17
Fracture
A familiar soft and warm palm captured me by the elbow, stopping me from walking aggravatingly.
"You do not have to leave alone." Geon amended.
I faced him. I looked bravely into his sullen eyes. Though, I can see the determination in it. His face did not relax either.
"I wish to be alone," I said, pausing from sheer weakness.
"Come with me and I'll prove they're wrong." There's a little pleading note in his voice.
I shook my head, still eyeing the cruel dark eyes. Tinanggal ko ang kamay niya. Tila nabaling sanga iyon sa aking ginawa.
Hindi kami magkakaintindihan ngayon. Mainit pa ang aming sitwasyon. Pare-pareho naming kailangan magpalamig.
I ready myself to depart.
"Bumalik ka sa pamilya mo. Hayaan mo muna ako ..." my voice sounded metallic.
"Laire—"
"Just give me a break!"
It's too late to realize I elevated my voice annoyingly. I heard nothing from him after that. He was mum and I felt sorry. Pero hindi na ako nakapagsalita pa. Kinuha ko ang pagkakataon upang lisanin ang lugar.
The primitive deep nature within me stirred. Hindi ko namalayan kung saan bahagi ng siyudad ako dinala ng sariling paa.
Upon observing the bouncers who guard outside an establishment, the people who wear crook and swag outfits, and loud music, I am certain I lost myself again.
"Alone?" tanong ng barista pag-upo ko sa bar counter.
I nodded.
"Which drinks do you want? Virgin, wild, or gentle?" He sounded professional, though a natural pleasure-seeker.
"Neither. Water will do." Mahinahon kong sinabi.
Tumawa ang barista bago ibinigay ang gusto ko. Tinaasan ko siya ng kilay dahil balak yata akong panoorin hanggang mamaya kaysa gawin ang trabaho niya.
"What?" hindi naitago ang inis.
"Kakaiba ka, Miss. Talaga bang tubig lang sinadya mo sa bar ko?" he asked gently, but there's an emphasis on the last two words.
I do admit I used to go and drink in a place like this. Because I am with my trusted friends. Bago lang ako sa lugar at wala akong kilala sa mga tao na nakakasalamuha ko ngayon. Kung malasing ako dito, hindi ko na alam kinabukasan.
"Ano ngayon?"
Hindi siya nagpatinag sa pagtataray ko. Tumawa siya. "I'll give you free drinks—your choice! At wala kang kailangan bayaran."
I smirked, disagreeing. "Water and food will be enough. I'll pay."
He grins. "My pleasure,"
Tiningnan ko ang telepono na kanina pa tunog nang tunog sa ibabaw ng mesa. Wala ako balak sagutin ang tawag ni Geon. It's been hours pero wala din akong balak umalis sa lugar na ito.
Lumapit sa akin si Nelson, ang barista, sabay lapag ng cocktail drinks. "Tumatawag boyfriend mo. Titigan mo lang ba iyan? Kanina pa 'yan, ah."
Pinatay ko ang telepono, binaliktad sa mesa. Nilagok ko ang cocktail imbes na sumagot. Hindi ko alam kung ano nagtulak sa akin upang lumingon sa paligid. Pakiramdam ko may mga matang nakamasid.
Eyes that do not glance long.
But eyes that do harm.
Maingat kong binalingan si Nelson. Tumaas ang kaniyang kilay nang titigan ko siya. Agad din nakabawi. Ngumisi siya at muling sinubukan akong landiin.
"Hindi ka ba na-attract sa akin? Ang ibang babae makita lang ako, isang kindat ko lang dinadala ko na sa kama. Pagkatapos ay bibigyan ko ng pera. Mas magaling, mas malaking halaga." kwento niya.
"I don't entertain cheaters. Magbago na kayo dahil walang pokpok sa langit."
Unti-unting nabura ang ngisi sa labi ni Nelson. Nagkamot siya ng batok, umiling-iling.
"Hindi ako pokpok, Miss. Masama ba magkagusto sa ... lima? Buti nga hindi ko pinagsasabay..." palusot niya.
"Satan believes?" I asked unconvincingly. "Neither do I."
