Chapter 2

Abot-langit ang ngiti niya habang kumakain ng spaghetti sa harapan ko. It's the deal that I've made at ako pa nga ang talo sa sarili kong laro. Kung sana'y nag-review lang ako kagabi mataas sana ang nakuha kong score.

''Ang daya mo! Sabi mo hindi ka nag-review,'' reklamo ko kay August. I crossed my arms and furrowed. Katabi ko lang si Caleb na nakapamulsa pa habang tinitingnan lang kaming dalawa.

Humalakhak pa ang huli habang kumakain. ''Sana kasi nag-review ka rin para hindi itlog ang nakuha mo,'' anas niya.

I was about to throw him a punch nang pigilan ako ni Caleb at isinubo sa aking ang isang piraso ng french fries.

''Eat when you're stressed. Para hindi laging nagsasalubong 'yang mga kilay mo,'' saad ni Caleb sa 'kin para pakalmahin ako.

''Bilisan mo kumain at may pasok pa ako ngayon sa Vermont,'' pagmamadali kong sabi kay August.

Tinarayan lang ako ng huli at nagpatuloy lang ito sa kanyang pagkain. Imbis na bilisan ay mas lalo pa akong nainis dahil binagalaan niya talaga ang pagkain niya ng manok, kaya nakatikim siya ng malakas na batok sa akin.

''Kaya ka hindi nagkakaroon ng jowa eh,'' bulalas ko. ''Ang hilig mo pang mang-inis.''

''As if namang may nagkakagusto rin sa 'yo?'' rebat niya pa.

''Both of you are so childish, pwede bang bilisan n'yo na lang kumain at nang makaalis na tayo rito agad,'' naiinip na sabi Caleb.

Napatikhim naman kaming dalawa ng siya na ang nagsalita.

Mukhang bored na rin ang loko dahil hindi naman ito bumili ng pagkain niya. In the end, we shared what we have. Tig-kalahating manok kami at hati-hati pa sa dalawang coke na in-order namin. Pagkatapos ay nagpaalam na ako sa kanila dahil may shift pa ako ngayong hapon sa Vermont Café.

Gusto pa sana akong ihatid ni Caleb pero tumanggi ako dahil alam kong may mahalaga siyang kailangang puntahan ngayon. They have family dinner later at base pa lang sa kanyang ekspresyon ay mukhang ayaw niyang sumama.

''Ako na nga ang maghahatid sa 'yo, ayaw mo ba?'' pangungulit niya pa. Naglalakad kami ngayon at matirik pa ang araw kaya naman naglabas ito ng payong.

''Kaya ko na nga, malapit lang din naman iyon at isang sakay lang dito,'' sagot ko sa kanya. ''Mauuna na 'ko.''

Nang may pumarang jeep ay agad akong sumakay. Hindi rin nga kalayuan ang café kaya on-time akong nakarating at papasok ko pa lang ay sumisilay na agad ang ngiti ng babae sa harapan ko.

''Anteh, alam mo na ba?'' bungad sa akin ni Lexie habang nagsusuot ako ng apron.

Mahalaga kasi na lagi kaming nakasuot nito kahit may sarili na kaming uniform para na rin sa safety standards dito sa café.

Nang lumingon ako ay bakas pa rin ang ngiti sa labi niya. Ano na naman kaya ang nakain niya at sobrang saya niya ngayon?

''Ano na namang chismis, aber?'' nakapamewang kong tanong.

''Hinahanap ka kahapon ni Sir Heinz, dumaan ulit siya kahapon dito pero mukhang malungkot siya dahil hindi ka niya nakita,'' kuwento niya sa 'kin.

Galing siya rito kahapon? Ano naman kaya ang pakay niya sa 'kin at bakit niya ako hinahanap?

''Bakit niya naman ako hinahanap?'' I asked.

''Malay ko, pero mukhang na love at first sight ata sa 'yo si sir,'' she giggled at hinampas pa ako nito sa aking balikat. ''Ang haba talaga ng hair mo, girl!''

