Chapter 7
Everyday I constantly remind myself that flowers only bloom in different seasons—just like love. You won't easily find someone who genuinely loves and cares for you. And even if you push him away, he will always find a way to make you feel their presence and that he'll always be by your side.
That he can always be available no matter how busy he is. A man who is one call away. Throughout the years spending my life holding the label of 'friends' I realized that he's more than a friend to me. Oo at alam kong hulog na hulog ako sa kanya simula pa lang ng maging magkaibigan kaming dalawa.
Boyfriend Material—that's how I would describe him. His standard was so high to find a perfect woman who can capture his attention. Alam kong hindi siya madaling mahalin, bukod kasi sa medyo immature siya paminsan-minsan ay matampuhin din ito. Kaya kahit na maraming babae ang nagkakagusto sa kanya ay hindi niya pa rin mahanap ang babaeng para sa kanya.
''You don't have to, Sol. You don't need to shoulder their burden—risking losing yourself in the process. I don't want to witness you in tears again due to the weight you constantly bear. You need me, Sol. And I need you to always be here.''
Muling sumagi sa isip ko ang sinabi niya sa akin. Mahigit dalawang linggo na rin pala ang lumipas pero hanggang ngayon ay pabalik-balik sa isipan ko ang sinabi niya sa akin no'ng gabing iyon.
''I will always be by your side when you need my help. Please...Sol, don't drown yourself and ask for help when you need it. Alam ko ang kalagayan n'yo ni tita ngayon lalo pa't nababaon na rin kayo sa utang. I already told to my mom about it at handa rin siyang tumulong, pati na sa pag-aaral mo.''
He was always concerned about me. And always asking if I'm okay or do I need his help in our project or homework. Parati siyang nandiyan kapag kailangan ko siya.
But who will be there for him when I'm not around?
I'm just his friend...hanggang doon lang 'yon. I wouldn't cross or break the boundaries I have built for many years dahil pagkakaibigan namin ang nakasalalay rito at ayokong masira lamang ito ng dahil sa nararamdaman ko sa kanya.
After that conversation, I can't utter a single word. Napasandal na lang ako sa kanyang dibdib dahil sa pagod ko no'ng araw na iyon and I can't remember anything after that. Nakita ko na lang ang sarili ko na nakahiga nang imulat ko ang mga mata ko, at napagtanto ko na nawalan ako ng malay dahil sa pagod no'ng gabing iyon.
Sabado ngayon at wala akong ginagawa kaya naman pumunta ako sa Vermont, bukas ito ngayon pero hindi sila tumatanggap ng customer dahil may inspection na magaganap bukas. Buti na lang ay nasa shop ngayon si Lexie at abala sa inventory, siya kasi ang nakatoka rito at napansin kong marami itong ginagawa ngayon kaya naman tumulong na ako sa kanya.
''Kaya naman pala panay ang hatid-sundo rito sa 'yo ni Caleb dahil ayaw niyang umuuwi ka mag-isa ng walang kasama,'' panimula ni Lexie nang ilapag niya sa mesa ang basong may lamang kape habang hinahalo pa ito.
''Oo, halos dalawang linggo na rin. Gusto ko na nga siyang patigilin dahil kaya ko naman na, pero masyado pa rin siyang mapilit,'' wika ko.
Ewan ko ba sa lalaking 'yun kung anong sumaping mabuting espirito sa kanya at ginagawa niya ito sa akin. At sa tuwing ihahatid niya ako at magpapaalam na para umalis ay hindi ko maiwasan ang pagbilis ng tibok ng puso ko.
It was like I wanted him to stay longer. To stay for a while. Parang may nakabarang tinik sa lalamunan ko at hindi ko magawang makapagsalita. I just smiled and wave back to him, saka pumasok sa shop.
''Ibig-sabihin ba nun may namamagitan sa inyong dalawa?'' pilyong tanong niya. Inilagay pa nito sa gilid ang mga kape namin pati na ang croissant na palibre niya sa 'kin.
Interesado kasi siyang malaman ang status naming dalawa, kahit nga ang ibang staff ay nagugulat na lang dahil pabalik-balik siya rito. Akala yata nila ay boyfriend ko siya.
