Chapter 18

Months went by smoothly. Malamig na ang simoy ng hangin sa labas dahil halos kakapasok lang ng buwan ng Disyembre. At siyempre, dadaan na naman ang pasko at bagong taon na magkasama kaming dalawa ni inay.

Nakaisip na ako ng regalo sa kanya dahil gusto kong maaga ko siyang mabigyan ng kanyang gusto bago ang kaarawan nito sa susunod na buwan. Kapag nakuha ko na ang sahod ko sa linggong ito ay ibibili ko agad siya ng bagong damit at ilang mga kailangan namin na handa para sa Noche Buena.

After what happened, we decided to distance ourselves for the better. The incident, though painful, served as a turning point that made us realize how much we had changed.

Bawat araw ay nagiging masakit para sa akin dahil hindi na kami sabay-sabay pumapasok.

Nagtataka na nga rin si inay dahil napapansin na rin niya ang hindi pagdalaw ni Caleb sa bahay namin. Palagi ko na lang dinadahilan na busy ito at maraming ginagawa sa buhay, pero ang totoo, ayaw na rin nitong pumunta.

Ang isyu tungkol sa kumalat na video ay na-take down na matapos ng ilang linggo, at napatawan sina Caleb at Sam ng suspension nang dalawang linggo.

We didn't talk about it. Hinayaan na lang namin ang isa't-isa na parang bulaklak na malapit ng malanta at tuluyang bumigay ang bawat talulot nito.

I bit my lower lip when I remember everything that happened that day. It was the most blissful day for me. 'Yun bang kahit na anong problema ang mayroon ako ay hindi nito mapapawi ang saya na nadarama ko.

He was everything to me... but it was also the beginning of a tremendous hurricane, and chaos of our friendship.

''Itulak mo man ako palayo...'' he trained off and slowly kissed my temple. Muling nagtama ang aming mga tingin na puno ng saya. ''Ikaw pa rin ang pipiliin ko. I'm ready to commit everything for you, Sol. Handa akong ligawan ka at maghihintay ako hanggang sa tuluyan kong makuha ang matamis mong pagtanggap sa akin,'' marahan niyang sambit.

A soft smile curved on his lips. As he slowly leaned closer to me I could feel his breath on my lips again. It was warm, deep, heavy and inviting.

Muli niya idinampi nang marahan ang kanyang labi sa akin. His gentle kiss with a silent promise of affection and longing.

I slowly closed my eyes, leaning into his touch, feeling the warmth of his palms against my skin.

''I will never get tired of loving you,'' he added, kissing me more intimately.

Mas lalong nagsalo ang malalim naming paghinga na para bang walang katapusan ang kanyang halik sa akin. Without uttering a single word, we knew that something had changed between us, it was beautiful and undeniable.

''Gano'n din ako, Leb. Ikaw lang ang mamahalin ko't pipiliin hanggang sa huli,'' I said, soft and gentle.

Ramdam ko ang mainit nitong hininga na parang gusto pa niya akong halikan ulit.

He cupped my face. ''I was able to reach you while walking on a thin thread that caused me to bleed that much... and yet, I'm still here. Bleeding for your love and attention. Ikaw lang ang tanging babae na nagparamdam sa 'kin ng gano'n,'' he mumbled. ''Even though I doubted myself many times, I know that I'm still longing for your presence... at ayoko ng mawalay pa sa 'yo.''

Those words are still echoing through my mind like a haunting melody that refuses to fade quickly—and remembering it all feels like peeling away a layer of myself, revealing more raw parts that are still healing from the actions he did a few months ago.

Ang hirap kalimutan ng tulad niya.

I heave a sigh. I don't want to think about it, but I can't avoid it. Sa puso ko, mahal ko pa rin siya. Pero... ang sinasabi ng isip ko ngayon ay tuluyan ko na siyang layuan at kalimutan.

Sino ba ang dapat na manaig? Ang puso kong humihingi ng kalinga niya o ang isip ko na palaging iniiwas na siya ang maging sentro ng atensyon ko?

Regardless, I shouldn't let my feelings engulf me again just because I reminisce about that day.

I mentally laughed. Wala lang iyon, Sol. Kalimutan mo na ang bagay na 'yun. Yan ang gusto kong itatak sa isip ko sa mga nagdaang linggo.

It was a normal day for me. Abala ako ngayon dito sa Vermont dahil sobrang daming customers ang dumadagsa, kaya dobleng pasanin ito sa amin.

Sa daming mga orders na nakalagay sa board na kailangan pa naming asikasuhin, nalilito na rin ako sa mga ito. Simula no'ng pumasok ang buwan ng Setyembre ay halos lagi kaming nag-overtime ni Lexie.

