Chapter 13

''May pupuntahan kami bukas, Sol. Sama ka ah?'' pag-aya ni Caleb.

''Saan?'' tanong ko, abalang nagbabasa ng libro at tiningnan siya.

''Basta. Malayo sa bayan iyon at sigurado akong hindi mo pa napupuntahan ang gano'ng lugar.''

Tumango na lang ako sa kanya at ibinalik ang tingin sa aking binabasang libro.

Nandito kami ngayon sa library at nag-aaral. Oo, kailangan naming mag-group study dahil itlog ang nakuha nilang score sa differential. Hindi kasi nila maintindihan 'yung mga formula kaya naghahanap sila rito ng librong makakatulong sa kanila.

''Ba't hindi pumapasok si Sam? May sakit ba siya?'' tanong ni August. Umupo ito sa harapan ko pagkatapos maghanap ng librong babasahin. ''Wala ka bang contact sa kanya, Sol?''

Huminga ako ng malalim. Hindi talaga ako matatapos sa binabasa ko kung sila ang kasama ko. Ang daldal kasi kahit nasa library na kami.

''Mayroon naman, pero hindi niya nga rin sinasagot 'yung text ko eh,'' sagot ko.

''Busy siguro. Papasok din 'yon bukas dahil maghahanda kami para sa mock debate namin bukas.''

Oo nga pala, Biyernes na ngayon at ilang araw na lang ay aalis na sila. Ako naman, may interview din sa linggo. Kinakabahan na ako dahil hindi ko alam kung sino ang makakaharap ko, hindi ko kilala ang lalaking nasa business card pero malaki raw ang maitutulong niya sa akin.

Pagkatapos naming magbasa ay bumalik na ang dalawa sa architecture department dahil may klase pa sila at naiwan na lang akong mag-isa sa library. Mamaya pa ang klase ko at hindi rin naman ako dadaan sa bahay pag-uwi dahil may trabaho pa ako sa Vermont.

It was a tiring day at gusto ko na lang magpahinga ngayon. Sobrang daming customers ang dinumog kami kanina dahil nag-post ang owner sa social media about sa Vermont Café, kaya maraming tao ang naenganyo na pumunta.

''Sol, bakit ginabi ka naman yata ng uwi?'' nag-aalalang tanong ni inay.

''Marami lang pong inaasikaso, 'nay. Dinumog po kasi kanina ang shop kaya nag-overtime ako,'' walang ganang sagot ko.

Nanlaki naman ang mata ko sa gulat ng biglang tumayo si Caleb at lumapit sa akin. Anong ginagawa niya ng dis-oras ng gabi rito?

''Magpahinga ka na muna, Sol. Ako na ang bahala kay tita sa pagtulong sa kanyang magbalot ng bibingka,'' wika ni Caleb.

''Kaya ko pa naman. Umuwi ka na at baka hinahanap ka na sa inyo.'' walang buhay ang aking boses. Bumabagsak na ang talukap ng mata ko dahil sa pagod at gusto ko na talagang makapagpahinga.

He smiled. ''Ayos lang, nagpaalam naman ako.''

Tumango na lang ako sa kanya bago pumasok sa kuwarto ko at isinalpak agad ang aking katawan sa matigas na higaan.

Dala ng sobrang pagod, hindi ko na namalayang nakasuot pa ako ng uniporme nang makatulog ako. Nang maimulat ko ang mata ko ay tumama ang sinag ng araw sa aking mukha dahil binuksan ni Caleb ang puting kurtina.

Napabalikwas tuloy ako sa aking higaan ng wala sa oras.

''A-anong ginagawa mo rito?'' nauutal kong tanong, nagkakamot pa ako sa aking mata.

''Rise and shine. Aalis tayo ngayon, Sol. Bumangon ka na riyan,'' wika ni Caleb.

Aalis? Wala namang—shit! nakalimutan ko nga pala. Sabado ngayon at nakaligtaan ko ang kanyang sinabi kahapon dahil marami akong ginawa.

Umupo siya sa tabi ko at sumilay ang pilyong ngiti niya. 'Wag mong sabihin na nakalimutan mo?''

Lumalakas ang tibok ng puso ko dahil masyadong malapit ang aming mukha sa isa't-isa.

