Chapter 12

Pumasok akong winaksi sa isipan ang nakita kong post ni Caleb kasama sina August at Sam. Wala rin naman akong narinig na paliwanag mula sa kanila at parang wala silang balak na ipaalam sa akin ang tungkol do'n.

I mentally laughed. My daily dose of sunshine? 'Yan ba ang paraan niya para aminin na may gusto siya kay Sam?

Halata naman, kasi sa ngiti pa lang nila at kung paano sila tumingin sa isa't-isa ay mukhang bagay nga silang dalawa.

Hindi na ako tatanggi pa ro'n.

''Kami na naawa sa inyo bes. Magbati na kayong dalawa, please...'' Sam looked at me with a puppy face.

Nasa klase kami ngayon at wala pa ang professor namin. Abala akong nagsusulat habang kinokopya ang notes niya. Sa kanya lang talaga ako makakaasa ngayon dahil medyo hectic ang schedule ko ngayon sa Vermont, buti na lang ay nabawasan na ang pendings ko at apat na lang ito. Ilang araw na pero hindi pa rin kami nagkakausap dalawa at wala na rin akong balita tungkol do'n sa blind item post.

Binura na ata ito ng nag-post kaya hindi ko na mahanap. It also gained attention, kaya maraming mga estudyante ang nakisawsaw para lang malaman nila ang tungkol dito.

Bumuntong-hininga ako.''Hindi nga siya nag-te-text eh,'' katwiran ko. ''Wala naman din siyang balak na kausapin ako.''

''Palagi ka nga niyang bukang-bibig kapag magkasama kaming tatlo eh, panay ang tanong niya sa akin. Sigurado akong gusto ka niyang makausap,'' paninigurado niya.

Parang sa tono ng kanyang boses ay itinutulak niya ako para lang magka-usap kami ni Caleb. Muli akong bumuntong-hininga at itinuloy ang ginagawa ko, siya naman ay abala sa pagme-memorize ng mga terms na ire-recite namin sa susunod na klase.

Nang dumating ang Professor namin ay agad kaming bumati. Nagsimula na ito sa kanyang lesson at nagsulat sa pisara. Nagpatuloy lang ito sa kanyang pagtuturo habang tinatapos ang aking ginagawa, makaraang ang kalahating oras ay isinara ko na ang notebook ko.

Buti na lang ay mabilis akong natapos para makasabay ako sa lesson namin ngayon.

''Ms. Flores, can you please stand up,'' Professor Valencia said.

Wala sa huwisyo akong tumayo at nakita kong biglang nagtawanan ang mga kaklase ko. Anong nakakatawa?

''Lutang ka na naman, Sol!'' sigaw ni Andrew, blockmates ko.

''What I mean is may naghahanap sa 'yo sa labas, kaya tumayo ka riyan, Sol,'' aniya. ''Naiistorbo niya kasi ang klase ko.''

Nang igawi ko ang tingin sa labas ay isang pigura ng lalaki ang nasilayan ko. I immediately excuse myself at halos mapatakip ako sa aking mukha dahil sa hiya. Paglabas ko ay naabutan kong nakatayo si Caleb na may bitbit na supot ng plastik.

''Oh, dinalhan kita ng almusal mo. Hindi ka pa raw kumakain sabi ni August,'' he said, softly. ''Huwag ka ulit papasok ng hindi kumakain para hindi ako nag-aalala sa ‘yo.''

''Hindi mo naman kailangan mag-alala, hindi mo ako kargo, Caleb,'' wika ko.

I don't want to hurt or offend him, but I think that's the right term to use. Pinag-isapan ko iyon bago sabihin sa kanya.

He sighed. ''Yet, I still always care for you, Sol. Hindi naman pwedeng pabayaan na lang kita dahil lang nagkatampuhan tayo.''

Iniwasan ko siya ng tingin at napakagat sa ibabang labi. Magkahalong tuwa at kaba ang nararamdaman ko ngayon. Sinadya niya ba talaga na pumunta rito para lang makipagbati sa akin? He never texted me these past few days, tapos parang ang dali lang sa aking na patawarin siya.

