Chapter 31
"Baliw ka talaga! Bakit mo naman ginawa 'yun?" bulalas sa akin ni Jina nang makapasok kami sa shop.
Ikinuwento ko sa kanya ang nangyari sa amin ni Caleb noong gabi na 'yon, pero hindi ko na isinama pa ang nangyaring pambabastos sa akin dahil alam kong matindi sila kung mag-alala sa akin-lalo na si nanay Amelia.
I rolled my eyes after I put down my things. Hinarap ko naman ang babae pagkatapos bumuntong-hininga.
"Hayaan mo na siya, lilipas din 'yan at makakalimutan niya rin ako," saad ko at halata naman na labas sa butas ng ilong ko ang mga sinabing iyon.
Makakalimutan niya rin naman ako kung hindi na kami magkikita ulit at itutulak ko siya ng palayo sa akin. It's the best thing that I can do-to finally moved on to my life without them. Kahit alam kong pati ako ay masasaktan dahil sa gagawin ko.
I heaved a deep sigh. Bakit pa nga ba siya bumalik? Is it because he still loves me or he needs me again?
Hanggang ngayon ay hindi ko maintindihan kung bakit niya piniling pumasok ulit sa buhay ko. It was as if nothing happened, like those scars are just my dark imagination that can easily be erased.
I quickly shrugged my shoulders to sweep away my negative thoughts. Pinitik naman ng babae ang noo ko nang lumapit ito sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Tanga! Nakaukit na pangalan mo sa puso niyang lalaking 'yan, kaya pa'no ka niya makakalimutan agad, aber?" Jina muttered. "Atsaka, paano naman ang bebe Eurie mo? Hindi mo na ba talaga siya mahal? Basted na, gano'n?"
I let out a huge sigh. "Hindi ko na rin alam, Jina..." My voice trailed off. "Naguguluhan na ako kung anong susundin ko."
Mali ba na nagmahal ako ulit kahit na alam kong may tiyansang bumalik 'yung lalaking dumurog sa akin?
Napabuntong-hininga naman ang babae sa harapan ko. "Kung ako sa 'yo, mas maiging sabihin mo na agad kay Eurie na wala ka na talagang gusto sa kanya. Para hindi na siya umaasa pa na magkakabalikan ulit kayo. Break the chains at huwag mo ng patagalin pa," aniya. Tinapik niya pa ang balikat ko bago tuluyang buksan ang glass door ng shop.
Palihim na lang akong napakagat nang ibabang labi ng maalala ko ang nangyari sa amin ni Caleb no'ng gabi na 'yon.
"I know you're still mad at me-of course, I fucking hurt you, Sol. Mali ako na hindi kita pinagtutuunan ng pansin at binalewala ka noong panahon na kailangan mo ako. I'm blaming myself for everything because I lost you...and now, I'm still hoping for your forgiveness, pero mukhang malabo na 'yon..."
Isang linggo na ang nakalilipas pero hindi pa rin nagpaparamdam ang lalaki sa akin, kaya panay ang sulpot ni Eurie sa shop at walang kaagaw sa akin. Buti na nga lang ay wala si Lexie, kung hindi ay baka nabungangaan na naman siya nito dahil pabalik-balik siya.
Kahit may pasok kasi siya ay hindi niya nakakalimutan na daanan at kamustahin ako tuwing umaga, bago ko ibigay sa kanya ang order niyang kape.
Araw-araw na siyang bumibisita rito at kulang na lang ay dito na rin siya tumira sa shop namin. Kahit nga magsasara na ako ay nandito pa rin siya at tumutulong sa mga staff para maglinis at magligpit.
Halata namang bumabawi ito sa akin pero hindi niya kayang sabihin ito ng harapan.
"Still mad at me?" mahinhin na tanong sa akin ni Eurie habang nakaupo kaming dalawa at marahan niyang hinahaplos ang kamay ko.
I shook my head and smiled. "No, it's okay. Naiintindihan ko naman ang nangyari, Eurie. And I also appreciate everything you did for me," aniya ko. Alam kong hindi sapat ang pasasalamat ko sa kanya, but that's the least thing that I can do.
He chuckled softly, his eyes softening as he looked at me. "Lahat naman ay gagawin ko para sa 'yo, Sol... because I still love you. I still care for you. Ikaw pa rin naman ang pipiliin ko."
I scoffed, trying to hide the flutter in my chest. Para naman niyang binabaliw ang sistema ng puso at isip ko dahil sa sinabi niya.
