Chapter 20

How should I describe what happened on Christmas and New Year's Eve? It was a beautiful disaster. Parang kailan lang ay inis na inis pa ako sa kanya at sa nangyari sa kanila ni Sam... and now, he wants to own me.

Hindi ko mawari kung anong klaseng kabaliwan ang binibigay niya sa akin para maglaro ang mga paru-paro sa buong pagkatao ko. It was like he drugged me for no reason, and I can't even stop it. He was messing with me with his fluttery and soft words that can easily melt me inside.

''Oh, 'di ba, pak! Sabi ko sa inyo 'nay babagay 'yang dress na binili ko,'' aniya ko. ''Mura ko lang din 'yan nabili sa ukay, kaya kinuha ko na.''

I lied.

Sa mall ko talaga ito binili at palihim lang akong nagpasama kay August na bibili ako ng regalo para kay nanay. Tinulungan naman ako nito na mamili, but in the end, I bought a beautiful dress that suits her well.

'Yun bang tataas 'yung confidence ni nanay kapag nasuot niya ito dahil mukha na siyang mayaman tingnan, katulad nina tita Rose at tita Mira. I just want her to be happy on her special day at gusto ko na sa bawat ngiting lalampas sa kanyang mga labi ay ako ang dahilan ng mga ito.

''Hindi ka na dapat pa nag-abala, Sol. Salamat na rin at nagustuhan ko ang binili mong dress,'' nakangiting saad ni inay. ''Sukat na sukat nga ito sa akin, oh. Parang gusto ko ng gawing duster na lang.'' May halong pagbibiro sa tono ng boses niya kaya napahawak ako sa kanyang kamay.

I pouted. "Nay naman, sira na nga po 'yung mga damit na suot niyo, eh.''

Hinaplos niya nang marahan ang aking buhok at napatawa naman ito.

''Biro lang, Sol. Siyempre itatabi ko ito para may maisuot ako sa graduation mo. Kahit wala ng medal anak, basta't makapasa ka lang. Ayos na sa akin iyon, Sol at hindi na ako hihiling pa ng mas higit pa ro'n.''

Her words always put me in a comfortable place. Her soothing voice always wraps around me like a warm blanket on a cold rainy night.

Siya ang nagsisilbing mainit na kape sa malamig na gabi ko tuwing bumubuhos ang malakas na ulan. It's as if her warmth voice has the power to dissolve the cold that has wrapped me.

''At kapag nakatapos na po ako, uunahin ko naman po ang pangarap n'yo na magkaroon ng sarili nating coffee shop. Hindi ba't iyon po ang gusto niyo?'' kunot-noong tanong ko.

''Ang mahalaga sa akin ngayon ay makaraos tayo at kahit paano ay maging maganda ang buhay mo,'' wika niya. ''Kaya nga botong-boto ako kay Lebleb dahil alam kong kapag siya ang kasama mo, kahit wala na ako, mayroon ka pa rin na masasandalan at mayayakap.''

Mas lalo akong naluha sa kanyang sinabi. Hindi ko alam kung nagpapahiwatig ba siya sa akin o sadyang biro lang ito.

"Nay naman, iiwan n'yo na po ba ako?'' tanong ko. ''Sige ka, wala na pong magtitimpla ng kape niyo sa umaga, wala na rin po kayong kasamang matulog sa banig... at wala na rin pong kakanta sa aking pagtulog.''

Sa bawat salitang ito ay may kirot na pumipintig sa aking puso, kahit na ipagwalang-bahala ko ito ay hindi maaalis sa isip ko ang palaging pag-aalala sa kanya.

She hugged me tightly without uttering a single word, and I didn't hesitate to embrace her.

''Sol, tara na!'' pasigaw na tawag sa akin ni Caleb mula sa labas.

Natanaw ko naman ito nang sumilip siya sa bintana kaya agad kong pinunasan ang nagbabadyang luha sa mata. Sana hindi niya mahalatang umiyak ako.

