Chapter 17
Just when I knew that my life was starting to fall apart, it was also the beginning of a tremendous hurricane that almost lost my life. Kumalat sa twitter ang isang video kung saan makikitang nakahaplos ang kamay ni Sam sa mukha ni Caleb. Ilang sandali pa ay dumampi ang labi nito sa lalaki.
Gulat na gulat ako dahil ang akala ko ay itutulak niya palayo ang babae, pero mas ginusto niyang ituloy ito. Parang sasabog ang puso ko sa hindi malamang dahilan at hininto ko na lang ang panonood nito.
I scanned the comments and scrolled all over it. Hindi ko alam kung anong nag-udyok pa sa akin na basahin ang mga komento nila, pero itinuloy ko pa rin ito.
Dina @dina_chismosa02
Ay sa true ba ang kumakalat ngayon sa campus? Shocks, jackpot nga naman si archi student kay ate ganda.
Jena @Jenariz69
Grabe na talaga mga kabataan ngayon. Mukbang na ang gusto. Samantalang kami, subsob sa pag-aaral makatapos lang.
Sarah @imnotsarahg25
Napadaan lang para sumagap ng chismis, hehe, kahit sa ibang campus ako.
Manila King @Manilabottom
Wala bang part 2 diyan? Full video po sana.
#Evermore Dorothea @callmedorothea
Sinasabi ko na nga ba eh, ang daming kababalaghan ang nangyari sa hotel na 'yani. Noong last event may nahuling nag-chupalers, tapos ngayon tukaan naman sa kuwarto.
Jakeyy @StreamFevernow
OMG! Kalat na kalat na nga si boy sa Campus. Tapos dalawa pang babae ang pinaglalaruan niya at magkaibigan pa nga.
Maxine @MaxineAvemae_C
Caleb, totoo ba 'to? @Caleb_Montreal, if this is real, I will kill you for hurting Soleil.
Augustus @Augustus_07
replying to @MaxineAvemae_C
Calm down, Max. Hindi pa natin alam ang buong detalye, kaya huminahon ka muna riyan.
Nang mabasa ko ang komento ni Maxine ay do'n na tumulo ang luha sa aking mga mata ko pero kasabay no'n ang inis na nararamdaman ko kay Caleb.
Halos puro negatibong komento ang nababasa ko habang nag-scroll ako sa post ng isang dummy account. Sigurado akong isa sa mga kasama ni Caleb ang nagpakalat nito. Isang araw pa lang ang nakakalipas ay halos lumampas na sa isang daang libong views ito at libo-libong komento at heart reacts.
Pango:
Shet! Sol. Nakita mo na rin 'yung post sa forum at twitter?
Nanginginig ang mga kamay ko nang mabasa ko ang text ni August. Halo-halong emosyon ang bumabalot sa akin ngayon at hindi ko na talaga alam ang gagawin.
Pandak:
Tangina, August. May alam ka ba rito?! Kasama ka rin ni Caleb no'ng nasa trip kayo, at imposibleng hindi mo alam 'to!
I bit my lower lip as I waited for his reply. The anticipation made each seconds feel longer.
After a few seconds, his message popped up in my notifications. Dahilan para agad ko itong buksan at basahin.
Pango:
I don't fucking know it, Sol! Hindi ko nga alam na pumasok si Sam sa kuwarto ni Caleb dahil magkatabi lang naman ang kuwarto naming dalawa. At isa pa, hindi sinabi sa akin ni Caleb na nakitulog si Sam sa kuwarto niya.
Sinubukan ko namang tawagan si Caleb, pero hindi ito sumasagot kaya nalaglag ang balikat ko dahil halos sampung beses ko siyang tinatawagan. Wala na akong iba pang choice kaya naman si August na ang tinawagan ko.
''S-Sol...'' nanginginig niyang sambit nang sagutin nito ang tawag ko.
''Pango, nasaan si Lebleb?'' Bakas ang pag-aalala sa tono ng boses ko ng tanungin ko ang huli. ''Pupuntahan ko siya ngayon, nasaan siya?''
There was a long silence after I asked him. Narinig ko pa ang malakas nitong pagbuntong-hininga bago ako sagutin.
''Nagpunta siya sa bahay ni Sam. Akala ko tatawagan ka niya dahil ang sabi niya ay dadaanan niya muna si Sam, pero hindi ko na rin siya matawagan,'' aniya.