''H-hindi ah,'' nauutang kong sagot. ''Nagulat lang ako dahil ang aga mong dumalaw kahit mamaya pa naman ang alis natin.''

Nailusot ko pa nga.

He laughed. ''Siyempre maaga tayo aalis, para maaga rin tayong makarating do'n.''

''Saan ba kasi tayo pupunta?''

''Mag-picnic tayo together. Ayaw naman sumama ni August dahil abala siya sa future girlfriend niya,'' aniya.

Napangiti naman ako sa sinabi niya. ''Sige na, lumabas ka na at mag-aayos na ako. Hintayin mo na lang ako,'' sambit ko.

''Don't forget to eat your breakfast. I cooked hotcakes for you,'' he said and smiled.

I nodded at him. Lumabas na ito ng pinto at ilang saglit pa ay halos maipadyak ko ang aking mga paa at katawan dahil sa kilig.

Kami ni Caleb lang ang magkasama ngayon? Hindi ako makapaniwala.

Napakagat ako sa ibabang labi habang pinipigilan na gumawa ng ingay dahil sa tuwa ko ngayon. Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na rin ako ng kuwarto.

''Sol, mag-ingat kayo ah,'' habilin naman ni inay bago kami pumasok ni Caleb sa kotse.

It's been a while since we hang out together. Palagi kasi siyang busy o hindi kaya ay maraming ginagawa at gano'n din naman ako.

dahil pinagsasabay ko ang trabaho' at pag-aaral.

''We're heading to the flower garden,'' Caleb said.

''Sa flower garden? Saan naman 'yon?''

''Secret, no clue,'' pilyong saad niya.

Narinig ko na naman ang palagi niyang turan sa akin kapag ganito ang usapan namin. Ayaw kasi niyang spoilers para hindi mawala ang saya ko kapag nakita ko na ang lugar.

Nang makarating kami sa lugar na sinasabi niya ay muling nagningning ang mga mata ko, kaya noong pumunta kami sa kalapit na dagat sa bayang ito. Para akong nasa isang panaginip na ayoko ng magising pa sa ganda ng lugar na ito.

Napapalibutan ito ng iba't-ibang mga bulaklak tulad ng rosas, lily, orchid at ilang mga maliliit na puting bulaklak na sumisibol pa lamang. Ang mas nagustuhan ko ay ang nababalot na sunflower sa bawat dinaraanan ko at ang kulay rosas na mga bulaklak.

They say that pink symbolizes a delicate balance of our emotions, it could be as pure as white and as red as blood. It has a sense of warmth that touches my soul. Hindi ko na nga matandaan kung kailan ko nagustuhan ang kulay rosas na bulaklak, sadyang gusto ko lang ito at wala ng dahilan pa ro'n.

''How could you be this beautiful?'' sabi ni Caleb, kinakausap ang bulaklak na marahan niyang hawak. ''You only blooms in season yet your beauty embrace me as warmly as a cherished memory that never fades.''

Dahan-dahan siyang napatingin sa akin. His smile is worth a thousand words. Hindi ito matutumbasan ng kahit na anong halaga.

''I wish you were just a flower,'' he said.

''Bakit naman?'' tanong ko.

He smirked. ''Kasi...gusto kitang diligan.'' sabay halakhak niya nang malakas.

Bwisit! Akala ko pa naman mabulaklak ang sasabihin niya!

Hinampas ko siya nang malakas at napailing ito sa sakit. Sinamaan ko siya ng tingin at umalis sa harapan niya. Nag-tour na lang akong mag-isa sa buong field.

''Hoy, joke lang yun!'' pahabol niya pa. Sinundan naman ako nito at hinawakan ang braso ko. Akmang tatanggalin ko na sana ito nang yakapin niya ako. Hindi ko alam kung anong nag-udyok sa kanya pero hinayaan ko na lang.

''Sa susunod mukha mo na talaga ang didiligan ko, baka sakaling tubuan ka ng bulaklak diyan sa noo mo,'' pang-aasar ko.

Ramdam ko ang malakas niyang pagtawa dahil nakabaon pa ang mukha ko sa kanyang dibdib.

''Sinadya ko talaga na huwag pasamahin ang dalawa ngayon dahil may gusto akong sabihin sa 'yo,'' seryoso niya akong tiningnan.

