Chapter 39
"It's been... seven years," he murmured. "I tried to find you... at ngayon, hindi ko alam ang maramdaman ko na nakita kita ulit."
Nakaupo kami ngayon sa living room at nakatuon ang atensyon ko sa kapeng nasa harap ko. Naiilang akong tumingin sa kanya dahil alam kong hindi ako nakapagpaalam ng maayos noon at basta na lang silang iniwan nang hindi nila alam ang dahilan.
"Bakit hindi ka na bumalik ulit?" tanong niya, his voice filled with a mixture of curiosity and hurt. "Bakit bigla ka na lang umalis, Sol?"
There was a lump in my throat that kept me from getting the right words out in front of him. I swallowed hard, trying to find the courage to explain.
Hindi naman kasi gano'n kadaling bumalik sa Isabela na parang walang nangyari. Of course I was hurt badly. I wanted to rage that day—I wanted to throw them a word that would haunt them and trigger, yet I didn't do it.
Mahilig akong tumakas sa problema ko lalo na kapag magulo na ang lahat at iyong daanan na nilalakaran ko ay hindi ko na maaninag kung saan ako patungo. Walang dalang ilaw o kahit na anong proprotekta sa akin at tanging lakas ng loob lang na may pagdududa pa sa aking sarili.
It was hard... heavy... and breakable. Parang akong bulkan na sasabog sa oras na naririnig ko ang mga sinasabi nila na pawang dahilan ng pagkasira ng pagkakaibigan namin.
It wasn't meant to be broken, but I chose to hurt myself even though I was already shattered into pieces.
Wala ng mas sasakit pa na makitang mawala sa 'yo ang lahat—lalo na noong nangungulila ako sa yakap ni nanay, pero tanging mga dilim at malamig na hangin lang na bumabalot sa loob ng silid ang yumakap sa akin.
I gulped. "I... I didn't know. It was hard for me to get my life back in Isabela. You know what happened." Nanginginig ang boses ko at sinubukan na hapyawan siya ng tingin pero agad din natuon ang atensyon ko sa sapatos ko. "Alam mo ang tungkol kina Sam at Caleb."
He sighed, his gaze softening as he looked at me.
"That's the reason why you left us?" hindi niya makapaniwalang sabi at parang nadudurog na ito sa kanyang narinig.
Hinawakan nito ng marahan ang kamay ko at mariin akong napakagat habang sinusukan na pigilan ang nagbabadyang luha. Guilt and regret were almost washing over me. I don't want to cry.
Shit. Huwag mong hayaan na lamunin ka ulit ng lungkot, Soleil! Pigilan mo!
Gustuhin ko man na puntahan siya noong lugmok ako at halos wala ng makapitan ay mas pinili ko ang aking sarili at dusmistansiya ako para sa kanila.
Para sa ikabubuti naming lahat.
"He was... fuck up," Heinz muttered. "Nagwala siya sa condo ko noon dahil ang buong akala niya ay tinatago lang kita. Halos araw-araw siyang nakabantay sa akin... hanggang sa tuluyan na niyang natanggap na wala ka na."
He was referring to Caleb, and it surprised me. Nagkasagutan pa kami dahil hindi ko sinabi sa kanya na nahihirapan ka sa sitwasyon mo," he continued. "Hindi ko rin alam na... wala na pala si nanay
Imel at nalaman ko lang noong bumisita rito si Sam."
Kumunot ang noo ko. "Bumisita siya sa 'yo?" Medyo may pagkabigla sa tono ng boses ko at marahan siyang tumango sa akin.
"She told me everything. Ako lang yata ang huling nakaalam sa nangyari noon, and I'm sorry..." Napatigil siya nang dumulaas ang dalawang patak ng luha sa kanyang mata. "I wasn't there when you needed me the most... hinayaan kita na magdusa at malunod sa sarili mong luha..."
I pursed my lips before I met his eyes again. "It wasn't your fault—no one is at fault for what happened. Masyado lang nating pinairal ang mga puso natin kaya parehas tayong nadurog," mahinang sambit ko. "Lahat tayo ay nagkamali but we shouldn't let our past haunt us... leading us to be depressed and alone."
