Chapter 15
''I like you, Soleil. And I would still love you back even if your feelings for me will fade away.''
Muli niyang hinaplos ang aking mukha at sa pagkakataon na iyon ay mas naramdaman ko ang kanyang pagmamahal sa akin. Sa pagtitig naming dalawa ay hindi na ako kinakabahan at ang kanyang basang labi ay tuluyang dumampi sa akin.
It was soft and gently kissed.
Mainit at masarap ang bawat sandali ng kanyang halik na parang humahalina ito sa bawat parte ng pagkatao ko. Para akong bulaklak na unti-unting sumibol sa gitna ng tagtuyot at nagbigay buhay sa paligid ko para mamunga.
It was a blissful day for us, but now... I just want to distance myself. Gusto ko munang lumayo sa kanilang lahat at magkulong sa kuwarto.
Ngayon ay nandito ako sa isang waiting shed dahil nagbabadya nang bumagsak ang ulan at sa pagpatak nito sa aking balat ay isa-isang bumagsak ang luha sa aking mata.
''Akala ko ba mahal niya ako at kaya niyang pantayan ang bawat hakbang na tinungo ko para sa kanya?'' bulong ko sa aking sarili. Kasinungalingan lang pala ang lahat.
Lebleb Bantot:
Sol nasaan ka? Sagutin mo naman 'yung tawag ko, please. Alam kong naguguluhan ka ngayon at magpapaliwanag ako.
No, Caleb. You don't need to explain to me. Malinaw na malinaw sa akin kung sino ang gusto mo at tama lang na siya ang pinili mo. Mas bagay kayo. Pareho kayong matalino at magaling sa bagay na sana mayroon din ako. Ang tanga ko para maniwala na gusto mo rin ako.
Gustuhin ko man na ibato ngayon ang hawak ko, hindi ko rin ito magawa dahil ang buong sistema ko ay nanghihina na. Pinatay ko ang cellphone ko para hindi na marinig pa ang muling pagtunog nito.
Sa mga oras na ito ay alam kong hinahanap niya ako kaya nanatili ako sa isang lugar kung saan ako lang ang nakakaalam. Habang naglalakad ako sa kawalan ay iniisip ko ang mga bagay na makakapagpasaya sa akin, pero sa tuwing sumasagi ito ay parang mas lalong bumibigat ang dibdib ko.
Why does he have to torture me? May gusto naman pala siya kay Sam. I don't want to assume to much pero ss paraan ng pagtitig niya kanina ay parang mas masaya siya kapag si Sam ang nasa tabi niya.
Ang kamay ko ang nagsilbing kumot sa malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa aking balat. Tanging ang sarili ko ang naging sandalan ko sa malamig na panahong kailangan ko ang lalaki.
Sana sinabi niya na lang sa akin ang totoo, kaysa nagmumukha akong tanga habang pinakikinggan ang mga salita niya na hindi niya naman kayang patunayan.
''Sol...'' Agad kong nahimigan ang boses na iyon kahit malakas ang bugso ng ulan.
Sa pagtila ng luha ko ay hindi ko inaasahan ang kanyang pagdating. Nang lumapit ito sa akin dala ang payong na hawak ay agad niya akong niyakap.
''I'm here... you're safe now,'' mahimbing niyang sambit.
Hindi ko inaasahan ang kanyang pagdating.
Mas lalo akong naluha dahil ang akala ko ay nag-iisa ako... akala ko wala ng taong kayang magpatahan sa puso ko.
Mas naramdaman ko ang init ng kanyang yakap nang higpitan niya ito.
''Tahan na...'' mahinhin niyang sambit. ''Nandito naman ako para umalalay sa 'yo.''
Ang boses niya ang tuluyang yumakap sa akin para pagaanin ang loob ko. Bagay na hindi ko naramdaman kay Caleb.
Napabuntong-hininga ako. Puro na lang siya ang bukang bibig ko. Lagi na lang si Caleb ang laman ng isipan ko, samantalang si Heinz ang nasa harapan ko ngayon.
''I saw it,'' he said. ''And you don't have to tell me everything right now. Mas mahalagang mailayo muna kita rito dahil basang-basa ka na.''
Muli kong napagtanto na kanina pa pala basang-basa ang katawan ko at hindi ko na alam kung saan ko nabitawan ang project na hawak ko kanina.
