Chapter 3

"Siraulo ka talaga! Iniwanan mo ako ro'n kahapon, tapos hindi mo man lang ako binalikan!''

Umuusok ang ilong ko dahil sa ginawa niya kahapon. Paano ba naman kasi, bigla-bigla na lang umalis kahit hindi pa naman magsisimula ang klase niya.

''Tumambay lang ako sa Cafeteria,'' pagdadahilan niya pa. ''Binalikan naman kita, kaso wala ka na.''

'Tamo! Loko-loko talaga!

Gusto ko siyang sakalin pero hindi ko naman ito magawa. Para bang may pumipigil sa akin na saktan siya-ah basta, makakaganti rin ako sa lokong kapre na 'to!

Ipinadyak ko ang mga paa ko and humalukipkip pa. Hindi ko talaga siya kakausapin ng isang linggo!

''I got something for you, open it.'' Kahit hindi ako nakatingin sa kanya alam kong nakasilay ang ngiti nito sa labi niya.

''Ayoko niyan!'' pag-iinarte ko.

''Are you sure? Sige ka, ibibigay ko na lang 'to sa mga blockmates mo.''

I heaved a sigh and glared at him. I saw a box on the table pero dahil kulay pula ang plastik nito ay hindi ko nakita kung ano nga ba ang gusto niyang ibigay.

''Ano naman 'yan?'' tanong ko habang nakataas ang kilay.

''Kuhain mo kaya. May kamay ka naman, 'di ba?'' pilosopo niyang sagot.

I mentally rolled my eyes at him pero agad din iyong nawala nang buksan ko ang ibinigay niyang isang box ng doughnuts. Halos maglaway ako sa dami ng flavors na binili niya at mukhang para sa akin nga lang talaga ang lahat ng ito.

''Huwag mong ubusan si tita ah, para sa kanya talaga 'yan,'' pang-aalaska niya.

Napabusangot tuloy ako. Hindi ko na siya pinansin at kinuha ang isang chocolate flavor na doughnut. Ang lakas mo talaga makasuhol, 'noh!
Na 'ko kung hindi lang talaga kita nagustuhan noon baka nabaon na kita sa lupa dahil sa inis ko.

''What happened yesterday? Did he say something to you?'' Caleb asked while we were eating doughnuts.

Abala naman ang isang loko sa pagtitipa sa phone niya at tiyak akong nag-re-reply siya isa-isa sa mga lokong blockmates niya sa Twitter.

''Wala naman. Hindi naman siya nanliligaw, he was just asking kung anong department daw ako. He's also studying here at sa CAS department siya-sa kabilang building pa iyon at malayo sa amin.''

''I already told you na maghanap ka na ng iba, so... I'm basically helping you to like him. Mukha naman siyang maamong tupa,'' he replied.

''I don't like him,'' I retorted.

''May nanliligaw na pala sa 'yo, tiyanak?'' singit ni August. ''Kinulam mo siguro 'yun kaya nagkagusto sa 'yo, 'noh?''

Tumawa naman ang dalawa at dahil sa sobrang inis ay sinikmuraan ko siya, pero balewala lang iyon sa kanya at patuloy pa rin ang paghalakhak niya.

''Ang lakas mo mang-asar! Ikaw nga basted kay Maxine eh,'' pang-aasar ko sa kanya na may kasama pang pagdila.

''How the heck-chismosa ka talagang tiyanak ka!'' anas niya.

I saw yesterday the video about him at hanggang ngayon ay sumasakit pa
rin ang tiyan ko kakatawa.

''Tanga! Kalat na kalat na kaya sa twitter 'yung mga kalokohan mo!'' pang-aalaska ko rin sabay halakhak nang malakas.

Oo, binasted lang naman siya ng isa sa mga sikat na estudyante sa Psychology department dito sa campus namin, at nang mag-post ang isang anonymous sa twitter ng isang video sa rooftop kung paano siya ni-reject ni Maxine Avemae Claveria ay kumalat na agad ito na para bang isang virus.

