Chapter 6: Habambuhay
Year: 2006, Batanes (Present)
Magkatabi sina Noah at Adam sa sofa habang katapat nila si Danilo. Suot na muli ni Adam ang mga damit niya at nasa gilid nito ang dala niyang maleta. Panay ang paglunok nito ng kanyang laway habang pinapakiramdaman ang mga matatalim na tingin sa kanya. Nakasarado ang kanyang mga kamay habang nakapatong sa mga tuhod niyang tila nagyeyelo dahil sa sobrang kaba. Nakatitig sa kanilang dalawa si Danilo habang pareho silang nakayuko.
"I really don't know about this," pagbasag ni Danilo sa katahimikan nila.
"Sige na, Dad. Please, let him stay," pagsuyo ni Noah. Napagpasyahan nitong kausapin nang maayos ang kanyang ama kaysa sikretong patuluyin sa kanyang kuwarto si Adam sa loob ng dalawang linggo.
"Ikaw rin iyong nakituloy sa unit ni Noah sa Taguig, hindi ba?" usisa nito. Pinilit niyang alisin ang pagkakunot ng kanyang noo dahil halata na ang takot kay Adam. "Ano nga ulit ang pangalan mo, hijo?"
Dahan-dahang inangat ni Adam ang kanyang mukha. "Adam po, Adam Am–"
"Oh, may bisita pala tayo?" bungad ni Maring bago pa matuloy ni Adam ang pagpapakilala nito. May dala si Maring na supot ng mangga na agad niyang itinabi nang makita ang artistahing binata sa sala. Marahan itong lumapit upang lalong makilala ang kanilang panauhin. Agad na nagmano sa kanya sina Danilo at Noah. Nahihiya silang ginaya ni Adam.
"Mano po," bulong nito.
"Ay, kay galang naman din ng batang ito. Napakaguwapo pa," pagpuri ni Maring. Marahan nitong hinaplos ang buhok ni Adam na kanina pa nakayuko. "May ibang lahi ka ba, hijo?"
"He is half-Finnish po, Lola," sagot ni Noah. Hinila nito si Adam pabalik sa upuan nila. Nagkatinginan sina Maring at Danilo.
"Finnish?" pagtataka ni Danilo. Ang kanyang ina ay abot tainga naman ang ngiti matapos malaman kung saan galing ang binatang may bughaw na mga mata.
"Taga Finland po ang Daddy ko," paliwanag ni Adam. Pinilit niyang iangat ang magkabilang dulo ng kanyang mga labi.
Napakamot ng ulo si Danilo. "Speaking of your Dad, hindi ba mag-aalala sa iyo ang mga magulang mo dahil nandito ka? Kakasimula pa lang ng taon. Napakalayo ng Batanes at nakabiyahe kang mag-isa."
Tahimik lang si Adam at hindi ito sumagot. Pansin ni Noah na naiilang itong magkuwento tungkol sa kanyang mga magulang. Yumuko lamang si Adam habang nakasimangot. Ang mga mapupungay niyang mata ay panay lamang sa pagpaypay kakaisip kung paano siya tutugon.
Marahang inilagay ni Noah ang kanyang kamay sa likod ni Adam at kinamot ito. "Dad, his parents died when he was little."
Nanlaki ang mga mata ni Danilo mula sa kanyang mga narinig. "Oh, no. Sorry."
"Okay lang po," pagsisinungaling ni Adam.
"Ikaw talaga, Danilo." Tinabihan ni Maring ang kanyang anak. "Ang dami mong tanong. Hayaan mo nang magbakasyon dito ang bata. Minsan na nga lang tayo magkabisita."
"Hindi naman sa ganoon, Ma. Nag-aalala lang ako sa kanya at baka hinahanap na rin siya sa kanila."
"Oh, Adam, nagpaalam ka ba na pupunta ka rito?" tanong ni Maring at nang mapanatag na ang anak nitong maselan pagdating sa mga taong napapadpad sa kanilang tahanan.
"Opo, alam ng Uncle ko." Nagsisimula nang ngumiti si Adam. "Pumayag naman po siya bilang birthday gift niya sa akin."
Nagkunyaring nagulat si Noah sa sinabi ng kasintahan niya. Nakangaga pa ito at pinalaki ang kanyang mga mata habang nakatitig sa kanyang nobyo.
"Wait! Kailan nga ulit birthday mo?" pagsisinungaling ni Noah na kunwari ay nakalimot ito.
Inikutan siya ng mata ni Adam at bumalik sa kanyang pagyuko. "Tsk! Next week."
