Chapter 2: Saling-Pusa
Year: 2005, Batangas (Present)
Bumaba sina Noah at Adam sa sasakyan. Nakatayo sila sa tapat ng beach house ng pamilya ni Sky, ang mga Fajardo. Isa-isa nilang binababa ang kanilang mga gamit. Sa loob ng kotse ay nahihiya pang lumabas ang isa pa nilang kasama.
"Okay lang talaga na kasama ako dito?" tanong ni Nico. Natatawa si Noah sa kulay Floral nitong polo ay suot na malaking shades. Wala siyang sando na panloob at hindi nakabutones ang kanyang damit kaya makikita agad ang harapan niyang maganda ang pagkakaukit.
"Oo naman, pumayag naman si Sky at ang ibang mga classmates namin. The more the merrier," sagot ni Adam. Naibaba na niya halos lahat ng gamit nila nang mapatitig ito sa malakas na sinag ng araw.
"Nahiya ka pa, wala ka lang kasing friends sa school nyo," biro ni Noah. Mabilis itong pumasok sa loob ng sasakyan upang mas lalong kumbinsihin ang pinsan nito. "Insan, okay lang yan. Nagpapalakas sa nanay mo ang mga classmates ko. Kaya magiging mabait sa iyo ang mga iyon."
"Baliw," natatawang sagot ni Nico.
Marahang bumaba si Nico sa kotse. Nakasuot silang tatlo ng shades at sumbrero. Blue para kay Adam, pula kay Noah at floral prints naman kay Nico.
"Marami kaya akong friends," dagdag ni Nico. Napangiti ito kay Adam na sinisimulan nang buhatin ang mga gamit nila. "Gusto ko lang ulit makakita ng Magic ni Adam," biro pa ni Nico.
Bigla itong binatukan ni Noah. "Huwag ka ngang maingay diyan! Mamaya ay may makarinig sa iyo."
"Luh, OA naman nito. Tara na pumasok na kayo. Sunod nalang ako," giit ni Nico. "Ako na ang bahala sa mga gamit natin."
Sa isang pribadong resort na walang gaanong kalapit na bahay, makikita ang mansyon ng mga Fajardo. Gawa sa marmol and exterior nito at may mga mamahaling antique display. Pagpasok sa pinto ay makikita ang isang malaking lobby. Sa kanan ay may mga pool table at mga lamesa kung saan nagpapahinga ang mga kaklase ni Noah.
"Uy, you guys are here!" bati ni Ethan. "Nasan na yung pinsan mo?"
"Nasa labas. Siya na lang daw magpapasok ng mga gamit," sagot ni Noah. "Si Sky?"
"Nasa labas din, susunduin sana kayo."
Sa labas naman ay pinag-iisipang mabuti ni Nico kung paano niya ipapasok nang sabay-sabay ang mga bag nila. Isa-isa na niyang nilalagay sa likod niya ang iba sa mga ito. "Nahihiya talaga akong pumasok, nakakainis," bulong nito sa kanyang sarili.
Nang dadamputin na niya ang isa pang malaking bag ay nakadaupang palad niya ang isa pang kamay na kukuha sana rito.
Napatingala si Nico sa binatang may malaking katawan at nakasuot ng basketball jersey. Bigla siya nitong nginitian at natulala si Nico sa kaguwapuhan nito.
"Ako na rito, akin na yung ibang dala mo," nakangiting sagot ni Sky. "Ikaw ba iyong pinsan ni Noah?"
Nakatitig lang si Nico sa lalaking may mala-artistang mukha.
"Hello? Okay ka lang?" muling tanong ni Sky.
"Ah! Yes! Ako nga yung pinsan niya," nauutal na sagot ni Nico. At gaya ng dati niyang pagpapakilala, hindi na niya napigilang lumabas ang kayabangan sa kanyang bibig. "My name is Nico... Nico Pogi... Ay shet"
Nakasanayan na ni Nico lagyan ng Pogi mula pagkabata ang dulo ng kanyang pangalan dahil na rin sa turo ng mga magulang nito. Isang bagay na hindi na niya naalis hanggang sa pagtanda. Sa halip ay nalinang pa niya hanggang sa pangatawanan na niya ito.