Everyone saw it, lalo na ang mga ka-blockmates niya. Although, I feel bad for him kasi masakit nga naman ang hindi ka i-crushback ng crush mo, lalo na kung nag-iwan ka pa ng isang love-letter sa bag niya. Malayo pa ang Valentine's Day pero hindi na ata siya nakapaghintay at isinuksok na lang ito sa notebook ni Maxine.

May #SaveMaxine pa nga na nag-trending dahil ayaw nila kay August. Well, tama lang naman talaga na huwag niyang sagutin itong lokong kaibigan namin, dahil bukod sa playboy na ay kung sino-sino na lang ang kanyang nililigawan.

Tsk! Playboy style niyang bulok.

I know he has a looks na kahuhumalingan ng mga babae iyon bang mahawakan lang ang pawis niya after ng basketball game ay manlalambot na agad ang mga babae sa kanya. Wala rin naman kasing gustong manligaw dahil alam naman nilang lahat na si Maxine lang ang may-ari ng puso niya.

Adik na yata siya kay Maxine eh, usap-usapan pa nga na soft, gentle at nonchalant naman 'yun, kabaligtaran ng ugali ni August.

Siniko naman niya si Caleb dahil napalakas ang tawa nito habang pinapanood ang video ni August.

As I scanned the comments of Maxine and August's blockmates, it seems like most of them are filled with flirtatious banter. Some even want to create a banner to ship them together, despite the fact that August has already been rejected. Others are giving quotes like ''don't give up'' or ''don't lose hope'' because they believe it's just the beginning, samantalang ang ibang comment naman ay hindi ko na pinansin pa dahil masyadong bitter at below the belt ang mga reply.

Ito yata ang mga binubura at nire-report niyang comments kanina kaya siya abala sa cellphone niya.

Loko talaga 'tong mga 'to! Nakita ko pa ang pangalan ko.

''Dude, iba talaga ang charisma mo. Ang lakas maka-turn-off ng babae,'' pang-aasar pa sa kanya ni Caleb.

''Sinabi mo pa,'' gatong ko.

''Akala mo naman hindi ka rin ni-reject ni Caleb noon.'' He crossed his armed and mentally rolled his eyes.

''Past is past. Atsaka importante pa bang sabihin mo 'yon?'' inis na sabi ni Caleb.

He was irritated the moment August mentioned that to us. Kahit ako ay halos hindi ko pa rin maitago ang hiya ko sa tuwing maalala ko ito.

''Kita, parehas pang namumula ang tainga niyo,'' bulalas pa ni August.

''Hindi kaya!'' we both said in unison, habang nakahawak kami pareho sa aming tainga.

Nag-ring na ang bell kaya naman nagpaalam na ako sa kanilang dalawa na kailangan ko nang pumunta sa next subject namin. Gusto pa nga sumama ng loko sa 'kin, pero tinulak ko lang siya paakyat sa department nila.

''Sige na, kita na lang tayo mamaya,'' aniya ko.

Tumango naman ang daalwa sa akin at sabay na umakyat papunta sa department nila. Hindi naman ako grade one na kailangan pa nilang ihatid sa room dahil kaya ko namang pumunta mag-isa.

Pagpasok ko pa lang ay nakaramdam na agad ako ng kakaiba. All our blockmates started to stare at me like I'm some sort of an eye-catching person.

Mauupo na sana ako sa designated seat ko nang manlaki ang mata ko sa taong nakaupo sa katabing armchair ko.

''Heinz?'' I called him. ''Teka, 'di ba ang sabi mo sa CAS department ka?''

Bakit naman siya nasa tourism department? May pinopormahan siguro 'toh.

''Yup, I ditch my class to see you here. Bawal ba kitang makita?'' he asked, and a boyish smile appeared on his face.

''H-hindi naman,'' I replied.

Gusto niya akong makita kaya nagpunta siya rito or he just want to waste his time here and pissed me off?

Well, quota na 'ko dahil sa ugali pa lang ng dalawang asungot ay kumukulo na ang dugo ko.

