Chapter 8

Linggo ngayon at siyempre araw ng pahinga ko. Bukas pa ang balik ko sa Vermont at 4 P.M pa naman ang simula ng shift ko. Sakto rin na umaga lang ang klase namin kaya hindi ako magkakaroon ng conflict sa schedule ko. Nasa sala ako at kakapasok ko lang ng kuwarto. Nakita ko si inay na abalang nagliligpit ng mga damit at ibang pang gamit namin.

"Nay, magpahinga na po muna kayo.'' Hinagod ko ang kanyang likod nang makita ko ang kanyang pag-iling sa sakit. ''Masyado pa pong marami ang tutupiin n'yong damit, ako na po ang bahala riyan.''

''S-salamat, Sol. Pasensya na at medyo sumasama yata ang likuran ko ngayon. Alam mo naman ang inay, tumatanda na kaya nakakaramdam na ako ng rayuma.''

Mukhang kailangan na naming magpa-check-up sa susunod na linggo, kapag nakuha ko na ang sahod ko sa Vermont. Inaasahan ko na rin na napapagastos kami sa kanyang gamot, pero gagawa naman ako ng paraan kung sakaling kulangin ang pambili ko.

"Nay, huwag na rin po muna kayong maglako bukas at magpahinga na muna kayo,'' habilin ko.

''Ayos lang ako, Sol. Huwag mo ako masyadong alalahanin. Kaya ko pa naman. Konting hilot lang nito ay mawawala na rin ito.''

Napabuntong-hininga na lang ako. Kailan ba makininig sa akin si inay? Ako na lang ang lagi niyang inaalala, samantalang siya ito sumasama ang pakiramdam dahil sa likod niya.

''Maghahain na 'ko ng tanghalian natin. Pagkatapos mo riyan ay lumabas ka na at kumain ah,'' aniya ni inay at tumango naman ako nang may pangngiti.

Habang abala akong nag-aayos ng gamit ay bigla na lang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa lamesa at nang buksan ko ay rumehistro ang pangalan ni August.

Mukhang mambubwisit na naman 'tong lokong 'toh. Ano na naman kaya ang kailangan niya?

Pango:
Ano ginawa n'yo kahapon?

Aba! Kailan ka pa naging chismoso ang ulupong na 'toh?

Agad naman akong nagtipa para reply-an siya.

Pandak:
Ba't mo naman tinatanong, aber?

Pango:
Hindi ba pwedeng curious lang kami ni Sam. So ano nga ang tsismis? Nag-kiss ba kayo kayong dalawa?

Pandak:
Tangina mo talaga, Augustus! Kumain lang naman kami sa labas. 'Yun lang.

Diniinan ko pa talaga ang pagpindot ng send button dahil sa inis. Ilang segundo lang ang lumipas ay mag-reply na siya.

Pango:
Ay shala may pa-family dinner sila. Part of the family ka na rin ba?

Hindi pa ngayon. I smirk before my fingertips glide over the phone screen to type. Mukhang sa akin pa nga mapupunta ang huling

halakhak. Let me turn the table at siya naman ang inisin ko.

Pandak:
Kamusta na pala kayo ni Maxine? Balita ko ayaw sa iyo ng Dad niya. Sinuntok ka pa nga eh, masakit ba?


Kapag mahal mo talaga ipaglalaban mo hanggang kamatayan.

Pango:
Ang daya mo! Huwag mong ibahin ang usapan natin. 'Di porket botong-boto sa 'yo sina Tito Ramon at Tita Mira nangbibira ka na ah.

Napahalakhak na lang ako ng matanggap ko ang text mula sa kanya. Sigurado akong nakabusangot na 'yun at umiiyak na.

Pandak:
Botong-boto nga sila. Hindi ko lang sigurado kung maipapanalo ko ba ang puso niya.

Napag-usapan kasi namin nila tita Mira, at nanay ang tungkol sa future naming dalawa ni Caleb. They want us to be together kapag nakatapos na kami ng pag-aaral.

But that was not at the top of our mind. Klinaro ni Caleb na magkaibigan lang kami ay wala siyang binanggit na may nagugustuhan siyang ibang babae.

