Chapter 19

''H-hindi kita nasundo, sorry...''

Nakatayo siya ngayon sa harapan ko habang marahang pinipisil ang aking kamay. Hindi ko alam kung tanga ba ako o sadyang bobo para pairalin ang puso ko na paulit-ulit siyang patawarin sa mga nagawa niya.

I mentally laughed. Masyado kang marupok, Soleil baka pagsisihan mo na naman 'yan ulit.

Sa huli, ako pa rin ang palaging talo.

Alam ko naman na may gusto siya kay Sam at hindi ko na kailangan pang ipagdikdikan ang sarili ko sa kanya para lang piliin niya 'ko.

He can choose the woman he wants to love, and I would never hinder his life.

My heart is still heavy with unspoken emotions—like rains flushing me down to the sea of regrets. Pagsisihan ko ang bawat salitang lalabas sa aking bibig, kahit pa iyon ang makakabuti para sa aming dalawa.

If I loved him, it's easy for me to allow him to pursue his happiness, even if it means facing my sorrow.

Napabuntong-hininga na lang ako.

''Ayos lang, nandiyan naman si Heinz. Dumating siya para sunduin ako...kahit malakas na ang ulan. He was there for me, kahit na hindi naman siya ang inaasahan kong darating,'' malamig kong sambit.

He pinch my hand softly.

''Nagtatampo ka pa rin ba?'' mahinang tanong niya.

''I'm...sorry, Sol.''

Oo, Leb. Nagtatampo pa rin ako sa 'yo! Kahit isang beses ay hindi mo ako naalala, maybe because I'm not your priority...sino nga ba ako sa 'yo?

'Yan ang gusto kong sabihin sa kanya, pero wala akong lakas na sabihin ito ngayon. Sa pakikipag-usap ko pa lang sa kanya sy nauubos na agad ang lakas ko.

Napakagat ako sa ibabang labi, sinubukan na huwag kumawala ang luha sa aking mga mata.

''M-may klase pa ako, Caleb,'' mariin kong sabi. Hindi ko siya tinapunan ng tingin at diretsong nilagpasan ang lalaki.

My heart pounded faster with every step as I walked away from him. I could still feel his presence behind me, sensing his shadow lingering close, confirming that he was following me.

He was quietly walking behind me and not uttering a single word.

Hanggang sa makarating na ako sa eskwelahan, hindi ko na naramdaman pa ang kanyang presensya at nang lumingon ako bago umakyat ay wala na ito. Muntik pa akong madulas kakalingon ko para tingnan siya ulit.

Nahagip pa ng aking paningin ang kanyang paglalakad patungo sa kabilang building, hanggang sa nawala na ang pigura nito.

I sighed. Lilipas din ito, Sol.

Papasok na sana ako ng silid nang marinig kong may tumatawag sa akin, kaya napalingon ako. Bumungad sa aking harapan ang head Chef namin sa cookery club na si Ms. Geneva.

Malungkot ang naging ekspresyon sa kanyang mukha ng makaharap ko ito. Hindi tulad no'ng nakaraan na galak na galak ito dahil may balita siyang dala sa akin.

''Chef, napadalaw po kayo,'' masayang sambit ko.

''Sol, they already heard about what happened at nakarating ito sa direktor. They want me to give you this,'' diretsa niyang sabi at Ibinigay sa akin ang isang puting sobre. ''I'm sorry to tell you this, Sol, but they take down the scholarship because of that viral videos, which your name was involved... labag iyon sa kontrata na pinirmahan mo sa kanila.''

It almost punched my heart.

Parang ilang segundo na huminto ang mundo ko sa kanyang sinabi. It's like I lose someone, without even fighting for.

That was my only chance to have a better and breathable life—ang lahat ng iyon ay nawala nang isang iglap dahil lang sa retrato na kasangkot ako.

''P-pero, ilang buwan na po ang nakakalipas and they down the video immediately, p-paano pong nilabag ko ito?'' naguguluhang tanong ko.

''Hindi ko rin alam, Sol. Pinaliwanag ko naman sa kanila ang buong detalye, pero sinusunod lang din nila kung ano ang nasa kontrata,'' pahayag niya.