''Wala 'noh!'' pagtatanggi ko. ''Isa pa, alam ko namang wala akong chance sa kanya. He knows that I like him at mataas ang standard niya sa babae. Kung exam lang ang pagmamahal sa kanya, tiyak akong bagsak na ako sa simula pa lang.''
''Okay... but it's not to late to take the risk. Baka naman kasi may chance pa,'' paninigurado niya.
I shook my head. ''Wala na.''
She then smirked at me like I'm lying in front of her. Mukhang bakas ito sa mukha ko dahil hindi siya naniniwala sa akin.
''Anong nginingiti-ngiti mo?'' kunot-noong tanong ko.
''Masama na bang ngumiti ngayon, Sol?''
Isang mahinhin na baritong boses ang aking narinig at tiyak akong pamilyar sa akin kung kaninong boses iyon. Nang marahan akong lumingon ay nakita kong nakangiti siya sa harapan ko. His soft cute dimples that were like a small crater on his face suddenly appeared.
Natulala ako ng ilang segundo at naramdaman ko ang malakas na pagdagundong ng puso ko nang lumapit pa siya sa akin.
His eyes were dazzling at parang nang-aakit ito. Bakit ba kasi hulog na hulog ako sa 'yo? What was so special about you, Caleb para parati mong padagundoongin ang puso ko ng ganito?
''A-anong ginagawa mo rito?'' nauutal kong tanong. Halos mapatayo ako sa aking kinauupuan. Muntik ko pa nga siyang masanggi dahil sa katangahan ko.
''Bawal na ba ako pumunta rito, Sol? Pinagbabawalan mo na ba ako?'' He then pouted at me like a child.
Napatawa tuloy ako ng wala sa oras, pero agad din iyong naglaho.
''Hindi ka cute,'' asik ko. ''Bakit ka nga pumunta rito? Hindi ba't may group project kayo ngayon?'' muli kong tanong sa kanya.
Ngayon ay seryoso siyang nakatingin sa akin.
''Hindi na tuloy ngayon dahil may emergency, that's why i'm here to pick you up. May pupuntahan din tayo ngayon,'' he replied.
''Teka, saan ba—'' Bigla na lang hinila na ni Caleb ang braso ko palabas ng shop at narinig ko pa ang boses ng babae nang tapunan ko ito ng tingin.
''Ingat, Sol!'' paalam sa akin ni Lexie.
Hindi tuloy ako nakapagpaalam ng maayos sa kanya dahil sa ginawa ng lokong paghila sa akin palabas. Siguro ay alam na rin niya na pupunta ngayon si Caleb sa shop. Nakasakay na kami ngayon sa bagong kotse ni Caleb. Actually, sa Dad niya talaga ito at iniregalo na sa kanya dahil alam ni tito na gustong-gusto niya itong kotse. Siya pa nga mismo ang nag-aalaga nito, kaya mukhang bago ito at walang gasgas.
''Paano mo naman nalaman na nasa Vermont ako ngayon?'' tanong ko.
Wala naman akong pinagsabihan bukod kay inay at Lexie na pupunta ako ngayon doon. Hindi ko rin naman kto sinabi kay August o kay Sam dahil pareho silang busy sa mga project nila ngayon.
He looked at me with a boyish smile.
''Secret, no clue,'' pang-aalaska niya.
Napasimangot na lang ako sa tinuran niya at nakahalukipkip.
Halos tahimik lang kami buong biyahe at hindi ko rin naman alam kung saan kami pupunta.
Alam kong lagpas na ito sa bayan namin at malayo ito sa alam kong lugar ngayon, bukod kasi sa mga naglalakahang puno na natatanaw ko ay hindi ko na alam pa ang ilang mga malalaking kabahayan na nalalagpasan namin.
''Nandito na tayo,'' aniya.
I was about to take off my seatbelt nang bigla niya akong pigilan kaya napatingin ako sa kanya.
Halos magkalapit ang aming mga mukha hanggang sa ginawi ko ang aking tingin sa kanyang labi.
He didn't use his lip balm again. It was chapped and dry, pero binawian niya naman ito ng pagbasa sa kanyang ibabang labi.
