Chapter 7: Ang Bata sa Palengke at ang Bata sa Bukid

Year: 2006, Batanes (Present)

Lumipas ang mga araw at tanging pamamasyal lamang ang ginawa nila sa Batanes. Minsan ay nagprisinta silang mamalengke para sa panghapunan. Walang tigil na harutan at lambingan ang inatupag nila habang naglalakbay patungo sa palengke ng Ibatan.

Nang tumigil sila sa tapat ng palengke ay nakita ni Noah ang isa sa mga kababata nito. "Naldo!"

"Noah! Long time, no see!" Si Ronaldo Hidalgo ay isa sa mga kargador sa palengke. Matagal na itong kakilala ni Noah at dati rin niya itong kaklase. Malaki ang katawan nito kabubuhat ng mga banyera ng isda at mga sako ng gulay. Kayumanggi ang balat ni Naldo, may kaguwapuhan at kakaibang karisma. Nakasuot ito ng sandong itim at laging may nakataling tuwalya sa kanyang ulo. "Batang Maynila ka na, ah."

"Uy! Pare, kamusta ka na? Amin na yan, tulungan na kita," pagboluntaryo ni Noah. Kilalang mabuting bata si Noah sa bayan nila. Dati ay mas kinakaibigan nito ang mga kaklase niyang hindi pala kibo at may mababang estado sa lipunan. Tuwing may pagkakataon, tinutulungan nito si Naldo sa mga gawain sa palengke. Madalas niya itong kasabay umuwi galing paaralan.

"Nako, huwag na! Hindi mo na kailangan gawin iyan. Matatanda na tayo." Akmang tutulungan ni Noah ang kaibigan nito na magbuhat ng banyera ng isda nang sawayin ito ni Naldo. "Mamantsahan pa iyang porma mo."

"Sus, nahiya ka pa," saad ni Noah. Inagaw niya ang bitbit ni Naldo at dinala sa lamesang kadalasan nitong nilalagyan.

Samantala, si Adam naman ay kanina pa sila pinapanood mula sa paradahan ng motorsiklo. Pinagmamasdan niya kung gaano kalapit ang dalawa sa isa't isa. Nakahalukipkip lamang siya at hindi namamalayan ang unti-unting pagsasalubong ng kanyang mga kilay.

Namantsahan ng putik ang suot ni Noah dahil sa pagbubuhat nito. Agad na inalis ni Naldo ang panyo sa kanyang ulo at pinunasan ang putik na nasa bandang puson ng damit ni Noah. Nang makita ito ni Adam ay napatakbo ito sa direksyon ng dalawa. Bigla niyang pinigilan ang mga kamay ni Naldo bago pa tuluyang bumaba ito sa bewang ng kanyang nobyo.

"Tama na iyan," bulalas ni Adam. Mararamdaman ang pagkainis sa boses nito. "Kami na ang bahala maglinis mamaya sa bahay."

Nagulat si Naldo sa ginawa ng binatang sumulpot sa harap ni Noah. Unti-unting humihigpit ang pagkakahawak ni Adam sa kanya.

"Aray!" hiyaw ni Naldo. "Sino ba ito, Noah?"

"Ako ang boyfriend niya. Bakit?" mabilis na tugon ni Adam.

Nagulat si Noah sa sinabi nito. Agad niyang inalis ang pagkakahawak ni Adam kay Naldo. Mabilis niyang inikot ang kanyang ulo upang tingnan kung may nakarinig ba sa mga sinabi ni Adam. "Sorry, Naldo. Nagbibiro lang siya. Teka lang, kakausapin ko lang ito."

Naiinis na hinatak ni Noah si Adam papunta sa lugar na walang tao. Sa isang sulok ay sinandal niya si Adam at sinimulang pagtaasan ito ng boses.

"Ano ba ang nangyayari sayo?" bulalas ni Noah.

"Bakit ang close ninyo masyado ng kaibigan mo?" padabog na tanong ni Adam. Pinapadyak pa nito ang paa niya dahil sa sobrang selos.

