Chapter 35

"N-nurse... si Alexander Eurie Lopez po?" nanginginig ang boses ko nang magtanong sa nurse.

Kalahating oras din ang itinagal bago kami nakarating ni Caleb dito. Buti na lang ay naabutan ko pa siyang nakaparada sa tapat ng shop namin kaya agad ko siyang ginising at sinabi ang nangyari kay Eurie.

Tumakbo kami agad papuntang emergency room pagkatapos magtanong sa nurse at hinanap ko ang lalaki. Napakagat na akng ako sa ibabang labi dahil sa labis na pag-aalala.

Halo-halo na ang bumabagabag sa isip ko ngayon at hindi ko na alam kung paano makakapag-isip ng maayos. Kung hindi sana kami nagkagulo kanina ay hindi mangyayari ito. Ayoko pang mawala si Eurie at hindi ko kakayanin kung may mangyari sa kanya-hindi kaya ng konsensiya ko na may lamat sa aming dalawa.

"S-Sol!" Nahimigan ko ang boses ng babaeng tumawag sa akin, at paglingon ko ay mabilis akong niyakap ni Lexie nang mahigpit. "Si... Eurie, nag-aagaw buhay."

Humagulgol na lang siya habang yakap-yakap ako. Pati ako ay halos manghina ang mga tuhod dahil sa mga sinabi niya. Napako ang aking atensyon sa lalaki habang abalang-abala ang dalawang nurse at
isang doktor sa harapan namin.

"Eurie..." I sobbed.

They are trying to revive him, and when I glared at the screen of his vitals I saw how it became irregular at mas lalo itong bumabagsak at humihina. Nakita ko ang mga bakas ng dugo sa katawan niya na lalong ikinahina ng tuhod ko, I almost fainted. Para akong aatakihin habang pinagmamasdan ang lalaki.

Tumindi pa ang kaba sa dibdib ko at mariin na napahawak sa aking damit.

"Please... save him," I mumbled. I pursed my lips as hard as I can.

Ilang ulit akong nagdasal habang ibinibigkas ito sa isip ko. Bawat segundo ay tila napakabagal at sa bawat pintig ng puso ko ay hindi mawawala ang magkahalong kaba at pag-aalala. Pinaliwanag sa akin ni Jina ang nangyari kanina habang nasa kotse ako ni Caleb at papunta rito sa hospital.

Nakipag-basag-ulo raw ito sa mga lalaking nasa bar na nauwi sa away, at nung sinubukan niyang habulin iyong lalaki gamit ang sasakyan niya ay matinis ang pagpapatakbo nito at walang pakialam sa kalsada hanggang sa bumangga ang isang truck na dahilan ng aksidente niya, pati na iyong taong hinahabol niya.

'Yung lalaki na kinilalang Yuan at 'yung nagmamaneho ng truck ay dead on arrival. At ngayon... nag-aagaw buhay naman si Eurie.

Hindi naging maganda ang nangyari kanina at mas lalong hindi kakayanin ng puso ko kung may mangyri sa kanya.

"H-hindi ko kakayanin, Sol, please..." sambit sa akin ni Lexie. "Ayokong lumaki ng w-walang ama ang anak ko." Napayuko na lang ito at marahan niyang pinisil ang kamay ko.

I sobbed hard. "He will be fine...hindi niya tayo iiwan."

Kahit na nanghihina ako sa mga oras na ito ay nagkaroon pa rin ako ng lakas dahil alam kong hindi mabilis sumuko ang lalaki at dapat gano'n din ako. Ayaw niyang nakikita akong nasasaktan, inaapi, o kahit isang luha pa na pumatak sa mata ko na agad niyang pinapawi.

He became my comfort for the past three years at sa bawat araw na nagdaan ay pinaparamdam niya sa akin kung gaano ako kahalaga. I bloomed and became the best version of myself because of him.

He became my sun...aking dilaw sa madilim na paligid.

Tumutulo pa ang mga luha niya habang nakaluhod sa akin. Nakaupo lang ako sa kanyang harapan habang katabi ko naman si Jina.

Sinisisi ko ang sarili ko dahil sa nangyari kay Eurie. King hindi kami nag-away kanina at nagkasagutan, hindi ito hahantong sa ganitong kalalang pangyayari.

