Chapter 24: Noah's Journal
Year: 2007, Metro Manila (Present)
Anim na buwan ang lumipas. Nasatapat na sila ngayon ng opisina ng taong nakilala nila sa South Korea.
"Are you sure you'll be okay?" tanong ni Noah. Nag-aalala ito para sa kanyang nobyo. Bagamat nasa manibela ay hindi nito maalis ang kanyang tingin kay Adam na nasa labas lamang ng sasakyan.
Tila nagliliwanag si Adam sa suot nitong kulay gatas na polo at kayumangging pantalon. Para siyang anghel habang nakangiti kay Noah. Kumikislap ang bugahaw nitong mga mata sa ilalim ng araw at ang kulay kahoy nitong buhok ay masayang sinasayaw sa mahinang hangin.
Nagdadalawang isip pa si Noah kung iiwan ba nitong mag-isa si Adam. Nasa harap sila ng opisina ni Dr. Kevin Cornwell. Naalala nito kung ano ulit ang mga nakasulat sa kanyang journal. Ayaw niyang iwan ang kanyang kasintahan dahil sa mangayayari mamaya. Ngunit sadyang mapilit si Adam.
"I'll be fine, my sweet little Apple. Iwan mo na ako bago ka pa mahuli sa recital mo," sagot ni Adam. Abot tenga ang ngiti nito habang nakatitig sa kanyang kasintahan na nakasuot ng bughaw na tuxedo. May maliit na cornflower na naka-pin sa dibdib ni Noah. Ang buhok niyang kulay tanso ay maayos ang pagkakasuklay. Sa tapat niya ay nakalapag ang isang pamplet ng Music Recital kung saan siya ay kasali. Nakatingin lang si Noah kay Adam na nakadungaw sa labas ng kotse. "I'll be fine, Noah. Sige na, mala-late ka na."
Napabuntong hininga si Noah bago ito sumagot. "Sige, but please call me if anything happens."
Matapos niyang halikan ang kanyang nobyo ay marahang pinaandar ni Noah ang kotse papunta sa recital nito. Samantala, naiwan naman si Adam na nakatitig sa malaking gusali. Muling kinuha ni Adam ang calling card na iniwan ni Kim sa South Korea.
"Alright, here we go." Huminga nang malalim si Adam at mabilis na pumasok sa gusali. Walang ibang kliyente si Dr. Cornwell noong araw na iyon. Marahang kumatok si Adam sa pinto ng opisina nito.
"Come in!" saad ng pamilyar na boses ng doktor na nakusap nila sa Naminara Island.
Pagbukas ni Adam ng pinto ay bumungad sa kanya ang malaking kwarto. Maraming libro sa isang sulok. Ang araw ay tumatagos sa kurtina mula sa isang malaking bintana. Marahan siyang lumapit sa doktor na nakayuko lamang sa lamesa nito dahil abala sa mga inaaral niya.
"Magandang hapon po, ako po yung nagpunta sa Nami..."
Napatingala ang doktor sa pamilyar na boses na narinig niya. Itinabi niya ang mga binabasa niya at pinagtuunan ng pansin si Adam.
"It's you. Finally, I've been expecting you," bati ni Dr. Cornwell. Tuwang-tuwa itong makita si Adam. "My son told me everything. Have a seat."
Umupo si Adam sa tapat ng doktor. Sa gilid ni Adam ay ang pintuan na may malaking orasan sa itaas. Sa likod naman ng doktor ay may iba't ibang orasan na naka set para sa iba't ibang bansa. Napansin ng doktor na tinititigan ni Adam ang mga ito.
"Oh, these? I just love to make sure I keep track of time lalo na at mahilig kaming mag travel ng anak ko. So, ano nga ulit ang buong pangalan mo?" tanong ni Dr. Cornwell.
"Adam Ambrossi po."
"And Kim said that you told him you're a time traveler?" usisa ng doktor. Mapapansin na natatawa ito sa mga pinagsasabi niya.
Hindi ito pinansin ni Adam at mabilis siyang tumango.