Ngumiti ako. "Nay, Aalis na po kami. Babalik din naman po kami agad mamayang hapon.''

Hinawakan niya ang balikat ko at itinutulak ako nang marahan palabas ng aming bahay.

''Sige na, Sol. Ayos lang ako rito, mag-enjoy ka lang, ah. Huwag mong kalimutang uminom ng tubig at palagi kang magdala ng payong kapag tirik ang araw,'' bilin sa akin ni inay.

Ngumiti ako at tumango. ''Opo, 'nay.''

Nang makalabas ako ay sinalubong naman ako ni Caleb at bakas ang malaking ngiti sa labi niya. Pumasok agad ako sa kanyang kotse, and he helped me with my seatbelt.

''I'll protect you, remember?'' he teasingly said. Tumataas-baba pa talaga ang makapal nitong kilay at nang-aasar sa akin.

I quickly draw back my lips while looking at him. ''Oo na, dami mong say riyan.''

Inalis ko pa ang kanyang mukha sa aking harapan dahil sobrang lapit namin sa isa't-isa. I cleared my throat while averting my gaze to him.

''Ingat, Sol!'' pahabol pa ni inay.

Natanaw ko pa siya sa salamin habang umaandar ang sasakyan, hanggang sa hindi ko na siya natanaw.

''Saan mo na naman ako dadalhin, aber?'' My head was tilted a bit. Nakakunot pa ang noo ko ng magtanong sa kanya.

''I'll tell you once we get there. 'Di ba sabi mo gusto mong pumunta ng dagat sa araw ng pasko?'' seryosong tanong niya nang saglit akong balingan ng tingin.

''Oo, sinabi ko nga 'yon,'' ani ko.

He beamed at me. ''So, we're heading to your favorite place. I know you missed it so much dahil matagal na rin simula no'ng bumisita tayo ro'n,'' aniya.

Ang tagal na nga nito. Noong bata pa yata huling nakapunta sa isang tabing dagat, kung saan wala rito masyadong tao at medyo balot ito ng mga malalaki at mayayabong na halaman sa paligid nito, pero hindi ko lang alam kung nagbago na ito.

Tumango na lang ako sa kanya.

Pagkatapos nang lahat ng nangyari sa amin nitong mga nakalipas na buwan, wala akong narinig sa kanya na paliwanag. Muling sumagi sa isip ko ang video na kumalat at hindi pa rin nito maalis ang sakit na idinulot sa akin.

I was crying the whole day trying to process it, until I felt Heinz presence.

With him, I know I'm safe. With him... my heart is not hurting anymore. He was like a bandage to me, forgetting that the wounds are still there as it slowly heals me.

Sa pagtama ng mga mata namin ni Caleb, may mga tanong na bumabagabag sa isip ko.

Mahal ko pa rin ba siya gaya nang dati?

Kaya lang ba niya ito ginagawa para makalimutan ko ang nangyari sa kanila?

I heaved a sigh. Nakarating na kami sa dati naming tambayan noong bata kami.

Malaki na nga ang naging pagbabago nito, pero ang mas ikinatuwa ko ay hindi nawala ang inukit naming pangalan sa malaking puno malapit sa dagat. Naroon pa rin ang pangalan naming tatlo.

Lebleb... Sol... August.

''Himala, hindi nila pinutol ang puno na 'to,'' hindi ko makapaniwalang sabi habang hinahawi ang mga dahon na nakaharang sa amin. May mga namumunga pa nga na mangga rito na ikinatuwa ko. Buhay pa rin pala 'to.

Napahawak naman ako sa nakaukit naming pangalan at tila hindi man lang ito nagalaw o natakpan. Bumalik tuloy ang lahat ng alaala ko no'ng mga bata pa kami.

Hindi kasi ako basta-basta nakakalabas ng bahay dahil pinagbabawalan ako ng aking ama, kaya nang pumunta kami rito ay tumakas lang talaga ako.