''Ewan ko sa 'yo! Magtrabaho na nga lang tayo," asik ko. I just heaved a sigh and continue my usual routine here.

Marami ang dumagsang mga customers ngayong araw, hindi ko alam kung bakit pero kahit si Lexie ay nagulat din. Absent pa naman ngayon si Gio, isa sa mga staff namin, kaya kami lahat nag-asikaso ni Lexie sa mga order nila.

May mga ilan pang mga estudyante na dumating pero mukhang hindi ko na rin sila maasikaso. Other staff helps us to get the customers' order, while I was hadling catering some of their coffee na kanina pa nila hinihintay.

I was about to handle the frappuccino order to the table of a customer when I suddenly fell, causing the hot coffee to splash on his shirt. Napatayo na lang ang lalaki dahil mainit pa ang kapeng sumaboy sa kanya.

Sa dami ng customers ngayon ay tiyak akong pinagtitinginan na nila kami ngayon, I can't help but to hide my face because of embarrassment.

Nang magtama ang tingin naming dalawa ng lalaki ay napatigil ako sa pagpunas sa kanyang puting damit. Agad kong nakilala ito-he was my father's oldest son sa iba nitong pamilya.

Napalunok na lang ako ng madiin. I can still remember the pain that brought me tears years ago.

''Oh, my ghad! Andrew your shirt,'' hindi makapaniwalang sambit ng kanyang kasama. Agad itong kumuha ng tissue at pinunasan ang lalaki.

The man seemed so calm and totally not bothered by what happened. Tumingin and kasama niyang babae sa 'kin at binigyan ako nito ng matalim na tingin.

''Miss hindi ka ba-'' I immediately cut her off.

''I'm sorry, hindi ko po sinasadya. Papalitan ko na lang po 'yung natapon,'' pagpapaunanhin ko.

''Is this how you treat your customers here? Ano pang magagawa niyang kape na 'yan kung basa na rin naman ang damit niya?!'' sigaw niya sa 'kin, causing a commotion inside the café.

Agad namang sumaklolo si Lexie sa akin at hinila ako nito. ''You don't need to raise your voice ma'am, papalitan po namin agad. And we're sorry for what happened sir.'' Tumingin siya sa lalaki at base sa ekspresyon nito ay parang hindi alintana sa kanya ang basa nitong damit.

''Rita, can you please calm down. Hindi naman ikaw ang natapunan. At isa pa, hindi niya rin naman sinasadya ang nangyari,'' mahinahong sambit ng lalaki. ''I'm also sorry if she raises her voice, ganyan lang talaga siya.''

''What was happening here, Soleil?'' tanong ni sir David, our manager.

''Sir...'' I was about to explain what happened when the man in front of us suddenly spoke.

''It's okay, you don't need to worry about my shirt. I have some spare of this in my car, and it's not her fault. Sadyang basa lang ang sahig kaya ito nangyari,'' he explained.

Ako dapat ang nagsabi nito pero pinangunahan na niya agad ako.

He gave our manager an assuring smile that it was okay. Agad din naman kaming bumalik ni Lexie sa counter, and after the commotion our manager decided to deduct the spilled coffee from my salary.

''Buti na lang mabait 'yung customers na natapunan mo ng kape, kung sa iba 'yan ay baka wala ka na talagang trabaho ngayon, Sol,'' anas pa ni Lexie.

''Oo nga,'' tanging sagot ko sa kanya.

''Sabi ko nga kung pwedeng sa 'kin na lang ikaltas ang natapon baka kasi wala ka ng maiuwing pera kay tita,'' she stated.

She was worried about me all the time. Ang swerte ko nga sa kaibigan pero pagdating naman sa kaginhawahan ng buhay bakit parang lahat ay pinagkakait na sa 'kin.

