Chapter 9: The Missing Piece
Year: 2002, Batanes (Past)
Sinasabitan ni Danilo si Noah ng mga medalya habang sunod-sunod itong pinaparangalan sa entablado. Araw ng pagtatapos ni Noah sa elementarya at halos makuba na ito sa dami ng gintong medalya sa kanyang leeg.
"Best in Music, of course our Valedictorian, Noah Arroyo!" hiyaw ng Emcee sa mikropono.
Umiikot ang palakpakan ng mga tao sa buong paaralan. Masayang pinagmamasdan ni Noah ang ama niya na pabalik-balik sa entablado upang magsabit ng mga medalya. Nang matapos parangalan, muling umupo si Noah sa puwesto nito sa gilid ng entablado.
"Huwag ka na kayang umupo," biro ni Gian. Muli nitong kinamayan ang kanyang kaibigan. "Mapapagod ka lang pabalik-balik."
Tatlo silang estudyanteng nakaupo sa entablado. Si Noah bilang Valedictorian, si Gian na Salutatorian an ang pinsang babae ni Noah na si Regina na First Honorable Mention.
"Alam mo ampon, nagtataka talaga ako paano ka naging valedictorian, eh?" nakakagulat na sinabi ni Regina. Ang tono nitong may halong pangungutya habang iniirapan si Noah. "Sa bahay ka lang naman lagi. Maybe you're getting special tutorials from one of the teachers, ano?"
Nakayuko lang si Noah habang nilalait siya nito. Si Regina Arroyo ay isa sa mga pinsan ni Noah. Napakaganda ng itsura nito at siya ang laging pambato ng klase sa mga pageants ng paaralan. Ngunit, kung gaano siya kaganda, ganoon naman kapangit ang ugali niya. Mataas ang grado nito sa ibang paksa malibat sa Edukasyon ng Pagpapahalaga. Nagtataka si Regina kung bakit ganoon nalang kahusay sa klase si Noah dahil hindi gaya niya, wala namang pribadong tagapagturo ito. Ang hindi alam ni Regina, madalas magpaturo si Noah sa binatang lagi niyang kinakatagpo sa ilalim ng punong Narra.
"Regina, umayos ka nga," saway ni Gian. "Naiinggit ka lang sa pinsan mo."
"Ako, naiingit diyan? Please, hindi nga tunay na Arroyo iyan, eh. Malay ba namin saan siya galing."
Naluluha na si Noah sa patuloy na panlalait sa kanya. Pinipilit nitong ngumiti habang nakatitig sa kanyang ama na masaya na namang paakyat sa entablado. Ngunit hindi nakalampas sa mga mata ni Noah ang mga masamang tingin sa kanya ng tatay ni Regina na si Leon na na nakaupo kasama ng iba pang mga magulang. Ang mga matalim na titig nito at iba pa niyang kamag-anak ay hindi na bago kay Noah. Dahil sa mga tinging ito, hindi na nawala ang kanyang pakiramdam na kailangan niyang laging patunayan ang sarili niya sa pamilya.
"Noah... Noah?" paulit-ulit na tawag ng Emcee.
Nagulat na lang si Noah dahil kanina pa pala siya tinatawag upang tumayong muli at sabitan ng isa pang medalyo. Mabilis itong napatayo at biglang binulungan ng kanyang ama.
"Anak, bakit ang lungkot mo?" pag-aalala ni Danilo. Pansin nitong kanina pa tulala si Noah at sapilitan ang mga ngiti nito.
"Medyo mabigat na kasi Dad ang mga medals," pagsisinungaling ni Noah. Pinilit niyang tumawa at magpanggap na nagbibiro. "Ang sakit na sa leeg."
Tinanguan na lamang siya ni Danilo habang hinahaplos ang kanyang buhok. Nang matapos ang programa ay nagpakuha ng larawan ang buong pamilya Arroyo sa entablado.
Katabi ni Danilo ang anak niya nang biglang magsalita si Leon mula sa harapan. "Noah, kuhaan mo nga kami ng picture. Kaming mga Arroyo."
"Leon!" bulyaw ni Danilo sa kapatid nito. Mabilis na nawala ang ngiti sa kanyang mukha dahil tila naghahamon na naman ng away ang kapatid na bihira niyang makasundo.
