Chapter 9
"Balita ko may competition daw sa cookery club ah, sasali ka ba Sol?''
Napabaling ang tingin ko kay Sam. ''Hindi ko pa sigurado eh.''
Nakatanggap na ako ng paanyaya galing sa president ng cookery club kanina. Tinatanong ni Alvin kung sasali raw ba ako. Hindi ko muna siya sinagot dahil nagdadalawang-isip pa ako. Isa pa, wala rin kasi akong pambili ng mga ingredients na gagamitin sa lulutuin naming putahe at kung gagamitin ko 'yung sahod ko sa Vermont, baka wala ng matira para sa check-up at gamot ni nanay.
Napabuntong-hininga na lang ako habang nagsusulat. Ang daming bayarin.
''Sayang naman ang talent mo sa pagluluto, Sol. Magaling ka rin naman. Kaya nga sobrang nagustuhan namin ni Caleb 'yung gawa mong cookies eh,'' dagdag niya pa.
Her words somehow boost my confidence. Alam kong marami pa akong dapat I-improve sa pagluluto ko, pero dahil marami akong feedbacks na nakukuha, lalo na kay Heinz, parang gusto kong subukan na sumali.
''Pag-iisipan ko pa...'' My voice trailed off. Ilang minuto ang lumipas ay pumasok na sa silid ang professor namin. As usual, may surprise quiz na naman kami. Buti na lang talaga ay may naitabi akong notes na galing kay Sam at ang ilan sa mga nasulat niya ro'n ay lumabas sa quiz namin.
''Sayang, perfect na sana!'' may pagkadismayang sabi ni Sam.
I chuckled. ''Okay lang 'yan, Sam. Bawi ka na lang next time.''
I pat her back just to ease her disappointed. Hindi naman kasi mawawala iyon sa atin at okay lang na makaramdam tayo ng gano'n.
It's valid-and it will always be.
Ngumiti lang siya sa akin ng mapait bago siya tumayo at iniligpit ang gamit niya.
One point ahead lang naman ang lamang ko sa kanya at natuwa naman ako kasi mataas ang nakuha kong score. Madalas kasi ay laging itlog o hindi kaya parang pasang-awa ang mga score ko, pero dahil kay Sam ay malaki ang naging tulong niya; pati na ang mga notes niya.
''Tara na kumain na tayo, naghihintay na 'yung dalawa sa labas oh,'' pag-aya sa akin ni Sam.
Hindi pa man ako nakakatayo ay agad na hinatak ni Sam ang braso ko palabas ng silid. Wala na rin naman akong nagawa at sumama ng kumain sa kanila-dadaan pa naman sana ako ng library ngayon para manghiram ng libro, pero naudlot lang.
''Ako na bibili, kumuha na lang kayo ng pwesto niyo dahil baka maubusan pa tayo sa sobrang daming estudyante na gusto na ring makakain,'' saad ni Caleb.
''Master, 'wag mo kalimutan 'yung juice ah!'' sigaw pa ni August sa kanya at tumango lang ang huli bago kinausap ang tindera.
Nang makaupo kami ay tila kami lang yatang tatlo ang tahimik, habang rinding-rindi ako sa mga estudyanteng nasa paligid ko sa sobrang ingay. Para kaming nasa palengke.
''Ang tahimik n'yo naman. Parang naninibago tuloy ako,'' turan ni August na may pilyong pangngiti.
''Bumalik ka na sa bebe Maxine mo, baka hinahanap ka na niya. 'Di ba sabay kayong kakain ngayon?'' aniya ko. Agad kong iniba ang usapan dahil alam ko na ang nasa isip ng loko.
Mang-aalaska lang ito sa amin kaya binunot ko na ang huling baraha ko.
''Nasa library pa siya at mamaya pa 'yon lalabas.'' Nakahawak naman ito sa kanyang balikat na may pag-iling. ''Parang sasakit na naman yata ang braso ko sa dami ng librong pinapa-akyat niya.''