They dropped my scholarship just because Caleb is my friend, and I was involved in those issues. Nakasaad sa kontrata nila na bawal akong masangkot sa kahit na anong gulo, even sa social media, dahil pwede itong makaapekto sa reputasyon ng school at nang taong nagbigay sa akin ng scholarship.

Tangina, nasayang lang ito.

Umasa pa naman ako sa ibibigay nila sa akin na makakatulong din kay inay.

''I-Ibig sabihin po ba nito ay wala akong matatanggap na pera o tulong mula sa kanila?'' I asked, my voice trembling on the edge of breaking, yet I somehow managed to get the words out.

Everything is falling apart, and I can't do anything about it.

Ganito ba ang kapalaran na gusto n'yong ibigay sa akin? Hindi pa ba sapat ang sakripisyo, dugo't pawis na inilaan ko para lang maiangat ko ang sarili?

''Sorry... wala na rin, Sol,'' aniya. Hanggang sa matapos ang klase ko ay 'yun ang paulit-ulit na naririnig ko sa aking isip. Parang isang sirang plaka na ang hirap alisin.

''Ayos ka lang, Sol?'' seryosong tanong sa akin ni August.

Mag-isa lang akong kumakain sa Canteen ng biglang sumalo sa akin ang loko dala-dala ang tray nito. Mas marami pa nga ang pagkain na kanyang binili kaya nahiya ako habang kumakain sa harapan niya.

Hindi naman alintana sa akin ang ingay sa paligid, kahit na halos maghampasan na ang magbabarkada sa kabilang table sa sobrang ingay. Kanina ko pa sila tinitingnan at rinig na rinig ko ang mga tsismis nila mula sa ibang department.

Nang makaharap ko ang lalaki ay pinagwalang-bahala ko lang ito at nagpatuloy sa aking pagkain.

Patapos na rin naman ako kaya makakaalis na ako agad bago pa man niya maubos ang sandamakmak nitong pagkain sa lamesa.

Sa pagkakaalam ko, mamaya pa ang break time nila. Bakit nandito na agad siya?

''Ang lalim ng iniisip ah. Baka pwede mo namang i-share 'yan, Pandak,'' pang-aasar niya.

Inirapan ko siya. ''Ano namang ginagawa mo rito? Mamaya pa ang break mo, ah? Tumakas ka na naman siguro,'' anas ko.

''Wala kaming klase,'' sagot niya. ''Atsaka hindi naman ako makakatakas kahit may professor dahil sumbungero 'yung jowa mo.''

''Ha? Anong jowa?'' nagtataka kong tanong, pero ilang saglit lang ay nahinuha ko agad ang kanyang sinabi.

''Hindi ko naman siya boyfriend, 'noh! Assuming ka riyan!'' asik ko.

Sumubo ito ng isa at muling napatingin sa akin. Bumakas ang pilyong ngiti sa kanyang labi na parang may binabalak ito.

''Ano na naman 'yun?'' inis kong sabi.

Kailan kaya titigil sa pang-aalaska 'tong lokong ito? Ginagawa niya akong happy pill niya palagi.

''Curious ka ba kung nasaan si Caleb ngayon?'' pilyong tanong niya.

I mentally rolled my eyes. As if namang may pakialam ako kung nasaan siya ngayon. Baka nga nasa library ito ngayon kasama si Sam.

Speaking of her, nauna itong lumabas sa akin kanina at pakaliwa ang kanyang direksyon, kaya tiyak akong sa library ito pumunta ngayon.

''Hindi, wala akong pakialam—'' Napatigil ako sa aking pagsasalita ng biglang may sumingit sa akin.

''Are you sure?'' Isang baritong boses ang narinig ko sa aking likuran dahilan para mapaigtad ako.

Nang lingunin ko ito ay halos magkalapit lang ang aming mukha. Naglalaro ang mga pawis sa kanyang noo pababa, halatang galing sa paglalaro ng basketball.

May panyo pa itong nakasabit sa kanyang kaliwang balikat.

Tinapunan ako nito ng malaking ngiti bago tumabi sa akin. Ginitgit pa talaga ako pakaliwa kahit halos wala na akong pwesto.

Sinamaan ko ito ng tingin pero nakangiti pa rin ang loko sa akin.

