Chapter 4: Use Protection

Year: 2005, Batangas (Present)

May dalawang malaking guestrooms ang pamilya Fajardo. Pagpasok nina Adam at Noah sa kuwarto na para sa mga lalaki ay masarap na ang tulog ng mga iba pa nilang kaklase. Malakas na ang hilik ni Ethan na nakabukangkang sa ibaba ng kama habang si Vincent naman ay nakadagan ang paa sa singit ni Zorhan. Puno na ang kama ng iba pa nilang kaklase at maging si Alex ay may sarili nang kutson sa sahig.

Napakamot na lang sa ulo niya si Noah dahil wala na silang mapagpuwestuhan. Nais nitong maagang makatulog dahil kanina pa niya nararamdamang may binabalak ang kanyang nobyo.

"So paano ba 'to?" patay-malisyang tanong ni Noah.

"Titignan ko lang ang loob ng cabinet baka may puwede tayong magamit na higaan," mungkahi ni Adam na may kakaibang ngiti sa mukha. Ilang segundo lang ay agad nitong binalikan si Noah. "Walang sapin. Sa ibang kuwarto na lang kaya tayong matulog?"

"Tsk! Tumabi ka nga riyan," utos ni Noah. Hinawi nito si Adam sa tapat ng aparador at sinumulan na niyang maghalungkat. "Tatayo ka lang talaga riyan? Eh, kung tulungan mo kaya ako?"

Natatawa siyang sinunod ni Adam. Ngunit halos wala naman itong ginagalaw na gamit habang nakatitig kay Noah na kulang na lang ay baliktarin ang buong aparador.

"Wala nga talaga," pang-iinis pa ni Adam sa nobyo niyang hindi mapakali.

"Abnuy ka talaga. Hindi ka naman naghahanap, eh," reklamo ni Noah.

Ilang sermon pa mula kay Noah ay napahalungkat na rin si Adam sa aparador. Abala silang dalawa sa paghahanap ng maari nilang gawing sapin nang biglang pumasok sa si Sky sa kuwarto. Wala itong pang-itaas at basa ang kanyang ulo halatang kagagaling lamang sa pagligo.

"Uy! Puno na pala kayo rito. Ang kuwarto ng kuya ko sa taas, bakante roon. Doon na lang kayo, wala naman siya, eh."

"Nako nakakahiya, baka may sobra ka nalang na banig o sapin," pagtanggi ni Noah. Bumalik ito sa paghahalungkat habang kinakabahan sa mga takbo ng pangyayari. "Okay na kami rito."

Agad na napatayo si Adam. Bakas sa mga ngisi nito ang kakaibang tuwa mula sa sinabi ni Sky. "Talaga Sky? Sige, roon na lang kami!"

"Psst! Adik ka talaga. Ayos na tayo rito," nahihiyang bulong ni Noah.

"Doon na kayo, kesa sa sahig kayo matulog. Wala nang sobrang sapin," pagpupumilit ni Sky.

Napatingin si Noah kay Adam na panay lamang sa pag taas-baba ng kilay. Itinigil na ni Noah ang paghahalungkat niya. Lumapit ito kay Adam na kanina pa pumapalakpak ang tainga dahil sa mga binabalak nito.

"Pasaway ka talaga," bulong ni Noah sa kanyang nobyo.

"What? You heard him. Walang sapin. Tara na!" Agad na naunang lumabas si Noah upang sundan si Sky.

Palabas na sila ng pinto nang makita nila si Nico na nakahiga sa sala. Kanina pa ito namamaluktot. Halatang hindi ito kumportable sa upuan na hanggang sa likod lamang ng kanyang hita ang sakop. Maging ang suot nitong jacket ay hindi sapat upang gawing kumot sa malamig na sala ng mansyon.

"Nico pogi. Tara roon sa taas," yaya ni Sky. Nakatayo na ito sa ulunan ng sofa na kanyang hinihigaan.

