Chapter 36

"Ang successful mo na, Sol," bungad sa akin ni tita Sandy nang maupo ito sa tabi ko. "Parang kailan lang noong humingi siya ng tulong sa akin dahil gusto niyang maging maganda ang kalabasan ng shop mo, he helped you through ups and downs, at alam ko naman na mahal ka pa rin niya..." Napatingin siya sa lalaking nakahimlay at walang gana itong ngumiti.

I chuckled. "Naalala ko pa no'n kung paano po siya lumuhod sa harap niyo para lang makuha niya ang allowance niya at maibigay sa akin pantulong sa shop na pinare-renovate namin," kwento ko.

"Gagawin niya talaga ang lahat para sa 'yo, Sol... hindi mo alam kung paano mo nabago ang buhay ni Eurie. Lagi ka pa niyang bukambibig sa tuwing magkikita kami." Marahan niyang hinaplos ang kamay ng kanyang anak at naluluhang tiningnan ang lalaking mahimbing lang na natutulog.

Mas guwapo nga siya tingnan kapag tulog.

Ang amo kasi ng hitsura niya. Nailipat ulit si Eurie sa isa pang private ward na mas malaki ang espasyo dahil napapatagal na ito sa hospital, and I'm still here hoping that he'll wake up. Ang sabi ng doktor sa amin ay possibleng magising na siya ngayong buwan dahil

base sa monitoring nila sa kanya ay himalang mabilis na naghilom

ang hemorrhage niya sa utak. Hindi nila maipaliwanag kung paano nangyari iyon, samantalang ako ay napangiti naman sa anunsyo nila
sa amin.

Dalawang buwan na ang nakalilipas simula no'ng mangyari ang aksidente niya. Si Jina muna ang nagpapatakbo ng shop ko at wala namang naging problem doon dahil magaling din siyang humawak nito. Sobrang dami na ring order ang hindi ko naasikaso nitong mga nakaraang linggo dahil palagi akong nandito sa hospital at hinihintay siyang magising.

Dalawang buwan na rin simula noong huli kaming nagkita ni Caleb. Tinatapos niya 'yung mga naiwan niyang proyekto sa Isabela, habang sina August at Maxine naman ay madalang ang pagbisita sa akin.

I've already told them what happened that day. Medyo nagalit pa nga si Max dahil sa ginawa ni Eurie, pero naiintindihan niya naman ito.

Araw-araw kaming pumupunta ni tita Sandy sa malapit na simbahan, hindi kalayuan dito sa hospital na tinutuluyan niya. Palagi ko siyang ipinagdarasal na sana ay gumaling na siya at magising na.

Sana... magising na agad siya. Na-miss ko na nga iyong tawa niya, 'yung pangungulit niya sa aking tuwing pumupunta siya sa shop. Iyong araw-araw niyang pagdala sa akin ng pagkain sa tuwing nakakalimutan kong mag-agahan.

I softly chucked. "Magkaka-apo na po kayo, tita...hindi nga lang po sa akin," mahinang saad ko.

Truth be told, I'm not mad at Lexie or neither of them. Sadyang hindi ko lang matanggap na ganon ang nangyari. It's hard to accept it, yes, but I know deep inside that she regret everything she did.

She quickly held my hand and pressed it softly, like she always does when she's around us with Eurie and having a heart-to-heart talk. "Naiintindihan ko naman ang nangyari, Sol at lagi akong nagpapasalamat na naging parte ka ng buhay niya. You're always there for him, at sapat na iyon sa akin na makitang masaya siya at nahanap na niya talaga ang taong para sa kanya." There was a pinch of pain in her words at nauunawaan ko naman iyon.

Noong una ay medyo hindi pa tanggap ni tita Sandy ang nangyari
dahil nga biglaan ito at hindi niya naman inaasahan ang gano'ng balita, but she always understood everything. Mahinahon siya at mapagkumbaba, gano'n din si tito Rei.

They've been a good but not a perfect parents to Eurie, pero alam kong sa tingin pa lang nila ay nauunawaan nila ang sitwasyon.

Bigla tumunog ang cellphone ko at naudlot ang masayang usapan namin ni tita Sandy. Bumaba rin muna ito para bumili ng pagkain sa labas dahil buong araw akong nanatili rito kasama si Eurie at hiindi na ako nakauwi pa sa amin.

Caleb:
Kamunsta? Anong balita tungkol kay Eurie? Gising na ba siya?

Soleil:
Hind pa rin pero malapit na raw sabi ng mga doctor base sa diagnosis nila sa kanya.

Ilang saglit lang ay nakita ko ang tatlong tuldok, tanda na nabasa na niya ang reply ko. Himala at hindi siya busy ngayon?