''Kung manggugulo lang kayo, bumalik na kayo sa department niyo,'' inis kong sabi. Hindi ko na tuloy maubos 'yung kinakain ko dahil sa pang-iistorbo nila sa akin.

''Galit ka pa rin ba?'' tanong niya.

He pouted at me like a puppy, while snaking his hands to me. Para siyang batang may munting gustong makuha sa akin dahil sa kalikutan niya ngayon.

Nang tapunan ko ng tingin si August ay matalim ang ipinukol ko sa kanya, kaya napaiwas agad ito sa akin.

''M-may klase pa pala ako, mauna na ako,'' nagmamadaling sabi ng huli at dali-daling tumayo.

God! Why does he always use his face card on me? Ako naman itong marupok na masyadong nagpapahulog sa kanya.

''Tumutulo na 'yung pawis mo, oh,'' paninita ko.

He smirked. ''Edi, punasan mo.''

Dahil sa pambabara niya ay kinuha ko ang panyo nito saka dinausdos ng madiin sa kanyang mukha.

''Magpunas ka mag-isa!'' anas ko.

Tumayo na ako at nagmadaling umalis sa harapan niya.

Napatingin pa sa amin ang ilang mga estudyante katabi ng table namin at halos mailaglag ko pa ang tray bago ko ito mailapag sa lalagyanan dahil sa pagmamadali kong umalis.

Paakyat na sana ako ng hagdan nang bigla nitong higitin ang kamay ko na ikinabigla ko naman. Sa sobrang lakas ng kanyang hatak, nawalan ako ng balanse at muntik pang mahulog.

I almost gasped for a second. He quickly caught me, his arms providing a secure hold to me, tightly in his soft masculine arms. At that moment, despite my shock, I felt a sense of safety and calm in his embrace.

For a moment, time seemed to stand still, and the world was narrowed to just the two of us. My heart kept thumping so fast as I stared at him.

Nahuhulog na naman ako sa kanyang tingin at hindi ko naman ito mapigilan.

''You're safe with me,'' he mumbled and smiled. Marahan niya naman akong itinayo nang maayos.

Agad ko namang inayos ang aking suot. I quickly cleared my throat and averted my gaze.

''M-mauna na ako,'' I uttered. Nagmadali naman akong umakyat at muntikan pa nga na matisod ulit.

Shit! Ano bang ginagawa mo, Soleil?!

Napakagat na lang ako ng madiin sa ibabang labi bago tuluyang pumasok sa silid. Napahawak na lang ako sa aking dibdib sa sobrang lakas ng tibok nito.

Nagtama pa nga ang tingin naming dalawa ni Sam pagpasok ko, pero agad din naman itong umiwas sa akin.

❛━━━━━━•(🌸)•━━━━━━❜

MABILIS NA LUMIPAS ANG ARAW NG hindi ko namamalayan dahil ilang araw na akong abala at pagod sa trabaho. Gabi na rin kung umuwi ako. Nagpapaalam naman ako kay inay, pero hindi talaga maiiwasan na mag-alala siya kapag madaling-araw na ako nakakauwi. Ako kasi ang sumasalo ng shift ng mga ka-trabaho ko para lang may pandagdag na pera sa darating na pasko.

Malaki naman ang makukuha ko sa thirteenth month pay namin, pero siyempre kailangan ko pa rin magtabi para kung sakaling may biglaang gastusin ay may madudukot ako sa aking bulsa.

''Masyado ka naman yatang masipag, Sol at pati sa araw ng pasko ay kailangan mong magtrabaho,'' aniya ni Heinz.

Pinapanood lang ako nitong mag-ayos at magligpit. Halos gabi na rin at patapos na ang shift ko ngayong araw. Christmas eve na bukas, pero hindi ko ramdam ang simoy ng pasko ngayon sa dami ng inaalala ko.

''Kailangan eh, dagdag kita na rin iyon sa akin,'' sambit ko.

Wala naman kasi akong choice.

Kulang pa nga ang pambili kong gamot ni inay para sa buwan na ito, at sa bawat araw na dumadaan ay mas lalong tumitindi ang pag-inda niya sa kanyang likuran.

