Chapter 22

TW: Suicide Attempt

I still manage to get up in bed despite not having energy to do anything right now. Kinuha ko ang cellphone ko dahil kanina pa ito tunog nang tunog. Akala ko ay messages lang ito mula kina Max at August, pero bigla na lamang sumabog ang isang tweet na may naka-post na retrato ni Caleb at Sam na magkasama. Masaya silang nagtatampisaw dalawa at kitang-kita sa mga mata nila kung gaano sila kasaya.

Rhea @Rhealine01
After that viral video of them may kumalakat na naman na retrato nila? Sa pagkakaalam ko mula sa source ko ay may girlfriend na 'yung lalaki, pero nakikipaglandian pa rin ito sa iba.

Jhelay @Jjelayrie
Malandi 'yang babaeng 'yan! Palibhasa kasi maganda lang kaya nakakakuha na simpatiya sa mga lalaki.

#bagongpilipinas Kendrix @Ken_drixx
The who? Galing daw sa mayamang pamilya si gurl, tapos may kabit din pala ang ama.

Dina @dina_chismosa02
Two timer naman pala. Malandi rin 'yung babae kahit alam niyang may girlfriend na, tapos ang babata pa pala nila.

Louevrie @ThisisnotLouvirie
Sulutera ng taon! For sure alam na ni girl ang tungkol dito dahil nag-viral na ito.

ManilaKing @Manilabottom
Maganda, mayaman, matalino pero ahas at sulutera naman pala?

#kakampink Zavina @theyluv_Zaviii
Don't even know about the girl code. Basta-basta na lang pumapatol, gosh!

Ang dami kong nababasang mga negative comments tungkol kay Sam at sinubukan ko pa na reply-an ang iba dahil binabalikatad nila ang mga totoong nangyari nitong mga nakaraang buwan. Ang iba pa nga ay pinagbabantaan ang buhay ni Sam.

Yet, I'm still worried about her. Hindi ko hahayaan na isa sa kanila ang masaktan ng dahil dito. Kaibigan niya pa rin ako at alam kong kailangan niya ng karamay ngayon...kahit masakit para sa akin.

Kahit alam kong durog na durog na ako.

Papatayin ko na sana ang phone ko ng aksidente kong mapindot ang isang app at nang magawi ang tingin ko sa screen ay napukaw ang atensyon ko dahil may isang voice record na naka-save sa phone ko.

Napabalikwas ako ng higaan ng wala sa oras at napakunot-noo.

Sa pagkakaalam ko, wala naman akong nire-record na kahit ano rito kaya paanong may five minutes and twenty-four seconds na voice record dito?

I came to a halt for a second, still processing what happened.

My eyes completely widened. Hindi kaya si nanay ang nag-voice record?!

Napatingin ako muli ako sa cellphone ko. Lumakas ang pintig ng puso ko at mas lalong kinakabahan dahil baka tama nga ang nahihinuha ko ngayon. Nanginginig pa ang daliri ko nang subukang pindutin ito. When the voice recording started to play, silence echoed throughout my room.

''Sol..."

Nang marinig ko ang boses ni inay ay doon na nagsimulang tumulo ang luha sa mga mata ko. Para akong dinudurog ngayon sa sakit dahil wala akong nagawa para pigilan siya sa kanyang ginawa.

Ang tanga-tanga mo Sol! Bakit kas mas inuna mong intindihin si Caleb kaysa kay Nanay? Hindi mo man lang namalayan na nahihirapan na rin pala siya sa kalagayan niya.

''Nay," mahinang sambit ko.

Pinunasan ko ang luha sa mata ko.

''Sana mapatawad mo ako sa gagawin ko, Sol. Hindi ko intensyon na iwanan ka pero... habang tumatagal ay mas lalong gumugulo ang isip ko. Ayoko ng dagdagan pa ang bigat na nakapatong sa 'yo. Alam kong nahihirapan ka na rin sa sitwasyon natin, at palagi mo akong binibigyan ng rason araw-araw para mabuhay ulit. Ang gusto ko lang naman ay mabigyan ka ng maginhawang buhay at maabot mo ang mga pangarap mo. Ikaw lang ang palaging iniisip ko, anak. Ang makakabuti para sa 'yo at sa kinabukasan mo."