''Ako na,'' he insisted. His soft voice always calms me everytime I hear it. I was like a heavy wave that he can tame just by talking to me. Mas lalo tuloy naglaro ang mga paro-paro sa aking tiyan at hindi ko mapigilan ito.
He looked at me again and smiled, pero mas malawak pa ang ngiti ko sa kanya ng masilayan ko ang magandang tanawin na natatanaw namin ngayon.
The glowing rays of sun immediately touched my warmth porcelain skin as it gradually warmed it with a soothing heat. Mas lalong namutawi ang kulay ng balat ko, gano'n din kay Caleb.
Nauna na akong maglakad sa kanya papunta sa malakas na tampisaw ng alon. My younger self would be overjoyed to see how I loved the calming breeze of the sea under the hues of sun.
Noong bata kasi ako halos araw-araw kong pinagdadasal sa langit na makapunta ako sa ganitong lugar. Magtampisaw, maglaro at makihalubilo sa mga batang aking nakakasama—but it was all just a dream.
''Sol...'' mahinang pagtawag niya. Naririnig ko siya pero hindi ko maiwasang magningning ang mga mata ko sa aking nasisilayan.
It feels like I've finally completed my youth.
''Ang ganda pa rin pala rito. Halos walang pinagbago ang lugar at naalagaan nila ito,'' wika ko habang nakaupo at winawasiwas nang marahan ang kamay sa kulay asul na karagatan.
''I know you always wanted to visit here, kaya no'ng magkaroon ako ng oras ay naisip kong dalhin kita rito I'm glad that I see your genuine smile again, 'yung ngiti ni Sol na parang walang dinadala na problema at masaya lang palagi,'' mahabang sambit nito.
I chuckled. ''Dinala mo ba ako rito para lang ligawan ako?'' pang-aasar ko.
Bigla niya namang pinitik ang noo ko kaya napakamot ako at nagsalubong ang kilay.
''Loko ka talaga!'' he gleeful chuckle at ginulo pa ang buhok ko. ''Hindi, napansin ko rin kasi nitong mga nakaraang araw na parang balisa at malungkot ka. At mukhang kailangan mo ng magpapasaya sa 'yo.''
Alam ko namang siya lang ang taong makapagpapasaya sa akin. He's enough for me to feel happy and content.
''Ikaw lang sapat na,'' bulong ko sa sarili ko.
''Huh? Ano 'yon, Sol?"
I shook my head. ''Wala, sabi ko kung gusto mo ba ng dirty ice cream, ayun oh! Naglalako si kuya ro'n,'' pagdadahilan ko, sabay kagat sa ibabang labi habang nakaturo sa mamang sorbetero.
He smiled. ''Huwag ka ng gumastos, Sol. Ako na ang bahalang magbayad."
''Kaya ko naman—'' he immediately cutted me off at tinakpan ang bibig ko.
''Keribels ko na toh, gora na!'' he muttered using a gay language.
Napatawa naman ako ng malakas sa tinuran niya nang hilahin niya ako papunta sa manong na naglalako ng dirty ice cream. Madalas talaga ay nagugulat na lang ako sa mga lumalabas sa bibig nito.
I can't always predict his actions or what he wants to say. Hindi ko malaman kung loko-loko siya o may sumasapi ng mga elemento sa kanya, but... he consistently tries to ensure that I'm happy whenever he's around.
Every girl's dream is to find someone who selflessly gives everything to their loved ones without seeking anything in return. It's the love, assurance and worth that they are willing to give. And they are ready to show this to their beloved in any way possible.
Nasa harap na kami ng ice cream vendor at natatakam ako sa ibat-ibang flavors na mayroon, pero mas natakam ako sa keso na lagi kong
binibili noong bata pa ako.
''Mauna ka ng pumili,'' aniya niya.
''Keso sa 'kin, sa 'yo ano bang gusto mo?'' tanong ko.
''Ikaw...'' he muttered.
I was caught off guard. Napakurap ako ng ilang beses at pati ang lalaking nasa harapan namin ay nagulat. Naramdaman ko ang pag-init ng magkabilang pisngi ko dahil sa sinabi niya ng magtama ang tingin namin.