Pag-uwi ko, kahit napagalitan ako ng husto, nakangiti pa rin ako. Kahit paano ay naramdaman ko pa rin ang maging bata-iyong walang alalahanin sa isipan at ninanamnam lang ang bawat sandali na kasama sina August at Caleb.

I know it was momentary, that's why I cherish every moment with them. Time is relative, alam kong hindi na mauulit pa iyon kasama sila.

Ika nga nila, lumilipas ang oras at nagbabago ang lahat.

''Dito tayo, Sol,'' pagyaya sa akin ni Caleb.

I smiled as I walked towards him. Naupo naman ako sa tabi niya habang pinagmamasdan ang tahimik na karagatang umaalon.

Just like when we were kids, we used to chase after the small waves that playfully danced along the shoreline.

''Isang beses lang tayo naglaro rito, pero ang dami nating alaalang nagawa,'' Caleb said.

I laughed. ''Oo, tapos magbabasaan pa tayo na akala mo may mga dalang damit na pampalit.'' Yet we don't care about it, and just savor each moment.

I just missed the old us. Sana pwede pang ibalik ang nakaraan o kaya may kakayahan akong makita ito para pwede kong balik-balikan kung kailan ko gusto.

Napahawak siya sa aking kamay at tiningnan ako.

''I never intended to hurt you, Sol,'' he said.

Pinisil niya pa ng marahan ang aking kamay. ''May mga bagay pa rin akong pinagsisisihan ngayon dahil alam kong nasaktan kita nang hindi ko sinasadya.

Months have passed, yet it still stings my heart like a needle,'' he added.

May bahid ng lungkot ang mga mata niya. His sincerity caught my attention quickly, as if everything happened faded away in his words.

Hindi niya intensyon iyon pero para na kong nilulunod no'ng mga oras na 'yon, kahit alam kong walang sasagip sa akin kapag tuluyan akong nilamon ng dilim paibaba.

''Tapos na iyon, Leb...'' My voice trailed off.

I'm not comfortable to talked about it at alam kong sa pagtitig ko pa lang sa kanya ay nababasa na nito ang gusto kong sabihin.

I pursed my lips. Sana hindi na niya pinaalala pa ito.

Lumapit siya sa akin na parang akmang hahalikan ako, pero tinungo nito ang labi sa aking noo at marahan niyang hawakan ang likod ng ulo ko.

He kissed my temple. ''I want to spend my time with you today. This is the only gift that I can afford right now. Merry Christmas, Sol.'' Kumawala ang ngiti sa labi niya, gano'n din naman ako.

Sana ganito na lang kami palagi. Sana mabuo ulit ang gusot naming tampuhan na parang dati lang no'ng hindi pa dumarating sa buhay namin si Sam. Inilagay niya ang kanyang ulo sa aking balikat at sabay naming pinagmamasdan ang magandang kapaligiran.

Tahimik. Payapa. Kalmado.

Ayoko ng maulit pa ang bangungot na unti-unti ko ng kinakalimutan, at sana sa mga dadaan na araw ay wala ng pangamba pa sa aking puso.

❛━━━━━━•(🌸)•━━━━━━❜

AFTER THAT NIGHT-WHERE HE kissed me at the rooftop-everything changed between us. There was a fulfillment in my heart, and I can't change the fact that I still loved him despite everything.

Totoo nga na mabilis lumipas ang oras kapag hinahayaan mo lang ang sarili mo na sumabay sa agos ng buhay, at tanggapin ang bawat sandali nang walang alalahanin sa aking puso at isip.

Lebleb Bantot:
Otw na 'ko, babe. May dinaanan lang ako. Nautusan pa nga ni Dad hahaha.

Anak araw:
Ingat, babe!

Napabaling ang tingin ko kay Lexie habang bakas pa ang malawak na ngiti sa labi ko, kasalungat naman ito sa ekspresyon ng mukha niya ngayon.

Inilagay ko na sa bulsa ang cellphone ko, bago kuhain ang tray na nakalapag sa bakanteng mesa.

