1
Haggle
Nag-aalinlangan man na sumama at magpatangay sa hila ni Geon patungo sa loob ng isang hindi pamilyar na restaurant, wala na rin akong nagawa. Nasa dulong mesa kami pumwesto. Ipinaghila ako ni Geon ng upuan bago siya naupo sa kasalungat kong silya.
May magandang babae, maliit ang buhok , at naka suot ng salamin ang agad dumulog sa amin. Naglapag ng mga pagkain, bagay na ikinatingin ko kay Geon. Nag-order na ba tayo? Kakaupo lang namin, ah?
Geon nodded once but was firm with the staff. “Thank you, Mystica.”
“Walang anuman, Sir…” tugon nito bago bumaling sa akin at ngumiti ng tipid.
Tinitigan ko ang mga pagkain sa aking harapan. Naramdaman ko ang paninitig ni Geon kaya ibinalik ko sa kaniya ang aking atensyon. “Why are we here?” mahinahon kong tanong.
Alam kong kakain kami. Hindi naman iyon ang hinahanap kong sagot. Nais kong sagutin niya ako kung bakit niya ako dinala sa ganitong klaseng lugar? Sinusubukan niya ba ako kung kahit ito ay aking maaalala? O may iba pang dahilan?
Isang malalim na buntong hininga lamang ang kaniyang itinugon sa akin. Sinimulan niyang hainan ako ng pagkain. Hinayaan ko lang siya. Hindi mawala-wala sa kaniya ang aking mga mata. Sa mismong ginagawa niya…
“Let’s eat, Laire. Para makauwi na tayo.” Napaka lamig ng kaniyang boses.
Halos dumugo ang aking utak sa pagpipigil na mag-isip nang mag-isip. Pakiramdam ko ay isa akong bagong silang na tao. Kahapon lamang ipinanganak! I feel so unlettered.
Habang kumakain ako ay pinakikiramdaman ko si Geon. Sa riin at lamig ng paninitig niya sa akin, hindi na ako halos makanguya ng maayos. I feel so intimidated right now. Which lead me to conclusion that he might be someone…I used to fear of? Is he?
But he told me…he’s my fiancee. Hindi ko dapat nararamdaman ang pagdududa sa kaniya… Dapat ay kalmado ang puso ko dahil siya ang kasama ko. But why do I feel like I am under control?
“Good evening. Sir Israel…”
“Good evening po, Sir Zion.”
Sa kalagitnaan namin ng pagkain, biglang umingay sa entrance. Sabay kami halos napatingin ni Geon sa mga taong papasok pa lang.
Pinanood ko ang paglalakad patungo sa gawi namin ni Geon ng dalawang matatangkad at maskuladong lalaki. Kapwa sila naka suot ng business attire, hinubad lamang ang suit. Ang isa ay nakapamulsa. Ang isa naman ay bahagyang nagbabali ng leeg.
Sumulyap ako sa paligid. Ang mga guests na kumakain ay huminto sa pagkain para lang lingunin ang dalawang lalaki. Sino ba sila?
Paglapit ng dalawang lalaki sa pwesto namin, tumayo si Geon at agad nakipag usap sa dalawa. Sumulyap sa akin ang mga iyon. Ang lalaking may makamandag na tingin ay napangisi. Ang isa naman ay masamang tingin ang ibinato sa akin.
Halos mahiya ako. Dahilan kung bakit ko nalunok ang aking dila. Ininuman ko ang aking baso upang mabaling ang aking panlalamig. Bakit ganoon makatingin ang isa? Anong…ginawa ko? Kilala ko ba sila? Kilala ba nila ako?
“Sir Throne is looking for you, Geon. Might as well visit them in your villa…” anang lalaking masama ang tingin sa akin. Ramdam ko pa rin ang tingin niya hanggang ngayon.
“Nalaman nilang hindi na kayo sa Caba nakatira,” Ito ang lalaking ngumisi sa akin. “Balak mo yatang lagyan ng red dots ang La Union.”
Tiningnan ko ang taong iyon sa kaniyang biro. Tama siya. Lumipat kami ni Geon ng tirahan, isang buwan na ang nakaraan. Dati kaming nakatira sa Caba ngayon ay nasa Naguilian na. Sa dulong bahagi na halos ng nasabing lugar. Hindi niya sa akin sinabi ang dahilan kung bakit. Hindi na rin ako nagtanong pa. Marahil ay may kinalaman sa aking kondisyon.
