Chapter 3: Flames of Honesty

Year: 2005, Batangas (Present)

"So, does everyone have their gifts ready?" malakas na tanong ni Bien habang may bitbit na bilog na regalo. Sabay-sabay na umoo ang mga kaklase nito. "Alright, so ang napag-usapan is to give something red. The secret Santa will first describe who they will be giving their gifts to bago i-reveal kung sino ang nabunot nila. Then, you 'll have to open the gift in front of everybody."

Sinimulan na nga ni Bien ang exchange gift nila. Natatawa ito habang iniisip kung paano niya ilalarawan ang kanyang nabunot. Samantala, nakaupo malapit sa counter sa bandang kusina si Nico habang nanonood ng programa ng Section 1.

Sinimulang ilarawan ni Bien ang nakuha niya. "Sige, I'll start. Ka-team ko ito sa basketball. Matangkad, borta-"

"Si Sky!" sabay-sabay na sigaw ng mga kaklase nito na sinundan ng malakas na tawanan.

Naibuga ni Nico ang iniinom niya pabalik sa baso.

"Ang bilis! Basta malaki katawan, alam agad," saad ni Bien habang sinasabayan ang tawa ng lahat.

Pumunta si Sky sa harap at binuksan ang regalo sa kanyang bola ng basketball. Dahan dahan siyang nagsalita habang nahihiya pa. Palihim siyang sumusulyap sa nakatalikod na si Nico habang pinupunasan nito ang ilan sa mga tumalsik na juice sa lamesa.

"Ah, eh, ang nabunot ko, matangos ang ilong, maputi, makinis at pogi daw siya," saad ni Sky. Nais nitong ilarawan kung sino talaga ang nabunot niya ngunit hindi maalis ang mukha ni Nico sa kanyang isipan nang dapaan niya ito sa dalampasigan.

"Nako, ako iyan!" bulalas ni Ethan na sinundan ng malakas na tawanan ng mga katabi niya. "May problema ba kayo?"

"Ang hirap naman niyan, maraming pogi sa room," giit ni Grace habang nakatitig kay Noah.

"Oo, pero for sure hindi si Jonathan Zaragosa iyan," pagtataray ni Steffanie.

"Ako nga iyan!"

"Oo siya iyan. Pogi!"

"Thanks Angelica!"

"Pogi... Pogita!"

Lalong nagtawanan ang buong klase. Umaalingawngaw sa sala hanggang sa kusina ang kanilang halakhakan. Muling nagpatuloy sa pagbibigay ng clue si Sky. "Ah, eh, ano. Siya ang pinakabago nating kaklase."

"Baby Noah!" bulyaw ni Grace. Agad na napatitig kay Grace si Adam mula sa likod. Kitang-kita ni Noah kung paano ito magtaas ng isang kilay at umirap dahil sa selos.

Pumunta sa harap si Noah na pinipigilan ang kanyang hagikhik. Binuksan niya ang kanyang regalo na may lamang violin bow na maingat na pinili ni Sky sa isang tindahan sa Maynila. Muli na namang naglabasan ang mga dimples niya dahil sa sobrang saya.

"Hay, so pogi nga." Dinig ni Adam ang mahinang bulong ni Jade sa tabi nito. Lalong nadagdagan ang kunot sa kanyang noo. Kinuha naman ni Noah ang ipangreregalo niya na kanyang binalot sa luntiang papel.

"Salamat, Sky," saad ni Noah. Maingat nitong ibinalik ang bow sa manipis na kahon. "Tamang-tama ito kaysa bumili pa ako ng bago. Pero never ko namang sinabing pogi ako," dagdag pa niya na may kahalong tawa.

Nakatingin ito kay Nico dahil alam niyang ito ang pogi na tinutukoy ni Sky kanina. Iginala niya ang kanyang tingin papunta kay Adam na nakabusangot habang nakatitig kay Jade.

"Anyway, itong nabunot ko, half-European, half-Filipino, mabait, makinis, masarap katabi sa klase at higit sa lahat, malambing," nakangiting sinabi ni Noah habang nakatitig sa direksyon ni Adam.

Nawala ang pagkabusangot sa mukha ni Adam. Hinanda niya ang kanynag sarili sa pagpunta sa harapan. Nakangiti pa ito nang simulan na sana niyang humakbang.

"Si Jade!" bulyaw ni Noah bago pa makahakbang ang kanyang kasintahan.

"Yes!" tili ni Jade. Kilig na kilig si Jade sa habang nagtatatalon sa tuwa. Napaharap ito kay Adam na bigla niyang inalog-alog dahil sa biglaang pag-agos ng adrenalyn sa kanyang katawa. "Ang guwapo niya talaga, Adam."

"Ha-ha," pilit na sagot ni Adam habang pinanggigilang siya ni Jade.

