Chapter 16

''D-dito ka muna, Sol. Don't leave me, please...'' he said, pleadingly. ''Kahit ngayong gabi lang.''

Mapait akong ngumiti at tumango sa kanya.

Lumawak naman ang kanyang ngiti sa labi na parang isang batang napagbigyan sa kanyang munting kagustuhan.

''Ngayong gabi lang,'' paglilinaw ko.

He slowly nodded and gave me a downward smile. Tumayo siya sa upuan at dueretso sa kuwarto niya dahil may kukunin ito.

Agad ko namang kinuha sa bulsa ko ang cellphone ko at agad itong pinunasan dahil nabasa na rin pala ito. Muntik pa ngang masira.

Nang buksan ko ay napangiti ako dahil gumagana pa ito at mukhang hindi naapektuhan ang loob nito. Bigla na lamang may tumawag sa akin at hindi naman ako nagdalawang-isip na sagutin ito agad.

''Soleil Amara Flores, nasaan ka ng bata ka? Diyos ko po anong oras na at wala ka pa. Nakitawag lang ako kay Mareng Paula mo ngayon, nasaan ka at susunduin kita?'' mariin at puno ng pag-aalala na tanong ni inay.

'N-Nay...'' I paused for a second. Napalunok ako ng madiin nang sulyapan ko ng tingin si Heinz.

He was also looking at me-like he was pleading for me not to leave him right now. Ewan ko ba at kung bakit pa ako tumango sa kanya, kahit na alam kong mag-aalala si inay sa akin.

''Huwag na po kayong mag-alala. Makikitulog po muna ako kina Sam ngayon dahil kailangan po naming matapos 'yung project na ipapasa namin,'' pagsisinungaling ko.

Ang tanga mo kasi self! Inuna mo pa kasi ang mag-drama sa ulan at hindi na namalayang nag-aalala na pala si inay.

Masama na ba na akong anak kung uunahin ko muna ang sarili ko at hayaang lumipas ang mabigat na nararamdaman ko ngayon gabi?

Muli akong napalunok ng madiin dahil alam kong hindi tama ang pag-iwan ko sa kanya ng mag-isa. Hindi tama na basta-basta na lang akong umalis kanina at dumeretso kung saan man.

Tiyak akong walang may naghahanap sa akin ngayon bukod kay inay.

Sino nga ba ako para pag-aksayahan nila ng oras? Hindi naman ako mahalaga.

Abala kasi sila kay Sam-Si Samantha na lang palagi. Simula kasi ng ipakilala ko sila kay Sam ay parang sa kanya na palagi nakatuon ang atensyon nila at para na lang akong daga na parating nakabuntot sa kanila.

Kapag gusto kong magpunta sa library para mag-group study kami ay hindi na sila sumasama, pero kapag kasama ko si Sam ay tumatango agad sila.

Muling sumagi sa isip ko ang bawat masasakit na sinambit sa akin ni Caleb. Para itong sirang-plaka na paulit-ulit sa isip ko.

Ganito pala ang pakiramdam kapag wala kang kuwentang kaibigan, 'noh? Basura lang ang tingin sa 'yo.

They're just convenient when they need something to me.

I'm there when they need me. Pero kapag ikaw na ang may kailangan, wala kang maasahan sa kanila, at hindi ka magiging kawalan kapag binitawan mo na sila. It's like you're feeling a gap between them.

A sense of being a backburner, like a subtle but persistent space that wasn't there before. When you finally decide to let go and move on, you realize that your absence makes no difference to them at all.

I quickly back to my senses. Muntik ko pang makalimutan na nasa kabilang linya pa pala si inay.

''Dapat nagsabi ka sa akin agad, Soleil! Alam mo namang nag-aalala ako parati sa 'yo kapag gabi ka na nakakauwi,'' aniya. Bakas pa rin ang matinding pag-aalala sa kanyang boses.

Sa lakas ng boses niya ay tiyak akong rinig ito ng kapit-bahay namin kahit malakas pa ang ulan.

I took a deep sigh. ''P-pasensya na po, 'nay. Hindi ko po kasi namalayan na namatay ang cellphone ko, kaya hindi po ako nakatawag agad,'' pagdadahilan ko pa.

''Oh, siya! Mag-ingat kayo r'yan dalawa, Sol ah. Huwag niyo rin kalimutan na i-lock mabuti ang pinto at bintana. Mahirap na at baka may masasamang tao na pumapasok diyan,'' dagdag niya pa.

