Chapter 1

The way his smile curves makes me think of the soft arch of flowers opening up in the early morning, catching the soft glow of the sun. A radiant bloom that brightens the archery of my heart.

He is strong and tall, like a flower. His presence gives off a quiet power, with a strong stem that holds it in place. His eyes, which are deep and thoughtful, hold the brightness of a sunny field, and shows how much pain has changed him throughout our friendship.

He accepts many seasons of life with the same elegance as a flower. He stays vulnerable, when necessary, much like a blossom that lets the world see its soft center. And when he is happy, he blooms, his soul opening out like brilliant living flowers. At iyon ang isa sa mga nagustuhan ko sa kanya. Being positive, even when storms hit him many times.

"Ang ganda mo talaga." Narinig ko ang mahinhin na boses ni Caleb habang naglalakad kami.

Napaangat ako ng tingin sa kanya. He's five-foot eleven, habang ako naman ay nasa five-foot lang ang taas. Kailangan ko pa tuloy tumingala parati kapag titingin sa kanya.

"A-ako?" I uttered.

Pinitik nito ang noo ko. "Tanga! 'Yung bulaklak na hawak mo," usal niya kaya agad akong napasimangot.

Loko talaga itong lalaking 'to! Kung pwede ko lang siyang sipain ngayon ay ginawa ko na.

"Saan mo ba kasi dadalhin 'yan?"

"Sa buwan," pilosopo kong sagot.

Naglalakad kami ngayon habang hawak ko ang isang munting bulaklak na proyekto namin sa isang major subject. Hindi ko alam kung anong kinalaman ng bulaklak sa kurso kong Tourism at kung bakit nila ito ginawang individual project sa amin.

Basta may maipasa ako, okay na 'yun!

His eyes squinted. "Saan nga?"

I heaved a sigh. "Ipapasa ko nga," seryosong sagot ko. "Gusto mo ikaw na maghatid kay Sir Rozaldo?"

Biglang nawala ang ngiti sa kanyang labi nang banggitin ko ang isang pangalan na kinaiinisan niya.

Dahil medyo may pagkabasag-ulo ito last year, muntik na siyang bigyan ng singko ng Professor ko ngayon semester dahil sa ginawa niya noon sa lalaki. Kung hindi ko pa siya inawat ay tiyak akong napuruhan na niya sa mukha ang bagong pasok noon na si Sir Rozaldo.

"Ikaw na lang ang magdala, bahala ka riyan!" turan niya sabay iwas nito sa hawak ko. Inirapan ko naman siya dahil sa sinabi niya.

Ang gago talaga 'di ba?

"Sige na, mauuna na ako. Pumasok ka na rin baka hindi ka makapag-attendance niyan at mapagalitan ka pa," saad ko.

Tumango naman ang huli sa akin bago tuluyang kumaliwa ng direksyon. Ako naman ay paakyat na sa ikatlong palapag at malapit na rin sa silid namin. Pagpasok ko pa lang ay bumungad na sa 'kin ang maingay na paligid at daldalan ng mga blockmates ko.

Nasa gilid ang lahat ng dala nilang halaman na may nakadikit ng pangalan sa mga paso nila. Inilapag ko na rin ang akin at umupo na. Hindi rin naman nagtagal ay pumasok ang Professor namin.

"Nandiyan na si Professor kilay," pabulong na biro ni Trisha, one of my blockmates. Lahat kami ay napabalikwas sa kinauupuan nang makatapak ito papasok sa silid.

Hindi namin maitago ang tawa namin dahil sa sinabi niya, pero agad rin na naging seryoso ang lahat nang malakas na ibagsak ng guro namin ang kanyang dala.

Lahat kami ay takot sa kanya dahil madali itong magbigay ng tres sa grade namin. Hindi niya talaga pinapalampas ang kahit na sinong estudyante.

"Take your seat." His authoritative voice makes our room quickly become quiet. At kahit pa ang mga estudyanteng nasa labas ay tumatahimik kapag daraan sa silid namin.