I mentally laughed. Marupok ka talaga, Sol. Mabilis mahulog ang puso mo sa simpleng salita niya.

''M-may klase pa ako, Caleb,'' I uttered.

Marahan niyang tumango sa akin. ''Don't forget to read my note for you, kita na lang tayo mamaya,'' saad niya bago humakbang paalis.

Notes? Binuksan ko ang plastik at nakita kong nakadikit sa inumin ang kulay dilaw na sticky notes.

Nang makapasok ako ay todo ngiti ang mga kaklase ko—pilyong ngiti na nakaloloko.

''Ang gulo n'yo talaga Sol, sino ba talaga nagmamay-ari ng puso ni Caleb? Ikaw o si Samantha?'' seryosong tanong Andrew.

''Baka naman it's complicated,'' hirit pa ni Gab sabay halakhak nila.

Ang sarap talaga pagbuhulin ng dalawang 'toh, bakit ba kasi pinagtabi pa sila?

Sinamaan ko lang sila ng tingin bago umupo, habang si Sam at wala namang kibo sa gilid ko.

''Quiet class, bumalik na tayo sa lesson natin,'' wika ng aming professor.

Pagkatapos ng klase namin ay nauna na akong lumabas.

''Sam balik ko lang 'toh ah, hintayin mo na lang ako sa Canteen,'' sabi ko.

Tumango naman siya. ''Sige, sasabay ba tayo—'' bago pa man niya maituloy ang sasabihin ay tumakbo na ako palabas.

Papunta na ako ng library nang makasalubong ko si Maxine and

I was about to call her when she quickly walked in other direction. Parang nagmamadali siya na animo'y may humahabol sa kanya. She also look pale, pati ang buhok niya ay hindi maayos dahil nakalawlaw pa ang tali sa buhaghag nitong buhok.

May nangyari ba? Nag-away ba sila ni August?

❛━━━━━━•(🌸)•━━━━━━❜

''SOLEIL!''

Papasok na sana ako sa silid ng marinig ko ang isang boses ng babae na tinatawag ang pangalan ko. Agad akong napalinga at nakitang papalit ito sa akin nang nakangiti, animo'y may magandang balita na dala.

''Chef Geneva?'' kunot-noo kong sambit. ''Napadalaw po kayo rito sa dept namin.''

''Sol, may balita ako sa 'yo,'' galak nitong sabi sa akin.

Base pa lang kasi sa ekspresyon ng kanyang mukha ay alam ko na na mabulaklak ang kanyang mga sasabihin.

Ano naman kaya ito?

I smiled. ''Ano po iyon, Chef?''

Hinawakan niya ang aking kamay at naramdaman kong may inilagay siya sa aking palad na puting maliit na business card. Tiningnan ko ito at nakalagay ang pangalan ng kumpanya pati na ang taong nagbigay sa kanya nito.

''Naimbitahan ka para sa isang interview dahil napanood nila ang ginawa naming documentation noong sumali ka sa cooking competition. May ilang bagay lang silang gustong itanong sa 'yo. Huwag kang mag-alala, magiging confidential naman ito,'' balita niya sa akin. ''Malaking tulong ito sa 'yo, Sol. Maaari kang makakuha ng scholarship para makapag-aral sa ibang bansa, o kaya'y sagutin nila ang lahat ng gastusin mo rito sa school.''

''Talaga po?'' hindi ko makapaniwalang sabi. Magandang balita nga ang dala ni Chef sa akin.

''Available ka ba raw sa linggo?''

Tumango naman ako sa kanya. ''Opo, anong oras po ba kami magkikita at saan po gaganapin ang interview?''

''Basta, tawagan mo lang si Sir Laurel at siya na ang bahala sa lahat. Siya ang magsusundo sa 'yo rito sa school papunta sa studio kung saan gaganapin ang interview,'' sagot niya.

''Sige po. Maraming salamat po, Chef,'' wika ko.

''Balitaan mo na lang ako, Sol, ah'' aniya.

I smiled and nodded. ''Opo.''