''Sol, hindi mo naman sinabi na magkakilala pala kayo ni Heinz,'' Miya giggled, one of my blockmates. Kilig na kilig pa siya dahil may guwapo na namang nanloob sa silid namin.

All their eyes are on us.

''Sino nagpapasok sa kanya rito?''

Hininaan ko ang boses ko upang hindi marinig ng lokong katabi ko ngayon.

She shrugged her shoulders. ''Ewan, bigla na lang kasi siyang pumasok at tinatanong kung dito ba raw ang susunod na klase mo at tumango naman ako sa kanya,'' paliwanag niya pa.

''At sinabi mo pa talaga ang pangalan ko,'' inis kong sabi.

''Sorry...'' She then gave me a peace sign while squinting her eyes.

Nang makaupo ako ay sakto namang dumating na ang professor namin. Malas naman at ang aga niyag dumating.

Napabuntong-hininga na lang ako at hindi maiwasang mailang dahil lahat sila ay nakatingin sa amin.

I don't want to be the center of attraction, pero naiinis ako dahil may ilang mga bulungan pa akong naririnig hanggang sa matapos ang klase namin ngayon.

''Are you sure na hindi magagalit ang professor mo kapag nalaman niyang nandito ka?'' tanong ko.

He was staring at me the whole time he was here. Mukhang ba akong painting sa kanya? I can't even pay attention to what our professor is saying because he was by my side.

''No, unless magsusumbong ka sa professor ko,'' he replied with a smirk on his face. ''Most probably right now, you are the center of attraction, lalo na sa mga arki students na kasama ko.''

''What do you mean?'' I said, confused.

Nagulat na lang ako ng ipakita niya ang isang larawan na tiyak akong isa sa mga blockmates namin ang kumuha ng litrato na magkasama kami. My eyes completely widened when I saw how fast the tweet spread at sobrang dami agad na nag-comment sa picture na iyon.

''Hindi mo ba alam? Heinz was one of the famous students here in our campus lalo na sa architect department, kaya nakakapagtaka na bigla ka na lang niyang hinanap dito at umupo malapit sa armchair mo,'' ani ni Rachel, one of my groupmates in thesis at nakaupo siya sa harapang bahagi ko.

''I think Heinz like you, but you should be aware sa mga babaeng makabangga mo na may gusto sa kanya,'' dagdag ni Claire, katabi ni Rachel.

I bit my lower lip. Sigurado akong nakarating na ito ngayon kina Caleb at August.

At this moment, the tweeted picture is akin to a bomb detonating, scattering across the campus. 'Eh, paano ba naman kasi, famous nga pala si Heinz dito ng hindi ko man lang namamalayan. As soon as Heinz and I stepped out of the room, numerous students began whispering around us like bees.

At hindi na ito nakakatuwa!

''I told you-'' Before he even began to finish his sentence, I suddenly pulled his white polo shirt papunta sa study area. Thankfully, wala masyadong estudyante ang nandito ngayon.

''You should stop seeing me. Baka sabihin nila ay may namamagitan sa ating dalawa, were in fact wala naman talaga,'' I confronted him.

''Look, Sol. I'm sorry if they posted the picture without your consent, and I'm at fault for that,'' he apologized. His voice was full of sincerity and calmness. ''And I know you were surprised to see me earlier. Wala kasi talaga kaming klase ngayon kaya sinubukan kong hanapin ka at nagtanong ako kung saan kita mahahanap. Until I recognized one of your blockmates na si Miya.''

''You should tell me beforehand na pupunta ka sir-este Heinz.'' Hindi ko maiwasang kabahan habang kaharap siya ngayon.

Para tuloy akong isang duwende na nakatingala sa isang malaking puno.

Bakit ba kasi ang tatangkad nila?

''Nakarating pala sa akin 'yung nangyari sa Café, and I made sure na walang matatanggal sa mga empleyado ni dad. I know you need your work, Sol.''

I don't know how I would express my gratitude to him. Sa totoo lang, hindi naman kasi kami gaanong close pero ng makita ko siya ngayon ay daig pa niya ang isang kapatid kung mag-alala sa akin.

