29

Harassed


Hindi ko maitago ang ngiti sa labi ng panibagong umaga habang hawak ang ibinigay ni Geon sa akin na singsing na yari sa santan. Walang paglagyan ang aking tuwa dahil dito. Kung sa iba, wala itong halaga. Sa akin, malaki. Walang sinabi ang mamahalin kong alahas sa singsing na santan na ito.

“It’s settled now. Your prenuptial will be held tomorrow in the afternoon,” si Arman habang humihipak sa tobacco niya.

Namulsa si Arman bago tumitig sa mga tauhan niya mula sa glass partition. Likod niya na lang ang nakikita ko.

Maingat kong binalingan ng tingin si Gideon sa malayong gilid ng sofa. Nakatingin siya sa direksyon ko, tinititigan din ang ring finger ko.

I composed myself. Itinago ko ang aking kamay sa likod. Tumuwid ako ng upo. Nagtama ang mata namin ni Gideon. Kumunot naman ang noo niya.

Sa paraan ng paninitig niya, tila hindi niya nagustuhan ang nakitang kilos. Wala pa man ang kasal, nangangaliwa na. Pakialam ko sa nararamdaman niya? Wala akong maalalang magandang bagay na ginawa niya para sa akin.

Ang mga taong kasamaan ang ipinunla, kasamaan din ang aanihin.

Right at this moment, wala akong ibang hangad kundi ang bawiin na ako ni Geon. Pero ayoko rin siya mapahamak. Hindi biro ang aking sitwasyon. Maaaring sa isang kalabit, may buhay na kapalit.

“Gideon, make sure you are aware in everyone's action within this mansion...” pinakawalan ni Arman ang usok sa hangin sabay baling sa akin.

Napalunok ako. Ayokong isipin na may nalalaman siya sa lihim naming pagkikita ni Geon. Sana... hindi. Dahil ipapahamak ko si Geon kung nagkataon.

“Sir, may gustong kumausap sa inyo...”

Naantala kami panandalian sa pagpupulong nang pumasok si Sun. Saglit niya akong tiningnan bago bumalik kay Arman.

Umalis si Arman sa living room. Naiwan kami ni Gideon. Sa unang limang segundo, wala kaming imikan. Naburyo siya sa aking pananamik.

Tumayo si Gideon. Nahigit ko ang hininga nang huminto siya sa tapat ko. Halos umangat ang katawan ako sa daglian niyang pagyuko. Madilim ang kaniyang mata nang tumitig sa akin bago ibinagsak ang pulang kahita sa center table. Animo’y bato ang kaniyang kamay doon.

“Suotin mo,” utos niya.

Tiningnan ko ang kahita. I stared squarely in his eyes. I shook my head, unfaltering.

“No.” matigas kong sinabi.

His lips agaped insultingly. “Wear it, Solaire. That'll be your engagement ring—”

Napatayo ako sa inis. Tinabig ko ang dibdib niya. Tumingala ako upang ipabatid ang alab sa aking mata!

“I will say this to you in the most respectable way, Gideon,” I smirked at him. “With all due respect... Fuck you.”

Nilampasan ko siya. Tumakbo ako pabalik sa kwarto ko at nagkulong. Umuusok ang bunbunan ko nang humarap sa salamin. Ang mukha ko ay tila dinamitang handa na sumabog!

Hindi talaga nila ako tatantanan! Hinagilap ko ang cellphone na bigay ni Geon upang magtipa ng mensahe. Bago iyon, nakita ko ang tambak na messages niya at missed calls.

Kinagat ko ang aking labi. Nanlalamig ang aking kamay habang nagtitipa. Hindi agad ako nakakuha ng response kaya tinawagan ko na. Dalawang ring bago sumagot.

“Hello, Geon...” mababa lang boses ko.

“Laire? Damn! I’ve been calling you since last night! What happened?” rinig ko ang pag-alala sa boses niya.

It’s been three days after our last secret meeting. I haven't got a chance to contact him since the security has gone extensive. And fuck! They even installed CCTV cameras all over the mansion!

“Sa ngayon, kwarto ko lang ang safe, Geon. I-I don‘t know what to do... Paano tayo?” I hastened to say.

