16

Blame

Bumili ako ng pagkain sa restaurant at nagpasalamat na rin sa pagtulong sa akin. Hindi na ako nakabalik sa kumpanya dahil sa nangyari. Bukas ko tatapusin ang naiwang trabaho roon. Gagawa ako ng dahilan sa head kung bakit ako hindi nakabalik. Dumiretso na lang ako sa penthouse na tinutuluyan namin ni Geon.

Naligo muna ako at nagbihis bago hinain sa marmol na mesa ang pagkaing binili ko. Maintindihan ko kung gabihin ng uwi si Geon dito. Kung may cellphone lang ako, ni-contact ko na siya.

Pinahinga ko ang likod sa sofa. Tumitig ako sa kawalan.

Bumalik sa ala-ala ko ang masidhing takot na naramdaman ko habang nagtatago. Anong kailangan nila sa akin? Ano ba ang naging kasalanan ko sila?

Mga tanong na hindi masagot sa kakulangan ko ng nalalaman.

Sinipat ko ang wall clock sa geometric wall. Past nine yet he's not coming back home. Lumalamig na ang pagkain. Ayoko naman kumain na hindi siya kasabay...

Gumilid ako ng higa. Bumigat ang talukap ng aking mata. Nilabanan ko ang antok pero hindi ako nanalo. Kinampihan ko na lang.

Maybe a nap won't hurt?

"I found her ... Nah. I'll talk with you first thing in the morning ... Thank you."

Naalimpungatan ako sa boses ng lalaki. Malapit lang ito sa hinihigaan ko. Dagli akong bumangon nang naalala na hindi pa umuuwi si Geon hanggang ngayon. Malalim na ang gabi. Ang pagkain, nabahaw na roon sa mesa!

Did I turn the lights off? Buhay ang ilaw sa sala noong umidlip ako. Ngayon ay cove light na lang ang nagsisilbing ilaw.

Naaninag ko ang bulto ng lalaki sa kabilang sofa. Sa sahig siya nakaupo. Nakatukod ang isa niyang braso sa tuhod. Bago pailalim na nakatingin sa akin. Ang kaniyang suot na polo ay bukas. Hindi na rin maayos ang kaniyang necktie. Medyo magulo ang buhok ngunit hindi masamang tingnan.

"G-Geon ..."

The man I am looking for is here.

Tumungo siya. Hindi umimik.

Umahon ang kaba sa dibdib ko. Ngayon lang rumehistro sa akin ang maaaring dahilan kung bakit siya ganito.

I made him worried.

Kumilos ang aking paa patungo sa kaniya. Umupo ako sa harap niya. Inuunahan ako ng kaba kaya hindi ako makaporma ng salita.

Nag-angat siya ng ulo. Napapagod niya akong tiningnan. Nakikita ko sa mga mata niya na gusto niya magtanong. Subalit tila may pumipigil sa kaniya.

I held his hand. "I'm sorry... I forgot to tell you where I will be. I-I got lost and-"

What my mouth has been trying to shoot off was cut. His muscles that are hard as iron unconsciously drawn near me, tense and alert. Softly, they crawled and shaped around me for an embrace.

It took me minutes before putting it all in a nutshell. Hinayaan ko ang sarili na ibaon ang mukha sa dibdib niya bago yumakap pabalik.

He kisses my hair.

"I'm sorry I made you ... worried." came in a deep slur.

Wala akong narinig na tugon. Kinakain ako ng labis-labis na konsensya. Pero alam kong ginawa ko iyon para sa kapakanan ko-para tulungan ang sarili ko.

"Geon?"

"H-Hmm?"

Hinigpitan niya ang yakap sa akin nang tangkain kong umalis. Hindi ko na pinilit.

"Are you ... mad?" my voice is thin as air.

"Worried," namamaos niyang sinabi.

