14
Passage
Tito Arman joined me for breakfast the next day. I cannot masticate my food properly. My eyes are only on my plate. His stares make me feel awkward. I could have left the table if his guards were not around.
"Your mother is gone early to catch a flight without notifying you. Sinabi ko rin na huwag ka na gisingin nang maaga upang makapag pahinga ka..." he began.
Hindi ako sumagot. I drank my water to burn my anger down my stomach. Baka hindi ako makapagpigil sa kaniya.
"Habang wala ang ina mo, ako ang magbabantay sa'yo. Sana ay ... magkasundo tayo." peke siyang tumawa.
In your wildest dreams.
"Sana pala ay noon ko pa ito ginawa, hija. Para naman hindi mo minana ang sungay ng ama mo,"
My utensils lie flat on the table. The loud thud draws mere disturbance. Now that he is talking to my deceased father, I cannot tolerate it. Matatanggap ko kung ako lang. Ibang usapan kapag magulang ko.
"Don't make a scene, Solaire," nagbabanta ang kaniyang tono.
I glared at him. "You are hitting my late father here. Kung gusto mo magkasundo tayo, you better avoid talking that way. Dahil kaunti lang ang respeto ko sa mga taong ... bastos."
He smirked annoyingly. Tumango siya at pailalim na sinipat ang paligid. Bumalik ulit sa akin. Mariin niya akong tiningnan, tila nais na akong saktan kung walang ibang tao ngayon.
I stood up on my seat. I am about to walk away when he speaks clearly and menacingly.
"We are not yet done eating, hija. Sit back." He commanded authoritatively. "Unless you want me to hurt your dear mother? Nah-uh, right?"
Kumuyom ang aking kamay. Mabilis nag-init ang sulok ng aking mata. I am not afraid for myself anymore. I am afraid for my mother.
He knows where my mother is. I will not be surprised if he is the reason why she left. He's now controlling us, isn't he? Jerk!
"Good girl," ngisi niya nang maupo ako muli sa harap niya.
Pinatunayan mo sa akin na tulad ng panahon, nagbabago ang tao.
Mamayang hapon ay babalik na kami sa Ilocos. Ani Tito Arman ano pang gagawin dito sa resort ng mga Variejo ngayong tinapos na niya ang hiling ng ina ko. Isa pa, ayaw niya akong makita na lumalapit pa sa mga ito.
Kung may hiling man ako ngayon iyon ay sana masilayan ko si Sir Geon bago umalis. Hindi ko alam kung gusto pa niya ako makita pagkatapos ng pagtaboy ko sa kaniya. After this, I will be contented staring at him from afar.
"Bakit ang bilis naman? Nasaan si Tita?" reaksyon ni Danica matapos ipaalam ang aming pag-uwi sa hapon.
Narito kami ngayon sa main lobby. Niyaya ko si Danica na sumama sa akin. Nakita ko si Sir Geon na pakalat-kalat dito at gusto ko sundan.
I shrugged. "She told me she'll be gone for two or more months."
"What?! So, maiiwan ka sa mansyon kasama si Sir Arman, gano'n?"
I silenced her.
Inayos ko ang puting scarf na tumatabing sa mukha ko. I disguised myself so no one can recognize me for this shameless stalking.
"Correct," matabang kong sagot.
Lumingon sa gawi namin si Sir Geon. Halos mapugot ang ulo nang mabilis ko itinago sa pader. Marahas ang aking paghinga.
"Muntik na, tayo doon, ah," komento ni Danica na naghahabol ng hininga. "Bakit ba ayaw mo pa umamin kaysa magtago?"
Kung alam niya ang ginawa ko kahapon baka isinumpa pa niya ako.
Hindi ko siya sinagot. Yumuko ako ng bahagya bago muling ipinuslit ang ulo. Nakita ko si Sir Geon na kinakausap ulit ang babae kahapon (baka si Martina) sa labas ng Executive suite.