He was nice and gentle to me, like I'm a fragile person in his own view.

Napayuko na lang ako habang kausap siya. ''S-salamat.''

''No need to thank me, Sol. At mukhang hindi ko na rin pala kailangang pumunta pa sa department niyo,'' he said in a calming voice. Ramdam ko ang bawat sakit sa mga salita niya.

It's like I'm rejecting him, kahit hindi niya naman sinabing gusto niya ako.

''But it's nice seeing you here at the tourism department. Ang dami pa lang magaganda rito,'' pabiro niya pang sabi.

''Loko!'' anas ko at sabay pa kaming tumawang dalawa.

''See you around, I guess...'' hus voice trailed off. Napakamot pa siya sa kanyang batok.

Nang makabalik kami ay nakabantay na pala ang dalawang asungot sa tapat ng silid namin. Caleb was gazing at me with his devilish eyes na para bang may malaking kasalanan akong nagawa sa kanya.

''What's with your face?'' I asked.

''Hindi mo naman sinabi na blockmates mo na pala siya,'' sungit niyang sabi.

Nagagalit ba siya dahil nakita niya kaming magkasamang dalawa?

''Selos siya,'' August mumbled.

Kahit wala itong boses ay nabasa ko sa mga labi niya ang gusto niyang sabihin sa 'kin.

''It's not what you think, Leb. Napadaan lang siya sa department namin,'' palilinaw ko.

''So, he's courting you during your professor's lecture,'' he added. ''Mukha ngang masaya kayong dalawa eh.." Pinakita niya sa akin ang tweeted picture na ngayon ay halos ilang daan na ang nag-repost nito at libo naman ang nag-comment sa tweet.

Why do the numbers keep going up?

Pinagpye-pyestahan na yata ng mga arki students ang retrato naming dalawa na magkasama.

''Akala ko ba gusto mong makahanap na ako ng iba. Why do you act like you're jealous?'' diretso kong tanong.

I made sure that my tone was not rude, but calm. Alam kong may pinanggagalingan ang galit niya ngayon.

Napatigil tuloy kami sa paglalakad.

He turned around. ''Jealous? Me? I'm just stating what's obvious that he's some kind of a jerk and playboy,'' he stated.

''Humanap ka na lang daw ng iba pa riyan,'' gatong naman ni August. ''Katulad niya.''

Caleb knows I would never find such a person like him. Nag-iisa lang siya eh, wala nang duplicate or kasing-katulad niya na lalaki.

Siya lang talaga.

''Na 'ko mukhang malalang away na naman 'to,'' singit pa ni August at sinamaan naman siya ng tingin ng lalaking mas matangakad sa kanya.

''Hindi na ako maghahanap ng iba dahil isa lang naman ang pipiliin ko.''
I gave him a reassuring smile before walking down the streets.

Nauna na akong maglakad sa kanilang dalawa hanggang sa makauwi na kami, pero tila napahinto ako dahil napansin kong hindi bukas ang ilaw. Sa ganitong oras kasi ay abala na si inay na nag-aayos ng bibingka para sa ilalako niya bukas.

''Sol...'' tawag sa akin ni Caleb kaya napalingon ako. ''Hindi ko pala nasabi sa 'yo na-'' napatigil siya sa pagsasalita nang makita naming lumabas si inay at bakas sa mukha niya ang lungkot.

Agad naman akong kumaripas ng takbo patungo sa kanya.

"Nay!'' pagtawag ko.

''Sol, pasensya na at hindi ako nakabayad ng kuryente natin ngayon. Kulang kasi ang ibinayad sa 'kin na Imelda sa paglalaba ko at pag-aalaga ng mga anak niya.'' Ramdam ko ang bigat sa bawat salita ni nanay.

''Okay lang po, kaya ko naman pong magtiis.'' Ngumiti ako sa kanya.

Kaya ko pa namang magtiis hanggang sa makaahon kami at makalipat na agad ng matitirhan. Hindi ko pa nasasabi kay Caleb ang tungkol sa paglipat namin sa maynila, pero hindi pa ito ang tamang oras at wala pa akong lakas na sabihin sa kanya ito.