Hindi man natin mababago ang nakaraan, ang mahalaga ay handa naman tayong harapin ito nang malawak ang ngiti sa mga labi natin.
Things get better... and the sea will calm once we realize that we are not drowning—we just don't know how our life moves, just like the waves that are rushing us to let us feel the sand.
Everything will be fine and the sun will shine, like how you present yourself with a smile. Hindi man magaan ngayon o bukas, mananatili tayong nakatayo at susubukan na suungin ang dagat ng walang pangamba at takot sa ating puso.
He reached out and gently took my hand, his touch warm and reassuring.
"It's okay," he said softly. "What matters is that I've already found you. Napanood rin kita sa isang interview na pinakita sa akin ni Sam, and if I'm not mistaken, I also went to Sydney, Australia that time."
My eyes widened in surprise, but I quickly recovered.
"Kaya lang... hindi na kita naabutan pa," he added. "Sayang." Kumawala naman ang mahinang tawa sa kanya.
As we sat there, the silence between us was filled with unspoken words and emotions.
But for the first time in years, I felt a glimmer of hope that maybe, just maybe, things could be mended and we could find our way back to each other.
'S-Sol! Mauna na po tayo," saad ni Luke na naghihintay sa labas.
Pinaanyayahan siyang pumasok ni Heinz pero tumanggi rin ang huli at mas piniling hintayin ako sa kotse pero mukhang mabilis din mainip ang lalaki.
"A-aalis na ako," pagpapaalam ko kay Heinz. "Nice meeting you again... Heinz. Ingat sa paglipad mo, baka mahulog ka ulit sa akin."
He chuckled. "I already have a girlfriend. Alam ko namang ikaw lang ang greatest white—este love ko," biro niya pa.
"I'll catch you up. Bibisita na lang ako sa shop mo kapag nakauwi na ako. I'm heading to Dublin, Ireland at mukhang dadaan pa kami sa Oslo, Norway," dagdag niya pa. "See you around, Sol."
I smiled. "See you!"
Nauna na kaming umalis sa kanya at nakapagpaalam na rin ako. Kinuha niya rin pala ang number ko para naman makapag-usap kami paminsan-minsan dahil lagi itong wala sa pilipinas.
He's now a cabin crew and soon to be a pilot. He's taking a BS in Aeronautical Engineering at huling taon na niya ngayon. Many people in the aviation industry start their careers as flight attendants and later transition to becoming pilots, at iyon ang isa sa mga pangarap niya.
❛━━━━━━•(🌸)•━━━━━━❜
IT WAS SUPPOSED TO BE MY REST day Linggo ngayon at sarado kami.
Ako na ang nag-abalang mag-general cleaning ngayon dahil kaunti lang naman ang pinagkaka-abalahan ko. Kaysa naman magmukmok ako sa bahay ay dito na rin ang naging gawi ko. Isa pa, kami lang naman dalawa ni Caleb ang nandito ngayon sa shop.
"Jina told me everything." May galit sa tono ng boses niya nang harapin ako nito habang abala akong naglilinis ng shop.
I stopped for a moment and directly put my attention on him. Told him everything?
"Nagkita kayong dalawa?" he asked, his husky voice echoed in my shop. "Luke told me that he drove you to Heinz's house yesterday. Anong ginawa mo ro'n?"
Yes, that was true. Ano naman ang mali na makita ko ulit si Heinz?
I slowly nodded. "Yes, nagkita kaming dalawa," I answered. "We just had a quick talk at hindi ko naman inaasahan na siya ang makikita ko no'ng pinadala namin 'yung order niya."
Ibang pangalan kasi ang nakalagay sa receipt nito kaya laking gulat ko nang makita ko si Heinz.
"W-why didn't you tell me?" he asked.
"Because I don't want you to get mad," I retorted. Lintik talaga 'to si Jina! Kapag tsismis talaga ay walang kawala sa kanya.