Natawa si Sky sa kanya. "Kuwela ka rin ano? My name is Sky Fajardo."
Napakamot si Sky sa ulo niya habang humahalakhak. Kitang-kita ni Nico ang malaking bicep nito habang nakataas ang kanyang kamay, gayundin ang maninipis na buhok sa kilikili nito. Napalunok nang husto si Nico habang nakatitig sa braso at kilikili ni Sky.
"Tara doon tayo sa loob, ang init dito sa labas," pagyaya ni Sky.
Kinuha nito ang iba pang dala ni Nico. Sabay silang nagtungo sa mansyon habang nagkwekwentuhan.
"Do you play basketball? You look really familiar," tanong ni Sky.
"Actually, I do," nahihiyang sagot ni Nico. "Baka naging magkalaban na tayo sa kung saan."
"Saang school ka ba?"
"Torres High sa Taguig."
Biglang napatigil si Sky sa paglalakad. "Wait, you are the Nico from Torres? Yoong street basketball kung maglaro?".
Natatawa naman si Nico sa reaksyon nito. "Yeah, nasanay na kasi ako sa ganoong style sa Amerika."
"Alam mo bang you gave us a hard time? Ang hirap kasi sundan ng mga moves mo," hagalpak ni Sky.
"Hindi naman. In the end, kayo parin ang nanalo," natatawang sukli ni Nico sa mga ngiti ng katabi nito.
"Oo nga, sabagay."
Sa loob ay kasama nila Noah at Adam si Ethan habang nakatitig sila sa tumatawang si Sky.
"Akalain mo, marunong rin palang tumawa iyang si Sky?" komento ni Ethan. "Akala ko tahimik lang lagi iyan at puro basketball ang inaatupag, eh."
Sabay lamang siyang tinanguan ng dalawang kasama niya.
"Sige, balik na ko sa ibang mga kaklase natin," paalam ni Ethan.
Samantalang napansin ni Adam na abot tainga ang ngiti ni Noah habang nakadungaw sa bintana. "Oh? Bakit ang saya mo?"
Nagsalita si Noah habang nakatitig parin kay Sky at Nico sa labas. "Remember the time when I told you what your future version told me? That Nico will have a boyfriend in the future?"
"Oh, oo. So?" tanong ni Adam. Itinuro ni Noah ang dalawa sa labas. Nagulat si Adam kay Sky na itinuturo nito. "No way!"
"Yes way!"
Muling lumingon si Adam kay Noah. "But Sky already has a girlfriend."
"What?"
Biglang may isang babae na lumabas ng mansion at sinalubong ng yakap si Sky. "Baby, sa'n ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap."
Nakayakap pa kay Sky ang babae. Biglang umalis si Nico at dumiretso papunta sa pinto. Mapapansin ang mabilis na pagkawala sa liwanag sa mukha nito.
"Oh, no. Poor Nico," panghihinayang ni Noah. Agad nilang sinalubong si Nico. Kinuha nila ni Adam ang mga dala niya. Pansin din ni Adam ang biglang pagbusangot nito.
"You wanna meet our other classmates?" alok ni Adam sa pagtatangkang ibahin ang timpla nito.
"Nah, I'm good. Doon lang siguro ako sa may beach."
Marahang pumunta sa Nico sa may buhanginan habang nakaharap sa dagat. Pinagmamasdan nito ang mga bangka sa isang gilid. Kakulay ng mga pintura nito ang bughaw na karagatan. Walang gaanong maririnig sa dalampasigan maliban sa mga alon at ang ilang mahinang tawanan sa may bandang silong. Huminga ng malalim si Nico upang mawala sa isip niya ang kakaiba niyang naramdaman kay Sky kanina. Hinayaan niyang lumipad sa maalat na hangin ang kanyang mga agam-agam.
Sa isang dako ay nagpho-photo shoot na ang G.A.S. Nang makita si Nico ng mga ito ay agad siyang tinabihan.
"Hello, anong name mo?" usisa ni Grace.
"Nico Pog–" paputol na sagot ni Nico. "Nico po, ako po si Nico."
Nagpakilala rin sa kanya ang mga ito.
"Nako, huwag mo na kami i-po, halos magka edad lang naman tayo," pakiusap ni Angelica.
