Chapter 14
Lunes ngayon at siyempre walang pasok ang department namin pati ang architecture dahil may event sa school at hindi kami kabilang ro'n. Iyong mga kasama lang sa competition tulad ng essay, debate, quiz bee at iba pang patimpalak nila na ang iba ay gaganapin sa Iligan City in Cagayan De Oro, kung nasaan ngayon sina Sam, August at Caleb.
Hawak ko ngayong ang phone ko. Buti na lang ay pwedeng gumamit dito sa loob ng library. Tahimik lang akong nakaupo habang may mga tambak na libro sa aking mesa. Ang dami ko pang kailangan basahin lalo pa't may mga recitation kami na tungkol sa geography.
Lebleb Bantot:
Ang ganda rito sa tinago falls, sayang at hindi ka nakasama, Sol. Bawi na lang ako kapag bakasyon na. Lilibutin natin ang buong pilipinas kung gusto mo, kaya huwag ka ng magtampo kung hindi ka nakasama, ah? :^)
Nag-send siya sa akin ng picture na magkakasama silang tatlo na nakarating na sa lugar. Hindi pa nila ito nalilibot ng buo dahil isang oras pa lang ang nakalilipas ng makarating sila sa Tinago Falls.
Anak araw:
Hindi naman ako nagtatampo, Caleb. Mag-enjoy lang kayong tatlo at huwag mong kalimutan ang pasalubong ah!
I smiled bitterly. Oo nga ang ganda r'yan, sayang at wala ako para masilayan ito. Napakasaya ko siguro kung makapasyal ako sa lugar na 'yan.
Minutes later, he replied.
Lebleb Bantot:
Oo padadalhan kita ng tambak na pagkaing nabili namin dito. Sayong-sayo lang lahat 'to.
Muli akong ngumiti. Buti naman at hindi niya ako nakalimutan. Ilang segundo ang lumipas ay nag-text rin ang isang loko sa akin. Mang-iingit lang din naman ito at hinayaan ko na lang siya.
Pango:
Grabe sobrang ganda rito, sana makapunta ulit tayo pero kasama ka na, Sol. Huwag ka ng magtampo alam ko naman na naiinggit ka.
Pandak:
Bleh! Hindi naman ako naiinggit dahil sinama ako ni Caleb sa flower garden kahapon, tapos kasama ko pa ang bebe mo.
Nakita ko naman ang text sa akin ni Sam at agad na binuksan ito para basahin.
Sam:
I take a lot of pictures para makita mo rin nang buo ang Tinago Falls. You would definitely love this place, Sol! Sayang lang at wala ka rito. :'(
I didn't reply to her.
Agad kong binaba ang phone ko at itinuloy ang pagbabasa ng libro. Mabigat pa rin ang loob ko sa ginawa niya sa akin, hindi man lang ito nagpasabi na nakarating na siya at wala akong natanggap na text sa kanya pagkatapos nilang mag-sleep-over—things like they always keep to themselves like I'm not their friend. Parang sa mata nila ay hindi ako mapagkakatiwalaan.
Napabuntong-hininga na lang ako bago inilapat ang libro sa lamesa.
''Makakapunta rin ako diyan balang araw,'' mahinang bulong ko sa sarili.
Sayang nga naman talaga kung hindi ko masisilayan ang ganda nito. Balang araw ay makakapunta ako r'yan kasama si nanay at Caleb.
Indeed, Tinago Falls is majestic and beautiful.
It's one of my dream destinations. Hindi lang dahil sa magagandang tanawin doon, kung hindi rin sa matatayog at magaganda rin ang kanilang waterfalls. Kaya lagi ko itong bukang-bibig kay Caleb kapag tungkol sa pag-travel ang topic namin.
Well, a quick background about it. Iligan City is known in the Philippines as the City of Majestic Waterfalls. The powerful Agus River flows through the city and in the surrounding countryside are found at least 23 waterfalls. Tinago Falls means 'Hidden Falls'. It's got this name because the falls are literally hidden away from sight and sound far off in the midst of a deep ravine.
''Sol, mauna na ako may klase pa kasi ako,'' aniya ni Maxine habang bitbit ang limang libro. Nasa kabilang table siya kanina pa at abala sa pagbabasa.
Tumango ako. ''Ingat, Max. Kita na lang tayo bukas.''
Gano'n ba talaga karami ang kailangan niyang libro? I didn't know that being a psychology student needs to be well-rounded and good at reading.
Nakakahilo kaya kapag marami kang binabasa, lahat ng impormasyon ay naglalaro sa isip mo at minsan nagkakahalo pa ang mga ito.
Para tuloy kaming nagpapaligsahan kanina dahil sa mala-bundok na librong nakalagay sa lamesa namin. Mahaba naman ito kaya malaki ang spaces namin at apat pa nga ang lamesa rito. Buti na lang ay hindi kami nakakaabala sa ibang estudyante.