Hindi ko naman maiwasang mabahala o mag-alala sa kanya dahil panay ang pagdaing nito sa sakit at wala akong magawa para matulungan siya. Kahit paano ay gumagaan naman ang pakiramdam niya kapag nakakainom siya ng gamot, pero pansamantala lang iyon.

I came back to my senses when Heinz tapped my shoulder.

''Tulala ka na naman. Masyado mong iniisip si tita, 'noh? Alam mo namang ayaw niyang palagi kang nag-aalala sa kanya,'' sambit ni Heinz. ''Huwag ka ng pumasok sa pasko, bayad naman ang araw mo rito kaya 'wag ka ng mag-alala, ipapaabot ko na rin kay Dad ang tungkol sa kalagayan ni tita,'' wika niya.

''Heinz, huwag na. Nakakahiya,'' pagtanggi ko.

He smiled. ''Wala naman masyadong dadalaw rito sa pasok, Sol. Abala sila sa mga pamilya nila, kaya dapat ikaw rin,'' pagpupumilit niya pa.

Napabuntong-hininga na lang ulit ako. Bago pa man ako nakapagsalita ay inilapat niya ang kanyang palad sa harapan ko dahil may tumawag sa kanya.

He immediately excused himself.

Ilang sandali pa, pumasok itong may pag-aalalang ekspresyon sa kanyang mukha. May nangyari ba? Should I ask him?

''Heinz...'' pagtawag ko.

''Ikaw na muna ang bahala rito, Sol. I have some errands to do, mauna na ako,'' nagmamadaling sambit niya.

Hindi man lang ako nakapagsalita dahil kumaripas ito ng takbo. Napansin kong nakalimutan pa niya ang kulay asul nitong coat.

Bakit ba nagmamadali siya na parang may aksidenteng nangyari?

Mabilis kong kinuha ang gamit ko pagkatapos king maglinis. Muntik ko pang makalimutan na kunin ang naiwang coat ni Heinz bago lumabas. Dali-dali ko namang sinarado ang shop bago tumungo sa kalsada at naghintay ng masasakyan papuntang mall.

Bibili muna ako ng mga kailangan namin para mamaya. Kami lang naman ni inay ang magsasalo ngayong gabi kaya okay lang na kaunti lang ang ihanda naming pagkain, 'yung sapat lang sa amin na pwede pang kainin kinabukasan.

It's already past seven o'clock. Pauwi na ako dala-dala ang binili ko para sa Noche Buena namin mamaya. Ang iba pa nga rito ay galing pa mismo kay Heinz, he helped me buying some groceries I need, and he didn't hesitate even though he's busy and there's a lot on his plates right now, lalo pa't palagi siyang nasa office ng Dad niya.

Buti na lang malapit lang 'yung pinuntahan niya kaya nagkasalubong kaming dalawa kanina. Nakatipid pa nga ako.

Habang naglalakad ay biglang pumara ang itim na kotse sa harapan ko at pamilyar sa akin ang kotseng iyon, kaya alam ko kung sino ang nagmamaneho nito. Nang dahan-dahan nitong ibaba ang bintana ng kotse ay bumungad sa akin si Caleb.

He wore thin gold sunglasses that framed his sharp, hazel eyes perfectly. His mestizo sun-kissed skin contrasted perfectly with his brown cropped polo that hugged his toned torso, highlighting his defined jawline.

His brown, tousled hair added a touch of effortless charm to his look. His black pants fit him impeccably, showcasing the lean strength of his legs, and his white sneakers added a fresh, clean touch. The veins on his arms were subtly visible, hinting at his underlying strength, up to his kissable lips, slightly parted, completing his striking look today.

Anong trip nitong lokong 'to?
Infairness, mukha siyang tao ngayon.

''Hang out?'' pagyaya niya.

''On Christmas Eve? Pass,'' I replied.

''You want to see sunset, tomorrow? Sakto maganda ang tanawin sa pupuntahan natin,'' pangungulit niya pa sa akin.

I heaved a sigh. Alam na alam niya talaga kung paano makukuha ang loob ko ng hindi man lang nahihirapan. Hindi tulad nung isang loko na hindi pa sinusubukan, sumusuko na agad.

''Oo na, sasama na 'ko,'' anas ko.

