Chapter 8: Ang Bata sa Simbahan
Year: 2006, Batanes (Present)
Linggo ng umaga ay kasama si Adam sa pagsisimba ng pamilya ni Noah. Gaya ng dati, agaw eksena ang napaka guwapo nitong mukha at mapapansin ang mahihinang bulungan ng mga dalaga sa simbahan. Naiilang pa rin si Adam sa maraming tao.
Hindi kalakihan ang simbahang kanilang pinuntahan. Bagamat sapat lamang ito para sa maliit na komunidad, hitik naman ito sa mga mabubuting tao sa bayan nila. Gaya ng dati, sa bandang gitna umupo ang pamilya Arroyo.
"Do I really need to come here?" tanong ni Adam habang inaaninag ang mga dalagang nakatitig. Nakayuko ito at nais nang umuwi dahil ayaw talaga niya ng atensyon.
"Oo naman. Dapat lagi kang nagsisimba lalo na kapag malapit na birthday mo. At saka,ako ang bahala sa iyo," wika ni Noah upang mapanatag ang kalooban ng kanyang katabi. Tuwang-tuwa ito dahil makakasama niyang magsimba ang kanyang nobyo.
Ilang minuto silang nakikinig sa sermon ng Pari. Sa gilid ng altar na katapat halos ng kinauupuan nila ay nakahilera ang choir na kumakanta sa bawat tugon at himno ng misa. Napansin ni Adam ang isang miyembro ng choir na kanina pa nakatingin sa puwesto nila. Sinubukan niyang ngitian ito ngunit wala itong reaksyon. Dahan-dahan napatingin si Adam kay Noah upang itanong kung bakit nakatingin kakilala ba niya iyon.
"Tignan mo 'yon. Kanina pa nakatitig sa upuan natin. Kilala mo--" Hindi na natuloy ni Adam ang sasabihin niya nang biglang kawayan ni Noah ang miyembro ng choir na nakatitig sa kanya.
"Aray," mahinang sambit ni Noah. Kanina pa ito nakangiti sa kinakawayan niya nang bigla siyang pitikin ni Adam sa hita.
"Sino na naman iyan?" naiinis na tanong ni Adam. Magkasalubong ang mga kilay nito.
"Si Kelvin. Dati kong..." natatawang paliwanag ni Noah. Hindi nito mapigilang humagikgik sa itsura ng nobyo niyang nagseselos na naman.
"Classmate?" naiinis na dugtong ni Adam. Nakangiting tumango si Noah. Napasandal na lamang si Adam sa upuan at nagsimulang magsalubong ang mga kilay nito. Muli na namang nairita ito sa kanyang nobyo at sa kababata nito.
Paminsan-minsan siyang nililingon ni Noah babang nakikinig sa mga sinasabi ng Pari. Dahan-dahang ibinaba ni Noah ang kamay niya upang hawakan ang hita ni Adam ngunit biglang umiwas ito, senyales na nagtatampo na naman.
Sinimulan kamustahin ng Pari ang kanyang mga tagapakinig. Napansin nito si Noah, ang isa sa mga paborito nitong binatilyo na nagsisimba at dati ring miyembro ng choir.
"Oh, nandito pala ang batang ito. Noah, hijo kelan ka la dumating, apo?" tanong ng Pari. Masaya itong makitang muli si Noah kasama ang ama at lola nito.
"Last week lang po Father. Good morning po," magalang nitong sagot.
"Oh, since nandito ka nalang din. Bakit hindi mo samahan ang koro natin sa aawitin nila?" yaya ng Pari.
Napangiti si Noah dahil sa imbitasyon nito. Marahan siyang umakyat sa altar habang nagpapalakpakan ang mga tao. Umupo siya sa puwesto ng mga miyembro ng koro habang naghihintay ng susunod nilang pag-awit. Tinabihan nito ang dati niyang kaibigan.
"Yow! Wazzup?" bati ni Kelvin. Si Kelvin Smith ay may lahing Amerikano. Napaka guwapo rin nito at may napakalambing na boses.
"Shhh! Huwag kang maingay. Nagsasalita pa si Father," saway ni Noah sa kababata nito.
"Bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin? Nasaan na si Nico?" usisa ni Kelvin. Masayang-masaya itong makitang muli si Noah. Kakilala nito si Nico dahil madalas rin niya itong makita tuwing nagbabakasyon sa Amerika.