“I will visit them…” bumaling sa akin si Geon. “Just not now, Rael.”
I am sure that this has something to do with my condition. Kung pwede lang ako magsalita at sabihin kay Geon na bisitahin ang pamilya niya at pabayaan na lang ako, ginawa ko na. Ngunit alam kong hindi niya iyon gagawin sa akin. Alam kong kahit anong udyok ko sa kaniya na hayaan na lang ako…hindi niya susundin.
“You did not attend Eurus’ wedding…You should be the best man. Not Creon.” Ito ang lalaking tinawag ni Geon na Rael kanina. Ang lalaking masama ang tingin sa akin.
Naupo na si Geon muli. Tumitig siya sa akin kaya halos magkanda buhol-buhol ang ugat sa dibdib ko. All my internal strengths are threatened. Gusto ko sana itaas ang aking kilay. Kaya lang nakatingin sa akin iyong Rael at isa pang lalaki. Ang init ng presensya nila…
“Ihahatid namin kayo.” ang isang lalaki sabay tapik sa balikat ni Geon. “Doon na tayo sa bahay niyo mag-usap.”
Nagpalitan ng makahulugang tingin ang tatlong lalaki bago nagpaalam na mauuna na muna sa labas ang dalawa. Doon na raw kami hihintayin. Iyong Rael ay sumulyap pa sa akin at napangisi ng mababaw, tila nagbabanta. Why are you like that? What did I do...
“That’s Israel Landon and Zion Rejo Variejo,” waring alam ni Geon ang bumabagabag sa isipan ko. “They’re my cousins.”
Pagtango lamang ang binigay kong tugon. Hindi ko naman sila matandaan, e. Iyong Rael...bakit parang ang laki ng galit sa akin? I was waiting for a sudden recurrence, but nothing reappeared. I heaved a deep sigh. I feel so futile.
Sandali kaming binalot ng katahimikan. Pinakikiramdaman ko si Geon. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ang laki-laki ng pag-aalinlangan ko sa presensya niya. Ngunit sa dulo ng puso ko, tila nakakampante.
"Have I been here before, Geon?" tanong ko matapos ng saglit na katahimikan.
Isinandig niya ang kaniyang malapad na likod sa upuan. Humalukipkip siya bago tumitig sa akin ng diretso. Maya-maya ay tumango.
"When you were young..." Naramdaman ko ang pait sa boses niya kahit seryoso at malamig.
"P-Pwede ko bang malaman kung anong..." suminghap ako at kinurot na lang ang mga daliri na noo'y nasa aking kandungan. "Anong ginawa ko rito noon?"
Napatingin ako sa kaniya nang narining ang matunog niyang pagngisi. Kumunot ang noo ko saglit sa kaniyang reaksyon. Eh? Kahihiyan...ba 'yon?
"Finish your food." aniya. "Better not knowing it yet, Laire."
Ngumuso ako at tumango na lamang. Ibinaba ko muli ang aking paningin sa pagkain. Ngunit paminsan-minsan ay tinitingnan ko siya. Halos mailang ako dahil sa kaniyang paraan ng pagtitig. Para bang isa akong estudyante na nagsasagot sa exam at may plano mangopya kaya ganito kung bantayan ako.
Kung titingnan, mukhang mas malaki ang agwat ng edad niya sa akin. Lalaking-lalaki siya. Ang tindig, ang taas, maging ang bulto ng katawan ay depinadong-depinado. Sa isang tingin kapag nakita kaming magkasama, iisipin ng iba na guro ko siya sa unibersidad at ako ay isang junior student.
He is so handsome and mature. Kaya siguro ako may pag-aalinlangan sa dibdib ko. Dahil hindi ko ma paniwalaan na fiancee ko ang gaya niya. I look so...young.
"Ilang taon na ako, Geon?" tanong ko habang naglalakad na palabas ng restaurant. Kakatapos lang namin kumain. "You...how old are you?"
Hawak niya ang aking kamay. Bumaba roon ang mata ko. Kanina ko pa gusto bawiin ang kamay ko ngunit masyadong mahigpit ang hawak niya. Mainit ang palad niya at malaki. Hindi ako komportable...