''Ang sabihin mo, mas malakas pa ang katawan ni Maxine kaysa sa 'yo. Ang konti nga lang ng pinapabuhat niyang libro,'' sambit ni Sam na abalang nakatingin sa salamin at nagre-retouch.
''Mukhang nahawa ka na rin yata kay Sol.'' Sabay baling niya ng tingin sa akin. ''Ano bang pinakain mo rito at ganyan na rin ang ugali niyan?''
I mentally rolled my eyes.
''Sa 'yo nagmana 'yan eh,'' bulyaw ko.
Ilang minuto lang ay dumating na rin si Caleb bitbit ang pagkain namin na nakalagay sa pulang tray.
''Bakit ang lungkot mo? May problema ba?'' tanong sa akin ni Caleb nang ilagay niya sa lamesa ang plato namin na may lamang kanin at ulam.
Napatingin naman agad ako sa kanya.
Kahit sa maliliit na kilos ko at pakikipag-usap sa kanila ay napansin pa rin niya ang bahid ng lungkot sa mga mata ko. Siya lang ang nakapinsin nito at mukhang kanina niya pa ito alam dahil panay ang sulyap niya sa akin habang bumibili.
''Ah wala, may naalala lang.''
Napayuko ako at napakagat sa ibabang labi ko.
Kakapalan ko na talaga ang mukha ko dahil gusto kong sumali sa cooking competition na gaganapin sa sabado.
Nabasa ko kasi sa nakadikit na flyers na malaki rin ang premyo na makukuha at siyempre malaking bagay ito para mabawasan ang gastusin ko, at hindi na mag-abala pa si inay na maglako ng bibingka sa katirikan ng araw.
''Sabi sa 'kin ni Andrew may gaganapin daw na competition sa cookery club. Hindi ka ba sasali, Sol?'' tanong ni August.
Great. What a right timing to tell, August. Lahat sila ay napabaling ang tingin sa akin na parang hinihintay ang tugon ko.
''Sasali na-'' naputol ang sasabihin ko ng pangunahan ako ni Caleb.
''Sumali ka na Sol at kami na ang bahalang gumastos sa mga kailangan mong ingredients,'' wika ni Caleb na ikinabigla ko naman. ''Sagot na rin ni pango 'yung ibang gastusin mo r'yan.''
Napahawak naman si Sam sa balikat ko habang nakangiti.
''Huwag ka na rin kabahan dahil manonood kaming tatlo para suportahan ka,'' dagdag pa ni Sam.
Ewan ko kung kakayanin ko bang magluto habang nanonood sila. Mas lalo tuloy akong kinabahan dahil sa mga bumabagabag sa akin ngayon.
Nasolusyunan ko nga ang gastusin pero hindi naman mawala ang kaba sa dibdib ko. Sana kayanin ko at susubukan kong manalo.
''Sige na sasali na 'ko,'' tugon kong nakangiti sa kanila.
❛━━━━━━•(🌸)•━━━━━━❜
NASA LIBRARY AKO NGAYON AT nauna nang umuwi ang tatlo sa akin. Habang hinahanap ko ang librong kailangan ko ay biglang kumunot ang noo ko ng makita ko si Maxine.
''Max,'' mahinang pagtawag ko. Sakto lang iyon para mapukaw ang atensyon niya.
She smiled at me. Lumapit ito dala-dala ang librong hawak niya.
''Akala ko kasabay mong umuwi si August? Bakit nandito ka pa rin?'' tanong ko.
Napansin ko kasing halos isang oras at kalahati na siya naririto simula ng banggitin ni August na abala siyang nasa library.
''May tinatapos pa kasi ako at naghahanap ako ng mga literatures na pwede kong pagkuhaan. Medyo limited kasi sa internet kaya dito ako naghahanap,'' pahayag niya.
Ah, kaya naman pala. Mukhang subsob talaga sa pag-aaral si Maxine, kitang-kita naman sa kanyang mga mata na halos ilang araw na siyang walang sapat na tulog.
