Chapter 11

Muling pumatak ang luha sa mga mata ko nang makarating ako sa hospital. Hindi mawala ang kab sa puso ko at pag-aalala kay inay. Itinuloy niya pa rin ang pagtitinda ng bibingka kahit binilinan ko na siyang magpahinga na muna.

''N-nurse, si Ms. Flores po?'' tanong ko. Itinuro naman niya ang direksyon kung nasaan ito.

''Sol...''Kahit maingay ang paligid, alam ko ang boses ng aking ina. Luminga-linga ako ng nahimigan ko ito at hinanap ang kanyang boses, pero mas naluha ako dahil sa pag-aalala sa kanya ng makita ko ang kanyang kalagayan.

Nakatayo siya na nakahawak sa kanyang likuran, iniinda pa rin ang sakit na ilang araw na niyang nararamdaman. Agad kong siyang sinunggaban ng yakap. Halos maluha pa rin ako nang magtama ang tingin namin.

Hinawakan niya nang marahan ang aking kamay at inaalo ako sa aking pag-iyak.

Ganito nga siguro ang pakiramdam kapag alam mong nalagay sa alanganin ang mahal mo sa buhay. Hindi ko mapigilan ang luha at pag-aalala sa kanya.

''Ayos lang ako, Sol,'' mahinang sambit niya.

"Huwag ka ng mag-alala pa, hindi pa ako mawawalay sa 'yo.''

Ang kanyang mahinhin na tawa ay may halong tuwa at lungkot na hindi ko maintindihan. Hindi na nga tumitigil sa pag-agos ang luha ko at panay ang pawi sa aking mata.

'N-Nay, sabi ko naman sa inyo na magpahinga muna kayo hangga't may nararamdaman kayo, pero hindi naman po kayo nakikinig,'' sermon ko sa kanya.

''Konting rayuma lang ito at napagod lang ako sa paglalako kanina sa initan, kaya bumagsak ako. Buti na lang ay naroon ang kumare ko at tinulungan akong madala rito,'' saad niya.

''Sa susunod 'Nay, huwag n'yo na pong balewalain ang tagubilin ko sa inyo. Alam n'yo naman po na grabe ako mag-alala sa inyo,'' wika ko habang pinupunasan ang luha.

''Ikaw pa nga rin talaga ang prinsesa ko, Sol. Parang kailan lang ay naglalaro pa kayo si lebleb sa buhanginan, pero tingnan mo ngayon at malalaki na kayo,'' malumanay niyang sambit. ''Ang bilis ng panahon, anak. Sana kung paano ko abutin ang mga pangarap ko sa buhay noon ay ganoon ka rin kahit hindi marangya ang buhay natin.''

Tumango na lang ako sa kanyang mahabang sinabi sa akin at muli siyang niyakap. Gagawin ko naman ang lahat para mairaos ko ang sarili para mabigyan siya ng maginhawang buhay na inaasam niya.

We are human, and we should permit ourselves to shed tears, enabling us to heal from long-standing pain.

No'ng sinasabi niya ang salitang iyon ay parang may bubog na bumaon sa balat ko habang hinahayaan ko lang umagos ang dugo at maghilom. Mas may sasakit pa pala rito, ang makitang nahihirapan ang mahal mo sa buhay.

Si nanay na lang ang nagbibigay sa akin ng lakas para makayanan ko ang bawat pagsubok na ibinibigay sa akin.

Hindi lang siya ilaw ng tahanan, siya rin ang nagsisilbing tubig sa tagtuyot kong mga sandali sa buhay.

She always warms my heart, and heals it without even knowing.

''Anong sabi ng doktor, Sol?'' tanong ni inay.

''Okay na raw po, 'nay. Bibilhin ko na lang po itong mga kailangan mong inumin ang gamot,'' aniya ko.

Bago pa siya sumagot sa akin ay inunahan ko na siya. ''Huwag na po kayong mag-alala kung mahal po ito o hindi, sapat naman po ang perang pambili ko rito, 'Nay.''

Wala naman siyang nagawa at ngumiti na lang sabay tango sa akin. Saktong nakuha ko na rin naman ang sahod ko sa Vermont kaya may pambili na ako ng gamot niya.

Idadagdag ko na lang ang ang perang napanalunan ko kung hindi sapat ang mabili kong gamot.

Umalalay naman si Raniel sa aking inay para tulungan itong maglakad. Paika-ika pa siya dahil sa iniinda niyang sakit sa kanyang likod.

Habang pauwi kami ay may tanong ako sa isip na bumabagabag sa akin, hanggang sa nakarating na kami sa bahay at naupo saglit.

''Parang malalim yata ang iniisip mo, Sol?'' tanong ni inay.

