Chapter 24

"Walang mahirap sa taong may pangarap, Soleil. Wala kang ibang aasahan kung hindi ang sarili mo lang. Kaya sana lumaban ka ng patas sa buhay hanggang sa makamit mo ang buhay na inaasam mo para sa 'yo at para sa atin."

Sa loob ng halos anim na taon, ang mga salita ni nanay ang naging daan ko sa malubak na daanan na aking tinahak at ngayon ay unti-unti ko ng nakakamit ang pangarap namin ni nanay.

Totoo nga ang palagi nilang sinasabi na mahirap maging mahirap.

Kung wala kang pribilehiyo na makapag-aral, kailangan mong magsumikap at humanap ng ibang paraan para may maipangbayad ka sa ng mga bayarin mo sa eskwelahan.

I don't have a choice but to work hard for myself. Noong nawala si nanay sa buhay ko ay doon ko napagtanto na kailangan kong harapin ang buhay ng mag-isa at lumaban para sa sarili, but without the guidance and help of those strangers that became my solitude hindi ako makakatungtong sa kung ano ang mayroon ako sa buhay ngayon.

After working for Sunnies Café for three years, ipinaubaya na sa akin ng may-ari ang buong shop dahil malaki ang tiwala niya sa akin na kaya kong magtagumpay sa negosyong ito. She always has a vision for me that I'll be a success someday, at tama nga iyon.

Hindi ko siya binigo. Pag-alis niya ng pilipinas ay marami na agad akong binago sa shop na naaayon din sa kanyang gusto, para mas tangkilikin pa ng mga loyal na customer ang shop namin.

Midnight Café. Iyan ang pangalan na binago ko pagkatapos ng isang taon na hawak ko ang shop. Inside, there are wooden tables and comfy chairs, and the walls are decorated with cheeful paintings.

Sinamahan pa nga ito ng light jazz music na nag-play sa background, adding to the relaxed and friendly vibe of my shop.

Nasa counter ako ngayon at abalang isinusulat ang mga um-order online at nang matapos ay napabaling ang tingin ko sa mga bagong lagay na pagkain.

A glass case displays a tempting variety of pastries. Hindi lang kape ang mabibili sa amin dahil marami rin akong inilagay sa menu na iba't-ibang pastries na natutuhan kong gawin noong nabubuhay pa si nanay.

Malaki rin ang kinikita ko rito dahil mas maraming customer ang interesadong bumili online, kaya naging matunog ang shop namin nitong mga nakaraang buwan.

Ilang taon na ang lumipas at marami ang nagbago sa buhay ko simula noong lumipat ako rito sa Maynila. Naging tutor ako ni Jina, katulong ng kanyang nanay sa umaga, at trabahante naman sa gabi sa isang convenient store.

Kapag sabado at linggo naman ay ruma-racket ako sa ibang lugar dito sa Maynila, tulad ng pagluluto sa mga restaurant, service crew sa fast food chain, pagiging guwardiya, street sweeper, at marami pang iba.

Halos lahat yata ng trabaho ay napasok ko na magkaroon lang ako ng sapat ng pera para may maibili ako sa pag-aayos ko ng bagong shop, pero ang mas tumatak sa isip ko ay iyong pumasok ako bilang isang assistant secretary last year sa isang politiko, but it turns out to be my worst nightmare.

Kapalit ng malaking sahod ay ang pambabastos niya sa akin at maling ginagawa na muntik pang humantong sa panggagahasa.

Walang naniwala sa akin, kahit na ang pamilya nito, dahil mataas ang reputasyon niya sa mga tao at isa lang akong hamak niyang assistant.

Kaya ng malaman ko na nagpapasok ulit ito ng mga babaeng bibiktimahin niya ay ipinaalam ko na agad sa kanila ang kanyang ginagawa, kaya wala na itong makuha na babaeng sekretarya.

Kinalimutan ko na ang lahat ng iyon, kahit naging usap-usapan 'yon noon. Everything I did for the past six years paid off. Kahit na hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral ay sinikap ko ang sarili ko na makaahon sa hirap at tumayo ng mag-isa ng walang nakaalalay sa akin.

At 28, I was now officially a Café owner and a businesswoman.

"Taray, business owner na siya!" bungad sa akin ni Jina. "Boyfriend na lang talaga ang kulang para perfect life ka na anteh!"

Kauuwi niya lang galing airport. She's now a flight attendant at proud ako sa kanya dahil naabot niya na ang matagal na niyang pangarap sa buhay.

"Mamatay na yata akong single. Wala na akong balak mag-boyfriend," natatawa kong sagot.

Bigla namang lumapit ang babae sa akin at sumilay ang pilyong ngiti sa labi niya.

"So, wala na talagang pag-asa na magkabalikan kayo ni Eurie?" interesado niyang tanong sa akin.

Ang chismosa talaga nito!

I glared at her and sighed. "Ang ex hindi na binabalikan, Jina," singhal kong sagot.