Kinagat ko ang aking labi. Iniwasan ko na magsalita ulit. Nag-aalala rin ako sa kaniya. Tiniis niya ang gutom ngayong gabi sa pag-aakala na nawawala ako. Sa halip na nagtatrabaho, ginugol niya ang oras sa paghahanap sa akin. Inabala ko siya-sila.

Look what you've done, Solaire. Kahit kailan ay pasaway ka!

"Ang pagkain ... malamig na ..."

Nagkatitigan kami. Maingay ang mata niya. Naintindihan ko na hindi kailangan magsalita upang sabihin ang lahat. If you truly care for someone, even the slightest stare speaks volume.

He chuckled. "Alright,"

Tipid akong ngumiti.

Dalawang araw na ang nakaraan pero hindi pa rin ako makatulog ng mahimbing sa gabi. Sumasakit ang ulo ko ngunit walang ala-ala ang bumalik. Kahapon, ang araw dapat na nasa Naguilian si Geon ay hindi natuloy. Humanap siya ng papalit muna sa kaniya. Mas pinili niya na ihatid at sunduin ako sa kumpanya nila upang hindi na maulit ang nangyari noong isang araw.

Kaliwa't-kanan ang usapan sa department. Hindi pa rin humuhupa ang issue. Nabibingi na ako sa ingay-sa paulit-ulit na pagtatanong. Nagpaliwanag ako sa head at nag-imbento ng dahilan upang putulin ang issue pero hindi sila kuntento.

Seriously? Do I really need to explain myself again and again to satisfy you all?

"Kung nakita mo mukha ni Sir Dungeon noong hindi ka makita, 'te, ako na nagsasabi sa'yon! Literal na dungeon ang mukha! Kulang na lang kausapin niya si satanas upang humingi ng permiso-"

"For what?" I prompted.

"Permiso para balatan ang lupa! Anong conditioner ga ang ginagamit niyo ni Ms. Zia para baliwin ng gay-on sina sir? Kainaman lala." reaksyon ni Beca, ang Batangena at baklang assistant ng HR department head.

Inayos ko ang coat na suot ko matapos ilapag sa desk ang ibang folders. Hindi biro ang workloads ko ngayon. Kaya kailangan ko untayin ang mga ito, bawasan ang distraction, o kung kinakailangan-overtime.

"Biruin mo, 'te, hindi pulis ang tinawagan para mahanap ka. Dinaig ng lolo mo ang pangulo! Sa sobrang pag-aalala, NBI ang inabala!"

What? Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o ano. Ganoon kalakas ang koneksyon nila?

"Ikaw naman kasi! Bakit ga hindi nag-text or tumawag na nasa penthouse ka na!"

Hindi ko sumagot. Bibili ako ng cellphone para may pang-contact na sa kaniya. Para hindi na niya kailangan tumawag ng NBI kapag nawawala ako.

"Nagkaigi ga kayo ni Sir noong gabi?" he teased.

"I explained ... and yeah. I think we're good," I retort while fixing my eyes on the monitor.

"Ala hoy! Usap laang? Wala gang chuk-chakang naganap? Ano gang hina."

I looked at him, trying to smile naturally. "I have a lot of things to work on. I'm sure you are, too. So, if you please ... I require no interference. For now."

Humahalakhak si Beca. "Baklang 'to! Ako nama'y iyong babahagian kapag may nakita ka na, ha? Ha, best friend?"

Pumikit ako. The last time I checked we just met yesterday. Best friend, huh?

Malayo na si Beca nang magmulat muli ako. Umiling-iling ako. Ipinagpatuloy ko muli ang trabaho.

Nagulat ako nang sumulpot si Geon sa space ko noong tanghali. Hindi pa ako tapos sa ginagawa ko ngunit hinila niya ako paalis upang kumain sa labas. Sa magkahawak naming kamay, pinagpiyestahan na naman kami ng ibang empleyado.

Binawi ko ang kamay ko. Kumunot ang noo niya sa inasta ko. Nag-iwas ako ng tingin mailigtas lang ang sarili sa nakakapaso niyang paninitig.