Lumunok ako ng madiin at napatingin sa kanya. Hindi ko alam kung matutuwa ba siya o hindi sa sasabihin ko, pero bahala na!

"Nay, kung humingi na kaya tayo ng tuloy kay itay mas mabuti—'' Napapikit ako ng malakas niyang ibagsak ang plastik na baso.

''Hindi ako papayag, Sol! Hinding-hindi tayo hihingi ng tulong sa kanya. Tinalikuran na niya ang obligasyon niya bilang ama sa 'yo at hindi ko matatansya kung makita ko siya ulit!'' mariing niyang sabi.

Malaki ang galit ni inay sa kanya at ako rin naman ay gano'n. Hindi ko alam kung bakit ko ito nasabi.

Dahil ba desperada na akong humingi ng tulong sa iba?

Hindi na nangialam pa si inay sa buhay ng aking ama matapos na lumayas ito noong gabing pinagmalupitan niya ako. At hindi na masikmura ni inay ang ginagawa nito sa akin.

Nalaman ko na lang na nakapangasawa ito ng mayamang babae at nagka-anak ng dalawa. Kilala ko ang isang anak niya, pero hindi na kami nagkita pang muli.

Walong taong gulang pa lang ako no'n, pero alam ko ang nangyari. Alam ko ang kanyang ginawa sa akin-sa amin tuwing madilim na ang gabi at tahimik na ang paligid. Kung paano gumapang ang kanyang mga kamay sa aking balat at pagtikom ng aking bibig

upang huwag gumawa ng ingay. Kung paanong paulit-ulit niya itong ginagawa sa tuwing lasing siya at wala sa kanyang pag-iisip.

I was aware and naive at the same time. Parang nakaimprenta na sa aking isipan ang kanyang ginagawa gabi-gabi, habang ako'y walang malay kung tama ba ito o mali.

It was like a scars that can't be easily faded or forgotten-I can still vividly remember that day. I just want to forget the trauma that always haunt me, because the pain I've got is still unbearable.

Mali nga ako. Maling binanggit ko pa ang tungkol sa kanya dahil kahit isang beses ay hindi na siya nagkaroon pa ng pakialam sa amin ni inay at mabuti pang huwag na siyang bumalik pang muli sa amin.

Masaya na ako na kami na lang ni inay ang magkasama at wala na akong hihilingin pa.

❛━━━━━━•(🌸)•━━━━━━❜

DAHIL SA NANGYARI KAHAPON AY tiyak akong maraming estudyante na naman ang pagpi-pyestahan ang naging alitan namin ni Caleb. Hindi na talaga maiiwasan ang tsismis sa campus namin, lalo pa't kung si Caleb o August ang laman ng usapan nila.

Nang buksan ko ang Twitter ay agad kong nakita ang isang post ng babae. Kung hindi ako nagkakamali ay blockmates ito ni August at Caleb.

Siya lang naman ang kilalang chismosa ng engineering department, lahat ng alam niya ay sinasabi niya agad sa mga tweet niya kahit wala namang kabuluhan o basehan. And it also gained attention; she's popular, humorous and well-rounded kaya lahat ay sumasakay sa trip niya.

Kris @Kris_achina
Oh, alam n'yo na ba ang bagong chismis? Si anez, sinigawan ang gurl at halos maiyak raw nang matapon ang kape sa project ni anez.

Pinindot ko ito at nag-scroll para mabasa ang reply ng mga tagasubaybay niyang chismosa rin.

Karina @Karina_sanchez-roxas
Replying to @Kris_achina
The who?? Isang sikat na arki student ba ito?

Aki @AKInkanalang
Replying to @Kris_achina
Ayan, kapag chismis buhay na buhay kami. Wala bang clue diyan?

Marshal @titomars
Replying to @Kris_achina
Clue: guwapong matalino at malaki ang biceps.

Kiffy @KiffykotoReplying to @Kris_achina
Drop name na yan ate Kris, mukhang knows kona 'toh.

Marami pa akong replies na nabasa, pero agad ko nang ibinaba ang phone ko dahil sa inis. Mas umusok pa ang ilong ko dahil nakita kong nag-reply sina Sam at August dito na parang walang alam sa nangyari. Pinatay ko ang phone at lumabas muna para mamili ng mga sangkap na lulutuin ko.

Cooking is my habit that lessen my stress at palagi 'yon nakakagaan ng isipan ko. Habang hawak ang aking pinamili ay naningkit ang mata ko sa lalaking papalapit sa akin ngayon.

''Ikaw na naman?'' I sighed. ''At saang lupalop ka naman nanggaling at nakarating ka sa bayan namin?'' Tinaasan ko siya ng kilay.

''I checked your resume and saw your address,'' he said and sheepishly smiled at me.

My brows furrowed. ''And...?''

''I just wanted to see you,'' he replied.