Mas malakas ang naging pintig ng puso ko sa mga sumunod na segundong nakatitig siya sa akin.

Nakakapaso rin pala ang kanyang mga tingin, parang lason na unti-unti kang pahihirapan bago ka lagutan ng hininga—that's what I'm feeling right now, unsure of what's happening and confused.

''Sinubukan kong maghanap ng iba pero...ikaw pa rin ang palaging takbuhan ng puso ko sa tuwing kailangan ko ng masasandalan,'' he mumbled. ''You are always there in my darkest nights, and when the storms calm, you are the first person who I see. Ikaw lang, Sol. Kaya bakit ko pa susubukan na bigyan ng tiyansa ang puso kong maghanap, kung ikaw naman ang palagi nitong hinahanap.''

''Caleb...'' Nagsimulang mamuo ang luha sa mga mata ko at tila hindi na maaninag ang kanyang mukha kaya agad akong napakurap ng ilang beses.

He caressed my face. ''You calm my storm. You tamed the waves that once drowned me. Ikaw lang ang kayang magpatahan ng puso ko sa tuwing nasasaktan ako sa mga sinasabi nila. No one can reached the warmth and comfort that you can give and no one can stand between the lines you've stepped for us,'' he stated.

Muli akong napalunok ng madiin at kasabay nito ang pagtulo ng luha sa mata ko. Pinunasan niya ito gamit ang malambot niyang kamay.

''I like you, Soleil. And I would still love you back even if your feelings for me will fade away.''

❛━━━━━━•(🌸)•━━━━━━❜

NAKAUWI NA KAMI AT INIHATID ako ni Caleb. nagpasalamat naman ako sa kanya bago ito umuwi sa kanila. Tumunog ang phone ko kaya naman tiningnan ko kung sino ang nag-text at napagtanto ang loko lang pala-si August.

Ano na naman kaya ang kailangan nito?

Pango:
Sleepover kayo rito mamaya, wala akong kasama sa bahay eh.

Sleepover sa kanila?

I immediately replied to his text.

Pandak:
Baka hindi pumayag si nanay.

Ayaw ko namang iwan si nanay na mag-isa ro'n sa madilim kong kuwarto. Baka hindi iyon makatulog kapag wala ako sa kanyang tabi.

Pango:
Ako bahala, ipapaalam kita. Isang araw lang namang eh :⁠'⁠(

Pagbigyan ko na ba? Isang araw lang naman akong mawawalay at mukhang papayag naman siguro si nanay.

Pandak:
Ako na, baka kung ano pa sabihin mo kay nanay eh. Kaltok ka talaga sa 'kin!

Seconds later, he replied.

Pango:
Huwag ka ng tumanggi. Ayaw mo ba nun, magkatabi kayong matutulog ng bebe lebleb mo.

Aba! nakiki-bebe siya, boyfriend niya ba? Hindi ko rin naman siya boyfriend pero ako lang ang pwedeng tumawag sa kanya ng gano'n!

Pandak:
Stop calling him like that. Ako lang ang pwedeng magsabi sa kanya niyan, do'n ka sa bebe Maxine mo magpalambing.

Pango:
Malamig ang gabi ko ngayon, Sol, huwag ka ng dumagdag pa.

Tama nga ang hinala ko, nag-away sila. Kaya siguro umiwas sa akin nung nakaraan si Maxine dahil ayaw niyang malaman ko na may tampuhan silang dalawa.

"Nay, kila August po muna ako makikitulog mamaya. Wala po kasi siyang kasama dahil nasa business trip sina tito at tita,'' paalam ko.

Ngumiti siya ng itigil niya ang kanyang ginagawa at nilapitan ako.

''Oo naman, Sol. Basta't umuwi ka agad bukas, ah? Para makapaghanda ka sa interview mo,'' sabi ni nanay.

Akala ko ay hindi niya ako papayagan. Nag-text agad ako sa ulupong para ipaalam sa kanya na pwede na akong makitulog mamaya.

Pandak:
Payag na raw si nanay.

Huwag ka na rin magtampo, makikinig kami mamaya sa'yo.

Pango:
Kaya love kita, Sol eh. 'Wag ka munang mamatay ah, kawawa ang bebe lebleb mo.

Pandak:
Gago ka talaga!