He is serious and undoubtedly handsome with his white polo sleeves and maong shorts, partnered with loafers. Hindi ko alam kung talaga bang nakatitig siya kay Martina o sa iba. He's wearing sunglasses so I cannot determine.
"Thank you, sir. I will go now." Mayuming sinabi ni Martina bago naglakad paalis.
Tumalikod si Sir Geon. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa ng suot na maong shorts bago pumasok sa executive suite.
What is your relationship with Martina? Gusto mo ba siya? Bumagsak ang balikat ko sa isipin na iyon.
But then I realized I have no right to complain. I am afraid to fall in love with him kaya tinaboy ko siya. I have hurt him. I am stupid. I deserve to feel the exact pain I have caused him.
Umuwi kami sa mansyon na bitbit ang sama ng loob. Wala na ako nagawa sa desisyon ni Tito Arman. Sa palibot ng bahay, naroon ang kaniyang mga tauhan na matiyagang nagbabantay.
I looked like a rose with no thorns all around. But rusting chains.
"My house rules are very simple, Solaire. Kahit musmos na bata ay maintindihan." Pauna niya bago naupo sa couch.
Nilapitan siya ni Mon upang abutan ng tobacco. Sinindihan niya iyon. He puffs in his tobacco then looks at me.
"You are not allowed to go out without my consent. Meeting with your friend is prohibited. Lastly, do not entertain suitors."
Daig ko pa ang binuhusan ng malamig na tubig sa narinig! Pilipit ang ugat sa dibdib ko sa gusto niya mangyari. Nahihibang na ba siya?! This is torture!
Napatayo ako. "You can't do that! That is depriving my liberty! H-How could you—"
He cut me off by showing his pistol up under his shirt. "Madali akong mapikon, hija. Isang kalabit ko dito? Bang!" umakto siyang binaril ako gamit ang kamay. "Butas ang bungo mo."
I gasped sharply.
Ganito pala ang tawa ng demonyo. Ang tawa ng kaniyang tauhan ay nakakapanindig balahibo. Sumisingaw sa hangin ang kasamaan. Bagay na hindi ko pinagtuunan ng pansin noon.
"You will kill me?" tanging nasambit ko.
Anong klase ng lalaki ang minahal mo, mommy, matapos mamatay ni daddy? He is nothing compared to my father!
Sinenyasan niya ang kaniyang mga tauhan. Lumabas ang lahat at naiwan kaming dalawa. Tumayo siya sa sofa at nilapitan ako. Huminto siya sa likod ko.
"I was waiting for this very moment for the longest time, hija. Sa tingin mo ba ..." he whispered. "Magtitiyaga ako pakisamahan kayo kung wala akong mapapala?"
He's after everything we own, isn't he?
"Did you just use my ... mother..." It was a rhetorical question.
Tumawa siya ng mahina. "I never loved your mother."
Tumulo ang luha ko. Tama ba ang narinig ko? Gusto ko magalit sa ina ko dahil kundi dahil sa kaniya, hindi kami magkakaganito. Pero nasasaktan din ako para sa kaniya dahil hindi siya kailanman minahal ng taong pinalit niya sa aking ama.
Hindi ko alam kung saan ilulugar ang nararamdaman ko ngayon. This is too much to handle for me.
"You heard me, Solaire? I never loved your mother. I love her ... money ... her company. Precisely." Ulit niya nagpaigting ng hinanakit ko.
Hinarap ko siya. Nanghihina kong pinilig ang aking ulo. Masama ng tingin ko sa kaniya ngunit hindi siya nasindak doon.
Noon pa man ay mabigat na ang loob ko sa kaniya. May mabigat palang dahilan kung bakit ganoon katindi ang muhi ko sa kaniya. Kung bakit hanggang ngayon, hindi ko siya kayang tanggapin sa buhay namin.
"You're a fraud."
He smirked.