"You see, I've been researching a certain human condition for decades now," sabi ni Dr. Cornwell. Itinabi nito ang mga gamit niya. Biglang naging seryoso ang mga titig nito. May inilabas ang doktor mula sa aparador, isang makapal na libro at dokumento na halatang napaglumaan na. "This is my lifelong research. I proposed this at my previous work when I was still a scientist and sadly, tinawanan lang nila ako."
Matiyaga siyang pinagmamasdan ni Adam. Inaaral nitong mabuti ang mga kilos ng kausap niya.
"This is my Time Anomaly Detector, also known as T.A.D. Kanina pa nakaandar ito, Mr. Ambrosi. It detects any distortion in time," sabi ni Dr. Cornwell. Kinuha nito ang Time Anomaly Detector mula sa kanyang lamesa at itinapat ito kay Adam. "Now tell me, bakit hindi ito tumutunog sa 'yo?"
"I don't know about that device. But I got something here that you might find interesting," saad ni Adam. Kinuha niya ang journal ni Noah mula sa kanyang bulsa. Pinanood lang siya ng doktor habang binabasa niya ang mga nakasulat sa journal. "Your name is Kevin Cornwell. You were born in Seoul. Your wife and daughter died in a science experiment. You started your research in 1980..."
Bigla sumingit and doktor habang nagsasalita si Adam. "Where are you getting at?"
"I'm trying to prove that I know a lot of things about you from my future self."
"That does not prove anything. That can easily be found on the internet."
Napabuntong hininga si Adam. Nagpatuloy ito sa binabasa niya. "You ate roasted turkey this morning. Sa kabinet sa aking kaliwa, ito ang pagkakaayos lagi ng mga libro mo... Almanac, Guiness, Theory of Relativity, Iliad and Odyssey, Divine Comedy etc... at sa ilalim ng lamesa mo may nakatagong..."
"Enough! Are you stalking us?" bulyaw ni Dr. Cornwell. Napatayo at hinampas ang lamesa. Mapapansin ang takot sa kanyang boses. Nilapitan nito si Adam upang subukang agawin ang journal nito. Mabilis itong itinago ni Adam.
"I can't let you touch this until I trust you," babala ni Adam. Naiinis ito sa tinangkang gawin ng doktor. "This is something precious that my boyfriend has kept with utmost care his entire life. He's been logging our meetings since he was a kid."
"What do you mean he has been logging?" pagtataka ng doktor. 𝗡𝗮𝗴𝘀𝗶𝗺𝘂𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗸𝘂𝗺𝘂𝗿𝗯𝗮 𝗽𝗮𝘁𝗮𝗮𝘀 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗹𝗮𝗯𝗶 𝗻𝗶 Adam. 𝗜𝗸𝗶𝗻𝘂𝘄𝗲𝗻𝘁𝗼 𝗻𝗶𝘆𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁 𝘀𝗮 𝗱𝗼𝗸𝘁𝗼𝗿.
Matapos ang isang oras na pagkukwento ay napasandal si Dr. Cornwell sa lamesa niya. Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig sa mga narinig niya.
"Well, it still doesn't make any sense. This device is not making any sound," giit ni Dr. Cornwell. "Kung totoong time traveler ka dapat tumunog na ito. Perhaps, it's broken or worse, baka nagsisinungaling ka lang."
Natahimik si Adam sa sinabi ng doktor. Kinuha nito ang MP3 player na nasa kanyang bulsa. Kinakabahan ito sa binabalak niya ngunit wala na siyang ibang pagpipilian. "I knew that you'd need proof," sambit ni Adam.
Isinuot ni Adam ang headset nya at may pinatugtog ito.
"What are you doing?" tanong ng doktor.
"Making a trigger."
Tumugtog na ang pamilyar na piyesa na minsang tinugtog ng tatay ni Adam sa tabi ng lake. Ang piyesang nagdala sa kanya pauwi sa Finland. Ang piyesang paborito ni Noah. Pumikit si Adam habang pinapakinggan ang mahinang tunog ng piyano. Nagsimulang tumulo ang luha niya sa saliw ng biyulin. Natulala si Dr. Cornwell habang nagbagsakan ang mga damit ni Adam sa sahig pati ang MP3 player nito.