Napalunok ako ng madiin. Sunod-sunod na tumulo ang luha sa mga mata ko. Kung hindi lang sana ako umalis sa tabi niya nitong mga nakaraang araw ay buhay pa sana siya.

Napakagat ako sa ibabang labi habang pinakikinggan siya. ''Kung mawawala ako, alam kong mapupunta ka sa tatay mo. Mabibigyan ka niya ng magandang buhay dahil mayaman na siya at kaya ka na niyang buhayin. Kahit masakit sa loob ko ay mas mabuting sa kanya ka na mapunta.
Alam kong maganda ang kalooban ni Andrew sa ating dalawa at tutulungan ka rin niya. Ayoko man na lumayo sa iyo sa ganitong paraan, pero mas hindi kaya ng puso ko kung patuloy kitang nakikitang nahihirapan."

Saglit itong napatigil at rinig na rinig ko ang kanyang paghagulgol, kaya mas lalo akong naiyak habang pinapakinggan siya.

''M-matanda na ako, Sol. Hindi na rin kaya ng katawan ko na magtrabaho pa... h-hindi ko na rin kaya pang buhayin ka. Ang tanging hiling ko lang sa 'yo ay huwag kang huminto na abutin ang pangarap mo... huwag kang susuko hangga't hindi mo nakikita ang sarili mo sa harap ng isang coffeeshop na matagumpay mong ipinundar. Ang pangarap ko ay pangarap mo rin, Sol. Huwag kang mag-alala dahil itinabi ko ang lahat ng perang ibinibigay mo sa akin. Alam kong balang araw ay magagamit mo ito, at sana huwag kang mawalan ng pag-asa para magpatuloy..."

Mas naging malakas ang pag-iyak ko dahil kahit sa huling sandali niya ay ako pa rin ang iniisip niya. Hindi siya naging makasarili at alam niya kung ano ang makakabuti sa akin...pero hindi ko inaasahan na sa ganitong paraan niya ako iiwanan.

''Mahal na mahal ka ni nanay, Soleil. At wala na akong hihilingin pa ro'n. Dahil nang isinilang ka at nasilayan kita ay ikaw ang nagpatuloy sa akin para mabuhay. Ikaw ang nagbigay ng liwanag sa buhay ko at palagi pinapasalamat ko sa diyos na ikaw ang naging anak ko. Ikaw pa rin hanggang sa huli Soleil. Paalam, anak."

Pagkatapos no'n, napapikit na lang ako at napakapit ng mahigpit sa aking dibdib. Ang bigat ng nararamdaman ko ay tila hindi ko na kayang tagalan pa.

Sa bawat pintig ng aking puso ko ay mas lalo kong nararamdaman ang sakit at pangungulila na lalong nagpapalalim sa aking paghinga.

Agad kong pinunasan ang nagbabadyang luha sa mata ko at umaasang kahit papaano ay mabawasan ang kirot na bumabalot sa akin.

I wept my tears again and smiled.

Ang akala kong ngiti sa labi ko ay magtatagal. Nang mabasa ko ang mensahe ng tumunog ang cellphone ko ay parang nayanig ulit ang aking mundo.

Sarah:
SOLEIL SI SAM MAGPAPAKAMATAY!

HINDI KO ALAM KUNG SAAN NIYA NAKUHA 'YUNG BARIL. PERO PUTANGINA PUMUNTA KA RITO. WE NEED YOU HERE! NASA STUDY AREA KAMI.

Hindi ako nagdalawang-isip na lumabas ng bahay dala ang takot at pangamba na baka hindi ko na rin siya maabutan ng buhay. Sa bawat takbo ko ay may nagiging mabigat ang dibdib ko.

I don't want her to suffer too. Ayoko siyang magaya sa nangyari kay nanay. She was just young and scared, pero hindi ko inaasahan na hahantong siya sa ganito.

She was happy... but everything is falling apart inside her.

Nang makarating ako sa study area ay nagkukumpulan ang mga estudyante. Ang iba sa kanila ay parang takot na takot.