Samantalang 'yung isa na nakaupo ngayon malapit sa bintana ay parang walang problema sa buhay.

Nang magtama ang tingin namin ni Heinz ay ngumiti ito sa akin, sabay simsim sa kapeng iniinom niya.

''Sol, isa pa rito!'' pagtawag sa akin ni Lexie.

''Heto na, saglit lang,'' aniya ko at kinuha namin ni Nico ang tray na may lamang mga orders ng customers.

Nang makabalik ako sa counter ay napaigtad ako dahil bumungad sa harapan ko ang lokong lalaking nakapangalumbaba pa sa akin.

''Kung mang-iinis ka lang buong araw, umalis ka na lang,'' inis kong sabi at inirapan siya.

Dami-dami niyang bubuwisitin ako pa talaga ang napili niya! Tapos kape lang naman ang in-order niya rito, ang tagal pang niyang inumin.

Pinaalis ko siya sa aking harapan dahil nakaharang ito sa daraanan ko. Marami pa akong dapat gawin, pero hindi ko ito magawa ng maayos dahil buong maghapon ba naman nandito ang lalaki at nakabantay sa akin.

Hindi ko kailangan ng guwapong security guard!

''Baka nakakalimutan mo na sa ''Dad'' ko ang shop na ito. Eh kung hindi kaya kita sahuran diyan,'' asik niya.

He literally emphasized the word ''Dad'' na parang isinasampal ito sa aking mukha.

Aba! 'Eh kung sikmuraan ko kaya siya! Lokong 'to!

Nagsalubong ang dalawang kilay ko dahil sa sinabi niya. Kahit kailan talaga ay siraulo ang lalaking 'to. Parehas nga rin sila ng ugali ni Caleb na mahilig mang-inis sa akin.

Napangisi ako. ''Edi isusumbong kita kay tito, para hindi mo na ako kulitin dito,'' pagbabanta ko. ''Para kang aso na nag-aantay sa amo mo.''

Muli akong umirap sa kanya pero tinawanan lang ako ng loko. Lumapit ito sa akin na nakangisi. ''Aba, tumatapang ka na ngayon, ah. Baka hindi ka na magkaroon ng boyfriend niyan kapag nagsungit ka sa akin,'' pang-aasar niya pa. ''Hindi ka na makakahap ng tulad ko, Sol.''

Lakas talata ng amats. Ano bang natira nitong lalaking 'to?

I scoffed. ''As if namang gusto kita!'' Gwapo naman siya at habulin ng babae, pero hindi siya ang tipo kong lalaki.

He didn't even pursue me when he said he likes me. Alam niya na kasing wala siyang pag-asa, pero pinipilit niya pa rin ang sarili niya.

Hindi naman nakasagot ang lalaki sa akin at biglang tumikhim. Ilang saglit pa ay ngumisi ito ng nakaloloko at marahang lumapit sa akin na parang may gusto itong ibulong.

''Sayang naman kung hindi mo ako matitkman. Magaling pa naman ako,'' pang-aasar niya pa at malakas na humalakhak ang loko sa harapan ko.

''Gago ka talaga!'' I exclaimed.

Halos magtinginan na ang ilang mga tao na nasa loob ng shop at nakita ko pang napakunot-noo si Lexie nang makabalik ito sa counter. Buti na lang ay wala siyang alam tungkol sa nangyari noong gabing nanuluyan ako sa condo ni Heinz, pati na ang away na naganap sa amin ni Caleb.

''Ilayo mo na nga sa akin 'yang loko mong boss, tatadiyakan ko talaga 'yan paalis!'' anas ko pa.

She grunted. ''Bahala ka riyan! Baka mamaya niyan hindi ako sahuran ni Sir Heinz, kawawa naman ako,'' saad niya.

''Lagot talaga ako kay nanay kapag hindi ko binayaran sa kanya 'yung mga binili ko no'ng nakaraan.''

Napalaglag balikat na lang ako.

Nakita kong binunot ng lalaki sa bulsa ang cellphone niya nang biglang may tumawag. Matapos sagutin ito ay saka lamang ito lumingon sa amin ni Lexie.

''I have to go, my Dad called me. Kailangan niya raw ako sa office,'' he said.

I scoffed. ''Mabuti naman. Sige na umalis ka na, huwag ka ng babalik, ha!'' pangungutya ko pa.

Ngumiti lang sa akin ang loko sabay kaway nito palabas. Sinungitan ko pa ito hanggang sa hindi ko na nahagip ang kanyang pigura.

After an hour, we just have a break.

Napapunas naman ako sa aking noo dahil sa tumutulong pawis. Sa wakas ay natapos na rin ang lahat ng order namin. Napagpasyahan kong kumain na muna dahil kanina pa ako kilos nang kilos sa counter.