"Eh, kung ganoon naman pala, wala na tayong problema riyan," pagbati ni Danilo. Napatayo pa ito at marahang pinapalakpak ang kanyang mga kamay. Ang seryosong tono nito kanina ay napalitan na nga mga pagbati at ngit. "Ma, alam mo na."
Bihira may magdiwang ng kaarawan sa kanilang tahanan. Ang baboy na ipapakatay sana ni Maring noong bagong taon ay huli nang nahatid ng may-ari nito kaya ilang araw na rin itong nakagtambay sa kanilang kural.
"Teka, Noah. Siya ba ang binatang kasama mo sa quiz bee dati?" usisa ni Maring. Pamilyar sa kanya ang binatang madalas ikuwento ni Noah sa telepono.
"Opo, siya nga po," nakangiting sagot ng kanyang apo. "Matalino po iyan!"
Panay naman ang tango ni Danilo nang mapansin na mabuting huwaran ang kaklaseng ito ni Noah. Mapanuri si Danilo sa mga kinakaibigan ng anak niya sa pagnanais na lumaki itong maayos.
"Nako! Sa wakas! May magbi-birthday na rin sa bahay after so long. Lagi kasing nasa Maynila ang mag-amang ito tuwing kaarawan nila," dagdag pa ni Maring. "Teka, ipapahanda ko ang baboy sa tauhan namin. Gusto mo rin ba ng alimango, Adam? Mahilig ka ba sa matatamis?"
Pasimpleng tawa at ngiti ang mga isinagot ni Adam sa sunod-sunod na mga pagkaing binanggit ni Maring. Nakangiti lang sa kanya si Danilo habang pinapanood ang reaksyon nito.
"Nako! Huwag na po kayong maghanda. Nakakahiya," pagtanggi ni Adam. Nais lamang nitong makasama ang kanyang nobyo bakasyon at sabay silang bumalik sa Maynila. "Sanay na po kami ng Uncle ko na kaming dalawa lang ang kumakain sa labas tuwing may okasyon."
"Hayaan mo na, minsan lang kasi maghanda si Mama," pagpupumilit ni Danilo. Napansin nitong kanina pa nakangiti si Noah kay Adam habang natataranta ito. "At saka, kaibigan ka naman nitong anak ko. Kung iisipin mo– Ma, parang ngayon lang nag-uwi ng bisita si Noah, ano?"
"Hmmm, oo nga," pagsang-ayon ni Maring. "Kahit noong dito pa siya nag-aaral, bahay or gubat lang lagi nyang pinupuntahan. Wala masyadong kaibigan maliban doon sa tatlo."
"Tatlo?" pabulong na tanong ni Adam sa kanyang kasintahan. Nilingon nito si Noah na halatang nagulat sa sinabi ng kanyang lola.
"So, ano pong desserts natin bukas?" pag-iiba ni Noah ng kanilang usapan.
Magkasalubong ang kilay ni Adam nang mapansing sinasalungat ni Noah ang kanyang tanong. Muli siyang napatingin kay Maring. "Huwag na po kayo maghanda, Ma'am. Nakakahiya po."
Napahagalpak si Marik dahil sa pagtawag sa kanya ni Adam. "Pambihirang bata ito. Huwag mo na akong tawaging Ma'am. Lola na lang. Para na rin kitang apo, oh. Magkasing guwapo pa kayo ni Noah ko."
"Tsk, mas guwapo naman ako riyan," pang-aasar ni Noah sabay kindat sa katabi niya.
"Kanina ka pa, ha?" muling bulong ni Adam habang iniirapan ang boyfriend nito.
"Oh, siya, you had a long day. Pumasok na kayo sa kuwarto at magpahinga," utos ni Danilo. Nagsimula itong tumayo patungo sa mga gamit ni Adam. "Let me take your things, sanay ka namang katabi sa kama si Noah, hindi ba?"
Nagulat si Adam sa sinabi nito at biglang tumama ang tuhod niya sa gilid ng sofa. "Aray!"
"Oh, dahan-dahan kasi." Napansin ni Danilo na naging aligaga ito dahil sa kanyang tanong. "So, are you guys okay sharing the same bed?"
"Okay lang Dad, basta we keep the Aircon to 18 degrees," bulyaw ni Noah. "Mainitin kasi itong kaibigan ko."
"Hey," naiinis na bulong ni Adam.
"No problem. Para sa birthday boy," pagsang-ayon ni Danilo.