''Sasali ka raw pala sa cooking competition?'' aniya na nagpapukaw ng aking atensyon. "Dumaan kasi si August kanina at
naikwento niya."
Ang bilis talaga lumipad ng balita, kanina ko lang sinabi ito pero nakarating na sa kanya. Hanep ka talagang ulupong ka! Dinaig mo pa marites.
''Oo, malaki rin kasi ang premyo at nagbabakasakali rin na manalo ako,'' sagot ko.
Alam ko namang kaya ko pero, hindi pa maiiwasan na pagdudahan ko ang kakayahan ko sa pagluluto.
''Gusto mo ba tulungan kitang maghanda sa mga posibleng lutuin mo?'' suhestiyon ni Maxine na ikinabigla ko ulit.
Is she offering me help? Sa pagkakaalam ko ay hindi kami gaanong close at nakakapag-usap dalawa, but knowing how kind she was to offered it, I still refused.
''Hindi na kailangan, Max. Kaya ko na 'to. May tiwala naman akong maipapanalo ko 'yung magagawa kong putahe,'' I replied.
Nagpalitan lang kami ng ngiti sa isa't-isa.
This small conversation with her has brought us even closer together. It's remarkable how sharing a few words can strengthen our bond and deepen our understanding of each other.
She's not just intelligent; she's also kind and compassionate, which sets her as a great example. Ang swerte naman ni August sa kanya.
''If you say so, goodluck na lang sa 'yo at alam ko namang maipanalo mo 'yan,'' mahinang sambit niya pa bago tuluyang lumabas ng library.
Nang makauwi ako ay agad akong nagtungo sa bakuran at nakita kong abala si inay sa kanyang paglalaba.
''Oh, Sol nandiyan ka na pala,'' aniya sabay pagpag nang bula sa kanyang kamay.
''Kumain ka na ba?''
''Opo, 'nay tapos na po. Pero hindi iyon ang mahalaga dahil may sasabihin po ako sa inyo,'' saad ko.
Bakas ang malawak na ngiti sa labi ko habang papalapit sa kanya na siya namang ikinakunot ng kanyang noo.
''Ano namang magandang balita ang dala mo at parang nanalo ka
yata sa lotto?'' kunot-noo niyang tanong.
Huminga muna ako ng malalim bago sabihin sa kanya ang gusto kong ibalita. Hinawakan ko pa ang kanyang braso bago kami pumasok sa loob ng bahay.
"Nay, sasali po ako sa cooking competition sabado. Nakita ko po kasi na medyo malaki ang premyo, malaking tulong na iyon sa gastusin natin dito, 'nay,'' kwento ko.
Tila ang kaninang masayang ngiti niya ay nabahiran ng pag-aalala. Napahinga na lang din si inay ng malapit at napapikit bago tuluyang nagtama ang mata namin.
''Sol, gawin mo lang kung ano ang makakapagpasaya sa 'yo, pero huwag mo sanang agawin ang responsibilidad ko bilang isang ina. Hindi mo kailangang mag-alala dahil kaya ko pa namang kumayod para sa ating dalawa.''
Ramdam ko ang mahinhin na paghaplos niya sa aking palad at ang pagdapo nito sa aking pisngi.
''Alam ko naman po 'yon 'nay, pero malaking tulong din ang makukuha kong premyo rito. Hindi niyo na po kailangan magtiis sa initan dahil sa paglalako niyo ng bibingka.'' May bahid ng lungkot sa tono ng boses ko.
Nang mag-angat ako ng tingin kay inay ay muling sumilay ang ngiti niya.
''Manalo man o matalo. May mauwi ka man o wala. Ang mahalaga ay ginawa mo ang lahat ng makakaya mo para manalo. Sapat na iyon sa akin, Sol,'' malumanay niyang sambit.
Parang hinehele nito ang mga tainga ko sa sobrang himbing. Niyakap niya ako habang hinahaplos ang buhok ko.