Tumunog nang malakas ang T.A.D. 𝗠𝗮𝗯𝗶𝗹𝗶𝘀 𝗶𝘁𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗶𝗻𝗮𝗵𝗶𝗻𝗮𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗱𝗼𝗸𝘁𝗼𝗿 upang mapagtuunan ng husto si Adam sa tapat niya. Sa kanyang harapan ay tuluyan nang naglalaho si Adam.
꧁༒༺🦉༻༒꧂
Year: 1992, Finland
Bumagsak si Adam sa manipis na yelo sa ibabaw ng lake. Bigla itong nabasag at nahulog si Adam sa malamig tubig.
"Uho... tulong..." sigaw ni Adam.
Dahil sa sunod-sunod na pangyayari ay hindi na nakabuwelo si Adam at nahirapan itong lumangoy. Dahan-dahan siyang lumulubog sa malamig na tubig habang inaabot ang mahinang sinag ng araw sa taas ng yelo. Unti-unti na siyang nawawalan ng malay dahil nauubos na hangin sa baga niya. Ilang segundo siyang lumulubog habang nakatingala sa liwanag.
"Katapusan ko na ba? Somebody... please... help," ito ang mga katagang nasa isip ni Adam habang siya ay nakatitig sa liwanag. Habang tumatagal ay paunti na ang bilang ng mga bula na lumalabas sa kanyang bibig. Mga bula ng buhay na lumilisan mula sa kanyang katawan. Sa malalim na lawa ay marahang lumubog si Adam. Nagsisimula nang dumilim ang paningin ito habang nakatingala sa butas ng liwanag sa itaas ng lawa.
Ngunit, ang liwanag na tinititigan niya ay nagsimulang maging kahugis ng mukha ng taong mahal niya.
"Noah," saad ni Adam.
Nabuhayan si Adam. Unti-unti na nitong naigagalaw ang kanyang mga galamay. Muling nanumbalik ang sigla sa kanyang mukha. Mula sa ilalim ng tubig ay bumulusok ito sa paglangoy patungo sa ibabaw. Ilang segundo lang ay natagpuan na ni Adam ang sarili niya sa nagnyenyebeng pampang ng lawa. Bigla siyang namaluktot dahil sa lamig. Dahan-dahan niyang ikinalat ang kanyang mga mata upang alamin kung saang lugar siya napadpad.
"This house," bulong ni Adam.
Nasa tapat mismo siya ng bahay nila sa Finland. Bagamat giniginaw ay mabilis na tumayo si Adam. Ito ang pinakamalapit sa kanilang tahanan na narating niya. Mabilis na napatayo si Adam. Tumakbo ito papasok ng bahay, patungo sa mga magulang niya.
"Nanay. Tatay," ito ang mga bukang bibig ni Adam habang mabilis siyang pumasok sa pinto.
𝗟𝗶𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗶𝗻𝘂𝘁𝗼. 𝗜𝘁𝗼 𝗹𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗴 𝗼𝗿𝗮𝘀 𝗻𝗮 𝗶𝗹𝗮𝗹𝗮𝗴𝗶 𝗻𝗶𝘆𝗮 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗻𝗮𝗵𝗼𝗻 𝗻𝗮 𝗶𝘁𝗼. 𝗠𝗲𝗿𝗼𝗻 𝗻𝗮 𝗹𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗶𝘆𝗮𝗻𝗴 𝟱𝟬 segundo.
Malayo...
Malayo ang distansya ng pintuan sa likod kung saan naroon si Adam patungo sa harap ng bahay kung saan nasa labas ang mga magulang niya. Naroon rin ang baby na version niya.