I walked back and forth, glancing at the ceiling. Malamang, hindi na makaka akyat si Geon sa veranda papasok sa kwarto ko. Bantay-sarado ng lugar ng mga tauhan ni Arman.

Oh, damn it. When life tests, you will surely be smarter.

“Listen, baby girl...” Geon said hoarsely. “Hihintayin kita sa kanto tuwing gabi... Kahit anong mangyari, hihintayin kita roon.”

Natahimik ako sandali. Hindi sa ayaw ko o ano pa man. Pinag-iisipan ko lang ang mga paraan na maaari kong gawin upang mangyari iyon. Kahit delikado o imposible... Kapag gusto, may paraan.

Tumango ako kahit walang sapat na paraan. “I-I will... Hihintayin din kita doon, Geon.”

He chuckled. “That’s my baby girl.”

Nagpaalam na ako na papatayin na ang tawag dahil nakarinig ako ng mga yabag na paparating. Itinago ko muli ang phone sa ilalim ng kama. Inayos ko ang sarili. Pag harap ko sa salamin, ngumiti ako na tila walang problema.

Smile! Don’t let the problems erase that... I cheered myself up.

Bakit pakiramdam ko ay may nakakaalam sa pagkikita namin? Kung mayroon man, hindi ba dapat ay kanina pa ako namomoroblema? Wala namang counter action... Safe pa naman siguro kami ni Geon?

Ngumuso ako. Pakiramdam ko ay napakatanda ko na sa problemang ito. Noong umulan ng problema, nagtatampisaw yata ako!

Isang katok na naman ang nagpagising sa akin. Hindi ko namalayan ang oras, nakatulog pala ako. Umuulan pala kaya sobra ang pananayo ng aking mga balahibo.

“Dinner po, Miss Laire,”

Emeng dinner. Sumbatan lang magaganap pagbaba ko. Umirap ako.

“Pakidala na lang dito sa kwarto, yaya.” Hindi ko kaya makipag kapwa demonyo sa inyo.

Bumuntonghininga ako. Pagbalik ni Yaya sa aking silid, sa halip na siya ang may bitbit ng tray ng pagkain, ay si Gideon.

He is serious. His eyes, as if he is ready to eat me whole. Like a wild animal, wanting to attack.

I wondered how many girls will try to lay their hands on this gullible beast. Definitely, not my thing.

“Kain.” utos niya sabay lapag ng tray sa kama ko.

Humalukipkip ako, binaling ang atensyon sa bintana. Lalong lumalakas ang ulan. Pero kahit na, pupunta ako roon sa nasabing tagpuan. He will surely be there.  Geon, please, be safe.

“I hate the smell of your food.” komento ko kahit ang bango noon. Bakit ba? Pride is more important than my feelings right now.

“Kumain ka. Baka sabihin ng bisita sa kasal, ginugutom kita.” mahinahing sinabi ni Gideon.

Tumaas ang kilay ko sa intonasyon niya. Wooow! What a sweet man! Tarantado pala 'to, eh.

“Yaya... ” I called my Yaya with a British accent.

Agad lumitaw sa harap ko ito. “Yes, Ma’am?”

I faced Gideon again. The sweetest smirk he never seen drawn in my lips. “It’s cold in here, yeah? I mean... the cold is painful in our skin tonight.”

I saw he tightened his jaw as he tried to compose himself on where he is standing. Are you trying to control your anger so you could not hit me?

“A-Ah, bukas po yata ang aircon niyo, Miss Laire.”

Hindi ko tinantanan ang reaksyon ni Gideon. Nakipagtitigan din siya sa akin. Nagngitngit ang ngipin ko. I will make you all pay for the damn damages you have caused to me—to my parents— I will make sure you will had nothing!

This is my pride and honor you have scratched. Burn in hell.

“Out. Lock the door.” utos ni Gideon sa katulong na agad tumalima.

Nabato ako sa aking puwesto nang muling titigan ako ni Gideon. Nabuhay ang takot sa dibdib ko. Lalo na at kaming dalawa lang ngayon sa aking silid. Nararamdaman ko ang labis niyang galit sa akin ngayon at ... natatakot ako sa kung ano kaya niyang gawin sa akin ngayon.