"As you all know, malapit na ang midterms ninyo at siguraduhin n'yong nag-aral kayo ng mabuti para maipasa ang subject ko. Because to those who will get thirty-five below scores, alam niyo na ang mangyayari," paliwanag sa amin ni Professor Rozaldo.

Nanantili pa rin tahimik ang buong silid pero lahat kami ay tila napakunot-noo dahil nag-iba ang tono ng boses ng aming Professor.

"Since all of you did well this semester, and contributed to a project for our school, napagdesisyunan kong ipasa na kayong lahat sa asignatura ko," he stated.

My eyes widened for a moment.

Lahat kami ay hindi makapaniwala sa tinuran ng aming Professor at ang ilan pa ay napatalon sa tuwa.

What a relief to me. Ibig-sabihin ay hindi ko na kailangan pang mag-review para sa subject niya, mabuti na rin iyon para mabawasan kahit paano ang mga iisipin namin.

This is how our college life works, hindi uso ang pahinga sa 'min. Exam dito, quiz doon, tapos tatambakan pa kami niyan ng mga gawain kapag alam nilang malapit na ang exam. Kaya gahol na gahol kami parati sa oras. Walang tulog, kulang sa kain, laging puyat at ayoko nang pag-usapan pa ang ibang bagay na nakakapag-dagdag sakit sa ulo ko.

It was almost 12 o'clock when I glared at the wall clock on the upper right of our room's door. Niligpit ko na ang gamit ko at nang kunin ko ang bag ko ay lumapit sa 'kin si Thalia.

"Are you sure na makakapunta ka, Sol?" tanong niya.

Muntik ko pang makalimutan na may thesis pa nga pala kaming gagawin, pero hindi ko alam kung aabot ba ako dahil 8 P.M pa ang out ko sa trabaho na pinapasukan ko.

Ngumiti ako sa kanya. "Oo naman, tutulong ako."

"Basta, sabihan mo lang kami ah. Alam naman namin na working student ka, para hindi na rin mabigat sa 'yo 'tong thesis na pinapagawa ni Ms. Veronica," aniya.

"Salamat, Thalia." 'Yan lang ang tangi kong naisagot sa kanya bago siya lumabas nang silid namin.

Hindi pa tapos ang first semester pero ramdam ko na ang pagod. Napapabayaan ko na rin ang mga dapat kong gawin sa eskwelahan dahil sa trabaho, tapos may exam pa kami na dapat habulin ngayon linggo. Nakakaramdam na nga ako ng kaba na baka mababa ang makuha kong score, kahit nag-review ako.

Nang makalabas ako ng silid dala ang mga bumabagabag sa isip ko ay sumalubong ang dalawang lalaki sa harapan ko.

Himala at sabay sila ngayon?

Usually kasi ay kami lang dalawa ni August ang sabay na kumakain o hindi kaya ay mag-isa lang ako kapag marami silang ginagawa.

"Ikaw na lang ang hinihintay namin, Sol," saad ni Caleb. "Tara na, kumain na muna tayo alam kong gutom ka na. Nakalimutan mo na naman kasing mag-almusal."

I chuckled. "Oo, kanina pa ako nagugutom."

He really knows me so well, at alam na alam niya ang bawat takbo ng buhay ko. Not because we're just friends, but because of how he appreciates every detail I said to him. Mula sa paggising, pagpasok at pag-uwi ko ay parati siyang nangungulit, pero dahil sanay na ako sa kanyang ugali ay hinayaan ko na lang.

"Minsan lang tayo magsabay kaya kumain ka nang marami, ang takaw mo pa naman," bulyaw sa 'kin ni August.

Masama ang tingin na iginawad ko dahil sa sinabi niya.

"Ikaw rin naman!" I retorted.

Dinilaan niya lang ako na parang bata at bumawi naman ako bago siya umiwas ng tingin sa 'kin. Naglakad na nga kami papuntang Cafeteria.

"Um-order ka na ng gusto mo, ako na magbabayad," sambit ni Caleb at umakbay sa akin nang may pangiti. "It's my treat, kaya huwag mo nang subukan na tumanggi."