He was more focus on his academic at iyon ang mahalaga sa kanya, besides isang taon na lang naman ang gugugulin niya at graduating na siya.

Mayamaya ay muli akong nakatanggap ng text sa ulupong. Abala

ako rito tapos panay ang gulo ng lokong ito. Hindi ko na tuloy matapos-tapos 'yung ginagawa ko.

Pango:
'Edi iyak Hahaha kung hindi ko makukuha si Maxine, hindi mo rin makukuha ang bebe Caleb mo :⁠-⁠P

Sa dulo ng kanyang text ay nag-iwan pa talaga ang loko ng emoji na nakadila at tila inaasar pa ako lalo. Ilang saglit pa ay muli akong nakatanggap ng text sa kanya.

Pango:
Sabay-sabay tayong mag-break down.

Pandak:
Magbreak down ka mag-isa!

Napasimangot tuloy ako. Imbis na pag-aksayahan ko siya ng oras ay bumalik na ako sa aking ginagawa. Pagkatapos kong magligpit ay lumabas na ako ng kuwarto dahil kanina pa ako gutom. Sa dami ng gagawin, nakalimutan ko na rin na mag-almusal.

''Sol, may kumakatok yata riyan, pakibuksan mo nga ang pinto,'' sigaw na inay na nasa bakod namin ngayon at nagsasampay.

Narinig ko nga na may kumakatok kaya naman nagmadali akong buksan ang pinto at iniluwal naman nito ang isang matangkad na lalaki na nakangiti habang may hawak na tatlong tupperware.

''Food delivery po,'' aniya habang nakangiti. ''Ako ang nagluto—''

I teasingly cutted him off.

''Sorry wrong address po yata kayo,'' sagot ko at sinusubukan na huwag tumawa.

Nang isasarado ko na ang pinto namin ay iniharang niya ang kanyang paa. Wala naman akong nagawa kung hindi ang buksan ko ito ulit, and for the second time he pouted at me like a cute puppy. His hair was messy, and beads of sweat began to form on his forehead. Natatamaan pa ng sinag ng araw ang kanyang guwapo at mapusyaw na mukha.

''Tumatanggi ka na ba ngayon sa grasya, Sol?'' he asked, while still pouting at me. ''Sayang naman at niluto ko pa ito para sa 'yo. Ikaw lang naman kasi ang mahilig sa tocino at curry.''

''Akin na nga! Ang arte mo, hindi ka naman cute,'' asik ko.

Ikaw kasi ang pinaka-cute para sa 'kin.

Hindi ko mawari kung bakit mo binabaliw ang puso ko sa tuwing magkaharap tayong dalawa. Kinagat ko ang ibabang labi ko nang tumalikod ako sa kanya at inilapag sa lamesa ang dala niyang pagkain.

Pinapasok ko na rin siya at pinaupo.

''Bakit ka naman nandito, aber?'' nakapamewang kong tanong.

''Masakit pa rin ba ang mga paa mo?'' His voice was soft and gentle. Halatang concerned sa akin.

''O-okay na,'' nauutal kong sagot. ''Mabilis lang naman maghilom ang sugat ko kaya nawala agad.''

''Don't forget to wear the pair of shoes that I bought, at least I will be reassured that you're wearing it comfortable,'' bilin niya sa akin na bakas pa rin ang pag-aalala sa kanyang boses.

Why does he have to do all these things for me? Wala naman sigurong meaning iyon 'di ba? Hindi niya naman siguro ako gusto at kaibigan pa rin ang tingin niya sa akin?''

Behind those acts and words of affirmation, I can't say that it's still a friendship. It is more than that, at walang kasiguraduhan kung hanggang kailan ito magtatagal—kung hanggang kailan ako aasa na magugustuhan niya rin ako.

Magsasalita na sana ako ng biglang sumingit si inay.

''Caleb, ikaw pala 'yan. Bakit ka naparito, hijo?'' tanong ni inay.

''Nagdala lang po ako ng pagkain tita,'' sagot naman niya matapos magmano sa aking inay.

''Ano ka ba, 'Nay Imel na lang ang itawag mo sa 'kin at huwag ng tita.''

''Okay po, 'nay,'' sabi niya na may pangngiti pa. Halata namang nakuha niya na ang loob ni inay. Sino ba naman kasi ang hindi mahuhulog sa kanya?