"Baliw ka talaga!" I said, attempting to avert my gaze to avoid the awkwardness settling between us. But I could still hear his soft laugh, and it made my heart skip a beat.
He released his gentle hold on my hand, and for a moment, I felt the warmth slip away. Yet, despite my best efforts to maintain my composure, the sincerity in his eyes made it impossible to ignore the feelings I had buried for so long.
Kahit na sobra-sobra ang pagmamahal na binibigay at pinaramdam niya sa akin noong kami pa, natuldukan pa rin ang relasyon namin. It wasn't easy to let go, but I knew it was the right thing to do.
For me, it was the healthiest relationship I ever had. He was more than a boyfriend, more than a friend, and that is what made him unique.A green flag boyfriend that set my standard so high, yet the lines between us suddenly fall apart.
He understood me in ways no one else ever did, and that is what made our bond so special. The love he gave me was genuine and unconditional, and those memories will always hold a special place in my heart.
"Sol!"
Bigla namang may tumawag sa pangalan ko kaya napagawi ang tingin namin ni Eurie sa direksyon ng babae na kakapasok lang ng shop.
I smiled at her. Mabilis akong tumayo sa kinauupuan ko at mahigpit itong niyakap bago pa kami tuluyang maghiwalay ng landas at mukhang matagal pa kaming magkikita ulit.
"Ma-miss kita ng sobra," I mumbled and pouted. Isang linggo lang ang bakasyon dito ni Sarah kaya naman sinulit na niya ang pagpunta rito sa shop ko.
"Me too!" anas ni Jina.
I will surely miss her. Isa siya sa mga taong tumulong sa akin noong wala akong makapitan at siya iyong taong hindi nagdalawang-isip na ilahad ang kamay para tulungan ako.
Her tears began to stream down her cheeks. "I'm so proud of you, Sol. Just look at how far you've come. We used to dream of a better life, and now...your journey has led you to exactly where you deserved," she stated, her voice quivering. "I'll miss you... and I know we'll see each other again soon."
Muli niya akong niyakap ng mahigpit at hindi ko na rin napigilan ang nagbabadyang luha sa mata ko.
"Basta kapag kailangan mo ng makakausap nandito lang ako, ah. 'm always available no matter how busy I am," saad ko sa kanya.
"Salamat, Sol," nakangiting sagot niya. Nagpaalam na ito sa amin at tuluyang ng pumasok sa kotse ng boyfriend niya.
"Bye!" I muttered as I waved my hand.
Naluluha pa nga akong kumaway sa kanya habang palayo ang kotseng sinasakyan niya.
Nag-iwan na rin ako sa ng mga pabaon kong pastries na gustong-gusto niyang tikman.
Bago pa man ako pumasok sa shop ay nahimigan ko ang isang baritonong boses ng lalaki na pumukaw sa atensyon ko at nagpalingon sa akin. Nakita ko kung paano tumama ang sinag ng araw sa kanyang mukha. Halos natatakpan ng araw ang kalahati ng mukha nito kaya ginamit niya ang kanyang kaliwang kamay para takpan ito. Doon ko buong nasilayan ang nakakatunaw niyang hitsura at napatingala na
lang ako dahil sa tangkad ng lalaki na nasa harapan ko.
Si Caleb.
He softly held my hand. "Can we talk?"
Hindi ko alam pero parang may nag-udyok sa akin para kausapin siya at nakita ko na lang ang sarili ko na nakaupo ngayon sa loob ng shop at kaharap siya.
"Kita na lang mamaya, Sol," paalam ni Eurie at marahang tinapik ang balikat ko bago kunin ang dala nitong gamit.
Ngumiti ako sa kanya at tumango bago ito pumasok sa kotse niya. Agad ko namang ibinalik ang tingin sa lalaki at nang magtama ang mata namin ay mas lalong kumabog nang mabilis ang puso ko na animo'y tumatakbo ako ng ilang kilometro.
"I've been busy these days and...I tried to be available to see you. Pero dahil nakadestino pa rin ako sa Isabela, hindi agad kita mapuntahan," wika niya.
"Busy naman pala," sabat naman ni Jina nang ilapag niya ang dalawang mainit na cappuccino sa lamesa namin.
"Tsismosa ka talaga!" mahinang anas ko sa kanya pero ngumisi lang ito bago bumalik sa counter.
