Chapter 29

I sighed. "Ang malas ko yata ngayon."

"Hindi talaga kumukupas 'yang ganda mo, Soleil. Pinag-aagawan ka pa rin ng dalawang lalaki," natatawang sabi ni Lexie habang nakapalupot ang kamay niya sa braso ko.

"Pero si Eurie naman ang katapat niya ngayon at hindi na 'yung dati niyang gwpaong suitor," aniya pa ni Jina.

Napakachismosa talaga ng mga 'toh!

"At kanino mo naman nalaman ang tungkol kay Heinz, aber?" nakapamaywang kong tanong.

Kung ano-ano na yata ang kinukwento sa kanya ni Lexie kapag magkasama silang dalawa. Tsk! Akala ko ba trio kami?

Piliyong ngumiti sa akin ang babae bago bumalik sa counter. "Secret."

Nagsalubong naman ang kilay ko sa sinabi niya, pero agad din iyong nawala nang makita kong nag-uusap ang dalawang lalaki habang nakaupo sa dulong lamesa at mukhang seryoso pa yata silang nag-uusap dalawa.

Kadarating lang din ni Eurie dala ang kanyang Audi R8 Coupe na kotse. Bagong bili niya lang ito at ngayon ko lang nakitang inilabas niya ang ganyang kotse dahil 'yung binigay ng Dad niya ang palaging niyang gamit—Iyong ginamit namin papuntang isabela.

Ano naman kaya ang trip nitong dalawa?

Kahit wala ako sa mood ngayon ay nginitian ko ang dalawa at lumapit sa kanila. Ngumiti naman pabalik sa akin si Eurie at halos lumubog ang dalawang dimples nito sa kanyang mukha na lalong nagpagwapo sa kanya, samantalang tipid na ngiti naman ang ibinawi ni Caleb.

"Did you eat na ba, Sol?" tanong ni Eurie.

Umiling ako. "Hindi pa nga eh, busy pa kasi ako at ang dami pang customer ngayon, tapos kailangan ko pang mag-pack ngayon dahil maraming um-order online. Ako lang ang nag-aasikaso nitong lahat."

"Do you want me to help you? May free time naman ako this week, kaya okay lang sa akin," aniya. "Alam mo naman, basta ikaw lagi akong available." Lumawak naman ang ngiti sa labi niya.

Nang balingan ko ang isang lalaki ay nakita ko ang pag-irap nito pero pinagwalang-bahala ko lang.

I smirked secretly. "Sorry, Caleb, hindi na kami nagtitinda rito ng hollow blocks, out of stock na kasi," I muttered, sarcastically.

Tipid pa akong ngumiti sa kanya pero hindi naman bumakas ang inis sa mukha niya at mukhang natawa pa.

I mentally rolled my eyes. May gana pa rin pala talaga siyang pumunta pa rito kahit sa Isabela siya nakadestino ngayon. Of course, he will make a way just to see me.

He will never twist me again with his flowery words, and those deceptively sweet promises of him that once fluttered like butterflies in my stomach.

Ayoko ng maulit pa ang nangyari noon.

It's better if we distance ourselves. Bakas kasi kapag nahulog na naman ako ay sarili ko lang din ang sasalo sa akin sa dulo, at magiging sandalan sa tuwing mag-isa ako.

Narinig ko pa ang malakas na pag-igik ni Eurie sa tabi ko at napahawak pa siya sa kanyang bibig para pigilan ang pagtawa.

"I'm just here to see you... hindi ba pwede?" he seriously asked.

"It's been seven years, pero hindi ka pa rin pala nagbabago." Kumawala pa ang mahinang tawa sa kanya.

"Matagal na akong nagbago, Caleb," sagot ko. Matagal na simula noong iniwan ko kayo ni August at nagbagong buhay para lang makalimutan kayo.

But... now, why does my mind tells me to distance myself to him? While my heart is longing for his touch, presence and voice.