"You're twenty-three..." he answered. "I'm twenty-nine."
That explains why... He really is older than me. Type ko ba ang mga older guys noon? Kaya ko ba siya naging fiancee? Kumirot ng bahagya ang aking ulo. Agad din naman nawala.
"Ah...May I know when my birthday is?" dagdag kong tanong. Naglalakad na kami palabas ng main lobby. Nakita ko pang napatingin ang mga receptionists sa kamay naming magkahawak.
"On the fourteenth day of the third month..." he said in a low, idle, cold voice.
Tumingala ako sa kaniya habang naglalakad kami. "E-E, ikaw? When is your birthday?"
He sighed. Para bang disappointed siya dahil hindi ko matandaan kahit ang mga simpleng impormasyon gaya noon. "Fourteenth day of February..."
Tumango ako. Sa loob-loob ko ay nag-iisip na ng maaari kong pag-ipunan para may mairegalo ako sa kaniya. His birthday is almost two months from now. Sa susunod na buwan naman sa parehong araw, kaarawan ko.
"Glad someone spotted you tonight there, Geon." si Zion ang nagsasalita habang nagmamaneho ng sasakyan. "Nagkataon na naka-check in kami riyan sa resort."
Nasa backseat kami nakaupo ni Geon. Si Zion ang driver. Si Israel naman ang nakaupo sa passenger's seat. Pasulyap-sulyap sa akin mula sa side mirror ng inupuan niya. Para bang sa tingin niya ay kaya kong gumawa ng krimen kaya todo bantay siya.
"What are you doing there?" si Zion.
"What you see is enough..." baritono ng tugon ni Geon sa pinsan.
"Paminsan-minsan ka lang napapadpad doon, tama?"
Mabagal kong ibinaling kay Geon ang aking ulo. My breathing hitched when I found his cold stares at me. "You okay?" tanong niya sa akin, seryoso ngunit nag-aalala na tono imbes na sagutin ang tanong ng pinsan.
Tumango lamang ako. Bago bahagyang ilayo ang sarili sa kaniya. Umusod ako ng upo malapit sa bintana. Halos isiksik ko na ang sarili ko. Masyado kaming malapit. Hindi ako komportable. Sa laki ng bulto ng katawan niya, halos sakupin na niya ang upuan sa backseat.
"Damn." dinig kong aniya.
Hindi ko na lamang siya nilingon pa. Nasa dinaraanan namin ang aking naghahanap na mga mata. Bakit takot akong mapalapit sa'yo? Bakit hindi ko alam kung ano ba talagang nararamdaman ko para sa'yo? Magulo. Pakiramdam ko ay nasa pagitan ako ng alinlangan at katotohanan kapag palagi siyang malapit sa akin. Ngunit minsan ay pakiramdam ko payapa naman...
Bumigat ang dibdib ko. Waring may isang timba na walang laman at ngayo'y unti-unting napupuno. This so weird... Bakit ganito?
"You live here now?" si Zion sa malamig na tinig.
Pagkarating namin sa bahay ay pinapasok namin ang kaniyang mga pinsan. Naroon sila sa maliit na sala. Nag presinta ako na gagawan sila ng kape sapagkat alam ko na may pag-uusapan pa silang tatlo. Nang matapos sa pagtitimpla ng kape, inilagay ko iyon sa isang tray.
Halos mapangiwi ako nang makita silang tatlo roon. Nakaupo sa kahoy na upuan. Kaharap ng upuan ni Geon sina Israel at Zion. Ako ang naaawa sa mga kahoy na inuupuan nila. Parang anong oras ay bibigay ang mga iyon dahil ang laki ng mga nakaupo. They are all brawn.
Ibinaba ko sa kahoy na mesa ang tray at isa-isang ibinigay ang mga tasa ng kape. Nasa tabi ako ni Geon habang ibinibigay iyon. Sa lahat ng tingin, si Geon lamang ang aking tiningnan pabalik. Tinanggap ko ang mariin at malamig niyang titig.
"You sleep now, Laire." halos ako lang ang makarinig.
Itinago ko sa likod ang tray. Tumango ako. Sumulyap ako sa mga pinsan niyang nasa akin din ang atensyon. Pakiramdam ko ay may bolang apoy na biglang sumuntok sa aking tiyan nang patamaan ako ng mabangis na tingin ni Israel Landon Variejo. Nag-iwas ako ng tingin. I will never get used to that kind of stares...
