Chapter 5: Pseudo Time Traveler

Year: 2006, Batanes (Present)

"Dad, I'll just be here for the first two weeks of January then may pasok na ulit kami," bilin ni Noah sa ama nito.

Nakahiga si Noah sa hita ng ama niya habang nanonood sila ng pelikula sa sala. Ang Lola naman niya ay abala sa pagluluto sa kusina kasama ng mga kasambahay nito.

"Kakarating mo lang. School agad iniisip mo?" reklamo ni Danilo habang pinapahinaan ang telebisyon. "Ni halos hindi na nga kita nakita noong Bagong Taon, eh."

"Pasensya na po." Napagpasyahan ni Noah na magpalipas ng Holiday sa Maynila kasama ng kanyang kasintahan. Sinulit niya ang mga araw na kasama ito bago ang itinakda niyang pagbalik sa Batanes sa ikalawang araw ng Enero. Sinugurado niyang wala na siyang naiwang takdang aralin at mga nabinbing gawain bago ang pagbalik nila sa paaralan sa unang araw ng Pebrero. "Ang hirap lang kasi mapanatili ang grado lalo na kapag nasa honors' list."

Sinimulang haplusin ni Danilo ang buhok ng anak nito. Napatigil siya sa panonood ng pelikula at napatingin kay Noah.

"Anak, ang mahalaga pumasa ka. No pressure."

Mabilis na kumurba pataas ang mga labi ni Noah. Ngunit mahirap maging hindi tunay na kadugo ng pamilya Arroyo. Mula pagkabata ay ikinukumpara na siya sa mga pinsan niya at iba pa nilang kamag-anak. Lumaki siyang may pakiramdam na kailangan niyang laging patunayan ang kaniyang sarili. Ang ilan sa mga pangungulia nito sa kanyang kabataan ay kadalasang napupunan ng mga pagbisita ni Adam mula sa hinaharap.

Nang mapansin ni Danilo na hindi sumasagot ang anak nito, yumuko siya at hinalikan ito sa too. "Oh, bakit ang tahimik mo?"

"Wala naman Dad, gusto ko lang maging proud sila sakin," nahihiyang sagot ni Noah.

"Sinong sila?"

"Ang mga kamag-anak po natin," mabilis nitong tugon. Tila wala na para kay Noah ang mga salitang kaniyang binitiwan. Sanay na ito sa mga kakaibang tingin at kutya na kanyang naririnig mula sa kanilang mga kamag-anak tuwing sila ay may pagsasalo. Isa na rin sa kadahilanan kung bakit ngayon lamang siya umuwi ay upang makaiwas sa mga mapanghusgang koment ng mga ito tuwing pasko at bagong taon. "At saka para rin sulit ang pagpapalaki ninyo sa akin."

Itinigil ni Danilo ang pinapanood nilang pelikula. Pumustura itong umupo. Seryoso ang mukha nitong nakatingin kay Noah.

"Anak, umupo ka nga. Mag-usap tayo," utos nito gamit ang malalim niyang boses.

Marahang sumunod si Noah. Kilala niya ang tonong ito ng kanyang ama. Minsan na siyang napagalitan nang nahuli siyang tumatakbong mag-isa patunggo sa kagubatan. Nakaupo na nang maayos si Noah at natatakot sa sermong aabutin niya.

"Una sa lahat, wala akong pakialam sa iisipin ng ibang tao," nakangiting saad sa kanya ni Danilo. "Pangalawa, anak kita, at saka isa pang beses na marinig ko ang salitang ampon sa bibig mo, ibabalik na kita rito sa Batanes for good."

"Opo, Dad," walang patumpik-tumpik na sagot ni Noah nang marinig ang huling sinabi ni Danilo. Kinabahan ito na baka hindi na niya muling makita si Adam.

"Anak, sa iyo nakasalalay ang depinisyon ng salitang pamilya," payo ni Danilo. Wala na ang ngiti sa mukha nito ngunit makikita ang pagsuyo sa kanyang mga titig at ang pag-aalala mulsa sa paghagod ng kanyang palad sa buhok ni Noah. "Para sa akin, kung sinong tao ang gusto mong uwian, iyon ang pamilya mo, iyon ang tahanan mo."

Sa mundo niyang puno ng panghuhusga ng ibang tao, nakatagpo rin ng seguridad si Noah sa piling ng kanyang ama. Tila sinag ng araw ang mga salita nitong nagliliwanag sa madilim niyang isipan. Pinigilan ni Noah ang kanyang mga luha habang patuloy si Danilo sa paghagod ng kanyang buhok.

