Chapter 26
Dalawang araw na akong nagbabakasyon dito sa Sydney, at bukas ng gabi na ang uwi ko. Habang nagpapahinga ako sa jacuzzi, suot ang paborito kong itim na two-piece swimsuit, nararamdaman ko ang lamig ng tubig na masayang pumapaligid sa aking balat at dahan-dahan na nilalaro ito.
Napatingin naman ako sa buwan, na tila isang gintong perlas na nakasabit sa kalangitan na nagbibigay liwanag ngayon.
I slowly closed my eyes after placing the wine beside me. Dahan-dahan kong isinulong ang aking mukha sa mainit na tubig na lalong nagpagaan ng pakiramdam ko. Malalim ang iniisip ko ngayon dahil parang bumabalik sa akin ang sakit ng nakaraan ko.
Para na naman akong bumalik sa dating ako-'yung Sol na palaging umiiyak tuwing gabi kapag naaalala si nanay. Hindi rin naman nagtagal at umahon ako dahil biglang nag-ring ang cellphone ko.
I frowned. Peste naman sino ba 'yung tumatawag?!
Rumehistro naman ang pangalan ni Eurie at sinagot ko ito. Tila kumalma agad ang sarili ko at huminga nang malalim.
"N-napatawag ka?"
"How's your interview?" he asked. "Sabi sa akin ni Jina medyo kinakabahan ka raw kanina at naging emosyonal ka pa."
"Yeah," tipid kong sagot at kinuha ang wine na nasa tabi ko.
"I miss you..." His baritone voice trailed off.
I softly chuckled. "Sira ka talaga!"
He laughed. "I'm broken and you're the missing pieces to fix my broken heart," hirit niya pa. Akala yata niya ay makukuha niya ako sa mga sweet niyang salita.
"L-lasing ka ba?" nauutal kong tanong, medyo natatawa pa.
"Of course not! Mukha ba akong umiinom, Sol?" anas niya at napalakas ang boses nito sa akin. "I'm not drunk, okay? I just miss you... bumalik ka na kasi sa 'kin."
I bit my lower lip. Hindi ko alam ang dahilan pero palagi niyang ginigising ang paru-paro sa tiyan ko sa mga simpleng salita niya.
Truth to be told, I still don't get why I fell in love with him. Sadyang no'ng mga oras na kailangan ko ng masasandalan ay lagi siyang nakaalalay sa akin. Hanggang sa naging owner na nga ako ng dating Sunnies Café ay nakasuporta pa rin ang lalaki sa akin.
He's more focused on me than his acads.
Buti na nga lang ay nakapagtapos pa rin siya sa kursong BS Accountancy. Kahit na alam kong mahirapan iyon sa perspektibo ko, nakayanan niya pa rin na pagsabayin ang lahat.
He's earning a lot now, and financially stable. Kulang na lang talaga ay isang girlfriend na magmamahal sa kanya ng buo, but I know the fact that it wasn't me.
"I want to date you again, Sol. Can I?" He sincerely asked for my permission.
Napalunok naman ako ng madiin at ilang segundong hindi nakapagsalita.
Should I give it a shot again?
Clearly, he didn't cheat on me. Sadyang nagtapos lang talaga ang lahat dahil pagod na kaming intindihin ang isa't-isa at pumayag naman ito na makipaghiwalay sa akin.
He didn't chase me, but his full support and presence to me all thetime is something that's special about him, kaya hindi ko maiwan
ang lalaki sa kabila ng lahat.
"Nandiyan ka pa ba, Sol?" Muli kong narinig ang boses niya sa kabilang linya.
"Oo, pumapayag na ako," buong loob kong sabi sa kanya.
"Talaga?" hindi niya makapaniwalang sabi. "I won't let you down again, Sol. Promise!"
Alam kong malawak ang ngiti sa labi niya ngayon pero hindi rin naman iyon magtatagal at ayoko na siyang paasahin pa.
He needs someone who can see his worth and value. Hanggang kaibigan na lang talaga ang namamagitan sa amin at hindi na iyon magbabago pa.