''Gusto mo ba sabihan ko si mommy tungkol dito, I think she might help you and tita-''

''H-hindi na kailangan, Leb. Salamat na lang.'' Napalunok ako ng madiin nang sabihin ko ito.

Kahit alam kong kailangan naman talaga namin ngayon ay tumangi na pa rin ako.

''Pwede naman po kayo manuluyan muna sa amin, tita. May mga bakante naman pong kuwarto roon,'' suhestiyon ni August.

''Na 'ko, huwag niyo na kami masyadong intindihin hijo, sanay na kami sa ganito. Lilipas rin ito,'' mahinhin na wika ni inay.

Sobrang nakakahiya na kasi kung hihingi pa kami ng tulong sa pamilya ni Caleb. Sobra-sobra ka rin kasi ang naitulong ni tita sa amin at hindi ko na rin alam kung paano ko ito susuklian lahat.

Kung hindi dahil sa kanila ay wala rin kaming napupuhunan araw-araw para sa bibingka ni inay, madalas kasi ay hindi nauubos ang benta niya kahit magdamag na siyang naglalako.

Gusto ko na nga siyang patigil pero siya pa rin itong makulit kaya wala naman akong nagawa. Nauna na silang lumakad ang dalawang lalaki paalis. Nang makapasok ako ay nakita ko pa rin ang pigura ni Caleb at halatang walang balak na umalis ito. I know he wanted to help us, but it's too much already.

Wala naman kasi akong magagawa, hindi rin ako pwedeng bumali ng sahod dahil sa nangyari sa café at isa pa, sobrang nakakahiya na sa mommy ni Caleb kung pati sa pagbayad ng kuryente ay sagot pa nila.

''Gamitin mo muna ang kasera natin, Sol kung kailangan mong magsulat,'' sabi ni inay nang sindihan niya ito.

Sanay naman na ako sa ganitong na walang kuryente at malamok.

''Magpapahinga na po muna ako,'' saad ko at pumasok sa kuwarto ko.

Ilang araw lang naman kaming magtitiis, makakaraos din kami nito. At kapag nakuha ko ang sahod ko sa Vermont ay ibibili ko ng mga bagong damit si inay at magtabi na rin ako ng sobrang pera para kapag naputulan kami ulit ay hindi na niya kailangan pang mamoblema sa bayarin.

As I closed my eyes, I didn't notice the tears that began to fall down my cheeks. Mabilis akong nakatulog dahil sa mahimbing na tinig ni inay na naririnig ko sa sala, he was mumbling my favorite song when I was a child, kaya siguro mahimbing ang naging pagtulog ko kahit na madilim at malamok ang kuwarto ko ngayon.

❛━━━━━━•(🌸)•━━━━━━❜

AS I EMBRACE THE SUN'S TOUCH, for it breathes the life of every petal I have everyday, Caleb became the roots of my happiness. And it is now blooming within its own beauty in daylight, as I watch the flower dance with the sun. Exchanging warmth while painting my world with hues of his beauty, with his eyes full of euphoria under the bask of sun.

I can say that Caleb was more than anyone else. He was the type of person who would sacrifice himself in order to save me from drowning in pain and sadness.

Hindi niya hahayaaang may sumilip na lungkot sa mga mukha ko dahil sa tuwing nakikita niya akong malungkot, ginagawa niya ang lahat para mapangiti ulit ako.

He would dance, make some corny jokes, or dares that I would want to do with him o kahit ano pa iyan. Siya pa rin kasi ang Caleb na kilala ko noon, ang taong marunong tumulong sa lahat ng nangangailangan, even in stray cats and dogs.

I still remember how he said to me that he doesn't like animals, especially cats. Pero isang beses habang nagdidilig ako sa labas sa labas ng bahay ay nahuli ko siyang pinapakain ang isang puting stray cat na laging nakabantay sa kanilang bahay.