"Thank you, Dad."

"Just promise one thing-"

Biglang kinabahan si Noah kanyang narinig. Ito ang palaging linyahan ni Danilo sa tuwing bagong taon. Parang slow motion na narinig ni Noah ang mga salitang sunod na binitawan ni Danilo.

"Hu-wag ka mu-nang mag-jo-jo-wa."

Pinilit ni Noah na ikurba pataas ang kanyang mga labi. Mabilis siyang tumango.

"May girlfriend ka na ba?" dagdag pa ni Danilo.

Pinilit ni Noah na tawanan ang tanong ng kanyang ama. "Wala po, Dad. Magmo-monghe nga ako, eh."

Sinabayan siya ng halakhak ng ni Danilo. "Huwag naman ganoon. Gusto ko rin na mag-asawa ka. Bumuo ka ng pamilya. Pamilya na hindi ka maiilang kasama hindi gaya ng mga nararamdaman mo sa mga ibang kamag-anak natin."

Tahimik lang si Noah habang nakikinig. Patuloy pa rin sa pagpapaalala sa kanya si Danilo. Iisang tao lang ang umiikot sa isipan ni Noah habang patuloy sa pagsasalita ang ama nito.

"Anak, nakuha mo ba lahat ng sinabi ko?"

"Ah, eh, opo."

"Good, oh, higa ka na ulit!"

Marahang lumabas sa kusina si Maring at nakatitig sa puwesto ng dalawa. Akmang ipagpapatuloy na muli ni Danilo ang pelikulang pinapanood nila nang biglang may naisip na tanong si Noah. Isang bagay na matagal na niyang gustong itanong sa kanyang ama.

"Dad, how come you never got married even before you found me?" tanong ni Noah.

Bigla nilang narinig ang malakas na tawa ni Maring malapit sa kusina.

"Ma!" bulyaw ni Danilo.

"Oh, bakit hindi mo sagutin iyang tanong ng anak mo," tumatawang udyok ni Maring.

Natigilan si Danilo sa tanong ni Noah. Nag-isip muna ito ng ilang segundo. Napabuntong hininga siya habang pinagmamasdan ang anak niyang naghihintay ng sagot. Tutugon na sana si Danilo nang biglang may kumatok sa pinto.

"Wait, Dad. I'll go check."

Napatakbo si Noah sa pinto. Pagbukas nya nito ay bumulaga sa kanyan si Nico. "Yow!"

"Hey! Oh, kelan ka pa dumating?" usisa ni Noah.

"Kanina lang," sagot ni Nico. "Teka, may surpresa ako sa iyo."

"Hi, Apple ko!" sigaw ni Adam mula sa likod nito. Naka pang-alis pa si Adam at halatang kagagaling lang sa byahe.

"Hala!" Napasigaw si Noah sa sobrang gulat. Narinig ito ng kanyang ama.

"Anak, sino iyan?" sigaw ni Danilo mula sa sala.

"Wala po, Dad. Mga namamalimos lang."

"Luh-" sagot ni Nico.

Lumabas si Noah at sinirado nito agad ang pinto. Hinatak niya ang dalawa papunta sa likod ng isang puno.

"Anong ginagawa mo rito?" naiinis niyang tanong kay Adam. Hindi ito mapakali dahil sa biglaang pagbisita nito.

"Magbabakasyon," nakangiting sagot ng kanyang kasintahan.

"Paano mo nalaman kung saan kami nakatira?" usisa ni Noah.

"Ah, eh, excuse me? Hello?" sabi ni Nico habang tinuturo ang sarili niya.

Nagsimula nang kumulo ang dugo ni Noah. "Isa ka pa! Bakit mo dinala iyan dito?"

"Ano bang problema kung nandito ako?" pagtataka ni Adam. Sumusulyap pa ito sa bahay nila Noah at nagtataka kung bakit ba siya inililihim nito.

Hinampas ni Noah ang sarili niyang mukha dahil sa sobrang inis. Napakamot ito sa noo bago siya sumagot. "Kung alam niyo lang! Kaka pep talk lang sa akin ni Dad tungkol sa huwag muna maggi-girlfriend."

Natatawa na si Nico sa itsura ng pinsan nya. Mukhang nahuhulaan na niya kung bakit nabubuwisit ito.