Si Nico naman ay lumabas na kanina pa para kumain. Nauna pa talaga sila kaysa sa 'kin.

''Sol, may naghahanap sa 'yo sa labas,'' pagtawag sa akin ni Lexie nang makapasok ito sa shop.

Napakunot-noo ako. ''Huh, Sino?''

Wala naman akong inaasahan na bisitang darating ngayon, ah?

Ngumuso naman ito sa direksyon na kanyang tinuturo at nang tingnan ko kung sino ito ay pumasok ang isang matipunong lalaki na nakasuot ng kulay abong polo shirt, beige trousers, and he's also wearing a watch and glasses. Malinis at elegante itong tingnan.

''Sol,'' pagtawag niya sa akin.

Nanlaki ang mata ko, kasi hindi ko inaasahan na dadalaw siya rito. Kung hindi ako nagkakamali, hindi naging maganda ang huling punta niya rito.

Oo, siya 'yung lalaking natapunan ko ng kape noong ibibigay ko na ang order niya, pero dahil sa masungit nitong kasama ay parang lumala pa ang nangyari.

''A-anong ginagawa mo rito?'' natuutal kong sambit.

I wasn't expecting him. Akala ko si Caleb ang naghahanap sa akin, pero hindi pala.

I mentally laughed. As if namang pupuntahan niya ako? May iba siyang prayoridad at malinaw sa akin na hindi ako iyon.

''Sol, pwede ba tayong mag-usap?'' tanong ni Andrew.

Napagawi muli ang tingin ko kay Lexie at nakuha niya naman agad ang gusto kong sabihin, kaya dali-dali itong lumabas ulit.

Wala rin namang masyadong customer na malapit sa counter kaya makakapag-usap kami. Ilang saglit pa ay umupo na ito at nilapagan ko siya ng mainit na kape, sabay upo ko naman sa harapan niya.

''Ano pa lang pinunta mo rito?'' tanong ko.

Medyo bakas ang kaba sa tono ng boses ko. I was really surprised, and yet the latter is just ignoring it. 'Yung tingin niya sa akin ay parang matagal na kaming magkakilala at parating nagkikita.

He seriously looked at me. ''I heard about your mom's debt at gusto kong tumulong sa 'yo dahil kapatid kita-and Dad is not involved to this. Hindi niya malalaman ang pag-uusapan natin ngayon,'' aniya.

Teka, wala naman akong pinagsabihan tungkol doon, ah? Saan naman niya nasagap ang tsismis na 'yun?

''S-saan mo naman nalaman ang tungkol diyan?''

''It doesn't matter. Gusto ko kayong tulungan dahil alam ko ang sitwasyon n'yo ngayon at kahit na malaman ni Dad—''

''Hindi 'to malalaman ni tatay dahil hindi mo kami kargo, Andrew. Hindi rin namin kailangan ng tulong mo-at ang tulong ni tatay. Kinalimutan na niya kami, kaya sapat na 'yon para kalimutan na rin namin siya-kayo ng pamilya niya ngayon,'' sagot ko.

''M-makakaalis ka na..."

Agad akong lumisan sa kanyang kaharapan dala-dala ang bigat na nararamdaman ko ngayon.

Hindi rin nagtagal ay umalis din ito ng shop, pero may iniwan naman itong isang note sa akin.

''Call me if you need help. Hindi man kita buong kadugo, kapatid pa rin kita. I don't want to see you suffering again, Sol. Alam ko na ang nangyari sa nakaraan mo at sana hayaan mo akong mahupa ito para sa ikakagaan niyo ni nanay Imel.''

❛━━━━━━•(🌸)•━━━━━━❜

IT WAS ALMOST SUNSET, AT PATAPOS na rin ang shift ko rito sa Vemont. Mayamaya lang ay darating na rin ang papalit sa akin para sa night shift.

Yes, this coffee shop is open 24/7. Gusto kasi ng may-ari na pwede itong takbuhan ng mga taong kailangan ng kape sa madaling araw o hindi kaya kapag gusto lang nila mapag-isa habang malalim na ang mga gabi at tahimik ang buong paligid.

It's their go-to comfort place kung tawagin. May mga ilan na nga rin akong nakikita na palagi sila nakambay rito tuwing madaling araw. Minsan ay um-order sila, pero madalas ay nandito lang talaga sila para

Magpalipas ng oras. Mabigat siguro ang mga pasanin nila dahil napapansin ko na malalim ang kanilang iniisip at kapag tinatanong mo naman sila ay tumatanggi silang sumagot.

I came back to my senses quickly when my phone suddenly rang. Nang tingnan ko ito ay napakunot-noo ako dahil bumungad sa akin ang pangalan ni Caleb.

Caleb:
Nasa Vermont ka pa rin ba?