Naawa lang daw siya kaya niya binigyan ng pagkain ito, hanggang sa araw-arawin niya na ang pagbibigay nito sa puting pusa. Binibigyan niya rin ng dog food ang mga aspin na nakikita niya sa labas, lalo na 'yung mga asong halos balat-buto na lang.

My love for him will always be the same. Kahit libong lalaki pa ang manligaw sa akin, I would still choose him amidst the crowd of boys who wanted to chase me.

Not all the boys are like him. He's the man of every girl's dream and the person that I wanted to be with for the rest of my life.

''Kasali ka sa cookery club 'di ba?'' tanong ni August. May hawak siya ngayong mga flyers mula sa club nila.

''Oo, pero mukhang mag-back-out na rin ako sa mahal ng mga ingredients na kailangan namin,'' may pagkadismaya kong sagot.

Actually, marami akong gustong salihan na club pero parang hindi na rin kakayanin ng schedule ko lalo pa't kung sabay-sabay ang mga activities na gaganapin sa campus.

''Did you pass your application form to them?'' tanong naman ni Caleb na kakarating lang.

''Hindi pa. Nagdadalawang-isip pa kasi ako kung sasali ako o hindi,'' sagot ko at bakas sa mukha ko ang pag-aalangan habang hawak ang isang flyers mula sa cookery club.

''Don't overthink too much about the ingredients o kung ano pa man 'yan. Kami na ng bahala ni August sa mga gastusin mo. Right, dude?'' He glances at August and waiting for his response.

Ngumiti naman ang huli sa kanya.

''Not a problem for me," he affirmed. "Kahit magkano pa 'yan ay tutulong kami."

Lumawak naman ang ngiti sa labi ko dahil sa kanilang dalawa.

"Walang bawian 'yan ah,'' paninigurado ko sa kanila and they gave me their assuring smile. Sila na ang bahala sa mga ingredients na gagastusin ko sa cookery club.

I'm confident that whatever I do will be completely worthwhile.

I was planning to learn about some filipino dishes at iba't-ibang mga pwedeng pagpilian dito sa cookery club, and one of the perks that I like is you have a power to decide what kind of food, drinks or any dessert na gusto mong matutuhan sa club. They're also open for some suggestions, para naman may twist sa bawat iluluto namin.

May mga professional Chef din pala na mag-guide sa amin sa mga gagawin namin sa club.

Ang gusto ko talagang matutuhan ay kung paano gumawa ng napakasarap na kape. I wanted to have a coffee shop in the future, 'yun naman kasi talaga ang pangarap namin ni inay at kaya ako nagsusumikap dahil bukod sa gusto kong makamit ang pangarap ko, gusto ko rin na makita siyang masaya na natupad ang pangarap niyang magkaroon kami ng sariling coffee shop na tatangkilikin ng marami.

Kaya nga tuwang-tuwa siya sa 'kin nung nalaman niyang natanggap ako sa Vermont Café. At dahil sa training ay may mga natutuhan din ako kung paano nga ba ang proseso ng paggawa ng isang kape.

Kakatapos lang ng klase namin ngayon at papunta na ako sa cafeteria nang mapansin ko ang isang babae na nakapagpukaw ng atensyon ko.

Lagi siyang pinupiri ng mga babae rito sa campus sa tuwing dadaan siya. Kahit ako ay pupurihin ko ang isang anghel na tulad niya. She's from the Psychology department-none other than Maxine Avemae Claveria, a perfect definition of a model student na dapat tularan ng lahat.

I wish I was like her. Kung titingnan ay malayo ang pagkakaiba naming dalawa ni Maxine, she's perfect inside and out, and me? Ewan, ganda lang siguro ang ambag ko sa mundong 'to.

I'm not also smart and talented enough to be proud of, and even so, I'm still doing my best no matter how difficult the circumstances in every situation I have.

The bliss of solitude suddenly embraced me for no reason. Ang kaninang masaya kong ngiti ay napalitan ng lungkot at dagdag na bigat sa aking puso.

What was it like to be her? Siguro ay maganda ang buhay at kinabukasan ko kung katulad ko lang siya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top