"Kuya, huwag kang sumigaw," pang-aasar lalo ni Leon. Halos sakupin na nito ang dalawang bangko dahil sa malaki at brusko niyang katawan. Mapapansin din ang ilang single na nanay na panay tingin sa pumuputok niyang mga braso. "Maige nang masanay si Noah at hindi naman siya legitimate na tagapagmana ng pamilya."
Leon, that's enough! Have some decency!" Biglang nagsalita si Norma, ang Tiyahin ni Noah na magiging guro rin niya sa Maynila. "Now is not the right time to say that!"
"Noah, halika na." Marahang hinatak ni Danilo si Noah paalis sa entablado. "We can celebrate on our own."
Nakayukong naglakad si Noah habang dala-dala ng kanyang ama ang mga medalyong inani niya sa araw na iyon.
***
Year: 2006, Batanes (Present)
"Happy birthday. Happy birthday.... Happy birthday Adam." Hawak-hawak ni Noah ang isang chocolate cake. Sa hapagkainan ng pamilya Arroyo ay umaapaw sa mga pagkain na hindi kadalasang natitikman ni Adam.
Nakangiti lang si Adam kay Noah habang kinakantahan siya nito. Ilan sa mga bisita nila ay sina Nico at ang tatlong kababata ni Noah.
"Make a wish," utos ni Noah.
Ipinikit ni Adam ang kanyang mga mata. Ilang segundo itong may ibinulong bago niya hinihipan ang kandila. Sinalubong siya ng mga ngiti at palakpakan sa kanyang muling pagmulat.
"Thank you po Tito Dan, Lola," nakangiting saad ni Adam. "Salamat Noah."
Kinusot ni Danilo ang ulo nito. Sabay tapik sa kanyang balikat.
"No problem. Basta hanapan mo ng girlfriend itong anak ko sa Maynila, ha?" pabirong sabi ni Danilo kahit ayaw pa talaga niyang magka-girlfriend ang anak niya.
"Uho, pahinging juice Lola. Uho!" Si Nico na abala sa pag nguya ng pansit ay biglang nabilaukan. Agad na inabutan ito ni Maring ng maiinom. Napalingon si Danilo sa direksyon ni Nico.
"Bakit Nico, may girlfriend na ba ang pinsan mo?"
Si Noah na katabi ni Nico ay sinimulang hampasin ang likod nito. Kunwari ay tinulungan niya ito ngunit kanina pa siya nanggigigil. Nakatitig siya kay Nico at nanlilisik pa ang mga mata nito.
"Umayos ka, kung gusto mo pang sikatan ng araw bukas," natatawang bulong ni Noah.
"Wala Tito!" bulalas ni Nico. "Puro aral lang ang inaatupag nito. Uho!"
Nagpatuloy sila sa pagkain. Ilang minuto silang nagkukuwentuhan nang maalala ni Noah na hindi pa pala niya naipapakilala kay Adam ang tatlo niyang kaibigan.
"So, you've met Naldo," nakangising panimula ni Noah.
Agad na nginitian ni Adam si Naldo at nanghingi ng paumanhin. "Bro, sorry pala noong nakaraang araw sa palengke."
"Nako, wala iyon," saad ni Naldo sabay kindat kay Noah. Naalala nito ang lihim na relasyon ng dalawa na kanyang agad na napansin sa palengke.
Pinagmamasdan ni Danilo si Naldo at ang mga reaksyon nito.
"And this is Gian," saad ni Noah habang tinatapik ang balikat ng binatang abala sa pagbalot ng lumpia.
"Diba siya iyong ipinasyal mo sa burol?" Mabilis na itinago ni Gian ang supot na dala niya. "Siya iyong hinabol mo ng motorsiklo?"
"Ah eh, takot kasi ako sa kalabaw," pagsisinungaling ni Adam na sinundan ng malakas na pagtawa.
"Ah," sagot ni Gian ngunit mapapansin ang pagtataka sa mukha nito. Napansin din si Danilo ang kakaibang reaksyon ni Gian.
"And this is Kelvin," pakilala ni Noah sa binatang tumutugtog ng piano.
Napalingon ito kay Adam na kanina pa niya rin gustong tanungin. "Hindi ba ikaw iyong hinabol ni Noah sa kumpisalan?"