Bagamat madilim ay kitang-kita ni Nico ang matikas na pigura nito. Maging ang ginamit nitong sabon na amoy dalandan ay tuluyan nagpaalis sa kanyang antok. Agan na napatakip ng jacket si Nico dahil nagsimula na siyang magkutis kamatis.

"Bawal matulog dito, magagalit ang parents ko," dagdag pa ni Sky.

"Ha? Bakit naman?" mahinang tanong ni Nico sa ilalim ng kanyang damit.

"Baka raw kasi masira ang mga muwebles gayang niyang sofa. Sa atin pa isisi."

Alam ni Sky na mahiyain ang bago niyang bisita. Hindi rin nakatakas sa kanyang paningin ang reaksyon nito nang bigla itong magtalukbo. Sinabi niya ang mga dahilang iyon upang maubliga si Nico na umakyat sa taas. Wala nang nagawa si Nico kundi ang sumunod. Itinuro ni Sky ang kuwarto ng kuya niya na nasa dulo ng pasilyo na siya namang tinitigan ng mga kasama niya.

"Nako, mahihirapan kayong matulog na tatlo riyan. Wala ring sapin para sa sahig ang isa. Dalawa lang ang kasya sa kama," pagpapaliwanag ni Sky.

"So paano ang isa sa amin?" nakangiting tanong ni Adam. Nahuhulaan na nito kung ano ang kakahinatnan ng isa sa kanila.

"Puwede sa kwarto ko," mabilis na sagot ni Sky. Nakangiti ito habang pinapatuyo ang kanyang buhok.

"Nasaan ang girlfriend mo?" pagtataka ni Nico. Iginala nito ang kanyang tingin sa buong palapag ngunit dalawang kuwarto lamang ang nasa bahaging iyon ng pasilyo.

"Umuwi na kanina pa," sagot ni Sky. "So, sino na ang katabi kong matulog?"

Nagtinginan sina Adam at Noah. Bigla silang pumasok sa unang kuwarto at kinandado ang pinto. Maririnig ang hagikhik nilang dalawa sa loob habang naiwang nakanganga si Nico sa labas.

"Hoy!" bulyaw ni Nico habang katabi nito si Sky.

Sa likod ng pinto sumabog na ang mga tawa nina Adam at Noah.

"Goodnight, Nico," pang-aasar ni Noah sa kanyang pinsan.

"Goodnight, Sky!" dagdag pa ni Adam.

Mabilis na pinihit na buksan ni Nico ang doorknob ngunit selyado na ito. May mga pagkatok pa siyang ginawa at pagtulak gamit ang kanyang balikat habang maririnig ang patuloy na pag-aasar ng dalawa sa loob. Nang mapagtanto niyang wala na siyang magagawa ay napabuntong hininga na lamang si Nico.

"Badtrip!" saad nito habang tinataas ang kanyang hinlalato sa pinto.

"Tara na," sabi ni Sky. Wala itong reaksyon na pumasok sa isa pangalawang kuwarto. Nang magsawa sa pagdarabog ay sumunod na rin sa kanya si Nico.

***

Naghahanda nang matulog si Noah. Marahan itong umakyat sa kama na maingat pa niyang pinatag bago tuluyang higaan. Sa kabilang bahagi ng kama ay nakatayo si Adam na abot tainga ang ngiti sa kanya. Nagulat ito nang biglang hubarin ni Adam suot nitong pang-itaas. Tumambad kay Noah ang matipunong katawan nito. Nakasuot na lang ito ng salawal bago tumalon pahiga sa kanyang tabi.

"Anong ginagawa mo? Bakit ka nakahubad?" usisa ni Noah.

"Because I wanna fuck you," mahinang bulong ni Adam.

"Ha?" tanong ni Noah nang hindi marinig ang sinasabi ng kanyang nobyong kanina pa nagliligalig.

"Wala. Sabi ko mainit, sira ata ang Aircon," pagsisinungaling ni Adam. Tatayo na si Noah upang tingnan ang A.C. nang bigla itong hatakin ni Adam pabalik sa kama. "Huwag mo na i-check. Gusto ko lang matulog nang walang t-shirt."