"You are bound to dispel that firebrand woman. Why do you keep her here? Jackass." dinig ko ang sinabi ni Israel pagkasarado ko ng pinto ng silid.
Hindi naman gaano kalayuan ang silid sa sala. Gayundin ang sala sa kusina. Kaya rinig ang usapan nila. Iyon ay kung magbubulungan sila. Isinandal ko ang mukha sa likod ng pinto at bahagyang nakinig sa usapan.
"Have you forgotten what she's done?" The abrasive yet cold voice of Zion hibernated my body for a while.
Nanuyo ang aking lalamunan. Hindi ko naiwasang pangiliran ng luha. Bakit...ang laki ng galit nila sa akin? Bakit parang ang laki ng kasalanan ko? Ano bang ginawa ko...
"Don't tell me to go back and leave Solaire alone." Matapos ang halos kalahating minuto, nagsalita si Geon. Pigil ang galit at iritasyon sa kausap. "I won't leave her."
I heard Israel's fake chuckle. Kasunod ay ang paglagutok ng kahoy. Sa palagay ko'y sumandal siya sa upuan. "Yeah, right. Kahit noon pa ma'y inuuna mo na siya..." he paused. "Kaya ka nga bumagsak sa Philippine Medical Boards sa Ateneo noon."
Nawala panandalian ang ingay sa pagitan nilang tatlo matapos sabihin iyon ni Israel. Mula sa bintana ng silid, dinig ko ang pagaspas ng hangin sa labas. Maging ang maingay na kuliglig at tuko.
Bumagsak sa Philippine Medical Boards sa Ateneo? Anong ibig niyang sabihin? Ako ba ang...dahilan? My tears rolled down my cheeks out of bafflement. I closed my eyes and try hard to remember even a scratch!
Umalis ako sa pintuan. Hawak ang ulo ay napaupo ako sa gilid ng katre. Raw moans escaped my lips when my head aches so bad. But nothing appears!
I silently cried. I could even feel my breathing is not normal now.
The door creaked when opened. I slowly opened my blurry eyes to recognize who went in. My eyes swam in tears even more.
"Laire..." Pinigilan ni Geon na magmura paglapit sa akin. "What's wrong?"
Nasa harapan ko siya at bahagyang nakaupo. Tinangka niya hawakan ang kamay ko. Umiwas ako. Iginilid ko ang aking mukha at sa sahig na lang nakipagtitigan imbes na salubungin ang mga mata niyang.
"M-Matutulog na ako...Balikan mo na lang sila sa labas."
Pabigat ba ako sa'yo noon? Iyon ang nais kong itanong. Ngunit tila kahit dila ko ay naduwag na. Why don't you just return me to my family? Pinunasan ko ang aking luha.
Sumampa ako sa kama. Gumapang ako pahiga bago nagtalukbong ng kumot. Nakita ko siyang tumayo agad ng tuwid at lumapit sa akin. Inayos niya ang kumot sa katawan ko. Nakaupo na siya ngayon sa gilid ng katre Habang ako ay nakatalikod ng higa sa kaniya.
"Laire," he paused after a cuss. "What's bothering you?"
Bumigat ang aking paghinga sa tinuran niya. I sniffed and wiped my tears silently. Bakit gano'n? Is this really how it feels like to be completely lost in the ground? Ang sama sa pakiramdam na parang ang bobo ko. Wala akong alam.
"Tell me, Laire." I felt his hand in my hair. "I'm worried."
Hindi ako nagsasalita. Ipinikit ko ang aking mata at bahagyang ibinaon ang mukha sa kumot. Lumandas ang luha sa aking ilong, pababa sa gilid ng mata. Masama ang aking pakiramdam hindi dahil nilalagnat ako. Kundi dahil sa kakarampot na nalaman ko mula sa kaniyang mga pinsan.
"I-I want to sleep..." my voice was muffled. Halos sinukin pa ako.
A long and deep sigh were released from Geon's lips. I even heard him cuss under his breath. Para bang pinagpapasensyahan niya ako. Sa katotohanan na iyon, lalo lamang bumigat ang puso ko. Please leave...
