21

Meaning

"Hi, sir. Busy ka ba?" bahagya ko siya sinilip sa pintuan niya.

Abala siya sa laptop niya. Puno rin ng makapal na libro ang kaniyang desk. Magulo ang buhok at medyo gusto ang puting t-shirt pero hindi naman masamang tingnan.

Hindi niya ako nilingon pero sumagot siya.

"Why?"

Papalambing sana... sa isip ko lang iyon.

"Can I borrow your phone? I just want to talk to my friends ... it's been a week." sabi ko bago tuluyang pumasok sa sild niya.

Hindi ko na puwede gamitin ang old number ko. Baka iyon pa maging dahilan para mahanap ako ni Tito Arman.

Huminto siya sa pagtipa sa laptop. Bumaling siya sa akin bago tamad na tiningnan.

Dinukot niya ang cellphone sa bulsa ng shorts niya. Inilahad niya iyon sa tapat ko. Tinanggap ko iyon. Bahagya akong lumayo kay Sir habang nagda-dial.

"Putangina, girl, nasa saan ka?! Alam mo bang halos baliktarin ni Tito Arman ang Ilocos mahanap ka lang. Kesyo nag-aalala raw siya sa'yo!" bungad ni Danica matapos ko magpakilala.

I know nothing about Tito Arman's scheme. I have not planned on telling them, anyway. Putting my friends in my trouble will never make a good result.

"Danica, you have to calm down." Mahinahon kong sinabi dahil ramdam kong nag-aalala talaga siya sa kalagayan ko.

"We are damn worried, Laire. Wala kaming maisagot kapag tinatanong kung na saan ka o kung alam namin ang puwede mo pa puntahan. Why didn't you contact us—or me? Maybe, I can help you kung ano man ang problema mo!"

I bit my lip. I would if I could, Dan. But I really can't.

Natahimik kami ng ilang segundo. Narinig ko siyang bumuntonghininga. Maingay sa background niya. Marahil, nasa pub siya.

"How are you, girl? Are you safe?" her voice softened.

Wala sa sariling tumingin ako kay Sir Geon. Nakatingin na siya sa akin. And for the first time, I have noticed the sincere worries in his dark, brooded eyes.

"Yes..." I muttered.

"Is this your number? Where can I contact you? Your social media accounts are all in private now..."

"No, Dan. You don't have to contact me. I will if I have time, okay? I'm sorry ..."

"I understand... just keep safe."

I needed to cut the line when I heard noises from her background. Boses iyon ni Carlo at tila desperado na nais akong makausap.

Now that I talked to my best friend, I can now breathe. It's all that matters for now—she knows I'm still breathing. And they are safe and sound. Good thing Tito Arman did not do something bad to them.

Ibinalik ko ang cellphone kay Sir. Nagpasalamat ako bago humakbang paalis. Nagsalita siya kaya huminto ako.

"Do you want to come with me later?" he asked.

Hindi ako sumagot. Nag-aalala ako na baka may mangyaring hindi maganda kung aalis kami. Mukhang nabasa niya ang isip ko.

"France will drive us safe, don't worry."

Patingin-tingin sa amin si France mula sa rear-view mirror habang nagmamaneho. Umiiwas siya kapag nahuhuli ko tapos matatawa.

"Sa gwapo kong 'to, ginawang driver? Most women are driving me damn crazy tapos—"

"In less than a minute, you will lose everything you own, Agoncillo." Sir Geon slammed him.

France whistles. "Sabi ko sa'yo, Solaire! Basta Variejo, on the go ako!"

I winced.

Ibinalik ko ang mata sa mahabang listahan ng ipapamili namin. Akala ko kung saan kami pupunta, mamimili lang pala.

Noon ko lang napansin na magkalapit na ang mukha namin ni Sir Geon. Nakikibasa rin kasi siya sa listahan. Tinetrace ng daliri niya ang mga iyon. Hindi namalayan na hawak na niya kamay ko.

Nagkatinginan kami. Agad siya umayos ng upo at nag-iwas ng tingin. Tumikhim lang at hindi na nagsalita.