Nang dumapo ang paningin ko sa kanila ay nakita ako ni Sarah at nilapitan ako. Doon ay natanaw ko si August na nasa likod ni Caleb habang sinusubukan naman ng lalaki na pakalmahin si Sam pero pareho silang hindi makalapit sa babae dahil magkamali lang sila ng hakbang papalapit ay sigurado akong itutuloy niya ang pagpapakamatay.

''Sol, do something," mariin na sabi sa akin ni Sarah habang mahigpit na nakakapit sa damit ko. Bakas din ang takot sa ekspresyon ng mukha niya.

''Parang awa mo na, Sam... please. Ibaba mo na yan." Nanginginig ang boses ni Caleb nang sabihin ito sa babae.

''S-Sam!" I uttered.

Tuluyan ng bumagsak ang luha sa mga mata ko nang makita ang kalagayan niya.

Nanginginig ang buong katawan ko sa takot dahil sa kung paano nakaposisyon ang kanyang hawak na baril. Nakatutok ito sa kanyang ulo.

''Huwag kayo lumapit sa 'kin! Hindi ako magdadalawang isip na iputok 'tong baril sa bungo ko!" sigaw niya. ''Hindi n'yo alam ang nararamdaman ko... tinaboy na nila ako."

''N-no... please, Samantha. I-Ibaba mo na 'yang baril. P-pag-usapan natin 'to," mahimbing kong sambit.

''Wala na rin namang saysay ang buhay ko. Dahil buong buhay akong nakatali na parang aso sa tatay ko!" bulyaw niya. ''He wanted me to be a perfect daughter, pero unti-unti niya ring sinisira ang buhay ko!"

''H-hindi totoo 'yan, Samantha. Magaling ka, matalino ka, at alam kong kaya niyang maging proud sa 'yo," pang-aalo ko pa.

I was trying to ease her pain. Ayoko na pati siya ay iwanan kami. Alam kong may lamat na ang samahan namin, pero hindi ako papayag na pati siya ay mawala. Hindi ko kakayanin...

''G-gusto na nila akong ipatapon ulit sa states dahil lang bagsak ako sa isang subject. I did my best to not disappoint them, pero hindi pa pala sapat ang mga ginawa ko. T-they were all against me, a-ayaw nila sa akin...they want a perfect daughter, and I don't exist to their standards."

''S-Sam... no, sapat ka na at alam mo 'yan. You did your best...proud kami sa 'yo," mahimbing kong sabi sa kanya.

''Huwag kang umarte na parang walang nangyari, Sol. You know what they did to me...pinagkaisahan nila ako kahit wala naman akong kasalan," she sobbed. ''They don't know anything of what happened to the trip... at kung paano kumalat ang retrato namin ni Caleb."

''Sam... nagmamakaawa ako, ibaba mo na 'yang baril please..." mahinhin na sambit ni Caleb.

''Shut up, Caleb! Alam naman nating lahat kung sino ang gusto mo sa simula pa lang!" she shouted. ''Hindi ba't nililigawan mo si Sol?"

He slowly stepped forward and shook his head. ''H-hindi,Sam. Walang namamagitan sa aming dalawa... hindi totoo ang mga naririnig mo," pang-aalo niya pa.

Parang sinaksak ako sa puso dahil sa mga naririnig ko ngayon. Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ako.

''Tangina, Caleb! Halatang-halata naman kung gaano mo siya kagusto! Dont fucking deny it!"

''I-I'm telling the truth, Sam..." His voice cracked. ''I don't like her..."

Alam kong ginagawa niya lang ito para mapakalma si Samantha, but this was too much... and beyond our boundaries.

''A-am I not good enough? May kulang pa ba sa akin? Hindi pa

ba ako sapat?" tanong niya. Kumawala ang luha sa kanyang mata at parang humapdi ang puso ko sa sinabi niya.

She was enough... more than enough.

Magulo ang kanyang buhok at may ilang punit pa ang kanyang suot na damit. Nanginginig ang dalawa niyang kamay habang patuloy na umaagos ang luha niya. Nakatutok pa rin sa sintido niya ang baril at mas lalo akong kinakabahan sa bawat segundo na lumipas dahil baka aksidente niyang magalaw ang gatilyo ng baril.