Naramdaman ko ang pag-angat ng parte ng foam sa katre na inupuan niya. Ang paglagutok ng katre ay nagpakislot sa akin ng bahagya. Gusto kong lumingon sa kaniya upang makasiguro na aalis na siya ngunit pinigilan ko ang aking sarili.
"Please, don't overthink." Narinig ko ang pag lagutok muli ng pinto, ambang aalis na siya. "Hindi ka pabigat...Hindi kita iiwan."
Konting oras pa akong natulala sa bintana ng silid, titig sa maliwanag na buwan. Bumabaon sa dibdib ko ang binitawan ni Geon na mga salita. Akala ko kakalma ako... Bakit hindi ako makaramdam ng kahit ano? Manhid na yata ako. Hanggang sa lamunin ng antok, iyon ang iniisip ko.
Hilaw ang naging pagtulog ko. Hinanap ko sa silid kung saan maaaring natulog si Geon dahil hindi nagusot ang latag sa tabi ko. Maayos ang unan gaya ng pagkaka ayos nito kagabi. Sinipat ko ang orasan na nasa dingding. Alas kwatro pa lang ng madaling araw. Hindi na ako dalawin pa ng antok. Bumangon na ako.
Saan siya natulog? Naalala kong kasama pala namin ang dalawa sa mga pinsan niya rito umuwi kagabi. Anong oras kaya sila umuwi? Marami siguro silang napag-usapan...
Pagtapak ko sa sala ay walang tao. Walang natutulog na Geon o kahit na sino. Maayos rin ang mesa at upuan na pinagtambayan nilang tatlo kagabi.
"Morning,"
Muntik na ako matapilok nang marinig ang malamig at seryosong tinig ni Geon mula sa kusina! Hindi ba siya natulog? Ang aga niya magising, ah! Medyo napatuwid ako sa tayo bago naglakad palapit doon.
Nanatili ako sa haligi ng kusina. Pinagmasdan ko siyang maingat na ilapag ang ginamit na sangkalan sa gilid ng lababo. Ang mga kutsilyo ay itinusok sa kahoy nitong lalagyan. Kahit medyo malayo ako sa kaniya, amoy ko ang bango niya. Ang amoy fabric conditioner sa damit nito ay dinala ng manipis na hangin sa ilong ko.
Hinawi ko ang aking buhok pasa likod ng aking tainga. Nagkurutan ang mga daliri ko. "I..I was planning to cook..." panimula ko.
Tinapos niya ang ginagawa sa lababo bago lapitan ang mga...pagkain na bagong luto. Gamit ang isang kamay ay nagawa niyang dalhin ang mga iyon sa mesa. Nagkatinginan kami.
"Hmm..." tumango siya sabay senyas ng upuan sa harap ng mesa.
Kinagat ko ang aking labi bago naglakad na palapit sa mesa. Naupo ako. Tumama ang aking mata sa buhok niyang mamasa-masa, sunod ay sa suot niyang puting t-shirt ngayon. Nakaligo na siya.
"'Yong mga...pinsan mo..." bahagya ko nilingon ang pinanggalingan ko.
Naupo siya sa tapat ko. Tumunog ang kahoy na silya, waring mawawarak. Humalukipkip si Geon at tumitig lang sa akin. "You're not comfortable with them. I throw them away."
Pakiramdam ko ay nagkaroon ng espasyo ang bagang ko sa sinabi niya. Napansin niya ang aking pagkagulat. Nagtaas siya ng kilay bago isenyas, gamit ang labi, ang mga pagkaing niluto niya.
Gumalaw siya sa kaniyang inupuan kaya muli iyong lumagutok. Dinig na dinig dahil bukod sa magka harapan kami, tahimik din ang paligid. Kinagat ko ang aking labi.
"How's your sleep?" Medyo kinilabutan ako sa boses niyang malalim at napaka seryoso. Ang paninitig niya pa ay atentibo.
Nag-angat ako ng tingin bago tipid na ngumiti. Iyon lang ang tugon ko at binalikan na muli ang kinakain. Masarap siyang magluto. Hindi ko itatanggi iyon. Kahit ang simpleng fried rice na niluto niya ay parang galing sa mamahalin restaurant.
"Your eyes are swollen, Laire." Halos napapikit ako sa biglaang puna niya. "Mm...why?"
Umiling agad ako.
Bumuntong hininga siya. "Laire..."