Bago pa man ako tuluyang mainis sa kanya ay lumabas na muna ako at bumili ng ice cream sa tindahan ni aling Nena. Pampawi lang sa init ngayon, at ito kasi ang comfort food ko sa tuwing stress ako sa school at work.

Ever since I was a child, ice cream has been my go-to source of comfort and joy. Sa pagkain ko nito ay napapawi rin ang mga agam-agam sa aking isipan.

Sol:
Sam, sleepover daw tayong tatlo mamaya sa bahay ni August. Ayoko kasing katabi si 'yung loko na matulog at malakas pa 'yon humilik.

Ilang minuto ang lumipas ay nakatanggap ako ng text sa kanya. Akala ko hindi na siya mag-seen sa text ko.

Sam:
Sige. Puntahan na lang kita sa inyo, Sol para sabay tayong pumunta kina August.

Napangiti naman ako ng matanggap ang kanyang text.

Pagsapit ng takipsilim ay nasa labas ako ng bahay at nakaupo sa mahabang kahoy na ipinatong ni inay dito. Hinihintay ko si Sam dahil ang sabi niya ay pupunta siya rito. I almost waited for two hours, pero hindi siya dumating.

Sa kakahintay ko ay napalabas tuloy ng bahay si inay. ''Sol, akala ko ba'y susunduin ka ni Sam?'' sabay haplos nito sa aking balikat, marahan at magaan lang.

I chuckled. ''Naligaw lang po siguro ang driver niya pero sinabi ko naman po sa kanya ang address natin,'' aniya ko.

Alam nito ang bahay ni Caleb at alam niya ring malapit lang ito sa amin, pero wala akong nakitang kotseng dumaan.

Pango:
Nandito na kaming tatlo, sa'n ka na? Ang lapit na nga lang ng bahay mo ang tamad mo pa rin pumunta, Soleil. Magtatampo na talaga ako sa 'yo :⁠'⁠(

Mabilis akong nagtipa dahil hindi ko alam na nasa bahay na pala nila si Sam

Pandak:
Nandiyan na si Sam?

Akala ko ba susunduin niya ako?

Pango:
Oo, kanina pa nga umiiyak eh. Hindi niya naman masabi kung bakit. kino-comfort siya ngayon ni Caleb.

Tila may bahagi ng puso ko ang nadurog nang mabasa ko ang text niya. He was there to comfort her, kaya hindi na kailangan pa na pumunta ako ro'n.

Pango:
Maglakad ka na Sol, hihilahin talaga kita papunta rito!

Pandak:
Hindi ako pwede at may sakit si nanay ngayon. Mas kailangan niya ako rito.

I lied. Hindi ko man gustong gawin ito ay napilitan pa rin ako. Mabilis kong sinarado ang pinto at ni-lock ito.

"Nay, sa susunod na lang daw po kami matutulog sa kanila, busy po kasi ngayon si August.''

Pumasok na ako ng kuwarto at nagkulong do'n. Hindi ko na kailangan pang pumunta ro'n dahil baka mas masaktan pa ako sa kung ano ang madaratnan ko.

I need to guard my heart, for now, because the pain might not be unbearable.

❛━━━━━━•(🌸)•━━━━━━❜

SA TOTOO LANG, KAGABI PA AKO kinakabahan dahil sa gaganaping interview ngayon. Hindi ko na inalala pa ang nangyari kagabi at ibinalon na lang ito sa limot. Hindi ko na nga rin mabilang kung ilang oras lang ang naging tulog ko, wala pa yatang apat na oras.

Hindi naman halata na antok na antok ako at panay ang hikad, hindi rin bagsak ang mga mata ko. Naglagay lang ako ng lightweight na make-up dahil hindi ko naman kailangan ng maraming kolorete sa mukha.

Natural na ganda lang, sapat na!

Ala-una na at alas-tres naman ang interview ko. Kailangan ay maaga ako makaalis dahil mahaba ang byahe papunta ro'n at tiyak akong gagabihin na ako sa pag-uwi.

''Sobrang ganda talaga ng anak ko.'' Nanay complimented my look. ''Hindi talaga nalalayo ang ganda natin, Sol. Noong kabataan ko nga ay habulin ako ng mga lalaki. Panay akyat sa bahay namin para manligaw, pero lahat sila ay hindi ko sinagot.''

