Chapter 41

Sol,

Kung nababasa mo man ito ngayon marahil ay wala na ako sa iyong tabi. Hindi ko ginusto na gawin ang bagay na alam kong masasaktan ka. Mahirap man tanggapin pero kailangan mong magpatuloy sa buhay ng mag-isa at huwag na huwag kang hihingi ng kahit na anong tulong sa ama mo. Alam kong kapag nawala ako ay itatakwil ka rin niya at ipagdadamot sa akin sa mga huling sandali ko.

Ayokong bigyan ka pa ng bigat sa dibdib pero ito lang ang nakikita kong paraan para mawakasan ko na ang lahat ng paghihirap mo, ito ang magbubukas sa 'yo ng pintuan para tumayo ka sa sarili mong mga paa at ipagpatuloy ang iyong buhay ng hindi ako kasama.

Kailangan mong maging malakas, Sol. Maging matatag ka kahit wala na ako. Punasan mo ang luha mo at huwag mong hahayaan na dumampi ito sa iyong pisngi.

Masyadong naging magulo ang buhay ko, Soleil at ayokong mangyari ulit sa 'yo ang kawalangyaan na ginawa ng tatay mo.

Inaabuso niya rin ako noon. Gusto ko na siyang hiwalayan pero dahil sa panggigipit ng pamilya niya sa akin dahil sa utang ko ay hindi ko siya tuluyang nilayasan. Araw-araw niya akong binababoy at parang tinuturing na isang hayop, kaya kapag lasing siya ay itinatago kita sa aparador dahil alam kong ikaw ang unang-una niyang pagbubuntungan ng galit. Ginawa ko ang lahat para sa atin, Soleil. Siya na mismo ang lumayas at nagpakalayo noong nalaman niyang may iba akong lalaki.

Hanggang ngayon ay hindi niya pa napagbabayaran ang kasalanan niya dahil pinatay nito ang lalaking tinangka kong mahalin, pero malupit ang tatay mo at nakuha niyang higitin ang leeg ko na parang isang hayop.

Kailanman ay hindi niya tayo tinuring na pamilya at mahirap man na patawarin siya ay ginawa ko pa rin alang-alang sa 'yo dahil gusto ka niyang makita ulit. Nagpapadala si Andrew ng pera na galing sa ama mo at inipon ko ang lahat ng iyon para sa kinabukasan mo, Sol at alam kung gagamitin mo ang pera sa tamang paraan.

Kung ako ang papipiliin, ikaw pa rin ang gusto kong makasama sa susunod na buhay at wala na akong hihilingin pa. At para naman sa manliligaw mo, botong-boto ako kay Caleb. He will love you, the way I give my love for you.

Wala ng mas papantay pa sa lalaking handang isugal ang kanyang buhay para lang protektahan ka. Siya lang ang naiiba sa lahat ng manliligaw mo at mas lalo ko pa siyang hinangaan dahil kahit alam niyang wala siyang pag-asa sa 'yo ay gagawin niya ang lahat para lang mapasaya ka. Wala ng mas hihigit pa sa pagmamahal na kaya niyang ibigay sa 'yo.

Ikaw na rin ang magpatuloy ng pangarap ko at iangat mo ang pangalan mo para makamit ang tagumpay. Alam kong hadlang ang kahirapan, pero para sa 'yo, walang mahirap na hindi mo kayang lampasan. Hindi madali ang gagawin kong pag-iwan sa 'yo at alam kong malaking lamat ito na uukit diyan sa puso mo. Mas pipiliin kong maging makasarili ngayon kahit labag sa kalooban mo, kung ito naman ang paraan para makahinga ka sa mundong naging maramot sa iyo.

Paalam, Anak.

I sobbed.

Tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha sa mga mata ko pagkatapos itong basahin. Para akong unti-unting nadudurog habang hawak-hawak ang lukot na papel. It was something that triggered inside me—and I wasn't prepared for that moment.

My chest tightened as I struggled to process the flood of feelings overwhelming me.

Tila ba isang napakalaking pader ang tumutukod sa pagitan ko, at sa bawat saglit, 'yung pagkabigla at sakit na nararamdaman ko ngayon ay tila lalong lumalalim.