Sometimes the most basic things-which we take for granted-can bring us great joy. The sound of birds chirping outside our window, the warmth of the morning sun, or the aroma of freshly brewed coffee might all be it. But for her, it was me.
Sapat nang makita niya na masaya ako sa aking mga munting ginagawa para makatulong sa kanya.
These little moments serve as a reminder to live fully in every
moment-and even when the storm comes-those memories can still bring us a smile, that our youth can also be memorable.
Our greatest contentment often lies not in academic achievements or material possessions we have, but in the simple and fleeting moments that fill our hearts.
''May kumakatok sa pinto, pagbukasan mo nga muna iyon at baka may dalang grasya,'' utos ni inay.
Tumango naman ako nang makatayo ako.
Nagtungo naman si inay sa kusina para maghanda ng makakain ko at nang buksan ko ang pinto ay napasimangot lang ako sa dalawang ulupong na bumungad sa akin.
"Nay, disgrasya hindi grasya!'' sigaw ko.
''Ay, grabe siya oh! May dala na nga kaming pagkain eh, naalala ka kasi namin. Baka magtampo ka pa kapag naubusan ka ng lumpia, iyakin ka pa naman,'' pang-aalaska ni August.
I rolled my eyes to them. Nandito lang naman sila para bwisitin ang araw ko.
''Here, pinagbalutan ka na ni tita Roselle dahil alam niyang hindi ka makakapunta ngayon,'' saad ni Caleb at inilapag sa lamesa namin ang dala niyang mga pagkain.
Lahat ata ito ay nakabalot pa ng plastik at nakalagay sa tupperware, isinama pa nga ang dessert na nasa ilalim.
''Salamat kay tita,'' sagot ko.
''Pamangkin ka ba ni mommy?'' pilosopong sagot ni August.
Sinamaan ko naman siya ng tingin. ''Hindi, pero malapit na niya ako maging anak-anakan dahil mas paborito niya ako kaysa sa 'yo!'' usal ko.
Dinilaan ko lang siya na parang batang nag-aasar at hindi naman ito nagpatalo.Pinagsaluhan na naming apat ang mga pagkain na dala nila.
Akala ko naman kumain na sila, pero mas gutom pa pala ang mga loko kaysa sa 'kin.
Naubos pati ang pansit na ititira ko sana pang hapunan namin mamaya.
❛━━━━━━•(🌸)•━━━━━━❜
MABILIS NA LUMIPAS ANG ARAW AT SA BAWAT nagdaan ay mas lalong kumakabog ang dibdib ko. Hindi naman kasi ako sumasali sa mga ganitong kompetisyon, kaya hindi talaga maiiwasan na kabahan ako masyado.
Pandak:
Buksan mo 'yung pinto nandito na 'ko.
Kanina pa ako nandito pero hindi sumasagot ang loko sa akin. Nakita kong lumabas ang isa sa mga kasambahay nila kaya dali-dali na akong pumasok. Ang init pa naman sa labas ng gate nila tapos pinag-aantay niya pa ako.
''Oh, Sol napadalaw ka?'' gulat na sabi ni ate Sabel.
Matagal na siyang katulong ng pamilya ni August simula pa noong mga bata pa lang kaming tatlo. Parang nanay na rin kasi ang turing namin sa kanya.
''Si August po nandiyan po ba sa loob?'' tanong ko.
Tumango naman siya. ''Oo, Nasa taas hija. Akyatin mo na lang siya r'on at abala yata sa kuwarto niya,'' aniya.
Ngumiti naman ako at tumango rin.
Sa laki ng bahay nila ay kabisado ko na ang bawat sulok nito. Parati kasi akong pumupunta rito noong bata ako para makinood sa kanila. Wala naman kasi kaming pambili ng T.V, kaya sa kanila ako namamalagi tuwing tanghali at hapon. At buong araw naman kapag walang pasok.
Nang makaakyat ako sa kuwarto niya at binuksan ang pinto ay bumungad naman ang huli sa akin na nakasuot ng kulay asul na boxer at walang suot na pang-itaas.