"May inaasikaso sa kanila kaya hindi siya nakapunta. Miss mo na rin ano?" biro ni Noah. Natawa naman si Kelvin sa sinabi nito.
"Oo. Halos sa Amerika na kasi siya lumaki."
"Teka lang anong sunod na kakantahin natin?" tanong ni Noah. Itinuro ni Kelvin ang mga linya sa music score na hawak niya. Nagtatawanan sila habang pinipilit alalahanin ni Noah ang mga tono ng mga himno. Makikita sa entablado kung gaano kalapit ang dalawa sa isa't isa.
Samantala, kanina pa naiirita si Adam dalawa. Nakabusangot itong nakaupo sa kanyang puwesto. Maliban sa kanyang mga kilay, magkasalubong na rin ang kanyang mga braso habang nakatitig kay Noah at sa kaibigan nito.
Napansin ni Danilo ang itsura ni Adam. "Adam, okay ka lang? Nababanyo ka ba? May CR dyan sa bandang labas."
"Okay lang po, Tito Dan. Na-feel ko lang ang homily," pagsisinungaling ni Adam. Mabilis itong ngumiti at nagpanggap na ayos lamang.
Nang matapos magsermon ang Pari ay nagsimula nang pumunta sa gitna ang choir. Nasa bandang gitna si Noah at Kelvin na magkahati sa music score na binabasa nila. Tumayo muna ang mga nagsisimba hudyat na aawit na ang koro.
Mula sa munting tinig ng mga Alto sa harap ay nagsimulang gumala sa kisame at mga salamin ng simbahan ang mga himig ng buong koro. Nawala ang inis sa mukha ni Adam at nagsimulang magtayuan ang kanyang mga balahibo nang maghalo ang mga boses ng mga umaawit. Kasama sa mga himig na umiikot sa simbahan ay ang himig ng taong mahal niya.
Masayang pinapanood ni Adam si Noah habang sinasariwa ang karanasang ito na bihira lang niyang magawa. Hindi siya madalas magsimba. Ang takot niya sa maraming tao ay nagdulot sa kanya upang umiwas sa pagpunta sa mga matataong lugar gaya ng simbahan. Pinapanood nito si Noah na nakapako ang mga mata sa mga notang binabasa niya at kay Kelvin na katabi nito. Nang matapos ang kanta ay nagpapalakpakan ang mga tao at biglang inakbayan ni Kelvin si Noah.
"Wooh! You still got it!" nakangiting sambit ni Kelvin habang halos magkadikit na ang mukha nila.
Nagulat si Noah sa ginawa ng kaibigan niya. Agad siyang napatingin kay Adam. Ngunit wala na si Adam sa puwesto nito. Ikinalat ni Noah ang kanyang mga mata at napansin nito si Adam na unti-unti nang nagiging transparent habang tumatakbo patungo sa kumpisalan na nasa bandang likod ng simbahan.
"Kelvin, teka lang, ha. Magbabanyo lang ako," paalam ni Noah. Kinakabahan ito sa maaring mangyari. Patagong bumaba ng altar si Noah upang sundan si Adam. Nilagpasan nito ang Daddy at Lola niya na nagtataka kung saan ito pupunta. Huli niyang nakita si Adam na biglang pumasok sa kumpisalan.
Napalunok si Noah upang tignan muna ang upuan ng Pari sa kabilang bahagi ng kumpisalan. Nakahinga ito nang maluwag nang makitang niyang naka kandado ito. Muling bumalik ang kaba sa kanyang dibdib habang dahan-dahan niyang hinahawi ang kurtina sa pinasukan ni Adam.
Walang tao rito, maliban sa mga naiwan damit ng nobyo nito.
꧁༒༺🦉༻༒꧂
Year: 2004, Batanes (Past)
Bumagsak si Adam sa gitna ng maisan na pinuntahan nila ni Noah. Sa panahong tinalunan niya ay malalago na rin ang mga tanim na palay. Napaupo ang kanyang hubad na katawan sa likod ng mga gintong mais at matataas na damo habang lumulubog ang araw sa kanyang harapan.
"That idiot. Hindi man lang niya ako inisip. He doesn't really care about me. Mahalaga lang sa kanya ang mga kababata niya," saad ni Adam habang niyayakap ang kanyang mga tuhod. Nagmumumok ito sa lungkot habang nababalot ang kanyang kalooban ng selos.