"What's bothering you, Laire? You seemed uneasy ..." puna ni Geon kalagitnaan namin ng pagkain.

How can I relax when any moment by now, hinahanap ako ng dalawang lalaki na humabol sa akin noong isang araw. Matapos ng nangyari, parang ayoko na lumabas. Lalo kasama ko si Geon. Baka kung anong gawin nila...

"Wala... may iniisip lang." rason ko, binalik na sa plato ang atensyon.

"You can tell me what's on your head. Just like before..." his voice sounded longing. "What's our problem?"

He caught my attention. Did I use to tell him everything that bothers me? He must be really someone I had trusted aside from Danica.

"Nag-sex na ba tayo?" my voice sounded gibberish.

Nasamid ito sa iniinom na wine dahil sa tanong ko. Tila nahihirapan na siya sa paghinga. Kumilos ang kamay ko, inabutan siya ng tissue. Tinanggap niya iyon at pinasak sa bibig niya. Doon siya umubo nang umubo.

"S-Shit,"

Tumuwid ako sa upo, hinaplos ang batok. Kahit ako ay nahihirapan huminga. Sa lahat kasi ng tanong bakit iyon pa?

"You ... damn it." Hindi niya ako matingnan.

Ngumuso ako.

"Do you really want me to ... answer that?" he chuckled.

Umiling ako. Mas mabuting hintayin ko na lang ang ala-ala ko bumalik kaysa malaman ngayon ang sagot. Paano kung may nangyari na nga sa amin? Anong posisyon ko? Taas ba o ... baba?

I feel awkward now, damn. I should have not asked about that damn thing! You are so stupid, Solaire!

Hinintay ko humupa ang kahihiyan. Humalukipkip ako bago ibalik ang mata sa kaniya. Nakipagtitigan ako sa kaniya na tila walang nangyari.

"Salmon Croquettes with dill sauce and Salmon Niçoise Salad!" antala sa mahabang katamikan namin ng waiter sabay lapag ng last dish sa table namin.

"Geon ..." untag ko habang pinaglalaruan ang salmon sa plato ko.

"Yes, baby-" he cleared throat. "I mean Laire..."

I took a deep breath. "Alam mo ba kung saan ako nakatira noon?"

Alam ko na alam niya. He was a tutor. He lived with us when I was young. My reason for asking is obvious. Unless he hides something I should not know. Is there?

He nodded. "You lived in Candon City, Ilocos Sur. Your hometown, precisely."

"Candon City?" I almost chuckled.

Tumango muli siya.

"Puwede mo ba akong ... dalhin doon?" I asked hesitantly.

Hindi ako nakakuha ng sagot sa kaniya sa mahabang minuto. Ngayon ay nasa pagitan na ako ng paghihinala na may tinatago nga siya sa akin at pag-intindi. Sa huli, nanaig ang paghihinala sa kaniya.

"We can't go-"

"At bakit hindi?" I glided in. "Paano kung sa pagpunta natin sa mga lugar na pinanggalingan ko, makaalala ako? Doctor ka dapat alam mo 'yon."

Hindi ko mapigilang mainis. Saksi ako sa pag dungaw ng gulat at sakit sa kaniyang mga mata. Naglaho iyon sa pagitan ng segundo, napalitan ng itim ng bahaghari.

He seemed to disagree with me by the way his jaw tensed. How about me? How about my own decision?

"You seemed bothered with my idea, Geon. Tell me ... anong tinatago mo?" I accused him.

We stared squarely in the eyes. Beca was right when he told me Geon's eyes were literally dungeons whenever mad or suppressing anger.

"Lying is the easiest game. Yet, I found myself losing." He said coldly. "May you remember I have always been faithful to you. Kahit wala pang ikaw at ako noon."

Hindi ako pinatulog ng sinabi ni Geon kanina. Umiikot sa isip ko ang sinabi niya. Madaling araw na pero parang umaga ang pakiramdam ko.