"Nanay! Tatay!" sigaw ni Adam. Ngunit sinasalo ng makapal na nyebe ang lahat ng klase ng tunog sa paligid kaya hindi siya marinig ng kanyang ama't ina. Tumutulo ang tubig mula sa kanyang basang katawan patungo sa sahig ng bahay nila.
Mabilis...
Mabilis na naglalakad si Adam papunta sa mga naririnig niyang tawanan na nasa kabilang bahagi ng bahay nila. Ngunit hirap siyang gumalaw dahil sa lamig.
𝟮𝟬 𝘀𝗲𝗰𝗼𝗻𝗱𝘀...
Pagdating ni Adam sa front door ay nakita niya ang mga magulang niya na nasa snow. Ang Tatay Abe niya ay tinuturuan ang baby version niya na gumawa ng snow angel. Ang Nanay Tina niya na pinapagalitan si Abe.
Hinawakan ni Adam ang door knob ng pinto upang buksan ito.
𝟭𝟱 𝘀𝗲𝗰𝗼𝗻𝗱𝘀...
Pero tumigil...
Tumigil si Adam bago pa niya tuluyang buksan ang pinto. Sa halip ay sinulit niya ang natitirang oras na pagmasdan ang pamilya niya. Umagos ang luha sa kanyang mga mata. Hindi rin niya mapigilang ngumiti dahil muli niyang nakita ang kanyang mga magulang. Naghahalong lungkot at tuwa ang nararamdaman ni Adam habang sinsariwa ang pinakamasayang araw ng kanyang kabataan.
𝟱 𝘀𝗲𝗰𝗼𝗻𝗱𝘀...
Biglang naalala nito na malapit na siyang bumalik sa kasalukuyan. Agad niyang ikinalat ang kanyang mga mata upang kumuha ng bagay na maari niyang gawing pruweba kay Dr. Cornwell. Nakita niya ang isang cell phone sa pinakamalapit na lamesa. Agad niyang niyakap ito upang dalhin sa kasalukuyan.
Rule number 1. Ipinagbabawal na magdala ng kahit ano sa ibang panahon.
Tuluyan na siyang naglaho habang nakatitig sa mga magulang niyang papasok ng bahay.
꧁༒༺🦉༻༒꧂
Year: 2007, Metro Manila (Present)
"Ah! Aray!" sigaw ni Adam. Bumagsak itong muli sa upuan ng opisina ni Dr. Cornwell. Nagdurugo ang isang braso niya dahil sa pagdala niya ng gamit mula sa 1992. Mabilis na kumuha si Dr. Cornwell ng first aid kit at agad na inasikaso ang sugat ni Adam.
"That was incredible!" saad ni Dr. Cornwell. Namangha ito sa kanyang nasaksihan. "Teka, huwag ka masyadong gumalaw, hihigpitan ko lang ang bandage. Teka, bakit ang lamig mo?"
Hindi sumasagot si Adam dahil sa sobrang lamig. Kumuha ang doktor ng makapal na kumot mula sa drawer nito at ibinalot sa kanya.
"I used your phone. I tried to speed dial Noah sa phone mo pero hindi siya sumasagot. I just left him a message," saad ng doktor habang kumukuha ng gamot pang-alis ng sakit.
"No need... darating na rin po siya in a few minutes," paliwanag ni Adam. Kinuha nito ang gamot at mabilis na ininom. "It's what's written in his journal."
Tahimik na nakaupo si Adam sa opisina ng doktor. Sa unang pagkakataon ay mayroong nagkainteres sa mga sintomas niya. Kinuha ni Dr. Kevin Cornwell ang records niya at pinakita ang larawan ng iba't ibang tao. "Do you know that if I hadn't seen it with my own eyes, I wouldn't believe you?" tanong ni Dr. Cornwell.
Basang-basa pa si Adam at may sugat pa ang balikat nito. Hawak niya ang pinaka unang model ng Nokia na nirelease pa noong 1992. Nanginginig pa ito sa lamig habang inaabot ang cellphone na pinilit niyang kunin mula sa taon na iyon.