''Ikaw na lang ang pumili para sa 'kin,'' pagtuloy niya sa kanyang sinabi sabay kamot sa kanyang batok.
Marahan naman akong tumango. Ghad! halos tumalon na 'yung puso ko sa kaba dahil sa sinabi niya.
''D-dalawang keso po, kuya,'' ani ko sa mamang sorbetero. Iniabot ko naman sa kanya ang bayad at kinuha ang ice cream namin.
Saglit kaming nagpahinga sa isang saradong tindahan at saktong may masisilungan kami. We're just enjoying eating together and laughing with each other's corny jokes. Minsan nga ay gusto ko na lang magpakain sa lupa dahil sa mga binibitawan kong jokes at tumatawa pa rin siya kahit madalas ay wala itong saysay.
I somehow felt that a piece of me had healed. The scars that can't be faded were plastered with blissful moments, and I want the time to slow down.
Sana ganito na lang palagi. I find my own solace and happiness in his presence; whenever I'm near him, a sense of safety envelops me.
His unwavering assurance consistently reaffirms my comfort in every possible manner, making me feel at ease and cared for in his presence.
Nang makauwi na kami ay sinalubong agad ako ni inay at bakas ang pagaalala sa kanyang mukha. She was always worried about me, even though she knows that I can protect myself from harm. At alam niya rin naman na mapapanatag lang ang loob niya basta si Caleb ang kasama ko
''Sol, saan naman kayo nanggaling dalawa? Tumawag sa akin si Lexie kanina at sinabing umalis daw kayo,'' nag-aalalang sambit ni nanay.
''Namasyal lang po kami sa kabilang bayan, 'nay. Heto nga po at binilhan kita ng paborito mong sorbetes,'' paliwanag ko at iniabot ko naman sa kanya ang supot na may lamang ice cream—ang paborito niyang chocolate.
''Saktong-sakto at tag-init ngayon, pampawi rin ito ng init sa katawan natin,'' wika pa ni inay.
''Tita, napag-usapan din po pala namin ni Sol na kung pwedeng imbitahin ka po namin para sa isang family dinner po mamaya. Iniimbitahan po kasi kayo ni Mommy,'' singit naman ni Caleb. ''Huwag po kayong mag-alala dahil wala naman po kayong gagastusin ni Sol.''
Ako nga dapat ang magsasabi inunahan pa niya ako! Binalewala ko na lang ito at malalim na huminga.
Habang na sa kotse kami kanina ay panay ang kulit sa akin ni Caleb dahil alam niyang hindi ako tatanggi sa alok niya, lalo pa't si tita mismo ang nag-imbita sa amin para kumain sa isang restaurant.
Syempre hindi ako tatanggi!
''Nakakahiya kung tatangi ako, anak.'' Humawak pa ito sa kamay ng huli at marahang hinaplos. ''Pakisabi na lang kina Ramon at Mira ay pupunta kami mamaya ni Sol. Dadaan na lang kami sa inyo.''
Napaismid ako. "Nay, ako po ang anak n'yo, hindi si Lebleb,'' I sarcastically said.
''Boto rin naman ako sa kanya, Sol. Kaya huwag ka ng maghanap ng iba r'yan dahil suwak na suwak kayong dalawa,'' pang-aasar pa ni inay. ''Kaya anak na ang tawag ko sa kanya dahil para ko na rin siyang anak.''
Matiwasay namang ngumiti si Caleb sa kanya. Parang maamong anghel na animo'y bumaba sa lupa.
''Narinig mo 'yon? Suwak daw tayo,'' gatong pa niya habang nakangisi at taas-baba ang mga kilay. Nang-alaska pa talaga ang loko!
Siniko ko na lang siya para matahimik, pero hindi naman ito nagpatinag. Hindi ko tuloy maiwasang mailang habang sinasabi niya ito at ang loko naman ay natawa lang. Halos mangamatis na nga ang
mukha ko dahil sa hiya eh.
''Tara na nga, 'nay! Pumasok na po tayo at masyado ng tirik ang araw.'' Hinawakan ko ng marahan ang kamay ni inay bago ito hinila papasok ng gate namin.
''Baka masunog pa tayo sa kagwapuhan ni Caleb,'' rebat ko.
