26

Balak


Sa isang taon at kalahati na magkasama kami ni Geon, wala kaming naging problema. Hindi namin naramdaman ang anino ni Tito Arman. Patuloy namin hinahanap ang aking ina pero hindi ako huminto sa pag-aaral.

I graduated with the highest Latin honor last month in my college degree. Geon was there to cheer for me. Nagpursige ako mag-aral para makuha ang titulo. Hindi ako iniwan ni Geon kahit gusto ko na isuko iyon. He never lets me down during my toughest days. And I still can't believe I made it happen! We did it.

Napatunayan kong hindi ako bobo. Tamad lang mag-aral.

You know what? Dungeon Elixor Variejo is the happiest when he saw me on stage, giving my speech. He is ... more than proud ... of me. Like always.

He's been my solace during my darkest hours. I feel alone, but he's there. I want to cry alone, but he gives me his shoulder. I want to give up, but he encourages me to be braver.

Pinagmasdan ko si Geon na seryoso sa pakikipag-usap sa telepono niya sa veranda. Madilim ang matang nakatitig sa malayo, mahigpit ang kapit sa railing, at mainit ang presensya. Hindi maikakaila na matindi ang pagpipigil niya ng galit. Bagay na hindi ko maintindihan...

Lumingon ito sa aking gawi. Ipinagpatuloy ko agad ang paningin sa canvas. Hanggang dito ay ramdam ko pa rin ang kaniyang paninitig. Halos hindi ko na maigalaw ang kamay ko, tila nawala ako bigla ng gana.

I am fighting hard to knock my thoughts of working in my family's company down. Subalit walang lumalabas sa aking bibig—walang lakas sabihin kay Geon ag mga bagay na iyon.

"I'm sorry, mom. I'll get back to you soon. I love you." Dinig kong sinabi ni Geon bago itinago ang cellphone.

Tiningnan ko muli siya.

His jaw tightened firmly. His head is in a low bow now, eyes are closed firmly too. He leaned his elbow on the railing then ran his fingers on his already dishevelled hair.

What's wrong, baby...

Iniwan ko ang canvas upang lapitan siya. Niyakap ko siya mula sa likod. He stiffened for a second but after realizing it was me, his defense lowered. He sighed. I have spoke nothing. But I gave him assurance I'm here.

Ang totoo, ilang beses ko na siya nakita na ganito pagkatapos ng tawag o habang nakikipag-usap. Hindi niya kayang balewalain sapagkat pamilya niya ang kausap. Matagal na rin niya hindi nakikita ang pamilya niya ... iyon ay dahil sa akin.

He is willing to sacrifice his family just to be with me. Hindi ko maiwasan makaramdam ng kahihiyan. Pagkatapos ng ginawa ko noon, may mukha pa ba akong maihaharap?

"It's nothing to worry about, Laire," aniya matapos ang mahabang sandali.

Kumalas ako upang tumingala sa kaniya. Sa maikling panahon na kasama ko siya, nagawa ko basahin ang bawat kurap ng mata niya. Sa bawat lingon o sulyap, nahihinuha ko ang ibig sabihin nito. Bagay na gusto niya palagi itago mula sa akin upang hindi ako mag-alala.

He's in trouble.

"I understand..." sabi ko na lang.

Hindi mo maalis sa akin ang mag-alala. Halos sinalo mo na ang kamalasang tinatamasa ko. Lalo na ngayon na wala pa rin kaming balita sa kilos ni Tito Arman. Bigla silang tumahimik.

He kissed my forehead. "Wait here. I just need to meet someone nearby."

Pumasok siya muli sa silid. Pinanood ko siyang lumabas bitbit ang susi ng sasakyan. Mula sa veranda, sinilip ko siya sa labas. Hindi ko alam kung saan siya pupunta ngunit gaya ng mga narakaraan, baka importanteng lakad iyon.

Inabala ko ang sarili sa pagbabasa ng ilang documents na nakalap ko tungkol sa aming kumpanya. Pinag-aralan ko iyon ngunit nakukulangan ako. I need more than this. So, I found myself calling Danica, after five months without communication.

It took me three rings before I could hear her. There are some scratching sounds on her background but eventually dies when she speaks to me.