"Nagseselos ka ba dahil nagkita ulit kami?" I added, my curiosity getting the better of me. I don't want to hide it from him dahil alam kong malalaman niya rin naman ito, pero napangunahan na agad ako ni Jina.
He slowly shook his head and gently caressed my waist. I felt my heart race and my knees weaken under his intense gaze.
"Me? Jealous?" He scoffed, a teasing smile playing on his lips. "Not at all. I know how much he means to you...alam kong sabik siyang nakita ka niya ulit."
His voice was always soft as jelly. Para akong bata na hinehele nito sa kanyang magaan na kamay.
"H-he also mentioned to me about you... finding me when I left in Isabela."
Napalunok ako ng madiin at para bang may bumabara sa lalamunan ko, pero tuluyan ko na rin itong nasabi sa kanya.
As we stood there, embracing in each other's arms, I realized that his jealousy wasn't a sign of distrust but rather a reflection of his deep feelings for me.
Halata naman ang pagsisinungaling ng lalaki dahil kapag dini-deny niya ang kanyang sinasabi, namumula ang tainga nito at napapakamot sa kanyang batok.
"Pupunta pala ako sa puntod ni nanay bukas," anunsyo ko sa kanya, patapos na rin ako sa aking ginagawa nang lingunin ko ang lalaking nakaupo. Napalinga rin ito sa akin at binaba ang tasang hawak niya. Marahan itong lumapit sa akin at hindi ko maiwasang manliit sa sarili dahilan para mapatingala ako sa kanyang hitsura.
Bakit ba kasi ang liit ko kapag kaharap ko siya? Mukha tuloy ang dagang handang kainin ng pusa.
Sa titig niya pa lang sa akin ay nakakapanghina na at mas lalo akong nahulog nang ilapit nito ang kanyang mukha.
"Sasamahan na kita. I'll drive you, hindi naman ako busy bukas," he replied. "Atsaka... birthday mo na rin bukas, do you want to see the sunset again?" A little smirk appeared on his lips, dahilan para kumunot ang noo ko.
Namula naman ang pisngi ko sa kanyang sinabi dahil naalala ko kung paano lumagi ang mga labi at kamay namin sa isa't-isa, na para bang hunos-dili ang paglalaro na ginawa namin sa loob ng kotse.
His teasing words brought back those memories vividly.
"You want to see the sunset again?" he teasingly repeated.
I scoffed. "Sira!" I tried to sound annoyed, but the blush on my cheeks betrayed me.
Ngayon ko lang napagtanto na birthday ko na pala bukas. Mas nangibabaw kasi sa akin ang muling pagbisita ko kay nanay na halos hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa tuwa.
The excitement of visiting her had overshadowed everything else.
"We can celebrate your birthday by her side," he suggested, his tone softening.
As we sat there, planning our sweet moments, I realized just how much his presence meant to me.
He wasn't just offering to drive me; he was offering his support, his companionship at iyon ang isa sa mga katangian niya na mas lalong nagpapahulog sa akin.
"Ang rupok mo talaga," sambit ko sa isip. Kinabukasan ay hinanda ko na ang mga gagamitin ko at ilang saglit na lang din ay parating na si Caleb dala iyong bago niyang kotse na bukambibig sa akin nitong mga nakaraang araw.
Napagawi ang atensyon ko sa pintuan nang may kumatok at nakita kong papasok si nanay Amelia.
"Nay, ikaw po pala," aniya ko.
"Sol, happy birthday," bati sa akin ni Nanay Amelia at mahigpit ako nitong niyakap. "Kung nandito lang ang nanay mo tiyak akong proud na proud iyon sa'yo. Ang laki na ng pinagbago mo simula no'ng lumuwas ka rito sa amin at ngayon ay may sarili ka ng bahay at negosyo."
I smiled. "This will always be my home nanay. Dito niyo po ako tinuruan
For the past seven years, nanay Amelia became my mother figure. Parati man niya akong pinapagalitan tuwing mali ang pagluluto ko sa kusina niya, alam kong proud din siya sa akin dahil natututo ako sa mga gawain niya na nagpapasaya sa kanya.