Bumangon ako mula sa higaan. Tiningnan ko ang espasyo sa tabi ko. Maayos ang unan at hindi gusot ang comforter sa parteng iyon.

Pumasok ang hangin mula sa nakabukas na veranda paglabas ko. Nakita ko si Geon walang damit pang-itaas na natutulog sa couch. Bahagyang nakabaluktot dahil hindi siya kasya. Sa sahig, may ilang bote ng beer na nakakalat. Mukhang uminom lang siya upang makatulog...

Bumalik ako sa kwarto upang kumuha ng blanket at unan. Akala ko magigising na siya noong nilagyan ng unan at kinumutan.

Niligpit ko muna ang mga bote ng beer. Bumalik ako sa kaniya. Marahan akong naupo sa sahig. Umangat ang kamay ko sa mukha niya. Inayos ko ang buhok na tumabing sa noo niya.

Hindi ko naiwasan tumitig sa mukha niya.

All of him are tough, rough, and harsh. Only those red lips are seemed soft. Ganito kapula ang labi niya kahit natutulog. So .... natural. Kahit sa pagtulog salubong din ang kilay. Tila may kaaway kahit sa panaginip.

If you were not going to take me where I belong, I will go there on my own.

"I'm sorry ..." I whispered.

Tumayo ako. Pumigil sa aking pag-alis ang mainit na palad ni Geon. Ngunit nanatiling nakapikit ang kaniyang mata. Marahil nananaginip lang ito.

"D-Don't leave me ... Laire ..." sounded like he's in deep pain while uttering my name.

It depends, Geon. I can't promise ...

Hindi ako makatingin kay Geon kinabukasan. Halos wala rin kaming nabubuong usapan. Sabay kami kumakain pero ramdam ko ang pader sa pagitan namin. Daig pa namin ang magkapitbahay na may iringan.

"I'll carry your bag. Mauna ka na sa sasakyan," aniya.

"S-Sure," tanging naisagot ko.

Bago dumiretso sa kumpanya, dumaan kami sa mall. Buong akala ko may bibilhin damit si Geon. Cellphone pala para sa akin. Hindi ko na natanggihan. Pagkatapos doon, hinatid niya na ako sa department bago siya tumungo sa business errands ng kapatid at pinsan.

"Calling all the attentions of heads of each department. Please proceed to the conference hall immediately..."

Naantala kami sa kaniya-kaniyang ginagawa nang tumunog ang timed-announcements intercom. Napatayo ang aming head. Bakas sa mukha niya ang pagtataka habang tinatahak ang pintuan. Gayundin ang mababasa sa amin na subordinates niya.

"Bakit tumunog 'yan? May warning ba?"

"E, tumutunog lang naman 'yan kapag may possible detriments o interloper na nakapasok sa company."

Nabahala ako sa usapan ng ilan. Hindi ko alam ang nangyayari kapag may ganitong ganap kasi ito ang unang beses na nagtrabaho ako sa kumpanya. Naalala ko ang sinabi ni Axis noong nakaraang linggo. Kung ano man nangyayari rito, marahil matalino ang may pakana.

Hinintay namin makabalik ang head upang balitaan kami. Halos isang oras at kalahati na sila sa conference hall. That announcement must be really detrimental in the firm reason why they took time.

The HR Head's face was grim and strict when she came back. We all stepped in our spaces without command because her eyes were disappointed with something.

Tumuwid ako sa tayo nang tingnan niya ako. Napatingin sa akin ang iba pa. Kumakabog ang dibdib ko. Sa paraan ng paninitig nila parang may kasalanan ako.

"Solaire Anja Gomez, a word. Follow me." malamig niyang sinabi bago unang lumabas.

Pinagtitinginan ako ng ibang empleyado habang naglalakad. Iniwasan ko mag-isip ng masama. Pero ang ibang mata ... tila nang-aakusa na.