"Hello, Laire," matamlay ang boses niya. Marahil ay may tampo sa akin sa tagal kong hindi nagparamdam.

I heaved a sigh. "Kumusta, Dan? Hindi kita nagawang tawagan nitong mga nakaraan dahil abala ako..."

Saglit siyang natahimik. Makalaan ang ilang segundo tsaka pa lang siya sumagot. "Ano ka ba, ayos lang. M-May kailangan ka ba? I'm a little bit busy right now."

Halata sa boses niya na nagmamadali nga siya. Hindi siya komportable makipag-usap sa akin ngayon. Naintindihan ko.

I bit my lip. "Can we meet this afternoon o kahit bukas ng hapon?"

Muli akong nakarinig scratch sounds. Saglit lang iyon. Bumalik muli sa normal. Slur ang boses ni Danica nang kausapin ako. Naintindihan ko pa rin siya kahit ganoon.

"Bakit gusto mo makipagkita? Puwede bang—"

"Dan, I need you to do me a favor." Agap ko. "Magkita tayo mamayang hapon. Doon ko sasabihin ang lahat. I need your help...please."

Hindi nakaligtas sa akin ang pagsinghot niya. Hindi ako sigurado kung umiiyak ba siya o masama lang ang pakiramdam. Umahon ang pag-aalala ko para sa kaniya.

"S-Sure... uhm ... text me the location. I will meet you there." Sabay hikbi niya.

Tinapos ko ang tawag. Huminga ako ng malalim bago nagtipa ng mensahe para sa kaniya. Hindi ako puwede pumunta ng ibang lugar kung kaya't minabuti kong dito na lang kami magkita mamayang hapon. Sigurado naman ako na narito na si Geon ng hapon.

The sun had not shone all day, and it had been bitter cold. When the night drew upon, the clouds darkened while the wind freshened. Danica told me she's on her way here, an hour ago. However, Geon is still not home. But my worries fade away when I received a message from him.

Geon:

Be there later. Always keep the door closed.

Hindi na ako nakapagtipa ng sagot dahil may kumakatok na sa pinto. Maliban sa kaniya, si Danica lang naman ang aking inaasahan.

Dagundong ang paa ko palapit sa pinto. Sabik na ako mayakap ang aking kaibigan. Napakarami kong nais ikuwento sa kaniya ngayon. Hindi na ako makapaghintay pa!

"Danica! Thank God—"

The coming of Arman Fernandez through the door transforms my excitement into terror. The underlying fear surmounted my chest upon meeting his lashing eyes.

Shit. Paanong...

I was taken aback, unable to breathe properly. I was expecting Danica ... never my step-fucking-father!

He steps towards my direction, puffing his tobacco. His trusted men, Sat, Sun, Mon, and Wed are all behind him. My eyes grow wide when I have the glimpse of their guns tuck in on their belt.

Dumoble ang aking takot nang ikandado ni Sat ang pinto at isinalampak ang likod doon. Ngumisi siya sa akin.

Muling nagtama ang mata namin ni Tito Arman. Kahit nangangamba ako sa mga sandaling ito, nagpakita ako ng tapang. Umangat ang aking panga sa hawak ni Arman bago mariing tinitigan.

"Surprise..."

Pumiglas ako ngunit lalo niya hinigpitan ang hawak sa aking panga. Ramdam ko ang pagguhit ng sakit doon. Hindi iyon sapat upang mabuwag ako.

Inilapit niya ang mukha sa aking tainga. "Ang tagal mo akong ginawang tanga, Solaire."

Matunog akong ngumisi. "Matagal ka ng tanga."

Sumalampak ako sa malamig na sahig. Mabilis dumaloy ang likido mula sa labi ko matapos lumapat ng matigas at mabigat niyang kamay sa pisngi ko. Hinawakan ko ang mukha ko bago nag-angat ng tingin sa kaniya.

Sumenyas siya sa tauhan. Lumapit sa akin sina Mon at Wed. Sapilitan nila akong itinayo. Muling nagkaharap ang mukha namin ni Arman.

Dinuraan ko ang mukha ni Arman.

Napangisi ito sabay punas sa mukha. "Someday, you will beg for my pardon. You will promise me...you will do everything as I told."