Halos manlaki ang mata niya at agad na kinuha ang tuwalya para takpan ang mapusyaw niyang katawan. Mas makinis pa nga siya kaysa sa akin eh.
''Hintayin mo na nga lang ako sa baba, magbibihis lang ako,'' wika niya. ''bigla-bigla kang pumapasok, tsupe!''
Ang sungit talaga ng pangong 'toh!
Ngumisi ako habang hindi maipinta ang ekspresyon sa kanyang mukha. Gulat na gulat ito na animoy nakakita ng multo.
''Ang arte, tinatakpan mo pa eh nakita ko na rin naman lahat sa 'yo,'' pilyong sabi ko.
Halos mamula siya sa hiya at agad na sinarado ang pinto nang itulak niya ako palabas. Hindi pa rin nawawala ang ngisi ng makalabas ako at makababa.
Pagkatapos nitong magbihis ay agad na rin naman kaming pumunta sa pinakamalapit na Market sa amin.
Anak araw:
Bibili na kami ni pango ng mga sangkap na gagamitin. Tawag ka na lang kapag nakarating ka na.
Lebleb Bantot:
Sige. Papunta na rin ako, may inaasikaso lang. Ingat kayo!
''Tara na, ang init dito! Para na tayong ginigisang sibuyas,'' reklamo ni August.
Ibinulsa ko na ang phone ko at pumasok na kami ng Market para mamili ng mga kailangan naming sangkap. Oo, kami talaga ang gagastos at hindi nila ito provided, kaya nga malaki rin ang premyo nila dahil alam nilang pinaghirapan namin ito. Sana lang talaga ay masarapan sila sa lulutuin ko mamaya.
Pagkatapos naming mamiling dalawa ay muli akong nag-text kay Caleb. Mahigit isang oras na kasi pero wala pa siya rito.
Anak araw:
Lebleb saan ka na?
Text back ka kapag nasa loob ka na ng market.
Kanina pa ako naghihintay sa reply niya at halos hindi nito sinasagot ang tawag ko. May nangyari ba? Baka busy siguro sa inaasikaso niya ngayon, tawagan ko kaya?
Paubos na nga ang load pero wala pa rin ang nakukuhang sagot sa kanya. Bigla namang sumingit si August habang nakaupo ako.
''Oh, nag-reply na ba?'' tanong niya.
''Hindi pa nga eh,'' sagot ko. ''Subukan mo kayang tawagan, hindi sumasagot sa 'kin 'tong loko eh.''
Kinuha naman niya ang kanyang cellphone at tinawagan ang huli pero parehas kaming napabagsak ang balikat dahil hindi talaga ito sumasagot. Isang oras na lang ay magsisimula na ang kompetisyon, sana naman umabot siya.
Anak anaw:
Saan ka na? Nakabili na kami ng mga kailangan sa lulutuin, pero wala ka pa rin :-(
Ilang segundo lang ay nag-ring ang phone ko pero mas lalong nagsalubong ang kilay ko dahil sa reply niya.
Lebleb Bantot:
Otw na.
Palihim pang tumitingin sa phone ko ang loko at binabasa ang text ko kay Caleb. Agad ko naman iniwas ito sa kanya at sinamaan siya ng tingin.
''Na 'ko, traffic siguro. Hayaan mo na hintayin na lang natin siya sa room, baka mamaya niyan tayo pa ang hindi umabot,'' litanya ni August.
I heaved a sigh for the third time. Tama naman siya. Baka kapag naghintay pa kami ng matagal dito ay hindi namin mamalayang nagsisimula na pala ang kompetisyon.
Pagpasok namin sa silid ay nakaayos na ang mga gagamitin namin at inilagay na ni August sa lamesa ang mga sangkap na binili namin. Tumulong na rin si Sam sa pag-aayos na kadarating lang.