Pagkatapos kong magbasa ay dumaan na ako sa Vermont para magtrabaho. Pagpasok ko ay sumalubong sakin si Lexie at nakahinga naman ako nang maluwag dahil hindi nagparamdam sa akin ngayon si Heinz dito sa Café.
Ginagawa niya kasing tambayan dito kaya maraming customers ang dumadagsa, kilala ang kanyang pamilya at public figure din ang kanyang pagkatao.
''Himala! Walang nakabuntot sa iyong dalawang lalaki ngayon?'' gulat na sabi ni Lexie.
Nagpupunas ako ng lamesa at naglilinis na rin. Kahit kakapasok ko pa lang, marumi na talaga ang shop na ito sa dami ng taong pumapasok. Wala ang ibang staff namin dahil naka-leave, tapos 'yung isang lalaking staff ay may sakit. Kaya kami lang ni Lexie ngayon ang bantay dito.
''Mabuti nga 'yon eh...'' I trailed off. ''Hindi rin naman nila kailangan na palaging kasama ako, kaya na nila ang sarili nila.''
Naalala ko 'yung gabi na sinabi sa akin ni Heinz na gusto niya ako. Napakagat na lang ako sa ibabang labi at tinuloy ang aking ginagawa.
Umalis si Lexie sa counter at hinarap ako. She's like a fierce woman in front of me. Matalim ang kanyang mga titig at parang may nahihinuha sa akin.
''Sol, magsabi ka nga sa akin ng totoo. May gusto ka na ba kay si Heinz?'' she seriously asked.
''No,'' diretsong sabi ko.
''Kung hindi si Heinz, Ibig-sabihin ay may gusto ka na rin kay Caleb?'' Muli niyang tanong.
''H-hindi ko na alam...''
Napabuntong-hininga na lang si Lexie sa sagot ko. Hindi ko pa alam ang kasagutan ngayon, kahit na may gusto silang dalawa sa akin.
Alam kong iisa lang ang nagmamay-ari nito, pero kung alam kong masasaktan lang ako, bakit hindi ko bibigyan ng tiyansa si Heinz?
He's also good and caring like Caleb, lahat nga ng mayroon sa lalaki ay kaya niyang pantayan at higitan para sa akin. I just need to open my heart to him and allow myself to know him more. Baka sakaling mat sparks, katulad ng nararamdaman ko kay Caleb.
Pagkatapos ng mahabang shift namin ay sinalubong ako ni inay sa tapat ng bahay. Alam niyang pagod ako ngayon kaya may hinanda na siyang pagkain.
''Bigay ito ni Caleb sa akin kahapon, pinatago ko na lang muna sa kapitbahay para may ulan tayo ngayong gabi,'' wika niya.
Naupo ako at tiningnan ang ulam na galing kay Caleb. Puro processed food ito at ang ilan ay puro gulay rin na niluto ni nanay.
Buti naman at naalala ako ng loko. Ayaw na ayaw pa naman niyang nalilipasan ako ng gutom kaya kapag wala kaming ulam ay to the rescue siya para magdala nito sa amin.
''Kain na po tayo, 'nay,'' masayang sambit ko pagkatapos naming magdasal.
Habang kumakain ako ay nakalapag lang ang cellphone ko sa tabi. Nag-aantay ako ng text nila kanina pa pero wala akong natanggap. Nakaligo na ako at nakahiga sa kama ay hindi pa rin tumutunog ang phone ko.
Anyare sa kanila at parang hindi na sila nag-text? Akala ko pa naman ay ise-send sa akin ni Sam ang lahat ng picture sa gala nila ngayong araw, pero wala rin akong natanggap.
Anak araw:
Gawa mo? Gising ka pa ba?
Mukhang tulog ka na yata, goodnight and sweet dreams. :-)
It's already eleven o'clock in the evening. Dahil sa paghihintay ko sa reply niya ay hindi ko na namalayan nakatulog na pala ako. Nang maimulat ko ang mata ko ay nasa harapan ko na si inay kaya napabangon ako ng wala sa oras. Tila hindi siya mapalagay at nang makita ako ay agad siyang umupo sa tabi ko.
''Imelda, lumabas ka riyan. Alam kong nandiyan ka!'' Nahimigan ko ang boses na sumisigaw sa labas.
"Nay, bakit sumisigaw po si Aling Teresita?'' nagtataka kong tanong.
'Alam mo naman Sol na malaki ang utang natin sa kanya, hindi ko siya kayang pakiusapan dahil kapag nagalit pa siya ay palayasin tayo rito,'' pahayag ni inay.
''A-ako na po ang kakausap sa kanya, 'nay,'' sabi ko.