My chest tightened. Though he has not clearly stated his intention I already have a conclusion in my head!

"You wish." I fearlessly retorted.

He chuckled irritatingly. He then turned his back at me. Muli siyang humipak sa kaniyang tobacco. "Tingnan natin, Solaire. Dalhin 'yan..."

"Bitawan niyo ako! Hindi ako sasama! Hindi ako sasama!"

Pumiglas ako nang pumiglas upang hindi tuluyang maisama sa kanila. Halos mamilipit na ang buto ko ngunit hindi ako makawala sa hawak nina Mon at Wed! Noon ko lang naramdaman ang pagtulo ng aking luha. Sa kawalan ng pag-asa, isinigaw ko ang ngalan ng taong inaasahan kong tutulong sa akin... pero wala siya.

Geon... help me!

Isinakay nila ako sa puting van. Dumagundong ang sigaw ko sa loob. Pinagsusuntok ko sina Mon at Wed. Ngunit napagod lang ako. Wala akong nagawa kundi tanawin ang aming bahay mula sa loob ng sasakyan habang patuloy sa pag-agos ang aking mga luha.

Sukdulan ang aking galit at muhi sa kanilang lahat. Subalit hindi nila iyon kinatatakutan! Lalo na si Arman.

"Pakawalan niyo ako! Stop this van, now!" I hurled in the middle of driveway.

Ayokong bumalik sa mansyon. Alam ko na ang mangyayari oras na tumapak muli roon. Hindi ko puwede ibigay ang natitirang bahagi para sa akin. Kailangan ko makatakas mula sa kamay ni Arman!

"Ano ba! Mga bingi ba kayo! Get me out of here now!" piglas ko pa. "I said—"

Huling galaw ko na iyon matapos takpan ni Mon ang aking ilong ng panyo. Nilabanan ko ang hilo. Ngunit katawan ko na mismo ang bumigay. I heard Wed speak before my consciousness could be swallowed by darkness...

"Trabaho lang, Ma'am..."

Cold and cheerless, I roamed my eyes in the familiar room. Wind is passing through the open window. The sky is already dark. Nearby, I hear tossing of glasses, laughs, and slow music. As if there was a social gathering of the elites.

Bumangon ako. Sudden strike of electricity passed through my brain. I winced in pain! Damn it.

Kumalansing ang bakal sa kamay ko. Pinuno ng dugo ang aking ulo para sa taong nakaisip iposas ako sa kama!

Nanghihina ako ng sumandal sa headboard. Tulala ako sa kisame. Wala akong makita o maisip na paraan upang makatakas.

Sinubukan ko tanggalin ang posas ngunit nagalusan lamang ako. Pumipintig ang dibdib ko sa sakit nang maalala si Geon. He must be worried by now. I have no idea what time it is now! Fuck.

Just like the roaring seas my head is. There are numerous thoughts forming in my head. Only then I realized it all. Arman was on the spot when I called my friend for help. He used her to locate me, and I was careless!

This is all my fault.

And again, I was a burden to Geon.

Pinigilan ko ang sariling luha. Kung magpapadala ako sa emosyon ko, lalo akong manghihina. Ako lang ang makakatulong sa sarili ko.

Bumukas ang pinto ng silid. Hindi ako lumingon dahil kita ko naman sa sulok ng mata ko kung sino ang pumasok.

"Bumaba ka na." malamig na sinabi ni Wed sa akin.

Nagtaas ako ng kilay. "Paano ako makakababa kung nakaposas ako? Bitbit ko kama?"

He sighed. Kinuha niya ang susi noon sa bulsa ng pantalon bago lumapit sa akin. Tinitigan pa niya ako bago kinalagan ang kamay ko.

Pakaladkad niya akong inilabas ng silid. Sa hagdan, nakita ko ang mga bisita na na masayang nagkukuwentuhan sa mga kaibigan habang umiinom ng wine. Sa malayong gilid, namataan ko si Arman kasama ang dalawa sa kaibigan. Huminto sila sa kuwentuhan upang tapunan ako ng tingin.

"There she is ladies and gentlemen." Anunsyo niya dahilan upang mapunta sa akin ang atensyon ng lahat.