"Hindi ko pinagsabay dahil may schedule sila. You should consider our feelings. We have our needs as a man, you know? Sex?" he said dramatically, grinning diabolically.
Suminghap ako. Bakit mo ba pinagtitiyagaan ang lalaking iyan, Solaire? Sumeryoso ako.
"I will ask you..." I eyed him squarely in the eyes. "Have you ever fallen in love with someone?"
Hindi agad nakasagot si Nelson. Marahil nag-aalangan na magbukas ng usapan tungkol sa bagay na iyon. O marahil ...hindi niya nais balikan?
Inabot siya ng ilang minuto bago tumango.
Hindi ko inaasahan iyon. Akala ko itatanggi niya sa halip na pag-usapan.
I chuckled. I think I hit him hard, huh? Just curious here, though.
"Have you ever felt cheated when you are touching another girl?" I continued.
He nodded after pondering it all. "Noong niyakap ko ang kaibigan niya, pakiramdam ko niloloko ko siya."
I smiled. He must be really in love with his girl. So deep that he cannot dare to touch another woman's skin.
"Why do you have so many girls now?" I asked curiously.
"Babae ka, lalaki naman ako. Hindi mo maiintindihan ang rason ko." Mapait niyang sinabi sabay lagok sa Rhum.
"Try me..." udyok ko.
Ibang tao ang inilabas ni Nelson sa harap ko. Ang kaninang palabiro at makulit na barista ay naging malamig at madilim na simpleng tao.
"Habang sineseryoso ko siya, ako niloloko niya. Habang binubuo ko ang pangarap naming dalawa ... ako dinudurog niya. At habang masaya ako sa kaniya ... siya napipilitan lang pala." Nasasaktang pag-alala niya.
Humugot siya ng hininga, mapait na nangingiti. Pinaglaruan niya ang ice cube sa baso at tila may bagyong tinatawag ang kaniyang presensya sa paraan ng pagtingin sa baso.
"Nakinig ako. Tama na ang isang babae para tumino kaming mga lalaki. Hindi naman lahat ng nagloloko, lalaki. Pero kung ibunton sa amin ang galit para bang alam nila buong detalye..." he looked at me. "Bakit kapag babae ang nagloloko, parang normal sa paningin. Bakit kapag mga lalaki, halos isumpa na? Nakakatawa ..."
Ako naman ang hindi nakasagot. Ayoko sabihin ngunit naintindihan ko siya—ang nararamdaman niya. Dahil kumpara sa babae, mas magaling sila magtago ng nararamdaman. Nasasaktan din sila. Pero dahil lalaki sa tingin ng iba kaya nila.
In the eyes of society, we will never be the same.
Do good, it is not enough.
Do bad, you are the worst.
Saan tayo lulugar? That's why we're living. To discover many things. To learn new things. To value everything. To build our own world where no one will tell us what to do.
"I ... I hope you will not close your heart for someone better than the past." I said after a long silence between us. "It's just a bad day. Not a bad life."
He smirked in amusement. "I'm happy to meet you, Solaire. I honestly don't talk unless I am deeply interested. By the way, I'd be happy to help you out when you need something. We're friends?"
I shook my head, showed him my ring finger. His lips formed an 'o' without realizing it.
Miski ako ay hindi alam kung bakit ginawa ko iyon. Gayong wala naman patunay na naging kami ni Geon.
While I am wearing this ring, I would not cheat.
One minute cheat costs a lifetime regret.
"I don't want to be close with other guys... Because I am committed." I swore.
I would cut off men if my man is not comfortable with them. No available excuses.
His face lit up then his lips formed a quizzical smile. "Good thing you showed me that ring. Kung hindi, baka pinormahan na kita."
Nagpatuloy kami sa mababaw na pag-inom at pag-uusap. Hindi ko naramdaman na may masama siyang balak kaya kampante ako. Gayunpaman, inalerto ko ang sarili sa maaaring mangyari.
"Sandali lang, Solaire, may kakausapin lang ako sa VIP room. Don't leave yet!"
I shrugged my shoulders. Maybe, I still don't like the idea of leaving or staying that long.