Kung hindi ako nagkakamali ay magkaiba ang time-zone naming dalawa dahil nasa Madrid siya.

Caleb:
I missed you, Sol.

Pagkatapos kong mabasa ang text niya ay halos tumalon ang puso ko. Kulang na lang ay mapaigtad ako sa gulat ng mabasa ito. Hindi ko alam kung humihinga pa ako sa dami ng nararamdaman ko ngayon dahil may bahid sa akin ng takot, kaba at... saya.

He's willing to fight for me, I knew it.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin naman nawawala ang nararamdaman niya para sa akin at umaasang babalik pa ako sa kanya.

Caleb:
I wanted to see you again. It's been two months... ang tagal na rin.

I tapped my phone and replied.

Soleil:
Madaling araw na diyan sa Madrid 'di ba, bakit gising ka pa?

Caleb:
I can't sleep. I'm thinking about you. Ikaw lang naman palagi ang laman ng isip ko kaya hirap akong makatulog ngayon.

Muling tumalon ang puso ko nang mabasa ang text niya. Bakit ba ganito ang epekto mo sa akin? Kahit malayo siya ramdam na ramdam ko pa rin ang presensya niya, it was as if my heart was always longing for him.

Soleil:
Sira ka talaga! Matulog ka na nga.

I put my phone down and continued what I was doing. Habang nag-aayos ako ng mga gamit ni Eurie ay napabaling ang atensyon ko sa cellphone nang tumunog ulit ito.

I heaved a sigh and opened it.

Caleb:
I'll sleep. Alam ko namang ikaw pa rin ang makikita ko sa panaginip ko.

Napakagat ako ng ibabang labi. Halos maglaro sa tiyan ko ang mga paro-paro at hindi ko naman ito napigilan. Agad kong inilapat ang daliri sa phone at nagtipa.

Soleil:
Sweet dreams :⁠-⁠)

Pagkatapos kong magligpit ay nagpaalam na ako kay tito Rei na babalik ako sa shop, kaya siya na muna ang magbabantay sa lalaki. Dalawang tao lang kasi talaga ang pwedeng pumasok sa loob ng ward
kaya nasa labas ngayon si tito.

"Mauna na po ako, tito Rei," paalam ko bago tinungo ang sarili sa tapat ng elevator.

Nang makabalik sa shop ay sumalubong naman sa akin si Jina na abalang nagpapalit ng mga cups. Nakasuot siya ng apron at hairnet na para bang isa siya sa mga empleyado namin dito. Kulang na lang talaga ay sahuran ko na rin siya sa sobrang sipag niya rito.

"Wala ka bang flight ngayon?" bungad kong tanong. Ibinaba ko muna ang mga hawak kong gamit.

Tinanggal naman nito ang gloves niya bago dumaan sa gilid ng counter at hinarap ako. "Sa susunod na araw pa ang flight namin. Wala rin naman akong gagawin sa bahay kaya gumawi na ako rito. Alam ko namang busy ka kay Eurie," wika niya.

"Ang sipag nga niyan, ma'am Sol," hirit naman ni Luke habang abalang naglilinis ng lamesa. "Mukhang gusto ka na atang palitan." Malakas itong tumawa nang samaan siya ng tingin ni Jina.

"Tse! Maghanap ka nga ng kausap mo. Araw-araw mo na lang ako binubwisit," anas ni Jina.

"Biro lang. Sungit." Ngumuso naman ang lalaki sa kanya at bumalik sa ginagawa nito. Nahuli ko pa nga ang pahapyaw na pagtaas ng gilid sa labi ng lalaki na agad din namang nawala nang bumalik ito sa counter.

Naalala ko na ganyan din kami kung mag-away ni Caleb, animo'y mga aso't pusa. I still vividly remember when we were six years old, enjoying our youth under the blue sky, even as the rain poured down. We would stomp around, splashing each other with water that is coming from the pipe in the roof of our neighbor.

While laughing and shouting, our arguments were forgotten in the joy of the moment. Those were simple fleeting moments where our biggest problmes were who could make the biggest splash and who would get soaked first.

Kinabukasan ay gano'n pa rin ang naging routine ko-dadalaw kay Eurie, babalik sa shop, uuwi ng pagod at gigising ulit ng maaga para maghanda. Ramdam ko na nga ang pagod sa katawan pero hindi pa rin ako sunusuko.

"Taray! Most highest sales ang Midnight Cafe."

Pagpasok ko pa lang sa shop ay bumungad na sa akin ang mga nakangiting staff ko at binati ako.