I heaved a sigh again. Okay lang, may sasalo pa rin naman sa akin kahit na bumagsak ako.
''M-mukha na ba akong basang sisiw sa 'yo?'' mahinang sambit ko, nakatingin sa kanyang mukha na basa na rin ng ulan.
Indeed, he was handsome. Wala na akong masasabi pa dahil perpekto ito para sa akin. Mas guwapo talaga siya kapag malapitan.
Nakita kong kumawala ang maliit na ngiti sa kanyang labi. ''Para kang daga na nalunod sa baha.''
I chuckled, glancing at him. ''Grabe ah, pero maganda pa rin naman—'' Napatigil ako sa aking sinabi ng hawiin niya ang basa kong buhok na halos humarang na sa aking mukha.
''You always look beautiful in my eyes, Soleil,'' he murmured.
His voice was soft and gentle, like the breeze of air that I was feeling.
❛━━━━━━•(🌸)•━━━━━━❜
BUMUBUHOS PA RIN ANG ULAN AT alam kong nag-aalala na si inay sa akin. Tiyak akong hindi na mapakali iyon dahil anong oras na ay wala pa ako sa bahay. Nakasakay ako ngayon sa kotse ni Heinz habang pinagmamasdan ang bawat dumadaan sa labas.
Ilang saglit pa ay narinig ko ang boses ng lalaking kumakanta habang sinasabay ang kanta ng Rivermaya.
''Close your eyes, dry your tears 'cause when nothing seems clear you'll be safe here...from the sheer weight of your doubts and fears. Weary heart, you'll be safe here...''
Nagtama ang tingin naming dalawa. His eyes can tell me that he likes me, but he doesn't want to pursue me. Nababasa ko ito dahil halatang-halata sa kanyang mga mata.
He just likes me and that's all.
Wala ng iba pang dahilan doon. Heinz is just a friend of mine who can always lend a hand without hesitation.
''Alam kong maganda ako, Heinz. Kaya huwag mo masyadong ihulog ang puso mo sa akin,'' sabi ko.
Ang swerte ng magiging girlfriend niya dahil ang hinahanap nitong lalaki ay nasa kanya na. Maalaga, maunawain, guwapo at mabait. Higit sa lahat, nandiyan siya kapag kailangan mo ng masasandalan sa oras na nalulunod ka sa sakit at lungkot.
Alam kong hindi dumadagundong ang puso ko ngayong kasama siya. Kahit na malalim ang pagtitig namin sa isa't-isa ay hindi pa rin nito mababago na iisa lang din ang nagmamay-ari ng puso ko.
Caleb was everything... the shiniest star that once shone under the hues of the dark sky, while I was the sun that he's always catching its glow and radiant.
Hindi siya nagkulang ng pagmamahal sa akin. Sa bawat araw na lumipas, ipinadama niya sa akin ang isang uri ng pagmamahal na tila walang makakapantay.
Iba kasi siya magmahal.
Nakakabaliw siyang mahalin dahil lubos ang kanyang ibinibigay... kahit wala ng matira pa para sa sarili niya. Mula sa maliliit na bagay tulad ng pag-alala sa mga detalye ng aking araw, hanggang sa malalaking sakripisyo na ginawa niya upang mapaligaya ako, ang kanyang pagmamahal ay laging nandoon, hindi matitinag at walang kapantay.
Napakunot-noo ako nang makita ko mula sa hindi kalayuan ang pigura ng babae at hindi ako pwedeng magkamali dahil kilala ko ito. Nakita kong nakaupo si Sam sa tabi ng convenience store at umiiyak ito habang may kausap sa telepono.
Nakausot pa rin siya ng uniporme. Hindi pa rin ba siya umuuwi?
''H-Heinz, stop the car,'' mahinhin kong sabi. Napatingin din siya sa direksyon na aking tinitingnan pagkatapos nitong ihinto ang kotse.
''Si Sam ba 'yun?'' he asked.
I slowly nodded at him. ''Bakit hindi niya kasama si Caleb at August?''
Hindi ko naman pwedeng hayaan ang kaibigan ko na umiiyak ng mag-isa at walang kasama. After all, she's my friend at wala siyang kasalan kung may gusto man si Caleb sa kanya.
''Bababa ako,'' ani ko.
''T-teka lang, Sol!'' pagpigil niya sa akin.