❛━━━━━━•(🌸)•━━━━━━❜
MALAPIT NG MAG-ALAS-SAIS ng gabi at hinihintay na lang namin dumating ngayon sina Tita Mira at Tito Ramon, nasa loob pa kasi sila at nag-aayos pa. Since, malapit lang naman ang bahay nila ay nanatili na muna ako sa gate namin habang hinihintay rin ang paglabas ni inay.
Nakasuot lang ako ng pulang bistida na binili ko pa noon sa ukay-ukay. Maganda naman ito at mukhang sosyal tingnan lalo na kapag sinamahan ko ito ng maliit na clutch bag na binili ko lang sa palengke. Plus, isang sunflower clip at inilagay ko ito malapit sa aking tainga.
Sayang din naman kung hindi ko bibilhin at singkwenta pesos lang lahat ng nagastos ko, pero pang sosyalan na ang datingan nito.
I also have a pair of black stilettos, pero sira na ito at baka matapilok pa ako kapag sinuot ko ito. And because I don't have a choice, gumawa na lang ako ng paraan para maayos ito. I use some glue at ilang mga pandikit na mayroon kami at mukhang dumikit naman ang nasirang parte nito.
''Bagay ba sa 'kin, Sol?'' tanong ng aking ina.
''Opo, 'nay. Bagay na bagay sa inyo, bumata nga po kayo eh,'' pambobola ko.
''Sus, nambola ka pa talaga. Manang-mana ka nga talaga sa 'kin,'' saad ni inay sabay tawa nang marahan.
I chuckled. ''Mukha na po tayong mga tao tingnan, 'nay,'' pagbibiro ko pa.
Puting bestida naman ang kanyang suot na regalo pa sa kanya ni Tita Mira noong kaarawan niya. Nakaraang taon pa ito ibinigay sa kanya pero alagang-alaga niya pa rin ito.
Walang dumi o kahit kusot man lang.
Ayaw niya kasi itong gamitin dahil mahal daw at baka masayang lang.
Mas masasayang naman ito kung panandalian lang niyang susuotin. Baka mas mapakinabangan pa ng mga anay at ibang insekto ang damit na suot niya ngayon.
She looks beautiful on her white dress, at ngayon ko lang siya nakitang may maayos na suot. Madalas kasi ay butas-butas na damit ang suot niya at parang wala siyang pakialam kung malaki o maliit man ito.
Hangga't kayang suotin ay susuotin niya.
''Ikaw talaga.'' kinurot pa ako nito sa tagiliran. ''Na 'ko, Soleil umayos ka mamaya ah at huwag mong ipahiya ang inay sa harap ng magiging biyenan mo,'' turan niya sa akin.
I heaved a sigh. Hindi ko namsn siya masisisi kung pinagdidiinan niya ako kay Caleb, hindi rin naman ako tatanggi.
''Malayo pa po iyong mangyari, 'Nay. Huwag n'yo po muna kaming madaliin,'' aniya ko.
''Sa kasalan din ang hantungan niyan, anak. Kaya kay Lebleb lang ako boto, dahil kapag siya alam kong maganda ang magiging kinabukasan mo, Sol. At alam kong hinding-hindi ka niya paiiyakin,'' turan niya pa.
''Sana nga hindi niya ako paiyakin,'' bulong ko sa aking sarili. Napahawak naman si inay sa aking braso.
''Tara na at baka mahuli pa tayo niyan. Nakakahiya kina Ramon at Mira,'' turan pa niya.
Tumango naman ako at ngumiti. Sabay naman kaming pumunta sa bahay ni Caleb at naabutan nga namin silang papalabas pa lang ng bahay.
''Sol!'' pagtawag sa akin ni Tita Mira.
Her dress was so elegant, leaving a dazzling gaze to our eyes. Napukaw nito ang atensyon namin ni inay dahil sa asul niyang bestida at nagniningning pa ang mga ito.
Caleb's families on both sides were rich, so it's not surprising to us, especially when Tita Mira goes out wearing various pieces of her jewelry. Ang swerte talaga ng lalaking mapapangasawa ko, bukod sa mabait na ang pamilya nila ay matulungin pa sa ibang tao.
Marahang tinapik ni Tita Mira si nanay habang nakangiti.