''May Saturday class tayo ngayon. Sinulat ko na 'yung mga tinuro ng mga professor natin para kokopyahin mo na lang,'' aniya ni Sam, habang hinihugasan ang gulay na hawak niya.
Ngumiti ako sa kanya habang nag-aayos. Ang bait niya talaga!
''Salamat, Sam.'' Akala ko ay simpleng kompetisyon lang ito pero iba pala ang aasahan ko dahil may mga professional chef na galing sa ibang bansa na dumalo ngayon para maging judge. May isa pang bakanteng upuan at hinihintay na lang namin ito bago magsimula.
''Right on time, Mr. Vermonte,'' sambit ni Mrs Geneva, ang isa sa mga chef na nag-aasikaso sa amin.
Mr. Vermonte?
Nang pumasok ang lalaki ay agad kong namukhaan ito dahil sa magulo niyang buhok na akala mo galing sa isang giyera.
''I was invited to be one of the judges here at tama nga ako na sasali ka rito. Good luck Ms. Flores,'' wika niya bago ito umupo.
Nandito lang yata siya para inisin ako. Sasakalin ko talaga siya kapag nilaro niya ang kompetisyon ngayon. Kainis! Sa lahat ba naman ng pwedeng maging judge bakit ang boss ko pa sa Vermont?
Huminga ako ng malalim at pinapakalma akg sarili upang hindi kabahan.
Ilang minuto ang lumipas, lahat ng mga kalahok ay naghanda na dahil magsisimula na ito. May binigay sa aming oras na kailangan naming sundin at kapag tumunog ito ay hudyat na para itigil na namin ang pagluluto.
May mga paalala rin na sinabi sa amin, pero dahil lutang ako ay hindi ko masyado naiintindihan ito.
''Goodluck, Sol!'' sabay-sabay na sabi ng tatlo na nanonood ngayon sa labas. Sina August, Sam at Maxine.
Binawian ko naman sila ng ngiti.
Mas kinakabahan ako dahil maraming estudyante ang nanonood ngayon pero naka-focus lang ang atensyon ko da sinasabi ng guro sa amin.
''You may start now!'' Chef Geneva said.
Ang unang putahe na kailangan naming lutuin ay menudo. Buti na lang talaga ay bihasa na ako sa pagluluto nito, kaya naging madali lang sa akin. Agad kong inihanda ang mga ingredients na kailangan ko at isa-isa na kaming kumilos para lutuin ang mga ito.
Napakagat ako ng labi habang kumikilos dahil kinulang ako sa tomato sauce.
''Shit, dapat pala malaki na ang binili ko,'' bulong ko sa sarili.
Kahit sakto lang ang luto ko ay nag-aalangan pa rin ako sa lasa nito. Nanonood pa rin ang tatlo at gaya ko ay napakunot-noo rin sila. Nakita ko pa nga na nagbubulungan ang tatlo nang patapos na ako sa plating ko.
Luminga ako at tiningnan ang orasan. May limang minuto pang natitira para sa plating namin, kaya naman dali-dali akong kumilos. Dahil kulang ako sa ibang sangkap tulad na lang ng sauce at carrots ay binigyan ko naman ito ng twist.
After I tasted it, I felt like I was on cloud nine. Sobrang linamnam nito at sakto lang talaga sa panlasa, lalo na kapag gutom ka na.
Tamang-tama lang din ang pagkaluto ko sa baboy ng tikman ko pa ang sobrang inilagay ko sa platito.
Limang kalahok lang ang kasali ngayon, tatlong babae at dalawang lalaki. Actually, pagdating sa plating ay mas maayos pa ang sa kanila dahil mabilis lang silang natapos kumpara sa akin na medyo gahol na sa plating. The two girls were from hospitality management habang architecture naman ang dalawang lalaki-mga kaklase rin ni Caleb.
Isa-isa nang tinikman ng mga judges ang mga luto namin, after that we proceed immediately on our next dish which is curry. Alam kong hindi magiging madali sa 'kin ito dahil hindi ko pa talaga nasusubukan na lutuin ito.