Nakarinig ako ng bulungan mula sa kanila ngunit hindi doon natuon ang atensyon ko. Ang paglapit sa akin ni Arman pagkababa ng hagdan ay nagpakabog sa aking dibdib.

"Everyone, this is Solaire Anja Gomez, the sole heiress of El Superior Development Corporation..." he proudly announced.

Pumiglas ako sa hawak niya ngunit lalo niya iyon hinigpitan. Hindi ko maintindihan ang nangyayari—bakit may party? Anong binabalak niya?!

"Let go of me..." mariing bigkas ko.

"Listen very well..." bulong niya pabalik.

Tumiim ang bagan ko sa mga sumunod niyang sinabi. Sa pagkakataon na iyon, pakiramdam ko ay binagsakan ako ng semento sa dibdib.

"She is to be married to my son," he looked me in the eyes. "... eventually, our company will be merged completely."

Kung ang bisita niya ay nagalak sa anunsyo niya, ibahin niya ako. Nanginginig ang laman ko sa galit sa pinaggagawa niya. Pala-desisyon! Hinding-hindi ko hahayaan na mangyari ang gusto niya. Pinaghirapan iyon ng magulang ko. Walang ibang makikinabang doon kundi ako.

Binawi ko ang sarili, tinapatan ang galit sa kaniyang mata. All eyes are on us but who cares.

I will not fall alone. Never would I let my enemy stay on top while I'm drifting apart. If I fall, I will fall with pride.

"Notaryo publiko ka lang nang pagkatiwalaan ka ng kumpanya niyo. Palaboy ka roon nang pagkatiwalaan ka ng magulang ko. Saan ka humugot ng lakas ng loob upang pagtaksilan ang mga taong tumulong sa'yo?" bwelta ko.

Natigilan siya sandali sabay nilingon ang mga nakapaligid sa amin. Ibinalik niya ang paningin sa akin. Doon ay nahinuha kong wala na paglagyan ang galit niya. Baka sinaktan na niya ako kung wala lamang tao sa aming harapan.

"Huwag mong ... uubusin ang pasensya ko." Nagbabanta ang tinig niya sabay tingin sa likod ko kung saan nakapwesto ang tauhan niya. "You don't know what I am capable of...makisama ka."

I smirked.

Nahihiya rin pala ang gaya niya? Sa kapal ng mukha niya? Kasuklam-suklam ang mga taong tinulungan mo na nga, ginawan ka pa ng masama. How dare them abuse of someone's kindness.

"I will not marry your son. You can never have our company nor my riches! Lalabanan kita. Sa kahit anong oras o lugar." Dinuro ko siya. "Lalabanan kita!"

Nanginginig ang boses ko pero nagawa kong sambitin iyon ng buong tapang. Tinalikuran ko sila. Before I could even reach the exit, Arman spoke again.

"I forgot to say, Miss Gomez. Mawawala na sa'yo ang kumpanyang ipinagmamalaki mo. At ang pera mo... maging ang mansyon na ito."

Tumulo ang aking luha sa narinig. Kumuyom ang aking kamay nang harapin ko siya. Sa mata ng tao, ako'y isang kalapati na mababa na nga ang lipad naputulan pa ng pakpak.

Umiling ako. Hindi ito totoo...Gusto mo lang ako mapahiya!

Tumulo ang panibagong luha. Galit, dismaya, at lungkot—lahat na! There's no way I can hide them anymore.

Napatingin ako sa brown envelop na nasa kamay na niya ngayon. Mula roon, inilabas niya ang ilang dokumento. "Kung may natitira ka pang awa sa sarili mo, pipirmahan mo 'to. Nakasaad sa dokumentong iyan ang lahat ng dapat mong malaman."

Lumapit siya sa akin upang iabot iyon. Nanlalabo ang mata ng tinanggap ko iyon. Binasa ko ang nakasaad, bagay na hindi kayang tanggapin ng utak ko.

Namamanhid ako. Hindi na ako makahinga. Ang luha ko ay patuloy sa pag-agos. Hindi ako ... makapaniwala.

"Your company is insolvent, Miss Gomez. Your mother should thank me for doing my job, helping it to survive in its impending bankruptcy. Kung wala ako... matagal na kayong gumapang sa hirap."