Naramdaman ko pa kung paano niya haplusin ng marahan ang tainga ko na nagpakiliti sa akin. Bigla namang sumingit ang loko kaya napagigitnaan namin siya ngayon.

"Ako, hindi mo ba lilibre?" August looked at him and pouted.

"Treat yourself, may pera ka naman," usal ni Caleb.

Natawa naman ako dahil panay pa ang kanyang pilit habang nakapila kami at napasapo na lang si Caleb sa kanyang noo. Hinihila pa nga nito paalis ang lalaki habang mahigpit ang kapit sa kanyang braso.

Sometimes, I just love how they act like that in front of me dahil madalas ay puro matatalim na tingin ang binabato nila sa isat-isa o hindi kaya ay panay ang suntok nila na parang hindi nasasaktan.

Samantalang noong mga gusgusin na bata pa lang ang hitsura naming tatlo ay parati silang magkayakap kapag natutulog kami sa tanghali o hindi kaya ay parating nakaakbay si Caleb kay August kapag magkasama sila, tapos kapag gusto ni August makipaglaro kay Caleb ay ipapasan niya ito sa kanyang likuran at tatakbo nang mabilis.

Indeed, that time flies so fast, and being a teenager is already over.

Adulthood strikes, where responsibilities take over. In a blink of an eye, everything has changed. The moments, bondings together, became memories that can be easily forgotten. It was a blissful journey like a flower of youth.

Caleb sighed and surrendered. "Fine, I'll treat you, tapos umalis ka na agad ah. Nagsasawa na kasi ang pagmumukha mo!"

Lumawak naman ang ngiti sa labi ng lalaki at kinurot pa ang pisngi ni Caleb. Nang makuha namin ang pagkain ay naghanap na rin kami ng mauupuan naminv tatlo.

I am an indecisive person, kaya si Caleb na lang ang pinapili ko kung anong kakainin namin at lumawak ang ngiti ko nang bilhan niya ako ng adobong baboy at isang grape juice na lagi kong kinakain at binibili noon.

Habang kumakain ay hindi ko maiwasang mapasulyap sa lalaking katabi ko. Every facet of his face is like a perfect glow of the hues of sunset. Mula sa kanyang makakapal na buhok na tumatama sa kanyang mata, pati na ang makakapal nitong mga kilay na lalong nagpa-guwapo sa kanya, isama mo pa ang mapang-akit nitong mga mata.

Isang kindat niya lang ay nahuhulog na ang mga babae sa kanya.

He's popular, smart and talented person, at heto ako, isang simpleng babae na ang tanging nasa isip lang ay ang maiunlad ang sarili sa kahirapan. Nang sa gayon ay hindi na namin maranasan ni inay ang ganitong klaseng buhay.

We shouldn't romaticizing and implicitly telling that it's okay to be poor. Mahirap maging mahirap, kaya kung may tiyansa ako na makakuha ng scholarship ay hindi ko ito sasayangin. It's an opportunity for me to help myself survive in this draining world. Para kahit paano ay may maibigay ako kay inay na kaunting tulong sa paglalako niya ng bibingka.

"Tama na kakatitig sa kanya, alam ko namang mas masarap si Caleb kaysa sa 'kin," biro sa akin ni August. I heard his soft chuckle before swallowing his food. Kanina niya pa ba ako pinagmamasdan?

Malamang, oo dahil may bahid pa ng pagngisi sa kanyang labi.

"Gago! Kumain ka na nga lang diyan!" anas ko. Nakurot ko tuloy ang sarili ko nang mapagtanto na nasa harapan ko nga pala si Caleb.

Hindi man lang kumibo si Caleb at patuloy lang sa kanyang pagkain ng adobo.

"So, I have a question," pangunguna ni August. Inilapat ang kanyang kamay sa mesa habang nakatingin sa aming dalawa.

Ngayon lang kami nagkaroon ng oras tatlo na sabay-sabay kumain dahil medyo hectic ang schedule namin, lalo na si August na bukod sa pagiging estudyante, isa rin siyang magaling na barista. At nagtatrabaho siya ngayon sa isang sikat na Coffeehouse company.