"Oh, wala namang problema roon, eh. Tara na sa bahay ninyo," saad ni Adam. Akmang aalis na ito sa likod ng puno upang dumiretso sa pinto ng bahay nang hilain siya pabalik ni Noah.

"Anong walang problema ang pinagsasabi mo?" nanggigigil na tanong ni Noah. Kagat na nito ang ibaba niyang labi dahil sa sobrang inis. Nanlalaki na rin ang kanyang mga mata sa nobyo niyang paladesisyon.

"Hindi mo naman ako girlfriend, eh," inosenteng sagot ni Adam. "Boyfriend mo ako."

Tuluyan nang humagalpak si Nico at napaupo ito sa damuhan kakatawa.

"Nico, huwag kang maingay, maririnig ka ni Dad!" muling pagsaway ni Noah. Naiiyak na ito dahil sa dalawang pasaway na kaharap niya.

"Wait, anong sinagot mo sa Daddy mo noong sinabi niyang huwag ka muna mag girlfriend?" usisa ni Nico habang pinipigilan ang mga tawa nito. Nagdadalawang isip si Noah kung sasagot ba siya.

Nakangiti sa kanya si Adam. "Oh, anong sinagot mo?" tanong nito.

"Sabi ko ano-" Napalunok ng laway si Noah.

"Ano nga?"

"Sabi ko, magmomonghe ako," dugtong ni Noah.

Tuluyan nang nagtatampisaw katatawa ang dalawang kausap niya. Sa sobrang lakas ng tawa nila ay narinig ito ni Danilo mula sa loob. Biglang bumukas ang pinto at lumabas ito.

"Anak! Sino ba ang kausap mo?" sigaw ni Danilo.

Lalong yumuko ang tatlo sa likod ng puno.

"Nico, parang awa mo na, doon muna siya sa bahay ninyo. Kakausapin ko muna si Dad. Baka mahalata niya kapag nakita niyang masyado kaming close nito," pakiusap ni Noah. Nanginginig na ito habang mahigpit ang hawak sa balikat ni Nico.

"I won't be obvious, I promise," singit ni Adam. Bigla niyang hinalikan si Noah sa pisngi na lalong ikinainis nito.

Malapit na sa puwesto nila si Danilo.

"Abnormal ka talaga, Ark!" sermon ni Noah. "Nakita mo na, Nico? Nico sige na, please!"

Nagsimula nang tumigil si Nico sa pagtawa. Hindi na rin niya matanggihan ang pagmamakaawa ni Noah.

"Sige na nga!" Biglang tumalon mula sa likod ng puno si Nico upang salubungin si Danilo. "Hello po, Tito Dan!"

"Oh, Nico. Kailan ka pa dumating?" usisa ni Danilo habang hinahanap pa rin si Noah sa paligid.

"Kanina lang po."

"Nakita mo ba si Noah?"

"Hi Dad!" Agad naman lumabas din si Noah upang makita ng ama niya. Ang isang kamay nito ay kinukurot ang isang utong ni Adam para hindi ito lumabas sa likod ng puno. Pinipigilan ni Adam na umungol.

"Tara, doon tayo sa loob," yaya ni Danilo. Nang makatalikod ay agad siyang hinabol ni Noah.

"Nako, Dad. Uuwi rin po si Nico. Hindi ba Nico, may gagawin ka pa?

"Parang wala-"

"Hindi ba Nico?" pagputol ni Noah sa pinsan nito. Nginunguso niya ang likod ng puno na pinagtataguan ni Adam.

"Ah, opo Tito. Babalik na lang po ako bukas."

Agad na hinila ni Noah si Danilo papasok ng bahay. Nakahinga ito nang maluwag habang hawak ang kamay ng kanyang ama. Makalipas ang ilang minuto ay umalis na sa likod ng puno si Adam.

"So ano na plano natin?" malungkot nitong tanong. "Uuwi na ba tayo sa inyo, Nico?"

Biglang nakaisip ng magandang plano si Nico.

"Hindi! Hindi ka aalis dito," nakangising saad ni Nico. Kinikiskis pa niya ang dalawa niyang kamay. "Nangako ako sa iyo na makakasama mo siya ngayong bakasyon. May naisip akong magandang plano."

"Nako, I don't trust you," ani Adam. "Last time na may plano ka, may ginawa kayong kolokohan ni Noah sa condo!"