Hindi ko maintindihan ang biglaang paghapdi ng aking ilong. Dumaloy ang hapdi patungo sa sulok ng aking mga mata.
"S-Saan ka pala natulog kagabi?" Pagbabago ko ng daloy ng aming usapan. Nasa kinakain ko pa rin ang mata. Pakiramdam ko ay mababali ang lahat ng buto ko sa katawan kapag tiningnan ko siya.
Siya naman ngayon ang hindi nagsalita. Ilang segundo siya tahimik. I harbored my inner strength to look at him. I almost choke with his deep stares...
"You did not sound sleep?" Hindi naman sa gano'n.
Hindi ko matagalan titigan ang biglaang pagsilip ng pinaghalong sakit at mangha sa kaniyang delikadong mga mata. It's like a peaceful place not until a missile suddenly thrown there.
Tuloy ay hindi ako lalo nakagalaw ng maayos sa aking upuan. Bakit ganito na lang katindi ang pagkailang ko sa'yo?
"Saan ka pupunta?" tanong ko nang bigla siyang tumayo sa upuan.
"Finish your meal. Aalis tayo," aniya at kumunot ng bahagya ang noo. "Bibili tayo ng mga tela sa bayan."
Hindi ka ba kakain? Gusto ko itanong. Hindi niya nga sinagot kung saan siya natulog kagabi, paano kung hindi niya rin ako sagutin? Dagdag pagkailang kaya huwag na lang. Bumuntong hininga ako at tumango na lang.
"Akin 'to." Mariing sinabi ni Rara sabay agaw sa nag-iisang tela na kapwa namin gusto bilhin sa isang tindahan.
Narito kami sa tiangge ngayon. Namimili kami ng magandang tela na bibilhin ko para sa tatahiin mga damit. Ngunit nagkita kami ni Rara. Sa isang tindahan, magkasabay naming hinawakan ang tela na noo'y iisa na lang. Pareho pa naming gusto!
Hinila ko pabalik ang tela. Halos manlaki ang mata niya. "I saw this first, Rara. Kaya akin 'to."
Pansamantalang umalis si Geon upang bumili ng mga kulay ng sinulid na kulang sa akin. Malapit lang naman ang bilihan noon kaya nagpaiwan na lang ako rito.
I gasped when Rara pulled the fabric again. "Sinabi ng sa akin 'to, Solaire! Bitawan mo na!" she yelled.
Kita ko ang biglaang pagdagsa ng mamimili sa paligid. May nakita pa akong mangilan-ngilan na nananakbo habang may dalang plastic at supot ng pinamili patungo rito. Naramdaman ko ang hiya na gumagapang sa aking katawan. Kung bakit kasi ayaw ipalamang ni Rara ang tela, e, ako naman ang nakauna roon!
Hinila ko rin pabalik ang tela. Suminghap si Rara nang bahagya siyang madala. "This is mine. I'll pay for this. What's wrong with you?" iritado na ako.
Hinila na naman ni Rara ang tela. Masama ng tinging ipinukol niya sa akin. I mirrored the scene.
"Hoy! Huwag mo akong ma-ingles ingles, Solaire! Baka nakakalimutan mong nasa Pilipinas ka? Huwag mo akong i-what's wrong what's wrong with---pwe!" nagkunwari siyang dumura sa tabi.
"Woo! Ang sabihin mo, Rara, nasapawan ka lang ni Solaire!" Mula sa malayong dulo, sumigaw ang isang lalaki. Nakalagay pa ang kamay niya sa bibig na parang mikropono at ta tawa-tawa.
Umingay ang tiangge dahil sa sinigaw ng lalaki. Kinagat ko ang dulo ng aking dila upang hindi makapagsalita ni ang palihim na ngumiti.
Rara is known in the village because she is beautiful, has fair white skin, and sexy. The truth is, that what comes out of her mouth is a bit discarded. Reason why many men are interested in her. However, many women are also disgusted and afraid to face her. Rara is the kind of woman who is combative and has an attitude problem.
When Geon and I got there, our names started to make noise. Rara and I are often compared by men in the village. And Rara, on the other hand, almost exposes herself to Geon just to get his attention. That made our name in the village even more famous.
"Lintek!" pumalatak si Rara sabay ngisi sa akin. "Gusto niyo bang ilampaso ko sa sahig ang mestisang dayo na 'to rito, ha?" maangas niyang sinabi.