"What?" walang ganang sagot ni Caleb sabay subo nang kanin.

Akala ko ay hindi na siya interesado na makipag-usap sa amin.

Medyo may pag-aalangan pa sa ekspresyon ng mukha ni August bago ito magsalita. Mukhang seryoso siya sa gusto niyang sabihin kaya natuon ang atensyon ko sa kanya. I'm in my serious mode muna dahil parang malaki ang problema ng isang 'to.

"May kakilala kasi ako from engineering department at sinabi niya sa 'kin na nag-confess daw siya sa babaeng gusto niya... then." Napatigil siya sa pagsasalita kaya napaangat ng tingin ang lalaki sa kanya.

"Then...?" we both asked in unison. Ang hilig niya talaga magpabitin kapag may gusto siyang sabihin sa amin.

Napalunok ng madiin ang huli bago ulit siya magsalita. "H-he left a letter from her notebook, pero hindi niya ito nilagyan ng pangalan. Do you think may chance ba siya na magustuhan nung babae kapag pinaalam niya na siya ang nagbigay nito?"

Napatingin tuloy kaming dalawa ni Caleb sa isa't-isa. Bakit parang parehas lang kami ng iniisip ng lalaking 'to?

"It depends," Caleb replied. "If he really wants to pursue the girl he likes, he will do everything to capture her heart and fall for a man like him. They have their own standards when it comes to men but showing them their self-worth as a person-to be confident in their insecurities, it might be possible that the girl can like him back."

Saglit kaming natahimik dalawa ni August at siya naman ay bumalik sa kinakain niya.

Tama! If his friend confessed already, then he should have the courage to introduce himself to the girl he likes. It would be clear to both of them kung gusto nga ba nung babae na ligawan siya, but if she rejected him, then he's not the standard that she's looking for. Maraming hinahanap ang isang babae lalo na sa kanilang mga "future husband" na hindi lang pisikal na katangian, but also how they treat the woman they loved, and the respect towards each other.

"Loko ka! Baka ikaw talaga ang nagbigay ng sulat na 'yun," pilyo kong sagot sa kanya. He was caught off guard at hindi agad nakapagsalita.

"H-hindi," pagtatanggi niya. "I'm just asking for your opinion or advice kung anong dapat gawin-okay just forget it."

He really is in denial. Kitang-kita sa kanyan ang pamumula ng tainga niya nang sabihin ko ito.

August Ramerio Wyvien is not the type of person who's good at lying. At kahit anong subok niya ay nahuhuli pa rin namin siya sa kanyang pagsisinungaling, kaya't mabilis na namumula ang magkabilang tainga niya.

"If you say so," Caleb said.

Gaya ko ay tapos na rin siyang kumain at huli pang natapos si August dahil sa dami nitong in-order na pagkain.

Nang matapos kami ay saglit kaming gumawi sa Library dahil may hihiramin akong libro na kailangan namin bukas, idadagdag ko lang ito sa mga re-review-hin ko, lalo na't malapit na ang exam namin.

Nakaupo ang dalawa at bitbit ni Caleb ang bag ko. Napansin ko na panay ang ngiti niya habang nakatutok ang mga mata sa cellphone. Hindi ko na ito pinansin at agad na kinuha sa ang kailangan kong libro.

"Isulat mo na lang ang pangalan mo sa logbook, hija," sambit sa akin ng librarian at tumango naman ako.

Nang ibalik ko ang tingin sa lalaki ay parehas pa silang ngumingiti na para bang may ginagawang kalokohan. Lumapit ako sa kanila at magsasalita na sana ako ng bigla akong pangunahan ni Lebleb.

"Kailangan na pala naming bumalik, Sol. May last subject pa kasi kami," saad niya. "Sorry, kung hindi kita mahahatid ngayon. Babawi ako, Sol."
Mahinhin niya lang na sinabi ito, pero may bahid ng lungkot sa tono ng pananalita niya.

Ginawaran ko naman siya nang ngiti.