I fake a smile. ''Hindi na kailangan, Lex. Salamat din pala sa ginawa mo kanina.''

Muntikan ko pang makalimutan na magpasalamat sa kanya sa pagtatanggol sa akin sa masungit na babae kanina.

''Ano ka ba, kaibigan kita eh. Tama lang na ipagtanggol kita dahil hindi mo naman sinasadya ang nangyari,'' wika niya. ''Huwag ko lang talagang makita ulit 'yang babaeng masungit na 'yan, kung hindi ay tatapyasin ko talaga isa-isa ang buhok sa kilay niya.''

Natawa naman ako sa itinuran niya. Kung hindi lang kami magkakilalang dalawa nung lalaki ay tiyak akong umuusok na ang ilong sa galit nung lalaking iyon.

I don't want to mention him because of what happened to my family back then, pero hindi talaga maiiwasan na sumagi ulit sa isip ko ang nangyari.

Today was the worst, yet a lucky day for me. Dahil napakiusapan ko naman si Sir David sa nangyari kanina. Habang pauwi ako at nakasakay ngayon sa jeep ay ka-text ko ngayon si Caleb.

Anak araw:
Ang malas ng araw ko ngayon kainis!

Lebleb bantot:
What happened? Inaway ka na naman ba ni Lexie bantot?

Anak araw:
Hindi, gago! Natapunan ko kasi ng kape 'yung anak ni papa. My step-brother to be exact, hindi ko naman inaasahan na siya pala ang natapunan ko kanina.

Hindi pa rin matangaal sa isip ko ang nangyari kanina.

Nakakahiya.

Lebleb bantot:
Sheesh ang wrong timing naman.
Hindi ka ba natanggal sa trabaho?

Huwag kang mag-alala may iba pa naman akong alam na pasukan, gusto mo tulungan kita makapasok?

Anak araw:
Hindi na kailangan, salamat na lang. Swerte ko nga at hindi ako tinanggal ni Manager David. Malakas ako sa kanya, eh.

Minutes later, he chatted me back at umawang naman ang labi ko.

Lebleb bantot:
Did you eat na ba?

I pouted before replying to him.

Anak araw:
Hindi pa nga eh :⁠-⁠(

Dahil sa nangyari kanina ay hindi na sumagi sa isip ko ang gutom. Mas nangibabaw kasi sa isip ko kung bakit nagawi ang lalaking iyon.

Is it a coincidence na nagkita kaming dalawa sa café? Kung hindi ako nagkakamali ay girlfriend niya ang kasama niya kanina. She was very attitude, kasalungat sa ugali ng lalaki.

Lebleb bantot:
I brought you some food. Dadalhin ko na lang sa bahay n'yo at sabay na tayo kumain. Ayoko ko kasing kumain ng hindi kasama ang asawa ko.

Anak araw:
Loko ka talaga!

I can't help but to laugh. Agad din naman itong nawala dahil baka pagtinginan pa ako ng ibang pasahero at mapagkamalan pa'kong nababaliw.Alam kong humahalakhak na ngayon ang loko dahil naasar na naman niya ako. Bakit ba kasi hindi pa siya mag-girlfriend?

Bakit ba kasi ang hirap sa kanya na ako ang piliin niya?

Mas lalo niyang ginugulo ang isip at puso ko. But I know I shouldn't assume too much dahil baka sa huli ay ako lang din ang masaktan. Sabi nga nila, never assumed, unless stated.

Hangga't walang clear signal mula sa kanya ay mananatili kaming magkaibigan dalawa.

Pero... hanggang kailan?

''Sol! Nandiyan ka na pala. Nagdala si Caleb ng pagkain natin, sumalo ka na sa amin,'' paanyaya ni inay sa 'kin, habang kumakain kasama si Caleb.

Kung umasta naman ang lalaki akala mo nasa sarili niyang bahay.

''Doon ka na kumain sa inyo, asungot ka talaga! May bahay naman kayo, 'di ba?'' anas ko.