''Sam...you're enough," mahinang sambit sa kanya ni Caleb at dahan-dahan itong lumapit.

''More than enough to Sol?" she asked, her voice was shaking.

''Sam, itigil mo na 'to! Parang awa mo na!" sigaw sa kanya ni August.

Nakita ko kung paano nagningning ang mga mata ni Caleb nang tingnan ako. He was trying to hold his tears, and pursed his lips. Ilang saglit pa ay muli siyang napatingin sa babae.

''Y-yes, Sam...m-more than enough to her," he muttered. ''M-mas mahalaga ka kaysa sa kanya...walang papantay sa 'yo."

His words were unbearable. Sunod-sunod na tumulo ang luha ko sa mga mata at sa bawat patak nito ay ang pagdampi sa balat ko ng mga butil ng ulan. Wala kami sa silungan kaya't basang-basa na kami ngayon nang bumuhos ito ng malakas.

''Sam... come on, please. Ibaba mo na 'yan!" sigaw ni Sarah, hindi kalayuan sa kinatatayuan naming tatlo.

Nakapukol pa rin ang kanyang mga mata kay Caleb kahit na isinisigaw na ng ilang mga estudyante ang pangalan niya.

''M-mas mahal mo ba ako kaysa kay Sol?" She asked under her breath in a low voice.

''Oo, Sam... I love you more than her, Ikaw lang ang mahal ko... Ikaw lang ang pipiliin ko. K-kaya please... put that down."

''Caleb!" suway ni August. ''That's enough! Sinasaktan mo na si Sol." Wala namang pakialam ang lalaki sa kanya at nakapukol pa rin ang atensyon nito kay Sam. Hindi ko inaasahan na maririnig ko ito sa kanya... we just want to save her, pero parang ako na yata ang bibigay at magpapalaya.

I cried hard. Alam kong walang mag-aalo sa pag-iyak ko ngayon dahil lahat sila ay hindi kayang lumapit sa amin.

Isang maling galaw, isang buhay ang makikitil.

''See? You still love her, Caleb. Napipilitan ka lang na sabihin 'yan para mapaalis mo ako sa posisyon ko ngayon!" sigaw niya pa. ''Mahal mo pa siya dahil alam mong mas magaling siya sa akin sa mga bagay na hindi ko naman gusto..."

''N-no... Sam, kahit isang beses ay hindi ko minahal si Sol dahil wala naman akong nararamdaman para sa kanya... i-ikaw lang ang mahal ko. I will never fall for her. She was not good enough for me. She's not the one what I had hoped for-its you, Sam. Ikaw lang. Please...just let me..." he pleaded under his breath.

Nang tuluyang makalapit si Caleb ay hinawakan niya ang kamay ni Sam para ibaba ang baril at marahan naman nitong binitawan ang hawak niya. Lumapit naman sa amin ang isang criminology students para kuhain sa kanya ang baril.

Napako ako sa aking kinatatayuan at hindi makagalaw. Lahat ng estudyante sa paligid namin ay nasa amin pa rin ang atensyon. Kahit na tumigil na ang ulan, patuloy pa rin ang pag-agos ng walang katapusang luha ko. Halos madurog ako sa mga sinabi niya para lang maisalba ang buhay ni Sam.

''M-masaya ka na ba, Sam?" nauutal tanong ko. ''Nakuha mo na ang atensyon na kailangan mo sa amin, is that enough?"

Nakita ko ang pagkagulat sa mga mata nilang tatlo.

''Sol, babe..." Sinubukan niyang hawakan ang kamay ko pero agad ko itong iniwas.

"Yan lang naman ang kailangan mo, 'di ba? Atensyon, kalinga at pagmamahal ni Caleb sa 'yo?!" I exclaimed. ''You have it all, Sam... pero ako? Si Caleb lang ang nandiyan para sa akin..."

''Soleil..." mahinang pagtawag sa akin ni August.

Nanatili lang ang mga mata ko sa kanya. Gusto kong makita niya sa mga mata ko kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon...at kung paano ako nadurog sa kanila.

