Chapter 32

My tears began to fall down my face as my lips curved into a thin smile. After hearing those words from him, a whirlwind of emotions wrapped around me.

"Sa sobrang tagal ko rito sa Maynila..." I whispered, my voice trembling."Hindi ko aakalain na nandito rin pala nakatirik ang puntod ni nanay."

The realization hit me hard, bringing with it a mix of sadness and unexpected comfort, knowing that she had been close all along.

Wala akong ka-alam-alam noon kung nasaan siya dahil matagal na itinago ng ama ko ang tungkol dito at wala na rin akong balita tungkol sa kanila—lalo na kay Andrew, my step brother.

Tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha sa mata ko nang bumalik lahat ng masasakit na nangyari noon.

Did I really moved on? Nakalimot na nga ba ako sa bangungot na matagal ko ng binubura sa buhay ko?

"Sol, umuwi kana, please..."mahinang sambit ni Andrew. "Kapag nakita ka pa ni mommy, baka mag-eskandalo na naman sila."

"G-gusto ko lang naman makita si nanay, Andrew," pagsusumamo ko.

"B-bakit kung kailan wala na siya saka niya ipagkakait sa akin si nanay?" Mas lalo akong naluha habang sinasambit iyon sa harap niya.

Nakaabang lang ako sa gate nila buong araw. Kahit ang guard ay bakas ang awa sa mga mata niya, pero baka pati siya ay mawalan ng trabaho dahil sa pangungulit ko na makapasok sa bahay nila Andrew.

"Ma'am, hindi po talaga kayo pinahihintulutan na pumasok. Huwag na po kayong pumilit at baka magwala na naman po ang amo ko," aniya niya at marahang hinawakan ang kamay ko palayo sa gate.

Tumila na ang ulan at basang-basa na rin ang damit na suot ko. Dala-dala ko pa ang damit na binili ko para kay nanay.

Sa bawat paglanghap ko nito ay nararamdaman kong nasa tabi ko lang siya. Napahawak ako ng mahigpit sa bestida niya habang tintingnan ng masama si Andrew.

"I hope he gets the karma he deserved," mariin kong sabi. "He's no longer my father."

He never stood to be a father—not once, and will never be.

Noong panahon na halos maghirap si nanay para buhayin ako at ikayod ang pag-aaral ko, hindi ko nakita ang anino niya kahit gaano pa kasikat ang araw o kaliwanag ang buwan sa gabi.

He's an abusive, manipulative, and narcissistic father figure that no one would ever want to have. I'd rather not have a father at all than endure the hell I go through with him every single day.

Alak. Bisyo. Sugal.

Those are the definitions of his life back then, and even now, he hasn't changed. Parang anino ng buwan ito sa buhay niya na kahit anong gawin niya ay hindi na maalis pa sa katawang lupa niya.

Sa huli, umuwi akong luhaan at mag-isa. Ang tanging yumayakap lang sa akin sa madilim na gabi ay ang malamig na hangin na dumadapo sa balat ko.

With a heavy sigh, I closed my eyes, wishing that everything was just a nightmare.

Naramdaman ko na lang ang marahang paghaplos ni Caleb sa balikat ko at hindi ko pa rin maalis ang tingin sa puntod ni nanay.

"Nay..." I bit my lower lip as hard as I could to stop the tears from flowing down my cheeks. "Nandito na ako, oh... nandito na si Sol." My lips trembled while I tried to smile, the effort to hold back my sobs making my voice shake.

I knelt beside her grave, my fingers tracing the engraved letters of her name on the headstone. The cool marble felt both comforting and distant.

"Matagal kitang hinanap, Nay. Hindi ko alam na sa Maynila lang pala kita matatagpuan," I whispered, my voice breaking. "Pasensya na kung natagalan ako..." I laughed with tears, even though I know that my heart is heavy, I still manage to say it.

"Umuulan na, Sol..." Caleb said softly, his voice barely audible over the sound of the raindrops beginning to fall.

I didn't feel the rain as it started to dampen my skin. The cold, wet sensation was overshadowed by the heaviness in my chest. Ang tagal kong hinintay ang pagkakataon na makita siya, kahit alam kong nakahimlay na siya at namaalam na.

Kahit matagal na siyang wala, nararamdaman ko pa rin na palagi siyang nasa tabi ko at inaalalayan pa rin ako.

"Sumilong muna tayo," dagdag niya pa.

Bakas din sa mga mata niya ang lungkot nang magtama ang mata namin. Halata namang nauna pa siyang lumuha kaysa sa akin, pero alam kong magaling itong magtago lalo na kapag umiiyak ito.

Ayaw niya kasing nakikita siya ng iba na mahina. That's why he needs to conceal everything—just like what I always do. To always hide the pain even if it's not bearable to me.

Nang makahanap kami ng sisilungan ay sakto namang bumuhos ang malakas na ulan. Dumapo ang malamig na simoy ng hangin sa balat ko na nagpatayo ng mga balahibo sa aking lantarang braso.

My brows furrowed. Hindi ko naman ine-expect na uulan ngayon, wala man lang forecast ah.

"Suotin mo muna 'to," wika niya nang bumaling ako ng tingin sa mapungay niyang mata.

Mabilis niyang hinubad ang suot na denim jacket at ipinalupot nito nang buo sa aking katawan. Hindi naman alintana sa kanya ang malakas na ulan, kahit na halos mabasa ito.