Hindi na lamang pinansin ito ni Noah at muling humiga. Magkatapat sila sa kama. Ngunit hindi makatulog si Noah dahil naabala ito kay Adam na kanina pa nakatitig sa kanya.

"Noah." Nang makita ni Adam na gising pa rin ito ay lalo siyang lumapit upang kindatan ito. Natatawa si Noah sa itsura ng kanyang nobyo.

"Hoy ikaw, anong binabalak mo?"

Tinaas ni Adam ang kamay niya na parang kinakamot ang batok. Ngunit gusto niya lang akitin si Noah gamit ang kanyang biceps na ilang araw na rin niyang pinapalaki.

"Hmm, can we do it now?" nakangiting tanong ni Adam.

Nahulaan na ni Noah ang ipinupunto nito. Nginitian niya si Adam bago bumulong. "It's not your bed, silly. Nakakahiya ka, Adam Ambrosi."

Kinuha ni Adam ang kamay ni Noah at hinalikan ito. Gamit ang kanyang pinakamalabing na boses ay sinabi niya ang mga katagang ilang araw na niyang ineensayo. "I want you to feel me tonight, Noah Arroyo."

Nawala ang ngiti sa mukha ni Noah. Napatitig si Noah sa mga mata ng katabi niya. Ang mga mata nitong kulay dagat na tila nang-aakit. Dahan-dahang inilapit lalo ni Adam ang mukha niya kay Noah. Inilagay niya ang kamay ni Noah sa kanyang matipunong dibdib. Ilang segundo silang nagtitigan nang bigla na lang nilang sinungaban ang isa't isa.

Nagpalitan sila ng maiinit na halik. Damang-dama ni Noah ang pagdiin sa kanya ng mga malalambot na labi ni Adam. Sinalo naman ni Adam ang bawat ganiting halik ng kanyang nobyo. Marahang inangat ni Noah ang sando na suot niya. Muli siyang hinalikan ni Adam matapos alisin ang kanyang pang-itaas. Nag-iinit na silang dalawa sa kama habang marahang pumapatong si Adam kay Noah. Dahan-dahang ibinaba nito ang kamay ni Noah papunta sa alaga niya. Nakapa ni Noah ang isang pamilyar na bagay. Isang bagay na matagal na rin niyang hindi nahahawakan.

Akmang ipapasok ni Adam ang kamay ng kanyang kasintahan sa loob ng kanyang salawal nang may biglang naalala si Noah.

"No!" bulalas nito.

Napatigil si Adam sa kanilang halikan.

"Why?" panghihinayang ni Adam. Napalakas ang boses nito.

"Huwag kang sumigaw. Magigising sila."

"Bakit nga?"

Muling napahiga muli si Adam habang napabuntong hininga naman si Noah. "You made me promise to do it when you're ready," paliwanag ni Noah habang nakatulala sa kisame.

"I never made you promise."

"Not you now, stupid. The future you," giit ni Noah. Nalala nito ang mga bilin ng kasintahan niyang mula sa mas malayong hinaharap. "I promised to do it with you when you're ready."

Napabuntong hininga si Adam at sinubsob ang ulo nito sa unan. "Pucha, may pa promise promise pa. I was born ready!"

"Gago!"

"Let's do it na, kasi!"

"See, you're still immature," saad ni Noah. "If you really want it, learn to wait. Delayed gratification is worth more than instant satisfaction. Trust me, ang tagal kong naghintay sa 'yo. I wanna do it as much as you do."

"Wow, English."

"Tarantado ka, Adam. Umayos ka."

Nang mapansin ni Adam na naiinis si Noah ay hindi na siya nagpumilit. Itinaas niya ang kanyang mga kamay sa likod ng kanyang ulo upang gawing unan. "So when is the right time?" seryoso nitong tanong.