He's handsome, caring, smart, rich, and talented. Nasa kanya na nga ang lahat eh, 'yung magmamahal na lang talaga ang kulang pero hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ito nahahanap.

Magiging single na yata habambuhay ang lalaking 'toh. Hindi muna siya pinauwi ni inay dahil gusto nitong sabay kami na kumain ng tanghalian. Hindi naman nakatanggi ang loko at ang mas malala pa ay nagtawag pa siya ng isang ulupong.

''Salamat po sa pagkain tita Imel,'' nakangiting sambit ni August.

I smirked. ''Ang takaw mo nga eh, inubusan mo pa ako ng ulam!''

''Ano ka ba, Sol,'' saway sa akin ni inay. ''Sige na mga hijo alam kong marami pa kayong gagawin. Isama n'yo na rin si Sol sa kung saan man kayo pupunta.''

Napatingin ako muli kay nanay.

''Pinamimigay niyo na po ba ako, 'Nay?'' I pouted at her with a downward smile.

Bago pa man makasagot si inay ay sumabat naman ang lokong katabi ko.

''Tara na!''

Hinila na lang ni August ang damit ko at hindi ko alam kung saan nila ako dadalhin. Basts na lang akong sumama sa kanila at sumakay sa tricycle.

I heaved a sigh.

Mga loko-loko talaga.

❛━━━━━━•(🌸)•━━━━━━❜

''BAGONG ARAW, BAGONG LABAN,'' bulong ko sa sarili.

Lumabas na ako ng kuwarto pagkatapos ko magbihis. Hndi na rin ako nag-almusal dahil may dala namang pagkain si Caleb. Sa school na lang ako kakain para kasabay ko siya ulit.

Nagsuot na rin ako ng sapatos na bagong bili sa akin ni Caleb. Panay pa ang kulit niya sa 'kin nitong mga nakaraang linggo dahil gusto niya akong bilhan ng bagong sapatos pero tumatanggi ako sa tuwing binabanggit niya ito sa 'kin.

Wala na rin naman akong magagawa dahil nabili na niya.

"Nay, alis na po ako,'' paalam ko. Hindi maalis ang tingin ko sa bago at makintab kong sapatos at sigurado akong mamahalin ito.

Sisiguraduhin kong hindi ito madudumihan o kaya masisira.

''You're smiling,'' bungad sa akin ni Caleb.

''Wala.'' Muling naging seryoso ang hitsura ko nang lumapit siya sa akin.

Nagtataka nga ako samantalang noong bata pa kami ay mas matangkad ako sa kanya, pero noong tumuntong na kami ng highschool ay siya na itong tumangkad.

Habang ako? Hindi na tumaas pa ang height ko hanggang sa nag-collage na kami.

''You look happy that I gave you a pair of shoes,'' ani Caleb. Napatingin pa ito sa sapatos ko bago ibinalik ang tingin sa akin.

''Ingatan mo 'yan ah, katumbas na 'yan nang allowance ko ng isang buwan.''

I glanced at him and smiled. ''Opo, master.''

Tinawanan lang din ako ng huli at ginulo pa ang buhok ko. I handed him my bag dahil gusto niyang siya ang magdala nito kahut mabigat.

'Edi sa kanya na—angkinin na niya pati ang puso ko. I pursed my lips at pinipigalan ang sarili dahil sa naglalarong paro-paro sa aking tiyan.

Nang makapasok kami sa campus ay tuluyan ng naghiwalay ang landas naming dalawa. Umakyat na ako papunta sa designated room namin ngayon araw.

''Kainis, bakit ba kasi laging may pa-surpise quiz si Professor Nico, minsan na nga lang siya magturo eh,'' reklamo ni Sam habang nagsusulat.

She's busy taking notes for our next subject. Malapit na rin ang midterms namin kaya kailangan naming pagbutihin dahil sigurado akong sa tres ang bagsak ko kapag mababa na naman ang makuha kong score.

''Tulungan mo akong mag-review para sa midterms natin ah,'' pakiusap ko kay Sam.

''Kaso may problema...'' her voice trailed off. ''Hindi kasi pumapayag si Dad na may bisita ako, kahit pa babae,'' saad niya.

