Chapter 25: Happy Memories (FINALE)

Year: 2007, Metro Manila (Present)

(𝗛𝗶𝗴𝗵𝘀𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗚𝗿𝗮𝗱𝘂𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗗𝗮𝘆)

Pinagmamasdan ni Kim at ng ama niya sina Adam at Noah na nagpa-picture sa entablado. Mapapansin ang masayang aura mula sa kanilang dalawa. May suot na malaking pulang ribbon si Noah na may nakasulat na 'Valedictorian' samantalang 'Salutatorian' naman ang nakalagay sa ribbon ni Adam. Magkahawak kamay silang dalawa sa harapan habang nagpapakuha ng mga litrato. Mula sa kinatatayuan ni Kim, naaninag nito ang wagas na ngiti sa mukha ng dalawa habang nagbubulungan ang mga ito.

"Kim, I really think this is broken", saad ni Dr. Cornwell. Hawak nito ang T.A.D. habang tinatapat kay Adam sa malayo. Naguguluhan ito dahil hindi na naman gumagana ang bagay na hawak niya. Tinangka niyang patunugin ito dahil hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nasaksihan niyang ginawa ni Adam sa loob ng kanyang opisina.

Inusisa ni Kim ang device. Natawa ito nang mapansin na may nagbago sa setting.

"Talagang hindi gagana iyan. Naka-mute, oh. Minute mo ba ito, Dad?" tanong ni Kim.

Naalala ng doktor na pinahinaan nga niya ito ilang araw na ang nakakaraan dahil sobrang ingay nito habang naglalaho si Adam sa opisina. Ilang kalikot lamang ni Kim ay tumunog na naman ito nang malakas. Nagpatingin ang ilang tao sa paligid nila dahil sa ingay na nagmumula rito. Mabilis ulit itong pinahinaan ni Kim ngunit may mahinang tunog pa rin na nagmumula rito.

"Sira na ata talaga iyan," saad ni Dr. Cornwell. Nagtataka ito dahil sobrang ingay ng T.A.D. kahit nakatayo lamang si Adam sa entablado at walang senyales nang paglalaho nito. "Gumagana lang dapat iyan habang naglalaho si Adam. It would only work kung may current time anomaly. Eh, nandyan lang naman si Mr. Ambrossi sa stage, oh."

"Hay, I'll get this fix soon," sabi ni Kim. Kinuha nito ang ibang gamit nila at tumalikod. "Let's go Dad. May lakad pa tayo. Ano na ang plano ni Adam?"

"He agreed to communicate with me regularly hanggang mapag-aralan namin ang condition niya," sabi ng doctor. Naalala ni Dr. Cornwell ang napag-usapan nila ni Adam at Noah. Tungkol sa gagawin niyang pagtulong sa mga ito noong araw na nakita mismo nito ang pag-time travel ni Adam. "And I told him that it may take years, but he is fine with that."

Mabilis na inilabas ni Kim ang orasan at ang passport nilang mag-ama. Nilingon niya saglit sina Adam at Noah sa huling pagkakataon. "I see. Sige na Dad, malalate na tayo sa flight."

Ilang sandali ang lumipas at iniwan na ng mag-ama ang venue habang pinipilit pa rin ni Kim na patahimikin ang device nito.

***

Sa entablado makikita ang iba't ibang kulay na palamuti. May mga nagkalat ding mga bulaklak at mga pulang lobo. Puno ito ng mga ngiti ng mga estudyante at magulang na nagdiriwang sa espesyal na kabanata ng kanilang buhay. Masayang nagpapa-picture ang mga estudyante kasama ang mga kaibigan at pamilya nila. Samantala, naiwang nakatayo sa gitna ng entablado sina Adam at Noah. Magkahawak-kamay silang dalawa habang nakatitig sa mga mata ng isa't isa. Punong-puno ng mga gintong medalya ang kanilang mga leeg. Isa-isang nag-akyatan ang kanilang mga kaklase sa entablado upang batiin silang dalawa.