More than five-thousand orders na ang nakukuha namin araw-araw at hindi pa kasama roon ang mga um-order online. Nang makita ko pa ang sales namin sa online ngayong buwan ay mas lalo akong nalula sa mga numerong nakita ko.

Lampas na ito sa inaasahan kong sales ngayong taon, and I should be grateful for that. Kung hindi dahil sa mga taong nakapaligid na humihila sa akin pataaas ay hindi ko maabot ang natatamasa ko ngayon.

My success is their success too!

I chuckled. "Magpagawa na ba ako ng bagong branch?" suhestiyon ko. "Mukhang hindi na kaya ng isang branch ang dami ng pumupunta sa shop natin." My smile grew wider and I couldn't help the joy that I was feeling right now.

I sighed silently. Proud na proud si nanay niyan kung makikita niya lang ang lahat ng pinaghirapan ko.

Sapat naman na ang pera ko para makapagpatayo ako ng panibagong Cafe at gusto ko iyong lugar na hindi kalayuan sa mga eskwelahan para nabibisita rin ng mga estudyante ang shop namin, bukod kasi sa Cafe ay pwede rin gawing tambayan ang second floor namin dito at punong-puno pa ito ng mga librong pwede nilang basahin ng libre.

"Oo, 'tapos ako ang kuhain mo akong manager do'n," biro pa ni Jina. Sinabayan ko naman ang kanyang pagtawa.

Pinangarap niya rin na magkaroon ng malagong negosyo bukod sa pagiging isang flight attendant-mukhang sa kanya ko pa nga mapapamana itong shop dahil magaling siyang mag-handle, lalo na sa mga matapobreng customers.

"Sol!" Nahimigan ko ang malakas na sigaw ni Lexie. Nang pumasok ito ay aligaga siyang umupo sa tabi ko nang may malawak na ngiti.

"Oh, ano lumabas na ba 'yung result sa bar exam mo?" Nakangiti kong tanong, halatang nag-aabang rin ako. Nang maipakita niya sa amin ang resulta na inilapag sa isang facebook page ay halos manlaki ang mata namin sa gulat at napatakip na lang ako ng bibig.

Supreme Court of the Philippines
Manila
202x Bar Examinations

1st Place Arellano, Ezikiel Grande Torres-University of the Philippines- 90.8083

2nd Place Del Valle, Lexie Jazrine Ynares-University of the Philippines- 89.8081

3rd Place Gomez, Luigi Nico Paraños-University of the Philippines- 89.8080

Niyakap ko siya nang mahigpit pagkatapos kong makita ang pangalan niya sa ikalawang bahagi ng listahan. Hindi na nito napigilan pa na maiyak sa saya dahil kahit may malaki siyang responsibilidad na dala ay nakayanan niya pa rin ang lahat.

"Congrats!" pagbati namin sa kanya. "Let's celebrate. Libre ko na!" I beamed at them.

Dahil hapon na rin naman ay naisipan kong isara ng maaga ang shop para mai-celebrate namin ang pagiging attorney ni Lexie. Isinama ko na rin ang lahat ng staffs para naman makapag-enjoy sila ngayong araw.

"Taray, Ms. Attorney Del Valle. May maipagmamalaki na niyan si Eurie," saad ni Jina, her eyes sparkling with pride.

"Salamat sa inyo, lalo na sa 'yo, Sol," Jina continued, turning her gaze towards me with a warm smile. I returned her a sweet smile. Itinaas ko ang kopita na may lamang alak.

"Cheers, guys!" I exclaimed, my voice filled with joy and gratitude. "Para kay Attorney Del Valle!"

"Para kay Attorney!" they all echoed in unison, lifting their glasses high.

We clinked our glasses together, the sound of celebration filling the air. The room was alive with laughter and camaraderie.

This was not just a celebration of her achievement as an attorney, but also for the support and love that she carried me through our friendship.

Iyon ang hindi maipagpapalit ng kahit na anong halaga-'yung pinagsahaman namin na hinding-hindi mapipiglas ng kahit na sino.

❛━━━━━━•(🌸)•━━━━━━❜

ABALA AKONG NAGPA-PACK NG MGA um-order online at napatigil na lang ako nang tumunog ang phone ko. Nakita kong pangalan ni tita Sandy kaya agad kong sinagot ang tawag niya.

"Tita, napatawag po kayo?" bungad kong sabi.

"Sol, gising na si Eurie," balita sa akin ni tita Cindy. "Pagmulat niya pa lang ay ikaw na ang hinahanap niya."

My eyes quickly widened in surprise. Mabuti naman at gising na siya! I can't wait see him.