"Siguro pagkatapos na lang ng huling interview ko," aniya ko.
"Sure, I'll make myself available that day para maihatid kita pabalik sa probinsya n'yo," sagot niya. "You should take some rest now. Alam kong malalim na rin ang gabi sa Australia, Soleil. At tama na muna ang pag-inom ng alak, please."
I chucked. Alam na alam niya talaga ang galawan ko at walang nakakalusot sa kanya kahit isa.
"Opo, masusunod po doctor, Eurie," I replied, sarcastically.
Tumawa lang ang loko sa kabilang linya at napagpasyahan kong ibaba na ang tawag dahil medyo inaantok na rin ako. Kaunti lang naman ang nainom kong wine pero malakas na agad ang tama sa akin. Hindi ko na nga namalayan na napahimbing ayad ang tulog ko ng isalampak ko ang sarili sa puting kama.
Maaga akong nagising para mag-ayos ng gamit ko. I'm heading back to the Philippines at siyempre bumili muna ako ng mga pasalubong kong pagkain sa kanila. Akala mo talaga may mga patago sa 'kin na pera. After I bought some gifts, I immediately headed to the airport. Siyempre, dala-dala ko rin ang visa at passport ko.
The flight was almost six hours. Feeling ko nga kulang pa ang naging tulog ko sa buong flight ko.
Pagbaba ko ng eroplano ay sumalubong ang malaking shuttle bus sa amin, at nang makalabas ako ay nakangiting bumungad sa akin sina
Lexie at Jina na tuwang-tuwa na makita ako ulit.
Hindi naman ako nawala ng ilang taon! Ang OA talaga!
"You're back," Eurie said, and embraced me with his warm hug.
"Ayaw pa kasing magbalikan," biglang hirit naman ni Lexie sa tabi ko.
Sinamaan ko tuloy siya ng tingin. "Isang interview na lang naman ang kailangan mong puntahan 'di ba?" tanong sa akin ni Jina nang makasakay kami sa kotse.
Tumango ako. "Oo, pero... kahit ayokong pumunta ay parang kailangan kong bumalik ulit do'n dahil hinihintay rin ako ni Chef Geneva na bumisita ulit."
"Are you sure you want to visit again there?" nag-aalalang tanong ni Eurie.
Napatingin naman ako sa kanya habang nakatingin ito sa daanan at nagmamaneho.
"Kahit labag sa loob ko kailangan ko pa rin na pumunta..." My voice trailed off. "It would hurt a little, but I can handle it."
Nang tumingin sa akin si Eurie, naramdaman ko ang init ng kanyang palad na marahang humaplos sa aking kamay.
He gave me an assuring smile. "It's okay if you don't want to, pwede ka namang tumanggi kung gusto mo at maiintindihan naman nila 'yon."
Pagbalik namin sa Midnight Café, sinalubong agad ako ni nanay Amelia ng mainit niyang kayap at mas hinigpitan ko pa ito dahil minsan ko lang ito maramdaman sa kanya kaya susulitin ko na.
I looked at Jina and she suddenly pouted in front of us. "Nay, bakit parang mas tinuturing mo pa siyang anak kaysa sa akin?"
I chuckled. "Nagtatampo na 'yung baby mo, nanay Amelia," pang-aasar ko.
"Na 'ko hayaan mo siya, hija. Ganyan na talaga 'yan simula pa no'ng bata siya," saad niya. "Matampuhin pa rin kahit may buhok na sa singit."
I bit my lip, trying not to burst out my laugh in front of her.
Bakas naman sa mukha ni Jina ang inis at hiya, kaya napaupo na lang ito sa gilid at sumimsim ng kape. "Siya nga pala, kamusta naman ang interview mo ro'n sa Australia, hindi ka ba nahirapan sa mga tanong nila sa 'yo?" Nanay Amelia asked, casually. Like she often heard about my interviews. Parang hindi na iyon bago sa kanya.
"Hindi naman po, 'Nay Amelia," sagot ko. "Medyo naging konting emosyonal lang po, pero ayos naman po ang lahat."
