Prologue
That day, I knew he was the one the moment he reached his hand to help me. We were just five years old when we met and shook our dirty hands, smiling while playing under the sun.
Ang sarap lang balikan ng mga ala-alang iyon. It reminds me how wonderful it is to cherish our youth.
Beneath the warm embrace of the sun as we played tag. The laughs, secrets and cries we shared together-it was all a perfect moment of our youth to remember.
It was like a core memory that always stays in my mind whenever I see him. I always keep that memories so that every time I remember that day, it feels like I'm reliving my youth.
As I looked into his eyes that day, it gleamed like ripe cherries. Radiating a deep and inviting hue that mirrored the luscious of our summer daydream. Alam ko sa sarili ko na sa unang pagkikita pa lang namin ni Caleb no'ng mga bata pa kami ay siya na ang lalaking para sa akin.
As I stared at him, watching how his lips formed a smile. The fluttering sensation, akin to a delicate butterfly's wings, took residence in the pit of my stomach. Down to his chiseled jawline and roamed my gaze to his refined bridge nose, he was indeed a perfect masterpiece.
I notice his sparkling deep set hazel eyes, back to his kissable lips. Hindi nga ako nagkamali ng lalaking pipiliin ko sa araw-araw. I never regret knowing him for a long time.
The feelings when it was like yesterday, ang bilis ng panahon at hindi ko inaasahan na ganito siya ka gwapo sa paningin ko.
"Sa libro ang tingin, 'wag sa 'kin, Sol."
Hindi ko napansin na napatagal na pala ang pagtitig ko sa kanya. I blinked and furrowed when our eyes met. Masyado naman akong nagpapahalata at hindi na makapag-focus sa ginagawa ko.
I cleared my throat. "Hindi kaya, assuming ka!"
He let out a soft chuckle, and it felt like the butterfly gracefully twirled and soared in my stomach. Pati ba naman sa pagtawa niya cute pa rin.
Binaba niya ang hawak na libro. What is he reading again? I quickly glanced at the book he was reading earlier.
He was interested in engineering mathematics books.
Napakurap ako ng ilang beses dahil kada magtatama ang tingin namin sa isa't-isa ay kumakabog ng mabilis ang puso ko.
"So, why are you looking at me?" he asked.
I snorted. "Ay panis, english yarn?" pagbibiro ko. Kahit sandali ay nawala ang naglalarong daga sa puso ko.
Nailusot ko pa nga.
"Huwag mong ibahin ang usapan, Sol," mahinang sambit niya at umawang ang labi nito.
Inirapan ko siya sabay malakas na bumuntong-hininga. "Hindi nga kasi, 'wag kang assuming masyado, Leb," usal ko pa.
He scoffed. "I already told you don't call me Leb when we're inside the school. Hindi ako komportable."
"Ayan ka na naman sa pa english-
english mo eh, nasa pilipinas tayo kaya matuto kang mag-tagalog," paninita ko sa kanya.
"Opo, Ma'am Sol." May pang-aasar pa sa tono ng boses niya na sinabayan pa ng paghagikgik nito.
"Magbasa ka na nga lang, hindi tayo papasa niyan eh!" sermon ko pa.
Malapit na ang midterms namin at palagi akong naiinis sa ginagawa nila, dahil kung kailan bago mag-exam ay duon sila nagbibigay ng maraming gawain.
So, paano ako makakapag-review ng maayos nito?
"Hindi ka pa rin ba tapos mag-review? It's been two weeks since you've started it?" Caleb asked as he sipped his venti matcha latte.
Dumaan siya sa Starbucks kanina pero hindi man lang ako nito sinabay para bumili. Damot talaga!
"Hindi pa, nandiyan ka kasi sa harap ko kaya hindi ako makapag-focus!" I firmly said without glancing at him.
Tinatapos ko na ang sinusulat ko ngayon dahil mamaya na ang pasahan nito.
"May klase ka pa 'di ba? Pumasok ka na at baka mahuli ka pa." I immediately looked at the ceiling clock. It was already two o'clock in the afternoon.
I heaved a deep sigh. Ang bilis naman ng oras! Kanina ay alas-dose lang ng pumasok kami, ngayon alas-dos na agad?!
"Oo na, aalis na." Tumayo siya at nilagay sa kanang balikat ang kulay asul niyang hawk bag. "Take it, hindi ko na mauubos 'yan," aniya.