"Okay lang, Leb. Kaya ko namang mag-isa, pwede naman akong sumakay na lang sa dyip," sagot ko.

I gave him a reassuring smile. Ibinulsa niya agad ang cellphone na hawak niya at binigay sa akin ang bag ko.

"Are you sure? Gusto mo bang tawagan ko si Lexie para sunduin ka niya?" he asked.

I shook my head. "H-hindi na kailangan."

Lexie is my workmate at the coffee shop for almost a year kung saan ako nagtatrabaho ngayon. Magkakilala silang dalawa ni Caleb dahil sa parents nila at kung hindi naman dahil kay Lexie ay wala akong mapapasukang trabaho ngayon.

Inakbayan naman ni August si Caleb habang palabas nang library. "Mauna na kami, Sol. Text mo na lang si Caleb kapag nakarating ka na ro'n," pahabol niyang sabi at tumango naman ako sa kanya.

Nang makaalis sila ay napakagat ako sa ibabang labi ko. Nakaramdam ako ng kakaibang kaba na parang hindi ko ito nagugustuhan, pero hindi ko naman ito maipaliwanag. It's like a gentle flutter in my chest, a mix of anxiousness, worriedness and a warmth that my words struggle to capture.

Lumabas na ako ng campus at naghintay nang masasakyan. Sobrang tirik pa ang araw ngayon at nasaktuhan pang wala akong dalang payong. Kainis! Bakit kasi sa lahat ng makakalimutan ko na gamit ay 'yung payong pa.

Ilang saglit pa akong naghintay pero wala pa ring dumaraan. Napansin kong kanina pa rin naghihintay ang isang lalaki na nakatayo sa tabi ko. He's busy typing on his phone, pero nang igawi ko ang tingin sa kanya ay napatigil ito. He turned his head to me and that's when our eyes met.

"Do you need something, Miss?" he asked. His manly voice was deep and gentle. Parang kahit na sinong babae ay mahuhumaling sa kanyang boses.

Napakunot-noo ako dahil nakasuot siya ng uniporme at nang mapansin ko ang logo sa gilid ng uniporme niya ay isa rin pala siya sa mga estudyante rito. Nakasukbit pa sa ka nang balikat niya ang itim niyang bag.

I replied. "Ah, wala. Napansin ko kasi na parang kanina ka pa nakatayo rito at nag-aantay rin ng masasakyan."

He let out a soft chuckle at inayos ang kanyang magulong buhok. Beads of sweat started to fall on his face. Oo nga, sobrang init ng panahon ngayon. Napapaypay tuloy ako gamit ang I'd ko ng wala sa oras at agad na umiwas ng tingin sa kanya.

"No, I'm not waiting for a public transpo," he answered. "I've been here for the past twenty minutes, but there's no vehicle around." Luminga-linga pa siya sa paligid na parang may hinahanap.

Ay, shet! Rich kid ata ang kausap ko. Hindi pa naman ako magaling mag-english, nakakahiya kapag mali-mali ang grammar ko.

Isa pa, paano ako sasakay niyan ngayon kung walang dyip na daraan?

Ilang saglit lang ay may humintong itim na sasakyan sa harapan namin. Ito na ata ang hinihintay niyang susundo sa kanya. Tila napahinto ito at tumingin sa 'kin bago binuksan ang pintuan ng kotse.

"I guess there's no single vehicle that would pass by. I can give you a ride if you want?" he said and offered me.

Bakit? Dapat ba akong magtiwala sa kanya? Hindi ko naman siya kilala o kamag-anak para basta-basta na lang sumama sa kanya. Paano kung may gawin siya sa 'kin na hindi maganda?

I know I'm overreacting right now pero mas maigi na iyon. Malala pa naman ang trust issues ko sa mga lalaking hindi ko kilala.

"I'm waiting, Miss..."

Napabalik ang tingin ko sa lalaki matapos mahulog sa malalim na pag-iisip. Wala akong choice ngayon dahil kahit anong pananatili ko rito habang tirik ang araw ay baka wala talagang dadaan na sasakyan.