Napabuntonghininga si Noah. Papatulan na sana nito ang kanyang nobyo nang may bigla itong maalala. Naisip ni Noah ang mga kuwento ng Adam galing sa hinaharap ukol sa gaano ito kaseloso sa simula ng kanilang relasyon. Tinitigan niya si Adam at nagbilang ng sampu bago sumagot.

"Kababata ko lang si Naldo," paliwanag ni Noah. "I used to help him out before I went home from school."

"Kahit na!" pagdadabog ni Adam. "I'm your boyfriend, at saka kaya naman niyang buhatin ang mga dala niya. Masyado kang friendly!"

Napasandal si Noah sa kabilang pader ng bakanteng stall na napuntahan nila. Pinapanuod niya lamang si Adam habang patuloy ito sa pagbusangot. Lalong nainis si Adam nang mapansing hindi sumasagot ang kanyang nobyo.

"Why aren't you saying anything?"

Bagamat na naiirita na sa seloso niyang kasintahan ay pinilit pa ring ngitian ni Noah ito. Marahang lumapit si Noah at pinisil ang magkabila niyang pisngi. Nakanguso pa si Adam habang pinanggigilan siya nito.

"You know, you should really be nice to him." Nakasimangot pa rin si Adam habang patuloy lang si Noah sa pagpisil sa mga pisngi niya.

"Bakit naman?" naiiritang tanong ni Adam

Nawala ang ngiti sa mukha ni Noah. Marahan niyang binaba ang kanyang mga kamay. "Because he no longer has any parents, just like you."

Natigilan si Adam. Tila may ibong tumangay sa poot na kanyang nararamdaman. Ang inis niya kay Naldo ay mabilis na napalitan ng pagkaawa at pakikiramay.

Matapos nilang manggaling sa palengke ay napagpasyahan ni Noah na idaan si Adam sa mga burol malapit sa bundok Iraya. Nakayakap pa rin sa likod niya si Adam habang nakasakay sa motorsiklo. Malalim ang iniisip nito dahil sa pag-uusap nila ni Noah kanina. Bagamat ay nauugnay niya ang kanyang sarili sa situwasyon ni Naldo bilang ulila na rin ito, hindi pa rin mapigilan ni Adam ang magselos. Nakapikit lang siya habang nakasandal ang kanyang ulo sa matikas na likod ng kanyang nobyo.

Nang napapalibutan na sila ng mga burol na walang tao ay itinigil ni Noah ang motorsiklo. Sinimulan na muling kausapin ni Noah ang kanyang kasintahan kanina pa walang kibo. "Ark, open your eyes."

Dahan-dahang iminulat ni Adam ang mga mata niya at nagulat sa kanyang nakita. Ang mukha niyang kanina pa nakabusangot ay unti-unti nang nagliwanag sa tanawing nakapalibot sa kanila. Nasagitna sila ng mga hindi mabilang na burol. May mga matatanaw na baka at kambing sa malalayong dako. Kasabay ng paglubog ng araw ay ang mga pagkislap ng mga dahon ng vuyavuy at mga gintong bunga ng mais. Ilan lamang ang mga ito sa sa mga ikinabubuhay ng bayang palaging dinaraanan ng bagyo. Lalong naging kulay ginto ang paligod dahil pinakinang bg lumulubong na araw ang nga bunga ng maisang nasa bandang ibaba nila.

Napababang bigla si Adam sa motor at inikot ang paningin nya. Nakanganga lamang ito habang tuwang-tuwa sa kanyang nakikita.

"Are you still mad?" tanong ni Noah sa nobyo nitong abot tainga na ang ngiti.

Mabilis na lumingon sa kanya si Adam ngunit may pagsusungit pa rin sa boses nito. "Slight."