''Kayo rin po, 'nay. Huwag n'yo pong kakalimutan lagyan ng timba sa loob ng kuwarto natin. Malakas pa naman po ang buhos ng ulan ngayon,'' mahinhin kong sambit.

''Huwag ka ng mag-alala, Sol. Ayos lang ako rito. Sige na at magpapahinga na ako, huwag mong kalimutan ang bilin ko sa 'yo, ah,'' wika niya pa.

Napangiti ako at kusang tumango, kahit alam kong hindi ko siya kaharap ngayon. Nang ibaba ko ang tawag ay muling magtatama ang tingin namin ni Heinz.

''Malamig ngayon kaya huwag mong kalimutan na magkumot. Naglabas na rin ako ng mga unan at dito ako matutulog sa sofa,'' sabi niya, habang inaayos ang bitbit niyang kumot sa sofa.

Napakunot-noo ako. ''Hindi ba dapat ikaw ang matulog sa kuwarto dahil bahay mo naman ito, Heinz?'' tanong ko.

Muli niyang inayos sa tabi ko ang gagamitin niyang unan at kumot, saka bumaling ng tingin sa akin.

''Bisita kita. Hindi ko naman hahayaan na sa sofa ka matulog, atsaka sanay na rin naman akong matulog dito sa sofa. Lalo pa't dito na ako dinaratnan tuwing umuuwi ako nang umaga,'' aniya.

Tumayo naman ako. Napalaglag na lang ako ng balikat dahil kahit na anong pilit ko sa kanya na sa kuwarto matulog ay hindi pa rin ito natitinag sa kanyang sinabi.

''Tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka,'' saad niya. Malapit lang naman ang kuwarto sa living area kaya rinig ko ang baritong boses nito.

Binuksan ko na rin ng kaunti ang pintuan dahil natatakot ako na mag-isa sa kuwarto. Kanina lang ay gusto niya akong makasama, pero heto at natutulog siya sa kama kahit pwede namang sa lapag na lang siya rito sa kuwarto niya.

''Gising ka pa ba, Sol?''

Narinig ko muli ang kanyang boses at napahinga na lang nang malalim. Akala ko ay nauna na siyang matulog sa akin, hindi pa pala.

''Tulog na,'' sagot ko.

Nilakasan niya pa talaga ang pagtawa at nang igawi ko ang tingin ko sa pintuan ay nakadungaw na pala ang loko at tumatawa pa rin.

He pouted. ''Hindi ako makatulog, Sol.''

I mentally rolled my eyes. ''Edi matulog ka ng dilat!'' pang-aasar ko.

Imbis na mainis siya sa sinabi ko ay tila nabahiran ng pag-aalala ang kanyang mukha ng lumapit ito sa akin.

''You're still crying, Sol,'' he said. ''Mas sinasaktan mo lang ang sarili mo nang paulit-ulit kung hindi mo siya bibitawan.''

Panandaliang naging seryoso ang tono ng kanyang boses at sa paraan ng kanyang pagtingin ay maa nakikita ko kung gaano siya kasabik na makasama ako ngayon.

Hindi ko alam na palagi lang pala siyang mag-isa rito—siyempre kasama pa rin ang pusa niya, pero mas nangingibabaw ang lungkot sa kanya kapag alam niyang wala siyang masasandalan na tulad ko.

I chuckled. ''Bibitawan Napakasimpleng salita, pero alam kong mahirap itong gawin.'' There was a lump in my throat after I said those words to him.

''Sometimes, you need to let go of the things that you used to grip tightly, in order for you to breathe again—to heal the wounds that cause you to have scars. Masyado ka nang nasasakal ng hindi mo man lang namamalayan,'' seryoso niyang sabi.

''Mahirap bumitaw kung pagkakaibigan namin ang pag-uusapan. Mahaba na ang pinagsamahan namin ni Caleb, at 'di ko pwedeng kalimutan na lang ang lahat ng 'yon,'' aniya ko.

Umupo siya sa sahig at inilapat ang kanyang kamay sa malambot nitong kama, bago iginawi ang tingin sa akin.

''Mahal mo pa rin siya sa kabila ng sakit na dinulot niya sa 'yo? Kahit na alam mong... ikaw ang magdurusa sa huli?''

Napakagat ako sa ibabang labi. He was waiting for me to answer it, but it requires courage to say it. Nang bumuntong-hininga ako ay muling nagtama ang mata namin.

''Yes,'' buong loob kong sabi sa kanya. ''Sa buong buhay ko ay sa kanya ko lang naramdaman na mahalaga ako. I feel validation when I'm with him.