Pati babae? Gano'n ba talaga ka-strict ang Dad niya?

Napangalumbaba ako at tumingin sa itaas habang nag-iisip. ''Eh kung sa bahay na lang kaya ni Caleb? Tutal lagi namang wala sina tito at tita ro'n,'' suhestiyon ko.

Ilang segundo ay binalingan akong tingin ni Sam.

''Sigurado ka? Okay lang din ba kay Tita Mira?'' he asked. ''Mas maigi yata kung magpaalam na rin tayo sa kanila.''

I was surprised and couldn't utter for a second. Tila napako ng ilang segundo ang mga tingin ko sa kanya.

My forehead creased. ''K-kilala mo si Tita Mira?'' hindi ko makapaniwalang sabi.

''Yes, hindi ba sa 'yo nasabi ni Caleb?''

''No,'' I directly answered.

Inayos niya ang kanyang pag-upo. ''Ganito kasi 'yan, Caleb and I are foster siblings. Both of our parents know each other, at ninong ko naman ang Dad niya,'' she explained.

Hindi nasabi sa akin ni Caleb na foster siblings pala silang dalawa. Hanggang sa matapos ang klase namin ay iyon ang tumatak sa isip ko. Nagligpit na kami ng gamit namin pagkatapos ng mahabang lecture ng professor namin.

Nauna na itong lumabas at nagpaalam n rin kaming lahat sa kanya.

''Nandiyan na 'yung kapre oh,'' bulong sa akin ni Sam, sabay nguso sa pintuan at nakita namin ang pigura ng lalaki na nag-aantay sa labas.

Dali-dali naman kaming lumabas.

''Ginagawa mo r'yan?'' tanong ko kay Caleb.

''Waiting for you. Ang tagal ng klse n'yo eh, ang haba ng lecture n'yo,'' aniya.

''Kanina ka pa ba naghihintay sa amin?'' tanong ni Sam.

''Oo, maaga kasi natapos ang klase namin since may project na iniwan para magawa na rin namin agad,'' paliwanag niya.

Pagkatapos naming mag-usap ay nauna na si Sam dahil nandiyan na ang kanyang sundo—her Dad. Ako naman ay hinatid ni Caleb sa Vermonte Café dahil may pasok pa ako sa trabaho.

''Namamayat na 'ko,'' reklamo ko sa sarili.

''You should eat first. Sakto may binili akong cheesecake at yakult,'' sabi niya at kinuha sa back-seat ang isang supot na may lamang pagkain.

''Sayang naman kung tatanggi pa ako 'di ba? Kanina pa ako gutom eh,'' wika ko.

I heard his soft chuckle while his eyes were fixated on the road. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at kinain na ang binigay niya.

Nang makarating kami sa Vermont ay nagpaalam na siya sa akin dahil dadaanan niya pa si August. Bibili kasi sila ng mga kailangan nilang art materials para sa plates nila, lalo na ang T-Square, nasira na kasi 'yung dati niyang ginagamit noong first year pa siya.

''On-time na, may tagahatid pa. Sanaol na lang talaga sa 'yo Sol, ikaw na talaga ang pinagpala sa babaeng lahat!'' she said and I laughed at her remarks.

Medyo may pagka-oa rin si Lexie pero seryoso at mature na tayo iyan, kaya nagtataka ako kung bakit hanggang ngayon wala pa siyang boyfriend eh.

Tumunog ang phone ko habang naglilinis ako ng coffee brewer. Saglit akong huminto at kinuha ito sa bulsa, nang tingnan ko ito ay rumehistro ang pangalan ni Caleb.

Lebleb Bantot:
Huwag mong kalilimutan tumawag bago ka umuwi ah. Mahirap na at marami pa namang loko-loko sa daan.

''Papasok na si Sir Heinz,'' bulong sa akin ni Lexie.

Nagmamadali itong bumalik sa counter para kunin ang order ng customer. Mabilis kong ibinulsa ang cellphone ko sa apron na suot nang dumating ang anak ng may-ari ng Vermonte Café.

Nandito na naman siya. Hindi para mag-inspect, kung hindi mambubwisit sa araw ko. Himala nga dahil ngayon ko lang siya ulit

nakita, mukhang abala rin yata siya sa kanyang buhay.