Napatingin ako sa inilapag niyang inumin sa lamesa. He doesn't know that I don't like Matcha flavor, pero dahil gusto niya ito at masarap naman, nakasanayan na naming bumili nito kapag dumadaan kami sa Starbucks.
Wala naman akong pambili kaya libre niya palagi ang drinks ko, bawal daw kasi tumanggi sa grasya kaya wala akong choice kung hindi kunin ang lagi niyang binibili para sa akin.
"See you later, Sol!" paalam niya.
Tumango naman ako sabay balik ng aking tuon sa sinusulat.
I'm currently taking a Bachelor of Science in Tourism Management at pangalawang taon ko na. Sa awa ng diyos, kahit paano ay nairaraos ko ang tuition fee ko sa tulong ng tita ko, at kapag hindi sapat ang ibinibigay niya ay nagtatrabaho naman ako sa isang fast food chain. Pandagdag rin 'yon lalo na sa mga miscellaneous fee ko.
Estudyante sa umaga, trabahante sa gabi. That's how my life works. Kapag hindi kumayod, wala kang maitutuka.
Sinubukan kong kumuha ng iba't-ibang scholarship para makabawas man lang sa mga gastusin ko, pero kahit isa ay hindi ako nakakuha at nakapasa.
Bakit ba ang damot ng mundo pagdating sa akin?
Parang ang laki ng naging kasalanan ko sa past life ko kaya ganito ang nararanasan ko.
Samantalang si Caleb naman ay third year college na sa kursong Bachelor of Science in Civil Engineering. Hindi niya na kailangan ng scholarship dahil mayaman naman sila. He's Dad, tito Ramon, is also a civil engineering. Gusto niyang sundan ni Caleb ang yapak niya bilang anak nito, at isa sa mga tagapagmana.
His grandfather is also a civil engineer, kaya hindi na nakakapagtaka. While tita Mira, is a lawyer. Kaya laging wala sa bahay nila at parating busy sa paghawak ng maraming kaso.
"Nawala nga ang asungot, pumalit ka naman," I murmured. Pinagpatuloy ko lang ang pagsusulat ko hanggang sa makaupo siya sa harap ko.
"Teka, ano 'yun? May sinasabi ka ba, Sol?" kunot-noong tanong ni August.
Just like Caleb, he was also part of my youth. Matagal na kaming magkaibigang tatlo since five years old pa lang ako. Sila lang kasi ang mga naging kalaro ko noon dahil bukod sa kapitbahay ko lang sila, magkakilala rin ang mga magulang naming tatlo.
Umiling ako. "Ah wala, sabi ko nagugutom na 'ko." Hindi ko siya tinapunan ng tingin dahil patapos na ako sa aking sinusulat.
Napakunot-noo ako at saglit na ibinaba ang hawak kong ballpen, saka iginawi ang tingin sa lalaki. Alas-dos pa lang ng hapon pero nandito na siya? Usually ay alas-tres pa ang labas nila. Itinigil ko na ang pagsusulat at tumingin sa kanya.
"Nga pala, bakit nandito ka? Don't tell me na tumakas ka na naman sa professor mo?" tanong ko.
Ginulo nito ang buhok ko at marahang tumawa. "Kakatapos lang nang klase namin, kahit I-check mo pa ang schedules ko this week," he said, confidently. "Buti na lang talaga ay dumaan ako sa Canteen, kaya binilhan kita ng paborito mong meryenda."
Na'ko! Humirit pa ang loko at iniba ang pinag-uusapan namin.
Iniabot niya sa akin ang dalawang supot ng spaghetti. 'Yun kasi ang lagi kong pinabibili sa kanya sa Canteen, bukod kasi sa mahal ang ibang pagkain dito ay 'yon lang talaga ang afford ko. Mayroon din namang ibang ulam pero dahil meryenda time na ay spaghetti na nakasupot talaga ang lagi kong kinakain.
My lips formed a smile. "Salamat sa biyaya."
Isinara ko na ang notebook ko dahil tapos na rin naman akong magsulat kaya may oras na akong kumain ngayon.
"Ba't mag-isa ka lang dito?" tanong ni August at gumawi pa ang tingin sa buong silid na parang may hinahanap siya.