Alam ni Adam na ilang minuto lang ilalagi niya rito. Tahimik lang niyang pinanuod ang lumulubog na araw habang naghihintay ng kanyang muling pagbabalik sa kasalukuyan. Nakatitig lang siya sa nagdurugong langit habang naiinis sa mga kababata ni Noah.
"Nakakainis ka talaga, Noah! Ang insensitive mo!" patuloy na bulyaw ni Adam habang hindi gumagalaw sa pwesto nito.
Ilang minuto rin siyang tulala nang may marinig siyang mga taong dumating sakay ng kariton na hatak ng kalabaw. Tumigil ang mga ito sa daan at nagsipag-upuan sa malaking bato na malapit kay Adam. Biglang napadapa si Adam sa pwesto niya upang silipin kung sino ang mga ito. Nakatalikod sa kanya ang apat na lalaki at hindi niya maaninag ang kanilang mga mukha.
Kung ano-ano ang mga pinag-uusapan ng mga ito. Mga tungkol sa kanilang mga girlfriend at mga gusto nila maging paglaki nila. Natatawa nalang si Adam habang nakadapa nang marinig nito ang isang pamilyar na boses.
"Buti pa kayong lahat may girlfriend na," sabi ni Noah mula sa panahong ito. Nakatalikod ito kay Adam habang katawanan ang mga kaibigan nito.
"Ikaw kasi. Ang daming may crush sayo sa school hindi mo naman pinapatulan," hirit ni Naldo. Natatawa ito kay Noah na kagagaling lamang sa Maynila.
"Oo nga, may pa-Maynila Maynila ka pa. Eh, single ka pa rin hanggang ngayon," biro ni Kelvin.
"Baka naman subsob ka rin sa pag-aaral doon kaya wala ka nang time mag-girlfriend?" banat ni Gian. Masaya ito dahil nagbakasyon muli sa kanila si Noah.
Nagtatawanan silang apat habang nagkukwentuhan tungkol sa buhay pag-ibig nila.
"Wala, eh. Nakailang school na ko sa Maynila, hindi ko pa rin nahahanap ang the one," paliwanag ni Noah. Sa mga panahong ito ay hindi pa rin niya nahahanap ang kasalukuyang version ni Adam.
Nakapako ang tingin ni Adam sa nakatalikod na si Noah. Nakasuot ito ng bughaw na damit at napapagitnaan ng mga kababata nito.
"Baka next year mahanap mo na," wika ni Naldo.
"Bakit pa kasi sa Maynila dapat hanapin? Ang dami naman dyang girls sa school natin dito," dagdag ni Gian.
Hinawakan ni Naldo ang balikat ni Gian at nagsimulang magbiro ito. "Baka meron siyang ka penpal na taga Maynila."
Natatawa na lang si Noah sa mga pinagsasabi ng mga ito. Napaakbay siya sa kanila bago siya magsalita. "Ang totoo niyan, may hinahanap talaga akong tao. Kaya lang, sa Manila ko lang siya makikita."
Napayukong bigla si Adam nang marinig ito. Alam niyang siya ang tinutukoy ni Noah. Ang mukha ni Adam na kanina pa naiinis ay unti-unti nang ngumingiti sa kanyang mga naririnig. Naalala nito ang mga ginawang sakripisyo ng nobyo niya matagpuan lamang siya.
"Artista ba yan na gusto mong ma-meet. Turista ba yan nakilala mo rito pero taga doon?" usisa ni Kelvin.
"Secret!" natatawang tugon ni Noah. Nagsimula itong ngumiti hanggang sa maglabasan ang dalawang dimples nito sa pisngi.
Natahimik silang lahat. Napatingin ang mga kaibigan ni Noah sa bag na laging dala-dala nito kung saan-saan.
"Noah, pansin ko lang. Bakit laging puno ang bag mo. Ano bang mga laman niyan?" usisa ni Naldo sa malaking bag na dinala ni Noah. Agad na napatakbo si Gian upang buksan ito.
"Hoy!" saway ni Noah. Akamang tatayo sana ito ngunit huli na nang buksan ni Gian ang bag.
"Ugh! Grabeng bigat naman nito. Eh, mga damit naman ata ng Tatay mo ito. Anong meron?" reklamo ni Gian habang hinahalungkat ang mga gamit ni Noah.