''H-hello, sir Heinz,'' pagbati ko.

Nagtama agad ang tingin namin at ginawaran ako nito ng ngiting nakatunaw.

Ang katabi ko naman ay parang gusto ng mahimatay dahil nakita na naman niya ang lalaking kinababaliwan niya. I mean he's handsome and smart, pero sa kahit anong anggulo pa tingnan ay hindi siya papasa sa akin. Caleb is enough.

Lumapit ito sa counter kung nasaan ako ngayon. ''I told you not to be formal, Sol. Hindi rin naman ako ang may-ari nito. Si Dad ang namamahala ng lahat ng shop niya,'' paliwanag niya.

''Ay, sorry pala sir—'' Napapikit ako dahil sa sariling pagkakamali. ''Este Heinz pala. Napadalaw ka rito, do you want some coffee or tea?''

Ewan ko kung anong sumapi sa akin, wala namang tea sa menu pero sinabi ko pa rin.

''No, thank you,'' he answered and smiled at me. ''I'm here because of you. Gusto pa sana kitang makausap. I rarely see you at the campus after what happened that day.''

''Oo nga. At mukha namang nagustuhan mo 'yung ginawa kong cookies,'' I said.

''Sol, pakikuha naman sa staff room 'yung mga bago nating materials,'' utos ni Lexie. Abala ito sa pagbibigay ng order sa isang customer. ''Sorry sir Heinz, trabaho po muna bago landi.''

Bumuntong-hininga ako. It was awkward of course, kaya nginitian ko lang siya at sinunod agad ang sinabi ni Lexie.

Pumunta ako sa staff room at hinanap ang box na naglalaman ng bagong equipments. Medyo maliit lang ang espasyo kaya agad ko itong nakita, pero nasa tuktok pa ito.

Huminga ako ng malalim dahil alam kong mahihirapan akong kunin ito. Hindi naman ako katangkaran tulad ni Caleb, August o ni Heinz. Isa pa, hindi ko rin maipapasok ang upuan sa loob dahil masyadong maliit ang espasyo sa loob. Dalawang tao lang yata ang magkakasya rito. Kainis, pahirap naman!

''Kailangan mo ba ng tulong?''

Napaigtad ako nang bumungad sa harapan ko ang isang lalaki at namukhaan ko naman siya ng mag-angat ako nang tingin sa kanya.

''H-hindi na, kaya ko naman po ito buhatin,'' I affirmed. ''Atsaka isang box lang naman ang kukuhain ko.''

Sinubukan kong kuhain ang malaking box at pilit itong hinihila para maabot ko gamit ang dalawang kamay. Maliit lang naman ang staff room at puro equipments lang ang nakalagay sa mga box.

While I was reaching for the box, the guy behind me suddenly stretched up to grab the box on the top shelf. He could easily reach it, but since I was also on my toes, the large box almost fell on me. Buti na lang, he quickly caught it, saving me from what could have been a disaster.

I almost flinched dahil akala ko ay tatama ito sa ulo ko.

He chuckled. ''It's okay, I already got the box. Your safe, Sol—'

Nang maidilat ko ang mga mata ko ay do'n ko lang napagtanto na masyadong kaming malapit sa isa't-isa. Ramdam ko ang bawat bigat sa kanyang paghinga habang nakatitig sa mga mata niya.

Halos hindi maalis ang tingin ko sa mapungay niyang mga mata. His deep-set hazel eyes caught my attention, kaya hindi ko namalayan na napatitig na pala ako ng matagal.

He cleared his throat. ''O-okay na, Sol. A-ako na ang maglalabas nito,'' he said and leave me hanging inside the staff room.

It was totally awkward. Ano bang pumasok sa isip mo Sol at gano'n na lang ang naging tingin mo sa kanya kanina?

No. I can't fall for someone like him. Iisa lang ang laman ng puso ko at hindi na iyon magbabago. Nang makalabas siya ay halos maipunas ko ang aking palad sa mukha dahil sa kaba at hiya.

Sana hindi na lang ako pumasok ngayon dahil parang gusto kong magpalamon sa lupa sa nangyari.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top