"Oh, Noah, we're going to the same College School, 'di ba?" tanong ni Alex. Medyo tabingi pa ang pagkakabutones ng polo nito at hinihingal pa sa ginawa niyang pagtakbo.

Tumango si Noah. Natatawa ito sa itsura ni Alex. "Oo, Lex."

"Wait, Bien! Halika rito!" sabi ni Ethan. Masaya nitong tinawag ang class president nila na nahihiya pang umakyat sa entablado.

Marahang lumapit sa kanila si Bien habang hawak ang diploma at ibang medalaya nito. "Yow!" nakangiting bati ni Bien.

"'Di ba, same school ang napili natin with Alex and Noah?" tanong muli ni Ethan. Excited na itong pumasok sa kolehiyo kasama ang tatlo niyang kaibigan. Umaasa itong puro tawanan at lakwatsa ang aatupagin nilang tatlo.

Panghiting sumagot si Bien. "Oo nga, eh. Architecture, right?"

Napansin ni Noah na sa kanya nakatingin si Bien. Naalala nito ang kanyang dahilan kung bakit ito ang napusuan niyang kurso. "Oo, pangarap ko talaga iyon, just like my Dad," nakayukong paliwanag ni Noah. Makikita ang kaunting lungkot sa mukha nito. Kinawayan ni Noah si Danilo na nakaupo sa baba katabi si Claude. Masaya silang pinapanood ng mga ito.

"Jade, ikaw? Saan ka mag-aaral and what course?" tanong ni Alex. Gandang-ganda ito kay Jade habang paakyat ng entablado. Mabilis na lumapit si Jade sa kanila habang kasama sina Grace, Angelica at Steffanie.

"Well, Journalism of course. And I will be going to the same school with my three other friends here," sagot ni Jade. Lumapit siya kay Alex upang ayusin ang butones sa polo nito. Pagkatapos ay itinuro ni Jade ang G.A.S. Halatang close na close na siya sa mga ito.

"Us three naman will be taking Mass Communication," nakangiting saad ni Steffanie. Abala ito sa pagkuha ng litrato nilang lahat.

"Wow! So, may bago na kayong member? Dapat pala J.A.G.S. na ang tawag sa inyo!" biro ni Ethan. Maririnig ang malakas nitong tawa sa entablado habang inaasar ang mga kaklase niya.

Agad naman siyang sinaway ni Angelica. Namumula ang pisngi nito sa inis. "Whatever, Jonathan!"

"Yeah, grumaduate na tayo lahat-lahat, ang baho pa rin ng hininga mo!" dagdag pa ni Grace. Abala ito kakaayos ng mukha niya habang nag sasalamin. Nagtawanan silang lahat sa stage. Biglang napalingon si Alex kay Adam nang mapansing walang imik ito.

"Ikaw bro, anong plano mo? Saan ka mag-aaral?" tanong ni Alex. Hindi sumasagot si Adam. Sinubukang lingunin ni Alex si Noah ngunit nakayuko lang din ito. Halatang may inilihim silang dalawa. Mabilis na inakbayan ni Alex si Adam. "Come on, Adam! Magkuwento ka naman. Magtatampo na ako sa iyo niyan, eh."

Inangat ni Adam ang ulo niya. Pinilit nitong ngitian si Alex. "I'll be studying abroad. Business Management," mahinang sagot ni Adam. Natahimik si Alex sa sagot ng kaibigan nito. Napalingon siya kay Noah na halatang nalungkot sa sinabi ng kanyang nobyo.

"Oh, shit! Paano kayo ni Noah?" walang prenong tanong ni Ethan. Natigilan lahat ng mga kaklase niya sa mga ginagawa nila. Ibinaba ni Grace ang salamin niya, itinago ni Steffanie ang Camera niya, itinigil ni Alex ang pag-akbay niya kay Adam, at maging si Jade ay nalungkot para sa dalawang seatmates nito.