Kaya nga mas naging magaling ako sa pagluluto dahil natuto ako sa kanyang maliit na paninderya noon at no'ng nalaman ko na tumigil na siya ay nalungkot ako dahil alam kong wala ng gagabay sa akin sa pagluluto.
I've learned a lot of lesson from her. Hindi man siya ang naging sandalan ko sa oras na mag-isa ako ay siya naman itong handa akong yakapin kapag nararamdaman niyang napapagod na ako at handa nf sumuko sa buhay.
"Enjoy your day, anak," wika niya.
Hindi ko na napigilan pa ang luha sa mga mata ko at gano'n din siya, kaya mas niyakap ko ito nang mahigpit.
"S-salamat po... n-nay," I mumbled. "Sa lahat ng naitulong niyo sa akin. Alam kong hindi ko ito masusuklian at wala pong katumbas ang pagmamahal ninyo sa amin." Pinunasan nito ang kanyang luha pagkatapos tanggalin ang kanyang salamin sa mata.
"Sige na at mag-ayos ka na, hija. Mag-iingat ka sa byahe mo ah?" Hinaplos niya pa nang marahan ang buhok ko at bakas ang pag-aalala
sa tono ng boses niya.
I smiled and nodded. "Opo, nay."
Makaraan ang limang minutong pag-aayos ng gamit ay biglang tumunog ang phone ko at tiningnan ko kung sino ang tumatawag sa akin. Nang makita ko ang profile picture at pangalan ni Jina ay agad ko itong sinagot.
"Happy Birthday, Sol!" bati sa akin ni Jina.
I smiled widely. "Salamat."
Bigla namang sumimangot ito sa camera kaya napakunot-noo ako.
"Sorry na kung hindi ako makakauwi diyan sa pilipinas. Virtual hugs na lang muna ate ko. Alam mo naman hectic pa rin ang schedule namin dito dahil papalit-palit kami ng airlines. And by the way, tumatanda ka na Soleil, kailan mo ba balak pakasalan 'yang si Caleb?"
Nakita ko pa ang postura nito na nakapaywang sa akin. Ang OA niya talaga. Pinanganak na talaga siyang ganyan.
"Hindi pa nga nagpo-propose eh," I mouthed. "At wala pa akong balak magpakasal this year, 'noh! Mauna ka na kaya!" I laughed sarcastically.
"Siyempre patatagalin niya muna. Baka nga mauna pang ikasal si Lexie kaysa sa 'yo. Ano na palang balita sa inaanak ko, lumabas na ba?" seryoso niyang sabi at interesado talaga siya sa mga ganap namin sa buhay.
I chuckled. "Gaga! Malapit na siyang manganak kaya bilisan mo ang pag-uwi rito. Next time ka na gumala-gala!" asik ko at malakas na tumawa. "Sige na, aalis na muna ako at dadalaw pa kami kay nanay."
Ako na ang unang nagbaba ng tawag bago pa ito tuluyang makapagpaalam sa akin, pero nag-text naman ito sa akin.
Marites ng bayan:
Impakta ka! Binaba mo naman ang tawag, mhuaaa. Happy birthday ulit, more jugjugan to come hahahha
Malakas akong napatawa nang mabasa ang text niya.
Narinig ko ang kotse ni Caleb sa baba kaya naman dali-dali na akong nag-ayos ng postura ko sa salamin at tiningnan pa kung namuo sa mukha 'yung nilagay kong foundation.
"Ayan, perfect!" I whispered to myself. Feeling a bit more confident.
Lumabas ako ng kuwarto at bumaba ng hagdan, sinisiguradong maayos ang bawat hakbang ko.
Pagdating ko sa sala, narinig kong may kumakatok—and I knew it was him! Huminga ako nang malalim bago binuksan ang pinto, at doon ay nakita ko siya. Iyong lalaking handa ko ng pakasalan at iharap sa simbahan.
Nakangiti ito habang may bitbit na bouquet ng mga bulaklak. My cheeks didn't slips to blushed for a moment at alam kong nahalata niya ito.