Agad na tumakbo si Jade papunta sa harap. Mahigpit nitong niyakap si Noah habang patuloy sa pagtili. Dahan-dahan niyang inalis ang balot ng regalo upang hindi ito masira. Paglapit ni Noah sa tabi ni Adam ay pansin niyang nakasimangot muli ito.

"Oh, anong problema mo?"

"Akala ko, ako ang nabunot mo."

"Nge? Paanong naging ikaw?"

"Half-European, Half-Pinoy, mabait, makinis, masarap katabi sa klase at higit sa lahat, malambing."

"Hindi ka naman malambing, eh," tukso ni Noah. Nagsimulang mas lumapit si Adam sa kanya.

"Ah, gusto mo ng malambing, ha."

Nasa harap pa rin ang nagpre-presenta ng regalo. Nakatoon kay Jade ang mga kaklase nito. Akmang ilalapit ni Adam ang nguso niya kay Noah upang halikan. Biglang kinuha ni Noah ang ipangreregalo ni Adam at hinarang sa mukha niya bago pa siya dapuan ng mga labi ng kanyang nobyo.

"Siya ay si?" tanong ni Jade matapos niyang ilarawan ang kanyang nabunot.

"Adam!" sigaw ng buong section. Paglingon nila sa pwesto ng dalawa sa likod ay kitang-kita nila ang itsura ni Adam at Noah.

"Hoy, anong ginagawa ninyo?" sigaw ni Ethan.

Agad na hinampas ni Noah ang hawak nitong regalo sa mukha ni Adam. "Ito kasi, bulag. Bibig ang hinahanap sa paghahanap ng regalo. Ang sarap ipakain sa kanya para magtanda."

"Sorry, ako na ba?" kinikilig na tanong ni Adam.

"Oo raw, pinaka-guwapo sa buong school pero ayaw magpa-picture," bulalas ni Alex na sinundan ng hagalpak.

Agad na tumakbo si Adam patungo sa harapan. Kinuha niya ang regalo mula kay Jade. Inilabas din nito ang dala niyang regalo. Kakulay nito ang balot sa regalo ni Noah. Muli, hindi ito nakalampas sa mga mata ni Ethan.

"Uy, pareho kayo ng wrapper ni Noah, ah."

Nanlaki ang mga mata ni Noah sa sinabi nito. Napagkasunduan nila ni Adam na ilihim ang kanilang relasyon dahil sa ilang personal niyang dahilan. "Abnormal kasi, sabi nang bumili ng kanya, eh. Nambulabog pa kagabi kung may tira akong gift wrapper," bulong ni Noah..

"Ah, eh, iisang wrapper lang kasi meron sa store sa baba ng mga condo namin," pagsisinungaling ni Adam.

"Ah, okay," sagot ni Ethan ngunit may kakaiba pa rin itong tingin sa kinatatayuan ni Noah.

"Konti nalang din at malapit ko nang itumba tong si Ethan," pabiro pa ni Noah. "Ang daldal."

Binuksan ni Adam ang regalo niyang polaroid camera mula kay Jade. Tinawag din niya ang kasunod na kukuha ng regalo at nagpatuloy ang program nila. Bumalik sa tabi ni Noah si Adam ngunit nakasimangot pa rin ito. Naka nguso pa ito na humarap sa kanya

"Ang daya, dapat sakin iyon, eh." Itinuro ni Adam ang pulang teddy bear na nakuha ni Jade mula kay Noah. Ipinapakita ito ni Jade sa iba pa niyang kaklase habang niyayakap. "Apple, bilihan mo rin ako."

Sinaway ni Noah si Adam na nagpupumilit magpabili ng sarili niyang teddy bear. Kinukulit siya nito na parang bata sa bandang likuran. Napansin ni Noah na kanina pa nakatingin sa kanila si Ethan.

"Umayos ka nga, Ark! Nakakahalata na iyang si Ethan!"

"'Wala akong pake, gusto ko rin ng teddy bear!"

"Bibilangan kita. Isa!" inis na pagbabanta ni Noah.

"Dalawa!" sagot naman ng nobyo niya.

"Abnuy ka talaga, Adam. Mabuking lang tayo, hindi na kita dadalhan ng damit next time na mag time travel ka."

"I don't care. Wala namang dapat ikahiya sa katawan ko. Laki kaya nito si Adambuhala."

Ituro ni Adam sa ibaba niya. Sabay silang napayuko ni Noah.

"Pota, Adambuhala? May pangalan talaga?" tumatawang tanong ni Noah. Pagtingin ni Noah sa iba niyang kaklase ay nanlaki na ang kanyang mga mata. Dahan-dahan nang naglalakad si Ethan papunta sa kanilang puwesto habang si Adam naman ay abala sa pagturo sa Adambuhala nito.