Natigil si Danilo sa kinakain nya. "Kumpisalan?" usisa nito.
Biglang sinipa ni Noah ang paa ni Kelvin na dahilan upang mapindot nito nang malakas ang piano. Umalingawngaw sa buong sala ang malalim na nota na nadiinan ng mga daliri ni Kelvin.
"Dad, ang ibig nitong sabihin, sinamahan ko si Adam kasi akala niya nasa likod ng simbahan ang banyo," pagsisinungaling ni Noah. Mabilis itong bumalik sa tabi ni Nico at pinuno ng pagkain ang bibig niya.
"Ah, okay," iling ni Danilo. "Anyway, Adam may bisita ako mamaya. Regina is about your age. Nakita ka niya sa simbahan noong isang araw. Maganda ang pamangkin kong iyon. Baka tipo mo?"
Sabay na nabilaukan sina Noah at Nico sa kinakain nilang biko. Nag-agawan sila sa pitsel ng tubig sa kanilang harapan.
"Ano bang nangyayari sa inyo?" pagtataka ni Maring habang nilalagyan ng tubig ang kanilang mga baso. "Dahan-dahan lang sa pagkain!"
Sa gitna ng kanilang kaguluhan ay biglang may kumatok sa pinto.
"Oh, ayan na pala ang Tito mo, Noah. Mag mano ka, ah," bilin ni Danilo.
Nalungkot si Noah nang marinig ang sinabi ng kanyang ama. Madalas kasi siyang tanungin ng iba nilang kamag-anak tungkol sa mga tagumpay niya. Mahilig rin siyang ikumpara ng mga ito sa iba pa niyang pinsan. Pumasok si Leon at si Regina sa loob ng bahay. Sinalubong naman sila ni Noah at Danilo.
"Mano po, Tito," magalang na bungad ni Noah.
Magmamano na sana si Noah nang biglang iniwas ni Leon ang kanyang kamay. Sahalip, ay hinawakan lang niya si Noah sa ulo. Nginitian niya lamang ito at dumiretso sa puwesto ni Maring. Gayundin ang ginawa ni Regina, nilagpasan nito si Noah at agad na niyakap si Danilo.
"Tito Danilo. Nasaan na ang crush ko?" bulalas ni Regina na tila ba ito ang may-ari ng bahay.
Itinuro ni Danilo si Adam na masayang kakuwentuhan ni Nico. Mabilis itong nilapitan ni Regina na may dala pang regalo.
"Hello! Happy birthday handsome."
"Ah, eh," ilang na tugon ni Adam.
Pinilit iabot ni Regina ang dala niya. "Open it, dali!"
"Ate, huwag mo siyang pilitin. Kumakain pa siya," saway ni Nico.
Biglang sumama ang tingin ni Regina sa kapatid nito. "Bubwit, huwag ka ngang epal. Kumain ka lang diyan." Muli siyang tumingin kay Adam. "Sige na Adam, open it."
Dahan-dahang binuksan ni Adam ang regalo. Isa itong teen magazine kung saan nasa harapan si Regina.
"I got my first project as a model. Iyan ang unang kopya. Hope you like it."
Agad itong binalik ni Adam sa lalagyan at nilapag sa gilid niya. Napansin nito si Noah na nasa bandang pinto habang nakayuko. Hindi nakatakas kay Adam ang mata ng nobyo niyang namumugto.
"I'll check on it later. Thanks," saad ni Adam habang nakatitig pa rin kay Noah.
Bigla siyang niyakap ni Regina nang mahigpit. Patalon-talon pa ito habang nasapagitan ng kanyang dibdib ang pisngi ni Adam.
"OMG! You are so pogi and so bango pa," bulalas nito. "Do you have a girlfriend?"
Nakatitig pa rin si Adam kay Noah na tahimik sa sulok. Halatang marami itong iniisip at hindi kumportable sa mga bagong dating na bisita.
"Yes, actually I have!" malakas na sagot ni Adam.
Biglang napatingala si Noah sa sinabi ng kanyang nobyo. Agad niyang iniling ang ulo niya upang senyasan na huwag aamin ito tungkol sa kanila.
"Okay lang iyon. Wala naman siya rito, eh," giit pa ni Regina.
"Hoy! Umayos ka nga." Mabilis na hinawakan ni Nico ang kamay ng ate niya pakalas kay Adam. "Nakakahiya ka!"