''Tita, pinapaalis na agad ako ni Sol oh. Hindi pa nga ako tapos kumain,'' sumbong niya pa kay nanay with a pleasing eyes and pouted lips na parang batang nagpapaamo.

''Saluhan mo na kami, Sol. Alam kong gutom ka na rin.'' Agad akong hinila ni inay para maupo sa tabi ni Caleb. ''Nilutuan ka niya ng adobo, chicken curry at hotdog.''

Ako na mismo ang naglagay ng kanin at kinuhaan namn ako ni Caleb ng baso at nilagyan ito ng tubig.

''Oh, sa 'yo na itong hotdog ko.'' Inilagay niya sa plato ko ang may kagat na niyang hotdog. Kakauwi ko lang pero nang-iinis na agad siya.

''Magpakabusog ka r'yan, masarap 'yan. Siyempre luto ko eh,'' pang-aasar pa ni Caleb at tumataas-baba pa ang kanyang kilay.

Loko talaga! Kahit kailan talaga ay hindi mawawala ang pagiging mahirap na ugali ni Caleb dahil nakataas pa ang paa nito habang kumakain, kulang na lang yata ay ilagay niya sa lamesa namin ang paa niya.

Binilisan ko na lang ang pagkain ko para makapagpahinga na rin ako. Ramdam ko na rin kasi ang antok sa buong katawan ko, tapos sumakit pa ang ulo ko dahil sa mga nangyari kanina.

"Nay, matutulog na po ako.'' Tumayo na ako at inilagay ang pinagkainan sa hugasan. ''Umuwi ka na asungot.''

Nanlisik pa akong tumingin sa huli pero parang balewala lang ito sa kanya.

''Iyon lang wala man lang, thank you?'' reklamo niya.

'Yun pala ang kanina niya pang hinihintay na gusto kong sabihin kaya hindi pa siya umaalis kahit tapos na siyang kumain.

''Salamat sa ulam, master,'' saad ko at bingyan siya ng pilit na ngiti.

''Sleep well, anak araw.'' He also smiled at me bago ito lumabas ng pinto. Nagpasalamat din ito kay inay dahil sa pagtanggap sa kanyang sumabay na kumain.

After an hour, I shut my eyes closed as I rested my head on my soft bed. I just wanted to rest because this day is too exhausting.

❛━━━━━━•(🌸)•━━━━━━❜

HAPPINESS IS LIKE A BUTTERFLY; the more you chase it, the more it will elude you, but if you turn your attention to other things, it will come and sit softly on your shoulder.

Nandito kami ngayon sa campus at nakatambay lang sa isang study area na may silungan pa habang hinihintay ang susunod na klase. Iba kasi ang schedule naming tatlo at ngayon ay si August naman ang hindi namin kasama.

Dito rin pala gumagawi ang ilang mga estudyante kapag break time o kaya ay ginagawang itong study area.

Hindi gaanong marami ang estudyanteng nakatambay ngayon at bilang lang sa mga daliri ang nandito. Ang iba ay abalang nagtitipa sa cellphone nila, at ang ilan naman ay nag-group study pa.

''Stop staring at me like I'm some sort of an artpiece in an art museum,'' Caleb muttered. He was busy reading his favorite book at hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

Akala mo talaga mahilig siya magbasa!

''Hindi ako nakatingin sa 'yo!'' I denied, biting my lower lip. Nahuli na naman niya akong nakatingin sa kanya.

Kahit sino naman kasi mahuhumaling sa gwapong lalaking ito tapos nakasuot pa ng mamahaling salamin habang nagbabasa ng libro. He's like the standards that every girls dream to have. Medyo torpe at mahirap nga lang suyuin ito pero mabait naman siya kahit paaano.

Hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanya. And just by looking at him, I already knew that I've fallen many times at hindi ko ito maikakaila sa sarili. Iba talaga ang charisma na mayroon si Caleb, 'yun bang ngitian at kindatan ka pa lang niya ay matutunaw ka na.