He beamed at me. ''See you tomorrow, my sunshine!''

Kumaway ito paalis sa harapan ko hanggang sa hindi ko na natanaw ang sasakyan niya.

After nearly a month had passed, I finally felt a light smile begin to form on my lips. It was subtle, but it marked a shift in my emotions.

I broke into a smile. See you!

❛━━━━━━•(🌸)•━━━━━━❜

IT'S ALREADY NEW YEAR'S EVE, PERO hindi ko masyadong maramdaman ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa aking balat ngayon. Nasa bintana ako at naupo na muna habang hinihintay ang ibang bisita.

They're busy cooking some dishes of course, ayaw nila akong pakilusin sa kusina kahit kaya ko naman magluto.

Kaya na raw nila ang lahat ng lulutuin nila, siyempre kasamang tumulong si inay sa pagluluto.

''Did you eat na ba, hija?'' tanong sa akin ni tita Roselle, Augustus' mom.

Ngumiti naman ako sa kanya at tumango.

Hinaplos pa nito ang aking balikat. Mabait talaga sina tito at tita sa akin kahit noong bata pa ako, sadyang demonyo lang talaga ang ugali ng anak nila.

Kay Caleb yata nagmana iyon at hindi sa kanilang dalawa. He influenced him so much that it impacted their academics during our high school days.

Basag-ulo kasi ang dalawa at laging naghahanap ng gulo—a delinquents, indeed. Buti nga nagbago eh.

''Opo, tita. Ang sarap nga po ng luto niyo eh,'' sagot ko.

''Sus, nambola ka pa,'' gatong ni August at ngumisi sa akin.

Madiin na lang akong napakagat sa labi habang nakatingin sa kanya at palihim itong inambahan ng suntok.

''Mamaya ka sa 'kin 'tamo,'' mahinang sambit ko, sabay baling muli ng tingin sa kanyang ina.

Dinilaan lang ako ng loko na parang bata. Lumabas naman ito para buksan ang gate dahil may bisita na paparating. Nang pumasok ang mga bisita ay halos manlaki ang mata ko, pero hindi ko ito pinahalata at nanatiling kalmado.

''Good evening po,'' nakangiting bati ko nang pumasok ang lalaki kasama ang kanyang anak na babae.

''Sa 'yo rin, Sam...'' I greeted her, my voice trailed off after she quickly glanced at me.

Hindi na kami gaanong close. Yes, we distance ourselves for the better.

Nagkakausap pa rin naman kami minsan, lalo pa't magka-group kami sa thesis at sa ilang subjects namin.

''Sam, nandito rin pala ang kaibigan mo,'' galak na sambit ng matandang lalaki.

''What's your name, young lady?''

I smiled. ''Soleil po.''

''Nakukwento ka nga sa akin ni Sam, hija. Kamusta naman kayong dalawa sa eskwela?'' tanong niya.

Tipid akong napangiti matapos balingan ng tingin si Sam. We are uncomfortable talking about each other, and I know it etched her after I saw the viral video.

''Ayos lang naman po,'' saad ko.

''Oh, siya. Mukhang mahaba pa ang binyahe niyo, kumain na muna kayo,'' pagyaya ni tita Roselle sa kanila. Habang nagkakasiyahan silang matatanda sa hapag-kainan ay abala naman ang dalawang lalaki sa gilid.

Hindi ko alam kung anong ginagawa nila, pero pinagwalang-bahala ko lang ito at pumasok na muna sa kuwarto.

I need some rest.

Si nanay naman ay nag-aasikaso sa kusina, gustuhin ko man na tumulong ay ayaw niya rin na pakilusin ako, gano'n din si tita Roselle, kaya heto sa kuwarto ang bagsak ko. Mag-isa habang nilalasap ang malamig na hangin sa bintana.

This is the perfect view I've seen so far.

Ang tahimik lang ng lugar sa amin at wala masyadong kabahayan, pero namumutawi ang ganda nito. Lalo pa't sobrang liwanag ng kalsada na halos kitang-kita ang pinakadulong poste bago makalabas sa bayan namin.

Marahan ko namang sinarado ang bintana bago ako humiga sa malambot na kama.