Masyadong malayo ang bahay ni Sam sa amin at hindi ko alam ang eksaktong address nito kaya hindi ko siya mapupuntahan. At isa pa, hindi ko pwedeng iwanan ang bahay namin dahil wala si nanay ngayon, at bukas pa siya makakauwi dahil may dinalaw siya. Kaya ako lang ang nasa bahay ngayon at mag-isa.
Maxine:
Nakuha ko ang number mo kay August. Ayos ka lang ba, Sol?
Nasaan ka ngayon at pupuntahan kita?
Nagulat ako nang biglang nag-message sa akin si Maxine, kaya naman agad ko siyang ni-reply-an.
Sol:
Ayos lang ako, Max. Huwag ka ng masyadong mag-alala pa. Kamusta ka na pala? Wala na rin akong balita tungkol sa 'yo, ah.
Ilang segundo lang ang lumipas bago ko muling nakita ang kanyang reply.
Maxine:
Medyo hindi okay, pero heto at kinakaya naman.
Huwag mo na rin isipin 'yung mga negative comments nila tungkol sa 'yo. They just want attention. Hayaan mo sila dahil may karma rin ang mga 'yan.
Nakarating sa akin ang balita tungkol sa kanya nang magkwento si August sa amin habang nasa canteen kami. Madalang na raw kung pumasok sa eskwelahan si Maxine, at halos hindi na nito ma-contact ang babae. Istrikto kasi ang mga magulang ni Max, kaya hindi siya basta-basta nakakalabas ng walang pahintulot.
I was also worried about her.
Isang beses daw na pumasok siya ay bigla na lamang itong nahimatay kaya agad na sumugod si August sa silid kung nasaan ito at dinala ang babae sa clinic.
Sol:
Salamat, Max. Wala man ako sa tabi mo ngayon ay nandito lang ako palagi kapag kailangan mo ng masasandalan.
After I sent my text to her, I heard a loud knock at the door. Napabalikwas tuloy ako sa aking higaan ng wala sa oras at agad na lumabas ng kuwarto.
''Sol...''
Nang mahimigan ko ang boses ng lalaking kumakatok ay pinigilan ko ang sarili ko na buksan ito. Isinara ko maigi kanina ang pinto dahil ako lang naman ang mag-isa rito at alam ko kung paano kumatok si inay, kaya malalaman ko kung iba ang kumakatok sa pintuan namin.
Napaatras ako at lumalalim ang aking paghinga na parang may nakadagan sa aking puso na hindi ko mawari.
It was like my heart wanted to burst like a bubble. Para itong bomba na sa kahit anong oras o segundo ay pwede na itong sumabog.
Hinayaan ko lang siya na paulit-ulit na kumatok sa pintuan. Hinihintay na tuluyang mawala ang kanyang boses at makaalis sa tapat namin.
Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko at napagtanto ito nang dumampi sa screen ng cellphone ko ang patak ng luha.
''A-alam kong nandiyan ka, Sol. Pagbuksan mo naman ako. Alam kong galit ka sa akin, pero please...pakinggan mo muna ako,'' he pleaded. ''There's just misunderstanding about the video at ako lang ang nakakalam ng katotohanan sa nangyari.''
''Go home, Caleb. Wala na akong kailangan pang marinig sa 'yo.''
''Sol... kausapin mo naman ako,'' pagmamakaawa pa niya. ''H-hindi ako aalis dito hanggat hindi mo binubuksan ang pinto.''
Rinig na rinig ko ang kanyang pag-iyak at pagsamo sa akin, pero hindi ako nagpatinag at hindi ito binuksan.
''S-Sol... I was drunk that day,'' he explained. ''Nagkainuman kami no'ng gabi na 'yon... at hindi ko sinasadya ang nangyari. Paniwalaan mo naman ako, Sol,'' pagmamakaawa niya.
Patuloy lang ang pag-iyak ko sa kuwarto at mahinang humahagulgol. Lagi mong pinaparamdam sa akin na wala akong kwenta para sa 'yo. Na sa simula pa lang ay dapat tinuldukan ko na ang linyang tuluyan kong nilampasan para sa 'yo.
I mentally laughed. Ang gago mo talaga, Soleil. Masyado kang naging kampante sa nararamdaman mo, pero mas masakit pa pala ang kapalit ng pagmamahal na ibinigay mo.
I've crossed the boundaries I set between us. Yes, we're just friends, and that's all it should be. Yet, he has a way of hurting my feelings, torturing me every minute and second.
❛━━━━━━•(🌸)•━━━━━━❜
IT'S BEEN A WEEK. MUGTO PA RIN ang mata ko, pero hindi ko ito pinapahalata kay inay at tahimik na umiiyak sa kuwarto tuwing gabi. Sinisigurado kong hindi nita maririnig ang bawat hikbing ginagawa ko.