Nagpaalam na siya at agad na umalis. Habang ako ay halos hindi maitangi ang nararamdaman na tuwa ngayon.

Magandang ibalita ko ito kina Sam at August ngayon. Sigurado akong matutuwa sila kapag nalaman nila ito. Grabe, nanalo na ako tapos may oportunidad pang dumating.

Better days are coming, Sol. Isa-isa ng natutupad ang mga pangarap namin ni nanay.

Ngumiti ako nang malapad bago pumasok sa aming silid, pero bigla kong narinig ang isang pamilyar na boses ng lalaki.

I quickly averted my gaze and furrowed after I saw him.

''Sol!'' pasigaw na tawag sa akin ni August.

Abot langit ang ngiti ng lumapit siya sa akin. Ano na naman ang problema ng lokong 'toh at parang masaya yata siya ngayon?

He immediately snaked his hands around my arm. ''May sasabihin kami sa 'yo, dali!'' pag-aaligaga niyang sabi.

Hinila ako nito patungo sa Canteen. Nadatnan ko naman na naghihintay ang dalawa sa akin na sina Caleb at Sam.

''Dito mo na lang kasi sabihin, dinala mo pa ako rito,'' inis kong sabi.

''Ayaw mo ba nun para mas may closure kayong dalawa?'' pilyong ngumiti sa akin ang huli.

Isa na lang talaga ay kukurutin ko na ang singit nito sa sobrang pilyo sa akin.

I rolled my eyes at him. ''Ayaw ko.''

Napasimangot naman siya dahil sa tinuran ko. Pagpasok naming apat ay ako na mismo ang um-order ng pagkain ko at nauna na ring umupo. Katabi ko Sam at kaharap naman namin ang dalawang lalaki. Tahimik lang akong ngumunguya nang pagkain.

Then, there was a long silence between us.

''Is it just me or masyadong mahangin dito ngayon? Grabe ang tahimik naman,'' sambit ni August habang ngumunguya pa.

Nang sulyapan ko ng tingin si Caleb ay nakayuko lang ito at parang walang ganang kumain. Ngayon ko lang siya nakitang hindi interesadong kumain ng paborito niyang ulam na beef steak.

When he glanced at me, I immediately shifted my gaze to August. Halos dumagundong ang puso ko sa kaba pero nanatili pa rin akong kalmado.

''Ano nga 'yung sasabihin mo?'' tanong ko.

Bago pa man makapagsalita ang lalaki ay pinangunahan ito ni Caleb.

''Sol...'' He looked at me with his innocent face. Nakita ko ang pag-alon sa kanyang lalamunan bago ito muling nagsalita.

''Napili kaming tatlo para sa isang regional debate na gaganapin sa linggo ko. Wala kang makakasama sa amin Sol ng dalawang araw, even if we want you to—''

I didn't hesitate to cut his word out of frustration.

''Kaya ko nga ang sarili ko. Hindi na ako bata na kailangan pang alagaan at bantayan, you can leave without worrying about me,'' I stated.

''Sigurado ka ba, Sol? Okay lang naman kung sabay kayo ni Maxine, she can always be available to you,'' sambit ni August.

''It's fine. Atsaka, busy din si Max sa acads niya at ayokong istorbohin pa siya,'' saad ko.

''Kaya naman na ni Sol 'yan. Hindi rin naman tayo magtatagal. Keri mo naman bes, 'di ba?'' tanong ni sam.

I slowly nodded, but unsure. Kaya ko nga ba? I mean, dalawang araw lang naman silang magkasamang tatlo at hindi naman masama iyon.

''Okay...'' August voice trailed off. Pinagpatuloy na lang nito ang pagkain niya ng ginataang bilo-bilo.

Caleb shifted his gaze to me. Sa mga tingin sa akin ni Caleb ngayon ay parang nagsisisi ito na isa siya sa mga kasamang mag-de-debate. He shouldn't this kind of opportunity, baka malaking tulong pa ito sa kanila kapag sila ang nanalo.

''Kailan pala ang alis n'yo?'' mahinahong tanong ko.

''Sa linggo. Martes ng hapon daw ang balik namin,'' sagot ni Caleb, sabay subo sa lugaw na kinakain niya.