Siya lang ang tanging lalaki na kayang tapatan ang bawat pagmamahal na kailangan ko at hindi magbabago iyon kahit na maraming babae pa ang kanyang mahalin o magmahal sa kanya.''

Siya ang lalaking sagot sa lahat ng mga panalangin ko. Pero, kahit na anong gawin ko, tila napakalayo niya. Para siyang mga bituin sa kalangitan, napakaganda at nagniningning, ngunit hindi ko kayang abutin.

Pagkatapos ng nangyari kanina, pakiramdam ko ay parang may pagitan sa amin na hindi ko mawari. Mahirap maintindihan ang bawat sitwasyon, pero unti-unti ko na itong tinatanggap ngayon.

''Kaya... hindi ko na kailangan pang maghanap ng iba dahil sa kanya pa lang, sapat na ako,'' dagdag ko pa.

Tumayo naman ito at nagulat ako ng ilapit niya ang kanyang mukha sa akin. Ngumiti ito sabay pitik sa aking noo. Napailing naman ako ng marahan at tiningnan siya ng masama, habang tumatawa pa ang loko sa ginawa niya.

''Matulog na tayo,'' aniya. Lumabas na ito ng kuwarto at bumalik sa kanyang kinahihigaan sa sofa.

I'm grateful to a friend like him. Handa siyang saluhin ang lahat ng bagay para sa mahal niya, kahit alam niyang sa huli ay siya rin ang masasaktan. Pinatay ko na ang ilaw at itinalukbong ang kumot sa sarili. Bago ko tuluyang isara ang mata ko, may kumawalang luha pa rin na nagpagaan ng pakiramdam ko.

❛━━━━━━•(🌸)•━━━━━━❜

MAHIMBING ANG TULOG NG LOKO SA sofa at alam kong mayamaya lang ay magigising na rin ang tulog-mantikang lalake na 'to.

Pinagtimpalahan ko na siya ng kape at pwede naman niya itong initin muli kung sakaling lumamig agad paggising niya.

Nag-iwan na rin ako ng sticky note sa tabi ng baso. Kumuha ako ng ballpen at inilagay ang gusto kong sabihin.

''Thank you, Heinz. Have a nice morning,'' sambit ko pagkatapos isulat ito at idinikit sa kanyang baso. May iniwan pa akong emoji sa dulo ng note ko.

Nagdikit na rin pala ako ng iba pang notes sa kanyang refrigerator bago umalis ng kanyang condo.

Bago pa man ako makaalis ay hinubo ko na sa kuwarto ang pinahiram niyang damit at nagpalit na dahil tuyo naman na ang ginamit kong damit kagabi.

''S-Sol!''

Nang makababa ako ng tricycle ay umalingawngaw ang malakas na boses ni inay sa kalsada. Nakangiti ito nang makalapit ako sa kanya.

"Nay...'' I called her. ''Hindi na po ako nakapagpaalam sa inyo dahil—''

Naramdaman ko ang mainit niyang yakap sa akin na kailangan ko mula kagabi pa. Hinaplos niya nang marahan ang buhok ko at ramdam ko ang bawat dampi ng kanyang mga daliri. Bawat galaw niya ay nagbibigay sa akin ng kakaibang pakiramdam ng kaligayahan at kapayapaan.

Siya lang ang tanging nakapagbibigay nito na nakakapagpagaan ng pakiramdam ko, at sa magulong isip na bumabagabag sa akin ngayon.

Sa mga sandaling iyon, lahat ng pagod at problema ay tila naglaho. Naramdaman ko na hindi ako nag-iisa at may karamay pa rin.

Nang tingnan niya ako ay bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha. Halatang hindi siya nakatulog ng maayos kagabi, kahihintay sa akin na umuwi at tumawag sa kanya.

''Sa susunod magsabi ka agad kung hindi ka makakauwi ng maaga, para alam kong ligtas ang maayos ka, Sol,'' mahinang sambit niya. Hinahaplos pa rin nito ang aking pisngi.

Napakagat ako sa aking ibabang labi at tumango sa kanya. Mali ang ginawa ko at ayoko ng ulitin pa ito.

''Halika at pinagluto kita ng paborito mong kakanin. Alam kong hindi ka pa nag-aalmusal kaya gumawa ako ng bibingka at biko para sa 'yo,'' aniya.

Sumilay naman ang ngiti sa labi ko dahil sa sinabi niya. Kahit sa kabila ng pag-aalala niya, hindi niya inuna ang kanyang sarili.