Mayroon kaming fifty minutes para lutuin ito at ten minutes naman para sa plating namin. After Mrs..Geneva signaled us to start cooking, we immediately proceed to cook.
First, I start by sautéing the spices, onions, and garlic. Then later I add the chicken and cook until it's browned. Muntik pa akong magkamali sa pagluto pero hindi ko naman iyong pinahalata dahil lahat kami ay may kanya-kanyang gawain.
Minutes later, I added liquids such as broth, water, or coconut milk, and let it simmer until the chicken is fully cooked and tender. Hindi pa ito luto pero amoy na amoy ko na ang aroma nito na bumabalot sa buong silid ngayon.
Natatakam ako.
Hindi matawaran ang naglalarong saya sa aking katawan ng matikman ko ito. It was the most delicious dish I've ever cooked. Sakto at mas nanunuot ang lasa niya, kumpara sa mga natikman ko na. Hindi man ako professional chef, masasabi kong kakaiba ang lasa nito kumpara sa mga nakahain ngayon sa mga judges.
Nang tikman ito ni Heinz ay hindi matawaran ang ngiti sa labi niya. Tiningnan lamang ako nito bago muling tumikim ng curry.
After the deliberation ay isa-isa nilang isinulat kung kaninong luto ang kanilang nagustuhan. Napansin ko pa na halos naubos ang niluto kong curry at menudo.
Tiyak akong nagustuhan nga nila ito.
Pagtapos ay nagbigay na sila ng kanilangmga komento sa mga niluto namin. Both have positive and negative feedbacks from the judges at may ilan namang nadismaya sa komento.
''This curry was exceptional, kakaiba ang lasa niya sa ibang mga natikman ko. I like it? I love it, Soleil.''
Sumunod na nagkomento si Heinz.
''It was indeed delicious, Sol. Mas nagustuhan ko ang menudo na gawa mo dahil sa kakaibang lasang binigay nito sa mga natikaman ko na. You're cooking skill is one of a kind, I like both dishes.''
''I must say that you cook perfectly na parang isang propesyonal na Chef. Actually, I also like both dishes, but nakulangan lang ako sa menudo. Still, I love it.''
''Thank you po.'' Yan na lang ang tanging nasabi ko habang pinipigilan ang saya na bumabalot sa akin ngayon.
Patapos na ang kompetisyon pero kahit anino niya ay hindi ko nakita. Akala ko pa naman ay manonood siya, pero may importante
yata siyang lakad ngayon. I shouldn't bother him.
''Looking for someone?'' Heinz asked.
Napansin niya ang paglinga-linga ko kanina pa.
''No. Hindi mo sinabi na isa ka pala sa magiging judge ngayon, I was surprised,'' I muttered.
He chuckled softly.
Inayos nito ang kanina niya pang magulong buhok. ''I called you, pero hindi mo naman sinasagot ang tawag ko. I was about to tell you that I will be one of the judges.'' May bahid ng lungkot sa tono ng kanyang boses.
Hindi nagtagal ay inanunsyo na ang nanalo at halos manlaki ang mata ko ng tawagin ni Mrs. Geneva ang pangalan ko. Napatakip na lang ako ng bibig dahil hindi ko inaasahan ang pagkapanalo ko. Even if there's a lot of shortcomings, I still did my best to aim the winning spot-and I succeed.
''Congrats, Soleil. I know that you'll be the winner. Sobrang nagustuhan kasi nila ang luto mo,'' aniya ni Heinz.
Kinamayan ko naman sila bilang pasasalamat. Nakipagkamay na rin ako sa mga sumali. Pagkatapos naming mag-usap ay nagtungo ako kina August at Maxine. Habang si Sam ay pumunta sa silid namin para kuhain ang gamit ko
Nang ngumuso si August ay napakunot-noo ako at napatingi sa kanyang dinuduro. Hindi ko inaasahan ang isang pigura ng lalaki na natanaw kong papalapit sa amin ngayon.