Tumayo ako sa aking kinahihiligan at lumabas ng kuwarto. Nang buksan ko ang pintuan ay bumungad sa akin ang matandang babae, habang mabilis itong nagpapaypay at may tapis pa na nakabalot sa kanya.
''Ay na 'ko! Buti naman lumabas ka, Sol!'' Dali-dali itong pumasok sa maliit naming gate nang walang pasabi.
''Sisingilin ko lang ang nanay mo, Sol. Alam mo namang hinihintay na rin sa akin ang pera ng may-ari ng bahay," saad niya.
''Hindi po ba pwedeng makiusap po muna ako sa kanya ng ilang buwang palugit?'' mahinhin kong tanong.
''Ayaw niya ngang ipakilala ang sarili niya dahil hindi na iyon kailangan pa. Ang kailangan niya 'yung pera sa bahay na 'yan. Marami na akong palugit na ibinigay, buti nga ay hindi ito nagagalit sa akin,'' may pagtaas ng boses niyang sabi.
Malakas itong nagpaypay sa akin at inayos ang salamin na suot niya.
''Aling Teresita, masyado po kasing malaki ang halaga na iyon at hindi ko pa po nabubuno ito, kahit isang buwan na palugit lang po ay titiyakin kong makakabayad na po kami,'' wika ko.
''Sabihin mo r'yan sa magaling mong ina, na kapag hindi kayo nakabayad sa susunod na buwan ay magbalot na kayong dalawa dahil kukunin niya na itong bahay, at hindi ko na kayo matutulungan dalawa, Sol,'' pahayag niya. ''Ipinahawak lang sa akin ito at ako lang ang tagapangalaga, kaya wala akong karapatan diyan sa bahay na 'yan.''
I let out a huge sigh. ''Alam ko naman po iyon, gagawin naman po namin ang lahat para makabayad dahil wala naman po kaming ibang mapupuntahan kapag hindi po kami nakapagbayad sa inyo," pahayag ko.
''Oh, siya! Mauna na ako at pupunta pa ako ng simbahan ngayon,'' aniya.
Nang makaalis ito ay saka lang ako nakahinga ako ng maluwag. Isa ito sa mga problema namin ngayon dahil hindi naman bayad itong bahay ay halos nasa isang milyon din ang kailangan naming ibayad.
Kailangan ko talagang kumayod ngayon dahil kapag wala sa kalahati ang naibigay kong pera ay baka mapalayas talaga kami rito. Maghahanap ako ng iba pang pagkakakitaan bukod sa pagtatrabaho sa Vermont dahil hindi naman sasapat ang kinikita ko rito para mabayaran ang gano'ng halaga.
Hapon na at tiyak akong nakauwi na sila ngayon. Alas-dos na kaya naman naghintay ako sa labas pero ilang saglit lang ito ng makita ko ang pigura ng lalaki habang naglalakad.
Nang makalapit sa akin ay may bakas ng lungkot sa kanyang ngiti. May nangyari ba na hindi ko alam? Hindi sila sumasagot sa tawag ko kanina, wala rin akong nakuhang sagot sa kanilang mga text.
''I missed you,'' he uttered and immediately hugged me. Dinausdos ko naman ang aking mukha sa kanyang dibdib dahil na-miss ko ang kanyang amoy.
''May pasalubong ako sa 'yo.''
''S-salamat, Caleb,'' saad ko.
Iniabot niya sa akin ang hawak niyang isang plastik na puno ng pagkain at tinanggap ko ito. Sa paraan ng kanyang pagkakasabi ay parang bakas ang lungkot sa kanyang mukha.
''Nasaan pala si Sam? Hindi n'yo ba siya kasabay?'' tanong ko. Kahit si August ay wala.
Pakiramdam ko ay may nangyari sa kanila habang nasa Cagayan sila, but I just shoved it away and have him sweet smile.
''Hinatid ko na siya sa kanila dahil masama ang pakiramdam niya.'' Malungkot pa rin ang tono sa kanyang boses. ''Si August nagmamadaling pumunta sa bahay ni Maxine.''
''Did you win?'' I asked. ''Naipanalo niyo ba 'yung debate?''
Kumawala ang maliit na ngiti sa kanyang labi bago tumingin sa akin. ''Yes, nanalo kami. Pati na si August sa essay niya.''
''Congrats,'' tangi kong nasabi at muling niyakap siya. ''Bakit parang hindi ka naman masaya? Maybe we should—'' Naputol ang sasabihin ko ng pangunahan niya ako.
''I'm happy... napagod lang siguro ako ngayon. I just want to rest for now,'' he said. His voice was calm, yet so soft.
Pumasok muna kami sa bahay at nakipagkwentuhan sa kanya tungkol sa mga ginawa nila sa Tinago Falls. Marami siyang pinakitang mga larawan sa akin, at hindi ko maiwasang mainggit dahil isa iyon sa mga lugar sa Cagayan na parati kong bukang-bibig.