"Pangarap ko ang ... ibigin ka! At sa habang panahon ... oh! Ikaw ay makasama!" biglang kumanta si France, may pakulot pa.

Damn this man.

Driving while singing, France received a call from someone. Naka-bluetooth ang call kaya wala kaming ideya sino kausap at ano pinag-uusapan.

"Boss G may dalawang akong balitang natanggap. Ano gusto mo unahin ko? Iyong bad news o good news? Bad news na lang para happy ending?" kabadong natawa si France.

Nag-overthink ako na may sumusunod sa amin kaya napalingon ako sa likod. Wala naman. Nakahinga ako ng maluwag.

"What?" malamig na tanong ni Sir.

"Si Israel tumawag..."

"Then?"

"Ang bad news ... gumana ang airbag ng sasakyan na pinahiram mo. Ang good news, buhay pa raw sila ni Zion." maingat niyang kwento.

Nilingon ko si Sir sa magiging reaksyon niya. His jaw tensed as he held the bridge of his nose.

"Fucking assholes," he cussed crisply.

France chuckled deviously. Malamang, natutuwa dahil matitikman ng humiram ng sasakyan niya ang galit ni Sir Geon.

I would be incredibly mad as well if someone borrowed my car then crashed it! Poor thing.

Nagsilbing clairvoyant si France sa likod namin ni Sir habang abala sa pamimili ng kung ano-ano. Sir Geon is pushing the cart while I am looking into the list of to-buys, putting it into our cart.

"What are you thinking?" puna ko sa pananahimik niya.

Tahimik talaga siya pero dumoble yata ngayon. Baka bukod sa sasakyan niya, may iba pa.

"You."

I looked at him, chuckling. "Me, sir?"

"Nah. I'm thinking you should pick the other brand over that." Aniya sabay agaw ng karton ng flour sa akin.

Kumuha siya ng bago at iyon ang nilagay sa cart.

"O-Oh ..."

Nagpatuloy kami sa pamimili. Hanggang makuntento na. Kung kailan magbabayad na kami, namataan ko sina Mon at Wed na pagala-gala sa store at mukhang namimili!

Shit.

Nanlamig ako bigla. Itinago ko ang sarili sa likod ni Sir sa takot na biglang bumaling sa direksyon namin.

"Sir—"

"I know, Laire..."

Nakita ko si France na naglalakad patungo sa direksyon namin. Maingat siyang dumadaan sa ibang mamimili.

Nagkatinginan sila ni Sir Geon. Sumenyas si Sir sa kaniya. Tila nagkaintindihan agad sila dahil biglang lumiko si France sa kabilang section kung na saan sina Mon at Wed. Pasimple niya hinaharangan ang posibleng view ng mga ito mula sa amin.

"Next in line, please," ang kahera.

Mabilis namin binayaran ang pinamili. Nai-pack na rin ang mga iyon. Paalis na kami nang makarinig ng ingay sa dulong section. Boses ni Mon at Wed ang nangibabaw.

"Tumingin ka sa dinadaanan mo, tanga!" angil niya na mukhang si France ang kaaway.

"Pasensya na mga bossing, nahulog kasi itong—"

Hinila na ako ni Sir Geon paalis. Dumiretso kami sa parking area at doon hinintay si France. Parang hinabol ng sampung kabayo si France nang dumating.

"Tangina, gwapo ko talaga. Pati lalaki, gusto ako patulan!" nagbuhat na siya ng sariling bangko.

Sumakay na kami. Sa biyahe, para akong naiihi. Kanina pa ako patingin-tingin sa likod. Pero wala naman nakasunod.

"Relax, Laire," Sir Geon whispered to me. "Hindi ka nila makukuha ... sa akin."

"Kaya ako'y sumasaiyo, Boss G!" pang-aasar na naman ni France.

Tumulong ako sa pagluluto noong gabi. Pero taga balat lang ako ng ingredients. I offered to also wash the dishes after we ate. However, he did not let me. Si France naman ay umuwi sa La Union.

Hindi pa ako inaantok kaya nanood muna ng TV sa living room. Sumunod siya sa akin at naupo sa tabi kandong ang kaniyang laptop.