"Jina, ikaw na muna ang bahala rito," nagmamadali kong sambit.

Tumango naman ito sa akin at pinagpatuloy ang ginagawa ko. Mabilis kong kinuha ang tote bag saka lumabas ng shop at naghanap ng masasakyang taxi. Nagmadali akong pumunta sa hospital at halos mapunit na ang labi ko nang makita siyang gising na ulit.

"Sol..." he uttered.

Akala ko ay magiging malaki ang epekto ng aksidente nangyari sa memorya niya, pero buti na lang ay naaalala niya pa kami. Medyo paika-ika pa itong naglakad patungo sa akin at mahigpit akong niyakap.

Buong araw akong nagtagal sa hospital kasama ang pamilya niya, pati na si Lexie. Tatlong linggo pa nga akong pabalik-balik sa hospital dahil tinutulungan ko siyang magkaroon ng lakas na makapaglakad ulit.

His progress after three weeks impressed me. The doctor immediately discharge him dahil magaling na ito at kaya niya na ang kanyang sarili.

Nakabalik na ulit siya sa kanyang pagtatrabaho at naging magaan na ulit ang samahan namin.

Kahit na naging masakit sa kanya ang nangyari noon ay nagkaroon siya ng lakas para ipaliwanag ang nangyari at humingi ito ng tawad sa nagawa niya. Tuwang-tuwa naman siya nang makitang malaki na ang tiyan ni Lexie at ilang buwan na nga lang ay manganganak na rin ito.

Nangako pa kami sa isa't-isa na magiging ninang kami ng magiging anak namin, pero mukhang matagal pa bago ako magkaroon ng anak dahil gusto ko muna na maikasal ako sa taong mahal ko.

Nagtataka naman si Eurie dahil hindi na niya ulit nakikita si Caleb na pumupunta sa shop. Wala itong ka-alam-alam sa mga nangyari sa amin kaya ipinaliwanag ko na sa kanya. Ang huling pagkikita kasi nilang dalawa ay noong gabing nag-away kami rito sa shop.

"Nasa Madrid siya ngayon. May project kasi silang tinatapos ni Architect Juarez," sabi ko. "Baka hindi na rin muna siya makabalik dito agad dahil marami pa siyang on-going projects doon."

"For good?" he asked.

Kumibit-balikat ako. "Ewan, hindi rin ako sigurado eh...hindi na kasi siya nagpaparamdam at wala na akong nakuhang text sa kanya simula noong huli kaming nag-usap." May bahid ng kirot sa puso ko nang sambitin ito.

Alam kong totoo ang nararamdaman ko para sa kanya, pero sa mga taong lumipas ay mas napagtanto ko na kahut sino pang lumampas na lalaki sa buhay ko ay siya pa rin ang sinisigaw ng puso ko.

One month had passed, yet I didn't received a text or call from him. Sinubukan ko pang makibalita kina August at Maxine pero wala rin silang alam. Hindi rin kasi nagpaparamdam si Caleb sa kanila pagkatapos ng project nito sa Isabela.

"Una na kami, Sol!" paalam sa akin ni Eurie. Inalalayan niya naman sa paglabas kasama si Lexie.

Muling bumalik sa isip ko ang sinabi niya kanina at mas lalong pumintig ang puso ko.

"Chase him... don't lose the chance, Sol. Ikaw lang ang mahal niya. I'm sure he's just waiting for the right time to tell you, at gagawin niya ang lahat para bumalik ka lang sa kanya. He's all yours..." There was a long silence between us-like the fire that is burning is slowly hushing down to air.

"If you love him, you owe it to yourself to try again... huwag mo siyang sukuan. Keep the fire burning."

I felt a lump forming in my throat as I tried to process what he had said. Kung mahal niya nga ako, bakit hindi na siya nagparamdam pa ulit sa akin?

Until now, I'm waiting for him to appear, standing in front of the shop while smiling at me and waiting, pero... imahinasyon ko lang iyon.

Every day, I glance out the window, half-expecting to see his familiar figure, but he was nowhere to be found.

I mentally laughed. Akala ko ba hindi mo na siya mahal? Bakit umaasa ka pa na babalik siya?

I sigh heavily. I shrugged my head to focus my attention. Napabaling ang tingin ko sa dalawang tao na pumasok habang nililinis ko ang baso, pero noong lumapit ang babae sa counter ay napatigil ako.

Nang magtagpo ang tingin naming dalawa ay tumahip ang dibdib ko sa kaba kasabay ng panlalaki ng mga mata ko. Nalaglag pa ang panga ko sa gulat at ilang segundo na natulala sa harap niya.

She's back.

"S-Sam..." I uttered her name.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top