila emblem ng pamilyang nakatira sa pinag kumbinang taupe, beige, brown, at rustic red exterior ng isang mansyon...Pride. Allegiance. Fortitude.

Bumusina si Israel. Hudyat naman iyon upang pagbuksan siya ng mga security guard na nakabantay doon. Umikot pa ang sasakyan bago huminto sa tila formal entrance ng mansyon. Wala sa sariling nilingon ko si Geon.

"Bakit tayo narito?"

Kita ko ang pasimple niyang pagsulyap kay Israel mula sa rearview mirror. Nawala lang ang makahulugan nilang tinginan nang mauna na bumaba si Israel. Naiwan na kami sa loob ng sasakyan.

"Let's talk about it inside,"

"No...you tell me why we are here! You're unreasonable, Geon." Iritado kong sinabi. "Is this where I live?"

Wala pa man sa loob ng mansyon para na akong naso-suffocate. Pakiramdam ko ay hindi ako welcome roon! Para bang...isa akong commoner sa nararamdaman ko ngayon. I hate this!

"We will stay here...for days." Mahinahon niyang sinabi. "This is for your own sake, Laire."

Say, what? We will stay here for days pero hindi niya diniretso sa akin kanina noong nasa Naguilan kami? Ang akala ko ay mamamasyal lamang kami!

"You did not tell me about this, Geon." Hindi ko na naitago ang disappointment sa aking boses. "Bahay ko ba ito o sa inyo?"

"My house," sabay buntong hininga niya. Sa pagitan ng ilang segundo ay hindi niya nagawang makapagsalita, waring naghahabi ng perpektong mga salita. "You...lived here before, Laire."

Wala sa sariling ibinalik ko muli ang mga mata sa mansyon. Tumira ako rito noon? Kung ganoon ay maaaring...bumalik ang aking mga ala-ala kung dito ako mananatili. Is this his agenda?

"Please, Laire...I want you to trust me." Tinangka ni Geon na hawakan ang aking kamay ngunit agad akong lumayo sa kaniya. Iniiwas ko ang aking sarili.

"You don't have to...touch me." Mababa ang aking boses. Hindi na ako nag-abala na tumingin sa kaniyang mga mata. Alam kong nasaktan siya roon. But that's what I want to tell him, even if it means he'll be affected.

Wala naman na akong magagawa kundi ang manatili rin sa lugar na ito. Bumaba na ako sa sasakyan mag-isa. Hampas ng malamig at sariwang hangin ang dumapo sa aking pisngi. Medyo madilim na ang paligid kaya hindi ko gaano matanaw ang ibang tanawin mula sa malayong dulo ng kabundukan.

Nakita ko si Geon na kabababa lang mula sa sasakyan. Tumingin siya sa akin. Bumuntong hininga siya bago naglakad palapit sa akin. Tumingala ako saglit sa mukha niya. Ngunit hindi rin ako nakatagal sa lamig ng mga mata niya. Bumagsak na ang mga mata ko sa malapad at brusko niyang dibdib.

"Let's go inside."

Isang maganda, maputi, at matangkad na babae ang sumalubong sa amin pagpasok. Medyo nanlaki pa ang singkitin niyang mga mata pagkakita sa amin. Wala sa sariling naitago ko ang sarili sa likod ni Geon. Singkit man ang mga mata niya, delikado naman kung tumingin.

Gusto man magliwaliw ng aking mga mata upang purihin ang magandang mansyon ay hindi ko magawa. That young woman dangerous. Her eyes and presence are the stratagem to make me tremble a bit.

"Mom's right..." aniya sa hindi naimpormang tinig. "Kuya...You are here."

Kuya? My brain sinks! Kapatid niya ang babaeng ito?

Naglakad na ang babae palapit sa gawi namin ni Geon. Sabay yakap sa kaniyang kuya ng mahigpit. Dahil nasa likod ako ni Geon, nagkatinginan kami ng babae. Para akong niliyaban sa aking pwesto nang tingnan niya ako na tila isang mabagsik na tigre.

"Thank God you are fine. We are so worried lalo na si mommy!" Aniya at kumalas na sa yakap. Tumingala siya sa kuya niya. "Where were you?"

Hinaplos ni Geon ang balikat, parang ipinaparating na dapat na itong kumalma dahil nakauwi na siya. "I'm fine, Ysa."

Ysa is her name. I tried to remember her, but to my disappointment, nothing reappeared.

Tumango si Ysa, sumulyap sa akin. Balik ulit kay Geon. "They are in the family room. Kuya Eurus is not here. But he'll be back before nine tonight."