Sa gilid ng aking mata, naaninag ko ang bulto ng lalaki sa madilim na parte malapit sa dancefloor. Nakatayo ito at diretso ang tingin sa gawi ko. Kung mahina ang utak ko, iisipin ko na bored customer lang siya rito. Sino ang matinong tao na tatayo lang sa isang tabi samantala magaslaw sa dancefloor ang kaniyang mga kasamahan? Unless he's a human statue? Sa postura niya na iyon, alam kong ay hidden agenda.
Sa aking likod, malamig at matulis ang mga matang nakamasid. Dahilan upang magtindigan ang balahibo ko sa batok. What is it now, huh?
They thought I hadn't noticed them yet. I may have the absence of memories, but never my active senses. They are up for something ... or someone ...
Nilagok ko ang cocktail. Ano ba 'tong pinasok ko. Ngayon rumehistro sa utak ko ang kilos ko na ikinasakit ng ulo ng aking ina. Ang lakas ng loob ko manatili rito na walang ibang kasama.
The bald man from the dancefloor is walking towards my direction. He glanced at my back and nodded to someone. From where I am sitting, the old unnamable terror mounted in my heart. Slowly, I put my cocktail glass down the counter.
Pinako na ang aking mga paa. Gustuhin ko man tumakbo paalis sa lugar na ito, hindi ko magawa. Kung gawin ko iyon baka ikapahamak ko.
Pumikit ako nang naramdaman na lumalapit na sila sa akin. Hindi ako kumibo nang tumigil sila sa aking likuran. Nagmistula akong may mata sa likod. Dumagundong ang kaba sa dibdib ko nang maramdaman ang manipis na hangin mula sa kamay ng lalaki na hahawak sa akin.
"Tigil niyo 'yan... Humila kayo ng iba diyan." Nelson popped in then said it authoritatively spine-chilling.
Napatayo ako nang hilahin ako ni Nelson at itago sa kaniyang likod. Hinarap niya ang dalawang lalaki, isang kalbo at isang may buhok. Sa paraan ng pakikipag titigan nila kay Nelson, mahihinuha na hindi sila magkakaibigan.
"Type ng bata ko. Balato mo na..." ang kalbo sabay hagod ng tingin sa katawan ko, tila naglalaway na aso.
"Maraming babae. Huwag niyo pakialaman ang sa akin." Nelson sounded imperious but not overbearing.
Napangisi sa tabi ang kalbo, hindi nagustuhan ang sinabi ni Nelson. "Ayoko ng ibang babae. Iyan ..." he pointed me. "Iyan ang kailangan, e. Bigay mo na bago pa magkagulo."
"Talagang magkakagulo kung magpumilit kayo. Alis na." Nelson said impatiently. "Yulo! Fido!"
Agad tumakbo palpait sa gawi namin sina Yulo at Fido, ang mga bouncers. Huli na nang nagtanong sina Yulo at Fido sa kaganapan sapagkat inatake sila sa panga at mukha. Hindi tuluyan bumagsak sa sahig subalit na paatras sila, napamura.
Nilayo ako ni Nelson sa nag-aaway. Humabol ang kalbo sa amin. His ankle landed on Nelson's rib causing him to fall on the table. Loud thud made the music off and set the customers in clamor.
Hinila ng kalbo ang braso ko bago sapilitang kinaladkad. I fought back but he's too strong! Parang mababali ang buto ko sa higpit ng kaniyang paghawak sa akin!
"Get off me!" my voice clattered.
Lumapit ang bouncer upang pigilan ang kalbo. Ngunit nanakbo sa likod niya ang kasamahan nito at binasag ang dalawang bote ng beer sa ulo! Tumimbuwang ang katawan nito at agad nawalan ng malay.
HInarap ako ng kalbo, ngumisi ng malademonyo. "Halika—"
"Bitiwan mo 'ko." Utos ko.
"Sasama ka sabi sa'min!"
My anger boiled up. I really hate it when a dirty man touches my skin.
Bumwelo ako. Nilagay ko ang bigat ko sa aking paa bago tinapakan ang kalbo. Nabitawan niya ako upang indahin ang sakit ng paa. At bago pa siya makabawi muli, hinawakan ko ang ulo niya bago hinampas sa aking tuhod.
Bumulwak ang dugo mula sa kaniyang ilong. Umiikot ang kaniyang mata nang natumba sa sahig.