Alexander Eurie Lopez, is my ex-boyfriend that became my suitor again dahil gusto niya ulit na ligawan ako. We broke up last year at halos limang buwan na rin simula ng magkita kaming dalawa, hanggang sa araw-araw na siyang pumupunta rito sa Midnight Café ng aksidenteng naibigay ni Jina ang address ko sa kanya.

Ang sarap talagang sakalin ng babaeng 'to! Kulang na lang ay ipatapon ko siya pabalik sa nanay niya. She's living alone right now dahil kumuha na siya ng sarili niyang condo, habang ang si nanay Amelia naman ay kasama ko pa rin.

She pouted. "Baka naman may pag-asa pa kasi... or sparks man lang," hirit niya pa.

I mentally rolled my eyes.

"Wala na akong balak pang mag-boyfriend sa ngayon. Focus muna ako rito sa Midnight Café at iyon ang mahalaga sa akin ngayon," litanya ko. "Kaya ikaw, tigilan mo na ang pagiging delusyonada mo riyan. Ang hilig mong isiksik 'yung sarili mo sa lalaking ayaw naman sa ''yo! Move on na kasi, gurl."

Malakas itong bumuntong-hininga sa harapan ko. "Ano pa nga ba? Eh mahal ko pa rin eh. Hindi mo naman ako masisisi," nakangiting sagot niya.

Proud marupok pa nga. Pwede na niyang ibandera 'yung sarili niya sa sobrang karupukan.

"Nag-text sa akin si Lexie, papunta na raw siya. Kaya mag-ayos ka na ngayon at baka hindi ka pa umabot sa interview mo," aniya.

"Eto na nga, oh! May tinatapos lang ako," anas ko.

After a few years, muli kaming nagkita ni Lexie nang mapadaan siya rito sa shop namin noong nagtatrabaho pa ako rito bilang isang assistant ni Ma'am Gianna. Nagulat ako ng malaman kong isa pala siyang law student at ngayong taon ay mag-take na siya ng kanyang bar exam.

I always prayed for her. Sana makapasa siya, because it's her dream. Kahit na hindi niya ito pinaalam sa akin at itinago noong nagtatrabaho pa ako sa Vermont. Inilihim niya ang lahat kay Heinz dahil umaasa ang lalaki na magkikita pa kami ulit.

Hindi pa ako handang harapin sila dahil may sugat pa rin sa puso ko na hindi pa tuluyang naghihilom.

Mabigat. Malalim. Madilim. Iyan ang nararamdaman ko sa tuwing maaalala ko ang lahat ng bangungot ko sa aking nakaraan.

"Sige na, mauna ka na sa bahay at mamaya ka na ngumuya ng pagkain diyan, hindi ka naman nagbabayad eh," bulyaw ko at itinulak ito paalis ng shop.

Hindi na nanlaban pa ang babae dahil alam ko naman na wala itong laban sa sobrang liit niya na parang isang makulit na daga. Kasalungat naman ito ng tangkad ng boyfriend niyang taga-espanã na palaging naghahatid sa kanya.

"Tapos na ako, Sol. Pwede bang magpahinga muna?" tanong sa akin ni Luke, dati kong workmate sa Sunnies at ngayon ay isa na sa mga assistant manager ko rito.

Tagatak pa ang kanyang pawis dahil siya ang sumalo sa shift ng isang staff namin dito. May sakit kasi ito ngayon at siya na ang nagboluntaryo sa akin na maglinis.

"Sige na, kahit mamayang hapon ka na lang bumalik. Magpahinga ka muna riyan," sambit ko.

Balak ko na rin dagdagan ng tao rito sa Café dahil magiging busy ako sa susunod na buwan, lalo pa't may paparating akong dalawang interview na gaganapin sa Australia, at pagbalik ko naman dito sa piliinas ay kailangan kong dumaan sa probinsya-kung saan ako lumaki.

Kahit labag sa kalooban ko na pumunta roon ay kailangan ko dahil isa ito sa mga taong tumulong sa akin na makilala ang shop ko internationally.

Nang mai-post ko ang mga bagong pastries ko sa shop at mga dagdag sa menu namin ay marami na agad ang gustong bumili. Wala pang sampung minuto ay libo na agad ang nag-comment sa post ko.

Mukhang pati social media manager ay kailangan ko na rin dahil hindi ko naman kayang i-handle ang lahat.

Makaraan ng dalawang oras ay nakarating na ako kasama si Lexie sa isang sikat na building dito sa Manila. As usual, si Luke na naman ang mag-handle ng shop kapag wala ako, kaya kailangan doble na ang pasahod ko sa kanya. Bigla namang tumunog ang phone ko at nang buksan ko ito ay bumungad ang text sa akin ni Eurie.

Eurie pangit:
Huwag mong kalimutan inumin 'yung paborito mong kape, baka mamaya lumamig na agad 'yan.