Alam kong tanga ako...tangang minahal ko pa rin siya kahit wala akong pag-asa. I'm still hoping that he would like me, but I know eventually that my feelings will fade away.

''You are staring at me the whole time we're here. Wala ka namang ibang titingnan kung hindi ako lang, unless...''

A boyish smile appeared on his face. Isinarado niya ang hawak na libro at bahagyang tumingin sa mga mata ko.

I hardly gulped. Kanina niya pa pala napapansin ito pero parang wala naman siyang pakialam.

''Unless?'' I asked.

I could feel my heartbeat rumbling inside my chest like it was going to explode in any second now. Bakit ba kasi ganito ang nararamdaman ko sa tuwing nagtatama ang tingin namin?

''Unless you like someone else.'' he continued what he was going to say. Mas inilapit niya pa ang kanyang mukha sa akin at ramdam ko ang pamumuo ng butil ng pawis sa aking noo.

''May nagugustuhan ka na bang iba, Sol?''

''A-ako? At sino naman ang magugustuhan ko?'' bulyaw ko. ''Wala namang nanliligaw sa 'kin.''

Wala naman talaga. Sa ganda kong 'to, may mga lalaki nang sumubok pero hindi naman nila itinuloy ang panliligaw. Ewan ko ba sa mga lalaking 'yon basta-basta na lang nawawala na parang bula-like they left me for no reason.

Sa tuwing may gustong manliligaw na lalaki sa akin noon, feeling ko may bumabakod sa kanila para hindi nila ituloy ito tulad na lang noong tumuntong kami ng junior high ni Caleb.

Someone left a confession letter in my bag at gusto niya raw sabihin iyon sa akin ng personal. Actually, it was the day before Valentine's Day kaya pumayag akong makipagkita sa lalaking nagbigay ng sulat sa akin. I was wearing my favorite dress na binili pa mismo ni inay sa 'kin noong kaarawan ko.

Hindi ko ito pinaalam kay Caleb ang tungkol dito dahil busy ang loko sa pagbibilang ng mga natanggap niyang confession letter, chocolates at gifts mula sa ibang section na nagkakagusto sa kanya.

Ang yabang pa niya kasi siya ang may pinakamaraming nakuha sa seksyon namin.

On the other hand, I don't have any idea who's behind that confession letter pero kalaunan ay nalaman ko rin na mula pala siya sa section one at parati niya akong nakikita tuwing break time namin. After we met and he confessed his feelings to me, he suddenly began to ghost me-at hindi na siya nagparamdam ulit.

After many months, we had our school event at isa na naman ito sa mga core memory ko na ang hirap alisin sa isip ko dahil hanggang ngayon ay buo ko pa rin itong naalala.

I'm still ashamed of myself whenever I remember that day on how I confessed my feelings to Caleb during our school event.

At sa 'di malamang dahilan, nang matapos kumanta ang banda na nasa stage, umakyat ako at kinuha ang mikropono. Hindi ko alam kung anong nakain ko no'ng mga oras na 'yun para tubuan ako ng kapal ng mukha para umamin sa nararamdaman ko.

''Hanggang kaibigan lang talaga ang turing ko sa 'yo, Sol. Sana huwag mong masamain ito.''

Shet naman! That was my worst day ever in junior high na halos gusto kong magpakain sa lupa no'ng mga oras na 'yun at tumakbo na lang palabas ng campus namin-but I didn't do it. Dahil makapal ang mukha ko, pinagdiinan ko pa rin ang sarili ko sa kanya.

Wala talaga akong sagot sa tuwing tinatanong nila ako kung bakit ko nagustuhan si Caleb. Kibit-balikat lang ang tanging tugon ko o hindi kaya ay 'basta' kasi hindi ko naman siya nagustuhan sa panlabas na anyo mayroon siya; he's different more than everyone could ever know. He's like a wildflower that suddenly blooms in my garden-growing freely, dancing in the wind, and bringing joy to wherever he goes.