''Napakaganda talaga ng anak mo Imelda, hindi talaga nagkakalayo ang hitsura n'yong dalawa ni Sol,'' sabi niya habang may pagtaas-baba sa tono ng kanyang boses.
''Manang-mana talaga sa 'kin 'yang si Sol, kaya nga nung bata ire alaga-alaga ko pa. Ayaw kong pinapalabas ito at pinaglalaro, kaya maganda ang kutis nito ngayon,'' pagyayabang naman ni inay.
The conversation between them ended quickly, kaya naman nakarating kami agad sa pupuntahan namin. After thirthy minutes, we arrived at La Victoria Restaurant.
As usual, may reservation ito kaya bilang lang ang taong makakasama. Tita Mira already included us in the list at nauna nang pumasok. Napansin ko nga na kaunti lang din ang mga taong naririto ngayon, it was a popular restaurant at mahirap talaga makakuha ng reservations. Tanging mga mayayaman at may impluwensiyang tao lang ang nakakapunta rito.
I like the ambience here, it was not gloomy or too bright. Ang aesthetic tingnan ng paligid dahil puro vintage ang mga kagamitan kahit na na ang mga paintings na nakasabit sa dingding.
Mas napukaw ang atensyon namin ni inay sa malaking chandelier na nasa taas ng table namin at tamang-tama lang ang liwanag nito sa buong paligid. Isama mo pa ang mga pula at bilugang mga lamesa na para kang isang prinsesa na pinagsisilbihan dahil sa mala-medieval period. It was indeed vintage of how it looks inside and out.
Marahan akong hinila ni inay at bumulong sa akin. ''Ang gara naman pala rito, Sol. Sana kapag mayaman ka na madala mo rin ako sa ganitong klaseng kainan.''
Sana nga. Gusto kong matupad ang pangarap ko kasabay ng pag-abot ng pangarap ni inay na magkaroon ng isang coffee shop.
Kaya rin naman ako namasukan sa Vermont dahil gusto kong matuto sa mga proseso kung paano nga ba ito ginagawa, and I am knowledgeable enough since mag-iisang taon na rin akong working students.
Alam din ng mga professor ko ang kalagayan ng estado ng buhay ko kaya malaking tulong ang mga adjustment nila sa deadlines and submission, pero natatawa na lang ako dahil hindi talaga maiiwasan ang pagbibigay sa amin ng surprise quiz.
''Opo naman, 'Nay. Kahit saang bansa pa ang gusto n'yo, kahit sa Greece, South Korea, Japan or London pa 'yan. Kakain tayong magkasama, nay!''
Bigla na lang napahalakhak ang aking ina, hindi ito gaano kalakas kaya hindi nakakaistorbo sa ibang bisita.
''Tama nga ang pagpapalaki mo sa 'yo, Sol. Tama lang na hindi nita hinayaan na mapunta sa ama mo,'' bulong niya muli. ''Hindi ko kakayanin kung pati ikaw ay mawawala pa sa 'kin at gagawin ko naman ang lahat para makatapos ka.'
Bigla akong napakurap ng ilang beses dahil nararamdaman ko na ang pamumuo ng luha sa mga mata ko. Bad timing naman at wala pa akong dalang pamunas ngayon.
Napapaypay tuloy ako ng wala sa oras. Buti na lang ay abala sina tita na kausap ang ibang staff ng restaurant para sa ihahandang pagkain at si Caleb naman ay may kausap sa kanyang telepono.
Sino naman kaya ang kausap ng lokong 'yon?
Ilang saglit pa ay ngumiti sa amin si Tita Mira at lumapit na rin kalaunan. Sumabay na rin sa pag-upo si Caleb at naupo sa tabi ko.
''We just settled everything para sa dinner night natin,'' Mrs. Montréal started after she took a seat. ''Buti na lang Sol ay napapayag mo ang nanay mo na sumama sa atin ngayon.''
''Napapayag ko naman po agad. Alam ko namang hindi tatanggi si inay basta kasama po ako,'' sagot ko.