Muling bumalik ng tingin ko sa mga mata niya na tila may gustong sabihin sa akin, pero parang may pumipigil sa isip niya na gawin ito.
"Sol, I-I'm sorry," he stammered, his voice choked with emotion. "I know I don't deserve your love, not after everything that happened between us. The mistakes I've made, the hurt I've caused you, and the trust I shattered-"
"Kalimutan mo na lang 'yon, Caleb," mahinang sambit ko. "Nangyari na rin naman iyon, kaya wala na tayong magagawa pa...it's been seven years at dapat ibinabaon na lang natin ito sa limot."
He slowly nodded. "Right."
Napayuko naman ito sa harapan ko na parang malalim ang iniisip niya. Ilang segundo pang namayani ang katahimikan sa aming dalawa bago ko ito tuluyang binasag.
"Hindi ba't nakadestino ka sa Isabela? You drove here for hours para lang makita ulit ako?" I asked.
Ang odd naman kasi kung pumunta lang siya rito para kausapin ako kahit na may project siyang ginagawa ngayon, or so I thought?
Tumango naman itong nakangiti sa harapan ko. "Actually...hindi ako mag-isang pumunta rito ngayon at nagpasama lang ako dahil papunta ngayon si August dito sa Manila para bisitahin 'yung girlfriend niya."
"His girlfriend?" kunot-noo kong tanong.
He smiled again, but this time his eyes waved at the door like he's expecting someone to come. Nang idapo ko ang tingin sa direksyon ng pinto ay nanlaki ang mata ko ng makita ang babaeng kasama ni August.
She wore a simple red dress that perfectly complemented her skin tone. Parang walang pinagbago ang hitsura niya ngayon.
August, on the other hand, opted for a more casual look, donning well-fitted black pants, a crisp white shirt with his denim gray jacket paired with white shoes.
Nang pumasok ito sa shop ko ay bakas na ang pamumula sa mata niya at ang panginginig ng labi nito.
"It's been a while... Sol," saad ni Maxine.
Yeah, it's been seven years since the last time I saw her. Wala na akong naging balita sa kanya pagkatapos kong lumuwas ng Maynila. Wala rin siya sa isabela noong pumunta ako at dalawang araw nag-stay roon. Sinubukan ko pa nga na puntahan iyong dating tinitirhan niya para sana kamustahin siya, pero napag-alaman ko na matagal na pala siyang umalis sa bayan.
Pinaakyat ko muna sila sa ikalawang palapag para makapag-usap kami ng maayos.
Katabi ni August ang kanyang girlfriend sa mahabang couch, samantalang katapat ko naman na nakaupo si Caleb. Inakyatan na rin kami ni Jina ng maiinom at pinaubaya na nito sa mga staff ang mga dapat gawin.
"Anteh, uuna na 'ko," paalam ni Jina pagkatapos ilapag ang apron na suot niya.
"Ingat ka!" pahabol ko pa sa kanya bago ito tuluyang lumabas ng pinto at nginitian ako pag-alis.
Hindi na niya nakausap pa sina August at Max dahil nagmamadali na rin ito at mahuhuli pa siya sa trabaho niya.
Nang makaakyat ako ay agad naman akong sinalubong ni Maxine. Kagaya noon, mahinhin pa rin siya at hindi masyado nagsasalita.
"K-kamusta ka?" nauutal kong tanong, medyo kinakabahan ako dahil hindi ko naman inexpect ang pagbisita nila rito at mukhang biglaan pa.
"I'm better than before," she replied and roamed her eyes around. "I didn't expect na ganito kaganda ang shop mo, Sol!" Halatang-halata sa ngiti niya kung gaano siya kasaya na makita ulit ako.
"Medyo may kalumaan na rin ito pero naipa-renovate ko naman. This shop was actually a gift to me from my old friend," kwento ko. "Inayos ko na lang ang dapat ayusin para mapanatili pa rin 'yung ganda nito."
"It feels nice to see you again. Marami na rin ang nagbago pero... parang hindi kumupas ang ganda mo, Sol," she said, complimenting me with a warm smile.
Her eyes sparkled with genuine admiration, and for a moment, it felt as if no time had passed between us.
Marahan akong tumawa. "Ikaw rin, parang wala namang pinagbago sa 'yo," wika ko. Inayos ko ang pag-upo ko ng magtama ang tingin namin ni August.
Kanina pa tahimik ang dalawang lalaki sa tabi namin at nakikinig lang sa tawanan at usapan namin ni Maxine.