"Anong kalokohan?"

"No'ong sabay kayong nanood ng porn!"

"Oh! So?"

Napahampas ng mukha niya si Adam, "You were squirting all over each other!"

Nagsimulang humagalpak si Nico. Nagtatampisaw ito katatawa sa likod ng puno.

"What's so funny Nico? Hindi pa ako nakakaganti sa kalokohan ninyo ni Noah that day!"

"Teka lang!" hinihikang saad ni Nico habang pinipilit tumayo. "Maliban sa porn video na inilabas ko sa maleta ko, anong pang nakita mong kinuha ko?"

"Meron pa ba? Wala na!"

Binuksan ni Nico and dala niyang bag. Sinigurado niyang nakabusangot si Adam bago niya itinira ang hawak niya sa mukha nito.

Basang-basa na ang mukha ni Adam.

"What the hell?" bulalas ni Adam. "Is that a water gun?"

"Oo, baliw! Masyado ka kasing nag-enjoy kakanood sa amin noon kaya hindi mo napansin na ito ang ibibaril sa mukha ko ng boyfriend mo habang nakatalikod siya sa kuwarto. Nilagyan ko lang ng konting sabon para lumapot."

Nang mahimasmasan si Adam at punapantay na ang mga kilay nito ay ibinalik ni Nico and laruan niya sa bag.

"Well, it worked like magic right, Mr. Ambrosi?" halakhak pa ni Nico.

Inirapan lamang siya ni Adam.

Nilabas ni Nico ang ballpen sa bulsa niya. Hindi niya napigilan ang mga mahinang pagtawa habang sinisimulan ang bago at maitim niyang plano. Sinandal niya si Adam sa puno at sinimulang guhitan ang mukha nito.

"Nico ano ba iyan?" pagtataka ni Adam. Hindi ito mapakali habang nakatutok ang dulo ng ballpen sa kanyang mukha. Sinimulan niyang guhitan ang makinis na mukha ng kasama niya. "Anong ginagawa mo?"

"Huwag kang magulo," giit ni Nico. Walang humpay ang ngiti nto habang tinatapos ang kanyang obra. "Ito lang ang tanging paraan para papasukin ka niya sa kuwarto. May special entrance ka pa. Wala na siyang choice."

Pinigilan ni Adam ang mga kamay ni Nico, "No, I don't trust you!"

"Adam, ayaw mo bang makabawi kay Noah sa ginawa namin sa condo?"

Napalunok ng laway si Adam. No'ng mapansin ni Nico na wala nang maihirit ito ay itinuloy na niya ang kanyang plano.

Mala-demonyong tumatawa si Nico sa mga iniisip nito. Nang matapos niyang guhitan ang mukha ni Adam ay bigla niyang inutusan ito.

"Hubad!" sigaw ni Nico.

"What?" walang kamuwang-muwang na tanong ni Adam

"Hubad sabi, eh!"

"Ayaw ko nga!"

"Gusto mo bang makatabi si Noah buong bakasyon o sa bahay ka namin matutulog?" tanong ni Nico. Nakahalukipkip pa ito habang hinihintay na maghubad si Adam.

"Ah, eh-" nauutal na sagot ng kasama niya.

"Kaya nga hubad! Dali!"

Sinimulan nang maghubad ni Adam. Nakatitig lang sa kanya si Nico. Nakasuot na lang si Adam ng puting brief.

"Pati iyan alisin mo!" utos ni Nico.

Nanlaki ang mga mata ni Adam dahil sa narinig niya. "Ha?"

"Alisin mo sabi, eh!"

"Ayoko nga!"

"Adam, nakita ko na rin iyan. Wala ka nang itatago sa akin."

"Kelan?"

"Ang dami mong tanong-" Sinubukang hawakan ni Nico ang salawal ni Adam na mabilis naman iniwas nito. Lumipas ang ilang minuto na nag-aagawan silang dalawa sa pag-alis ng brief ni Adam.

***

Nagiging ginto na ang kulay ng langit. May mga ibon na ring nagpapahinga sa mga puno. Pumasok na si Danilo sa kuwarto niya sa itaas ng bahay upang gumawa ng mga ulat para sa kanyang trabaho. Sa ibabang palapag naman sa kabilang dulo ng bahay makikita ang silid ni Noah. Matapos niyang tapusin ang pelikula ay pumasok na rin siya sa kanyang kuwarto.