Mabuti na lang maingay ang TV. Somehow unawkward. I don't understand what on it kaya pinatay ko na lang bago binalingan si Sir.

"Girlfriend mo ba si Martina?" akusa ko. "O date-date lang?"

Tumaas ang kilay niya. Saglit niya akong tiningnan, ibinalik agad sa laptop niya.

"Why do you ask?" malamig niyang tanong.

Para alam ko kung saan ako lulugar.

Isinalampak ko ang likod sa couch. Humalukipkip ako. Binagabag ako ng mga taon na hindi kami nagkita. Ni isang beses sa mga panahon na iyon, wala akong narinig mula sa kaniya.

Sino ba naman ako para alalahanin, 'di ba?

"Just curious ..."

Tinitingnan niya ako ngayon. Kita ko siya sa gilid ng mata ko. Pero hindi ko na ibinalik ang mga mata ko sa kaniya.

Alam mo bang gustong-gusto na kita?

Sa dami ng babaeng nagkandarapa sa'yo ... mapapansin mo kaya ako?

Ayokong baguhin ang sarili ko para lang magustuhan mo. Ngunit handa akong magbago para sa'yo...

"I had no other girl," he said gently.

"Had?"

Does that mean he already liked someone else but never was replaced? And who could that be?

Natahimik kami sandali. Tila nagpapakiramdaman. Maya-maya, nagsalita ulit siya.

"My turn. Have you ever been in a relationship?"

Paano pa ako makikipag relasyon sa iba kung gusto kita? Kung hinihintay kita? Tarantado ka ba?

"Never been," I smirked. "Bakit? Gusto mo ako maging girlfriend, Sir?"

"I don't do commitments." he smirked then stood up.

Nauna na siya umakyat. Napawi naman ang ngisi ko. My lips turned on a hard line. I cannot smile anymore.

I see. He's just helping me. But he's not in love with me. He ... never liked me, huh? How terrible. Mahirap ba ako mahalin?

I wiped the single tear that escaped my eyes. Umakyat na rin ako sa kwarto.

Just like the passing dusts, time flies so fast. Though we are showering with chaos and encountering difficulties the past few months, we celebrated special holidays and new year together.

Sa susunod na buwan, kaarawan ko na. Marami pa ang puwedeng mangyari sa susunod na araw. Kaya hindi ako kampante na makakasama ko si Geon sa espesyal na araw na iyon.

Tulad ngayon, masaya lang kami kahapon. Tapos ngayon, umeksena na naman si Martina. Sinusundan ko si Geon nang makita ang sasakyan niyang sumusunod din.

I paid the taxi driver then stormed out in it. Unang pumasok si Geon sa malaking café. Ilang minuto lang, pumasok din si Martina. Hinintay kong mawala si Martina bago sumunod.

Umakyat sila, sumunod din ako. Umupo dulong mesa si Geon at nagsimulang magtipa sa cellphone niya. Hinintay ko na tumunog ang bago kong cellphone pero hindi ito nangyari.

Pumwesto ako sa hindi abot ng kaniyang tanaw. Binuklat ko ang menu upang iharang sa mukha ko. At ilang sandali lang, dinulugan siya roon ni Martina.

Based on his grim expression, he did not expect her to come. Then maybe, Martina is really stalking him these past few days. At ito ang panahon para malapitan na siya?

"Don't you miss me? I came to see you." Martina exerted her sweet flirtatious voice.

"I have more appurtenances, Martina. You may leave." Binalik niya ang atensyon sa cellphone.

May hinihintay siya. Pero hindi niya inaasahan na si Martina ang darating. If I were the younger Solaire, I would have pulled her hair off the place without mercy.

"The more you're pushing me away ... the more I get attracted to you. Tell me ... are you into someone lately? Hmm?" she guessed.

"None of your fucking business." His voice sounded hardly metallic.

"Sweet," Martina chuckled then slumped herself on the chair. "Kung ako sa'yo, ibabalik ko na sa pinanggalingan niya ang babaeng iyon. Ikaw rin ... baka ... ikapahamak mo—"

Before she could even finish her sentence, Geon's hands lay flat and agitated on the table before them. He looked at her menacingly. Meanwhile, Martina seemed to be immovable in her seat.