"Whatever twerp. I'm sure I'm prettier than his girlfriend naman," dinilaan ni Regina si Nico bago tumakbo palayo.
Muling napatingin si Adam sa kanyang nobyo. Wala pa ring sigla sa mukha nito. Nginitian ito ni Adam ngunit marahan lang iniwas ni Noah ang kanyang paningin at nagtungo sa kuwarto. Hindi na natiis ni Adam ang pag-iisa ni Noah.
"Tito Dan, I'll go check on Noah saglit," paalam ni Adam.
Sumang ayon naman si Danilo at muli itong bumalik sa pakikipag-usap kay Leon at Maring. Dahan-dahang pumasok si Adam sa kuwarto ni Noah. Bagamat sarado ang mga ilaw at kandado ang bintana ay narinig ni Adam ang mahihinang paghikbi ni Noah habang nakakulot sa gilid ng kama. Tinabihan ito ni Adam. Sinimulan niyang haplusin ang kulay tanso nitong buhok.
"Ito naman, birthday na birthday ko pero ang lungkot mo."
Marahang itinaas ni Noah ang kanyang ulo at isinandal sa balikat ni Adam.
"Sorry, don't mind me. Just give me a moment, lalabas din ako. Puntahan mo na ang mga bisita natin."
Ngunit sa halip na umalis sa puwesto niya ay mas lalong sumandal si Adam sa ulunan ng kama. Inayos niya ang ulo ni Noah sa kanyang dibdib upang mas maging komportable ito.
"I'll stay with you hanggang matapos iyang 'moment' mo," sagot ni Adam.
Napangiti si Noah sa sinabi nito. May kung anong dalang kaginhawaan ang mga salitang binitawan ng kanyang nobyo. Napagtanto ni Noah na ito ang kailangan niya. Hindi katahimikan kundi ang may makaramay sa kanyang kalungkutan. Tumulo ang mga luha niya sa damit ni Adam at agad naman siyang napa-urong.
"Sorry, nabasa ko na yung damit mo," saad ni Noah habang pinupunasan ang luha at sipon nito.
Muling hinawakan ni Adam ang ulo ni Noah upang idikit muli sa kanyang dibdib.
"Sumandal ka lang, ibuhos mo sa akin lahat ng masakit sayo."
Ramdam ni Noah ang pag-aalala sa tinig ng kanyang kasintahan. Nagsimulang humagulgol si Noah. Sa madilim na kuwarto ay maririnig ang mahina nitong pagnanangis. Ang kanyang kamay ay pinipigilan ang bibig niya upang hindi marinig ang kanyang mga paghikbi.
"Nakakatakot ang mga tingin nila, Adam. Ang mga tingin ng ibang kamag-anak namin na parang hindi ako naaangkop sa pamilya. You know why I don't want Dad to know about us?" tanong ni Noah matapos niyang iangat ang kanyang ulo at tumitig sa mga mata ng kanyang kasintahan.
Hindi sumagot si Adam. Nagpatuloy lamang ito sa paghaplos sa likod ni Noah upang ipakita ang kanyang pagdamay.
"Dahil mapanghusga ang mga taong nakapalibot sa akin. Mas napapansin nila ang mga kapintasan kaysa sa mga tagumpay ko," pagpapaliwanag ni Noah.
Sa madilim na kuwarto ay kumikislap ang mga butil ng luha mula sa kanyang mata. Damang-dama ni Adam ang pagnanangis nito kasabay ng mga huni ng insekto sa labas ng bintana.
"I don't wanna be a disappointment," dagdag pa ni Noah. "Sapat nang sa akin lang mainit ang mga mata nilang lahat. Ayoko pati si Dad madamay at tanungin nila sa pagpapalaki nito sa akin. Matagal na nilang kinukwestiyon ang pinangalingan ko. Ayokong pati kasarian ko kuwestiyunin pa nila."
Nag-aalala namang nakatitig sa kanya si Adam. Ito na halos ang unang pagkakataon nakita niyang umiiyak ang kanyang kasintahan. Hindi na ito ang matapang at malakas na Noah na nakilala niya sa Saturnino High School.
"Iba talaga pag hindi mo sila kadugo. Lumaki akong parang may kulang sa akin," saad ni Noah habang patuloy ang pag-iyak nito.