"S-sige, pakihatid na lang ako sa Vermont Café," aniya ko at pilit na ngumiti.

"Vermont Café? Sakto doon din ang punta ko ngayon," he muttered and smiled.

Well, what a coincidence na doon din pala ang punta niya ngayon? Hindi na ako nagdalawang-isip na sumakay sa kotse niya at sumalubong naman sa aking pagpasok ang kanyang driver.

"Kuya, Roel. Tayo na po," mahinhin niyang sambit sa kanyang driver. Tumango naman ang lalaki sa kanya saka binuhay ang makina ng sasakyan.

Naging tahimik at mabilis ang naging biyahe namin. Nang makarating kami sa Vermonte Café ay nagpasalamat ako sa lalaki at mabilis ring bumaba nang sasakyan. Pagpasok ko pa lang ay agad akong sinalubong ni Lexie na parang gulat na gulat ito sa kanyang nakita dahil kasabay ko na pumasok ang lalaki.

"OMG! Kasabay mo pala si Sir na pumunta rito?" gulat na tanong ni Lexie. "Nakita kitang bumaba sa kotse niya." There was an excitement that rushed into her voice. Napahawak pa siya sa kanyang bibig.

Kahit ang ibang workmates ko na sina Pat at Luke ay hindi makapaniwala.

"Sir? Him?" I asked and gaze at the man three feet beside me.

"He's Heinz Leo Vermonte. Anak ni siya ni Sir Harvey Vermonte, the owner of this coffee shop," nakangiting saad ni Lexie.

Ah, Hindi naman pala masamang tao.
Napatango-tango ako habang nag-iisip. Siya? Anak ng isang sikat na may-ari ng coffee shop dito sa pilipinas?

Parang hindi kasi kapani-paniwala dahil bukod sa isang state university siya nag-aaral ay parang hindi naman siya mukhang mayaman.

Yes, Vermont Café was popular like other coffeehouse companies in the Philippines as well as other countries like the US, Canada, and Singapore.

"Nice meeting you, Miss... stranger?"

"I'm Soleil Amara Flores po, Sir Vermonte," I introduced myself to him and smiled widely.

"Don't call me 'Sir' dahil magka-edad lang naman tayo. Just Heinz," he remarked, emphasizing his tone of that word.

"Okay po, just Heinz," pilosopo kong sagot. Naramdaman ko pa ang mahigpit na kapit sa akin ni Lexie nang tingnan ko siya.

"So, isa ka pala sa employee rito. What a coincidence na dito ka pala nagtatrabaho." It was just like a normal conversation for both of us, pero ang mga kasama ko ay bakas ang kaba sa kanilang mukha.

"Yes po sir-este Heinz pala, isang taon na rin ako rito," malumanay kong sagot.

"Bumisita lang ako rito to check other staff as well our co-workers. Mukhang maayos naman ang lahat."

He just gave us his pleasing smile at kinausap niya pa ang manager namin tungkol sa mga kailangan pa namin dito sa Café-tulad ng mga equipments na kailangan palitan.

Malakas anong tinapik ni Lexie nang makabalik siya sa counter. "Mukhang naka-jackpot ka, girl!" she giggled, her eyes were gleaming with excitement.

"Jackpot ka r'yan! Nagkataon lang kasi na nagkita kami kanina habang nagaantay ako ng masasakyan, eh saktong walang dumaraan kaya inalok niya akong ihatid dito. 'Yun lang," paliwanag ko.

Why do I even need to tell her about that? It's just a coincidence at mukha namang hindi na kami magkikita ulit.

Hindi ko na pinahaba pa ang diskusyon naming dalawa dahil baka kung saan pa ito mapunta.

Ilang minuto lang ang lumipas ay nagpaalam na rin sa amin ang lalaki. He even smiled at me after he left.

Ang ganda mo talaga, Sol! Manang-mana ka sa nanay mo.

Nagpaalam na ako kay Lexie dahil tapos na ang shift ko at dali-dali akong lumabas ng shop. Tiningnan ko ang wallet ko dahil bibili sana ako ng makakain ni inay tiyak akong gutom na rin siya ngayon.