Mahinhin namang hinampas ni inay ang aking balikat, habang kilig na kilig ito dahil bumalik ang matatamis niyang alaala noon. Minsan ko lang siyang makita na ganyan kasaya, kaya naman sinasakyan ko na lang siya.

It's for us to share our good memories that we have, and we reminisce about the good things that happened in our lives.

"Nay, kung sakaling hindi siya ang napangasawa niyo, sa tingin niyo po ba ay naging maganda ang buhay n'yo ngayon?''

Tila ang masayang ngiti niya ay napalitan ng pagkunot-noo, pero agad din naman iyong nawala. ''Sol, kahit maganda ang buhay ko at iba ang napang-asawa ko ay hindi pa rin ako magiging masaya,'' sambit niya.

Hinaplos niya ang aking likod hanggang sa balikat ko. Ngumiti siya sa akin na parang kuntento na siya sa kung anumang mayroon siya ngayon.

''Bakit naman po, inay?'' tanong ko. Ayaw niya ba ng maginhawang buhay? Hindi ba't iyon ang nais niya?

''Dahil sapat na sa akin na ikaw ang naging kaisa-isa kong anak at wala nang tutumbas pa sa buong pagmamahal ko sa 'yo. Mas pipiliin ko na maging mahirap kasama ka, kaysa naman maginhawa ang buhay ko pero hindi ikaw ang nasa tabi ko.''

Palaging ang mga salita niya ang nagbibigay lakas sa akin para lumaban sa buhay. Parang may kakaibang kapangyarihan ito na tila ba bumabalot sa akin ng mainit na yakap na nagbibigay ng pag-asang kaya kong harapin ang anumang pagsubok.

Napangiti ako nang mapagtanto kong ang swerte ko pa rin. Alam ko na sa bawat payo at salita niya ay ito ang nagiging sandigan ko sa mga oras na pinanghihinaan ako, tila ba ito ang naging sandata ko sa madilim na bumabalot sa akin tuwing ako'y mag-isa at malungkot.

''Sige na, tama na ang pagpapaganda riyan. Baka mahuli ka pa sa interview mo, nakakahiya naman sa kanila. Ayaw ko pa naman na lagi kang nahuhuli,'' dagdag pa ni inay.

Natawa ako sa marahan niyang pagtulak sa akin. Simple lang ang ayos ko ngayon: nakasuot ako ng kulay-abong bestida na tumerno sa aking mapusyaw na kulay. I just wore a simple light gray long-sleeve that is waist tighten, and a double breasted blazer dress that I bought from a nearby thrift shop. It only cost one-hundred pesos.

Siyempre, isinuot ko ang bago kong stiletto na binili pa mismo ni Caleb sa akin no'ng nag-dinner date kami kasama ng family niya.

I thank him afterwards. Mahal ang bili niya rito kaya ingat na ingat ako sa paggamit, baka kasi masira agad. Tanga-tanga pa naman ako pagdating sa ganitong bagay, lalo na't hindi ako sanay magsuot ng stiletto.

Nang makalabas ako ng pinto namin ay tumunog ang phone ko. Nag-text na yata si Caleb. Kinuha ko ito at binuksan.

Lebleb Bantot:
Nakaalis na kami Sol.

Nag-send pa ito ng picture na naka-two peace sign habang katabi niyang natutulog sina Sam at August. Nang i-zoom ko ang picture ay halos hindi ko mapigilang matawa dahil may langaw na nakapatong sa kanyang labi habang nakanganga pa itong natutulog.

Anak araw:
Ingat kayo!

Hindi ko pinaalam sa kanila ang tungkol sa interview ko dahil hindi na rin naman mahalaga iyon.

They wouldn't be here to celebrate with me. Sarili ko naman palagi ang kasama ko sa mga tahimik kong tagumpay sa buhay. I was not smart like the three of them nor talented,
but I'm doing everything to be enough-to feel the validation I needed.

To feel that I am enough.

''Manong sa tabi lang po,'' sabi ko sa tricycle driver at pumara ito sa tapat ng eskwelahan.

I hope this interview goes well.

May camera itong naka on-roll kaya mas kinakabahan ako. It's like I'm interviewing on national TV, kahit hindi naman. It's for their documentation, and it's confidential.