I looked firmly at him. My anger intensified! I have never doubted the capability of my mother when it comes to business. I will never believe this snake who disguises as a pet!

"You think I can't beat you?" I provoked him.

He laughs at me, so are his gatecrasher visitors. No doubt, this shindig is for me. To humiliate me. To mock my downfall.

"Hija... I was never beaten by ... let's just say ... rookie?" It was a jocular remark which resulted in general laughter. "I am more experienced than you. Kalimutan mo na ang paglaban."

Tumaas baba ang aking dibdib sa sobrang galit. Pinunit ko ang dokumento bago itinapon sa mukha niya!

Everyone gasped. Some smirked.

Hindi kita uurungan, Arman Fernandez. Sisiguraduhin kong hindi lang prinsipyo mo ang tatapakan ko. Your dignity will even more destroyed. The bravery is mine.

"Wala kang utang na loob." Halos mabasag ang ngipin ko nang sabihin iyon sa pagmumukha niya.

"Ang tao ay parang panahon. Nagbabago." Aniya.

Ngumisi siya bago sumimsim sa kaniyang alak. Sumenyas siya sa tauhan nang talikuran ako. Agad naman akong dinampot nina Sat at Sun. Hindi na ako nakapalag nang itulak ako papasok sa aking silid.

Naunang lumabas si Sun. Isasarado na ni Sat ang pinto nang pigilan ko siya.

He eyes me coldly. Ngunit hindi niya naitago ang pag-aalangan doon. Umasa ako na kahit papaano, may awa siya sa kalagayan ko.

"I need my phone." Lakas-loob kong sinabi.

"Not granted." sabay bagsak ng pinto pasara.

Sinipa ko ang pinto dala ng labis na inis! I frustratedly run my fingers on my hair. My stomach is empty ngunit hindi ko maramdaman dahil sa sitwasyon ko.

Tangina!

Hindi ko inaasahan na sa paglipas ng mga araw ay aasikasuhin ni Arman ang plano niyang kasal namin ng anak niya. He is willed to make the wedding happened by force! I wanted to escape, but the security is now extensive. I have no device to communicate with Danica or Geon. Buhay pa ako pero parang pinapatay unti-unti!

"Ma'am, ano pong theme ang gusto niyo para sa kasal." Tanong ng wedding planner sa akin.

Humalukipkip ako. "Halloween."

"E, Ma'am, hindi naman po pangkasal 'yon. Hindi po iyon magugustuhan ni Sir Gideon." Kontra niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Hindi ko rin gusto ang kasalang ito."

Nabubuhay na lang yata ako sa mundo upang magtanim ng sama ng loob! Sa mga araw na gigising ako, hindi ko maipinta ang sariling mukha.

"Okay, sige. Any plans for what gown you prefer? Long tail—"

"Bloody red, has a slit on the side, and has a knife pocket." Agap ko.

Bumuntonghininga ang wedding planner. "We are talking about your wedding, Ma'am, not war."

"Gusto ko magkaroon ng madugong kasalan. Tapos." I cut the nonsense conversation with them at tumayo na.

Gumuhit ang sakit sa siko ko matapos hilahin ni Arman, hindi pa man ako tuluyang nakakapanhik sa aking silid.

Ngumisi ako nang matanto ang kawalan niya ng pasensya sa aking katigasan. I am so proud of myself for behaving this way. Look mom, I got a job. To piss the most fool man you have ever loved.

"Do you know how elated I am to see you ... growling ... in anger?" hamak ko.

"Huwag mong ubusin ang pasensya ko." He implied. "I know your pressure point. You must behave."

Hinila niya ako pabalik sa upuan ko kanina. Masamang ang tingin ang ipinukol ko sa kaniya bago muling nakipag-usap sa wedding planner.

Nawala ako sa konsentrasyon kakaisip sa sinabi niya. Hindi ko maiwasan makaramdam ng pangamba para sa ... taong iyon. Posibleng pati si Geon ay gamitin niya upang lalo akong manipulahin.

Unless I do something for him. Hindi ako magdadalawang-isip na sumugal para sa kaniya. Gaya ng parati niyang ginagawa para sa akin noon.

What if ... he is my test? Is he my pressure point?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top