''Colorblind ka nga! Hindi mo kasi makita kung gaano kaanghang 'yang lalaki na 'yan at wala kang pakialam kahit mapaso ka pa!'' sermon sa akin ni Lexie.

''Mahilig naman ako sa maanghang,'' biro ko pa.

Nakatikim tuloy ako sa kanya ng malakas na hampas. Dinaig niya pa si nanay kung sermonan at pagalitan ako dahil sinagot ko na si Caleb.

It just happened so quickly-in the blink of an eye I fell for him again.

''Tapos kapag nasaktan ka, sa akin ka na naman tatakbo,'' sambit niya.

Inilapag ko ang hawak na tray sa gilid ng counter. ''Mag-boyfriend ka na rin kasi! Ang dami mo kayang manliligaw, 'yung iba mayaman pa at guwapo tapos tinatanggihan mo,'' sambit ko.

Marami nga siyang manliligaw, pero walang pumasa kahit isa sa standard niya. Kahit pa ang mayayaman na CEO at businessman.

''Ayoko sa kanila,'' diretsa niyang sabi.

Napakunot-noo ako. ''Bakit naman?''

''Ayoko namang magkaroon ng boyfriend tapos sasampalan ako ng nanay niya nang tseke. Parang teleserye lang ang atake,'' saad niyang natatawa pa.

''Ah, Ms. Lexie, 'Yung order ko po,'' sabi ng lalaki sa kanya, kaya napalingon siya.

''Teka lang, nagtsitsikahan pa kami rito oh,'' anas niya. Nabigla naman ako sa tinuran nito na nakapamaywang pa sa lalaki.

Tinarayan pa nga nito ang lalaki. Mukhang may pinagmanahan ng pagiging loko-loko 'toh. Binatukan ko siya nang malakas para magising ang kanyang diwa.

''Siraulo ka talaga! Gusto mo ata na mawalan ng trabaho eh,'' ani ko.

She smiled bitterly at agad din namang nag-sorry sa customer namin. Ako na nga ang nag-abot ng order sa lalaki bago ako bumalik sa counter.

''Nandiyan na 'yung sundo mo!'' anas ni Lexie.

Akala ko hindi na siya darating eh.

Hinubad ko agad ang suot kong apron at ibinigay kay Lexie. ''Ikaw na bahala rito ah. Salamat, Lex!'' I beamed at her.

Nagmamadali kong kinuha ang gamit ko bago lumabas.

''Anong salamat ka riyan, bayaran mo muna utang mo sa 'kin!'' bulyaw niya pa.

Nginitian ko lang ito at umalis agad.

Si Lexie muna ang sumalo ng shift ko ngayong araw dahil manonood kami sa sinehan ni Caleb. Isang araw lang naman ito at nakapagpaalam na rin naman ako kay inay no'ng nakaraan pa, pati sa boss kong masungit-si Heinz.

Bigla namang nag-text sa akin si August at agad na binasa ito.

Pango:
Hindi kami makakasama ngayon. May family reunion kasi si Maxine at mas kailangan niya ako rito.

Napangiti naman ako. Buti naman para ma-solo ko si Caleb ngayong araw. I smiled as I tapped my phone.

Pandak:
Ingat kayo! 'Yung shanghai ko ah 'wag mo kalimutan. Pansit din daw si Caleb, paborito niya 'yun eh, thanks!

Minsang lang humirit kaya susulitin ko na.

Pango:
Lakas mo talaga, may pa-takeout pa kayo. Noted po!

Ngumiti ako bago ibinulsa ang cellphone ko. Nahuli ko pa nga na nakatingin sa akin si Caleb, pero agad din itong umiwas.

He cleared his throat. ''Tara na, Sol.''

Pinagbuksan pa ako nito ng pintuan bago pumasok sa kotse at hinihintay na makasakay.

''Pagod na pagod ka yata sa shift mo. You should eat first, sakto may binili ako rito,'' wika niya at kinuha sa backseat ang isang supot ng plastik na may lamang pagkain.