Kumalabog ang dibdib ko sa sinabi ni Rara. Naging malikot ang aking mga mata sa paligid, hinahanap si Geon. Sa dami ng atensyon nakuha namin ni Rara, hindi ko makita kung na saan si Geon. Ayaw kong mapaaway dito. This is so classless!
"Woo! Hindi na pinapatagal 'yan, Rara!" may sumigaw ulit na lalaki, tuwang-tuwa dahil nakaamoy ng away.
Sa paligid, nakarinig na ako ng mga nagpupustahan. Kung sa pula raw ba o sa puti. Nakaputi akong bestida. Samantala pula, hapit, at maikling bestida lang ang suot ni Rara. What the hell are they thinking?! Mukha ba kaming manok?!
"Pa'ano ba 'yan, Solaire?" Rara shrugged her shoulders then smirked perilously at me. "Kapag natalo mo ako, sa'yo ang tela na 'to. Pero--"
Binitawan ko ang isang dulo ng tela. Nasa kaniya na iyon ngayon. Kumunot ang noo niya. Kahit gustong-gusto ko ang tela na iyon, ipinaubaya ko na kay Rara.
"All yours...Just stop this classless fight." sabi ko sabay talikod sa kaniya. Ano bang pumasok sa kokote niya at naisip na makikipag buno ako sa kaniya? That is so trivial!
Dagli akong napabalik sa pwesto ko habang dumadaing nang hilahin ni Rara ang aking buhok! Umingay ang mga tao nang marahas kong bawiin ang sarili at humarap muli sa kaniya na may nagbabagang mata. Inayos ko ang nagulo kong buhok!
Nagulat ako nang bigla sumulpot si Geon sa tabi ko. At walang pagda dalawang-isip na tinulak si Rara. Sumalampak ito sa semento at may nanlalaking matang tumingin kay Geon.
Halos lindulin ang tiangge dahil sa pinaghalong tawanan at pambu bwisit ng mga taong nakakita sa nangyari.
"Do that again, I'll sue you." Uncomically, Geon warned Rara. Inagaw nito ang tela na pinag-agawan namin kanina. "She owned this."
"G-Geon..." anas ni Rara. Wala siya sarili kapag nakikita si Geon.
Hinarap ako ni Geon sa halip na pansinin si Rara. Nagkatinginan kami. Ibinigay niya sa akin ang tela. Inayos niya ang nakaharang na buhok sa pisngi ko bago ako hawakan sa palapulsuhan. Hinila niya na ako paalis sa lugar na iyon. Sumulyap pa ako kay Rara. Tinaasan ko siya ng kilay sa sama niya makatingin sa akin!
"Nasaktan ka ba?" tanong ni Geon pagkauwi namin sa bahay.
Nilapag niya sa ibabaw sa mesa ng sala ang plastic na naglalaman ng aming pinamili. Nilapitan niya ako at mariing tinitigan. Ang sakit sa balat ng paraan niya ng pagtitig. Hindi ko alam kung galit ba siya sa akin o ano.
Umiling ako at nag-iwas ng tingin.
Nagulat ako nang i-pat niya ang ulo ko sa marahang paraan. Dahilan upang tumalbog ang aking puso. Tumambay sa aking lalamunan...Tiningala ko si Geon.
"Huwag kang makikipag-away, Laire." aniya sa malamig at malalim na tono.
Hindi ko naman ginusto ang tagpo na iyon. Those kind of haggle is not my thing. Inuubos lang talaga ni Rara ang aking pasensya.
"I-I didn't..." I absently replied. "She started it. Gusto ko lang bilhin ang tela, Geon...But she grabbed it."
He nodded shallowly. "I believe you." He looked at the cloth in the plastic bag. "I watch you sew. Is that okay?"
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ma-imagine na kasama ko si Geon sa pagbebenta ng mga damit kapag natapos ko na tahiin.
"Mabagal ako magtahi...Baka maburyo ka." sabi ko, nag-aalangan pa.
"Hmm...I'm fine with that, Laire." sabay ngisi.
At higit pa roon...hindi ko kayang paniwalaan na isa lang siyang simpleng magsasaka sa nayon na ito. I feel like...he's more than this. He can do more.
Who are you really, Geon?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top