Nakapasok na si silang tatlo sa kwarto. Nang makaalis na si Danilo ay kinandado ni Adam ang pinto. "Ikaw, kanina ka pa, ah."
Tinulak ni Adam si Noah papunta sa kama. Dinaganan niya ito upang hindi makapiglas.
"Sorry na," saad ni Noah habang humahalakhak.
"Kinalimutan mo pa talaga birthday ko, ha?" tanong ni Adam habang inilalaro ang kanyang mga daliri sa ilalim ng kilikili ni Noah.
Puro hagalpak nilang dalawa maririnig sa kuwarto. Ilang minuto rin silang naghaharutan nang muling kumatok si Danilo sa pinto. Agad na natigil ang dalawa at pinagbuksan ni Noah ang kanyang ama.
"Anong ginagawa ninyo?" pagtataka ni Danilo. May hawak itong malalaking sobre mula sa sala.
"Nag-aalaskahan lang po, Dad. Matutulog na kami," pagdadahilan ni Noah.
"Okay, matulog na at gabi na. Malamang pagod pa sa biyahe si Adam."
Nang-isara ni Danilo ang pinto ay mabilis na humiga si Noah sa kama. Agad ding nagbihis si Adam at tumabi sa kanya. Sa sobrang pagod ay agad na nakatulog ito. Pinagmamasdan siya ni Noah habang tumatama ang sinag ng na buwan mula sa labas ng bintana. Ang kabilugan nito ay tila baryang gawa sa pilak na lumulutang sa likod ng mga ulap. Ang mga tunog ng kuliglig mula sa kakahuyan ang tanging maririnig kasabay ng mahinang paghilik ni Adam.
"You really had a rough day, hadn't you?" Inayos ni Noah ang pagkakakumot ni Adam at nilagyan ito ng isa pang unan sa gilid upang mas lalong maging komportable. "Sorry, pinagtabuyan kita kanina. Good night, mahal ko."
Hinalikan nito si Adam sa pisngi. Napangiti si Adam at mukhang maganda ang napapaniginapan nito.
***
Kinabukasan ay nagmamadali silang dalawa na lumabas ng bahay. Nasasabik sila sa binabalak nilang pagpasyal sa mga burol at talampas. Nakasuot sila ng mga simpleng damit. Si Noah ay naka-shades habang si Adam naman ay nakasumbrero.
"Dad, pahiram po ng motor," hiyaw ni Noah mula sa labas. Hinihila na nito ang sasakyan nila mula sa garahe habang inaalalayan ni Adam ang tarangkahan.
"Saan kayo pupunta?" Maririnig ang malakas na tugon ni Danilo mula sa kuwarto nito.
"Ipapasyal ko lang po si Ark," padulas na sagot ni Noah.
"Ha? Sinong Ark?"
Natatawa si Adam habang nakatayo na sa labas. Pinagmamasdan nito ang kanyang nobyo na naaligaga dahil sa nasabi niya.
"Dad, ang sabi ko Adam," pagsisinungaling ni Noah. Sinimulan na niyang isuot ang kanyang helmet. "Wala po akong sinabing Ark."
Pinipigilan na ni Adam ang mga tawa niya. Nang pumayag si Danilo ay pinaupo ni Noah si Adam sa kanyang likod.
"Ang saya mo, ha?" puna ni Noah sa kasintahan nitong kanina pa ikinukulong ang mga halakhak sa loob ng kanyang pisngi.
"Bakit ayaw mo pa kasi umamin?" tanong ni Adam.
"Ang kulit! Hay nako, Adam." Mabilis siyang nilagyan ng helmet ni Noah. "Anyway, so what do you wanna see first?"
Nag-iisip si Adam habang sinimulan nang paandarin ni Noah ang makina ng sasakyan. "Sa puno ng Narra, kung saan lagi mong pinupuntahan ang mga future versions ko"
Mabilis na umiling si Noah habang nakangiti ito. Para sa kanya ay espesyal ang lugar na iyon. Lumaki siya sa hiwaga at mahikang dala ng pagtatagpo nila sa ilalim ng puno. "Ihuli na lang natin iyon. Save the best for last."
Nakaupo na silang pareho sa motor nang mapansin ni Noah na sa likuran ng sasakyan nakahawak si Adam.
"Ano ba iyan? Dito ka humawak sa bewang ko," utos ni Noah.
"Kala ko ba ayaw mong mahalatang close tayo?" giit ni Adam. May halong pagtatampo sa boses nito.