"Go home, Caleb. Ako na ang bahala kay Eurie," I muttered, my voice barely above a whisper. "I'll just wait for him to wake. K-kaya ko na ang sarili ko." I looked away, unable to meet his eyes as I felt the tears welling up again.

Caleb stepped closer, concern etched on his face. "Are you sure?" he asked gently, his hand reaching out to touch my arm.

"You don't have to do this alone. N-nandito naman kami...we won't leave him."

"Hindi ka na namin kailangan dito... umalis ka na, please..." I mumbled, my voice trembing as I stared in his teary eyes.

"K-kaya ko naman manatili rito, I'll make an excuse para hindi agad ako makabalik sa Isabela," wika niya, bakas sa boses ang pag-aalala.

Ang kaninang nanumubig kong mga mata ay tuluyang umagos pababa.

Malalim akong huminga bago ipinako ang tingin sa lalaki. "J-just...leave, please..."

Habang paalis ang lalaki ay hindi ko na ito tinapuna ng tingin. Ioang saglit pa ay umupo sa tabi ko si Lexie.

"Matatagalan pa raw na pumunta sila tita. Nasa cebu sila ngayon at nag-book na papuntang Manila," balita niya sa akin. "Pinaliwanag ko na ang lahat ng nangyari kay tita para mabawasan ang pag-aalala niya... Eurie is safe now."

Sa mga oras na ito, para akong nabunutan ng tinik at gumaan ang dala-dala kong mabigat na pag-aalala at takot sa aking dibdib. Kahit gano'n pa man ay may kaunti pa rin kaming kaba dahil sa sinabi ng doktor kay Lexie.

"Masyado raw malakas ang impact sa aksidenteng nangyari kaya... nagkaroon siya ng Intracerebral hemorrhage at naapektuhan ang tissues ng utak niya," pahayag naman ni Jina.

"The chance of survival after a brain bleed depends on the severity of the bleed in his brain, but we will do our best as soon as the treatment start." Iyan pa ang sabi sa amin ng doktor nang makalabas ito.

Hindi naman daw gaano naapektuhan ang utak niya pero kailangan pa rin siyang i-monitor araw-araw kung may magbabago sa lagay niya. At kapag lumala raw ito, kailangan na siyang operahan agad.

They already checked everything at ililipat na siya sa isang private ward bukas. Hindi naman ako makakapaghintay pa kaya kailangan kong manatili rito.

I'll wait for him until he wakes up at hindi ko siya iiwan rito. Gusto ko na ako ang una niyang masilayan kapag nagising siya.

Napatayo ako nang makitang papalapit sa kinaroroonan namin ang magulang ni Eurie at bakas ang hinagpis at lungkot sa mga mukha nila. Namumugto pa ang mga mata ni tita habang pinupunasan ang luha niya.

"T-Tita, okay na po si Eurie," saad ko. I know that I'm not good at comforting other people but that's the least thing that I can say right now.

Si Lexie na ang kumausap sa kanila dahil hindi ko na kaya pang magsalita. Siya na rin ang nagsabi tungkol sa ibinigay na detalye ng
doktor sa amin tungkol sa kalagayan ni Eurie.

Nauna nang umuwi si Jina sa akin dahil may trabaho pa ito bukas, kaya kaming dalawa na ni Lexie ang nag-asikaso kina tito at tita.

Nanuluyan muna sila sa amin para makapagpahinga sila dahil mahaba ang naging biyahe nila papunta rito. Habang ako ay pilit na nanatili sa hospital dahil gustong-gusto ko ng makita ang lalaki.

Nagpalipas ako buong magdamag at hinintay itong mailipat sa private ward. Halos hindi ko na nga namalayan ang oras, pero hindi na iyon mahalaga pa. Kaunting oras lang din naman ang naitulog ko pero halatang-halata ang pagbagsak ng talukap ko habang hinihintay ang lalaki.

"Lexie, nailipat na si Eurie," pagpapaalam ko sa kanya. Sinabi niya naman ito kina tito at tita. Mayamaya lang ay nandito na rin sila.

Nang makalabas ang doktor ay ngumiti ako at binati ito, gaya ko ay parang wala ring tulog ang mga doktor at nurse dito dahil bakas na bakas ang eye bags sa kanilang mga mata.

Mabilis akong pumasok sa silid at nakita kong nakahimlay ang lalaki na walang malay. I quickly caressed his hand softly, my eyes darting over his still form. His face was pale, and the steady beeping of the monitors was the only sound in the room.