Pinili niya pa rin na ibigay sa akin ang suot niya. Tuluyan nang nabasa ang buhok nito, kaya't hinawi niya ito na mas lalong nagpalitaw sa guwapo niyang hitsura.

Halos mapalunok ako ng madiin nang makita ang perpektong hugis ng kanyang mukha. His sharp jawline, deep-set hazel eyes, and kissable wet lips combined to his irresistible allure.

Just by his looks alone, he could easily captivate any woman. Making it clear how effortlessly he could draw others in with nothing more than his appearance. Isama mo pa ang dalawang lubog nitong dimples na lalong nagpapatunaw sa akin kapag ito'y ngumingiti.

Kahit gano'n pa man ay hindi pa rin ako nahuhulog sa kanya.

"Ang ganda mo pa rin kahit basang-basa ka na, Sol." Nahimigan ko ang baritonong bises ng lalaki kaya napagawi ang tingin ko sa kanya at hindi naman maitago ang ngiti sa labi niya.

I pouted. "Maganda ka diyan! Mukha na nga ako basang sisiw eh," anas ko. Buhod sa buhok at braso ay medyo basa na nga rin ang mukha ko tulad niya.

Ang liit kasi ng sinilungan namin tapos wala pang pwedeng matakbuhan agad na masisilungan. Wala rin pa lang silbi ang jacket niya at mas naulanan lang ako.

Sayang pa naman ang make-up ko! Nahulas tuloy ako ng wala sa oras. Okay lang naman sa akin dahil maganda pa rin naman ako.

"You're still beautiful, though..." hirit niya pa at mahinang tumawa.

I bit my lower lips, trying not to burst the butterfly in my stomach.

Bakit ba kapag siya ang nagsasabi sa akin ng ganyan ay mabilis akong nahuhulog at nanghihina? Pero kapag naririnig ko ito kay Eurie ay parang normal lang sa akin?

Hindi ko maitago ang ngiti ko sa harap niya. My smile tugged at the corners of my lips, but I quickly looked away, trying to maintain a serious expression.

Just then, out of nowhere, a sudden downpour of rain began, catching us off guard. He swiftly moved in front of me, shielding me from the splashes.

Napaangat na lang ako ng tingin sa lalaki. My eyes met his, and I felt my heart begin to thump faster than my usual heartbeat.

"B-baka mabasa ka..." he stammered in a low voice, yet it's audible that I quickly understood him. "Okay lang na ako ang magkasakit...huwag lang ikaw, Sol."

Sa bawat segundo na lumilipas ay naiintindihan ko na ang sinasabi ng mga mata niya mula pa kanina.

"Salamat, Caleb. Kung hindi dahil sa 'yo hindi ko mahahanap ang puntod ni—"

"I think... I'm not the one you should thank for," pangunguna niyang sagot ng putulin nito ang gusto kong sabihin.

I frowned. "Huh? H-hindi ba ikaw ang nagsabi sa akin kung nasaan ang puntod ni nanay?" Medyo naguluhan ako sa itinuran niya kaya may lalo akong napakunot-noo.

He nodded. "Ako nga, pero hindi ko rin malalaman iyon kung hindi sinabi sa akin ni Andrew. He was looking for you, pero dahil sinabi ko sa kanya na magkikita tayo, he immediately gave me the address," aniya.

Inilabas niya ang isang mallit at basang papel saka iniabot sa akin. Nang buksan ko ito ay tama nga ang address ng sementeryo jung nasaan kami ngayon.

"Nasaan si Andrew? Gusto ko siyang makita ngayon," saad ko at bakas ang pag-aligaga sa tono ng boses.

He sighed. "Hindi mo na siya maabutan, Sol. Nakaalis na siya papuntang Canada. Hindi na rin siya nakapagpaalam dahil baka mahuli siya sa flight niya."

Napalaglag balikat naman ako sa sinabi niya. Kung sana ay naabutan ko lang siya bago makaalis ay napasalamatan ko pa siya.

Nang tumila ang ulan ay ibinalik ko na sa kanya ang pinahiram niyang denim jacket. Hindi naman ito gaanong nabasa—kasi 'yung ulo ko ang basang-basa dahil sa mga talsik ng ulan pero hinayaan ko na lang ito.

"Tara na at baka gabihin pa tayo sa biyahe. Traffic pa naman ngayon," saad ko at nauna nang maglakad sa kanya.

Buti na lang ay hindi gaano kaputik ang dinaanan ko, pero bago pa man ako umalis ay saglit kong binalikan ang puntod ni nanay.

I smiled softly as I looked at her tombstone. "Bibisitahin kita ulit, Nay. Pangako po," mahinang sambit ko habang pinapahid ang luha sa aking pisngi. "Marami pa akong gustong ikwento sa inyo, Nay, at tiyak akong magugustuhan niyo ito... sa susunod na punta ko na lang po ulit."

Hinaplos ko ang malamig na bato ng kanyang lapida, pinaparamdam ang init ng aking palad kahit sa ganitong paraan man lang.

Napabuntong-hininga ako, pilit na pinapawi ang sakit na nararamdaman sa aking dibdib.

Just before I leave, I take a quick glance at her tombstone. Gustuhin ko mang manatili ng matagal sa puntod niya, kailangan ko nang umalis. Kinuha ko ang bulaklak na galing kay Caleb at marahang inilapag ito sa tabi ng kanyang lapida.

"You will always be my home—my flower of youth amidst the chaos and storms."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top