"Ang tagal na rin pala noong huli tayong nagkita 'noh?" Marahan kong inabot sa kanya ang isang tasang kape bago ako umupo.
She smiled and slowly nodded. "Oo nga. Atsaka, wala na akong balita sa 'yo simula noong malaman kong umalis ka na pala sa inyo..." Her voice trailed off. "I tried to contact you many times, pero deactivated na pala ang lahat ng social media mo. Nalaman ko na lang na nandito ka sa Maynila noong ikinuwento sa akin ni August itong shop mo." Napabaling ang tingin niya sa lalaki.
Sa totoo lang, hindi ko na masyado naalala ang nangyari sa amin noon. Dahil na rin siguro na mas pinili kong umusad sa buhay rito sa Maynila at kalimutan ang lahat tungkol sa kanila, pero ngayong nandito silang tatlo sa harapan ko, parang lahat ng alaala ko sa Isabela ay unti-unting bumabalik, kasama ang mga sakit na nangyari noong araw na 'yon.
August cleared his throat. "Sinabi lang din sa akin ni Caleb na nandito ka sa Manila, kaya nalaman ko ang shop mo."
Kung titingnan sa panlabas na anyo ay marami rin ang nagbago kay August. Kung dati ay isip-bata siya sa kung paano siya kumilos at magsalita, ibang bersyon naman ng katauhan ang kaharap ko ngayon.
He was more manly and composed, with a maturity that contrasted sharply with the youthful impulsiveness he once displayed when we were in highschool and college.
"I was the one who told them about your shop..." Caleb began, his voice trailing off as he noticed the discomfort in my expression when our eyes met. "I know you don't want to see them, but I thought it was important for them to know where you are. I understand if you're upset with me, b-but-" His words faltered as I gently cut him off.
"It's okay," I said softly and smiled, as if everything was fine for me. "The past won't hurt me, anyway. I've learned to accept what happened. Though, I appreciate you letting me know, even if it's not what I expected."
"So, ikaw lang mag-isa ang nagpapatakbo nitong shop?" tanong ni Maxine kaya napabaling ang tingin namin sa kanya. Tumayo pa siya para suriin ang paligid.
I quickly nodded. "No, may mga kinuha naman akong staff para sila na ang mag-asikaso ng lahat, pero para masigurado ko pa rin na maayos ang shop, ako na ang nag-handle sa ilang bagay rito." Nakita ko pa ang pagtango-tango niya, habang sinisipat ang buong paligid ng silid. "Still can't believe you achieved your mother's dream. Nasaan na pala si tita? I want to meet her."
Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanila ang lahat. Yes, they don't know anything about what happened in the past. Itinago ko ang pagkamatay ni nanay sa kanilang lahat at hindi ko na inungkat pa ang tungkol doon pagkatapos ng lahat.
Parang may bato sa lalamunan ko na hindi ko maintindihan. Alam kong kailangan ko itong sabihin sa harap nila. I've already moved-on and accepted everything that happened. I don't want to be the prisoner of my past, pero hindi maiiwasan na may kirot pa rin sa puso ko sa tuwing naalala ko si nanay.
She was my dream-gusto kong mabigyan siya ng magandang buhay, pero hindi ko naman inaasahan na siya ang unang bibitaw sa lubid na matagal kong kinapitan at pinigilang maputol.
Nagsimulang mamuo ang luha sa mga mata ko habang mariing kinagat ang ibabang labi. Muling nagtama ang tingin namin ni Maxine.
"W-wala na si nanay...Max," I uttered. My voice trembled, yet I managed to say it.
Bead of tears started trailed down on my cheeks at agad naman na sinalo ng kamay ko ang mga luha at pinunasan ito.
Parehas silang napahawak ni August sa bibig at hindi nila inaasahan ang balitang maririnig galing sa akin. Kumalawa rin ang ilang butil ng luha sa mata niya.
"Hindi ko na ipinaalam sa inyo dahil sa sobrang dami ng nangyari noon, at ayoko ng dumagdag pa ako sa problemang mayroon kayo," paliwanag ko.
"I-I'm sorry for your loss... Sol." Agad akong sinunggaban ng yakap ni Maxine.
I embrace her. Sa paraan ng pagyakap niya ay para akong nabunutan ng tinik at mas lalong gumaan ang mabigat na dala-dala ko noon pa. Mahigpit. Magaan. Tahimik.