"Ah, eh, hinahatiran ko kasi sya ng ibang damit tuwing nandun si Dad kanila Nico," paliwanag ni Noah. Ngunit ang mga damit na iyon ay ang mga damit na dinadala niya sa mga panahong magkikita sana sila ni Adam.
"Alam mo, tuwing dala moi yang bag na 'yan, lagi kang nagha-half day sa choir practice natin," puna ni Kelvin.At may naalala rin ang dalawa nitong kaibigan.
"Oo nga, sa school dati, sa akin mo pinapasa mga naiwan mong trabaho as class president," reklamo ni Gian. "Kasi lagi kang tumatakbo pauwi dala-dala iyang bag mong puno ng damit. "
"Ako rin," dagdag ni Naldo. "Minsan, inaasahan kitang tutulong sa palengke pero nilalagpasan mo lang ako tuwing nasa likod mo iyang bang mong mabigat. Excited na excited ka pang umuwi sa inyo."
Namumula na sa kilig si Adam sa mga naririnig niya. Ito yung mga panahong magkikita sila ni Noah sa nakaraan. Nahihiya at nagui-guilty na ito sa mga inasal niya kay Noah. Unti-unti na niyang nare-realize ang mga sakripisyo nito para sa kanya.
"Ah, eh, kasi, need ko lang talagang dalhin kay Dad ang mga iyan kaya madalas akong nagmamadali," paliwanag ni Noah. "Pasensya na kayo."
Ilang minuto pa ay umakyat na silang muli sa kariton. Samantalang si Noah ay tumakbo malapit sa pwesto ni Adam. Nag-aalala ito dahil may nakatakda dapat silang pagkikita ngayon. Mahigpit na bilin sa kanya ng nobyo niya mula sa hinaharap na pumunta sa lugar at oras na ito kasama ang mga kababata niya.
Ngunit lalong nagtago si Adam upang hindi sya makita nito. Pinapanood niya ang nag-aalalang mukha ni Noah mula sa likod ng matataas na damo.
"Nasan na ba iyon? Nako baka napano na. Dala ko pa naman mga damit niya," saad ni Noah. Nag-aalala na ito para kay Adam. "Parang tanga naman, sabi niya dahil ko sila Kelvin dito tapos hindi naman pala siya sisipot."
Gustong-gusto nang lumabas ni Adam upang yakapin ito. Nakikita ni Adam ang lumulubog na araw mula sa repleksyon ng mga kulay champoradong mata ni Noah. Kasabay ng mahinang ihip ng hangin ay ang pag-alon ng kulay tansong buhok ng kanyang kasintahan. Pinigilan ni Adam na tumayo dahil nakatitig sa pwesto nila ang mga kaibigan ni Noah.
"Top 1! Tara na! Uwi na tayo!" sigaw ni Gian mula sa malayo.
"Hay nako, bahala na nga." Mabilis na umalis si Noah mula sa pwesto nito. Nalulungkot ito dahil hindi niya nakita si Adam. Napatalikod si Noah at napatakbo sa kariton. Nakangiti siyang pinagmamasdan ni Adam habang sa ibaba ng damuhan habang unti-unti itong naglalaho.
꧁༒༺🦉༻༒꧂
Year: 2006, Batanes (Present)
Patuloy pa rin sa pag sermon si Father Peter. Sa labas ng kumpisalan ay matiyagang binabantayan ni Noah ang labas ng kurtina. Ilang minuto rin siyang nakatayo nang biglang may lumabas na mga kamay mula sa likod ng kurtina upang hatakin si Noah papasok.
Sa loob ay nakabihis na si Adam at niyakap niya si Noah nang mahigpit. Nagulat naman si Noah sa ginawa ng nobyo niya at sinimulang haplusin ang likod nito.
"Hey, are you okay?" sabi ni Noah kay Adam habang yakap-yakap siya nito. Wala na ang pag-aalala sa mukha ni Noah. Masaya itong makitang ligtas na nakauwi ang kasintahan niya.
"Shh! Be still. Just let me hug you," pakiusap ni Adam. Nakatayo lang si Noah habang nababalot ito sa matipunong katawan ng kanyang nobyo. Nakayakap pa rin sa kanya si Adam at muli itong nagsalita. "I just wanna say I love you. I'm sorry for being so grumpy lately. And, I wanna thank you."
"Thank me for what?"
"For everything."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top