Habang kumakain ako at abalang nagsasampay si inay sa bakuran namin, nakatanggap naman ako ng mula text kay August.

Pango:
Bakla, nasaan ka? Hinahanap ka kanina ng professor mo. Hindi ka raw pumasok sabi ni Sam.

May nangyari ba sa bebe Soleil ko?
Hindi mo sinasagot ang tawag ko kagabi pa.

Napasimangot naman ako nang mabasa ang kanyang text. Agad akong nagtipa at sinagot ang lalaki.

Pandak:
Busy ako.

Parang wala lang sa kanya ang nangyaring eksena kahapon sa study area.

Masyado akong nagpadalos-dalos sa nararamdaman ko kahit hindi ako sigurado sa detalyeng inilahad sa post. I just reacted, as if I'm his girlfriend. Wala naman talagang namamagitan sa aming dalawa, pero hindi ko kayang tanggapin kung mayroon silang relasyon ni Sam.

Pango:
Busy saan? Tiyanak ka, wala ka namang pasok sa Vermont ngayon. Loko-loko talaga, 'noh? Mana ka talaga sa akin.

Pandak:
Sira ka talaga!

Kahit sa text ko lang siya kausap ngayon ay parang nahihimigan ko pa rin ang nakakainis niyang boses.

Pango:
Alam kong nasaktan ka, Sol. Hindi naman ako tanga para hindi makita 'yon. Hayaan mo munang magpaliwanag siya para mas maintindihan mo kung ano 'yong nilalaman ng post.

Pandak:
Okay lang ba si Sam?

Ilang saglit pa ay nag-reply rin ito sa akin. Hindi ko tuloy maubos ang kinakain kong bibingka ng mabasa ang text niya.

Pango:
Kami nga dapat ang nag-aalala sa 'yo, Sol. Halos buong araw kang hinanap ni Caleb kahapon.

May pakialam pa pala siya sa akin, matapos ko siyang makita kahapon na kasama si Sam?

Biglang kumirot ang dibdib ko dahil naalala ko ang nangyari. He was there standing in front of her and helping to ease her heart. Ang mas masakit pa ay ang makita ko ang paghalik ni Sam sa kanya.

I let out a huge sigh before tapping my phone to text back to him.

Pandak:
Ayos lang ako.

Chat ko sa kanya, kahit hindi naman talaga. Niloloko ko lang ang sarili ko dahil takot akong malaman nila ang mga bagay na hindi ko pa kayang sabihin at ipaliwanag.

Pango:
Sigurado ka ba? Akala ko kung ano na nangyari sa 'yo kahapon. Baka mamaya niyan mabalitaan ko na lang na nabundol ng rumaragasang ti-

Hindi niya tinapos ng buo ang gusto niyang sabihin at nahinuha ko naman ito agad. Loko-loko nga talaga ang lalaking 'to!

Pandak:
Ang bastos mo talaga! Maubusan ka sana ng load.

Pango:
Baklang 'toh, tiraysikel kasi 'yon!Bobo mo naman, Sol.

Pandak:
Kapal mo ah, sinong laging itlog sa ating dalawa, ha?

Ilang minuto ang lumipas at wala akong natanggap na text mula sa kanya. Ang aga-aga pa, pero pinapakulo na niya ang dugo ko sa inis.

Ang hirap talagang masanay sa ugali ni August.

"Nay magpapahinga na po muna ako,'' wika ko.

Ngumiti naman siya at tumango bago kinuha ang plato ko na may lamang natitirang bibingka. Pagkatapos kong kumain ay pumasok na muna ako ng kuwarto.

Kanina pa ako nakakaramdam ng hilo at sakit ng ulo, pero pinagwalang-bahala ko lang ito.

Baka siguro dala lang ito sa pagod na naramdaman ko kahapon, mairaraos naman ito ng tulog.

Kahit na maraming bumabagabag sa aking puso at isip ay nagawa ko pa rin na makatulog ng mahimbing paglapag ko ng aking ulo sa malambot kong unan.

Nagising na lang ako nang maramdaman kong may mainit na palad na dumampi sa aking noo at nang maimulat ko ang aking mata ay nasilayan ko ang pigura ng isang lalaki.

Medyo malabo pa ang mata ko ng buksan ko ito, at hindi naaninag kung sino ang nasa harapan ko.

''L-Lebleb?'' sambit ko. Nang masilayan ko ang kumawalang ngiti sa labi niya ay nanlaki ang mata ko.

Marahang akong bumangon sa higaan kahit hilong-hilo pa.