"Ikaw ba yung pinsan ni Noah?" tanong ni Steffanie. "Grabe ang guwapo mo rin."
"Yes. Thank you." Tinatawanan na lamang ni Nico ang mga ito at sinasakyan ang kanilang mga komento sa kanya. Ilang minuto silang tahimik nang may biglang itanong ang isa sa kanila.
"May girlfriend ka na?" nakakabasag katahimikang tanong ni Angelica.
"Ay, iba rin," pang-aasar ni Grace.
"Girl agad-agad?" dagdag pa ni Steffanie.
"Hmm, actually–" nauutal na sagot ni Nico.
Nagtatawanan sila ngunit bago pa maituloy ni Nico ang sasabihin niya ay bigla silang tinawag ni Sky papasok. "Guys tara na! Lunch!"
Agad na napatayo at nagsimulang tumakbo ang G.A.S. patungo sa kanilang host. "Oh, Nico tara na. Kakain na tayo," yaya ni Angelica.
Ngunit hindi gumagalaw si Nico sa pwesto nito."Kayo na lang, kakakain ko lang din."
"Sige, if you want, dalhan nalang kita rito," hirit muli ni Angelica.
"Nako, ang harot," pagsaway ni Steffanie sa kaibigan nitong ayaw kumawala sa tabi ni Nico.
Natatawa na lang si Nico sa mga ito. Matapos ang ilan pang magtatarayan ay mabilis silang tumakbo kay Sky na nakatayo sa pinto. Muling ibinaling ni Nico ang mga mata niya sa mga alon. Pagkalipas ng ilang segundo ay nagulat siya nang may biglang anino na biglang sumulpot sa tabi nya. Si Sky ay nakatayo na sa kanyang kanan.
"Uy, tara, kain," nakangiting yaya ni Sky.
"Sige lang pre, kakakain ko lang," pagtanggi ni Nico.
Hinarang ni Nico ang kanyang kamay sa mga mata niya habang nakatingala kay Sky. Nakakasilaw ang malakas na sinag ng araw sa likod ng binatang lumapit sa kanya.
"Para ka namang bata," pang-iinis ni Sky.
"Ha?"
"Tara na, hindi puwede ang maarte rito." Biglang hinila ni Sky ang kamay ni Nico at pinipilit siyang tumayo.
"Huwag mo nga akong hawakan." Umiral ang pagkamaangas ni Nico. "Hindi naman tayo close."
Hinila bigla ni Nico pabalik ang kamay nito. Ngunit mahigpit pa rin ang pagkakahawak sa kanya ni Sky. Dahil sa puwersa ni Nico ay napahiga ito sa buhangin na sinundan ng pagkakadapa ni Sky sa kanya.
Nakapatong si Sky kay Nico habang nakatitig naman si Nico sa mga mata ng binatang kaharap niya. Kasabay ng tunog ng mga alon sa tabi nila, ay ang biglang paglakas na tibok ng kanilang mga puso.
Biglang iniharap ni Nico ang mukha nya sa dagat upang maiwasan ang mga malalagkit na titig ni Sky. Agad ding napatayo si Sky at napatakbo pabalik sa loob ng bahay. Marahang tumayo si Nico at bumalik na rin sa mansyon. Sa labas ay naghihintay si Noah na nakahalukipkip at kanina pa pala sila pinapanood.
"Hey, I saw that," wika ni Noah habang abot tainga ang ngiti nito.
"Saw what?" naiiritang tanong ni Nico habang pinapagpag ang buhangin sa kanyang likuran.
Bigla siyang inakbayan ng kanyang pinsan. "Are you really sure you don't want me to tell you about your future," nakangiting tanong ni Noah.
Marahang inalis ni Nico ang kamay ni Noah at hinarap ito. Magkasalubong na ang kanyang mga kilay at nakakunot ang noo.
"Noah, listen. Don't pile me with you. I don't wanna live my life always expecting for something or for someone. Life will be boring if you'll know what's gonna happen," dire-diretsong sinabi ni Nico. Inikutan niya ng mata si Noah at mabilis na pumasok sa loob
Natulala naman si Noah sa sinabi ng pinsan nya. Mahinang napabulong si Noah sa sarili nito. "Ang dami niyang sinabi. English pa, eh kanina pa siya nag blu-blush."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top