Wala na rin akong pakialam pa, kaya bumaba ako ng kotse niya kahit malakas ang buhos ng ulan at muntik na akong mabundol ng kotse pagtakbo ko habang tumatawid kami.
Hinigit ni Heinz ang braso ko nang makalampas ang itim na kotse sa amin.
''S-Sol, mag-ingat ka naman!''
Agad akong lumingon sa kanya at nagbabadya na rin ang luha sa mata ko.
''K-kailangan ako ni Sam ngayon. Kailangan niya rin ng kaibigan na karamay—'' Napatigil ako sa sasabihin ko ng biglang sumulpot sa kanyang harapan si Caleb habang may dalang tubig at pagkain sa kanya. Nakita ko kung paano nito punasan ang kanyang luha matapos ibaba ni Sam ang tawag.
She hugged him tightly while crying, pero ang mas dumurog ng puso ko ay nang makita kong dumampi ang kanyang labi sa lalaki.
It shattered me into pieces. Pain almost consumed me like how darkness always engulfed my thoughts.
Alam niya ang lahat tungkol kay Caleb. Alam niya kung paano ako hulog na hulog sa lalaki, pero sa nakikita ko ngayon ay malinaw na sa akin ang lahat.
She doesn't need to explain. I saw it all, of how deeply in love with him despite knowing it all.
''Kaibigan mo nga ba talaga, Sol?'' ani Heinz.
Napabaling ang tingin ko sa kanya at napakagat sa ibabang lalabi para pigilan muli ang pagbagsak ng luha ko. Alam kong siya lang ang taong masasandalan ko sa oras na ito at sa bawat patak ng luha sa mga mata ko ay alam niya kung paano ako patahanin.
It was enough for me to tell how good he was, that he was more than a star that I couldn't even reach.
Pumasok siya sa buhay ko ng walang pahintulot. Sa pakiramdam ko ngayon, kahit tinutulak ko na siya palabas, naghihintay pa rin ito sa pagbukas ko ng pinto at alam ko na siya ang unang taong bubungad sa akin.
''I-Ilayo mo na ako rito, Heinz... please,'' pagmamakaawa ko sa kanya. ''A-ayoko nang makita pa siya. Tama na ang sakit na dinulot niya sa akin.''
Bago pa man madurog na parang buhangin ang puso ko ay iginawi ko na ang tingin sa kanya. He smiled, hiding the pain that he's also feeling right now.
''Let's go,'' he said.
Tumango ako sa kanya at inalalayan ako nito habang palayo sa lalaki.
Sumakay ako sa kotse niya hanggang sa makarating kami sa condo. Ayko muna na umuwi sa amin kahit alam kong nag-aalala si inay sa akin. I just want to be by his side for now, and that's all I need right now-his presence that always catch my attention.
Kapag nariyan siya ay mas gumagaan ang loob ko at kaya kong maglabas ng kahit na anong saloobin ko. He won't judge me, and just listen to my rants that I wanted to say out loud. Dahil masyado akong mahina sa mundong puro sakit ang bumabalot sa akin.
It's already nine o'clock.
I'm at his condo right now at nagulat ako sa laki nito. Malinis din tinignan ang kanyang gamit. May kasama pa itong alaga pusa na hinahaplos ko ang kanyang ulo ngayon.
Pinasuot niya muna sa akin ang extra niyang damit na kulay berde, medyo malaki lang ito ng kaunti sa akin pero pwede ng pagtiyagaan.
''Here.'' Inabot niya sa akin ang isang malinis na tuwalya. ''Magpatuyo ka muna. Malakas pa ang ulan sa labas, kaya baka mamaya ka pa makauwi sa inyo.''
Napalunok ako ng madiin nang makita kong walang pang-ibaba na suot si Heinz. Litaw na litaw naman ang ganda ng kanyang katawan at halatang batak na batak ito sa gym.
Gusto niya lang yata i-flex ang malaki niyang biceps sa akin pati na ang six pack abs nito.
''Magsuot ka nga ng damit mo,'' utos ko sa kanya. Umiwas naman ako ng tingin.
''Opo. Teka lang, Sol,'' sambit niya.
Ilang minuto ang lumipas ay bumaling ako ng tingin sa kanya at nakasuot na ito ng puting damit paglabas niya ng kuwarto.