Para na naman akong isang bulaklak na dahan-dahang pinipitas. Iyong ugat na dapat na bumubuhay sa akin ay siyang sumusugat pailalim sa aking balat hanggang sa hindi ko na kaya pang tiisin 'yung sakit—kahit gaano pa kasakit ang bawat paghulog sa lupa ng mga talulot ko ay palagi itong mag-iiwan ng bakas na hindi ko na kaya pang tanggalin o kalimutan—as if the pain was already engraved in my heart.

I bit my lower lip and I didn't notice that it was bleeding. Bigla na lang tumulo ang dugo sa papel pero binalewala ko lang ito.

My chest tightened as I struggled to breathe through the overwhelming sadness. "B-bakit ngayon ko lang ito... nabasa," I whispered to myself, my voice trembling.

I gulped as I stared at the letter. My hands shook as I tried to process everything that I read.

"H-hija, bakit ka umiiyak?" Bakas ang pag-aalala sa tono ng boses ni nanay Amelia nang dali-dali itong pumasok sa kuwarto at nakita akong luhaan.

Nanginginig kong ipinakita sa kanya ang sulat kaya napaangat ito nang salamin at maigi itong tiningnan.

"Sol..." sambit ni nanay. Naramdaman ko na lang ang mahigpit niyang pagyakap sa akin kaya mas lalo akong humagulgol.

"N-Nandito lang ako palagi, ha?" sambit niya habang yakap-yakap ako. "Huwag kang mahihiyang lumapit sa akin... lagi mo akong bibisitahin para kapag na-miss mo ang nanay mo may yayakap sa 'yo... nandito lang kami palagi—nandiyan ang lalaking magmamahal sa 'yo ng tunay at tiyak akong hindi ka niya sasaktan o aabusuhin." Malambing ang kanyang boses na halos humehele na ito sa aking tainga at unti-unting nagpagaan sa dibdib ko.

"O-opo, nay... s-salamat po," humihikbi kong sagot. Hinawakan nito ang aming pisngi at tuluyan na rin itong lumuha.

Napatanggal tuloy siya nang salamin at pinunasan ito bago sinuot ulit. Pagkatapos kong punasan ang luha ko ay nangibabaw ang katahimikan sa aming dalawa, pero hindi rin naman iyon nagtagal ng magsalita siya.

"Sigurado ka na ba talaga sa kanya, hija?" Nanay asked, softly. "Nakikita mo ba ang sarili mo na kasama siya hanggang sa pagtanda?" Hinaplos pa niya nang marahan ang buhok ko at ngumiti.

I nodded slowly, swallowing hard before meeting her gaze. "Kung ito ang hiling ni nanay ay hindi na ako tatanggi pa. Mahal ko po si Caleb... handa ko rin pong isugal ang lahat sa kanya gaya ng mga ginawa niya para sa akin," I said with full of sincerity. "Hindi po matutumbasan ng kahit na anong halaga 'yung mga bagay na binitawan niya para lang sa akin. Mas komportable ako kapag kasama ko siya... I chose the right person to be with, at wala na po akong nakikitang ibang lalaki na magmamahal sa akin ng buo at tanggap kung sino ako."

It was him... the boy who became the loss of my life, but after he came back, he's now the man who stood by my side to complete the last piece that is missing in my heart.

Siya lang ang aking tinatangi.

"S-Sol..." Napagawi ang tingin ko sa lalaking nakatayo sa labas ng pintuan.

I was caught off guard when I heard his voice, his presence was unexpected, and it stirred up the emotions I thought were buried.

A-akala ko nakaalis na siya?

As I looked at him, his eyes held a deep sense of care and concern.

Kanina pa ba siya nakatayo r'yan?

His gaze met mine with a look that seemed to convey a deep understanding. Namumuo pa ang luha sa mga mata nito at mukhang narinig niya nga ang lahat ng pinag-usapan namin ni nanay kanina.

"I-Iwan ko muna kayong dalawa, Sol," sabi ni Nanay Amelia at inilapag ang hawak niyang sulat sa kama.

Malamlam pa siyang tumingin sa akin bago tuluyang dumulas ang kanyang kamay sa pagkakahawak ko.