Iba ang sinasabi ng puso at isip ko kaya mas lalo akong naguguluhan.

Pagkaraan ng kalahating oras ay humupa na ang mga taong nasa loob ng shop at kaunti na lang ang nandito ngayon, kaya kinuha ko na ang bag ko na nasa desk at isinukbit ito sa balikat ko.

"Jina, ikaw na muna bahala rito ah, kakain lang kami," bilin ko. "Tara na, Lexie! Mamaya ka na makipaglandian diyan." Hinila ko naman ang babae na abalang nakikipag-usap do'n sa isang gwapong customer na mukhang koreano.

"Take out ah!" pahabol niya pa ng makalas kami ng shop.

Isinama ko na rin ang mga bagong kong staff na kinuha para naman kas makilala pa namin ang isa't-isa lalo na ang isang staff na si Karina Fajardo, siya ang isa mga taong palaging sinusungitan ako at ang isa sa mga dakilang chismosa sa architecture department na blockmates noon ni Caleb at August.

Umalis na siya sa dati niyang trabaho dahil pinagsamantalahan siya ng boss niya, at kahit na nagsumbong na siya ay walang naniwala sa kanya. Isa kasi sa mga tumatakbong mayor ito at maraming tao ang nagtitiwala sa kanya.

Kaya ng makita niya ang post ko ay agad siyang pumunta sa shop namin at nagtanong kung may bakante ba raw kami at malugod ko naman siyang tinanggap.

Pagkatapos naming kumain, bumalik rin kami agad sa shop. Tahimik lang si Caleb habang kasabay naming kumakain kanina. Sila ang nagbayad sa kinain namin; I insisted, but they both declined. Hindi ko alam kung kaninong black card ang gagamitin para sa pambayad ng pagkain, pero sa huli, si Eurie na ang nagbayad nito.

"Paubos na 'yung stock natin, Ate Soleil," saad ni Jina. "Grabe punong-puno kaninang umaga 'yung mga cup natin, ngayon out of stocks na."

"Na-hit ba natin ang record?" nakangiti kong tanong.

Tumango naman si Jina. "Doble pa nga eh. Biruin mo more than five hundred orders ngayon araw."

Nagningning naman ang mata ko dahil sa sinabi niya.

"Mukhang mapapasabak na naman ako sa inuman nito ah," singit ni Eurie.

Sinamaan ko naman siya ng tingin at hinampas ito sa balikat niya.

"Walang iinom!" asik ko. "Atsaka, bakit kasi nag-leave ka pa? Kaya ko namang asikasuhin lahat dito. Nandiyan naman 'yung dalawa, pati na 'yung mga bagong staff na kinuha ko."

"Siyempre para maalagaan ka niya," bulong sa akin ni Lexie at mahinang tumawa.

"Wala lang, gusto ko lang na nakikita ka. Ayoko pa naman na nahihirapan ka palagi rito sa shop, kaya tumutulong ako," sagot niya.

Inambahan ko siya ng kamao ko. "Kaya nga ako kumuha ng staff eh, lintik ka talaga—" Naputol naman ang sasabihin niya nang biglang tumunog ang cellphone nito at mabilis niya itong kinuha.

"Wait, sagutin ko lang 'to." Lumabas muna ito saglit pagkatapos sagutin ang tawag.

Makaraan ang ilang minuto ay bumalik din siya agad, pero parang lukot na ang kanyang mukha na animo'y nababahala sa nangyaring pagtawag kanina.

Napakamot naman ito sa kanyang batok at mapait na ngumiti sa akin.

"Anyare?" nakapamaywang kong tanong.

He sighed. "Malas. Tumawag ngayon sa office 'yung kasamahan ko, kailangan daw kami ngayon do'n dahil may emergency," wika ni Eurie. "Mukhang hindi matutuloy 'yung date natin. Siguro... sa susunod na araw na lang?"