Isa-isang pinunasan ni Adam ang mga butil ng luha sa pisngi ni Noah. Napabuntong hininga ito bago siya magsalita. "Last night, when you were sleeping, I time traveled."
Napabalikwas si Noah sa puwesto nito. Agad niyang pinunasan ang kanyang mga luha. Ang lungkot sa mukha nito ay mabilis na napalitan ng pag-aalala.
"Bakit ngayon mo lang sinabi? May sugat ka ba? May masakit ba sa iyo?" sunod-sunod na tanong ni Noah.
Mabilis niyang inusisa si Adam kung may natamo ba itong sugat sa katawan. Inagnat nito ang kanyang braso upang tingnan kung may sugat sa tagiliran at iniliyad ang leeg upang suriin kung may mga pasa.
"Shhh! I'm fine," pagkalma ni Adam sa kanyang nobyo. Marahan niyang hinawakan ang mga kamay ni Noah at muling pinaupo. "Ang punto, hindi ba sabi mong lumaki kang parang may kulang sa'yo?"
Tumango sa kanya si Noah.
"I was there on your graduation day in elementary," balita ni Adam. Nagsimula itong gumiti habang inaalala ang itsura ni Noah sa entablado.
"Ano?"
"Yeah, I was stuck in 2002 for a few hours. I landed on this bed, no one was home and then I saw your calendar. May malaking bilog at nakasulat na Graduation Day. I grabbed some clothes as usual, then ran to your school."
Nakatitig lang sa kanya si Noah habang patuloy lang ito sa pagkukwento.
"I was standing at the back of the crowd in front of the stage. Grabe, ang dami mong medals! Halos makuba ka na kakayuko dahil sa bigat ng mga nakasabit sa leeg mo. I was watching you as you look at your Dad habang pabalik-balik siya sa entablado. Pero nawala ang ngiti mo nang kausapin ka ni Regina sa tabi mo. Alam mo bang gusto ko nang sumugod sa stage noon?"
Unti-unti nang ngumingiti si Noah. Pinagmamasdan nito ang napakaguwapong mukha ni Adam na patuloy lamang sa pagsasalita. Ang kulay kahoy nitong buhok, makinis nitong kutis at mapupula nitong labi na kasing lambot ng marshmallow.
"I was still there even after the event," pagpapatuloy ni Adam. "Noong nag-family picture kayo and how your Tito asked you to take a picture of them. Napaka bastos. Kaya nga noong pagpasok niya kanina sa bahay, gusto ko na siyang sapakin."
Natatawa na si Noah habang nakikinig. Tuluyan nang natuyo ang mga luha nito. Nakapako na ang kanyang mga tingin sa mga bughaw na mata ng binatang kaharap niya.
"You don't need their validation to feel that you're complete. You know why?" tanong ni Adam.
"Why?" nakangiting tanong ni Noah bago singhutin ang naiwan niyang sipon.
Dahan-dahang inilapit ni Adam ang bibig niya sa tainga ni Noah. Gamit ang pinakamalabing niyang tinig, marahang bumulong si Adam. "Because I'll do everything to fill the missing piece."
Abot tainga ang ngiti Adam habang bumabalik sa pagkakasandal niya. Nagulat ito nang makitang nakangiti sa kanya si Noah ngunit may kasama na itong pagluha.
Naalala ni Noah ang mga panahon na lagi nitong iniiyakan ang Adam mula sa hinaharap sa ilalim ng puno. Mga panahong binubuhusan niya ito ng sama ng loob at madalas na kakuwentuhan tungkol sa mga magagandang pangyayari sa kanyang buhay.
Ang Adam na kaharap niya ngayon ay unti-unti nang nagiging katulad ng Adam na pinapangarap niya
"You tear jerker!" bulalas ni Noah. Bigla nitong sinunggaban ng halik si Adam.
Nagulat si Adam sa ginawa nito. Ipinikit niya ang kanyang mga mata upang damhin ang mga malalambot na labi ni Noah. Ang mga mahihinang pagdampi ng kanilang mga labi ay napalitan ng mas madidiin na halikan. Hindi nila namalayan na ang mga kamay nila ay nagsimula nang hubarin ang mga damit ng isa't isa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top