Hindi ko pinansin ang mga tao sa paligid na nanonood sa kaguluhan. Nais ko silang sigawan sa inis. Ang dami nila roon ngunit ni isa walang nagtangka na tulungan kami! Walang kwenta.
"Hey, are you alright?" tanong ko kay Nelson paglapit. "Somebody, call the police! A-Ambulance..." tuliro na ako.
"You s-should leave," kapos sa hininga niyang sinabi.
I was not able to speak when someone grabbed me by the elbow! Sapilitan niya akong itinayo. Pumiglas ako subalit parang matibay na lubid ang kaniyang kamay kung humawak!
"Sasama ka sa ayaw at sa gusto mo! Lakad!"
Huminto panandalian sa pagtibok ang puso ko nang tutukan ako ng baril sa tagiliran. Ni pintig nito ay hindi ko marinig. Hindi ko naintindihan ang ibang bagay sa paligid ko. Nagmistula akong nakalutang, nanlalamig sa takot. Kumilos ang aking paa. Dahilan upang siya ay mapangisi.
Nagkamali ito na mailalabas na ako sa lugar na ito. I saw Nelson quickly get up from the floor. He picked the bottle of beer from the table near him and no second thought, broke it in the man's head. Hindi pa siya nakontento. Dumaklot muli siya ng dalawa pang bote at magkasabay na binasag. Sanhi ng pagdugo ng ulo at pagkawala ng malay nito.
"Pwe!" aniya nang makita ang mga nakalupaging nanggulo. "Pati tao ko, tinalo niyo. Mga tangina kayo."
Nelson is looking worryingly at me. I am staring back but nothing sinks in my head right now. Everything is so sudden. What just happened?
"Solaire!"
Hindi ko na paghandaan ang sumunod na nangyari.
After Nelson called my name, I heard a loud, breaking sound. Thinking it was someone who just smacked down on the table but was too late to realize that it was me... Someone harshly pushed me on the glass table. I lost balance. I closed my eyes to block my view of the chaos.
"Shit!"
I am losing my vision after the hard fall. I saw Nelson running to me after he blew that unnamed guy in the face up. Behind him, a familiar man just entered. I saw him run towards me... I can see him screaming my name. But I heard no sounds at all ...
Before I could even talk to him, everything before me went black.
"I did not know she's your fiancee..."
"What is she doing there?"
"She's lost in my bar, man, I don't know. Akala ko random chick, sa'yo pala."
I awoke, oppressed by a mysterious sensation. At first, I couldn't feel myself and my body. Near me, I heard people talking. Though, not clear but audible.
It was only then when I found myself lying on the comfortable mattress. The light is warm, unlike the ones in the hospital. Questions override in my head.
"Laire..." Geon called me, softening his hard features. Umupo siya sa gilid ng kama bago hinaplos ang aking buhok. "How do you feel?"
I know behind that calm deep voice resides the storm and rage which nothing can deter when his limits are reached.
"How did you find me?" came in a weak voice.
Binalingan niya si Nelson na nasa malayong tabi. Nakamasid siya sa aming dalawa. Sa mga mata niya natagpuan ko ang pagkakakilanlan niya kay Geon. Nang nagtama ang aming mata, nilisan niya agad ang silid.
"Doesn't matter," aniya. "We're going home—"
"I-I want to stay here longer... I won't come with you." I hastened to say, gazing at the ceiling.
Hindi ko alam anong pumasok sa isip ko at sinabi ko iyon. Marahil, hindi ko makalimutan ang nangyari roon sa kumpanya nila. O baka kinakain ako ng konsensya. Pakiramdam ko ngayon inaagaw ko ang atensyon ni Geon sa pamilya niya. Sa halip na malaya siyang kumikilos at ginagawa ang gusto niya—nanatili siya sa tabi ko. Upang bantayan at alagaan ako.
Ayoko ang pakiramdam na parang sanggol na kailangan bantayan at subuan ng atensyon.
"I'm not hearing it, Laire." He chuckled softly yet sounded hurt.
"I told you I wish to be alone." I bravely looked into his eyes now. "Alin doon ang hindi mo naintindihan?"