I pursed my lips. "Sure, sa ibang araw na lang. Busy din kasi ako bukas."

Tumango naman ito sa akin at marahang hinaplos ang buhok ko.
Parang nanlambot ako sa kanyang ginawa.

"Babawi na lang ako, Sol. Promise!" nakangiti niyang sambit.

Nauna na itong umalis at nagpaalam sa aming lahat. Kumaway pa siya bago pumasok sa kotse niya. Hinintay ko lang na makalayo at hindi na matanaw ang kotse bago ako pumasok ulit sa shop.

Siyempre, hindi pa rin umaalis 'yung isang loko.

"Mauna na rin ako, Sol. Maaga pa flight namin eh, may mga nagbago kasi sa schedule namin," saad ni Jina.

"Sige, ingat ka! Huwag mong kalimutan mag-text sa akin kapag nasa condo ka na ah," bilin ko pa.

Ngumiti ito at litaw na litaw naman ang puffy-eyes niya.

"Okay, got you!" She even click her tounge before pulling the door.

"I also need to go, Sol. May meeting pa kasi ako mamaya... kailangan daw ako ro'n eh," saad ni Lexie.

Pinauwi ko na rin ang ibang mga staffs na nauna nang umalis kay Lexie dahil tapos na rin naman ang kanilang shift at baka mas gabihin pa sila sa kanilang pag-uwi, lalo pa't ang dalawang staff na kinuha ko ay college student.

"Sige, bukas na lang," aniya ko bago pumanik sa ikalawang palapag ng shop at iniwanan ang lalaki ro'n mag-isa.

Kinuha ko lang ang mga cups sa inventory room dahil ubos na ito at kailangan ko na nga rin mag-refill ng kape dahil paubos na ito sa machine na ginagamit namin.

Pababa na sana ako bitbit ang malalaking kahon, pero nang tumapak ako sa pangalang hagdan ay biglang akong natisod pababa. Halos mapangiwi naman ako sa sakit at nanlaki pa ang mata ko dahil nalaglag hanggang sa ibabang palapag 'yung mga cup, kaya nagkalat ito sa buong sahig.

Nakita ko namang dali-daling umakyat ang lalaki. "Sol, okay ka lang?" he asked, worriedly.

Bakas ang kaba sa mukha niya nang umakyat ito at agad naman akong inalalayan para makaupo sa sofa dahil medyo masakit ang kanang tuhod ko. Nagtamo pa nga ako ng kaunting sugat.

"Ang tanga mo naman, Soleil! Pwede ka naman magpatulong na lang! Ayan, naglaglag ka pa dahil sa katangahan mo," saad ko sa isip ko, and heave a deep sigh.

"Ayos lang ako, pwede ka ng umuwi. Kaya ko pa namang maglakad," malamig kong sambit.

Umayos ito ng upo at diretsong tiningnan ako sa mata. "I'm not going anywhere. Tingnan mo nga at muntik ka pang madisgrasya dahil diyan sa dala mong mga cups," galit niyang saad. "Sana kasi sinabi mo na kailangan mo ng tulong," aniya niya.

Napahalukipkip ako. As if namang kailangan ko ng tulong niya!

"Umalis ka na nga!" pagtaboy ko. "Maliit lang naman na sugat 'yan. Malayo sa bituka!" Akala naman niya mamamatay na ako, eh ang liit nga lang nitong sugar ko, pero masakit.

Tinawanan lang ako ng loko at hindi ko alam kung bakit imbis na mainis ako ay parang natutunaw ako sa tingin niya.

"I told you to always be careful. Hindi mo tuloy namamalayan na nasasaktan ka na pala." His soft and soothing voice always melt me inside.

Tumayo ito at kinuha ang first-aid kit na nakapatong lang malapit sa amin.

Ano ba Soleil! Umayos ka nga! Hindi mo siya gusto at wala ka ng nararamdaman pa sa kanya.