Sa mga oras na ito ay dapat nasa bahay na ako at nagpapahinga kasama si inay, pero heto ako at kasama si Heinz sa condo niya, habang kami lang dalawa ang nandito ngayon.
Pumunta ito sa kitchen area niya at kinuha sa kabinet ang isang pack ng noodles. Naglapag din siya ng mainit na tsokolate sa lamesa.
''Inumin mo muna 'to at tiyak akong gagaan din ang loob mo,'' aniya ni Heinz.
''S-salamat.'' Kinuha ko iyon at sumimsim ng kaunti. Masarap naman ito at saktong-sakto ang lasa na bumagay sa panahon ngayon.
Agad din naman siyang bumalik sa kusina dahil kumukulo na ang tubig. Napatingin naman ako sa kanyang bintana, malakas pa ang ulan at baka mas lalo akong gabihin kung mananatili pa ako rito ng matagal.
Mayamaya lang ay bumalik din siya dala ang dalawang babasagin na lalagyan na may lamang ramen. ''Kumain ka muna, alam kong kanina pa kumukulo ang tiyan mo,'' wika niya ng ilapag ang ramen sa lamesa.
''Salamat, Heinz,'' ani ko.
Nauna na akong sumunggab sa kanya dahil kanina pa ako gutom. Halos mainom ko na yata ang tubig ulan kanina dahil sa katagalan kong nakababad kanina.
He chuckled. ''Dahan-dahan lang sa 'yo naman 'yan lahat.''
Inabutan niya ako ng tubig at nilagay ito sa tabi ng pagkain namin. Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga na muna ako saglit. Napabaling muli ang tingin ko sa labas.
Malakas pa rin at ulan. Pa'no ako makakauwi nito? Bahala na nga! maghihintay na lang ako mamaya sa labas ng taxi, sakto pa naman ang perang pamasahe ko pauwi.
''Tinawagan mo na ba si tita, Sol?'' tanong ni Heinz.
''Hindi pa, wala kasing signal ngayon dahil sa lakas ng ulan,'' sagot ko. Kinakabahan ako dahil baka sumuong siya sa ulan para lang hanapin ako.
Baka nga rin pumunta pa si Caleb sa amin para lang hanapin ako. Mag-aalala si inay ng husto kung hindi pa ako uuwi ngayon.
Tumayo ako at kinuha ang gamit ko. Pati ang bag ko na tuluyan ng nabasa dahil sa ulan. Buti na lang ay mabilis itong natuyo at hindi nasira o nabasa ang gamit ko sa loob. Mahalaga pa naman ang mga notes ko at patay talaga ako kabang nabasa ito.
''Kailangan ko na sigurong umuwi, baka hindi makatulog si nanay dahil sa pag-aalala sa akin. Salamat sa pagpapatuloy, Heinz,'' sambit ko.
''Aalis ka na agad? Malakas pa ang ulan sa labas, Sol. Baha rin ang lugar malapit dito kaya mahihirapan akong ihatid ka ngayon,'' wika niya.
''Maghihintay na lang ako ng taxi, may masasakyan naman siguro ng ganitong oras.'' Ayoko man na iwan siya ngayon mag-isa rito ay mas nangingibabaw ang pag-aalala ko kay nanay.
Alam kong sesermonan niya lang ako, pero mas maigi na iyon dahil tama lang ang kanyang ginawa. Hindi ko naman gawain na umuwi ng ganitong oras... lalo na at babae ako.
''N-nag-aalala na si nanay, hindi ko siya pwedeng iwan mag-isa na lang sa bahay.'' Papalabas na sana ako ng condo niya nang bigla nitong higitin ang kamay ko dahilan para mapalingon ako sa kanya.
''D-dito ka muna, Sol. Don't leave me please...'' he said, pleadingly. ''Kahit ngayong gabi lang.''
Sa paraan ng pagtingin niya sa akin ay parang hindi ko siya kayang tanggihan. Malambot ang pagkakapisil nito sa aking mga kamay habang nagmamakaawa sa akin.
His eyes tell me how desperate he is to be with me right now. They reflect a longing that words cannot capture, glance he casts at me speaks itself for longing and silent pleas.
It's as if his entire being is consumed by the need to bridge the distance between us.
Huminga ako nang malalim. Wala na akong nagawa pa. Tumango na lang ako sa kanya at ngumiti.
Hindi naman siguro masama kung manunuluyan ako ng isang gabi rito?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top