Inalis ni Noah ang inis sa kanyang mukha. Pinilit niyang ngumiti bago humarap sa kanyang nobyo. "How old are you again?"

"I'm seventeen."

Dahan dahang ngumiti si Noah at tuluyang naglabasan ang dalawang dimples nito. "When you're eighteen, I promise."

Ipinikit na ni Noah ang mga mata niya. Iginilid ni Adam ang mukha niya upang tingnan ang nakapikit niyang nobyo. "Birthday ko na next month," nakangiting saad nito.

Tumatawa si Noah habang nakapikit. Ilang minuto pang ang nakalipas nang mapansin ni Adam na tulog naito. Kinuha ni Adam ang condom na nakaipit sa kanyang salawal.

"Useless," bulong nito sa maliit na kahong hawak niya.

Napatayo si Adam upang lumabas papuntang kusina. Marahan siyang naglalakad habang nanghihinayang sa nasayang na pagkakataon. Panay ang buntonghininga nito habang papuntang kusina. Sa labas ay nakasalubong nito si Nico na may dalang gatas.

"Oh, gising ka pa?" bati ni Nico habang naglalakad pabalik sa kuwarto ni Sky.

"Nauuhaw ako, eh," pagdadahilan ni Adam. "May gatas pa?"

"Kumuha ka lang sa ref," sagot ni Nico. Paalis na si Nico nang may maisip si Adam. Kinuha nito ang condom na dala niya at isinuksok sa bulsa ni Nico habang nakatalikod. "Hoy! Ano ang nilagay mo sa bulsa ko?"

"Mamaya mo na sa kuwarto ninyo tingnan," nang-aalaskang tugon ni Adam. "Iyan ang magic ko na laging gusto mo."

Nagtungo na si Adam sa kusina. Hindi na lang ito pinansin ni Nico. Pagpasok ni Nico sa kuwarto ni Sky ay masarap na ang tulog nito. Umupo siya sa gilid ng kama upang inumin ang kalahati ng gatas na dinala niya. Ilang minuto pa ay humiga na rin ito.

Ikatlo na ng madaling araw. Kalaliman na ng tulog ni Nico nang maramdaman niya ang mabigat na bagay na nakadagan sa kanya. Pagtingin niya sa kanyang kaliwa ay nakayakap sa kanya si Sky at nakadagan pa ang hita nito sa kanyang bewang. Maingat niyang inalis ang pagkakayakap ni Sky upang hindi ito magising. Ngunit lalo nginudngod ni Sky ang mukha niya sa leeg ni Nico. Naramdaman ni Nico ang bagay na sinuksok ni Adam sa kanyang likurang bulsa. Dahan-dahan itong kinuha ni Nico at nagulat sa kanyang nakita.

"Tangina!" tanging saad ni Nico habang natatawa sa condom na hawak niya.

***

Kinabukasan ay nakahanda na ang mga bangkang kanilang sasakyan. Nasa dalampasigan ang lahat pasakay ng isang malaking bangka papunta sa malalim na parte ng dagat upang mag snorkeling. Nakasuot silang lahat ng life vests. Ang ilan sa mga kalalakihan ay nagaalaskahan sa taas ng bangka samantalang panay naman ang kuha ng litrato ng iba pa. Si Noah ay may dalang digital camera na gagamitin niya sa pagkuha ng larawan sa ilalim ng dagat. Abala naman si Adam sa pagsuot ng vest sa ibaba ng bangka nang bigla itong lapitan ni Nico.

Agad niyang inilagay sa bulsa ni Adam ang condom na ibinigay nito kagabi.

"Ayan na yung magic mo," bulalas ni Nico. Humahalakhak itong tumakbo palayo. "Hindi ko rin nagamit!"

Kinapa ni Adam ang kanyang bulsa at nahulaan agad kung ano ang ibinigay sa kanya. Nagsimula nang paandarin ng bangkero ang bangkang sasakyan nila.