Napaangat naman ako ng tingin sa kanya. "Ah, pumasok na si Caleb sa klase. Nag-iba na kasi ang schedule nila at mas maaga na sila kaysa sa akin," pahayag ko habang ngumunguya pa.
"Kanina ka pa rito sa study area?" muli niyang tanong.
Umiling lang ulit ako sa kanya. Ba't ba ang dami niyang tanong?
"Since nandito ka na rin naman, baka pwedeng-" Napatigil siya sa pagsasalita at tinapunan ko siya ng masamang tingin.
"Hindi," agad kong turan sa kanya. "Ikaw ang gumawa ng assignment mo." Akala niya yata ay madadaan niya ako sa pasuhol niyang pagkain.
He grunted. "Hindi ko matatapos 'to ng isang araw lang. Ang hirap-hirap kaya," reklamo niya na parang bata.
I rolled my eyes as I ate my spaghetti. Hindi pa nga ako tapos sa ibang schoolworks ko ay dadagdagan pa niya!
"Bakit kasi sa akin ka nagpapatulong? Tanga, tourism student ako hindi engineering!" paglilinaw ko.
Magaling naman ako sa math kaya walang problema sa akin na sagutan 'yong assignment niya, kaso nga lang masyado na siyang nag-e-enjoy na kahit malapit na ang midterms ay ako pa rin ang gagawa. Ang kapal 'di ba?
"Alam ko naman na kaya mo 'tong sagutan dahil magaling ka sa calculation," pagdadahilan niya pa.
I scoffed. "Kahit na. Ikaw pa rin dapat ang gumawa niyan."
He crossed his arms and pouted like a kid. 'Yung hitsura niya ngayon ay parang bata na nag-ta-tantrums kapag hindi nila makuha ang gusto nila.
Saglit pang umiwas nang tingin sa akin ang loko, pero agad din naman nitong ibinalik ang tuon at ngumiti ng nakaloloko.
"Masarap ba?" nakangising tanong niya. Hindi ko mawari ang kakaibang ngiti sa labi niya.
Tumango naman ako sa kanya at ngumiti. Paubos na ang kinakain ko, buti na lang ay binigay sa akin ni Lebleb ang inumin niya dahil tiyak akong mabubulunan ako sa sobrang bilis kong kumain.
"Si... Caleb?" diretsa niyang sabi.
Nanlaki ang mata ko sa gulat at halos mailabas ko ang kinakain ko.
Napatayo na lang ako at tiningnan siya nang masama dahil kumalat pa mismo sa notebook ko ang spaghetti.
"Gago ka talaga!" I cursed at him.
He burst out to laugh that he almost touched the floor. Sinipa ko ang kanyang tuhod dahil sa inis pero imbis na umiling sa sakit ay mas lalong lumakas ang kanyang tawa.
"Lakas talaga ng tama mo 'noh!" bulyaw ko pa.
Kumuha ako ng tissue sa bag at pinunasan ang nailuwa kong pagkain. Buti na lang talaga ay nakasara ang notebook ko kaya hindi nadumihan ang sinulat ko.
"Bakit kasi ayaw mo pang sabihin sa kanya? Eh obvious naman na patay na patay ka sa kanya simula elementary pa tayo," pang-aalaska niya.
I rolled my eyes again and glared at him. Natikhim siya nang magtama ang dalawang kilay ko sa inis.
August doesn't know that I tried many times to confess my feelings to him, pero iisang salita lang ang naririnig ko sa kanya.
"Hanggang kaibigan lang ang turing ko sa 'yo."
At that moment, my heart screams the loudest pain. Akala ko ay may pag-asa ako, I have high hopes that I'll be the one he would pick. I fake a smile at him like nothing happened that day.
Sumunod na araw ay parehas pa rin ang pagtrato niya sa akin. Hindi kami naging awkward sa isa't-isa, at sa lumipas na buwan ay mas lalong naging matibay ang samahan naming dalawa.
Yup, no romantic feeling or attachment.
I should know my boundaries as his friend, kaya ang naging solusyon niya ay hanapan ako ng magiging future boyfriend ko. Tumanggi ako, pero he just insisted to do it since ayaw niya ring nakikita akong malungkot at mag-isa.
But his mission failed, there is no single suitor or men who can live up to my standards like him.
Hinding-hindi nila mapapantayan kung anong kayang ibigay ni Lebleb. His standard is so high that every suitor he has can't even reach it-not even one of them.