"Happy birthday," bati niya. Napakalalim ng boses, nakakabaliw!
He beamed with excitement. "Let's go?"
I smiled and nodded. As we walked to his car, I felt a mixture of excitement and nervousness. It had been a while since we had spent time together, and today felt special to me—hindi lang dahil sa pagbisita namin ngayon kay nanay.
It was something that I felt—like my tortured heart is finally healed.
Caleb opened the car door for me, and I slid into the passenger seat, feeling a sense of whatever the day had in me.
Basta, hindi ko ma-explain!
The drive to my mom's resting place was filled with comfortable silence, broken only by occasional snippets of conversation and a little bit of laughter. Naikwento niya kasi sa akin kung gaano ako kamusmoa noong una niya akong nakita, and it felt like it was yesterday.
Iyong pagtingala ko, paghawak sa malambit niyang kamay at iyong unang pagtibok ng puso ko sa hindi malamang dahilan.
I all felt that when we were kids playing under the sun. As we approached the cemetery, my heart swelled with a mix of excitement and nostalgia. I remembered the feeling when I saw her name engraved in her tombstone.
Sobrang saya ng puso ko dahil hindi na ipinagkait ang pagkikita naming dalawa ni nanay, at alam king sa mga huling sandali niya ay ako pa rin ang inaalala niya.
"Makikita na ulit kita, Nay," bulong ko sa sarili. "Ipapakilala ko na po sa 'yo ang magiging asawa ko..."
"Kumusta na nga pala si Eurie?" he asked, breaking the silence. Matagal na kasing hindi nagagawi ito sa shop lalo na kapag bumibisita si Caleb doon.
"Busy sa work, at pagiging soon to be Daddy niya," wika ko.
"Kaya pala..." His voice trailed off. "Sana ako rin..."
I frowned. "H-ha? ano 'yun?" I didn't hear him clearly because his voice is barely audible.
"Wala, sabi ko ang ganda mo," bulalas niya.
Agad kong iniwas ang tingin sa kanya at napahawak sa aking pisngi na pulang-pula na parang kamatis. Buti na lang ay hindi niya ito napansin at agad din namang nawala.
After a couple of minutes we finally arrived. I took a deep breath, feeling the familiar sense of peace that this place brought me.
Caleb parked his car not far from mom's grave, and we quickly got out of the car. He held my hand as we walked towards my mom's grave. Nang makalapit kami sa puntod niya ay saglit ko itong pinagmasdan.
Mabuti na nga lang ay mas larawan itong nakapiska sa kanyang puntod para lagi kong naaalala ang kanyang mukha sa tuwing dadalaw ako rito.
"Hi, 'Nay," I whispered, kneeling down to arrange the flowers beside her grave.
Tuyot na iyong huling bulaklak na inilagay namin dito, dahil na rin siguro sa masamang panahon noong nagpunta kami rito.
"Nandito na po ulit ako, kasama ulit si..." I glanced at him, a soft smile grew on my lips. "soon to be husband ko." Kita ko ang gulat sa mga mata niya pero mabilis din itong nakabawi.
Naupo naman ito sa tabi ko habang inaayos ko pa ang bulaklak na dala ko. The sky was painted with hues of orange and pink—which is perfect to our quiet celebration today. May dala rin si Caleb na cake dahil gusto kong dito I-celebrate anf kaarawan ko.
"Happy birthday to you..." he started to sing. "Close your eye and make wish." Tinakpan niya pa ang kandila para hindi ito mamatay dahil sa hangin.
I smiled before slowly closing my eyes.
I wish... a better life with him... and if that's my mom's wish, I will always be grateful to have him in my life.
I opened my eyes, and I saw how he stared at me with full of love and sincerity. Hinding-hindi ako nagkamali na papasukin ka ulit sa puso ko.
I blowed the candle after wishing. Para din akong kandila na unti-unting natutunaw pero muling nabuhay dahil may nagsindi ng apoy para makita ko ulit ang saya at kinabukasan ko sa kanya.
He changed for me... he was different than before at pinatunayan niya ito.
He was my flower of youth... my home.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top