Iyan ang mga salitang nangibabaw sa aming apat. Naramdaman ko rin ang mahinhin na paghaplos ni August sa balikat ko na parang inaalo ko sa lungkot na nararamdaman ko.
"Your reasons are valid, and we know we are at fault for everything that happened," mahinang saad ni August.
Pagkatapos naming mag-usap ay nauna nang bumaba sina Maxine at Caleb. Nahuli ko pa nga ang pahapyaw na tingin ni Caleb bago itinapak ang paa sa hagdan.
"Can we talk for a moment? Privately?" August asked, his voice carrying a tone of urgency. "I just want to personally talk to you." From the expression on his face, it was clear that there were a multitude of questions swirling in his mind, at mukhang alam ko na ang mga tanong na bumabagabag sa kanya.
"S-sure," I uttered.
Nang makababa kaming dalawa ay napagpasyahan naming lumabas na muna. Naging tahimik lang ang paglalakad naming dalawa sa ilalim ng tirik na araw at tanging pigura ng anino namin ang pumupukaw sa atensyon ko habang naglalakad.
Naupo muna kaming dalawa sa magkabilang kulay asul na duyan at napapaligiran pa mga ito ng mga buhangin na pinaglalaruan ng mga batang nandito sa playground.
Nang makaupo ako ay bigla na lang umalis ang lalaki at tumakbo papunta sa katapat na tindahan.
Napakunot-noo naman ako pero nawala rin naman agad 'yon ng mapagtanto ko kung ano ang hawak niya.
"Ice cream?" pag-aalok niya sa akin habang tumataas-baba pa ang kanyang kilay.
Nakangiti ko naman itong tinanggap, saka ito naupo sa bakanteng duyan na katabi ko. Marahan niyang idinuyan ito habang tahimik kaming kumakain sa ilalim ng araw.
"Na-miss kita, Sol," pangunang sambit niya kaya napagawi ako ng tingin sa kanya. "I didn't manage to say it when we met in Isabela...I was dumb as fuck to let go of my chances to say everything to you. Tanga pa rin talaga ako na hinayaan lang kita na makaalis ulit."
I sigh lightly. "Okay lang 'yun, marami ka pa namang chance para bumawi sa 'kin at sabihin ang lahat." I tried not to cry, yet the tears can't even hold for a minute.
Kaunti na lang talaga ay mumugto na ang mata ko!
Umayos siya ng pag-upo sa duyan at ipinukol ang tingin sa akin. "I know I betrayed you, and those memories wouldn't just fade away quickly. You've suffered so much because of us-because of me. Dumagdag pa ako sa bigat na nararamdaman mo noon at naging makasarili sa mga maling nagawa ko," seryosong saad niya.
His voice was full of sincerity at ramdam ko iyon. Maraming nagbago sa amin, pero kung hahayaan ko na na lang na ikulong ang sarili ko sa nakaraan... paano ko pa sila mapapatawad ulit?
I gulped, feeling a lump in my throat as I gathered the courage to speak. I hoped that the words I was about to say would eventually lighten my heart.
"Kahit sa paraan na ito," I thought to myself, "ang makakapagpagaan sa akin."
Taking a deep breath, I prepared to let go of the emotions that had weighed me down for so long, hoping that expressing them would bring me some sense of relief and peace.
"I already forgave you, August... matagal na," I whispered softly, my voice barely audible as I felt a mix of relief and lingering pain. I bit my lower lip, trying to steady my emotions.
He smiled at me as if those words also felt a relief in his heart. "I'm really sorry for everything... and I'm at fault for my actions that I didn't think about before doing them," he muttered, his voice filled with remorse. "Promise, babawi ako, Soleil." May buong lakas sa kanyang boses habang yakap-yakap ako.
Nang magtama ang mata namin ay tumutulo pa nga ang sipon ng loko pero halatang wala itong pakialam at mas lalo niya pang hinigpitan ang yakap sa akin.
I scoffed. "Oo na, kadiri ka! Punasan mo nga 'yang sipon mo. Para kang bata," I scolded him with a look of exaggerated disgust on my face.
He glanced at me sheepishly, and for a moment, we both paused. Then, unable to hold back, our laughter erupted.
"Opo, anak araw," pang-aasar niya pa at tinanggap naman nito ang inilabas kong panyo.
Nang makabalik kami sa shop ay naaburan naming nasa labas sina Caleb at Maxine. Nasa tapat sila ng kotse at mukhang kanina pa nila kami hinihintay.