Wala ba siyang pasok ngayon?

Pumunta pa talaga siya rito para lang inisin ang araw ko. Well, sira na ang araw ko dahil nakita ko na naman ang kanyang mukha.

''At ano naman ang kailangan mo sa 'kin, aber?'' Nakapamaywang kong tanong sa kanya.

''May ibibigay sana ako—'' I immediately cutted him off.

''Hindi ako interesado, Heinz.''

''But... I'm interested in you. I wanted to know more about you, Sol,'' he uttered while looking at me with his innocent face.

Anong naiinom nito at naging adik na?

Kahit sino ay mauuto niya kung ganyan ang tono ng boses niya at kung paano siya magpa-cute, pero hindi naman ito uubra sa 'kin.

I let out a huge sigh. ''Look, Heinz. I am not Interested in you okay? At kung may balak kang manligaw, itigil mo na dahil wala akong balak na sagutin ka kasi may nagmamay-ari na nitong puso ko,'' wika ko.

''Si Caleb ba ang dahilan?'' diretsa niyang tanong.

Bigla namang lumakas ang pintig ng puso ko dahil sa sinabi niya. If he's interested in me, at least he already know that he doesn't have a chance, and I'm not rejecting him.

''None of your business, Sir Heinz.''

He's popular, smart, talented and handsome like Caleb. His characteristics doesn't suits me, kasi hindi niya mapapantayan ang kayang ibigay ni Caleb sa akin.

He smiled bitterly. ''You're right, fine, but please take this curry that I cooked for you. Sayang naman kung itatapon ko lang ito. I made it with love, so I know you will like it,'' he stated.

Galak ko naman itong tinanggap bago magpaalam sa kanya.

''Mauna na ako, Sir Heinz,'' saad ko bago tuluyang naglakad palayo. I am not expecting that.

Nagpunta siya rito para lang padalhan ako ng curry?

❛━━━━━━•(🌸)•━━━━━━❜

LUMIPAS ANG ILANG ARAW NA
hindi kami nag-uusap ni Caleb. Hindi na rin siya pumupunta sa department namin tuwing uwian, kaya hindi ko na rin siya nakakasabay sa pag-uwi.
Pati tuloy si August ay nauumay na sa tampuhan namin dahil hind na niya alam kung kanino ito sasamang kumain, and in the end, he chose that man over me.

Samantalang si Sam naman ang palagi kong kasama sa Canteen. Isang beses na nagkasalubong kami pero hindi kami nag-usap at nag-iiwasan lang ng tingin sa isa't-isa.

It's like the connection between us suddenly faded away. Parang wala lang din naman sa kanya ang nangyari.

''Hindi pa rin ba kayo nagbabating dalawa?'' tanong ni August.

Nasa tabing playground kami ngayon at nakaupo sa duyan. Kaming dalawa lang ni August ang nandito ngayon, wala na kasing mga batang naglalaro rito dahil luma at sira-sira na rin.

''Hindi pa...'' My voice trailed off. ''At mukhang ayaw niya rin namang makipag-ayos.'' Of course he's tired of me. Wala naman kasing nakakatagal sa ugaling mayroon ako at siya lang itong palagi akong inuunawa.

''I know it's not your fault, Sol. Ako talaga ang may kasalanan dahil hindi ako nag-ingat at natabig ko ang kapeng binili mo,'' pag-amin ni August.

''Ang tanga ko rin kasi para ilagay 'yung cup sa tabi ng plates ni Caleb,'' pagsisi ko sa aking sarili. ''Hindi rin ako nag-ingat kaya natapon iyon sa gawa niya.''

''Nabalitaan mo na ba?'' Pag-iiba niya ng usapan. Mukhang alam ko na rin naman ang gusto niyang sabihin kaya tumango ako.

''Nakita ko 'yung post sa twitter noong nakaraan at parang nag-trending pa nga sa buong campus,'' aniya ko.

''Yeah, everyone is talking about it. Buti na lang ay walang isang estudyante na nakakita sa atin na nag-tweet do'n,'' he stated. ''So, they don't have any clue who it was. At hindi na nila kailangan pang malaman iyon.''

Nakahinga naman ako ng maluwag sa kanyang sinabi.

''You should talk to him. Mukhang hindi naman na siya galit sa 'yo,'' aniya.

Napakunot-noo ako. ''Paano mo naman nasabi, aber?''

''Ininom mo ba 'yung mogu-mogu na binili niya sa 'yo?'' he asked. ''Eh yung buong pack ng yakult na nilagay ko sa bag mo no'ng nakaraan naubos mo rin ba? Pati na 'yung paborito mong snacks?''

Nagulat naman ako sa kanyang tinuran. Napaayos tuloy ako ng upo at diretsong tumingin sa kanya.