Tumango si Geon kay Ysa. Maya-maya ay binalingan ako. Saglit pang kumunot ang kaniyang noo pagkakita sa akin. Hahawakan niya sana ang bewang ko ngunit naalala niya yata ang sinabi ko kanina kaya natigilan siya.

"After you, Ysa." Simpleng sinabi ni Geon sa kapatid kaya nauna na maglakad paalis si Ysa. Nagkatinginan kami ni Geon. Ako na rin ang nauna umiwas. Sumunod siya maglakad kay Ysa. Ako naman ay sinundan siya.

Huminto kami sa tapat ng kulay puti at malaking pintuan. Kita ko sa ilalim nito ang pagtakas ng liwanag mula roon. Maging ang pagtakas ng lamig na nagmumula sa loob. Hindi pa man tuluyan nakakapasok doon, parang gusto ko na umuwi.

"They won't hurt you, Laire." Geon assured me. "They are your family, too."

Hindi ganiyan ang nararamdaman ko, Geon. Pakiramdam ko ay malaki ang nagawa kong kasalanan sa mga taong nakatira sa mansyon na ito kahit pa sinabi niya na tumira rin ako rito noon.

Nahugot ko ang aking hininga nang hawakan ni Geon ang aking kamay. Kasunod noon ay ang pagpihit ng seradura. Dahilan upang tumambad sa akin ang isang magandang Ginang katabi si Ysa sa kaliwang sofa. Habang sa kanan naman ay nakaupo roon ang isa pang maganda at maputing babae katabi ng isang maskuladong lalaki...kamukha ni Geon dahil sa clean cut nitong buhok. Nakatayo sa likod na sofa, ang nakahalukipkip na si Israel.

"Hey, son..." Tumayo ang Ginang at emosyonal na sinambit iyon nang makalapit si Geon sa kaniya upang yumakap. "Thank God you're back..."

Napangiti ako ng tipid nang tumama sa akin ang mga mata ng napagtanto kong ina ni Geon. Ang bagsik ng paninitig at init ng presensya na naramdaman ko kay Ysa, Israel, Zion, at Geon ay nagsama-sama sa isang katauhan. Sa ina ni Geon.

Kumalas saglit sa yakap ng ina si Geon at bumalik sa akin. Ang maskuladong lalaki na medyo may edad na at kamukha ni Geon ay lumapit sa ina nito at may ibinulong.

"This is my mother, Daraga Isabel Variejo, Laire." Bulong sa akin ni Geon. "And that man beside her is my father, Throne Gabriel Variejo. And yeah...my younger sister...Yravel Samantha Variejo."

Variejo...

Wala sa sariling iginala ko ang mga mata sa mga binanggit niya ngayon. Nagsisimula na bumigat ang aking paghinga. At ang mga tuhod ko ay waring mababali anumang oras.

Pumasok bigla ang isang kasambahay na may dalang itim na tray. May laman iyon juice para sa pamilya. Sa hindi inaasahang paggalaw, natapilok sa sariling mga paa ang kasambahay. I watched how the glasses break and scattered on the floor. Its sound resounded like a cracked music of the past...

Mixed shades of pain lathered in my head when memories harshly bunged up consecutively! Like a glitched photo, I was moved.

"Ma'am Solaire, umahon na po kayo riyan sa pool at paparating na raw si Madam! Diyos ko, hija!"

Bahagya kong ibinaba sa aking ilong ang sunglasses na suot upang makita si Yaya Julie. Nakasampay sa tabain niyang braso ang aking white bathrobe. Sa hilatsa ng mukha ng matandang ito, mukhang natataranta na siya. I smirked.

"You leave. I'm tanning my body..." balewalang sabi ko sabay supsop sa lollipop.

"Pero, Ma'am Solaire, mapapagalitan ka ng mommy mo kapag nakita kang hindi pa nag-aayos! May session ka sa tutor mo---"

"Get lost or I will fire you?!" iritado kong sinabi rito. Kahit kailan ay pakialamera!

Medyo napadyak ito sa pwesto niya at panay ang tingin sa receiving area. Pagbalik sa akin, dumoble ang taranta niya. Umirap ako.

Binalewala ko ang reaksyon ng matandang iyon. Hinulog ko ang aking katawan sa pool at sumisid na lamang. Nag-floating ako. Ngunit halos mapamura dala ng isang pagtawag! Damn this.

"Solaire Anja, aahon ka riyan at magbibihis o hindi ka makakasama sa party ng mga kaibigan mo?!"

My lenient mother! Shit.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top