Nang mabasa ko ang text ni Caleb ay hindi ko inilapat ang aking kamay at napahinga na lang ng malalim.

Hindi pa rin ba malinaw sa kanya ang lahat? I took a deep breath again before I typed my reply to him.

Sol:
Oo. Matatapos na ang shift ko mayamaya lang.

Alam niya naman tapos nagtatanong pa siya. Mangungulit lang sa akin 'to, sigurado ako. Parang August lang ang kanyang galawan.

Magkaibigan nga talaga sila. Parehong loko-loko.

Caleb:
I'll pick you up. Ako na ang magsusundo sa 'yo, Sol. Pwede ba?

A peace offering again? Nah, mas mabuti pa kung si Heinz ang pupunta rito.

Sol:
Hindi na kailangan. May pamasahe pa naman ako pauwi, kaya 'wag mo na ako kulitin pa.

Ilang saglit pa ay muli itn nag-reply sa akin, pero hindi ko na ito nabasa dahil may mga estudyante na pumasok kaya kailangan ko ng kumilos sa counter.

Nang matapos ko ang lahat ng gawain ay agad na kaming naglinis ni Nico ng mga kalat at nagpunas naman si Lexie ng mga salamin at lamesa.

''Mauna na 'ko, Sol. Bukas ulit,'' paalam sa amin ni Lexie.

Tumango kami at ngumiti ni nico habang kumakaway siya paalis.

Nauna na siya dahil may lakad pa ito ngayon.

''Ingat!'' habol ko pa. Natapos na rin si Nico sa kanyang ginagawa at nagpaalam na rin sa akin. Ako na lang ang natitira rito at habang palabas ay nabasa ko ang text galing kay Caleb. It was almost an hour ago.

Caleb:
Just wait for me at the waiting shed after your shift. Dadaan ako diyan para sunduin ka. Medyo makulimlim na at baka abutan ka pa ng ulan kahihintay sa daraan na jeep.

Bumuntong-hininga ako. Mukhang wala na akong choice at maghintay sa kanya. Sa totoo lang, wala akong dalang pamasahe ngayon dahil lahat ng pera ko ay naibigay ko na kay inay at halos wala na ring natira sa akin.

Halos tatlong oras na akong naghihintay rito sa waiting shed at wala pa rin ito.

''Ilang oras pa ba akong maghihintay rito?'' inis na sabi ko sa sarili.

Tinatawagan ko siya pero hindi naman ito sumasagot. Makulimlim na nga at sakto pang wala akong dalang payong ngayon.

Ilang saglit lang ay nakatanggap ako ng text mula sa kanya.

Caleb:
Sorry, I can't make it, Sol. Babawi ako sa 'yo. Sam needs me right now. Ipapaliwanag ko na lang sa 'yo ang nangyari.

He failed again to fulfill his promise.

Madiin akong napakagat sa ibabang labi habang nakapukol pa rin ang mga mata ko sa aking cellphone.

Sayang lang pala ang paghihintay ko rito.

Kasabay ng pagpatak ng luha ko ay ang pag-agos ng malakas na ulan. Hinayaan ko lang na mabasa ako.

Gago ka talaga, Caleb! Pinaparusahan mo ba ako dahil hindi kita sinagot?

''Sol... baka magkasakit ka na naman niyan.'' Humaplos sa aking tainga ang kanyang boses na parang isang malamig na hangin na gustong yumakap sa akin.

Nang lumingon ako at napatingala sa lalaking nasa harapan ko ngayon, hindi ko inaasahan na siya muli ang makakaharap ako.

''H-hayaan mo muna ako, Heinz,'' mariin kong sabi. ''J-just leave, please...''

''I won't leave you here, Sol. Hindi ko kayang makita ka na palaging nasasaktan ng dahil sa kanya,'' he said. Basang basa na rin ito ng ulan habang hawak-hawak ang kulay dilaw niyang payong.

Nang tapunan ko siya ng tingin ay nginitian ako nito at mabilis akong niyakap. It was soft and gentle as I embrace it.

Kahit na itulak ko siya palayo ay mas hinihigpitan niya pa ang yakap sa akin. Ayaw nitong kumawala na parang mga patak ng ulan na bumabadyang tumama sa aking balat.

''Hindi man ako ang para sa 'yo, I won't let you suffer along with that jerk. It's his loss at ang malas niya dahil madali sa kanya na pakawalan ka. You are more precious than anything the stars could ever represent. The stars can only dream of having the depth and warmth that you possess, kaya walang papantay sa 'yo, Soleil.''

As I embrace his warmth, I never thought I would feel this under the rain with him. This unexpected feeling of connection amidst the solitude, is something I never anticipated.

It was different, more than what Caleb could ever do.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top