Pagdating ko sa gate ay may itim na van na naghihintay at nang bumukas ito ay napabusangot na lang ako sa taong bumungad sa akin.

''Kailan ka pa naging to tour guide, aber?''

''I'm one of the judges, remember?'' sarkastikong sabi ni Heinz. Bumaba ito sa sasakyan at hinarap ako. ''I'm the one who gave the card to Chef Geneva, ipinasa ko lang din iyon sa kanya because my Chef's friend from france wants you to interview.''

His chef's friend?! Ibig-sabihin ay may koneksyon siya r'on sa taong may-ari ng business card na 'yon?

''Ikaw ba ang nagsabi sa kanya tungkol dito?'' I asked.

He sheepishly smiled at me. ''Nope, dummy. Siya mismo ang nag-organize ng cooking competition na 'yon at 'yung mananalo ay magkakaroon ng personal interview sa kanya,'' paliwanag niya.

Nakita ko pang bumaba ang isang lalaki at hinarap kami.

''Ms. Flores, tayo na po at hinihintay na po kayo,'' saad niya.

Bago pa ako mainis sa lalaki ay nauna na anong sumakay sa van.

Kami nga lang dalawa ang nasa loob habang nasa window seat naman ako malapit sa driver.

''You look beautiful on that dress,'' aniya ni Heinz. ''Mas maganda ka pala kapag nakaayos.''

I heave a sigh. ''At itinerno mo talaga sa suot mong damit ngayon? Ang coincidence naman,'' usal ko.

''No, it's much more lighted gray than your dress. Atsaka, hindi naman ako ang pumili ng damit na 'toh,'' he muttered.

''Ewan ko sa 'yo,'' mahinang sambit ko. ''Huwag mo sanang sirain ang araw ko Sir-este Heinz. just be quiet at huminga ka na lang diyan.''

''Okay,'' he tipidly replied. Nakita ko pa ang maliit na ngiti na sumlay sa labi niya pero agad din naman itong nawala.

Pagdating namin ay pinapasok ako sa isang silid para pirmahan ang isang consent form. I scanned it and read the text thoroughly, sinigurado ko na hindi ako magkakaroon ng problema sa pagpirma kong ito. One of the sections mentioned that I will receive money that is granted by their company. They did not disclose how much the money would be, pero hindi na iyon mahalaga sa akin.

''Dito po tayo,'' sabi ng isang babaeng nakasuot ng kulay asul na uniporme.

Nabasa ko naman ang pangalan sa kanyang name plate. She's Irish, an assistant director that guided me. Her pleasant look is so professional and elegant, hindi mo aakalain na isa siyang direktor; more like a model or an actress.

Nang makaupo ako napansin ko ang mga staff na naghahanda. Hinihintay na lang nila na dumating si Mr. Arnold Gustavo, siya 'yung nagbigay ng business card at ang taong makakaharap ko ngayon sa interview na ito.

Ilang minuto ang lumipas ay naging aligaga ang lahat ng staff, the camera went on and the director showed up. Siya rin pala ang nag-aasikaso ng lahat ng nandito.

''Nice meeting you, Soleil Amara Flores.''

Kinamayan niya ako at buti na lang ay wala akong nararamdamang kaba ngayon dahil mas nangingibabaw ang saya ko.

''Sir Arnold is here to do a one-on-one interview about you; nabasa mo na rin naman siguro ang terms and conditions right?''

''Opo, director,'' nakangiti kong sagot.

Napalingon ang direktor at ngumiti ito dahil nadiyan na si Mr. Arnold. Nasa 50's na rin ang tanda niya base sa kanyang mukha pero hindi naman ito masyadong halata, mukha pa rin siyang bata.

''Good afternoon, Ms. Flores.'' Kinamayan niya ako at marahng tinanggap ko iyon bago kaming umupo dalawa.

Ilang saglit lang ay magsisimula na ang interview ko. Malakas ang tibok ng puso ko pero dahil sa pagtingin ko kay Heinz ay mukhang nabawasan ito, he was cheering me a good luck, and answer it honestly.

''I have some questions prepared. Are you ready, Sol, before we start the camera rolling?'' he asked.

''Yes po,'' I answered and nodded.