Also, take some vitamins dahil medyo maputla ang mukha mo kanina. Alam mo namang lagi akong nag-aalala sa 'yo. Just enjoy the interview and always smile at them.

See you soon, my love!

Sol ganda:
Yes po, Doc Eurie. Noted po, see you soonest! :-)

Paglagay ko ng cellphone sa sling bag ko ay bumungad naman sa harapan ko si Lexie dal-dala ang mga gamit niya.

"Grabe, parang kailan lang bes namomroblema pa tayo sa pamasahe, tapos ngayon may tatlong kotse ka ng naipundar," proud na sabi ni Lexie.

I smiled. "Malayo na nga ang narating ko, pero parang may kulang pa rin." May bahid ng lungkot sa tono ng boses ko na hindi ko mawari.

I bit my lower lip.

"Nanay Imel is so proud of you, Sol. Nakamit mo na ang pangarap n'yong dalawa, kahit na wala na siya ngayon." She smiled and tapped my shoulder to comfort me. Kahit sa paraan na iyon ay naramdaman ko ang pagiging mabuting kaibigan niya sa akin.

Kahit na maraming nangyari, parang hindi nagbago ang samahan namin ni Lexie. Siya pa rin naman iyong kilala kong dati na palaging concern sa akin at hindi mapakali kapag hindi ako maayos or wala sa mood.

"Nami-miss mo na rin ba sila?" tanong sa akin ni Lexie. Napahinto naman kami sa tapt ng elevator.

Agad akong napatingin sa kanya at mapait na ngumiti. "It's better if they don't know anything about me. Baka mas masaktan lang ako kapag nagkita ulit kami."

I really miss them... pero iyong sakit ay nandito pa rin. Parang kahapon lang ang sugat ko na naghilom na, pero unti-unting bumabalik dahil naalala ko na naman ang nangyari noon.

"Pinababalik daw si Sam sa states pagkatapos ng nangyari. Si August naman ay halos hindi na rin pumapasok ng ilang linggo at palagi kang hinahanap, si Caleb naman ay palaging lasing kapag binibisita ko siya para kamustahin," kwento niya. "Lagi niyang binabanggit sa akin kung ano na ang kalagayan mo, pero hindi pa rin niya alam na alam kong nasa Maynila ka. Umaasa siyang makikita ka pa niya ulit."

"It's almost seven years ago. Ang tagal na no'n, Lexie," aniya ko.

"Magaling kang magtago eh... kaya hindi ka niya mahanap-hanap. Akala niya nga ay itinago ka ni Max sa kanila, gano'n din ang nasa isip ni August."

"K-kamusta na pala si Maxine?" tanong ko sa kanya ng makapasok kaming dalawa sa elevator.

"She was..." Her voice trailed off. "Depressed for a long time, Sol. Iyon ang sabi sa 'kin ni Caleb."

My eyes quickly widened. Napatakip pa ako ng aking bibig dahil sa gulat.

Hindi ko inaasahan na gano'n na pala ang nangyayari sa kanya no'ng panahon na wala ako. I hope I can visit her as soon as possible.

"Isa pa... hindi mo alam na may dinadala si Sam noong araw na nag-away kayong dalawa sa study area."

"Dinadala?!" I exclaimed. "What do you mean?"

"Her father... raped her at gusto niyang ipalaglag ito, pero hindi sumang-ayon sa kanya si Caleb at gusto nitong akuin ang responsibilidad na kasalan ng ama ni Sam," saad niya pa. "Hindi nakulong ang tatay niya dahil may kapangyarihan ito at maraming koneksyon, kaya malinis pa rin ang reputasyon niya sa lahat ng tao roon."

Fuck?! Hindi ko alam na gano'n na pala ang nangyayari sa kanila. Napagtanto ko na wala ako sa posisyon noong mga oras na 'yun para kaawaan sila.

I was... depressed. Drained and anxious. Halos mabaliw na ako sa sunod-sunod na nangyari sa akin at halos maubos ako't manghina.

Just because I didn't know about what happened years ago, it doesn't mean that I can easily forgive them now.

The hurt and betrayal they caused are still real and valid to me, even if I was unaware of everything that happened to their lives. Hindi basta naghihilom ang sugat na kapag nilagyan mo lang ito ng band-aid, kinabukasan ay gagaling na agad.

"Goodluck sa interview mo, fighting!" nakangiting sambit sa akin ni Lexie bago ako pumasok sa isang conference room.

It was not too long and the interview did go well. Pagkatapos no'n ay inihanda ko na ang sarili ko dahil kailangan ko ng magtungo papuntang Australia para sa isang TV show interview.

I received an email from a famous show and they invited me to have a special episode to their show at pumayag naman ako roon. Napag-alaman ko rin na nakarating sa kanilang bansa ang gawa kong kape at pastries na nagustuhan nila.

I can't wait to fly and see the Harbour Bridge! Pangarap din ni nanay na makita 'yon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top