''Nakaabot ba ako? Sinong nanalo?'' tanong ni Caleb.
Pawis na pawis at mukhang malayo ang pa ang kanyang tinakbo patungo rito sa cookery club. Napahalukipkip na lang ako at iniwasan siya ng tingin.
I bit my lower lip while suppressing my anger. Sana hindi na lang siya pumunta.
''Si Sol ang nanalo,'' rinig kong sambit ni August.
''Dumating ka pa?'' galit na sabi ko. Hindi man halata sa tono ng boses ko, pero alam niya kung paano ako magalit.
In one glimpse, he already knows it because of how I express myself in simple non-verbal cues that I always did.
''S-sorry...Sol.'' Hinawakan niya ang kamay ko pero agad ko itong iniwas.
Tinanggal ko ang suot kong apron at nagppaalam na kay Heinz. Walang salita na lumabas sa bibig ko hanggang sa makarating ako sa ako sa silid namin.
''Congrats, Sol! Sabi ko na eh, ikaw ang mananalo,'' masayang bati ni Sam. ''Lahat yata ng judges nagustuhan ang luto mong menudo at curry kaya ubos pati mga plato nila.''
I smiiled bitterly. ''S-salamat.''
Hanggang sa makalabas kami ng silid ay hindi ko pinansin ang lalaki. Nauna na akong maglakad pero ramdam ko pa rin ang kanyang presensya sa likod ko. Nakikita ko rin kasi ang kanyang anino dahil sa sinag ng araw na tumatapat ngayon habang naglalakad ako.
''Uuwi na 'ko,'' paalam ko.
''Sabay na tayo, Sol!'' pahabol ni Caleb.
Binilisan ko lang ang paglalakad ko pero dahil malaki humakbang ang loko ay naabutan niya pa rin ako.
''Umuwi ka mag-isa,'' pabulong kong sabi sa sarili.
Tatakbo na sana ako pero agad naman niyang hinarangan ang dinadaanan ko. He was pouting at me like a puppy that spilled his food on the floor. Alam na alam talaga niya kung paano kuhain ang loob ko.
Sa isang ngiti at salita niya lang ay muli na namang nahuhulog ang puso ko, lalo na sa kung paano niya pa ito sabihin habang humihingi ng tawad sa akin.
''May urgent meeting kasi na nangyari. We just talked about the project that we'll be doing for our defense, medyo napahaba ang explanation ng leader namin kaya natagalan ako. Plus, traffic pa no'ng papunta na ako rito,'' paliwanag niya.
I heaved a sigh. Even though I didn't say anything, I knew that he would still explain, and I still chose to listen to him.
''I'm sorry, I missed something special to you. Hindi ako umabot para
panoorin kang magluto. Babawi na lang ako, Sol,'' mahinhin niyang sambit. ''I will cook everything you want, kahit mamahaling steak pa 'yan o international food that you wanted me to cook. A peace offering, I guess?''
I chuckled. ''Peace offering ka riyan! Hindi ka man lang nag-text.
I was worried, akala ko kung ano nang nangyari sa 'yo,'' I stated.
''I thought you were focus on the competition, pero ikaw pa itong nag-aalala sa 'kin,'' he replied.
I still don't get why it's easy for me to forgive him, but not to those who cause the pain in my life. Masyado na akong nahuhulo sa kanya sa puntong balewala na lang sa akin kung masaktan niya man ang damdamin ko o hindi.
Am I being too dependent on him?
Mawala lang siya saglit ay hindi na ako mapakali. Na parang kapag hindi ko nasilayan ang kanyang mukha ng isang araw ay mawawala na ako sa katinuan.
He knows me-every part of me. Alam niyang gusto ko siya sa simula pa lang, but giving me the hopes and signs that he also loves me, makes my heart ache for hoping that it's no longer friendship.
Natatakot ako na baka isang araw ay hindi ko na maramdaman na minahal ko pala ang isang tulad niya at ito ang maging hudyat ng pagkakalayo namin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top