Marahang ngumiti si Noah at hinawakan nito ang kamay ng kanyang kasintahan. "We already talked about it. Long distance relationship can be challenging pero we have our ways", saad ni Noah sabay kindat kay Adam.

Muli na namang nakita ni Adam ang dalawang dimples sa pisngi ng kanyang nobyo. Mga ngiting nagpapahiwatig na magiging ayos din ang lahat. Ang masayang mukha ni Noah na nagpapahiwatig ng magandang hinaharap na naghihintay sa kanilang dalawa.

"Yeah, masasanay din kami sa long time... I mean... distance relationship," dagdag ni Adam habang ginagantihan ang mga ngiti ni Noah.

Inisip nilang dalawa na simula pa lang ito ng kanilang relasyon. Parating na ang mga itinakdang panahon kung paano nila kakatagpuin ang mga past and future versions ng isa't isa. Nagpakuha ng larawan ang buong barkada sa gitna ng entablado. Kitang-kita sa mga mukha ng mga ito ang saya ng maikling panahon na pinagsamahan nila sa Saturnino High School. Sa gitna nilang lahat ay sina Adam at Noah na magkaakbay habang magkalapit ang mga pisngi sa bawat isa. Matapos ang ilang minuto ay nagpaalam na rin ang nga kanilang mga kaiibigan. Sunod na umakyat sa entablado sina Claude at Danilo.

"Oh, baka pwede na kaming magpa-picture sa inyo?" natatawang tanong ni Claude. Napakaguwapo nito sa suot niyang tuxedo. Tuwang-tuwa ito dahil nakadalo siya sa isa sa mahahalagang araw sa buhay ng kanyang pamangkin. Kinansela nito ang ibang business appointments niya makasama lamang si Adam. Kahit papaano ay natupad niya ang pangako niya sa mga magulang nito na pag-aralin ito sa Pilipinas.

"Kala talaga namin hindi na kayo iiwan ng mga kabarkada ninyo, eh," biro ni Danilo. Bakat na bakat ang malaki nitong katawan sa suot niyang bughaw na polo. Abot tainga ang ngiti nito kay Noah. Inalala niya ang unang araw na natagpuan niya ito gayundin ang bunga ng lahat ng kanyang sakripisyo at pagmamahal sa kanyang bugtong anak.

Pumuwesto silang apat sa gitna ng entablado. Magkahawak-kamay sina Adam at Noah habang nasa likod nila sina Claude at Danilo. Naalala ni Noah kung gaano kalungkot ang graduation day niya sa elementarya. Kung paano siya kinutya noon ni Leon at ng ibang kamag-anak nito. Napatingin siya sa mga kasama niya at napagtanto nito kung gaano siya kasaya ngayon kasama ang mga taong mahal niya.

"You turn bad memories into happy ones by making good versions of them," bulong ni Noah sa sarili nito.

Napatingin si Noah sa entablado. Pinagmasdan niya ang mga makukulay na palamuti sa paligid kasabay ng pagtama ng sinag ng araw mula sa bintana. Huli niyang tinignan si Adam na kanina pa nakangiti sa kanya.

"Apple, smile naman dyan! Tingin na sa camera at nang ma-picturan na tayo," yaya ni Adam. Ginunita ni Noah ang mga pinagsamahan nilang dalawa. Gayundin ang mga naghihintay sa kanila sa hinaharap.

"Ito na, Ark. Naka smile na," wika ni Noah habang muling naglalabasan ang magkabilaang dimples niya sa pisngi.

Gaya ng maraming beses na paglubog ng araw sa kanluran, gaya ng pagsikat ng araw sa silangan, gaya ng paglagas ng mga dahon at pagtubo ng mga dilaw na bulaklak sa puno ng Narra, lumipas ang mahabang panahon na sila ay magkasama.

꧁༒༺⏳༻༒꧂

𝗲𝗻𝗱

This book is inspired by a real life event.
The story of a boy who admired a man under a Narra tree, somewhere in Intramuros.

End of Book 2

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top