"Do not tell me what to do." mariin niyang sinabi.

"Geon—"

"Umalis ka sa harapan ko, Martina. Baka hindi kita matantya."

"Really? You love to babysit?" she mocked. "Variejo is babysitting now, huh?"

Kanina ko pa gusto tumayo at lapitan si Martina. Matinding pagpipigil lang ang ginawa ko. This classless, futile witch has the guts to say that!

Geon glared at her.

Martina smiles. "Everyone has pressure points. It can make you weak. Don't let them press yours."

May panibagong lumapit sa table ni Geon nang makaalis si Martina, minuto lamang ang lumipas. Namukhaan ko siya agad kahit may band sa kilay at ilong. Siya ang lalaki sa resto bar na nakabangga sa akin. Noon ko lang natanto na magkakilala sila ni Geon. Marahil, siya ang hinihintay nito at hindi si Martina.

Maganda ang aking gising nang sumunod na umaga. Medyo tinanghali ako ng gising. Naligo ako bago nagbihis ng oversize white t-shirt at cycling.

"Is that my shirt?" puna ni Geon pagkita sa suot ko.

"Ewan ko. Nakita ko lang sa room so I wore it. Should I take this off?"

"Tss."

I grinned secretly. Ang gwapo talaga niya kapag nagsusungit.

Bumalik siya sa paghahanda ng food. Umalis siya saglit pero pagbalik may dalang puting lubid.

My forehead creased.

Thinking he will use it to tie something without knowing he'll use it to me instead!

"H-Hey, what are you doing?!" histerya ko nang lumapit siya sa akin.

"Not a serious one, Miss Gomez," he smirked.

Bigla niya kinuha ang aking mga kamay at inilagay sa likod ko. Ipinulupot niya sa akin ang lubid!

"This is crime, Geon! W-What the hell?" iritado kong sigaw.

Pumiglas ako sa kinauupuan ko pero walang silbi. Naipulupot na niya iyon sa kamay ko. Umupo siya sa mesa at hinarap ako.

"One question..." he began while staring at my lips.

Thought this would be a great morning for me. Turns out it'll not. The food is ready, and they all look delicious!

"Geon, I am damn starving. Come on, what's this all about?" iritado kong tanong. "Can you at least let me eat before this ... damn thing!"

His eyes are more speculative this time. As if I had a serious crime committed.

"At the café last time ... were you there?"

Napugto ang hininga ko. Huminto ako sa pagpiglas. Nakita niya ako? Akala ko perfect escape nagawa ko. Hindi pala. Tanga!

"Napadaan lang ..."

He held the bridge of his nose. "Laire—"

"Who told you?"

"Yaya Julie saw you..."

Ang tinutukoy niya ay ang bago naming katulong. Sumbungera! Tinapay ka sa akin mamaya!

"Fine! Sinundan kita! Only because I'm worried—about you! I saw Martina after you, that's why! Masaya ka na?"

Tumaas-baba ang dibdib ko. Nakita ko siyang napatingin doon. Gusto ko takpan kung hindi lang nakatali ang kamay ko.

He smirked. "Solaire is mad ... very ... mad."

Uminit ang mukha ko. Nag-iba ako ng tingin.

Tumahip ang aking dibdib nang hawakan niya ang baba ko. Muling nagtama ang aming mga mata.

"Don't do that again, hmm? I can't risk ... you." he said in a low, deep drawl. "Promise me, lady."

Ayoko bigyan ng kahulugan ang kaniyang pahiwatig. Baka mali na naman ako. Mahirap paniwalaan ang mga salita.

I exhaled. "I promise..."

He looked speculatively at me, subconsciously biting his wet lips. I could have lost my sanity only if he did not leave and free my hand from the rope. Damn, Variejo.

Naalimpungatan ako bandang ala una ng madaling araw. Inuhaw ako. Pagbaba ko, nakita ko roon si Geon sa island counter habang umiinom ng alak.

Dumiretso ako sa kitchen. Dinala ko sa island counter ang tubig at dinulugan siya roon.