May fries ito, chicken, nuggets with sauce, at isang coke.

''Sana hindi ka na nag-abala pa, pwede naman tayong kumain sa sinehan habang nanonood,'' saad ko.

Bumaling naman ito ng tingin sa akin matapos ibaba ang hawak niyang cup.

''Ayokong malipasan ka ng gutom, Sol. Palagi mo na lang kasing dahilan na kumain ka na, kahit hindi pa talaga. I just wanted to make sure you're not skipping your meals again,'' he said, worriedly.

He slowly caressed my head. Nitong mga nakalipas na araw may naramdaman ko ang kanyang pagmamahal dahil palagi siyang nandiyan para sa akin.

Dinadalhan niya kami ni inay ng ulam na siya mismo ang nagluto at nakikisalo sa amin na kumain. He also makes sure that I'm eating at the right time. Palagi pa itong may dalang sandwich kapag sabay kaming pumapasok.

They don't know about our secret relationship, kaya palihim lang kaming nag-uusap sa library, kung saan wala gaanong tao na pumunta kapag hapon.

Nang makarating na kami sa Mall ay bitbit pa rin nito ang itim kong shoulder bag. Natatawa na lang ako sa kung paano niya ito bitbitin dahil hindi nito malaman kung paano niya ito hahawakan ng tama.

Kahit pinagtitinginan siya ng ibang babae, pinagwalang-bahala niya lang ito at nasa akin lang ang atensyon niya.

After a few hours, we both enjoyed the movie called After We Collided. Namula ang pisngi naming dalawa dahil hindi namin inaasahan na magiging tension ang halikan no'ng dalawang bida. At siyempre, hindi namin pinalampas na mapanood ang Birds of Prey and Sonic the Hedgehog.

Pagkatapos no'n ay nagtungo muna kami sa malapit na convenience store. Binili lang ako nito ng hotdog sandwich at tubig dahil bitin ang pagkain namin kanina sa sinehan, at pagkatapos lumabas na rin.

Malapit na lang naman din ang bahay namin kaya lalakarin ko na lang. Nakita kong abala itong ka-text si August.

''Kita ulit tayo mamaya, Sol. Dadaanan ko lang muna si August,'' sabi niya. ''See you!''

Tumango naman ako habang ngumunguya.

He teasingly smile at me before he bid his goodbye. Para bang may binabalak na naman itong kalokohan.

I can't deny it-he's adorable when he teases me like a child, giving off those golden retriever vibes. He's even wearing the glasses we bought earlier today, and they suit him perfectly.

Pinisil pa nito ang pisngi ko bago kami naghiwalay ng landas.

My lips curved into a smile. His more charming that I thought, kaya maraming babae ang mabilis mahulog sa kanya, pero sa akin pa rin naman ang bagsak niya.

It was a blissful day. Parang ayoko nang matapos ang araw na 'to. Sana ganito na lang palagi. I wish I can rewind the happiest moment of my life, but reality always hits me so hard.

Habang pauwi ako, biglang nag-ring ang cellphone ko. Pagtingin ko kung sino ang tumatawag, rumehistro ang isang pamilyar na numero sa akin-ito ang contact number na nakalagay sa iniwang notes ni Andrew sa akin, kaya hindi ako pwedeng magkamali.

With a heavy heart and doubt in my mind, I reluctantly answered his call.

Napalunok ako nang madiin habang hinihintay ang lalaki sa kabilang linya na magsalita.

''B-bakit ka napatawag, Andrew?'' tanong ko. There was a long pause before the man could utter a word.

Naririnig ko ang malalim na paghinga niya sa kabilang linya. Bago pa man ako makapagsalita, inunahan na niya ako ngunit mas nabahala ako dahil akala ko'y boses ito ni Andrew.

Pamilyar ako sa kanyang malalim na boses, at alam kong hindi siya 'yon.

Si... tatay ang nasa kabilang linya!

''S-Sol... w-wala na si nanay Imel mo.''

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top