Halos mapaigtad ako nang kumulog. Nais ko manakbo at magtago sa ilalim ng kama ngunit hindi ko maigalaw ang katawan ko!

I dissolved anything in my throat as he made steps towards me. I show him no fear but deep inside, I'm trembling.

Napatayo ako sa kama sa biglaan niyang paghila sa aking kamay. Halos tumingkayad ako. Nagsalpukan ang aming mga mata.

“Huwag mo akong hahawakan!” piglas ko bago marahas hinila ang kamay mula sa higpit ng hawak niya.

Ngunit muli lamang akong nasaktan nang hilahin niya ako pabalik. Mula sa pulso ko, hinawakan niya ang aking baba. Nangilid ang aking luha.

“Alam mo bang kahit sumigaw ka, walang tutulong sa'yo ngayon? Akin ka, Solaire. Akin ka na. Gagawin ko ang lahat ng gusto ko... sa'yo.” mariing aniya.

“Let go of m-me, Gideon!” I roared, muling pumiglas.

Kumalabog ang dibdib ko sa takot nang ihagis niya ako sa aking kama. Sing bilis ng hangin ang kaniyang galaw. Natanto ko na lamang na nasa ibabaw ko na siya. Tinangka ko siya itulak subalit kinuha niya ang aking mga kamay at iginapos sa ulunan ko.

Alam kong nangangatal na ako pero nilabanan ko pa rin. Pumipiglas ang aking paa subalit walang silbi iyong lumalapat lang sa sahig!

Iginilid ko ang mukha ko nang ilapit ni Gideon ang mikha sa leeg ko. Mabilis ang tibok ng puso ko, nanlalamig na ako. Ang aking paghinga ay mabigat na.

“‘Yan ang gusto ko, Solaire... mga babaeng gaya mo. Palaban...”

Napahiyaw ako sa pandidiri nang halikan niya ako sa aking leeg. Gumapang ang maiinit kong luha sa sulok ng aking mga mata, nagnanais na makawala ngayon din. Ngunit sobrang nanghina ako sa ginawa niya!

“N-No, please! Huwag mo akong h-hawakan! Layuan mo ako!” I cried as hard as I could, hoping someone will suddenly enter the room to help me out of this.

Gideon chuckled devilishly. And on the second time, hinalikan niya ang leeg ko. Mas matagal at mainit. Waring siya ay nananabik!

Pinipilig ko ang aking ulo, pinipiglas ang buong katawan upang makawala ngunit sa laki ng katawan at higpit niya kung humawak ay tila hindi man lang ako nakagalaw!

My loud cries reverberated in my room. As if I am in hell, begging for my life.

“Hindi na ako makapaghintay na angkinin ka, Solaire...” he breathed on my neck.

I was so disgusted! I want to kill him!

“Fuck you!” mura ko.

Hindi ako nakagalaw nang halikan ako sa labi. Marahas at galit na galit. Naramdaman ko ang paghapdi ng pang ibabang labi ko. Ang lasang kalawang doon ay lalong nagpahagulgol sa akin!

“T-Tama na! Tama na! Please, stop! I-I’m sorry!” I cried hardly, halos hikain na.

Pawisan na ako at sobra ang takot na nararamdaman sa katawan. Gamit ang isa niyang kamay, hinigpitan niya ang kapit sa dalawa kong kamay. Habang ang isa niyang kamay ay nagsimula namang lumandas sa aking hita.

Ang tanging pag-asa ko na lang ay kung may biglang papasok sa silid. Hinihiling ko na sana mayroon upang matigil ang kahayupan ni Gideon.

“Please, stop! A-Ayoko... ayoko!”

Halos tawagin ko ang pangalan ng aking ina at ni Geon nang maramdaman ang kamay ni Gideon na malapit na sa bukana ng aking pagkatao. Lumakas ang aking iyak sa takot.

“What the fuck—”

Hindi natapos ni Gideon ang sinasabi nang biglang bumukas ang pinto. Magkasunod na pumasok sina Sun at Sat. Dinakma ni Sun si Gideon at walang respeto kung isandig sa pader bago ikinulong sa braso niya.