"Teka lang, may ibabalik lang ako sa kuwarto," paalam ni Adam sa mga kaklase niya habang tinatagong maayos ang kahon sa kanyang bulsa.

"Huwag na! Tara na," sigaw ni Noah. "Paalis na ang bangka".

Sinimulan nang itulak ng bangkero palayo ng pampang ang sasakyan nila. Napilitan na ngang sumakay si Adam. Silang dalawa ni Noah ang nakaupo sa bandang dulo ng bangka habang umaandar ito. Nakatingin sa harap lahat ng kanilang kasama. Napansin ni Noah na kinakabahan ang kasintahan nito.

"Hey, are you okay?" pag-aalala ni Noah kay Adam.

"Kinakabahan lang. Unang beses ko kasi sa bangka," dahilan ni Adam. Pansin ni Noah na nanginginig na ito.

"Ilagay mo ang kamay mo sa labas ng bangka, dali," utos ni Noah.

"Bakit?"

"Trust me."

Nilagay ni Adam ang kamay nito sa labas ng bangka. Isang lugar na hindi makikita ng mga kaklase nilang abala mga along sumasalubong sa kanila. Nagulat si Adam nang maramdaman ang nag-aabang na kamay ni Noah na mabilis siyang hinawakan.

"I told you, I'll always hold your hands if I have to," bulong ni Noah.

Napangiti si Adam sa sinabi nito hanggang sa unti-unti nang tumigil ang kanyang panginginig. Tila dinala ng alon ang kanyang agam-agam habang lalong humihigpit ang paghawak sa kanya ng kanyang kasintahan. Parang kusang lumulubog sa ilalim ng dagat ang kanyang takot habang nakatitig sa taong mahal niya.

Ilang minuto pa ay nakarating na sila sa diving area. Isa-isa nang nagtatalunan pababa ang mga kaklase nila.

"Uy, tara na! Ang daming isda sa ilalim," yaya ni Vincent kanila Adam at Noah na naiwan sa bangka.

Tatalon na sana si Adam nang mapansin nitong hindi mapakali ang kanyang nobyo. Halatang may hinahanap siyang bagay.

"What is it?" usisa ni Adam.

"Hindi ko mahanap yung waterproof casing ng digicam ko," paliwanag ni Noah. "Kukuhanan ko sana ng larawan ang mga isda. Hay, nasasabik pa naman ako."

Napahawak si Adam sa bewang niya habang pinagmamasdan si Noah. Masidhi niya itong tinitigan mula sa nag-aalalang mukha nito patungo sa hawak nitong kamera. Napasandal si Adam sa gilid ng bangka habang iniisip na tila may kakaiba sa mga nangyayari. Naramdaman ni Adam ang bagay na nilagay ni Nico sa bulsa niya kanina. Binuksan ni Adam ang kahon ng condom. Muli nyang nakita ang sticky note na kasama ng condom na nakasulat ang mga salitang:

"Enjoy! LOL! -Adam from 2006"

Unti-unti nyang napagtanto ang ibig sabihin ng mensahe. Ang tunay na silbi nito at kung bakit ito iniwan ng sarili niya mula sa hinaharap.

"What the hell?" bulyaw ni Adam. Nagsimulang matawa ito. "Para rito ito?"

Tinawag niya si Noah upang kunin ang kamera.

"Noah, may dala akong water-proof casing."

Masaya namang inabot ni Noah ang kamera niya. Tumalikod si Adam at nilagay ito sa loob ng condom at tinali ang isang dulo nito bago niya ibinalik kay Noah.

Dahan-dahang inusisa ni Noah ang nakabalot rito. Nang mapansin niya kung ano ito ay nagsimula siyang humalakhak. "Hoy! Ano ito?"

"Okay na iyan kaysa wala," natatawang sagot ni Adam.

"Puwede na. Ang galing mo!" Puro gahalpak ni Noah ang maririnig sa bangka.

Masaya siyang pinagmasdan ni Adam bago sila sabay na tumalon sa malalim na karagatan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top