"Hindi ba Adambuhala, dapat may teddy bear din tayo?" tanong ni Adam sa bumabakat sa kanyang pantalon.

"Fine! Bibilhan kita pagbalik natin sa condo," naiinis na sagot ni Noah.

"Gusto ko, now na!"

Papalapit na si Ethan.

"Isip bata ka rin ano? Okay, fine, mamayang gabi mayiba akong regalo ako sa 'yo," sagot ni Noah at ang tigila na siya ng kanyang nobyo.

Biglang lumiwanag ang mukha ni Adam. "Talaga? Mamayang gabi na ba 'yong-"

"Anong mamayang gabi?" Nasa tapat na ni Adam si Ethan.

Napalunok ng laway si Noah. Sinisingkit ni Ethan ang mga mata niya sa kanilang dalawa halatang naghihinala na ito.

Nakita ni Noah ang dala-dalang marshmallows ni Vincent galing sa kusina. "Mamayang gabi na ang... Bonfire! Then may alak!"

Nakalimutan ni Ethan ang ipinunta niya nang marinig niya ang salitang alak. Mabilis itong inilihis ang kanyang mapanghusgang tingin papunta sa kusina. "Uy gusto ko iyan! Sabihin ko kay Sky para mahanda na ang mga kailangan."

Agad itong tumakbo pabalik sa iba pang kasama nito.

"Lasinggero nga talaga, based on my notes," bulong ni Noah.

Samantalang si Adam na katabi nito ay parang lumulutang sa hangin sa dami ng nga nai-imagine niyang gagawin nila ni Noah mamayang gabi.

"Teka, nadala ko ba?" mahinang tanong ni Adam

"Ang ano?" usisa ni Noah

Nagulat si Adam, nakalimutan niyang katabi pa rin pala niya ang kanyang nobyo."Ah, wala. Tara! May meeting ata sila roon."

***

Kinagabihan, nakapalibot silang lahat sa bonfire. Pasimple ang paglalambingan nina Noah at Adam.Kasabay ng pagningas ng apoy ay ang masidhing pananabik ni Adam para sa binabalak niyang gawin sa kanyang kasintahan. Gaya ng mga bagang natatakpan ng buhangin ang pilit na pagtatago ni Noah sa kanilang relasyon. Ang iba sa mga kaklase nila ay nagsitulugan na sa loob ng mansyon. Umiikot naman ang tinatagay nilang baso ng alkohol. Magkatabi sina Alex at Ethan. Sa kabilang bahagi ay sina Noah at Adam na panay ang titigan sa isa't isa sa likod ng naglalagablab na apoy.

Gaya ng dati, una na namang nalasing si Ethan. Napansin nitong binibigyan ni Noah si Adam ng tinustang marshmallow at nag bubulungan ang dalawa sa tapat ng bonfire.

"Hoy, kayong dalawa!" bulyaw ni Ethan. Napatingin kay Ethan ang mga classmates ito dahil sa lakas ng boses niya. Halatang lasing na ito mula sa limang basong kanyang tinungga. "Umamin nga kayong dalawa! Mag-jowa na kayo, ano?"

Nagulat ang mga kaklase nito dahil sa kanyang sinabi. Si Jade na abala sa pagguhit sa buhangin, ang G.A.S. na walang humpay sa pagtsitsismisan, at maging si Bien na tinotono ang gitara na gagamitin nila sa pagtugtog ay natigilan sa tanong ni Ethan.

"Hindi no, friends lang kami!" pagsisinungaling ni Noah. Napalunok ito ng laway at napatingin sa katabi niya. "Hindi ba, Ambrosi?"

Nakatitig ito kay Adam. Hindi siya sumasagot. Tinitigan siya ni Noah nang masama upang sumang-ayon na ito. Kinuha ni Adam ang umiikot na baso at tinungga.

"Oo! Friends lang kami ni Arroyo."

Muling bumalik sa mga ginagawa nila ang mga kasama nila nang marinig ang kanilang sagot.

"Hindi ako naniniwala!: muling bulalas ni Ethan. "Bakit ang tagal mong sumagot, Adam? At saka, iba na ang mga dikitan ninyo. Dati, Adam, isinusumpa mo iyan, ngayon hindi ka na maalis sa tabi ni Noah- Aray!"

Biglang binigyan ni Alex ng malakas na batok si Ethan. "Nagseselos ka ba? Sususo ka ba kay Adam? Nanay mo siya?"

Nagtawanan ang mga kaklase nila. Sa sobrang inis ay napatayo na lamang si Ethan habang gumegewang pa.

"Bahala kayo diyan. Papatunayan ko sa inyo na totoo ang sinasabi ko!"