Nilapitan naman ako ni Sat upang ibangon. Umalis agad ako sa kama. Inayos ko ang aking damit. Halos hindi na ako makamulat sa sobrang sakit ng mata ko dulot ng pag-iyak.

Dulot ng takot, nagawa kong itago ang sarili kay Sat. Ang kamay nito ay naramdaman kong bumalot din sa akin. Lalo akong naiyak.

“Tarantado ka, Gideon. Wala iyan sa usapan ninyo ng ama mo!” mura ni Sun kay Gideon.

Ayoko siya makita! Ni ayoko siyang maamoy! Ang baboy niya! How dare him harass me!

“Magiging asawa ko siya kaya wala kayong pakialam sa gusto kong gawin sa katawan—”

Kalabugan ang sunod kong narinig. Ikinubli ko pa lalo ang sarili kay Sat. Dinig ko ang malutong niyang pagmumura. Ayoko siyang makita. Nandidiri ako.

“Bullshit!” mura ni Gideon.

Please, patayin mo na lang siya, Sun. Ang hayop na 'yan!

“Both of you are fired!” Gideon roared.

Ang sunod kong narinig ay kalabugan ng mga upuan at ang malakas na pagsarado ng pinto. Ang mabigat na paghinga ni Sun ay aking naririnig, gayundin ang kaniyang malulutong na mura.

Hindi ko magawang isipin ang iba pang bagay bukod sa takot ko. Hindi pa rin ako kumakalma. Hanggang ngayon ay nasa balat ko pa ang kaniyang halik at nandidiri ako!

“H-Hayop siya ...” I stammered as I slowly fell on the floor. Itinungo ko ang aking ulo sa tuhod upang malayang makaiyak.

Naramdaman ko ang paglapit nina Sat at Sun sa tapat ko.

“Solaire... we will make sure he’ll pay for what he did to you.” Sun assured.

Umiling ako. Hindi ko alam kung paano mao-overcome itong nangyari.

I was harrased! My boyfriend doesn’t know! My mother doesn’t know! I was dirty...

“Fuck, Fernandez.” Sat aggrieved.

I cannot imagine how people turned inhuman nowadays.

“I-I want to be alone, p-please...” I sobbed.

Ilang beses ko inulit sa kanila pero hindi tumalima. Umiyak ako kahit nandiyan sila. I cannot stay any longer here. I want to be away from here!

“A-Ayoko na rito... Pakiusap... I-Ilayo niyo na ako rito.”

Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nagmakaawa ng ganito kalala.

Tumingala ako sa kanilang dalawa. “Get me out of here, please? A-Ayoko ... magpakasal. Ayoko sa taong iyon.”

Tuluyan na akong nanghina sa sinapit ko. All I want to do now is get the fuck out of here and meet Geon who genuinely love and respect me.

Nagkatitigan sina Sat at Sun. Yet, I failed to identify their plan. I lose hope they will help me. They are Arman’s men. Their loyalty is with him...

I sobbed hard in confusion.

I watched them leave my room. Pagsarado ng pinto, agad akong nanakbo upang ikandado iyon ng mabuti. Nakita ko ang tray ng pagkain na may kaunting tapon. Sa kama, muling nanumbalik ang nangyari kanina.

Kung naabot ko lang ang tray, hinampas ko na sana mukha niya. Kapal ng mukha halikan ako. Baboy!

Nagmadali akong nagbihis. Inayos ko rin ang aking sarili. Hindi sinasadyang tumama ang mata ko sa vanity table. Nakita ko roon ang susi ng isa sa mga sasakyan sa labas.

Hindi ko alam kung naiwan ba o sinadya itong iwan dito. Pero... sino ang magtatangkang tulungan ako?

Nagmadali akong gumayak. Kinuha ko ang cellphone sa ilalim ng kama at agad binuksan. Nagtipa ako ng mensahe kay Geon.

Ako:
I'm escaping.

Hindi ko na nagawa pa basahin ang reply. Agad akong naghagis ng itinaling kumot. Dumaan ako sa veranda upang makababa. Bahala na kung makita sa CCTV.