Mas naging masakit ang bawat araw na dumaan sa amin-It was like a torture for us. Mas lumayo ang loob sa akin ni Sam, at kapag tinatanong ko siya ay parating maikling sagot lang ang kanyang tugon.
Lumayo na rin ito sa akin at halos madalang na lang siya kung pumasok. Hindi rin ito masyadong nakikinig kapag sinusulyapan ko siya at lagi itong nakatalukbong ng jacket na suot niya.
As if I didn't notice everything from them. Sa unti-unti nilang paglayo, naramdaman ko ang malamig na distansya na namamagitan sa aming apat. Ang mga dating masasayang tawanan at usapan ay napalitan ng katahimikan.
Pakiramdam ko ay palagi akong mag-isa sa tuwing pumapasok at umuuwi ako. I neve felt like this before, and I don't want to felt being left out to them.
Para bang naging anino na lamang sila sa aking paligid, kahit na magkatabi pa kaming kumakain sa canteen.
Hindi na rin kami sabay-sabay kumakain, tumatambay sa library, umuuwi. Wala na ring text o tawag mula sa kanilang tatlo. Nabalitaan ko rin na nag-quit sa varsity si August, habang madalang na pumapasok sina Caleb at Sam.
Everything changed as the day passed by. Hindi pa rin humuhupa ang nangyari dahil sa viral post nila na halos umabot ng kalahating milyong views. I never would have thought that their intimate kisses would become viral, at nakarating pa nga mismo sa nakatatas.
Kahit ang mga Supreme Student Councils ay gulat na gulat sa kumalat na video. It's as if there's explicit content in the video.
''Sol, sabay ka na sa amin,'' pag-aya sa akin ni August.
Kalalabas ko lang ng silid namin at gano'n din si Sam. Nang magtama ang mata naming dalawa ni Caleb ay agad itong umiwas sa akin. He was cold and distance to me after what happened.
''Kain na tayo,'' sabi niya kay August at inakbayan niya naman ang lalaki.
Sumunod naman kaming dalawa ni Sam at hindi rin nagpapansinan. Gano'n na ang naging gawain naming apat, kahit alam kong may hidwaan na sa pagitan namin dahil sa nangyari.
''Ang kapal naman niya para dumikit pa diyan sa kaibigan niya. Parang ahas lang na nagbabalat-kayo ay nagmamalinis.''
''Nakakahiya siya! Top one pa naman siya tapos ganyan pala siya umasta-nangsusulot ng lalaking hindi naman kanya!''
''Likewise, kapag plastik ka didikit ka pa rin dahil alam mong may mapapakinabangan ka sa kanila. She afraid to cut her ties with them, dahil alam niyang mag-isa na lang siya kapag ginawa niya 'yon.''
''Patawa si ate gurl, tumitikim ng boyfriend ng iba. Hindi na nahiya.''
Napatigil ako sa pag-inom ng tubig at iginawi ang tingin kay Sam. Kanina niya pa hindi ginagalaw ang kanyang pagkain at kaunti lang ang bawat nito.
Nag-aalala na ako sa kalagayan niya. Hindi naman kasi siya nagkukwento sa akin at ayaw rin niyang pag-usapan ang tungkol sa nag-viral nilang video.
Still, I shoved it away like everything that happened in the past few weeks is now a glimpse of our past that needs to be forgotten. Hindi naman ako bato para hindi makita ang lahat. Kaibigan ko pa rin naman sila, at hindi magbabago iyon.
''Sam, sabay tayo umuwi ah! Bibili kasi ako ng ice cream bago umuwi, libre ko na kapag sumabay ka,'' I beamed at her.
Nagkatinginan naman ang dalawang lalaki at sa pagkunot-noo nila ay parang sila lang dalawa ang nagkakaintindihan.
Nakita ko ang marahang pagtango sa akin ni Sam habang nakayuko ito sa akin.
''S-sige, Sol,'' mahina niyang sambit.
Nagpatuloy na kami sa pagkain at hindi na inalintana pa ang mga tao sa paligid namin.
''Sa inyo na ako gagawa ng project, Pango,'' aniya ko nang tapikin ko ang kanyang balikat. ''Pupunta na lang ako bukas nang hapon.''
Abala ito sa paglalaro dahil ka-duo niya si Maxine. Hindi naman mahilig sa mobile games ang babae, pero gumawa pa rin ito ng paraan para magustuhan niya ito.