"This is brand new. Imposibleng ninakaw mo lang 'to sa kung saang tindahan. Imposible ding na preserve mo ito for so long and still unscratched," usisa ni Dr. Cornwell.
Hindi sumasagot si Adam. Sinusubukan niyang pigilan ang pagdurugo ng kaniyang braso. Kumuha si Dr. Cornwell ng first aid kit upang palitan ang bandages nito. "No one should know about this. Do you understand, Mr. Adam Ambrosi?"
"Yes doctor. Only a few people, including my boyfriend, knows about it," nauutal na sagot ni Adam.
"Are you sure your secrets are safe with him?"
Natawa nalang si Adam sa tanong nito. Naalala niya ang lahat ng pinagdaanan nila ng nobyo niya. Hindi na niya halos mabilang kung ilang beses na siyang tinulungan nito.
"Yes! You have no idea how many times Noah saved my life."
Nang hindi na siya gaanong giniginaw, kinuha ni Adam ang chart sa lamesa ni Dr. Cornwell. Habang ang doktor naman ay nakatitig sa mga nagkalat na damit sa sahig.
"So what do you think Doc? Can you help me?" tanong ni Adam. Makikita ang lungkot sa kanyang mga mata.
Kinuha ni Dr. Cornwell ang libro ni Albert Einstein mula sa bookshelf niya tungkol sa Theory of Relativity. Dahan-dahan niyang binasa ang mga pahina nito. "I'm not sure. You're the time traveler. As you said, you can go back to the past and possibly, forth to the future. I'm sure you've seen what's gonna happen. Matutulungan ba kita?" usisa ng doktor.
Binasa ni Adam ang medical records niya. Nakalagay sa taas ang mga salitang 'Chrono Displacement'. "I'm still here hoping you could," naiilang na sagot ni Adam.
Umupo ang doktor sa lamesa niya at nakatitig nang mabuti sa pasyente nito. "I really wish we have a cure but ikaw ang kauna-unahang tao sa kasaysayan na may ganitong kondisyon. The best thing we can do for now is to minimize the complications."
Muling kumirot ang balikan ni Adam. Diniinan niya ang bandage at sinubukang tiisin ang sakit nito.
Itinuro ni Dr. Kevin ang orasan na nasa ibabaw ng pinto. "Are you sure he'll be here? Ayaw mo bang ihatid nalang kita?"
Nakangiti si Adam kay Dr. Kevin. Nakatalikod parin siya sa pinto.
"Trust me. Noah will be here in...
3...
2...
1."
Biglang pumasok ang isang guwapong lalaki sa pinto na may dalang mga bagong damit. Nakasuot ito ng tuxedo at may magandang buhok na kulay tanso.
"Adam! What happened? Are you okay?" bulalas ni Noah. Hindi maipinta ang itsura nito dahil sa sobrang pag-aalala. Agad nitong inasikaso ang sugat ni Adam at sinimulang ipasuot ang underwear na binili niya. "Anong nangyari sa 'yo? Bakit ka may sugat? Baka next time, hindi na kita makita ulit," dagdag pa ni Noah. Maluha-luha ito habang sinusuri ang boyfriend niya.
Nakangiti lang si Adam habang binibihisan siya nito. Dahan-dahan niyang hinawi ang gulo-gulong buhok ni Noah. Hingal na hingal pa ito dahil tinakbo niya and 3'rd floor kung saan makikita ang office ni Dr. Cornwell.
"Noah, I'm okay. This happens a lot. You should get used to it," nakangiting saad ni Adam. Nainis si Noah sa narinig niya. Agad nitong pinitik ang tenga ni Adam na naninigas pa dahil sa sobrang lamig.
"Abnuy! Sabi naman kasing sasamahan na kita, eh. Please be more careful next time. Always stick with me, para alam ko kung bigla kang mawawala," saad ni Noah. Patuloy lang siya sa pagsermon nang may biglang siyan naalala. "Wait, which Adam are you?"
Hinalikan ni Adam ang noo ng kasintahan niya at patawa siyang sumagot. "The current one, dummy! Adam of 2007!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top