"Bakit hindi ka pa natutulog?" tanong ko.

Bahagya niya akong nilingon. Sa halip na sagutin ako, nagtanong din siya.

"What made you awake?"

Natigilan ako upang alalahanin ang panaginip ko.

It was me with my mother, running down the hill while carrying the skirts of our long white dresses. We were both laughing while daddy was chasing us. Suddenly, a man with a blurred face appeared. He pulled me away from my mother then pushed me into the deep cliff.

And the feeling of falling awakened me.

"I'm just thirsty..." sabay inom sa tubig.

Ipinatong niya ang siko sa counter. Pinagsalikop ang mga kamay bago tumitig sa akin. Tinapatan ko iyon.

Every time I see him staring at me, my heart jumps in joy. Every time I hear him calling my name, tells me so much care. That it makes me hope he'll like me the way I do. Every single time... someday.

"Do you know what happened to the tears of Aphrodite after her beloved died in her arms?" he asked seriously.

I smiled. "The tears of Aphrodite became the anemone flower."

"Beautiful ... flower." He said without taking his eyes off me.

Bumuntonghininga siya. Kinuha niya ang baso at pinaglaruan ang yelo sa loob noon. Pinanood ko siya sa ginagawa. Pakiramdam ko, kailangan din niya ng kausap. Mukhang malalim ang iniisip kaya hindi makatulog.

"What about it?" interesadong tanong at isinubsob ang mukha sa counter.

"Nah ... nothing." sabay lagok ng alak.

Sumagi sa isip ko ang regalong binili ko para sa kaniya noong bisperas ng bagong taon. Sa susunod na tatlong araw ay kaarawan na niya. Nagdadalawang-isip ako ibigay. Baka hindi niya magugustuhan.

"What are your plans on your birthday, Geon?" I opened it.

Hindi siya sumagot. Pumikit na siya dala ng antok. Gumewang ang ulo niya.

Umayos ako ng upo. Bago pa mahulog ang ulo niya, hinawakan ko iyon. Marahan ko siyang isinandal sa balikat ko.

"You’re drunk ... let's go upstairs." Sabi ko at tinapik ng mahina ang pisngi niya.

He moaned. "Let's just stay like this ... for a while ... hmm? I like your smell, Laire. You smell like ... candy." Then he chuckled.

Hindi na naitago ang aking ngiti. Lasing ka lang, Geon.

"Don't fall for ... someone else ... please." Halos hindi ko maintindihan ang ibinulong niya.

But I liked what I heard.

"Sa'yo lang ... ako." bulong ko.

Nagising ako kinabukasan sa sahig. Ang unan ko ay dibdib ni Geon. Bumangon ako nang marahan. Nagising si Geon sa aking paggalaw.

"Good morning." Namamaos niyang sinabi at umupo.

I smiled. "Morning,"

Noon lang pumasok sa isip ko ang mga nangyari kagabi. At kung bakit kami inabot dito sa sahig ng pagtulog. Sumakit tuloy ang likod ko.

"Ay, good morning po!" sulpot ni Yaya Julie habang may dalang walis tambo. "Handa na po ang agahan. Bakit po ba kayo riyan nakatulog?"

Hindi kami sumagot ni Geon. Nagkatinginan lang kami bago sabay na natawa.

Noong hapon, inabala ko ang sarili sa harap ng laptop ni Geon. Kumilos ang kamay ko at nagtipa roon. Hanggang sa lumabas ang meaning ng hinahanap ko...

Ito ang bagay na bumabagabag sa akin nitong mga nakaraang araw. Hindi iyon simpleng bagay lang—may mas malalim pang ibig sabihin. Kung sino man ang nagpadala ng compass at note na iyon, marahil may nais ipahiwatig liban sa clue kung paano ko makikita ang aking ina.

True North is not just a location. It refers to someone who is dear to me, but ... lying.

"Laire?"

Lumingon ako kay Geon na kakalabas lang sa bathroom. Tinutuyo pa niya ang buhok. Kumunot ang noo niya nang makita ang paraan ng aking pagtingin.

His eyes were clueless. I know he's wondering what's going on now.

He would never lie. I know... my heart knows.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top