"I've already suffered enough, Leb," I muttered. "Wala ng mas sasakit pa ro'n."

Pagbalik niya ay umupo ito at napakunot-noo naman siya.

"What? Ano ulit 'yon, Sol?"

"Ang sabi ko—" Bago ko pa man maituloy sng sasabihin ko ay inunahan na ako ng loko.

"You called me Leb again, did you?" he said. His lips lifted into a playful grin. "Ang tagal ko na rin na hindi naririnig 'yon..."

Itinago ko naman ang kumawalang ngiti sa labi ko at hindi pinahalata sa kanya. Sakto naman na nakaluhod ito at pinupunasan ang sugat ko.

"Parang tanga!"

He chuckled and slowly lifted his head. "Tanga kasi ako at minahal ko ang tulad mo. Wala pa ring lalaki na pumapantay sa gusto mo—kahit si Eurie."

"Tama naman siya," I thought, sighing deeply. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong lalaking natitipuhan.

Kahit si Eurie na halos perpektong lalaki ay hindi tumibok ang puso ko sa kanya at hindi ako nakakaramdam ng kakaiba.

I felt a joy with a bit of emptiness.

I shook my head slightly, trying to make sense of my feelings. It was a platonic relationship between us. there was no spark, no flutter in my heart. Our bond was built on friendship and mutual respect.

Nothing more, nothing less.

"You know that I will fight my life for you—even if it means putting my life at risk and losing everything again for the second time. Hindi ko na hahayaan na pakawalan ka pa ulit," mahina niyang sambit.

"You don't need to love me...we're done, Caleb. Everything about us is just a part of our past that needs to be forgotten. Wala ng namamagitan pa sa atin simula noong umalis ako at nagpakalayo sa inyo," mariin kong sagot.

Marahan niyang hinawakan ang kamay ko at tiningnan ako.

"I also suffered when you left us—when you leave without a reason," he confessed, his voice trembling with the weight of old wounds. "Hindi ako nakapag-aral ng maayos. I almost didn't pass the battery exam because I was longing for you." He swallowed the lump in his throat, as his eyes searched for any sign of understanding between our glances.

"I waited day and night, hoping to see your silhouette again. Akala ko ikaw na 'yon, but hope always disappointed me," he added.

I looked away quickly. My hands clenching and unclenching at my sides as the memories flooded back.

Tama ba na bumalik pa siya ulit?

Tama ba na pinapasok ko siya ulit sa buhay ko kahit alam kong masasaktan lang ako?

"When Sam left us, I suddenly found strength and courage to live another day, because I know we would meet again," he continued, his voice softening. He then took a deep breath.
The words spilled out as if they had been bottled up for too long. "It was the thought of seeing you again that gave me the courage to move forward."

I was silent for a second. My face had a mixture of emotions, as I poured out the pain I had carried for so long.

"For the last time... I- I want to win you back. C-can I court you again, Soleil?" he asked, his voice trembling with a mixture of desperation and hope.

My heart thumped like it was about to explode. I pursed my lips, trying to hide my expression, as my mind raced with a flood of emotions.

Ano ba! Bakit ba bumalik ka pa at ginulo mo ulit ang mundo ko? I'm happy and contented in my life now...pero parang noong dumating ka at nagkita tayo ulit, mas gumaan ang puso ko at palagi kang hinahanap.

It was like the string of my past is pulling me again towards him.

I finally took a deep breath, steadying myself, and met his gaze. "H-hindi... hindi ko alam, Caleb. Naguguluhan ako," I whispered, my voice is barely audible, but he can certainly understand it.

Hindi ko alam kung tama pa ba ito. Masyado na akong naguguluhan kung ano ang susundin ko. Palaging sinasabi ng isip ko na hindi ko na siya mahal, pero 'yung puso ko, siya ang palaging hanap-hanap.

As if I was born to love him again.

"Then... I'll prove to you that I should be the one who owns your heart," buong loob niyang sabi.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top