Huli na nang natanto na nasa CEO's office na kami. Una kong napansin si Eurus na nakapamulsa habang nakatingin sa mga skyscrapers sa harap niya. Narito rin sina Israel at Zion kasama ang malaking pangalan sa kumpanya. At ang huli ... si Geon na napatayo mula sa inuupuang sofa pagkita sa akin.

"VRB Company has both intensive and extensive security. In less than two weeks, we've lost not less than 235 million..." the CFO spoke then looked at me. "The exact day you-Miss Gomez- arrived in the company, notably."

My eyes squinted in disbelief! What the hell is he talking about? Does he think I am a thief?!

"You have an easy access and exit in the firm because you are affiliated with Variejo..."

I can't believe this. They are accusing me without solid evidence. Hindi ba sila nag-iisip? Paano ako magnanakaw ng ganyang kalaking halaga kung may mahigpit palang seguridad?

Lumingon sa gawi ko si Eurus matapos sulyapan si Geon. Binalik ko ang tingin sa CFO.

"Now, Miss Gomez ... who is that someone you hired to embezzle the company's profit without getting caught? He must be very familiar here ... very genius to plot the whole thing? Tell us ...or it's just you?" he clearly accused.

I looked at Geon walking closer to me. No emotion could be read on his face. But I could feel its growing anger.

"I did not do it," halos ibulong ko na lang iyon kay Geon paglapit niya. "I will never ... do it."

He pulled the small of my back to his body. He kissed the side of head. "I believe you."

Lumapit ang COO upang ilapag sa mesa ang ilang litrato kuha sa loob ng elevator. Kumunot ang aking noo nang mamukhaan ang lalaki. Iyon ang lalaking nakasabay ko sa elevator noong isang beses!

"Explain this," mariin nitong sinabi sa akin. "The blame is on your name. Explain everything and confess to clear yourself to us-"

"Wala siyang ipapaliwanag!" Geon's voice roared inside the office, shutting everyone up. "Goddamn it! Did you not hear her? She did not fucking do it!"

Silence prevailed for a few seconds. I feel the tension. Not even the slightest hope, I see nothing that they will believe me just because Geon said so.

This company upholds their mission and vision. I can't help but glorify them silently. However, something like this is unacceptable.

Nabasag ang katahimikan nang pumasok ang magandang ginang sa silid, diretso sa mahabang mesa upang ibagsak ang isang folder.

May awtoridad sa mata niya nang ako ay tiningnan. "I do not know how to say this in a respectful manner, Miss Gomez, but you appeared as our main 'subject' for embezzlement. Get your things and leave the company immediately. On behalf of the board of directors, Director Alasdair Trim Variejo, you are fired-"

"No, Ma'am. I quit." I prompted.

Ang kapal ng mukha ko manatili sa kumpanya na ito gayong hindi ko naman pinaghirapan para makapasok dito. Ano pang mukha ang ihaharap ko, nabahiran ng akusasyon?

I respect myself more than anything.

I will never stoop down to the nether.

"Laire!"

Hindi ko pinansin ang galit ni Geon. Tinabig ko ang kamay nito. Ang ID na suot ko ay marahas na hinubad. Sa bulsa ng coat ko, dinukot ko ang flash drive na naglalaman ng mahalagang dokumentong kailangan nila. Lumikha ng tunog ang paglapag ko ng mga ito sa mesa.

Isa-isa ko silang tiningnan. Kung inaakala nila na mao-offend ako sa paratang nila, nagkamali sila. Hindi ko rin kailangan magpaliwanag sa kanila. I know myself better than they do.

Matatanggap ko kung ako lang. Paano kung magbago ang tingin nila kay Geon? Hindi man niya aminin pero alam kong nasasaktan siya sa nangyari.

I may not be the only one he wants to defend. He wanted to defend their name.

Dahil sa akin ... nasira.

"I leave no work undone in my space. Allow me to leave ... with gratitude." I said fearlessly before turning my back to all of them.

I may burn in fire. But I will relive like phoenix.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top