Kahit gaano pa sila kaganda, katalino at kayaman, they can't reach the stars that I was able to reach once... pero masyado pa lang naging matalim ang makikinang na bituin at hindi ko namalayan na unti-unti na pala akong nasusugatan.
Mahigit kalahating oras na kaming nakaupo rito at nakapangalumbaba lang. Tumunog ang phone ko kaya agad ko itong binuksan at biglang nag-pop-up ang text message ni Caleb.
Napangiti naman ako ng hindi namamalayan nang mabasa ang text niya.
'Yan ang natanggap kong text sa kanya na may smiling emoji pa sa dulo nito. Hindi ko naman ito ma-re-reply-an dahil wala na akong load, wala na rin akong sobrang budget ngayon.
Mabilis kong niligpit ang gamit ko at sinuksok sa loob ang notebook, sabay sukbit sa aking balikat nang bag.
"Bahala ka riyan!" anas ko sa lalaki at kumaripas nang takbo palabas ng study room. Narinig ko pa siyang tinawag ang pangalan ko, pero pinagwalang-bahala ko lang ito.
Hanggang sa nakarating na ako sa Engineering Department. Umakyat ako sa ikatlong palapag ng building kung saan ang silid ni Caleb. Annex 301, 'yan ang room niya. Nang makita ko ito ay natanaw ko agad ang kanyang pigura dahil bahagya akong sumilip sa salamin ng kanilang silid.
Halatang hindi nakikinig ang loko sa Professor niyang nasa harapan dahil busy ito sa kanyang sinusulat. Sa dami ba naman na formula na kailangan nilang kabisaduhin at aralin ay nakakahilo talaga lahat; Isama mo pa ang mga nakasulat sa whiteboard nila.
Wala akong maintindihan kahit isa.
"Sabi ko hintayin mo 'ko, loko ka talaga!" hingal na saad ni August nang makaakyat ito.
"Sorry, hindi ko narinig." I made peace sign and fake a smile to him.
"Pinagtitinginan ka tuloy ng mga engineering students, bakit ba kasi umakyat ka pa sa building na 'to?" inis niyang sabi.
I scoffed. Kailan pa nagkaroon ng memo rito na bawal ang tourism student sa department nila?
"Hindi naman sila ang pinunta ko rito!" anas ko.
Nang igawi ko ang tingin sa paligid ay nagliligpit na sila ng kani-kanilang gamit. Mukhang tapos na ang klase ni Lebleb. Nauna pa nga na lumabas ang loko at inunahan pa ang kanyang mga ka-blockmate.
"Caleb!" pagtawag ni August sa unang lalaking lumabas ng silid. "Sabay na rin ako sa inyo pauwi." Napanguso naman ako. Malas naman. Akala ko kami lang dalawa ang maglalakad ngayon pauwi pero may isang ulupong pa pala na kasama.
Nang makita ako ni Lebleb ay agad din siyang lumapit sa akin.
He smiled. "Sol."
"Hmm?" sagot ko habang pababa kami at nag-angat nang tingin sa kanya.
"Akin na ang bag mo, ako na magdadala niyan," wika niya.
Napatingin pa sa amin si August na may pagkunot-noo. Nakagawian na niya kasing kunin ang bag ko at araw-araw niya itong bitbit sa harapan niya sa tuwing uuwi kami galing eskwela.
"Sama mo na 'yung sa 'kin, ang bigat din ng bag ko eh." Bahagyang ibibigay niya na pero tumanggi ang lalaki.
"Kaya mo na ‘yan!"
Napanguso naman si August at naunang maglakad sa aming dalawa. Alas-kuwatro y medya na pala ng hapon at hindi na gaano kataas ang sikat ng araw nang dumampi ito sa aking balat.
I enjoyed the luminous glow of sunbathed and its warmth as we walked. The clouds started to brushed with shades of yellow and orange.
Ang ganda lang pagmasdan ngayon ng araw habang unti-unti itong lumulubong. The scorching sunlight makes a shadow that stretches long and slender across our pathway, a dark silhouette of our body mirroring the shape as it casts.
Lumingon sa harapan ko si August habang naglalakad. "Hindi ba tayo lalabas after midterms? Nakakaurat na kasi sa loob ng bahay dahil ako na lang palagi ang mag-isang naiiwan."