Nalaglag ang balikat ko nang buksan ang wallet ko. Wala na pala akong pera at sakto na lang ito na pamasahe ko pauwi.

I heaved a deep sigh.

Ang hirap talaga maging mahirap.

Kailan ba giginhawa ang buhay ko?
Malapit na ako at habang naglalakad ako sa madilim na kalsada na halos iilan lang ang dumaraan ay nakita ko ang isang pigura ng lalaki na nasa tapat ng bahay namin.

Caleb?

"Sol!" pagtawag niya sa 'kin. Kahit malayo pa ako ay dinig na dinig ko ang kanyang baritonong boses.

Siya nga. Akala ko naman kung sino na ang tumatawag sa akin.

"Bakit ngayon ka lang?" tanong ni Caleb. Bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha.

"Marami kasing customers kanina kaya natagalan ako sa shift ko, tapos absent pa 'yung papalit sa akin," paliwanag ko.

Sinabayan ko pa ito ng malakas na pagbuntong-hininga hininga dahil pagod na rin ako at tiyak anong napansin niya rin ito.

"You seemed so tired." Naramdaman ko ang kanyang marahang paghaplos sa aking buhok patungo sa aking tainga. "Halika at may binigay ako kay tita, sigurado akong magugustuhan mo ang niluto kong ulam," he said, his voice always soft and gentle.

Lumawak naman ang ngiti sa labi ko.
"Marunong ka nang magluto?"

"Uhm... kaunti lang." Nakita ko ang paglukot ng kanyang mukha, his eyes also squinted. "Ginagamay ko pa dahil sabi mo gusto mo nang lalaking marunong magluto, 'di ba?"

Halos hindi ko maitago ang pamumula ng magkabilang pisngi ko at ang mga paro-paro sa aking tiyan ay tuluyang kumawala sa hindi ko malamang dahilan.

I don't even remember when I told him about it. Dahil na rin siguro sa dami ng nangyari nitong mga nakalipas na buwan, pero siya ay tandang-tanda niya ito. He kept in his heart everything I said to him. Ako lang talaga itong may short term memory sa aming tatlo-ay pati pala ang lokong si August.

❛━━━━━━•(🌸)•━━━━━━❜

MAAGA AKONG NAGISING DAHIL 7 A.M ang klase namin ngayon. Bakit kasi sobrang aga ng pasok namin? Ayoko pa naman ng unang subject na magtuturo, tapos ang sunod na klase namin ay 11 P.M na. Sandali lang ako naligo dahil sobrang lamig ng tubig sa umaga. Inayos ko lang at pinatuyo ang aking buhok, saka ako nagsuot ng uniporme.

"Nay, alis na po ako," paalam ko.

"Mag-ingat ka, Sol." Sagot niya habang naghahanda ng bilao para sa ilalagay niyang mga bibingka mamaya.

Paglabas ko pa lang ng pinto ay agad na bumungad sa aking ang pigura ng lalaki. Maayos ang buhok niya at malinis tingnan kumpara kahapon na parang nakipag-digmaan ang hitsura ng suot niya.

"Himala ang aga mo naman ngayon?" hindi ko makapaniwalang sabi sa kanya.

Alam kong hindi siya maag nagigising dahil nauuna akong umalis sa kanya, pero sabay naman kami laging kumakain at umuuwi kapag hindi hectic ang mga schedule naming tatlo.

"Gusto kasi kitang kasabay," he stated. For no reason, he smiled, which showed off his small but deep dimples.

Hindi niya kasama si August?

Mukhang tulog pa nga ang loko at nakalimutan niyang may isang araw pa na pasok. Isang beses lang ata sa isang buwan kung magkaroon kami ng Saturday classes, madalas ay wala talaga dahil parati naman kaming on-time sa mga lesson. Sa dami ba naman naming oras sa kada subject, ewan ko na lang kung kulangin pa sila.