❛━━━━━━•(🌸)•━━━━━━❜
KINABUKASAN, INASIKASO KO ANG ginagawa naming project.
''Mas bagay silang dalawa,'' usal ni Sarah.
Napatingin ako sa kanya habang ginagawa nito ang project namin. Hindi naman kami architecture pero 'yung project naman ay akala mo magtatayo ng isang bahay.
Nagsasalubong ang kilay ko na inabot sa kanya ang glue gun. ''Hindi mo sure, mas bagay pa rin kaming dalawa,'' aniya ko.
''Itigil mo na ang pagiging delusyonada mo, Soleil! Binibigyan mo lang ang sarili mo ng paraan para mas masaktan ka ng dahan-dahan,'' nag-aalalang sambit ni Sarah.
Tama naman siya. Mas lalo ko lang pinapalapit ang sarili ko para malunod sa sakit, kahit alam kong walang magsasalba sa akin kapag tuluyan akong na lumubog sa madilim na parte ng dagat.
Wala rin akong karapatan na hadlangan kung sinong gustong mahalin ni Caleb, pero sa mga ipinaramdam niya sa akin nitong mga nakaraang linggo ay hindi ko mawaksi sa isip ko kung gusto ba niya talaga ako o pinaglalaruan lang nito ang damdamin ko.
Nasa isang study area kami ngayon sa labas lang ng campus namin at nagpapalipas oras lang. Lumapit muna kami ng mauupuan ni Sarah dahil kailangan namin ng space na paglalagyan sa mga projects namin na nakakalat ngayon.
Nang mapabaling ako ng tingin sa lalaki ay masaya itong naka-ngiti habang nagtatawanan sila ni August at Sam.
Wala pa rin akong alam kung bakit umiiyak si Sam no'ng gabi na pumunta siya sa bahay ni August. Hindi ko na tinanong pa ang tungkol do'n at pinalipas na lang.
''Sasabay ka ba sa amin, Sol?'' tanong ni August.
''Hindi na, mauna na kayo at tinatapos pa namin ni Sarah 'yung project. Mamaya na lang siguro ako kakain,'' sagot ko.
''Okay lang naman—'' Agad kong pinanindilatan ng mata si Sarah at agad naman nitong nakuha ang gusto kong iparating.
''Di ba, Sarah?'' nakangiti kong tanong, sabay taas-baba nang aking kilay.
''Mamaya pa kami matatapos, mauna na kayo August,'' sagot niya sa lalaki.
Pag-alis nila ay nagpahinga na muna kaming dalawa ni Sarah dahil pagsikat pa lang ng araw ay nandito na kami. Ala-una na pero hindi pa ako kumakain.
Wala rin naman akong gana dahil sa mga nangyayari ngayon.
''OMG Gurl, I'm so concerned about this, look!'' Tumayo siya at inilapat sa aking mukha ang cellphone niya.
Halos manlaki ang mata ko nang makita ang post ni Kris sa twitter. Bukod dito ay may kasama pa itong retrato kung saan nakitang papasok si Caleb sa loob ng kuwarto kasama ang isang babae at napatuptop na lang ako nang bibig ng mapagtanto kung sino ang babaeng kasama niya.
Kris @Kris_achina
So, ito na ang tea natin sa naganap na event. Si Caleb Montréal daw ng architecture department ay nahuling may kalandiang babae sa hotel bago ang laban sa debate at magkasamang natulog sa iisang kuwarto?
The who? Sino naman kaya ang babaeng kasama niya? Girlfriend or fubu niya?
Sabay-sabay na pumintig ang lahat ng ugat sa ulo ko dahil sa nabasa kong post. Halos pagtinginan ako ng mga tao sa paligid dahil alam nilang kaibigan ko si Caleb.
They already saw the post at ang akala nila ay ako ang babaeng kasama ni Caleb, kaya masama ang tingin ng iba sa akin.
''See? I told you—'' Tumayo ako at paalis na sana dahil hindi ko na kaya pang pigilan ang nagbabadyang luha na tumulo sa mata ko.
It feels like my heart is being stabbed with every passing second. He likes me, but he always makes me feel awful. Naririnig ko ang bawat bulong na sinasabi nila tungkol sa akin pero pinagwalang-bahala ko lang iyon dahil mas namumuo ang sakit at galit na nararamdaman ko.
''S-Sol...'' Tumakbo ito papalapit sa akin.
Nang magtama ang tingin namin ay do'n na tuluyang bumagsak ang luha ko.
Mahal kita, Caleb, pero bakit palagi mong pinaparamdam sa akin na wala akong karapatan na mahalin ka? Na puro sakit lang ang mararamdaman ko sa tuwing magkalapit tayo sa isa't-isa.
You always made me feel that I'm unworthy. Ang hirap mong mahalin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top