While our friendship was slowly fading like a withered flower, their relationships grew more as the days went by.
Itinigil nito ang kanyang paglalaro at tumingin sa akin. Laki talaga ng ilong, nakaharang tuloy sa harapan ko!
''Hindi pwede, Sol. Magagalit lang si Dad kung nandoon ka, ayaw pa naman niya ng maingay na katulad mo,'' wika niya.
Napakagat tuloy ako ng labi dahil sa sinabi niya. Napasubo ako ng kanin ng wala sa oras habang tinitingnan siya ng masama.
''Huwag na nga lang,'' anas ko.
Iniligpit ko na ang pinagkainan namin at sabay kaming bumalik ni Sam sa silid dahil magsisimula na ang susunod na klase.
Nang matapos ang klase naming apat ay sabay-sabay na kaming umuwi. Hindi naman maiiwasan ang ilangan sa pagitan namin ni Caleb habang kumakain nang ice cream at naglalakad.
Iginawi ko naman ang tingin kay Sam. Halos hindi pa nito nabubuksan ang binili kong ice cream para sa kanya.
Hindi niya ba gusto ang chocolate?
When I look into her eyes, all I can see is emptiness of emotion. Walang gana at puro malalim na paghinga ang kanyang ginagawa.
''Ayos ka lang ba, Sam?'' I asked.
Kanina pa siya tuliro at parang hindi makausap. ''Kung may problema ka, magsabi ka lang, Sam. Nandito naman ako palagi —'' I just wanted to comfort her, but the latter interrupted me.
''Ayos lang siya, Sol. Huwag mo muna siyang guluhin, hayaan mo muna siya,'' pag-eksena ni Caleb.
Nagtatanong lang naman ako, sungit talaga!
Sa paraan ng paghawak niya sa babae ay parang may kirot sa puso ko. Marahan niyang hinawakan ang babae sa balikat at nauna na silang maglakad. Abala naman ang isang loko sa pagtitipa sa kanyang cellphone at kausap si Maxine.
I scoffed. ''Nag-aalala ako para kay Sam. Sana okay lang siya at walang mabigat na bumabagabag sa kanya ngayon.''
Hinayaan ko na nga lang ito. Nang makauwi na sila ay nanatili naman sa tapat ng bahay namin si Caleb.
Hinihintay niya pa ba ako?
''Umuwi ka na,'' sungit kong sabi.
Hindi ko siya tinapunan ng tingin dahil binubuksan ko ang maliit na gate.
''I need to talk to you,'' he said. ''Alam kong galit ka pa rin sa 'kin, Sol.''
''I'm not,'' I stated. There was a lump in my throat after I said it. Napagawi naman ang tingin ko sa kanya.
''Just one word, Sol, and I'll rush back to you,'' he mumbled. ''I promise...''
No. It was for the better. Gusto kong ilayo ang sarili ko at mapag-isa. That's what I'm good at-hiding my feelings and emotions so I can't hurt them.
Mas maganda sigurong putulin ko na ang lahat ng ugnayan ko sa kanilang tatlo. I've never felt peace for so long, and now, I wanted to embrace it so badly. Hindi na sapat ang pagtulog lang at hayaang lumipas ito.
Hindi ko siya kayang patawarin dahil paulit-paulit niyang dinurog ang puso ko at pinamukha sa akin na hindi ako ang mahal niya. Lumapit ito sa akin at marahang hinaplos ang kamay ko at nagtama ang tingin sa isa't-isa.
''Hindi na kita sasaktan ulit. Patawarin mo lang ako, Sol...'' His voice was calm and gentle, like a sea stretching endlessly under a clear
blue sky.
Naalala ko tuloy ang sinabi sa akin ni Heinz noong gabing masinsinan kaming nag-uusap sa kwarto niya.
It was not a short conversation, we had a heart to heart talk to each other that night. I can say that it was a deep conversation, and reality slapped me many times. Masakit, pero kakayanin.
''You can always be yourself when you're with me, Sol. I would never judge you nor ask things that would hurt you. I know that feeling, because I once loved someone who I can't have, who I desperately want to have, but the chances are... the risk that you will take once you engulf the word rejection,'' he said, seriously while looking intently into the windows of my soul.
''It is something that we are afraid of, because we know what it feels to be rejected—to ask yourself if you are not good enough—to feel like you are not doing your best, yet the flaws are still in their eyes. They always see it.''
With him, I felt the emptiness in my heart slowly filling up. Every moment we spent together, brought a sense of warmth and comfort I had never known before.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top