''Sila lang dalawa ang kasama sa debate, sa essay competition ako. Nanalo kasi ako last time at gusto raw nila na subukan ko sa regional,'' paliwanag ni August.

So... sila lang pala ang magkasamang dalawa? At mahihiwalay naman si August?

Naghiwalay na kami ng landas pagkatapos kumain at nang matapos na rin ang klase ko ay nauna na akong umuwi sa kanilang tatlo dahil dadaanan ko pa ngayon si Caleb. May ibinigay kasi siyang sticky notes na naglalaman ng address at hindi ko alam kung bakit do'n pa kami dapat magkita.

❛━━━━━━•(🌸)•━━━━━━❜

NANG MAKAPUNTA AKO sa playground ay natagpuan ko siyang nakaupo sa duyan na mag-isa at nakayuko. Lumapit naman ako sa kanya at nagtama ang mata naming dalawa.

''You came...'' May bahid ng lungkot at saya sa kanyang boses.

''A-ano bang sasabihin mo—'' Bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay agad niya akong sinunggaban ng yakap. It was a soft and warm hug as he caressed my hair gently.

''Sorry, Sol...'' mahina niyang sambit. Paulit-ulit niya itong sinabi sa akin habang yakap-yakap ako. ''Nasaktan kita at ang gago ko na ginawa ko 'yun sa 'yo...h-hindi ko sinasadya, Sol.''

There was full of sincerity in his voice. Malumanay ito at puno ng lungkot. Nang muling magtama ang mga mata namin ay may bahid na ng luha ang kanyang mga mata.

''I still hate you,'' malamig kong sambit.

You just stabbed my heart with your words that almost make me realize that you don't ever need me. The wounds are still there, and I know that it will eventually heal... for now.

''Kahit lanta na ang pagmamahal mo para sa akin, Sol. Ako naman ang magsisilbing ulan at araw para yakapin at gisingin ka muli. You will always be the flower that I would endlessly adore,'' he murmured.

His words always comfort me—like a home, where warmth and ease resides me. I find a sanctuary where the storms of my youth became my greatest solace. Alan kong kahit na ilang beses niyang iparamdam sa akin na hindi ako sapat para sa kanya, mananatili pa rin ako sa tabi niya.

''Ikaw ba si Haring araw at ulan?'' mahinang wika ko, trying to lift up his mood.

Mahina siyang tumawa. ''I am your daily dose of sunshine, Sol. Your presence fills me with a rush of serotonin, brightening my days. You bring warmth and light into my life, at iyon ang dahil kung bakit pinipili ko na mabuhay araw-araw kasama ka.''

''Ako ba talaga? Eh bakit 'yun ang caption mo sa post habang magkasama kayong dalawa ni Sam?'' diretsa kong tanong.

''I used that caption dahil iyon ang tema sa isang event na pinuntahan namin. May poster kasi na nakalagay do'n, kaya sinabi sa akin ni Sam na iyon ang gamitin naming caption dahil maganda ito,'' paliwanag niya.

Nakahinga naman ako ng maluwag sa kanyang sinabi. Napagtanto kong masyado akong nag-assume nang hindi ko man lang inalam ang kanyang mga dahilan.

''Don't be jealous because of that Sol. Masyado mong pinapalalim ang isip mo sa mga bagay na hindi ka naman tiyak,'' aniya. ''Just ask me if there's something that always bothers you. I am here to listen, and someone who can shoulder to cry on.''

Muli niya akong niyakap at mas ibinaon niya pa ito. I felt his warm hug at iyon ang naging sandalan ko ng panandalian.

Ang bawat salita niya ay parang hangin na nagpapaalis ng bigat sa aking dibdib. Sa wakas, naiintindihan ko na siya, at ang mga paghihinala ko'y napalitan ng maliwanag na pag-unawa.

Minsan, kailangan lang talaga nating makinig at magbigay ng puwang sa paliwanag ng iba, upang mapawi ang mga agam-agam na bumabagabag sa atin. He may not be perfect, but he will always be my home.

My comfort in everything.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top