I just smiled to them at mukhang presentable naman ang ayos ko ngayon. Hindi rin ako masyado nag-makeup, halos lightweight lang ang ginamit ko at isang lipstick. Okay na yan, maganda na rin naman ako tingnan
Lumipas ang limang minuto ay isa-isa ng nagdatingan ang mga in-order nilang pagkain para sa amin. Puro mga filipino dishes din ito, lalo na sa main dish.
Nagsalo-salo na kami at syempre nagdasal muna kami bago kumain. We just enjoy the night together laughing and sharing our thoughts. May mga ilang tanong pa nga si Tita Mira sa akin at si Caleb na mismo ang sumalo nito.
''Happy birthday, Mom,'' pagbati ni Caleb.
Iniabot niya ang hawak niyang kulay dilaw na paper bag. Nang masilayan niya ang laman nito ay malaking ngiti ang iginawad niya sa kanyang anak. Binigay na rin ni Tito Ramon ang kanyang regalo sa kanyang asawa.
She doesn't mind if we don't have a gift for her at masaya na siya na kasama niya kami ngayon gabi. She was grateful to have us—and so do we, dahil malaki ang naging tulong ng pamilya ni Caleb sa amin simula pa no'ng bata ako.
After we finish our dessert ay kanya-kanya naman silang alisan para pumunta sa palikuran. Naiwan naman kami ni Caleb sa table habang inililigpit na ng service crew ang pinagkainan namin.
''Kaya ba hindi ka namin nakakasabay umuwi dahil sa regalo mo kay tita Mira?'' pabulong kong tanong kay Caleb.
Humarap siya sa akin at tiningnan ako sa mga mata. ''Yes, that's why I'm busy lately. At parating hindi nakakasama sa inyo umuwi o gumala. I want to surprise her because it's her birthday today,'' mahinhin niyang sabi.
''Actually, hindi niya alam na ako at si Dad ang nag-set-up ng dinner date na ito. I invited both of you ni tita dahil gusto ni Mom na sa kaarawan niya ay nandoon kayong dalawa,'' he added.
He was not just a handsome man, but also thoughtful and family oriented.
Kaya siguro nakuha niya rin ang puso ni inay dahil sa matatamis niyang mga salita.
Sa dami rin ng iniisip ko nitong mga nakaraang araw ay nawala sa isip ko na ngayon pala ang kaarawan ni Tita Mira. At si Caleb pa nga ang nag-abalang imbitahin kami sa pagsasalo ngayon.
I quickly went to the restroom dahil kanina pa ako naiihi. Buti na lang ay bumalik agad ang Dad ni Caleb kaya may kausap siya ngayon. Pabalik na sana ako sa table namin nang mapukaw ang atensyon ko kay nanay at Tita Mira, mukhang masinsinan silang nag-uusap dalawa at medyo nagkakatuwaan pa.
I just don't mind them at agad na bumalik sa table. Hindi naman siguro mahalaga ang pinag-uusapan nila para makiusyoso pa ako. Nang makaupo ako ay muling naglandas ang tingin naming dalawa ni Caleb. Ang awkward naman!
I wanted to say something, but I was taken aback. Siguro huwag na lang ngayon. Hindi rin naman importante kung ngayon ko ito sasabihin sa kanya. I don't want to ruin this moment.
Nang matapos na kaming kumain ay nauna nang lumabas sina tito at tita pati na rin si nanay at naiwan na lang kaming dalawa ni Caleb sa labas. Nagtataka ako sa laman ng paper bag na hawak niya. It was from a famous brand. And because I'm a curious cat, I wanted to sneak what's inside that paper bag.
Ireregalo niya yata ito sa nililigawan niya. O hindi kaya ay may pagbibigyan siya ng regalo bukod kay tita Mira. At sino naman kaya 'yon?
''Caleb...'' I called his name.
Abala itong nagtitipa dahil kausap niya ngayon si August at ilang segundo lang ay nag-angat siya ng tingin. He quickly put his phone in his pocket.
Lalapit sana ako sa kanya pero sa hindi inaasahan ang kaninang sira ko pang sapatos ay tuluyan nang bumigay. Nanlaki ang mga mata ko nang matumba ako at halos mapapikit pero ilang segundo ang lumipas ay naramdaman ko na lang na may nakaalalay sa akin.