Habang naglalakad kami ay bitbit nito sa kanyang harapan ang bag ko. Ewan ko ba sa kanya, kapag gusto niya itong kunin ay pipilitin niya talaga ako at hindi pa siya titigil sa pangungulit, tapos ibibigay niya lang niya sa akin ito kapag malapit na kami sa eskwelahan. Kaya parating mahigpit ang hawak niya sa bag ko para hindi ko ito makuha sa kanya.

"Sol."

Napaangat ako ng tingin ng tawagin niya ang pangalan ko. "Hmm?"

"I saw you yesterday with someone, siya ba ang naghatid sa 'yo kahapon sa Vermont Café?" tanong niya.

"Y-yes, hinatid ako ni Heinz sa Vermonte Café, may problema ba ro'n?" I asked.

I don't want to be sound rude or anything that can hurt him, pero ano ba ang dapat kong sabihin sa kanya?

"Ayaw mo na bang ako ang maghatid sa 'yo, kaysa riyan sa Heinz mo? Paano kung masamang tao pala 'yan?" he retorted. Napahinto tuloy kami sa paglalakad. "You shouldn't trust someone that easily, para sumama ka agad sa kanya."

"It's okay, mabuting tao naman siya. Wala akong masakyan kahapon kaya nung nakita ko siya at inalok niya ako ay nagdalawang-isip pa rin ako, pero kilala naman niya ang mga staff namin."

"It's not okay to trust that man easily," he muttered, may kaunting bahid ng galit sa tono ng boses niya.

Tila napakunot-noo ako dahil at parang humahaba na ang diskusyon naming dalawa tungkol sa nangyari kahapon.

I chuckled softly. "Wait, are you... jealous?" Muli kaming napatigil sa paglalakad at humarap siya sa akin.

"No! I'm just concerned about you, dahil kung kani-kanino ka nagtitiwala agad. You didn't even text me kung nakarating ka na," galit niyang sabi.

Halata namang 'di seloso, noh?

Yes, I didn't text him dahil nakalimutan ko. At sa dami ng customers kahapon ay hindi ko na siya nasabihan agad at nawala pa sa isip ko.

"Nakalimutan ko lang," usal ko. "Tara na nga, baka ma-late pa tayo." Hinila ko siya at tumakbo na kami papunta sa sakayan ng jeep.

Nang makarating kami ay agad niya ring ibinigay ang bag ko. Nauna na akong umakyat sa kanya pagkatapos kong magpaalam. Hindi pa nga nagsisimula ang klase ay may asungot na naman na nakabantay sa pintuan namin. Napapansin kong napapadalas ang pagpunta niya sa Tourism Department.

"Ano na naman?" nakapamewang kong sabi kay August.

"We have a deal, remember?" He let out a smirk.

"Alam ko at pustahan pa tayo, itlog lang ang score mo," anas ko sa kanya. Kung 'yun lang ang pinunta niya rito sana ako na ang dumalaw sa kanya dahil tiyak akong itlog na naman siya sa exam gaya no'ng una.

"Sus, itlog din naman ang makukuha mo." May bahid ng galit sa tono ng boses niya.

"Ano na naman ang pinag-aawayan n'yong dalawa?" Sumingit naman si Caleb sa usapan namin. Mukhang galing pa ito sa cafeteria dahil may dala-dala siyang pagkain.

"Wala," we said in unison.

"Oh, baka hindi ka naman kumain mamaya kaya dinalhan na kita," sambit niya at ibinigay sa 'kin ang isang supot na dala niyang pagkain.

"Salamat po-" Bigla na lang sumabat ang katabi ko na nagsasalubong ang kilay.

"Bakit ako wala?" reklamo ni August.

"Go get yourself, ako pa ba ang bibili para sa 'yo? Ano ka prinsipe?" pilisopong sagot ni Caleb.

Masamang tingin naman ang ipinukol ni August sa kanya na nakahalupkip pa.

"Mayaman ka nga, madamot ka naman!" anas niya na parang bata kung umasta.

"Basta, kung sino ang mas mataas ang score siya ang manlilibre sa Jollibee, deal?" pusta ko.

"Deal!" August exclaimed.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top