Agad na kinuha ni Noah ang dalawang kamay ni Adam at nilagay sa bewang niya. "Hindi nga tayo nahalata, nahulog ka naman," pagpapaliwanag ni Noah.
"Matagal na akong nahulog sa iyo, Baby Apple", sabi ni Adam habang nakangiti sa likod.
"Buset," natatawang sagot ni Noah. Ramdam nito ang pag-init ng kanyang mga pisngi. "Mahulog sa lupa ang ibig kong sabihin. Hindi pa sementado and karamihan sa mga kalsada rito."
Habang bumabyahe sila ay bigla siyang niyakap ni Adam mula sa likod.
"Uy, not too close," saway ni Noah.
"Shhh! Nanginginig ako," pagsisinungaling ng kanyang nobyo.
Unti-unting nang nararamdaman ni Noah ang alaga ni Adam na bumabaon sa kanyang likod habang umaandar ang motor. Unti-unti itong tumitigas. "Nanginginig your face! Eh, mukhang sarap na sarap ka riyan."
"Sorry. I can't help it," pilyong sagot ni Adam. Dahan-dahang ibinaba ni Adam ang kamay nito patungo sa mga hita ni Noah. Naramdaman niyang bumubukol na rin ang bagay harapan nito. "Well, hello there. Look who's talking."
"Adam, behave. Ihahatid kita sa kanila Nico, sige."
Agad na inangat ni Adam ang mga kamay niya at nginudngod ang mukha sa likod ni Noah. "Behave na po ako, Sir. Huwag ninyo lang po ako palayasin, Sir. He-he."
Una siyang dinala ni Noah sa isang kapatagan na may napakagandang tanawin. Malawak itong damuhan at may malaking parola sa dulo. Kumikinang ang malulusog na damo habang sumasayaw sa malambing na ihip ng hangin. May ilang kalat na ulap na nagbibigay buhay sa luntiang paligid.
"Pasensya ka na," saad ni Noah. "Hindi ito gaya ng siyudad. I can only show you the sea, the sky and the sunset. Ito lang talaga ang mga hilig ko ring puntahan."
Paglingon ni Noah kay Adam ay naka nga-nga ito sa tanawing nasa kanilang paligid.
"What are you apologizing for? People who get excited about the sea, stars, and sunsets are my kind of people," sagot ni Adam. Abot tainga ang ngiti nito. Lumulundag ang kanyang puso sa sobrang tuwa dulot ng kapanatagang nagmumula sa tahimik na kapatagan. "Noah, ang ganda rito!"
Sinuklian siya ng ngiti ni Noah. Nakasandal ito sa motor. Si Adam naman ay mabilis na umakyat sa isang malaking bato habang iginagala ang tingin niya sa buong paligid.
"Doon!" sigaw ni Adam at mabilis na itinuro ang isang lugar sa malayo.
"Ha?" pagtataka ni Noah habang sinusundan ng itinuturo ng kanyang nobyo.
"Doon! Malapit sa parola."
"Oh, anong meron doon?"
Marahang humalakhak si Adam. "Taong 2019. Doon kita sa lugar na iyon pakakasalan."
Nagsimulang mamula muli ang mga pisngi ni Noah. "Tama na nga iyan! Nagdedeliryo ka na naman."
"I'm not kidding. I can also jump to the future, you know."
Nahihiya na si Noah sa sinasabi ng kasintahan nito. "Is that for real?"
"Secret," mabilis na sagot ni Adam. Pasimpleng tumawa ito. "Puwede ring nagbibiro lang ako."
Napabuntonghininga si Noah. Lumapit ito sa batong tinutungtungan ni Adam. Naalala niya ang mahabang panahong paghihintay para sa kasalukuyan niyang nobyo. Tiningala niya ito at seryosong nagtanong. "Habambuhay na lang ba akong aasa sa iyo, Adam?"
Nalungkot si Adam sa sinabi ni Noah. Maingat na tumalon pababa ng bato si Adam at mabilis na inalis ang kanyang sumbrero. Binigyan nito ng seryosong tingin si Noah. Kasabay ng mga matataas na damo na sumasayaw sa paligid ay ang pag hampas ng buhok ni Adam sa malambing na hangin. Kasama ng napakagandang tanawin ay ang pagliwanag ng kanyang napakaguwapong mukha. Kasunod ng kanyang pagngiti at pagkislap ng mga bughaw niyang mga mata ay ang masaya niyang pagsagot sa katanungan ni Noah.
"Noah, sa iyo lang ako. Habambuhay akong palaging babalik sa mga bisig mo."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top