Napahawak tuloy ako sa aking sintido dahil pumipintig ito sa sakit.

''B-bakit nandito ka? May klase ka pa ngayon, 'di ba?'' tanong ko. ''Hindi ka na dapat lumiliban—''

''Shhh...'' he hushed. ''Hindi ako pumasok ngayon dahil nag-aalala ako sa inyong dalawa ni Sam. Hindi n'yo sinasagot ang tawag o text ko.''

I faked a smile. Right. Sa amin pala ni Sam.

''S-si nanay?'' tanong ko.

''May binili lang, pero pabalik na rin siya,'' sagot niya.

Saglit na namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Nakita ko pa ang isang supot ng lugaw na hawak niya at mga gamot na kanyang binili para sa akin.

''I-I'm sorry, Sol...'' he pleaded. ''I was careless and dumb not to tell you everything.''

Marahan niyang hinaplos ang kamay ko habang paulit-ulit na sinasambit sa akin ang salitang ''Sorry.'' Ako lang naman itong malambot ang puso na kaya siyang patawarin agad, pero sa pagkakataong ito ay tama lang ang gagawin ko.

I need to push him away.

''H-hindi ka na dapat pumunta pa rito. Ayos lang naman ako,'' malamig kong turan. Iniwas ko ang tingin sa kanya at napakagat sa ibabang labi.

''Nilalagnat ka, natural mag-aalala ako sa 'yo, Sol,'' mahinhin niyang sabi.

''I'm fine, Caleb. Wala akong sakit. Maayos ako, kaya umuwi ka na,'' pagtaboy ko sa kanya. Pinapaalis ko na siya palabas ng kuwarto pero hindi naman ito natitinag.

''Sol!'' galit niyang saway. ''Mananatili pa rin ako rito hangga't hindi ako nakakasiguro na maayos ka. I don't want to leave you here... you need me, Sol.''

I gulped and pursed my lips, before I turn my gazed at him. ''M-mas kailangan ka ngayon ni Sam.''

''No. M-mas kailangan kita, Sol...'' pagpupumilit niya pa.

''Stop courting me from now on. Hindi ikaw ang para sa akin, Caleb. Alam kong ilang beses kong ipinamukha sa 'yo na gusto kita, pero puro kasinungalingan lang ang lahat ng 'yon...'' I paused for a second and took a deep breath.

''Hindi kita minahal kahit isang beses.''Nanginginig ang boses ko pero nagawa ko pa rin itong sabihin sa kanya.

That was the right thing to do. Dapat noon ko pa ito sinabi sa kanya para tuluyan nang humupa ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Mas masakit pa lang harapin ang katotohanan.

''B-but...Sol,'' he pleaded. ''I told you that I will still love you even if your feelings faded...''

Muling nagtama ang tingin naming dalawa at sa pagkakataon na ito at buong loob kong gustong sabihin sa kanya ang nangyari kahapon.

''I slept with Heinz last night, and I enjoyed being with him...'' Tuluyang tumulo ang luha na kanina pa gustong kumawala sa aking mata. ''N-napagtanto ko na kaya ko naman pala na mawalay sa 'yo kahit sandali... na hindi kita hinahanap.''

Hinawakan nito ang aking palad, pero marahan niya tong inalis kasabay ng pag-iwas ng tingin ko sa kanya.

''Hindi na kita kukulitin pa, Leb. Kaya malaya ka ng mahalin kung sino ang gusto mo,'' diretsa kong sabi.

Dahil wala naman akong karapatan sa 'yo sa simula pa lang. Mas naging madiin ang pagkagat ko sa aking labi sa mga sumunod na segundo.

Masyado kong tinatali ang sarili ko sa kanya na hindi ko na namamalayang unti-unti na rin pa lang humihigpit ang tali na ako rin mismo ang naglagay. Hinayaan ko lang na huwag dumaloy ang dugo para tuluyan na akong malihis sa kanyang isipan.

Hindi ko intensyon na saktan siya, pero iyon naman ang makakabuti sa aming dalawa. Ito na ang sagot ko sa pag-amin niya sa akin ng nararamdaman niya noong nasa flower garden kami.

I have been holding it back for so long, but I feel like I need to tell him the harsh truth, even though I know deep down it will only lead to more pain for myself in the end.

Mas masakit kung ipipilit ko lang ang sarili ko.

''I don't owe your heart, Caleb.''

It's not me to decide whom you will love or be with. Mas mabuti pang bitawan ko na ang nararamdaman ko sa kanya bago pa ako tuluyang lamunin ng sakit na dala-dala ko. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top