''M-matagal mo ng alam na may gusto ako sa kanya, pero...putangina, Samantha! Sana sinaksak mo na lang din ako o kaya pinutok mo sa akin 'yung baril kung ganito lang din naman pala kasakit ang matatanggap ko sa inyo!" sigaw ko.

''Babe..." mahinang pagtawag sa akin ni Caleb. Nakapukol pa rin ang tingin ko kay Sam.

''Noong nasa trip kayong dalawa at may nangyari sa inyo, may narinig ka ba kahit katiting sa 'kin?" galit kong tanong. ''Noong nakita kita na hinalikan mo siya noong gabi na umiiyak ka sa labas dahil sa Dad mo, may natanggap ka ba sa akin na masakit na salita? Wala!"

''Wala kang narinig. Dahil alam kong parehas tayong masasaktan..." mariin kong sabi. ''Kaya hinayaan ko na lang lahat ng nakita ko sa inyo. Kahit alam kong masakit sa akin... kahit alam kong iyon ang ikasasaya mo. Hinayaan lang kita, pero ginagago niyo lang pala ako!"

''S-Sol..." pagtawag ni Sam. ''I-I didn't know..."

''Masaya ka na ba na miserable na ang buhay ko?" galit kong saad. ''In order to save you, he needs to fucking repeatedly stabbed me! He needs to drown me to save you..."

''N-no... S-Sol..." mahinang saad ni Caleb.

''Tangina naman, Caleb. Sa lahat ng tao, bakit ikaw pa? B-bakit nilulunod mo ako ng paulit-ulit... h-hindi ko inaasahan na ganito mo ako sasaktan sa paraan na kailangan ko pang malunod..."

Sinubukan niya anong yakapin ng mahigpit, pero ikinalas ko lang ang sarili sa kanya at malakas na itinulak palayo.

I sobbed. Napasabunot ako sa aking buhok at humagulgol sa harapan niya, halos mapaupo ako sa basang lupa, pero pinagwalang-bahala ko lang ito.

Tumingala ako at tumingin sa babaeng nasa likuran ni Caleb.

''I fucking defended you when no one there's to protect you! K-kaibigan kita eh... H-hindi ko hahayaan na gawin nila sa 'yo 'yon..." naiiyak kong sambit.

''I-I'm... sorry, Sol." 'Yan lang ang tanging nasambit niya sa akin bago ito tumakbo palabas ng campus.

Nang makatayo ako ay sinubukan pang habulin ni Caleb si Sam pero agad siyang pinigilan ni August.

Nagniningning ang mga mata ni August sa harapan ko ng tumingin ito sa akin at hinawakan ang kamay ko.

''I'm sorry... Sol," he apologized. ''H-hindi na kaya pa ng konsensya ko kung mananatili akong tahimik sa ginawa ko."

Isa-isang bumagsak ang butil ng luha sa mata niya. Napakagat siya sa kanyang labi at pinisil ang kamay ko.

He was a cry baby, hindi ko inaasahan na pati siya ay sasaktan ako ng ganito.

''W-what... do you mean?" I uttered, my voice almost cracked.

''Sol... ako na-" Pinigilan ni August si Caleb sa pagsasalita.

Ibinaling ko muli ang tingin kay August.

''A-ang tanga ko, Soleil. Hindi ako nag-iisip ng tama bago ko ginawa iyon." Napasabunot siya sa kanyang sarili at hindi mapakali. Para bang malaki ang naging kasalanan nito sa akin.

''A-ano 'yon, August? Just say it!" sigaw ko.

Napalunok siya ng madiin. Kumawala ulit ang luha sa mga mata niya nang hawakan nito ang dalawa kong kamay.

''A-ako ang nagpakalat ng retrato at 'yung nag-viral na video na nakita mo," he confessed. ''S-sorry, Sol, h-hindi ko sinasadya... I was blind by their money. Dapat inuna kita at hindi ako nagpadalos-dalos sa desisyon ko..."

Malakas kong ikinalas ang kamay ko sa kanya at umatras. Nakita ko ang gulat sa mga mata nila, pati na ang mga estudyanteng nanonood sa amin.