"Sa sobrang daming views online ng interview mo kahapon na umabot ng isang milyon, marami na agad ang naging interesado sa Midnight Café," wika ni Luke. "Buti na nga lang ay sarado tayo ngayon. Tiyak akong dudumugin tayo kapag nagbukas na ulit itong shop
"Yeah, they're talking about you online, lalo na 'yung sikat mong pastries and coffee," dagdag pa ni Eurie habang nakatingin sa kanyang cellphone at nag-scroll sa social media.
"Ah, kaya pala bumisita rito 'yung isang lalaki kahapon at hinahanap ka. August daw ang—"
"Nay!" biglang suway ni Jina sa kanya.
Napukaw naman ang atensyon naming lahat sa kanya. Napakunot-noo naman ako sa sinabi ni nanay Amelia.
"A-ano? Galing dito kahapon si August?" hindi ko makapaniwalang saad.
"Ano kasi... hindi na namin sinabi, bes. We know that you'll be mad if we say it at baka ma-stress ka pa lalo," saad ni Lexie at may pag-aalala sa tono ng boses niya.
"Hindi naman ako magagalit. I was... just shocked. Hindi ko lang inaasahan na dadalaw siya rito," aniya ko.
"Bumalik na siya sa Isabela kahapon. He was just visiting here in Manila because of his project. Hinahanap ka niya, pero hindi ko pinaalam kung saan ka pumunta," dagdag pa ni Lexie.
Sigurado akong ipapaalam niya ito kay Caleb at tiyak akong baka dumalaw pa siya rito sa shop namin. I don't want to see him or hear his voice, at mas lao na ang presensya niya sa harapan ko.
Of course I still hate him!
Kumalma naman ang sarili ko ng abutan ako nang tubig ni Eurie at bakas ang pag-aalala sa mukha niya. Nakaupo ako ngayon sa labas ng shop at tinabihan naman ako ng lalaki.
Alas-otso na ng gabi. Walang katao-tao sa labas at ang tinitingalaan ko na lang ngayon ang nagbubigay liwanag, bukod sa mga street lights na hindi kalayuan sa amin.
Malamig ang simoy ng hangin sa labas at tulog na rin si Jina at nanay Amelia dahil maaga ang alis nila bukas-gano'n din naman ako, pero heto at gising pa.
"Lalim ng iniisip ah?" seryosong saad niya.
"Ba't nandito ka pa?" tanong ko. "Gabi na oh, may pasok ka pa bukas 'di ba?"
"I just took my leave for a couple of days to spend time with you. Nakalimutan mo na ba 'yung pinag-usapan natin last night?"
Napakunot-noo ako. Last night?
I heard his deep sigh. "Nakalimutan mo siguro, ‘noh?"
Napasapo naman ako sa aking noo. Oo nga pala, pumayag ako na makipag-date sa kanya at halata namang nakalimutan ko iyon sa dami ng bumabagabag sa isip ko.
Tila mabilis niyang nabasa ang ekspresyon ko pero pinagwalang-bahala niya lang ito at idinaan sa tawa.
Napakamot naman ako sa aking batok. "S-siguro pag-uwi na lang natin... after the interview, I guess?"
Napabaling siya ulit ng tingin sa akin at ngumiti naman ang huli, sabay tango sa akin na sumasang-ayon siya sa sinabi ko.
"K," tipid niyang sagot.
I pouted. 'Yun lang?
Tumayo na ito at nagpaalam na sa akin dahil masyado ng malalim ang gabi at panay hikbi pa siya sa tabi ko.
Halata naman na hindi niya kayang labanan ang antok niya, pero pinipilit niya pa rin.
I smiled as he bid his goodbye. "Ingat!"
Kinabukasan, maaga kaming nagising tatlo. Medyo inaantok pa ako pero tinapatan ko na agad ito ng kape at tinapay, bago kami bumyahe papuntang Isabela.
Since Eurie took his leave for a couple of days, siya na ang maghahatid at magsusundo sa amin. Kaya kasama namin siya papunta ngayon sa probinsyang kinalakihan ko.