Pinipigilan ni Noah ang mga tawa niya. Pinarke nito ang motorsiklo at umupo sa isang malaking bato. Pinapanood niyang magsawa si Adam sa tanawin habang siya naman ay nakatingin sa malayo. Ilang segundo pa ay tinabihan na rin siya ni Adam at wala na ang pagiging-iritable nito.

"Thanks for taking me here," nahihiyang saad ni Adam.

Mabilis na inilingkis ni Noah ang mga kamay niya sa braso nito. "I'm sure, wala naman ito kung ikukumpara mo sa tanawin sa Finland."

Napaliyad si Adam at huminga ito nang malalim. Hinayaan niyang mapuno ang baga niya ng sariwang simoy ng hangin. "Ayoko roon, sobrang lamig. Mas gusto ko rito, maaliwalas."

"Oo, iba talaga sa probinsya namin. Presko," pagsang-ayon ni Noah.

"Hindi itong lugar ang tinutukoy ko, ikaw," wika ni Adam habang nakatingin kay Noah. "Maaliwalas kang kasama."

Biglang napalingon si Noah kay Adam. Abot tainga ang ngiti nito dahil sa kanyang narinig. Ngunit mabilis na nawala ang pagkapako ng mga mata ni Noah nang mapansin ang paparating na kalabaw sa malayo na may sakay na binatilyo. Nagulat si Adam nang biglang tumayo si Noah at tumakbo papunta sa direksyon ng kalabaw.

"Gian!" bulyaw ni Noah habang tumatakbo.

"Top 1! Kumusta na?" sagot ng binatang sakay ng kalabaw.

Si Gian Montemayor ay dating katunggali ni Noah sa klase. Sanay sa gawaing bukid ito. Sako-sakong kamote ang binubuhat nito kaya ganoong nalang ding kaganda ang kanyang pangangatawan. Nakasuot ito ng salakot at manipis na long sleeves na humuhulma sa napakaganda niyang dibdib at matikas na mga braso. Sa ilalim ng kanyang sumbrero ay nagtatago ang napaka amo niyang mukha. Si Gian ang laging pangalawa sa klase noong sa Batanes pa lamang nag-aaral si Noah. Halos lahat ng paksa ay magkatunggali silang dalawa. Naging mas kapanapanabik ang pag-aaral ni Gian dahil sa kumpitensya nila ni Noah. Ngunit, mula nang umalis upang lumuwas ng Maynila si Noah ay naging malungkot na ang pag-aaral para kay Gian.

Agad na napababa ito upang salubungin ang dating kaklase. Bagamat malayo ay rinig pa rin ni Adam ang pinag-uusapan ng dalawa mula sa kanyang kinauupuan.

"I missed you so much!" bulalas ni Gian. Lumulundag ang puso nito sa tuwa habang niyayakap nang mahigpit si Noah.

"Kahit nagkikita naman tayo tuwing bakasyon ko?" tumatawang tanong ni Noah.

"Wala, boring na ang school life nung umalis ka."

"Oh, kinakaya mo naman ba since ikaw na ang laging class president?"

"Oo naman, pero iba pa rin noong ikaw ang pinuno ng klase. Halos dumoble ang mga trabaho ko simula nang mawala ka," kuwento ni Gian na walang patid ang tuwa sa taong kausap niya. "So natagpuan mo ba sa Maynila ang taong hinahanap mo?"

Nagigilan si Noah. Pinilit niyang huwag lingunin si Adam. Nginitian lang niya si Gian at tumango. Napatingin si Noah sa taas ng kalabaw. Naalala niya ang mga panahong nakakalaro niya si Gian sa bukid.

"Puwedeng sumakay ulit?" tanong ni Noah.

"Oo ba!"

Sinusubukang talunin ni Noah paakyat ang kalabaw ngunit hirap ito. Hinawakan ni Gian ang kanyang bewang upang tulungang makaayat. Nang makita ni Adam ito ay agad siyang napatayo. Ngunit hindi gaya ng nangyari sa palengke ay mabilis siyang tumalikod at naglakad palayo. Napalingon si Noah sa direksyon ni Adam. Kitang-kita ni Noah na padabog itong naglalakad sa maalikabok na kalsada.