"I'm here, and I won't leave your side," I whispered, my voice trembling. "Dito lang ako sa tabi mo...I'll wait for you, Eurie." Napakagat ako sa ibabang labi habang tinitingnan ang kalagayan ng lalaki.

Isinandal ko muna ang sarili dahil babagsak na ang talukap ng mga mata ko. Nakayapos pa rin ang kamay ko sa kanya habang ginagamit kong unan ang aking kamay.

Ipinikit ko muna ang mata ko at ilang sandali pa ay napalalim na ang aking pagtulog sa tabi niya. Naramdaman ko pa ang luhang kumawala sa mata pero binalewala ko lang iyon.

Naramdaman ko na lang na may tumatapik sa balikat ko at nang imulat ko ang mata ko ay bumungad sa akin ang nakangiting si Lexie, tulad ko ay halos mugto rin ang mata niya pero humupa naman na ang

sa akin. Mukhang hindi siya nakatulog ng maayos kagabi.

"Sol, kami na muna ang bahala sa kanya. Alam kong pagod ka rin gaya namin," wika ni tita nang pumasok itong may bitbit na isang plastik na puno ng prutas.

"Sige na, Sol. Umuwi ka muna," aniya ni Lexie.

"Salamat sa pagbabantay, Soleil. Hayaan mo, tatawagan ka agad namin kapag nagising siya," saad naman ni tito Rei sa akin.

"Huwag mo rin pa kang kalimutan ito hija, binilhan na rin kita biglang pasasalamat." Inabot naman sa akin ni tita Sandy ang mga prutas at tinanggap ko iyon.

Wala naman na akong nagawa kung hindi umuwi muna dahil medyo naamoy ko na rin ang sarili ko kaya kailangan ko munang maligo at magpalit ng damit Dalawang araw ko na yata itong suot.

"Sige po tita, tito, mauna na po muna ako," paalam ko. Napagawi naman ang tingin ko sa babae na saktong nakatingin sa akin.

"Text mo na lang ako kapag may kailangan ka, Lexie." Tipid akong ngumiti.

Tumango naman ito sa akin at ngumiti rin bago ako lumabas ng silid. Nang makauwi ako ay sinalubong ako ni nanay Amelia. Inalok niya pa akong kumain pero agad din naman akong tumanggi at dumeretso na patungo sa kuwarto ko.

Ilang beses pa akong napahikab at kahit uminom pa ako ngayon ng kape ay mukhnag hindi na rin ito tatalab dahil nang maramdaman pa lang ng katawan ko ang lambot at lamig ng kama ay parang ayaw ko ng tumayo.

Dahan-dahan nang bunabagsak ang talukap ko at mukhang hindi pa sapat ang naging pagtulog ko kanina. Pagtapos kong tanggalin ang sapatos ko ay biglang tumunog ang cellphone ko, pero dahil sa nararamdaman kong antok ngayon ay binalewala ko lang ito at hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako ulit.

❛━━━━━━•(🌸)•━━━━━━❜

NANG MAIMULAT KO ANG MATA KO ay naaninag ko ng isang pigura ng lalaki sa harapan ko. His face was close to me and I could feel his warm breathe. Marahan nitong hinaplos ang buhok ko bago nagpakawala ng isang ngiti. Anong ginagawa niya rito?

I sighed. "Kanina ka pa ba diyan?" tanong ko. Kanina pa siguro siya nandito at pinagmamasdan ako matulog.

Bakit naman wala siyang pasabi na pupunta pala soya rito?

At isa pa, hindi ba dapat nasa Isabela siya ngayon? "I don't want to wake you up, mukhang maganda kasi ang panaginip mo kaya mahimbing ang tulog mo," pagdadahilan niya. Nakita ko pang sumilay ang ngisi sa labi niya na agad din namang nawala.

Napairap naman ako pero agad din na nawala ang pagsusumgit ko nang makita ang maraming pagkain na nakahanda. Nakalagay pa ito sa mga tupperware at sigurado akong lagot na naman siya kay tita dahil kinuha niya ang mga lalagyan nito.

"Hindi ka naman nagpasabi na pupunta ka pala rito," sungit kong sabi.

He softly chuckled. "So sobrang himbing ng tulog mo, hindi mo na yata namalayan na nag-text at tumawag ako sa 'yo," sagot niya.