"Nakahanda na ba 'yung mga gagamitin natin?" tanong ni nanay Amelia.
"Opo!" sabay pa naming sambit ni Jina.
After I took a bath, I immediately went to my room and opened my cabinet with a wide smile. Syempre gusto ko na maganda at maayos ang suot ko habang tinatanong ako ng isang celebrity. Yes, the one who invited me for a special interview is a celebrity.
Halos hindi nga mawala ang ngiti ko ng malaman ko kung sino ang makakaharap ko-he's a man by the way.
"Dalian niyo na jusko! Ang bagal n'yong kumilos dalawa, kung ano-ano pang kolorete ang nilalagay niyo sa mga mukha n'yo!" bulyaw ni nanay Amelia sa amin.
"Nay, maaga pa. Hindi naman tayo mahuhuli papunta ro'n," sagot ni Jina habang inaayusan ako ng buhok.
Siya na yata ang all around kong assistant, mula sa make-up, hair style, pati na sa damit na susuotin ay plakado niya na. Pwede na mag-artista 'to!
Buti na lang ay nakabihis na kaming dalawa kaya hindi time-consuming ang pag-aayos namin.
I am now wearing a beige short-sleeve top, its soft fabric is draping effortlessly over my shoulders, paired with a matcha-colored dress that elegantly flows just above my knees, and to complete my korean outfit look, I bought a knitted beige bag from a thrift store.
While Jina's outfit is just a simple girly look with a pink crop top which complements her complexion, and a black jeans that hug her curves in all the right places, which gave her a perfect summer getaway outfit.
"Humirit ka pa talaga, Jina. Mas mabuti na ang maaga tayong-" Napahinto naman siya nang marahan na hawakan ni Eurie ang kanyang balikat at napatingala naman sa kanya si nanay.
"Nandiyan ka na pala, hijo," mahimbing na sambit ni nanay.
"Good morning po," bati naman ni Eurie. May dala-dala pa itong dalawang plastik nang pumasok at inilapag ito sa lamesa.
"Kumain na muna kayo bago tayo umalis, alam niyo namansigurong malayo ang magiging biyahe natin," aniya at inilabas ang isang spaghetti at ilang drinks na binili niya para sa amin.
"Nag-abala ka pa, hijo. May mga pagkain naman akong niluto para mayroon tayong makain mamaya," saad ni nanay Amelia.
Napakamot naman sa batok ang lalaki. "Alam niyo naman po sila ng dalawa, tita. Halimaw kung kumain, kaya sigurado po akong kulang pa sa kanila 'yang iniluto niyo," natatawang sambit niya at sinamaan naman siya ng tingin ni Jina.
I can't argue with him, tama naman siya.
Pagkatapos naming mag-ayos ay agad din naman kaming sumakay ng kotse at nakaalis ng mas maaga. Alam kong mahaba ang biyahe namin kaya naman sinulit namin ang oras na magpapatugtog sa kotse na may kasamang harutan at mahabang kwentuhan, pero hindi rin naman nagtagal iyon dahil lahat sila ay napagod agad.
Si nanay Amelia ay mabilis na nakatulog sa backseat, gano'n din naman sina Jina at Lexie. Dahil panay ang hikab ko, naisipan ko na isandal sa salamin ang ulo ko at ipinikit ko muna ang mata ko para makapagpahinga.
Naramdaman ko na lang na may tumatapik sa balikat ko kaya nang maimulat ko ang mata ko ay bumungad naman sa akin ang lalaki.
"Nandito na tayo, Soleil," saad ni Eurie.Inaalalayan naman ako ng lalaki palabas ng kotse dahil medyo tuliro pa ako, pero agad na napukaw ang atensyon ko sa isang bahay dahil pamilyar ito sa akin.
"Sol!" Nahimigan ko ang boses ng babae at nang igawi ko sa kabilang direksyon ang tingin ay nakita kong papalapit ang isang matandang babae.
Actually, she doesn't look old at kung ano ang hitsura niya noong umalis ako rito sa bayan namin ay gano'n pa rin pagbalik ko.