''I'm... sorry," he pleaded.

''N-no August! I fucking lost my scholarship because of you!" buong loob kong sigaw sa kanya.

At dahil sa inyo... nawala rin ng tuluyan sa akin si nanay. I fucking hate all of you!

''P-pakinggan mo muna ako, please..." he pleaded one more time.

''K-kahit ngayon lang..."

''Tangina... B-bakit niyo 'ko ginaganito?" My voice broke. ''W-wala naman kasalanan sa inyo, pero nagawa niyo pa rin akong gaguhin lahat!" sigaw ko pa.

Lumapit ito sa akin pero agad din naman akong lumayo sa kanilang dalawa. Kitang-kita ko sa mga mata nila ang halo-halong emosyon.

''Ikaw pa talaga... August?" mahina kong sambit. ''Putangina mo... g-gago kayong lahat!" Madiin at masakit ang pagkakasabi ko sa kanya nito.

He fucking deserves it!

''I didn't mean it, Sol. Hindi ko sinasadya," aniya niya pa. ''Sol... please."

Lumapit sa akin si Caleb. Ito na ang huling sandali na magkikita pa kaming tatlo at sisiguraduhin kong hindi ko na sila makikita ulit. The youth that I always adore became my greatest nightmare... at sila ang bangungot na sumira sa buhay ko.

''We're done," I avowed. ''I no longer fucking need you in my life!" Tinulak ko siya ng malakas papalayo sa akin.

You already fuck my life too much at hinding-hindi na ako magiging gago para magpaloko pa sa kanya ulit!

I left them and ran away.

Binalaan ko sila na huwag sumunod. I even shouted at them at the top of my lungs, para lang itaboy sila paalis.

Everyone was recording at ngayon ay alam na ng buong campus ang nangyari. It's the end of the show. Sarado na ang kurtina ng entablado para sa panghuhusga nila. Napadapa ako sa basang lupa, halos hindi makahinga dahil sa tindi ng sakit na nararamdaman ko. Para itong apoy na marahang pumapaso sa aking balat at tinutupok nito ang buong pagkatao ko.

Pahirap ng pahirap ang bawat segundo lumilipas. Sa ilalim ng maitim na ulap, nakayuko akong nanghihina, pero tumayo ako at sinubukan na maglakad.

I no longer need them. Wala na silang lugar sa buhay ko simula ngayon.

Nilunod ko ang sarili ko sa alak no'ng gabing iyon at nagbabakasakali na makalimutan ko ang lahat ng bigat na nararamdaman ko, pero panandalian lang pala ito.

Sa pagmulat ko, nandoon pa rin ang sakit at kirot na ang hirap tanggapin.

I already lost everything. Wala ng natira pa, kahit ang mga luha sa mata ko. I was physically, emotionally and mentally drained. Now that it hits me, I realized how hard it is to find a true friend.

Kahit isa lang lord, basta 'yung kaya akong sandalan at patahanin. 'Yung hindi ako sasaktan at gagamitin lang para sa pera.

No one was there for me now, so I had to deal with everything alone. The weight of responsibility felt heavier than ever, each decision resting solely on my shoulders at hindi ko alam kung kakayanin ko.

I smiled, hoping that there's always a rainbow after every rain. Naniniwala pa rin ako na sa dulo ng bahaghari ay may natatagong mga pangarap sa atin na naghihintay na matupad. I will never cry again because of them. Hinding-hindi ko na ulit hahayaan ang sarili ko na masaktan ng dahil sa kanila.

''Nay, babalikan kita kapag natupad ko na ang pangarap natin..." naluluha kong sambit at nilalak ng buo ang isang bote ng soju.

I'll leave this place tomorrow... for good, and I don't know if I can come back here without a heavy heart.
Maraming masasayang sandali ang nabuo rito na palaging kong dadalhin.

Ang bawat kwento, tawa, at pagmamahal namin na natutuhan ko rito ay magiging malaking bahagi sa pag-alis ko. It will be the hardest decision, but it is for the better not just for me-to all of us.

Then,it's time for me to say goodbye.
Au revoir, mon amour. Hanggang sa muli.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top