"Kailangan na naming bumalik sa Isabela, Sol. May mga pasyente rin kasi akong nag-aantay ro'n at tumawag na sa akin ang assistant ko kanina lang," pahayag ni Maxine. Hinawakan niya naman nang marahan ang kamay ko. "Babalik ako, Sol. I'll try my best to have an available time. Gusto pa kasi kitang maka-kwentuhan."
A hint of a smile appeared on her lips as she waved before August closed the door of his car. Humabol pa nga ng yakap sa akin ang lalaki bago ito bumalik sa kotse niya.
"Ingat kayo!" ani ko.
Kahit sandali lang ang naging pagkikita namin ay naramdaman ko na gumaan ang puso ko. It really felt like I was reliving my youth. Parang kahapon lang ang pitong taon na nagdaan sa buhay ko.
With that, I'm still hoping for a better tomorrow. Like how my youth became the source of my happiness.
Sila pa rin hanggang sa huli.
❛━━━━━━•(🌸)•━━━━━━❜
D
AHIL MARAMI NA AKONG nakuhang staffs, kaunti na lang din ang kailangan kong gawin sa shop. Kaya hindi ko na kailangan pang araw-araw na pumunta roon.
Siyempre, maliban na lang kung nagkaroon ng problema o hindi kaya ay may natatanggap kaming negative feedbacks sa mga bagong customers na kailangan aksyunan agad.
Bigla namang tumunog ang cellphone ko at agad na umawang ang labi ko sa tuwa nang makita ang text ni Maxine. Kinuha ko sa kanya ang number nilang dalawa ni August bago pa sila umalis papuntang Isabela.
Babe Maxine:
Will get in touch with you, Soon!
Love you, Sol? :-*
I quickly tapped my phone and replied to her.
Soleil:
Don't forget to take your meds po! Take care and always be gentle to yourself, Max.
Babe Maxine:
Noted, Doc Araw!
I smiled before putting down my phone.
Nagliligpit na ako ng gamit ngayon dahil malapit na akong lumipat sa pinapatayo kong bahay. Kung dati ay sa kubong walang kuryente lang kami nakatira, ngayon ay halos tatlong palapag ng bahay na ang pinapagawa ko.
It was our dream that I hold for a long time. Alam kong balang araw ay giginhawa rin ang buhay ko. Kung sana ay nakikita lang ni nanay ang lahat, alam kong nagtatatalon na ito sa tuwa.
Being financially stable at the age of 28 is part of my goals in life, bukio doon ay ang mabigyan ko sina nanay Amelia at Jina ng marangyang buhay dahil isa sila sa mga taong naniwala sa kakayahan ko. The world has been cruel to me, yet I still see it as a flower that once grew in the wilderness with a grain of hope.
That anyone will notice those little leaves-those shine and tears that makes me the better version of myself. Kaya siguro mas pinili ni nanay na ako mismo ang pumutol ng lubid para sa kanya, dahil alam nitong sa bawat segundo na nakapalupot ito sa kanyang balat ay para na rin akong nakakulong sa dilim kasama niya.
Parang karayom ang mga patak ng ulan na unti-unting tumutusok sa balat ko, hanggang sa mapagtanto ko na kaya pala siya bumitaw ay para umusad ang buhay ako at maging malaya sa mga sugat ng kanyang nakaraan.
I made her proud, even if I couldn't reached the sky for her. Siya pa rin ang gusto kong maging magulang sa susunod na buhay, at wala na akong hihilingin higit pa roon.
Tumunog ulit ang phone ko kaya kinuha ko ito at binuksan. Nakitang rumehistro ang pangalan ni Caleb na tumatawag sa 'kin ngayon.
Ano na naman ba ang kailangan niya? At paano niya naman nalaman 'yung number-lintik talaga 'to si Jina! Siya ata ang nagbigay sa kanya ng number ko.
Nagsalubong naman ang dalawa kong kilay. Nagdadalawang-isip pa nga ako kung sasagutin ko ang tawag niya, pero ang makaramdam ako ng kakaiba ay hindi ko alam kung anong nag-udyok sa akin para sagutin ang tawag.
Itinapat ko ang cellphone sa tainga ko pagkatapos ko itong sagutin at ilang saglit lang ay nanlaki ang mata ko sa sinabi niya mula sa kabilang linya.
"Sol, nahanap ko na ang puntod ni nanay Imel!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top