"Wow, it's beeng a long time, hija!" May bahid ng tuwa at gulat sa tono ng kanyang boses. Tila hindi ito makapaniwala na nakita niya ulit ako matapos ng ilang taon.
I smiled and caressed her shoulder. "Kamusta po, tita Mira?"
She smiled. "Ikaw nga ang dapat na tinatanong ko niyan, Sol. Ang laki na rin ng pinagbago mo simula noong umalis ka rito," aniya. "Buti naman at nagparamdam ka na... hinahanap ka palagi ni Caleb noon at panay ang tambay niya kapag lasing sa tapat ng bahay niyo."
What? Tumatambay siya ng lasing sa tapat ng bahay namin?
I smiled bitterly. "Ayos lang po ako, tita."
Buti na nga lang ay biglang sumulpot si Lexie at hinatak ako paalis sa babae dahil kung hindi ay baka kung ano pa ang maikuwento sa akin ni tita Mira.
Hindi ako komportable ngayon na pag-usapan ang tungkol sa dalawang lalaki. Agad namang pumasok sina Jina at nanay Amelia sa loob ng bahay ni tura Mira, habang ako ay nagpa-iwan na muna.
Naisipan kong mapag-isa saglit para maglibot muna sa bayan namin dahil sobrang tagal na rin simula ng makatapak ako rito. I started reminiscing about all the good memories I have in this hometown, pero hindi talaga maiiwasan na bumalik ang lahat ng sakit na naranasan ko.
I began to see my younger self, desperately fleeing from this town as the rain poured down heavily. My clothes were soaked, my feet were heavy with each step, and the chill of the rain penetrated my bones deeply.
All I had to rely on at that moment was my own strength, and the sum of money that my mom left me.
The memory of that moment, the weight of betrayal, anger and dread I felt that day, and the relentless rain that stayed to embrace me, it felt like yesterday. Parang kahapon lang ang lahat ng bangungot na ito at paulit-ulit na nag-play sa utak ko. Parang sirang plaka.
Nang matanaw ko ang dating tinitirhan namin ay bigla na lang naglaho ang ngiti sa labi ko. Nakita ko ang pigura ng isang lalaki na ngayon ay pinagmamasdan ako sa hindi kalayuan.
Si Caleb.
Halos kumabog ng mabilis ang puso ko dahil papalapit siya sa direksyon ko. Para bang sasabog ito sa hindi malamang dahilan, kaya napakapit ako sa dibdib ko nang mahigpit.
"Sol..." I heard his soft voice calling my name. Sinubukan niyang humakbang papalpit sa akin pero agad din akong umatras.
Hindi ko pa rin masikmura na makita siya ngayon.
"B-bumalik ka. Akala ko hindi na kita makikita ulit," saad niya. May bahid ng pait at lungkot sa boses niya.
Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko. Hindi ko siya tinapunan ng tingin at nakayuko lang.
"I'm just here for the interview, aalis din ako agad," walang buhay kong sagot.
Nang mag-angat ako ng tingin sa lalaki ay bigla akong napasulyap sa gilid niya at agad na tumakbo papunta sa direksyon ko si Eurie.
"Sol, ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Eurie. Marahan naman akong tumango sa kanya.
Sa bawat segundo na nasa harapan ko siya ngayon ay parang mas bumibigat ang dibdib ko at nagsisimulang manubig ang mata ko.
Sa hindi inaasahan, muling nagtama ang landas naming dalawa.
I was not ready to face him, kaya tumakbo ako paalis para layuan siya. 'Yung bigat na dala-dala ko no'ng araw na umalis ako rito sa lugar na ito ay biglang bumalik. Hindi naman ako pinigilan o sinundan ni Eurie ng makalayo ako sa kanila.
I'm afraid to face him right now because the past is haunting me the moment I stepped foot again in this hometown.
The memories flood back, vivid and unsettling, as if time had stood still between us. Ngayon pa lang na hindi na nagsisimula ang interview ko ay parang gusto ko ng umuwi dahil sa bigat ng dibdib ko.
Hindi ko kakayanin kung magtatagal pa ako rito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top