Nagtungo si Ethan papunta sa dagat. Agad na napatayo sina Alex, Noah at Adam upang habulin ito. Nasa bewang na ni Ethan ang tubig alat nang bigla siyang hinila ng tatlo. Nagpupumiglas pa ito habang dumidikit ang buhangin sa basa niyang damit. Dinala siya ng mga ito sa malayo kung saan hindi sila maririnig ng mga kaklase nila. Sa isang lamesa malapit sa mansyon ay pinaupo nila si Ethan. Halatang may tama pa rin ito.

"Noah, kuhaan mo naman ako ng batya ng maligamgam na tubig, oh," pakiusap ni Alex. "Adam, kuha ka rin ng malinis na panyo."

Pagkabalik ng dalawa ay kinuha agad ni Noah ang panyo na dala ni Adam. Binasa niya ito at sinimulang pahiran si Ethan. Biglang hinawi ni Ethan ang kamay ni Noah at lumipad ang basang panyo papunta sa buhangin.

"Mga sinungaling kayo. Bakit ayaw ninyo umamin?" bulyaw ni Ethan.

Biglang binuhat ni Alex ang batya ng tubig na dala ni Noah at ibinuhos ito kay Ethan. Sinundan niya ng malakas na sampal ito.

"Oh, ano? Nawala na ba ang pagkalasing mo?" panggigigil ni Alex.

"Lex-" bulong ni Adam.

"Alex, kumalma ka," dagdag ni Noah.

Sa layo nila sa bonfire ay hindi mapapansin ang kaguluhang ginagawa. Nakahawak si Ethan sa pisngi niya na namumula mula sa pagsampal nang malakas ni Alex. Unti-unti nang nawawala ang pagkalasing nito.

"So what kung sila na?" naiinis na tanong ni Alex sa kaibigan nito. "Wala kang karapatan na i-out sila sa mga kabarkada natin!"

Natauhan si Ethan sa sinabi ni Alex.

"Coming out is not easy. It's their choice when and how they wanna do it," saad ni Alex habang hinahawakan ang kuwelyo ni Ethan. "You don't have the right to take that away from them! At isa pa, it's their freaking business. Wala ka nang pakialam doon."

Napaupo si Ethan. Napag-isip-isip nito ang mga sinabi ng kaibigan nya. Sa likod ni Alex ay parehong nakayuko sina Adam at Noah.

"Lex. You knew? How?" usisa ni Adam. Nagtataka ito dahil sigurado siyang wala silang pinagsabihang ibang tao.

"Because, I'm your friend. I can read the signs," mabilis na sagot ni Alex habang itinataas pa rin ang kuwelyo ni Ethan. "And I know hindi pa kayo pareho handang lumantad. Ewan ko ba sa baliw na ito bakit ang slow niya."

Nakayuko lang si Ethan at nahihiya sa mga pinaggagawa nito. Matahan niyang hinawakan ang kamay ni Alex sa kanyang kuwelyo."Guys, I'm sorry. I never thought of it that way."

Biglang lumapit si Noah upang ibaba ang mga kamay ni Alex. Nginitian nito si Ethan at inayos ang damit nito. "Ethan, ayos lang. May malalim lang akong dahilan kaya pinakiusapan kong ilihim muna namin ni Adam."

"Yeah, I hope you understand. We trust you to keep it a secret," dagdag pa ni Adam habang inaakbayan si Ethan.

Tanging mga ngiti ang pagtungo ang isnukli sa kanila nito.

Marahang dumikit si Alex sa basang-basang si Ethan. Napakamot ito ng ulo niya habang hinahawi ang buhok nito. "Sorry, I might have overdone it. Are we good?"

"Yeah, thanks bro. I needed that." Nginitian sya ni Ethan. Inalalayan na niya ito papasok ng kuwarto nila.

"Oh, kayong dalawa, bumalik na kayo doon baka nag-aalala na sila," bilin ni Alex bago ito tuluyang makapasok.

Pagkabalik nila sa bonfire ay inabot ni Bien kay Noah ang gitara. Samantala, hinatak naman ni Jade si Noah upang pauupuin sa tabi niya. Nasa pagitan na nina Bien at Jade si Noah. Nakasandal si Jade sa kaliwang balikat nito. Sa kabilang bahagi ng apoy ay nakaupo at nakatitig sa kanila si Adam. Malagkit ang tingin sa kanya si Noah habang nagsisimula itong tumugtog. Kasabay ng bawat pagkalabit nito sa pisi ng gitara ay ang pangingig niya sa takot. Takot na kanyang haharapin kapag nalaman ng pamilya niya ang kanyang kasarian.

Iniisip mabuti ni Noah kung paano nito sasabihin sa mga kaibigan at pamilya nito ang tungkol sa kanila ni Adam. Sa likod ng pagwagayway ng apoy ay ang mga mata ni Adam na tuluyan nang nahulog ang loob sa kanya. Ang mga mata nitong kumikislap kasabay ng pagningas ng apoy patungo sa mga tala.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top