''Sa kanya galing iyon? Sabi mo binili 'yon ni Maxine!'' usal ko.

Ewan ko kung matutuwa ba ako o hindi na tinanggap ko iyon. Naubos ko rin naman lahat kaya wala akong karapatang magreklamo.

''Naniwala ka naman,'' he laughed. ''Lagi kasi siyang nag-aalala sa 'yo. Tapos tatanungin ako kung kumain na ba siya? Kamusta na siya? Nagawa niya na ba 'yung mga pendings niya?''

I mentally laughed. Ang dali mo na ngang magpatawad, madali ka rin mauto, Sol.

''Tapos?'' pilosopo kong sagot.

Sinamaan naman ako ng tingin ng huli pero idinaan na lang ito sa pagtawa.

''Ibig-sabihin, gusto ka pa rin niyang makausap at makasama. I can't even sleep because of him. Panay ang text niya sa akin, tapos tungkol lang pala sa 'yo ang itatanong,'' irita niyang sambit.

Natawa naman ako sa paraan ng pagkakasabi niya. Halatang-halata kasi sa mukha niya 'yung inis dahil sa tampuhan naming dalawa ni Caleb.

''Kung i-text ko kaya siya?'' tanong ko.

''Bahala ka na sa buhay mo! Basta huwag n'yo na akong kulitin, nakakairita kasi!'' asik niya. ''Sige na, may lakad pa kami ngayon ni Caleb. Babalitaan na lang kita.''

Hindi pa man ako nakakapagsalita ay agad na siyang tumayo at umalis. Bahala na si batman kung magkakaayos pa kami. Ayoko na siyang guluhin pa dahil hindi niya naman pag-aaksayahan ng oras ang tulad ko.

Sarah:
Sol nakita mo na ba ‘yung post ni Caleb sa IG niya?

Nagulat ako ng biglang mag-chat ang isa sa mga blockmates namin. What?! Aling post naman iyon? I immediately replied to her.

Sol:
Post? Hindi nama siya masyadong active sa IG ah.

Napakamot tuloy ako sa aking ulo at napakunot-noo. Nakakapagtaka naman na biglang nag-post si Caleb? Ang alam ko ay naka-private ang account niya. Kaya paano niya nakita ang post ni Caleb?

Sarah:
I know Gurl, kaya tingnan mo na agad! And I hope you don't get hurt by that post.

Mahirap umasa, Sol. Kaya mas maiging bitawan mo na agad ang nararamdaman mo sa kanya.

Parang hindi ko kayang gawin na bitawan na lang agad ang nararamdaman ko para kay Caleb. Yes, some of my blockmates knows that I like Caleb at isa na si Sarah sa mga taong alam na hindi lang kaibigan ang turing ko sa lalaki.

Sol:
Mahirap din bumitaw.

Minutes later, she replied.

Sarah:
Don't make things that would end you up suffering alone, let your heart be open to other people. Baka marami pang iba diyan na mas better kaysa kay Caleb.

I let out a huge sigh. Wala na akong mahahanap pa na katulad niya.

Agad kong binuksan ang IG ko at ang unang bumungad sa akin ay ang retrato na magkasama ang tatlong kaibigan ko. Nang mag-scroll ako para makita ang buong larawan ay hindi ko maiwasang masaktan na masaya silang magkasamang tatlo.

Hindi man lang ako sinama at gumala silang tatlo ng hindi ko alam.

I felt I wasn't included.

Minsan na nga lang siya mag-post pero hindi naman ako kasama sa retrato. Kapag kinukuhanan ko nga siya gamit ang phone ko ay parati niyang tinatakpan ang kanyang mukha o hindi kaya inaalis agad ang phone ko dahil ayaw niya raw na nakikita ang mukha niya sa social media.

Nasa gitna si Sam na nakasalamin pa at mukhang masayang-masaya ito, habang napapagitnaan naman siya nina August at Caleb. Mas nadurog pa nga ang puso ko dahil may isa pa silang post.

It was an hour ago, magkasama sina Sam at Caleb na may caption pang ''My Daily Dose of Sunshine.'' and the post quickly gained attention.

Maraming nakapansin nito, lalo na ang mga blockmates ko. It was flooded by heart and wow reactions.

Yes, It was posted publicly. At mukhang ito na naman ang simula ng pag-iingay ng pangalan niya sa school forum namin. Babahain na naman ng notification ang kanyang account, pati sa Twitter ay sila na naman ang main topic.

It was indeed that Caleb was low-key famous on our campus. Mukha nga na masaya na siya na hindi na niya ako nakakausap. It's good that we keep it that way—to distance ourselves for some time.

Baka sakaling magka-ayos pa kami kapag kalmado na ang maalong dagat na nagsasalubong sa aming dalawa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top