Napadungaw si Noah sa labas ng bintana. Nag-aalala ito kay Adam na pinagtabuyan niya kanina. Isasara na sana ni Noah ang kurtina nang biglang tumalon papunta sa harap niya si Adam. May peke itong bigote upang magmukhang mula sa hinaharap. Nakahubad ito maliban sa suot niyang puting brief.

"Noah! Pahinging damit!" pakiusap ni Adam mula sa labas ng bintana. Nahihiya pa ito sa itsura niya at hindi alam kung saan ilalagay ang kanyang mga kamay.

"Holy shit!" saad ni Noah. Agad nitong binuksan ang bintana at pinapasok si Adam. "What year are you from?"

Napaisip nang matagal si Adam bago ito sumagot. Hindi siya nakapaghanda dahil naubos ang oras nito sa pakikipagbuno kay Nico.

"Hoy! Anong taon ka galing?" muling tanong ni Noah habang naghahanap ng damit sa sulok ng kuwarto

"Two thousand ehhhh... eight."

Ipapasuot na sana ni Noah kay Adam ang damit na hawak niya nang mapansin niyang may suot nang brief si Adam. "Saan ka nakakuha ng brief?"

"Kinuha ko lang diyan sa sampayan ninyo, nakasabit," pagsisinungaling ni Adam.

Sa labas naman ay naiinis si Nico dahil hindi niya naalis ang salawal ni Adam. Pinapanood niya ang dalawa mula sa likod ng puno. Naririnig ni Nico ang pinag-uusapan ng dalawa mula sa kanyang pinagtataguan.

"Ang kulit kasi, sabi nang huwag magsuot ng kahit ano," kinakabahang saad ni Nico.

Inabot ni Noah ang damit kay Adam. Agad niyang binuksan ang drawer upang tingnan ang kanyang journal kung may nakatakda bang pagbisita si Adam ngayong araw.

"Teka, wala namang nakalagay dito na dalaw mo, ha," pagtataka ni Noah. Nakakunot ang noo nito habang maingat na sinusuyod ang bawat pahina.

"Ah, eh, baka nakalimutan ko lang sabihin sa iyo," natatawang sagot ni Adam.

"At saka bakit hindi mo ako hinintay sa puno?" dagdag pa ni Noah bago isarado ang journal nito.

"Puno? Ah.... Kasi, giniginaw na ako, ang tagal mong dumating kaya pumunta na ako rito."

Nagtataka na si Noah sa kinikilos ng kausap nito. Maingat niyang ibinalik sa drawer ang journal niya.

"So, gaano ka katagal dito," tanong ni Noah.

"Two weeks!" mabilis na sagot ni Adam. Sa sobrang kaba niya ay hindi na niya napag-isipan ang kanyag mga sinabi. Dalawang linggo ang natitirang panahon bago magsimula ang kanilang klase. Alam na alam ito ni Noah.

"Ay tanga," pabulong ni Nico mula sa likod ng puno.

Sinimulan nang isuot ni Adam ang mga damit na bigay ni Noah.

"Ah. Two weeks-" nakangiting sambit ni Noah. Nakakahalata na ito. Kumuha ito ng alcohol wipes at dahan-dahang lumapit kay Adam. "Two weeks pala ha?"

Biglang niyang hinawakan ang baba ni Adam at binura ang nakaguhit na pekeng bigote nito gamit ang wipes.

"Aha! Hindi ka from the future! Ikaw ang present! Abnuy!" Sinimulan ni Noah na kilitiin ang nobyo nito.

"From the future ako!" hagalpak ni Adam sa loob ng kuwarto.

Biglang binaba ni Noah ang short ni Adam at tumambad sa kanya ang suot nitong brief.

"Sinungaling! Wala kaming ganyang brand ng brief sa bahay!" bulyaw ni Noah.

Hindi na makasagot si Adam dahil halata namang buking na siya. Muli niyang itinaas ang kanyang pang-ibaba. Mabilis na tumakbo si Noah pabalik sa bintana. Nakadungaw ito at nanlilisik ang mga mata.

"Nasaan na ang kasabwat mo?" gigil na tanong ni Noah.

"Oh, fuck!" saad ni Nico. Bigla itong napatakbo palayo.

Nakita ni Noah na nasa malayo na si Nico at unti-unti na itong naglaho pababa ng burol.

"Nico!" sigaw ni Noah habang tumatawa palayo si Nico.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top