When I slowly opened my eyes, I saw a glint of his smile. A reassuring smile that I was safe with him.
''How can I resist you when you always fall for me, Sol. Hindi ka pa marunong mag-ingat, tingnan mo tuloy hindi mo namalayang sira na pala ang stiletto mo,'' aniya.
Sa hindi malamang dahilan ay dinadaga na naman ang puso ko sa tuwing magtatama ang tingin naming dalawa. He was so close to me that I could feel his breath. As I gaze to his eyes down to his lips, mas lalong gustong sumabog ng puso ko.
Huli na ng mapagtanto kong nasalo niya ako at ang kamay niya ay nakapalupot sa buong likod ko.
Shit! Bakit naman ngayon pa nasira ang stiletto ko?
Napakagat ako sa ibabang labi bago ko ibinalik ang tingin sa kanya. Nakahawak ako sa kanyang balikat dahil sira na ang suot kong sapatos.
I hissed. ''Shit ang awkward na naman,'' bulong ko sa sarili.
''You should sit there, may mauupuan naman,'' he said. Inalalayan niya ako habang paika-ika akong naglakad.
Nang makaupo ako ay mabilis kong tinanggal ang isang sapatos na nasira. Ang ganda pa naman nito tapos nasayang lang. When I gaze at him he was looking at my feet that were bleeding.
I was caught off guard when he kneeled in front of me at dahan-dahang tinanggal ang kaliwang sapatos ko.
''You were so focused on me that you didn't realize your foot was hurting.'' His voice was always calm and gentle. ''Buti na lang may dala akong band-aid. Alam kong hindi ka sanay magsuot ng ganyan, and I saw you earlier na paika-ikang maglakad bago ka bumalik sa table.
I didn't know he noticed everything about me. Kanina pa ba siya nag-aalala sa 'kin na baka masaktan ako habang suot ito?
Napailing na lang ako sa sakit nang marahan niyang matanggal ito. Medyo masakiit lalo pa't dumudugo ang parehong sakong ng paa ko.
Ang hirap maging presentable ang hitsura parang nakamamatay naman! Sana pala hindi na ako nagsuot nito at tsinelas na lang ang dinala ko.
''Can you walk?'' he asked me after he put a band-aid on my ankle.
''K-kaya ko naman,'' nauutal kong sagot. Kahit walang kasiguraduhan ay tumango ako sa kanya.
Isang sapatos pala ang laman ng paper na hawak niya. ''This is for you. Binili ko'to kanina habang naghahanap ako ng gift para kay mom. I'll buy you another pair of shoes dahil sira na 'yung luma mong sapatos, kulang na lang ay magsalita na iyon na 'palitan mo na ako"
Nakuha niya pa talagang magbiro pero seryoso naman itong nakatingin sa akin. I'm sire he was trying not to burst his laughed because I saw the glint of his smile. Kahit ako ay napangiti rin sa kalokohan niya.
''L-Leb, hindi na kailangan—'' hindi na ako nakapagsalita pa nang hawakan niya ang mga balikat ko.
''You need it, Sol. I already told you that if you need help, you can always ask me, and I wouldn't refuse anything,'' he stated. Hindi na'ko nakaimik pa sa sinabi niya. Inalalayan niya pa rin ako hanggang za makatayo ako ng maayos. Masakit pa rin pero kaya ko naman itong tiisin.
''Sol, anong nangyari sa 'yo?'' nag-aalalang sambit ni inay.
''Sugat lang po ito, 'nay. Malayo po sa bituka,'' sagot ko at dinaan na lang ang sakit sa pagtawa.
''Sabi ko naman kasi sa 'yo dapat nag-sandals ka na lang, halika at gagamutin natin iyan sa bahay,'' sermon pa ni nanay.
Inalalayan pa rin ako ni Caleb hanggang sa makapasok kami sa kotse, pati sa pag-uwi ko papasok ng gate ay nakaalalay pa rin siya. In that moment, he was genuinely and deeply cared for me. Sana lahat ng lalaking makakatagpo ko ay kagaya niya.
He's my home that I will always find when I needed someone to comfort me. Iba ka nga magmahal, Caleb. Binabaliw mo ang bawat sistema ng utak at puso ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top