Glint of surprise plastered in his eyes. However, I am becoming numb to care at all.
I knew I liked him. Noon naman iyon, hindi ba? Ano bang nangyari noon? Hindi ko alam. Pero iba ang nararamdaman ko ngayon. Ang nararamdaman ko ay isang palaisipan na kahit henyo hindi agad mahuhulaan.
"I'm worried when you're not around... I miss you when I cannot hear you." His voice is as cold as sea water, so cold that it's painful.
I shook my head leisurely. "May pagkakataon na gusto ko manatili sa'yo. May ... pagkakataon na gusto ko lumayo. Hindi ko alam..."
Katahimikan ang namayani sa aming dalawa. I can hear my own heartbeats. So rapid that it kills.
"You're so good at pushing me away..." he said painfully.
I keep mum.
"You never liked me around, don't you?" halos mabasag ang kaniyang tinig.
I shook my head gently. "Wala akong maalala na gusto kitang makasama noon..."
Pero gusto ko manatili ka ngayon.
Sa kabila ng masakit kong sinabi, may parte sa akin ang nanaig. Iyon ay ang manatili siya sa kabila ng aking pag-alinlangan. Magiging makasarili ako. Paano ang mga gusto niyang gawin?
Bumuntonghininga siya at tumayo na. Pinanood ko siya maglakad patungo sa pinto. Ngunit bago pa man siya lumabas nagsalita muli ako.
"Let me be alone for now, please ..."
It was a stupid decision to push him away when all he wants is to stay. Ayoko masanay na laging may nakaalalay sa akin.
This is all I want from the very start.
To learn on my own.
To decide for myself.
To encourage myself.
I sighed. I feel so bad. So damn bad I have to ask myself. How many times should I fracture his already swollen heart?
"He left." sabi ni Nelson nang pumasok sa silid kinagabihan upang dalhan ako ng dinner.
Umupo siya sa gilid ng kama matapos ilapag ang tray ng pagkain sa tapat ko. Humugot siya ng hininga.
Tiningnan ko siya.
"Dungeon Elixor Variejo became my friend. He was the reason why I came back to life after some assholes hazed me during highschool..." natawa siya. "Siya 'yong tipo ng kaibigan na ayos lang kahit madumihan ang plantsado niyang uniform at maputikan ang makintab niyang sapatos basta makatulong. Hindi kaso sa kaniya kung madawit siya sa away basta maipagtanggol ka. Hindi niya direkta sasabihin na nag-aalala siya o gusto ka niya. Magugulat ka na lang sa kilos. Isang tipikal na kaibigan na... isang tawag lang nandyan agad. Masaya siya kapag nakakatulong. Kahit kailan, hindi ipaparamdam na abala ka..."
Tinusok ang puso ko sa narinig. Naalala ko noong nakatira kami sa baryo. Balewala sa kaniya na magbilad sa araw upang magtrabaho para sa aming dalawa. Kahit kailan ay hindi siya nagpakita ng iritasyon sa ginagawa. Noong nakita niya na nakipag-away ako kay Rara, tinulak niya para lang ipagtanggol ako.
"Kaya halos lahat ng babae sa school namin ang tawag sa kaniya superman. Kinababaliwan, hinangaan... Matalino na, may itsura pa." kwento niya.
Nanatili akong walang imik. Nilulusob ng konsensya ang aking dibdib. Wala akong magawa kundi panindigan ang desisyon.
"Lalo akong humanga nang iwasan niya ang mga babaeng lumalapit sa kaniya kasi may nagugustuhan na siya. E, ang kaso ... hindi naman siya gusto." Tumawa si Nelson. "Dami-daming babae, doon pa nahulog sa hindi siya type." Lalo siyan natawa.
I winced. So, Geon liked someone during high school days? Sino kaya ang babaeng choosy na 'yon?
Natahimik si Nelson ng ilang minuto. Tumaas ang kilay ko sa paghihintay. Naramdaman niya iyon kaya ngumiti siya.
"Sana ay ... maging maayos kayo. Sana maalala mo kung paano siya naging mabuting tao dahil sa'yo..." huling sinabi niya bago lisanin ang silid.
I know he is.
He never failed to show it.
Because he is a man of action.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top