''Nandiyan na 'yung manliligaw mo,'' sungit na sambit ni Caleb.

''Huh, manliligaw? Sino?'' Napakunot-noo ako bigla at iginawi ang tingin ko nang ngumuso siya sa taong tinutukoy niya.

Nanlaki ang mata ko nang mamukhaan ko ang lalaking nasa tapat ngayon ng gate ng campus namin.

Anong ginagawa niya rito?

At paano niya naman nalaman na dito ako nag-aaral?-gagi oo nga pala! Nakasuot ako ng uniporme no'ng inalok niya ako para ihatid sa Vermont Café.

''Mukhang may bago nang maghahatid-sundo sa 'yo Sol,'' mahinang sambit ni Caleb saka siya tumayo at kinuha ang bag niya, pati na ang iba pang gamit nito na nasa table namin.

Teka, iiwan niya ba talaga ako kasama nung lalaki 'yon?

''Mauuna na'ko, Sol. May klase pa ako,'' paalam niya pa sa 'kin.

Sinamaan ko naman siya ng tingin. Mamaya pa ang sunod na klase namin sinungaling talaga siya!

Mabilis kong nahawalan ang kanyang braso kaya napatigil siya. I heaved a sigh and pleadingly look at him na huwag munang umalis, pero binawian lang ako nito ng isang ngisi at marahang inalis ang pagkapit ko sa kanya.

''Bye!'' He already pissed me off.

''Inamo!'' I cursed him, lowering my voice. Gago talaga! Iniwan ba naman ako sa ere ng loko!

''It's nice to see you here again, Sol.'' I heard a manly voice. Nang lumingon ako ay hindi ko namalayang nasa harapan ko na pala siya.

Feeling ko tuloy ay magkakaroon ako ng nosebleed kapag kausap ang rich kid na lalaking 'to.

''I-Ikaw pala, Heinz. Napadalaw ka yata?''

He let out a soft chuckle causing me to be furrowed quickly. Anong nakakatawa sa sinabi ko?

''I'm also a student here, architecture department. Napadaan lang ako rito dahil hinihintay ko ang mga blockmates ko,'' paliwanag niya. ''How about you? Bakit hindi mo kasama ang mga kaibigan mo?''

I want to tell him that I don't have such group of friends here, maliban kina Caleb at August.

''They have classes kasi, uhm... mamaya pa kasi ang klase ko kaya tumambay muna ako rito,'' sagot ko. Medyo kinakabahan pa ako habang kausap siya.

Marunong naman siyang magtalog at mukhang sanay naman siya pero parang hindi ito ang una niyang lengguwahe na natutuhan. Bigla ko na lang naalala ang sinabi sa akin ni Lexie kahapon.

''Bakit mo nga pala ako hinahanap kahapon sa Café?'' I asked.

''I saw your uniform while driving at parehas lang pala tayo ng school na pinapasukan. Gusto ko sanang tanungin kung saang department ka, pero wala ka kahapon.''

Ah, kaya naman pala. He seemed interested to know me at mabait naman siya. Who would taught that I will met the son of Mr Vermonte?

Atsaka masyadong malayo ang agwat namin sa isa't-isa.

''Dude, let's go!'' tawag sa kanya ng kasamahan niya niya na si Dylan.

They're all wearing a blue jersey at mukhang may laro sila ngayon dahil may hawak pa na bola ang isa sa mga barkada niya.

Pagkatapos naming mag-usap ay umalis na rin siya agad. It's nice to talk to him for a while at mukhang isang golden retriever naman ang kanyang ugali. He was harmless and nice to me. Hindi gaya ng isa riyan na bigla-bigla na lang akong iiwan.

Lagot talaga sa 'kin 'yung lalaking 'yon. I will beat him to death dahil sa pag-iwan niya sa 'kin!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top