Tumakbo ako paakyat sa aking silid. Sa pagsarado ng aking pinto, dinig ko ang pagtawag niya sa tauhan. Sinadya niya lakasan ang boses upang makarating sa akin ang pahiwatig.
"Bantayang mabuti ang mansyon!"
How dare that old hag decide for me, huh? Kung alam ko na ganito ang patakaran niya pag-uwi namin dito, tinakasan ko na siya! As if I will let him control me or my life.
Sumilip ako sa veranda matapos mag-isip. Tanaw ko ang tauhan ni Tito Arman sa palibot ng mansyon. Kahit saang sulok ay mayroong nagbabantay!
I need to leave. But how? Sino ang hihingan ko ng tulong? He confiscated my phone to lost contact! Kanina, nakita ko ang linya ng telepono na putol. He made sure I had no one to call to.
Damn it!
Napaupo ako sa sahig dala ng kawalan ng pag-asa. Frustration filled my head. Fear started eating my rational thoughts.
I can't believe this. Paano nangyari ito? Totoo ba ang lahat ng ito? Bakit ... humantong sa ganito.
I thought we're good—we're safe! Iyon pala, palabas ang lahat ng ito.
The wild grass in the beautiful garden destroyed the beautiful flowers for its own sake.
"Miss Laire?" tawag ng katulong mula sa labas ng silid ko.
Madilim na sa labas pagmulat ng mga mata ko. Tumayo ako mula sa pagkakasalampak sa sahig. Dito ako inabot ng antok.
"Y-Yes?" sagot ko pagtapat sa pinto.
"Handa na ang hapunan..." aniya.
I bit my lip. "Is Tito Arman there?" mahina ang boses ko.
If Tito Arman is there to join me, I would choose to stay here. Hindi ko siya gusto makita.
"Bukas pa po ang uwi dahil may inaasikaso sa kumpanya. Inabisuhan niya ang tauhan ngayong gabi dahil sa'yo, Miss." Kwento niya.
Buti naman.
Wala na akong mapagkakatiwalaan sa bahay na ito. Parang kontrolado din siya ni Tito Arman. Kailangan ko maging maingat sa kilos at pananalita. Nang sa gayon, makaalis ako dito na hindi namamalayan.
"Are you behaving, hija?" kausap sa akin ni Tito Arman gamit ang telepono ni Wed.
I remained mute. My grasp on my utensils tightened.
He chuckles. "May pag-uusapan tayo pag-uwi ko diyan, hm? Huwag mo akong tatakasan. Tandaan mo ... hawak ko kayo sa leeg ni Czarina."
"What have you done to my mother ..." I stammered. Tears fell from my eyes. "Where did you h-hide my mother!"
Knowing he knows where my mother is and he's holding us tight in the neck triggers my whole-being. Daig ko pa ang bilanggo ngayon. Hindi ko na paghandaan ang mga ito.
My mother is my weakness.
He's using our love for each other to control us the way he wanted. Manipulative, old, and lost grass in an Eden Garden.
"She's ... in a vacation." He laughed vilely. "Sawa na raw siya sa ugali ng kaisa-isa niyang anak. Napagod, umalis."
He's lying. Maayos akong kinausap ni mommy tungkol sa pag-alis niya pero alam kong napilitan lang siya sabihin iyon. A mother will never leave her children without valid reason. I will know the real reason behind this when I found her soon.
She told me I should trust her. That I need to impress her. What does she mean by that? I do not understand what to think anymore.
Naputol ang linya. Binawi ni Wed ang telepono niya bago ako iniwan sa hapag. Ang pagkain sa harap ko ay hindi man lang nabawasan.
Paano kung nagpapanggap lang si Tito Arman na alam niya kung nasaan ang aking ina upang kontrolin ako? Paano kung ako ginagamit niya lang ang pangalan ng ina ko upang matakot ako sa kaniya at ... mapasunod sa lahat ng nais niya ang ina ko?
I don't know what's going on now. Nais ko malaman kung sinadyang itinago o kusang nagtago ang aking ina.