"Nako, Gian. Kailangan ko nang umuwi. Mukhang naiinip na ang kasama ko."

Nagpaalam na rin sa kanya ang dating kaibigan at nagtungo sa ibang direksyon pababa ng burol. Mabilis namang napatakbo si Noah pasakay sa motorsiko. Agad niya itong pinaandar upang habulin si Adam na halatang naiinis habang naglalakad sa malayo. Kulang na lang ay punuin ni Adam ang buong kalsada ng alikabok dahil sa bigat ng kanyang mga hakbang.

"Adam, tara uwi na tayo," yaya ni Noah nang maabutan niya ito.

Ngunit hindi siya pinapansin ni Adam. Patuloy lang sa paglalakad ito habang nasa motorsiklo pa rin si Noah.

"Huwag ka nang magalit, kababata ko lang si Gian," pagsuyo ni Noah.

"Kung makahawak sa bewang kala mo jowa, eh," bulong ni Adam. "Bumalik ka na sa Gian mo!"

Nahihirapan na si Noah sa pagbalanse ng sinasakyan niya habang sinasabayan si Adam. Itinigil niya ito at tumakbo papunta sa nagseselos niyang kasintahan.

"Hoy ano ba? Napaka possessive mo!" bulyaw ni Noah.

"Possessive na kung possessive!" Nilingon siya ni Adam at nagsimulang sumigaw ito. "Kung kay Bien, okay lang dahil kilala ko siya. Eh, iyang mga iyan, hindi ko alam background nila. Malay ko ba kung gaano mo naging ka-close ang mga kaibigan mo noong hindi pa kita kilala. Hindi mo lang ba naisip ang nararamdaman ko tuwing nagiging touchy masyado ang mga kaibigan mo? Never ka rin bang nakaramdam ng selos noong crush na crush ko pa si Jade sa-"

Agad na napatigil si Adam sa mga sinasabi niya nang bigla siyang halikan ni Noah. Sa una ay mahinahon at wala siyang reaksyon hanggang sa muling maramdaman ni Adam ang mga labing kasing lambot ng niyebe.

Ilang segundong nilasap ni Noah ang mga matatamis na labi ni Adam bago siya kumalas. "Ano, galit ka pa rin?" tanong ni Noah.

Pansin niyang nakasimangot pa rin ang kanyang nobyo. Muli niya itong hinawakan sa pisngi at hinalikan. Mas madiin na ang mga halik ni Noah. May mga pagganti na rin ang kanyang kasintahan. Unti-unting bumababa ang kanyang mga kamay sa bewang ni Adam. Dahan-dahan namang hinawakan ni Adam ang mukha ni Noah habang nilalabanan ang mga halik nito. Hinila lalo ni Noah ang bewang ni Adam upang lalong magdikit ang kanilang mga katawan. Ilang segundo pa ay muling napatigil sa paghalik si Noah. Nakita nitong nakangiti ang kanyang nobyo.

"Galit ka parin po?" suyo ni Noah.

"Hindi na po," nahihiyang sagot ni Adam.

"Good!" Agad na napalayo si Noah at nagtungo sa motorsiklo. Natatawa ito sa ginawa niya.

Naiwang tulala naman si Adam.

Pinipigilan ni Noah ang mga halakhak niya dahil halatang may kakaibang reaksyon sa katawan ni Adam dahil sa ginawa niyang paglaplap sa mga labi nito.

Nang matauhan si Adam ay agad niyang tinawag si Noah bago pa ito makasakay sa motorsiklo.

"Hoy, Noah Arroyo. Tapusin mo ang sinimulan mo!"

"My job there is done, Adam Ambrosi!"

"I'm hard!"

"I know!"

"Panagutan mo 'to!"

"Abnuy!"

"Come back, Apple!"

"Uuwi na tayo, Ark!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top