Kung hindi ako nagkakamali ay sa kuwarto na ito natutulog si August. Bukod sa mga bookshelf na mayroon siya malapit sa study area niya, puno naman ng trophy ang isang buong glass cabinet nito at may mga ilang collections pa ito ng Sports Memorabilia.

One is a limited edition that cost almost Fifteen million pesos.

Isinubsob ko ang aking mukha sa malambot na unan at hindi namalayang nakatulog na pala. It's already eleven fourth-seven in the evening. Tumatagos pa rin sa pader ang ingay nila sa ibabang palapag.

Naririnig ko ang kanilang pinag-uusapan, pero binabalewala ko lang ito na parang walang narinig. They're just talking about money and business na wala rin naman akong alam tungkol doon.

Tumayo ako sa higaan at napagpasyahan kong pumunta sa rooftop ng bahay ni August, hindi rin naman ako makatulog ng maayos dahil panay ang halakhak ng mga bisita at mukhang kanina pa sila nagkakatuwaan sa ibaba.

Dito ay tahimik at presko ang hangin. Ilang saglit na lang din ay bagong taon na.

''Sol...'' Napalingon ako ng mahimigan ko ang boses ni Caleb.

''Anong ginagawa mo rito?'' nagtataka kong tanong at lumapit sa kanya. ''Baka hanapin ka nina tito at tita sa baba, kailangan ka nila ro'n.''

He scoffed. ''P-pakialam ko sa kanila. Bahala sila sa buhay nilang lahat!" Lumapit ito sa akin ng nakangiti at naamoy ko pa ang alak na ininom niya.

Nang tingnan ko ang boteng hawak niya ay akala ko tubig lang ito, pero isang beer pala ng soju 'to. Kailan pa siya natutong uminom?

Is he really drunk? Muli kong nalanghap ang kanyang hininga at tama nga ako na lasing ito.

''Caleb, lasing ka na,'' aniya ko. ''Bumaba ka na muna at magpasama ka kay—'' Napatigil ako nang dumampi sa aking labi ang hintuturo niya.

''Shh... h-hindi ako lasing, Sol. T-tubig lang 'yung ininom ko,'' he said, drowsily.

I chuckled. ''Tubig nga lang.''

Napabitaw naman ito sa hawak niyang bote at napasandal na lang aking balikat.

Halos napaatras ako ng marahan dahil masyado itong mabigat. Inalalayan ko naman siya para makahawak ito sa bakal na umaalalay rin sa akin ngayon dahil konti na lang ay bibigay na rin ako sa bigat niya. Ang laking damulag naman nito!

''I'm not courting you anymore, Sol,'' he muttered. ''I want you to be mine, and I'll assure you I love you more than anyone else. Mahalin mo lang ako, please...''

''W-what do you mean—'' I stammered, my voice trembling with confusion and anticipation.

Before I could finish my sentence, Caleb cupped my face with his hands. His touch was surprisingly gentle despite his drunken state. Caleb slowly planted a gentle, thoughtful kiss on my lips.

His lips slid softly against mine as his breath, tinted with the smell of alcohol, blended with mine. For a brief time, everything seemed to stop, with the fireworks above mirroring the feelings I felt between us.

My spine tingled at the warmth of his hands, which seemed to be amplified by the chilly night air on the rooftop.

As the fireworks continued to light up the sky, I was aware that this moment might lead me to the sea of regrets. Muli na naman akong malulunod sa sakit at lungkot na ayoko ng maramdaman ulit.

Malalim ang kanyang naging paghinga at nagtama muli ang aming tingin.

''I have known you for almost fifteen years, and I never felt this kind of love that you always gave to me

''M-mahal mo pa rin ba ako...gaya noong dati, Sol?'' nauutal niyang tanong niya.

''Y-you're just drunk,'' I muttered.

Lasing lang siya kaya niya nasasabi sa akin ito ngayon at alam kong magsisisi ako kapag muli na naman akong nahulog sa kanya.

He didn't give me the assurance I needed because in the first place, there was no label between us. Palagi niyang ginugulo ang puso't isip ko.

But now, beneath the brilliant hues of the night sky of New Year's Eve, with the whispers of revelry all about us, I allowed myself to be lost in the moment—like a flower of youth, savoring the sweetness of his lips on mine.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top