There are some questions that are too personal for me, yet I manage to answer them. Lahat naman ng tanong ay madali lang at nakayanan ko namang sagutin ito.

Mga pito o walong tanong yata iyon at hindi ko na maalala dahil naunahan na naman ako ng kaba, pero nanatili akong kalmado. Pagkatapos ng interview, nakahinga ako ng maluwag.

Agad kong pinunasan ang pawis sa noo ko dahil baka matanggal ang make-up ko. Nagpahinga muna ako saglit at kinuha ang cellphone ko mula sa itim na pouch bag.

Mag-aalas-singko na ng hapon nang makalabas ako ng building. Pagkatapos naming mag-usap sa staff room, agad na umalis si Mr. Gustavo dahil may isa pa siyang meeting kasama ang kanyang mga kliyente. Isa pala siyang abogado, at hindi ko na nakuha ang iba pang impormasyon tungkol sa kanya.

He's busy and there's a lot on his plates, pero kahit gano'n pa man ay hindi niya minadali ang interview. Nagkatawanan pa nga kami pagkatapos, and we share some stories that is behind the scene after the camera turned off.

''I'll take you home,'' Heinz offered. ''Parating na ang kotse ko at wala kang masasakyan dito ngayon na taxi o kahitanong vehicle.''

He then looked at me. Just before I opened my mouth and replied to him, he immediately started speaking.

''So, you don't have a choice at ako ang makakasama mo buong biyahe,'' pang-aasar niya.

I smirked. ''As if gusto kitang makasama. Wala lang talaga akong choice at baka hindi pa ako makauwi kung tatanggi ako,'' aniya ko.

Kaysa maghintay ako ng masasakyan ay wala naman akong nagawa kung hindi ang sumakay sa kotse niya.

It was awkward of course, halos tahimik lang kami buong biyahe.

No glances, no murmurs. Tanging sa daan lang nakatingin, at dahil pagod ako ay ginamit kong unan ang braso ko at sumandal sa salamin. Ipinikit ko ang mata ko para makapagpahinga muna. Mahaba ang biyahe pabalik kaya gagabihin talaga kami.

Tinapik ng huli ang aking kamay kaya napamulat ako.

''Nandito na tayo, Sol,'' Heinz said.

Nakita kong patay na ang ilaw at marahil ay tulog na si inay. Hindi na niya ako siguro nahintay dala ng pagod nito sa kanyang ginagawa. Bago pa man ako pumasok ay naramdaman kong hinawakan ni Heinz ang braso ko dahilan para mapalingon ako sa kanya.

His eyes were fixated on me and I couldn't resist his innocent look.

Walang kaba na bumabalot sa akin ngayon, pero alam ko na ang gusto niyang ipahiwatig dahil sa mga mata niya pa lang ay nabasa ko na ito.

''I know you already guessed it, but I still wanted to say it, Sol,'' mahinhin niyang sambit. Mas inilapit niya pa ang kanyang mukha sa akin at ngumiti.

''I like you,'' he confessed. ''Since the first day I met you, you have already taken my heart. Masyado akong nahulog sa 'yo ng hindi ko man lang namamalayan.''

Hindi na ako nabigla pa ng sabihin niya ito.Sa lahat ng kilos niya ay obvious naman na interesado siya sa akin.

Alam niyang may iba iba akong gusto.

Sa mga panahong palagi kaming nagkikita ay hindi lang pangbubwisit ang kanyang ginagawa. Nakikita ko ang mga small actions na ginagawa niya para sa akin, lalo na kapag nasa trabaho ako.

Pagtimpla ng kape, pag-takeover sa cashier kapag wala si Lexie, paglilinis sa Cafe kahit hindi namin sinsabi, at pagbabantay sa akin sa tuwing nakakatulog ako ng hindi ko namamalayan.

He can maintain being a kind, slash jerk boss and professional at the same time. Sa pagtama ng tingin namin sa isa't-isa ay marahan niyang inalis ang kanyang pagkakahawak sa akin. Parang naghihintay ng tugon ang mga mata niya ng muli ko siyang tingnan.

I took a deep breath. Alam kong masasaktan ko ang damdamin niya, pero iyon naman ang makakabuti sa aming dalawa at kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya.

''I'm not yet ready, Heinz... I'm sorry.''

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top