Nakalabas ako ng walang sumusunod o nakakapansin sa akin. Hindi ko alam paano nangyari pero pakiramdam ko ay may tumulong sa akin mula sa loob. Tsaka ko na siya pasasalamatan.

Matapos ang ilang minutong paghahanap sa sasakyan na nakahilera lang sa labas ng bahay, natanto ko na ang sasakyan nina Sat at Sun ang aking gagamitin. Dahil doon nagkasya ang susing nakita ko!

Damn.

Wala na akong inaksayang oras, pinatakbo ko ang sasakyan palabas ng village. Noon ko lang nabasa sa biyahe ang reply ni Geon.

Geon:
Good job, baby. I will meet you halfway.
I love you.

Hindi ako makapagsalita ngayon sa harap ni Geon. Tinatanong niya ako sa nangyari ngunit... luha lamang ang aking naitugon.

I was like this since he brought me to his house. I was mute for the couple of minutes.

Pinadaan niya ang daliri sa buhok. Iniyuko ko ang ulo at nagkutkot ng aking daliri. Pakiramdam ko ay ang dumi dumi ko na.

Naiilang ako sa paninitig ni Abra at France mula sa pinto. Lalo akong hindi nagkaroon ng lakas loob magsabi kay Geon.

“Abra,” si Geon sa seryosong tinig.

“Boss.”

“Iwan niyo muna kami, ”

Bumalik sa akin si Geon nang masigurong nakaalis na sina Abra at France. Hinawakan niya ang aking kamay bago masuyong hinalikan.

“Tell me what's the matter, Laire. Anong ginawa ng gagong ‘yon sa’yo?”

It took him sometime asking me what exactly happened. I was worried and afraid at the same time to confess, but in the end...

“I was...” my tears fell before him. “... harassed.”

At walang taong gugustuhin maranasan iyon.

Hindi siya makapaniwala sa aking sinambit. Umiling iling si Geon, ngunit nababatid na sa mata ang galit. Gumalaw ang panga niya.

Sa isang iglap, magkalapat na ang aming labi. Mariin niya akong hinahalikan habang hawak ang aking batok. Tumutugon ako ngunit ang luha ko ay walang tigil sa pag-agos.

Hinalikan niya ang aking noo nang maghiwalay pansamantala ang aming labi. Bago niya pagdikitin ang aming ilong.

He breathed. “Fuck him.”

I bit my lip.

“Goddamn it, Laire. Hindi ko alam kung anong magagawa ko sa kaniya...” rinig ang nagkukumawalang galit sa sinabi niya.

“Please, ilayo mo na ako r-roon... Ayokong magpakasal sa kaniya—”

I was not able to finish my sentence when he claimed my lips again. This time, his kisses are not raw and savage. They were sweet and assuring.

“I won’t let you marry that asshole.” he said, staring at my eyes now. “Sa akin ka lang ikakasal.”

I cried on his shoulders. My embrace was tight and longing. I might not let him break this moment.

His arms always feels like home. Damn it! Damn this tears! Damn everything!

“Shhh... shhh... I’m here. Hindi ka niya makukuha sa akin, pangako.” amo niya sa akin habang hinahaplos ang aking buhok.

I cried hardly like a baby, wanting to be feed.

“I’ll make them pay for laying their hands on you.” Tila isa iyong sumpa sa labi ni Geon.

Hindi ako tumanggi nang ayain niya ako mag-shower. He personally cleaned me. We were under the shower for almost one and a half hour. For he could make sure there’s nothing left behind.

After, binihisan niya ako at sinuklayan. Bago ako tinabihan sa kama. Tela na lang ang pagitan sa amin sa sobrang dikit ko sa katawan niya.

Pero kanina ko pa napapansin na wala siya sa mood. Tila may iniipong galit. Hindi ko siya masisisi.

“Matulog ka na...” bulong niya sa tainga ko sabay halik sa buhok.

Tumango na lang ako bago muling sumiksik sa kaniya. Halos pasukin ko na damit niya pero hindi naman siya umangal. Sa halip, niyakap niya pa ako.

I was on the edge of my deep sleep when I heard him.

“I will kill for you, Laire... No one is allowed to touch what’s mine. Fuck it.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top