My eyes were pleading with her, silently begging her not to leave me just yet. Hindi nawala ang tingin ko sa kanya hanggang sa makalampas ito sa lalaki pagkatapos niyang ngitian ang huli.

"You... h-heard everything?" I uttered, my voice trembling with a mix of shock.

Before he could even utter a single word, he quickly ran towards my direction. Naramdaman ko na lang ang magaan nitong yakap sa akin, and his sweet embrace calmed my heart. Alam kong kapag siya ang yumakap sa akin ay nawawala agad ang agam-agam sa isip ko.

His embrace will always feel like home. Siya lang ang nagpapadama sa akin ng gano'n bukod kay nanay.

Sinalubong ko ang kanyang tingin nang hawakan nito ang pisngi ko.

"A-akala ko tinalikuran mo na ako... akala ko kinalimutan mo na ako ng tuluyan noon, iyon pala ay naghihintay ka pa rin sa pagbabalik ko at umaasang makikita ako ulit." His voice trembled, ramdam ko rin ang sinseridad sa bawat salita niya.

"I will never leave by your side again, Sol... huwag ka ng tumakbo ulit palayo sa akin dahil handa akong suungin ang dagat makita ka lang ulit," he continued, and caressed my hair gently.

Iyong yakap niya ay parang gamot na rin sa puso ko dahil kahit na malakas ang tibok ng puso ko ay unti-unti rin itong kumakalma dahil alam kong siya lang ang makakapagpatahan sa puso ko.

He gently wiped away a tear that had slipped down my cheek, his fingers brushing softly against my skin. "I've spent every day thinking about you, Sol," he said, his voice steady but filled with emotion. "Ang saya ko... na sa wakas ay bumalik ka sa akin at hindi na kita bibitawan pang muli. S-salamat, Sol, dahil binigyan mo ulit ako ng lakas para mabuhay... to be able to loved you for the second time."

He took my hand, holding it firmly before gazing back at me. "Noong bumalik ka sa buhay ko ay sobrang saya ng puso ko, at sa bawat segundo ay kumakawala ito at hinahanap-hanap ka. After everything that happened, I didn't find someone who will comfort me because I know that you will come back—hindi ko hinayaan ang sarili kong mahulog sa ibang babae..." His voice trailed off.
"Dahil sa una pa lang... ikaw na ang tinitibok nito."

I bit my lower lips. He heard all of it and there's no way that I can deny it in his face, that despite all of it, I still loved him.

I still cared for him. I'm still longing for his embrace, and hoping that I will see his silhouette again. Ilang taon ang lumipas at siya pa rin ang tinitibok ng puso ko at hindi ko na dapat itanggi iyon sa sarili.

I still want him... to be by my side... to love me unconditionally.

Without a word, he gently cupped my face with both of his hands and brushed his lips against mine.

"Je t'aime, Soleil. Aking tinatangi," he mumbled between our kisses and heavy breath. The kiss deepened, becoming more passionate, as if it was trying to convey all of the feelings that words couldn't fully express.

Ngayon, sigurado na akong hindi na kumakabog nang mabilis ang dibdib ko. Payapa na ang puso ko nang magtama ang tingin namin.

I bit my lower lips. Namumula ang dalawa kong pisngi at alam niyang hindi ako sanay na sabihin ito pero buong loob ko siyang tiningnan.

I smiled. "I love you too, Caleb."

He stepped closer to me and kissed me again. This time, the kiss was soft and gentle, as if I was floating on cloud nine. Hindi naman nagtagal ang kanyang halik at naghiwalay rin ang basang mga labi namin. He held my hand. "I realize that after those sleepless nights... you still cared for me. I wouldn't be here alive and breathing if it wasn't for you, 'cause you are my only hope, my savior and... the one who healed me." His baritone voice was almost a whisper, yet it was clear and distinct enough for me to understand every word.

Mas nangibabaw ang boses niya sa buong silid na lalong nagpahulog sa aking puso.

He smiled. "Let's engrave this blissful moment in our memories," he mumbled, his voice filled with determination. "Let's fight this battle together and try to overcome every challenge that comes our way. We'll face it all side by side, and we will make a better future together."

I felt the warmth of his hand and gently wrapped my fingers around it, our hands intertwining together.

That's when I knew that he was my flower of youth... my dose of sunshine.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top