Caleb nodded. "Pwede naman, but I don't think Sol can come since marami pa siyang gagawin after midterms, right?" Tumingin siya sa 'kin habang hinihintay ang tugon ko.
"Oo, tutulong pa kasi ako kay nanay na maglako ng bibingka," aniya ko.
"Sayang naman, Sol. Minsan lang naman tayo lumabas." Bahagyang may pagkadismaya sa tono ng boses ni August.
I fake a smile. "Kayo na lang muna, next time na lang."
Kahit na gustuhin ko man na sumama ay hindi pa rin ako makakapunta. May part time pa kasi ako at sayang naman kung hindi ako papasok. Malaking tulong din iyon sa akin lalo na sa tuition fee ko.
Dalawang taon na lang Soleil Amara. I took a deep breath. Dalawang taon na pagtitis na lang at makakatulong na ako kay inay. Mabibili ko na rin ang mga dating hinihiling niya sa akin kapag isa na akong flight attendant, at titigil na rin siya sa pagbebenta ng bibingka.
"Nandito na tayo, Sol."
Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng bahay ko at wala na ngayon sa harapan ko si August. Kinuha ko na sa kanya ang bag ko na bitbit niya.
"Salamat, Caleb," aniya ko.
"Walang anuman po, prinsesa," pambibiro niya, sabay yuko pa sa akin na parang isa siyang tunay na prinsipe.
Natawa naman ako sa kanya at bahagyang hinampas ang balikat niya.
"Sige na pumasok ka na sa inyo, baka hinahanap ka na ni tita," anas ko.
"Dapat mauna ka, mahal na prinsesa." Mas natawa pa ako sa naging tono ng boses niya dahil mas malalim pa ito sa balon.
Binuksan ko ang maliit na gate ng aming bahay at naglakad papalapit sa pintuan. Nang makalingon ako ay doon pa lang siya tuluyang kumaway at naglakad palayo.
Magkalapit lang naman ang bahay naming dalawa at ang pagkakaiba lang ay mas malaki ang sa kanila at maganda.
"Sol, nandiyan ka na pala!" Narinig ko ang malakas na boses ni nanay. Mula sa bintana ng bahay ay nakita kong sumilip si inay at pinagbuksan ako ng pinto.
"Kumain ka na ba?" tanong niya.
Mukhang sa tono ng kanyang boses ay alam ko na ang sagot. Wala kaming pagkain ngayon hapunan, sana lang ay biyayaan kami.
Abala siya sa pagbabalot nang bibingka at inilalagay niya na ito sa isang bao na may nakalapat na dahon ng saging.
"Opo, 'Nay. Buti na lang ay binilhan ako ni August ng spaghetti kanina at nagbigay rin ng inumin si Lebleb," sagot ko.
Kaninang umaga ay bago ako umalis 'yan na ang kanyang ginagawa, hapon na pero hindi pa rin siya tapos.
"Ako na po ang tatapos niyan, 'Nay." Umupo ako sa tabi niya at kinuha ang parisukat na dahon ng saging na kanyang inaayos.
Muli niyang kinuha sa akin ang hawak kong dahon ng saging. "Huwag na Sol, kaya ko na ito. Matatapos na rin naman ako sa ginagawa ko," mahinhin niyang sabi at ngumiti.
Ginawaran ko rin siya nang malaking ngiti. "Pagkatapos ko po magbihis ay pagtitimplahan na lang po kita ng paborito mong kape," aniya ko.
Nang matapos akong magbihis at makalabas ng kuwarto ay tapos na rin pala si inay sa ginagawa niya. Naupo ito sa paborito niyang kahoy na upuan sa labas ng bahay namin.
Ginawan ko na siya ng kape, pampatanggal gutom lang namin ngayong gabi. Nang maiabot ko ito sa kanya ay tumunog ang phone ko at mabilis na kinuha ito sa bulsa. Pagbukas ko pa lang ay bumungad agad ang isang text galing kay Caleb.
Nambola pa nga ang loko. Hindi ko naman siya masisisi kasi totoo naman.
My lips formed a smile. "Nay, may ulam na po tayo ngayong gabi. Pupunta po muna ako kina Lebleb dahil may handaan sa kanila," paalam ko. Ngumiti naman siya at tumango.
Hulog ka talaga ng langit, Caleb. Ang swerte ko talaga sa 'yo!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top