Napakunot-noo ako at mabilis na kinuha ang cellphone para tinginan iyon kung totoo ba ang sinasabi niya. I sighed heavily when I saw his two text and thirty-seven missed calls.

Bigla naman nitong hinablot ang cellphone ko kaya masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya. Binabasa ko pa 'yung text niya bigla inagaw, loko-loko talaga!

"Ibalik mo nga 'yan!" asik ko at mas lalong nagsalubong ang makakapal kong kilay.

"Kumain ka muna. Lagi ka na lang nalilipasan ng gutom... you also need to take care of yourself, mukha ka ng zombie," pang-aasar niya pa na may halong pag-aalala.

Bahagyang umawang ang labi ko sa sinabi niya. I bit my lower lip trying not to smile in front of him. Hindi naman niya ito napansin dahil abala siya sa hawak niya.

I mentally laughed. Mukha na ba talaga akong zombie? Dalawang araw lang naman akong walang tulog pero para na akong sumabak sa giyera.

"Dinner in bed," saad niya at ngumuso pa. "Sabay na tayong kumain dalawa at gutom na rin ako."

Tiningnan ko lang siya bago nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Hindi na ako nagsalita pa nang iabot niya sa akin ang pagkain at mabilis kong binuksan ang tupperware dahil kumakalam na rin ang sikmura ko.

"Nga pala, si Jina muna raw ang bahala sa shop mo habang busy

kang binabantayan si Eurie. She'll take care of everything, kaya huwag ng mag-alala pa," mahinhin nitong sambit pagkatapong niyang ng kanin.

"Ikaw, hindi ba't may project ka pa?" tanong ko.

He slowly nodded. "Yeah, kailangan ko na rin makauwi sa Isabela bukas. Mamaya na ang biyahe ko papunta ro'n kaya huling kain ko na ito kasama mo," aniya. "Baka kasi hindi na maulit..."

I chuckled. "Loko! Parang gusto mo na atang sumakabilang-buhay agad."

"I'm just saying though..." His voice trailed off. Mahinang tumawa ang lalaki bago muling sumubo sa kanyang kinakain.

Pagkatapos naming kumain ay hindi na rin nagtagal ang lalaki dahil baka abutan pa soya nang araw bago makabalik sa Isabela.

"Bye, ingat ka," sabi ko at kumaway sa kanya. Hindi na kami nagkaroon pa ng oras para makapag-usap dalawa dahil nagmamadali na rin itong umalis.

Mukhang mapapagalitan pa ata siya dahil siya na lang ang hinihintay roon sa Isabela. After I closed the door, I quickly rushed to get back in my room pero bago pa ako makapasok ay napahinto ako.

I just came to a halt and remembered that the flower already died that day. Hindi na tuluyang naalagaan, nadiligan at walang sinag ng araw ang tumama rito na magbibigay sa kanya ng lakas para mabuhay pa.

Unti-unti itong natuyot at nanghina hanggang sa hindi na niya kaya pang mamulaklak ulit, at ang mga talulot nito ay isa-isang bumagsak sa lupa, tanda na ito ay tuluyan ng namatay.

Parang tinanggalan ko agad siya tiyansang sumibol at lumago na isang magandang bulaklak.

I just remembered the harsh word I said to him last night. May kirot pa rin sa puso ko dahil alam kong nasaktan ko siya sa ginawa ko.

"I don't need you, Caleb. Huwag kang umasta na may tiyansa pa akong bumalik sa 'yo. I'm not the Sol you've fallen in love with," mariin kong sabi. "Hindi na ako si Soleil na kaya mong paikutin sa mga salita mo. I'm not desperate like you, so stop being nice to me like nothing happened."

Pagkatapos kong sabihin iyon ay halos bumakas ang pagkadurog sa mga mata niya at parang nabuhusan ito ng malamig na tubig. Kitang-kita ko kung paano siya dahan-dahang lumayo sa akin na may bigat sa kanyang dibdib.

He didn't utter a word or plead again; I just left him alone. It hurts, but at least he knew where he needed to set the boundaries between us.

As I walked away that night, there's a mix of relief and sadness washed over me. Masyado ng naging magulo ang lahat at sa oras na iyon ay hindi ko na alam kung sino pa ang dapat kong pagkatiwalaan sa kanilang lahat.

Sometimes, I need to walked away from them to realize that everything is bound by the trust and love they give-for us to know who's worth fighting for.

But I know, he'll surely fight for me.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top