Nagmistula akong lantang gulay nang ilapat ang likod sa kama. Tumitig ako sa kisame. Sinubukan ko matulog subalit maraming tumatakbo sa isip ko.
Bumangon muli ako. Dinala ako ng aking paa sa closet. Wala sa sariling dinampot ko ang katamtamang laki ng maleta. Nilagay ko ang ilang pares ng kasuotan na madaling dalhin. Bumalik ako sa kama upang itago sa ilalim nito ang maleta.
I saw my scrabble board game lie beneath my long dresses. My forehead puckers in bafflement. I have no idea when I put board games in my closet. I am organizing my stuff well so ... how?
Nilatag ko ito sa sahig. Napansin ko ang kapirasong papel kasama ng mga scrabble tile letter. I opened the paper and try to understand what is written inside.
1115 11 34 11111.
Kumunot ang aking noo. Ano 'to?
I think this has something to do with the scrabble points, hasn't it? May ilang minuto akong tulala sa papel at sa scrabble.
I played this with my mother when I was four. And I always get the lowest score. But I love this board game. This has been our favorite pastime since then...
Kumilos ang kamay ko upang hanapin ang katumbas na letra ng mga nakasulat na puntos. Labintatlong tiles ang nakalap ko. Hindi naging madali para sa akin na makabuo ng salita sapagkat ang bawat letra ay may bilang kung gaano ito karami. Hindi ko alam alin ang dapat ko kuhanin upang malaman ang palaisipan ito.
Sa magdamag, nagtiyaga akong alamin ang ibig sabihin ng nakasulat sa papel. I scrabble all the possible letters accordingly and then match to its corresponding points.
Letters A, E, I, L, N, O, R, S, T and U are equivalent to 1 point.
Letters D and G are equivalent to 2 points.
Letters B, C, M and P are equivalent to 3 points.
4 points if the letters are F, H, V, W and Y.
5 points if the letter is K.
J and X are equivalent to 8 points. 10 points for the letters Q and Z.
I eliminated the unnecessary letters. Until I came up with these 13 letters:
KATMYROLOOSES
Then, I arranged them according to the number of points.
L, A, E, O, S and T are 1.
K is 5.
Y is 4.
1115 11 34 11111.
Say ... LOOKATMYROSES.
"Look at my roses?" I read it slowly.
Look at my roses is the passage.
Damn, right! Among all the beautiful flowers in our garden, roses are her favorite!
Anong meron doon? One way to find out is to see for myself.
Pero hindi lang sa garden madalas ang rosas. Nakikita ko rin iyon sa silid niya. Minabuti ko na puntahan ang kwarto ni mommy ngayong gabi sapagkat bukas ay maglalagi roon si Tito Arman.
Nagdala ako ng flashlight bago kumaripas. Maingat akong kumilos sa silid ni mommy. Sinuri ko ang bawat sulok ng kwarto na may vase ng rosas. Pero wala akong nakalap na clue or something!
Literal akong nangangapa sa dilim. Natusok ako ng tinik ng ilang beses pero wala akong nakuha.
Look at my roses... it echoed in my head.
Umupo ako saglit sa paanan ng kama. Kung wala rito, marahil nasa garden nga? Kung sakaling doon niya itinago ang hint, malamang wala na iyon. O baka nilinis ng hardinero...
Or she's pertaining to something relevant...
Aside from taking care of her beloved roses, my mother loves to paint them when she's bored. Huminto lamang ang hobby na iyon noong namatay si daddy at nag-take over siya sa company.
"Look at my roses..." I mumbled.
Tiningnan ko ang wall. Nakadikit doon ang mga portrait niya ng mga rosas na may iba't'-ibang kulay.
My hands tremble while checking them one by one. At the back of the last white rose portrait, I got another piece of paper.
I rearranged the messy bed sheet before slipping back into my room. My hands and knees were still sweaty and shaking. I opened the paper and read it in my mind.
'Find me.'
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top